Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
kakayahang linggwistika
1. TUNGKULIN NG WIKA
• Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng
wika sa ating buhay at kung paano na mabisang
magagamit ito sa iba’t ibang angkop na sitwasyon.
• Upang magkaroon ng sapat na kakayahang
magamit ang wika
• Upang maipagkaiba ang natatanging papel ng tao
na kaiba sa hayop.
• Upang magamit para sa iba’t ibang larangan ng
pakikipag-ugnayan o mabisang komunikasyon.
2. •Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng wika
sa ating buhay at kung paano na mabisang magagamit
ito sa iba’t ibang angkop na sitwasyon.
• Upang magkaroon ng sapat na kakayahang magamit
ang wika
• Upang maipagkaiba ang natatanging papel ng tao na
kaiba sa hayop.
• Upang magamit para sa iba’t ibang larangan ng
pakikipag-ugnayan o mabisang komunikasyon.
3. Ayon kay Halliday
1. Instrumental -- tugunan ang pangangailangan
2. Regulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao
hal. Pagbibigay ng direksyon
3. Interaksyunal -- paraan ng pakikipagtalakayan
ng tao sa kanyang kapwa.
4.Personal -- pala-palagay o kuro-kuro;
talaarawan at jornal
4. . 5. Imahinatibo -- malikhaing guni-guni ng isang tao sa
paraang pasulat o pasalita.
6. Heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng
impormasyon hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa radyo
7. Impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon sa
paraan pasulat o pasalita hal. Ulat, pamanahunang
tesis, panayam at pagtuturo.
5. Ayon kay Jakobson (2003)
1.Pagpapahayag ng Damdamin (
Emotive) -- palutangin ang karakter ng
nagsasalita.
2. Paghihikayat (conative) -- ginagamit
ang wika upang mag-utos, manghikayat
o magpakilos
6. 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) --
panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
4.Paggamit bilang Sanggunian (referential) --
ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng
pinagmulan ng kaalaman.
7. 5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual) --
ginagamit ang wika sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o
batas.
6. Patalinghaga (poetic) -- masining na paraan
ng pagpapahayag gaya ng panulaan,prosa atbp
10. 1.Instrumental – Ginagamit ang wika ng
tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga
bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin (
manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at
maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga
bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
Halimbawa: Mga bigkas na ginaganap (performative
utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag,
pagpapahayag, pagtaya. Iba pa – pagmumungkahi,
panghihikayat, pagbibigay- panuto, pag-uutos,
pagpilit.
11. Regulatory
Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap
(pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot
ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng
mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng
bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha
at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-
ayon at pag-alalay at pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.
Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para
alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Halimbawa:
pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng
mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa
telepono, pagtatalumpati sa bansa.
12. Heuristic
. Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga
kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para
malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang
mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong
tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. Ang gamit na ito ang
batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika
ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng
daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng
sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito
ng wika ang pormal na edukasyon.
13. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong
nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito.
Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo
ng metalanguage – isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa
wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog,
pantig, kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp.