SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Pagsusuri sa
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
ni
ANDRES BONIFACIO

Panimula
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na
sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para
himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si
Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang
manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang
minamahal na bayan.
May-Akda
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang
mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang
paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay
namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang
kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na
tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa
lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng
Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang
mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay
hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa
kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging
determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at
sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni
Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les
Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at
Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang
pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng
Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng
mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina
Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang
kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay
mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na
niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa;
ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya
sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay
natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang
mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng
malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para
ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros,
Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa
halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo
at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan
bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio
ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at
puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia
ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na
pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang
gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa
kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin,
subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang
gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na
Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon,
Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na
inilarawan sa mga katagang ito:

" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Kayong mga dukhang walang tanging
(lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Kayong antayan na sa kapapasakit
Pagsusuri
Sinulat ang “Pagibig sa Tinubuang Lupa” noong 1896 bago pumutok ang Rebolusyong
1896, at sa mga natitirang araw na mga iyon, kasarinlan para kay Bonifacio ang hindi
maghimagsik. Hindi mo lubos akalain na si Andres Bonifacio na mas kilala natin sa himagsikan
ay makagagawa ng tulang kagaya nito. Sa titulo pa lamang ng tulang ito ay makikita mo na ang
nais ipabatid ng may-akda ang kanyang lubos na pagmamahal sa kanyang kinamulatang lupa,
ginamit niya ang salitang “lupa” na tumutukoy sa ating bansang Pilipinas. Kitang-kita rin ang
pagka-Tagalog ni Bonifacio sa tulang ito. Marahil rehiyonalismo pa ang kaugalian ng mga
Pilipino dahil hindi pa tayo nakakatikim ng kalayaan sa panahong iyon. Bagamat alam ng
karamihan ngayon na ang rehiyonalismo ay sinaunang konsepto dahil isang bansa na tayo,
sikolohiya ng Pilipino gawin pa rin itong tradisyon lalo na sa pagkikiling ng mga kababayan
kumpara sa iba.
Tinukoy sa tula ang salitang “Castilang hamak” na pumapatungkol sa mga sumakop na
Kastila. Ginamit ang tulang ito para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Lubos na
nakaapekto ang paligid na ginagalawan ni Bonifacio upang isulat ang tulag ito. Gumamit siya ng
mga salitang pagka-busabos, kapaitan, kasuklam-suklam at iba pa na tumuko sa kawalang-hiya
ng mga sumakop sa atin. Tila ba naghihingalo ang bansang Pilipinas sa mga ginamit ni Bonifacio
na kataga sa kanyang tula.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Makikita na ang may-akda ay nagsasaad ng mga hinaing sa panahong iyon. Ang
paghihirap ng mga Pilipino ay mariing naiphayag sa tulang ito. Gumamit ng mga salitang
ngaglalarawan sa mga pighating nagyari sa mga Pilipino.
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Inilarawan ni Bonifacio ang mga Kastila na kasuklam-suklam. Dahil na rin sa mga
nangyari kay Andres Bonifacio kaya nailarawan niya ang mga Kastila sa mga ganoong kataga.
Ang tulang ito ay naaangkop sa teoryang historikal sapagkat tinatalakay sa tulang ito ang mga
tunay na pangyayari sa panahon ni Bonifacio.
Maraming mga akdang pampanitikan ang maaaring suriin sa teoryang historical subalit
ang tulang ito ay isa sa mga pinaka-angkop sa yeoryang ito. Maaari din itong suriin sa teoryang
sosyolohikal dahil marami mga kataga o salita na pumatungkol sa paghihirap ng mga Pilipino.
Hindi matatawaran ang mga akdang pampantikan ng ating mga bayani. Ang mga ito ay
nagsisilbing gabay natin upang lubos na malaman ang ating tunay na kasaysayan.

More Related Content

What's hot

Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
Allan Ortiz
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
Nikko Mamalateo
 
Doctrina cristiana e-01
Doctrina cristiana   e-01Doctrina cristiana   e-01
Doctrina cristiana e-01
bowsandarrows
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Hannah Dionela
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Alexis Trinidad
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
Marie Louise Sy
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Karen Fajardo
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
Arlyn Anglon
 

What's hot (20)

Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Doctrina cristiana e-01
Doctrina cristiana   e-01Doctrina cristiana   e-01
Doctrina cristiana e-01
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Urbana at Feliza
Urbana at FelizaUrbana at Feliza
Urbana at Feliza
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng komposition
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalian
 
Mga teorya
Mga teoryaMga teorya
Mga teorya
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
 
Retorika at gramatika
Retorika at gramatikaRetorika at gramatika
Retorika at gramatika
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
MGA ANYO NG PANITIKAN: PANAHON NG MGA KATUTUBO
MGA ANYO NG PANITIKAN: PANAHON NG MGA KATUTUBOMGA ANYO NG PANITIKAN: PANAHON NG MGA KATUTUBO
MGA ANYO NG PANITIKAN: PANAHON NG MGA KATUTUBO
 
Teoryang Romantisismo
Teoryang RomantisismoTeoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 

Viewers also liked (9)

Filipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Filipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang LupaFilipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Filipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Lampoon Writing - Mykel Andrada
Lampoon Writing - Mykel AndradaLampoon Writing - Mykel Andrada
Lampoon Writing - Mykel Andrada
 
Satire+ppt
Satire+pptSatire+ppt
Satire+ppt
 
Andres bonifacio
Andres bonifacioAndres bonifacio
Andres bonifacio
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
 
Pagsusuri sa Tula at Pelikula
Pagsusuri sa Tula at PelikulaPagsusuri sa Tula at Pelikula
Pagsusuri sa Tula at Pelikula
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 

Similar to Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa

Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Eemlliuq Agalalan
 

Similar to Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa (20)

Andres bonifacio
Andres bonifacioAndres bonifacio
Andres bonifacio
 
Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
 
Mga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Mga Kalansay sa Baul ng KasaysayanMga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Mga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
 
Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Kalansay sa Baul ng KasaysayanKalansay sa Baul ng Kasaysayan
Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
 
panahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdfpanahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdf
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Mga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasMga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinas
 
Mgabayaningpilipinas 170818030440
Mgabayaningpilipinas 170818030440Mgabayaningpilipinas 170818030440
Mgabayaningpilipinas 170818030440
 
Filipino kasaysayan ng el fili
Filipino  kasaysayan ng el filiFilipino  kasaysayan ng el fili
Filipino kasaysayan ng el fili
 
Ferdi2 Power
Ferdi2 PowerFerdi2 Power
Ferdi2 Power
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptx
 
Desaparesidos
DesaparesidosDesaparesidos
Desaparesidos
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunan
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptx
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 

More from Rodel Moreno

ACTION-PLAN-THEATER.docx
ACTION-PLAN-THEATER.docxACTION-PLAN-THEATER.docx
ACTION-PLAN-THEATER.docx
Rodel Moreno
 
Dekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : PagsusuriDekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : Pagsusuri
Rodel Moreno
 
Ang pagpapatawad ng buong puso pagsusuri ii
Ang pagpapatawad ng buong puso pagsusuri iiAng pagpapatawad ng buong puso pagsusuri ii
Ang pagpapatawad ng buong puso pagsusuri ii
Rodel Moreno
 
Ang Aking Maikling Kwento
Ang Aking Maikling KwentoAng Aking Maikling Kwento
Ang Aking Maikling Kwento
Rodel Moreno
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa Filipino
Rodel Moreno
 
Teoryang Hermeneutics
Teoryang HermeneuticsTeoryang Hermeneutics
Teoryang Hermeneutics
Rodel Moreno
 
VISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCE
VISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCEVISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCE
VISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCE
Rodel Moreno
 
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideyaFishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Rodel Moreno
 

More from Rodel Moreno (12)

ACTION-PLAN-THEATER.docx
ACTION-PLAN-THEATER.docxACTION-PLAN-THEATER.docx
ACTION-PLAN-THEATER.docx
 
Sa bagong paraiso
Sa bagong paraisoSa bagong paraiso
Sa bagong paraiso
 
Dekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : PagsusuriDekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : Pagsusuri
 
Ang pagpapatawad ng buong puso pagsusuri ii
Ang pagpapatawad ng buong puso pagsusuri iiAng pagpapatawad ng buong puso pagsusuri ii
Ang pagpapatawad ng buong puso pagsusuri ii
 
Ang Aking Maikling Kwento
Ang Aking Maikling KwentoAng Aking Maikling Kwento
Ang Aking Maikling Kwento
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa Filipino
 
Cloze passage
Cloze passageCloze passage
Cloze passage
 
Teoryang Hermeneutics
Teoryang HermeneuticsTeoryang Hermeneutics
Teoryang Hermeneutics
 
Sa bagong paraiso
Sa bagong paraisoSa bagong paraiso
Sa bagong paraiso
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
VISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCE
VISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCEVISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCE
VISUAL SYMBOLS CONE OF EXPERIENCE
 
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideyaFishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
 

Recently uploaded (7)

Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 

Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa

  • 1. Pagsusuri sa PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA ni ANDRES BONIFACIO Panimula Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan. May-Akda Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'. Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng
  • 2. mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito: " Andres Bonifacio Matapang na Tao...." Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
  • 3. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang. Pagpuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula, kumatha’t sumulat, kalakhan din nila’y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. Bakit? Ano itong sakdal nang laki na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal kapangyayari at ginugugulan ng buhay na iwi. Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, siya’y ina’t tangi na kinamulatan ng kawili-wiling liwanag ng araw na nagbibigay init sa lunong katawan. Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol ng simoy ng hanging nagbigay lunas, sa inis na puso na sisinghap-singhap, sa balong malalim ng siphayo’t hirap. Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. hanggang sa katawan ay mapasa-libingan. Ang na nga kapanahon ng aliw, ang inaasahang araw na darating ng pagka-timawa ng mga alipin, liban pa ba sa bayan tatanghalin? At ang balang kahoy at ang balang sanga na parang niya’t gubat na kaaya-aya sukat ang makita’t sasa-ala-ala ang ina’t ang giliw lampas sa saya. Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog bukal sa batisang nagkalat sa bundok malambot na huni ng matuling agos na nakaa-aliw sa pusong may lungkot. Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan! gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay walang ala-ala’t inaasam-asam kundi ang makita’ng lupang tinubuan. Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan waring masarap kung dahil sa Bayan at lalong maghirap, O! himalang bagay, lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. Kung ang bayang ito’y nasa panganib at siya ay dapat na ipagtangkilik ang anak, asawa, magulang, kapatid isang tawag niya’y tatalikdang pilit. Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan ay nilalapastangan at niyuyurakan katwiran, puri niya’t kamahalan ng sama ng lilong ibang bayan. Di gaano kaya ang paghinagpis ng pusong Tagalog sa puring nalait at aling kaluoban na lalong tahimik ang di pupukawin sa paghihimagsik? Saan magbubuhat ang paghihinay sa paghihiganti’t gumugol ng buhay kung wala ring ibang kasasadlakan kundi ang lugami sa ka-alipinan? Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
  • 4. sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop supil ng pang-hampas tanikalang gapos at luha na lamang ang pinaa-agos ng dakilang hangad sa batis ng dibdib muling pabalungit tunay na pag-ibig kusang ibulalas sa bayang piniit. Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay na di-aakayin sa gawang magdamdam pusong naglilipak sa pagka-sukaban na hindi gumagalang dugo at buhay. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak kahoy niyaring buhay na nilant sukat ng bala-balakit makapal na hirap muling manariwa’t sa baya’y lumiyag. Mangyari kayang ito’y masulyap ng mga Tagalog at hindi lumingap sa naghihingalong Inang nasa yapak ng kasuklam-suklam na Castilang hamak. Kayong mga pusong kusang (pugal) ng dagat at bagsik ng ganid na asal, ngayon magbangon’t baya’y itanghal agawin sa kuko ng mga sukaban. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, nasaan ang dugong dapat na ibuhos? bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? at natitilihang ito’y mapanuod. Kayong mga dukhang walang tanging (lasap) kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, ampunin ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay sa pag-asang lubos na kaginhawahan at walang tinamo kundi kapaitan, kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan. Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit) ito’y kapalaran at tunay na langit. Kayong antayan na sa kapapasakit Pagsusuri Sinulat ang “Pagibig sa Tinubuang Lupa” noong 1896 bago pumutok ang Rebolusyong 1896, at sa mga natitirang araw na mga iyon, kasarinlan para kay Bonifacio ang hindi maghimagsik. Hindi mo lubos akalain na si Andres Bonifacio na mas kilala natin sa himagsikan ay makagagawa ng tulang kagaya nito. Sa titulo pa lamang ng tulang ito ay makikita mo na ang nais ipabatid ng may-akda ang kanyang lubos na pagmamahal sa kanyang kinamulatang lupa, ginamit niya ang salitang “lupa” na tumutukoy sa ating bansang Pilipinas. Kitang-kita rin ang pagka-Tagalog ni Bonifacio sa tulang ito. Marahil rehiyonalismo pa ang kaugalian ng mga Pilipino dahil hindi pa tayo nakakatikim ng kalayaan sa panahong iyon. Bagamat alam ng karamihan ngayon na ang rehiyonalismo ay sinaunang konsepto dahil isang bansa na tayo, sikolohiya ng Pilipino gawin pa rin itong tradisyon lalo na sa pagkikiling ng mga kababayan kumpara sa iba. Tinukoy sa tula ang salitang “Castilang hamak” na pumapatungkol sa mga sumakop na Kastila. Ginamit ang tulang ito para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Lubos na nakaapekto ang paligid na ginagalawan ni Bonifacio upang isulat ang tulag ito. Gumamit siya ng mga salitang pagka-busabos, kapaitan, kasuklam-suklam at iba pa na tumuko sa kawalang-hiya
  • 5. ng mga sumakop sa atin. Tila ba naghihingalo ang bansang Pilipinas sa mga ginamit ni Bonifacio na kataga sa kanyang tula. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, nasaan ang dugong dapat na ibuhos? bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? at natitilihang ito’y mapanuod. Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan ay nilalapastangan at niyuyurakan katwiran, puri niya’t kamahalan ng sama ng lilong ibang bayan. Makikita na ang may-akda ay nagsasaad ng mga hinaing sa panahong iyon. Ang paghihirap ng mga Pilipino ay mariing naiphayag sa tulang ito. Gumamit ng mga salitang ngaglalarawan sa mga pighating nagyari sa mga Pilipino. Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop supil ng pang-hampas tanikalang gapos at luha na lamang ang pinaa-agos Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay na di-aakayin sa gawang magdamdam pusong naglilipak sa pagka-sukaban na hindi gumagalang dugo at buhay. Mangyari kayang ito’y masulyap ng mga Tagalog at hindi lumingap sa naghihingalong Inang nasa yapak ng kasuklam-suklam na Castilang hamak. Inilarawan ni Bonifacio ang mga Kastila na kasuklam-suklam. Dahil na rin sa mga nangyari kay Andres Bonifacio kaya nailarawan niya ang mga Kastila sa mga ganoong kataga. Ang tulang ito ay naaangkop sa teoryang historikal sapagkat tinatalakay sa tulang ito ang mga tunay na pangyayari sa panahon ni Bonifacio. Maraming mga akdang pampanitikan ang maaaring suriin sa teoryang historical subalit ang tulang ito ay isa sa mga pinaka-angkop sa yeoryang ito. Maaari din itong suriin sa teoryang sosyolohikal dahil marami mga kataga o salita na pumatungkol sa paghihirap ng mga Pilipino. Hindi matatawaran ang mga akdang pampantikan ng ating mga bayani. Ang mga ito ay nagsisilbing gabay natin upang lubos na malaman ang ating tunay na kasaysayan.