3. Tatlong Antas ng Wika
2. Ang antas transisyonal
Mama gutom
ako, Kain.
4. Tatlong Antas ng Wika
3. Antas na maunlad ang Wika
- Ganap na maunlad ang kakayahan ng tao sa
paggamit ng wika
5. Gamit ng Wika
1. Interaksiyonal- Gamit ito sa paglikha o pagpapatibay
ng ugnayan sa kapuwa.
Halimbawa:
- Magandang umaga po!
- Kumusta ka na?
- Ingat po kayo.
6. Gamit ng Wika
2. Instrumental – Gamit ito sa pagpapahayag ng mga
pangangailangan o kagustuhang kailangan
matugunan.
Halimbawa:
- Makikiabot po ng bayad.
- Puwede .pong makitawag?
- pahingi po ng isang order ng kanin.
7. Gamit ng Wika
3. Regulatori – Gamit ito sa pagpapahayag ng
mensahe na tila kumokontrol sa kilos ng iba.
Halimbawa:
- Huhulihin ang magbababa at magsasakay sa hindi
awtorisadong lugar.
- Huwag pong magdala ng pekeng mga produkto sa
ibang bansa.
8. Gamit ng Wika
4. Personal- Gamit ito sa pagpapakilala ng identidad o
mga bagay na natatangi sa taong nagsasalita o
sumusulat gaya ng kaniyang damdamin, opinyon, o
saloobin.
Halimbawa:
- Ako iyong tipo ng tao na pasensiyoso. Pero kapag
napuno na, matindi magalit.
- Gusto ko, iyong taong maka- Diyos, iyong paladasal,
at palasimba. Mahalaga kasi sa akin ang panginoon.
9. Gamit ng Wika
5. Imadyinatib- Gamit ng wika upang lumikha ng
mundong kathang-isip.
Halimbawa:
- Ang sarap siguro kung nasa beach ngayon. Kulay asul
ang tubig. Maputi ang buhangin. Tapos umiihip ang
hangin.
10. Gamit ng Wika
6. Impormatib- Gamit ang wika sa pagpapahayag ng
impormayon o kaalaman.
Halimbawa:
- Hindi lahat ng sakit may sintomas. Mayroon ding
tinatawag na asymptomatic o iyong wala kang
ipinapakitang sintomas pero mayroon ka talagang
sakit.
11. Gamit ng Wika
7. Heyuristik- Gamit ang wika upang pag-aralaan ang
kapaligirang ginagalawan at maintindihan ang
realidad.
Halimbawa:
- Ano-ano ang trabadi ng mga kapatid mo?
- Bakit po ninyo nasabing hindi maganda ang
produkto?