1. 1
FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________________ PANGKAT: ___________________________
TALAAN NG NILALAMAN
Wika
Ang Wika Ayon sa Ilang Dalubwika
Katangian ng Wika
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Tungkulin ng Wika
Kategorya at Antas ng Wika
Barayti ng Wika
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Iba’t Ibang Uri ng Akdang Pampanitikan
Mga Gawain
Talahanayan ng mga Nakuhang Marka
2. 2
WIKA
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga
kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ang salitang wika o language sa Ingles ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”.
Nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan -
ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon.
Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika at dalubwika naman ang tawag sa mga nag-aaral o mga
dalubhasa sa wika.
Ang wika ayon sa ilang dalubwika:
Henry Gleason - ang wika ay isang masistemang balangkas nang sinasalitang tunog.
San Buenaventura - ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan o imbakan ng kaalaman ng
isang bansa.
Noam Chomsky - ang wika ay isang prosesong mental.
Dell Hymes - ang wika ay isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago sa
kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito.
Michael Halliday - ang wika ay may gamit na instrumental. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na
gusto niyang gawin.
Charles Darwin - nalilikha ang wika dahil sa pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay.
Plato - ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga
kinatawan nito.
3. 3
Nelson Mandela - kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo sa kanyang isip. Kapag kinausap
mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa kanyang puso.
Rene Descartes - hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas
at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't ibang tungkulin
nito sa kaniyang buhay.
Haring Psammatichos - bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba
nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat
makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay
tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro.
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita na bumabagay sa iba pang mga salita upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Ponema – makahulugang tunog ng isang wika
Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng ponema
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga morpema
Pangungusap – pinag-ugnay na mga salita
Sintaksis – makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap
Diskors – makahulugang palitan ng mga pangungusap
4. 4
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Bawat wika ay may
kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog. Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o
di kaya’y may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng isang salita.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Hindi maaaring ipagpilitan ang isang wikang hindi naiintindihan n gating kausap. Upang
maging epektibo ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika.
4. Ang wika ay arbitaryo. Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita ng wikang ginagamit
ng lipunan. Bawat indibidwal ay may sariling katangian, kakayahan at kaalamang hindi katulad sa iba.
5. Ang wika ay ginagamit sapagkat ito ay kasangkapan ng komunikasyon.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Anumang wika ng lipunan ay nasasalamin sa kanilang kultura. Walang wika ang katumbas ng
iba pang wika.
7. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago, nadaragdagan at yumayaman ang wika.
8. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May
katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
9. Ang wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad.
Gaya ng salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [jeepney], [juice] at Kastila [educaćion].
10. Ang wika ay nasusulat. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na
‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.
5. 5
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
Tore ng Babel - Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan
ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat
isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
Bow-wow - maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ding-dong - kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
bagay-bagay sa paligid.
Pooh-pooh - unang natutong magsalita ang mga tao nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin
tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Yo-he-ho - ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Ta-ta - ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi
ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye.
Ta-ra-ra-boom-de-ay – ang wika ay nagmula sa mga iba’t ibang ritwal.
Mama - nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa
una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una
niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
6. 6
TUNGKULIN NG WIKA
1. Interaksyunal - nagpapanatili ng relasyong sosyal.
2. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan.
3. Regulatori - kumukontrol o gumagabay sa kilos o asal ng iba.
4. Personal - nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
5. Imahinatibo - nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
6. Heuristik - naghahanap ng mga impormasyon o datos.
7. Impormatibo - nagbibigay ng mga impormasyon.
KATEGORYA AT ANTAS NG WIKA
1. Pormal – mga salitang istandard, karaniwan o may pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ito ng higit na nakararami
lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Ito rin ay ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na
akademiko o teknikal maging sa mga sanaysay. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak., gumagamit ng bokabularyong mas
komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
panuntunang gramatikal. May dalawang uri ang wikang pormal:
a. Pampanitikan o Panretorika– wikang may malalalim na kahulugan at kadalasan ay kakikitaan ng mga idyoma.
Nangangailangan ng mataas na pag-unawa at kakayahan sa wika. Halimbawa: anak-araw – maputing-maputi
b. Pambansa – ang ating sariling wika, wikang Filipino. Wikang ginagamit sa paaralan, pamahalaan at iba’t ibang opisina.
7. 7
2. Di-Pormal o Impormal – mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Ginagamit
ito sa mga hindi pormal na usapan at nang mg karamihang tao. Simple lang ang bokabularyo nito. May tatlong uri ang wikang di-
pormal:
a. Lalawiganin – wikang ginagamit sa mga lalawigan. Halimbawa sa Cebu ay Cebuano, sa Maynila ay Tagalog.
b. Kolokyal – mga salitang pinaikli, kadalasang ginagamit sa text. Halimbawa: ang ‘ayaw ko’ ay nagiging ‘ayoko’
c. Balbal – ito ay ang mga salitang kanto, hinango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang na buklat sa
lansangan. Ang pinakamababang uri ng wika. Halimbawa: erpat – ama, choks – okay, dedbol – patay
BARAYTI NG WIKA
1. Idyolek - isa kang indibidwal. Unique ang iyong indibidwalidad, kasama na halimbawa ang mukha, fingerprints at pati wika.
Tinatawag itong idyolek dahil pekuliyar ito sa iyong sarili. Maaari, halimbawa, na sa wika mong Filipino ay palagamit ka ng “siya” sa
halip na “ito” sa iyong mga pangungusap. O kaya’y sinisimulan mo ng “bale” ang iyong pangungusap.
2. Dayalek - bahagi sa isang wika ang iyong sinasalita sa lugar o rehiyon. Tinuturing itong dayalek dahil pekuliyar ito sa iyong lugar.
Maaari, halimbawa, nasa wika mong Tagalog ay may dayalek itong palagamit ng ala, e na alam nating lahat ay mula sa Tagalog
Batangas at wala sa Tagalog Metro manila.
3. Sosyolek - miyembro ka ng isang uri ng pangkat. Ang pangkat na ito’y binubuo ng mga taong magkatulad ang antas ng edukasyon,
di nagkakalayo ang income bracket, o magkapareho ang trabaho. Tinatawag itong sosyolek dahil pekuliyar ito sa uring iyong
kinabibilangan. Sa madaling salita, sosyolek ang makauri o makapangkat na paggamit mo sa iyong wika.
8. 8
EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO
Alibata o Baybayin – kauna-unahang alpabeto sa Pilipinas na nagmula sa Arabia. Binubuo ng 17 titik: 3 patinig at 14 katinig.
Abecedario – ito ay isang alpabetong Romano na ipinalit sa alibata at itinuturing na isa sa pinakamahalagang impluwensiya ng mga
Kastila sa mga Pilipino. Binubuo ng 31 titik: 5 patinig at 26 katinig.
9. 9
Alpabetong Ingles – nang matapos ang pananakop ng mga Kastila, humalili naman ang mga Amerikano. Dahil sa ang
pinakamahalagang pokus ng pamahalaang Amerikano ay edukasyon ng mga Pilipino, naging sapilitan ang pag-aaral ng wikang Ingles.
Binubuo ng 26 titik: 5 patinig at 21 katinig.
Abakada – bagong alpabetong binalangkas ni Lope K. Santos kung saan ito ay binubuo ng 20 titik: 15 katinig at 5 patinig.
10. 10
Bagong Alpabetong Filipino – dating Abakada na dinagdagan ng walong titik bilang pagtungon sa pangangailan ng wikang Filipino.
Ang pagbikas nito ay tinatawag nang pa-Ingles maliban sa ñ. Binubuo ng 28 titik: 5 patinig at 23 katinig.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Espanyol ang unang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas nagging dalawa ang wikang ginamit: Ingles at Espanyol.
Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika. Ginamit na ng mga
katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan at mga pakikibaka.
Marso 4, 1899 dumami ang natutong magbasa at magsulat sa wikang kaya ito na ang naging tanging wikang panturo.
1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na.
Pebrero 8, 1935 Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa
wikang pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
11. 11
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano
Pangasinan Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte Tagalog Bikol Ilokano
Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang
paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng
Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na
nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng
lahat ng wika ng Pilipino.
Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-
English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. pagtuturo ng
Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”.
Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang sa layunin ng mga
Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog
ang kanilang itinaguyod.
12. 12
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang Panitikang
nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento,
nobela, at iba pa.
Hunyo 7, 1940 pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog)
simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa
Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay.
Marso 26, 1954, nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955 nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye
ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula
Agosto 13 hanggang 19. (bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama ng Wikang
Pambansa”.
Agosto 13, 1959 inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Oktubre 24, 1967 naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat
ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
Marso 27, 1968 inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang
lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado
ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
13. 13
Hulyo 21, 1978 nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-
uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng
Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.
Pebrero 2, 1987 pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga
sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
1987 pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52
na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
1996 pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1
(Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Hulyo, 1997 nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at
sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
14. 14
PAGSASANAY BLG. 1
WIKA: BARAYTI, KATANGIAN, TEORYA AT TUNGKULIN
PANGALAN: ________________________________________________________________ ISKOR: _______________________
PANGKAT: _________________________________________________________________ PETSA: _______________________
PANUTO: Pakinggang maigi ang katanungan ng guro at isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot sa bawat aytem. Tandaan, anumang
uri ng pagbubura ng sagot ay itinuturing na mali.
Iniwasto ni: _____________________________________________________ Lagda ng magulang: _________________________
Petsa: __________________________________________________________ Petsa: ____________________________________
15. 15
PAGSASANAY BLG. 2
ANTAS NG WIKA
PANGALAN: ________________________________________________________________ ISKOR: _______________________
PANGKAT: _________________________________________________________________ PETSA: _______________________
PANUTO: Punan ng salita ang bawat kahon upang mabuo ang talahanayan ng antas ng wika. Tandaan, anumang uri ng pagbubura ng
sagot ay itinuturing na mali.
Iniwasto ni: _____________________________________________________ Lagda ng magulang: _________________________
Petsa: __________________________________________________________ Petsa: ____________________________________
PAMPANITIKAN PAMBANSA LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL
1. 2.
LINGKURANAN
3. 4.
5. 6. 7.
POR PORITA
8.
TELEPONO
9. 10. 11.
MAKATI ANG
DILA
12. 13. 14. 15.
16. 16
PAGSASANAY BLG. 3
EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO AT KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
PANGALAN: ________________________________________________________________ ISKOR: _______________________
PANGKAT: _________________________________________________________________ PETSA: _______________________
PANUTO: Pakinggang maigi ang katanungan ng guro at isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot sa bawat aytem. Tandaan, anumang
uri ng pagbubura ng sagot ay itinuturing na mali.
Iniwasto ni: _____________________________________________________ Lagda ng magulang: _________________________
Petsa: __________________________________________________________ Petsa: ____________________________________