Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 27 Ad
Advertisement

More Related Content

Slideshows for you (20)

Similar to Ang sugnay (20)

Advertisement

Ang sugnay

  1. 1. HALIMBAWA: 1.Humiram si Kris ng lapis para sa pagbuo ng tula. 2.Nang kami ay umakyat sa Bundok Ifugao. 3.Na umakyat sa bundok.
  2. 2. A. Sugnay na Makapag-iisa May paksa at panaguri na buo ang diwang ipinapahayag. Ito ay tinatawag ding punong sugnay. HALIMBAWA: 1.Nakasulat si Zanjoe ng isang mainam na sulatin. 2.Ang kanyang ama ay isang guro. 3.Si Jane ay isang huwarang asawa.
  3. 3. B. Sugnay na di-makapag-iisa May paksa at may panaguri subalit di-buo ang diwang ipinahahayag. HALIMBAWA: 1. Nang kami ay lumuwas ng Maynila 2. Kung darating sila 3. Na umalis kami sa burol 4. Nang mahulog ang bata sa puno 5. Nang bumagtas kami sa liku-likong daan.
  4. 4. Ang sugnay na di-makapag-iisa ay maaaring gumamit ng mga salitang nang, kung, sapagkat, kapag, pag, may mga pangatnig at mga pang- angkop na, -ng at gayundin na pawang mga panghalip pamanggit (relative pronoun) bilang paksa ng sugnay na di makapag-iisa.
  5. 5. A. PANGNGALAN Ang sugnay na di-makapag-iisa ay nasa pangngalang gamit kapag paksa ng pangungusap. HALIMBAWA: 1. Hindi ko alam kung bakit sila nawawala. 2. Kapag di ka naglubay ay lalo kang iiyak. 3. Kung wala kang tiyaga ay di ka magtatagumpay.
  6. 6. B. PANG-URI Pang-uri ang sugnay kapag ang sugnay na di makapag-iisa ay panuring ng pangngalan na pinangungunahan ng panghalip ng pamanggit na na, -ng kung matutumbasan sa Ingles ng mga salitang “who, which and that” HALIMBAWA: 1. Ang Banaue Rice Terraces na binagtas nila ay napakaganda. 2. Ang lalaking dumalaw sa kanila ay kasinatahan ni Kris. 3. Ang dahong nalaglag sa puno ay tinangay ng hangin.
  7. 7. C. PANG-ABAY Nagiging pang-abay ang sugnay kapag ang sugnay na di-makapag-iisa ay panuring ng pandiwa, pang-uri o pang-abay. HALIMBAWA: 1. Kami ay titiwalag na kung sila ay sasanib sa atin. 2. Ang bata ay malungkot kapag wala ang kanyang ina. 3. Sila ay aalis bukas kung nakabili na sila ng ticket.
  8. 8. DALAWANG URI NG PANGUNGUSAP 1. Di-predikatibong pangungusap - ang salita o lipon ng mga salita na walang simuno o panguri ngunit buo ang diwa. 2. Predikatibong pahayag o pangungusap - ito ay may paksa at panaguri. Ang pag-aaral ng pagbuo ng mga pangungusap ay tinatawag na sintaks.
  9. 9. URI NG DI- PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP
  10. 10. 1. Sambitlang panawag Ito ay ang mga sambitlang salita na ginagamit bilang pantawag sa tao. Halimbawa: Kuya! July!
  11. 11. 2. Padamdam Ang mga pahayag na nagsasaad ng damdamin. Halimbawa: Naku po! Aray ko !
  12. 12. 3. Pantawag Ito ay ginagamit sa pagtawag. Halimbawa: Kuwan! Hoy!
  13. 13. 4. Pautos Ginagamit sa pag-uutos. Halimbawa: Takbo! Alis diyan!
  14. 14. 5. Pangkalikasan/Penominal Ito ay mga pangyayaring pangkalikasan na nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot ng tao. Halimabawa: Umuulan. Lumilindol.
  15. 15. 6. Panagot sa Tanong Ito ay mga pahayag na ginagamit bilang panagot sa mga tanong. Halimbawa: Opo. Ayaw ko.
  16. 16. 7. Panahon Ito ang mga pahayag na nagsasaad ng panahon. Halimbawa: Mamaya na. Sa makalawa.
  17. 17. 8. Pagbati/Pormularyo Panlipunan Ito ang mga pahayag o katagang ginagamit sa pagbati. Halimbawa: Magandang umaga po. Kamusta ka?
  18. 18. 9. Pagpapaalam Ito ang mga pangungusap na ginagamit sa pagpapaalam. Halimbawa: Paalam po. Tuloy na po ako.
  19. 19. 10. Pamuling Tanong Ang pangungusap na ito ay ginagamit kung gusto mong ulitin ng inyong kausap ang kanyang sinasabi. Halimbawa: Ano ika mo? Saan nga ba?
  20. 20. 11. Pakiusap Ginagamit ang mga pangungusap na ito ginagamit kung nakikiusap. Halimbawa: Maaari ba? Sige na.
  21. 21. 12. Pampook Ang pangungusap na ito ay ginagamit bilang sagot sa mga tanong kung saan. Halimbawa: Sa RTU. (Sagot sa tanong na Saan ka nag-aaral? ) Sa Baguio. (Sagot sa tanong na Saan ka pupunta.)
  22. 22. 13. Eksistensyal Ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng pagkamayroon o pagkawala. Halimbawa: May tao pa! Wala na.
  23. 23. Salamat sa pakikinig 

×