SlideShare a Scribd company logo
1 of 19
Download to read offline
CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan-Modyul 11:
Kakayahang Pragmatiko
Pambungad sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ruben S. Montoya
Editor: Jonathan F. Bernabe
Tagasuri: Elisa N. Lajera, Perlita E. Dela Cruz, Maribeth C. Rieta,
Nerlito M. Del Mundo, Julie Anne V. Vertudes
Tagaguhit: Romdel F. Partoza
Tagalapat: Leonila L. Custodio
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rommel C. Bautista
Galileo L. Go
Randy D. Punzalan
Elpidia B. Bergado
Noel S. Ortega
Maribeth C. Rieta
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan- Modyul 11:
Kakayahang Pragmatiko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Alamin
Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat
mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto:
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita F11WG II f 88
Layunin:
● Natutukoy ang kahulugan ng sitwasyong sinasabi (berbal) at ikinikilos ng
taong kausap (di-berbal) upang mahinuha ang layunin nito
● Nauunawaan ang kahalagahan ng wastong paggamit ng berbal at di-berbal
na pagpapahayag sa pagbibigay ng malinaw na mensahe
● Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita
2 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Subukin
Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at
paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Dumating si Marco na tumatagaktak ang pawis habang haplos ang lalamunan.
a. nagugutom
b. nauuhaw
c. di-makalunok
d. di-makahinga
2. “Hindi kita agad nakita”, banayad na wika ni Rhina.
a. nag-usisa
b. nagdududa
c. nagpapaumanhin
d. nagpapasensiya
3. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan man sumuot…
- Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pagsubok sa buhay
b. problema/suliranin
c. isang laruan
d. pangarap
4. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran
ng lupain mong kawawa.
- Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
a. damdamin
b. pag-ibig sa bayan
c. pagliligtas sa bayan
d. mga pasakit/pagdurusa ng bayan
5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon:
ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng
malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao.
- Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit
a. katakawan
b. kasakiman
c. kabulastugan
d. gahaman sa yaman
3 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
6. Ang pinunong may takot sa Diyos at marunong magpakumbaba at sa halip
ang kapakanan ng taong kanyang nasasakupan ang isinasaisip ay isang
mahusay na pinuno.
a. duwag
b. matulungin
c. mahabagin
d. may pananampalataya
7. Binibigyan kita ng karunungang walang kapantay maging sa mga nauna,
maging sa susunod pa sa iyo. At bibigyan kita ng mga bagay na hindi mo
hinihingi; kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa
tanang buhay mo.
a. dunong
b. kaligtasan
c. kapayapaan
d. kaluwalhatian
8. Kaya nga mas mabuti pa minsan na ikaw ay isang bulag, pipi at bingi na
lamang.
a. pakialamero
b. mapagkunwari
c. mapagpanggap
d. walang pakialam
9. Huwag ka munang magbunyi sapagkat hindi pa tapos ang laban, alam mo
namang marami pa ang maaaring mangyari pagdating sa huling minuto ng
laro.
a. Ipagdiwang ang nalalapit na tagumpay
b. Kitang-kita na ang panalo, dapat nang magsaya
c. Huwag na munang magsaya hindi pa tapos ang laban.
d. Huwag magpakatiwala, sapagkat marami pa ang maaaring mangyari.
10. “At kayo na nakaupo, subukan nyo namang tumayo upang matanaw ninyo ang
tunay na kalagayan ko”.
- Gloc 9
a. guro
b. doctor
c. politiko
d. nag-oopisina
11. “Kapag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw”.
a. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
b. Ang taong masalita ay maraming nalalaman.
c. Ang taong hindi masalita ang totoong may malawak na kaalaman.
d. Huwag kang maliligo kapag ang ilog ay malabo ang tubig at mababaw.
4 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
12. “Hayaan mong paghilumin ng panahon ang sakit na iyong mararamdaman”.
Ang pahayag ay nangangahulugan ng:
a. Matutong magpatawad
b. Ang sakit ay lumalaganap tuwing masama ang panahon
c. Kusang nawawala ang galit o poot sa paglipas ng panahon
d. May malaking kaugnayan ang lagay ng panahon sa iyong nararamdaman
13. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto niyo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang
kulay, kung may laso o bulaklak.”
-Fanny Garcia, Sandaang Damit
a. Pagtutol
b. Panunuya
c. Paniniyak
d. Pagpapaliwanag
14. Hindi ko na ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay.
At sa halip nito’y ibig ko na lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman.
- David T. Mamaril, Lupa at Halaman
a. Pagtutol
b. Panunuya
c. Paniniyak
d. Pagpapaliwanag
15. Nakalaan akong maglamay: lupa ang simula ng lahat ng bagay, diyan din
sisibol ang binhi ng bagong pag-asa at buhay.
- Amado V. Hernandez, Lupa.
a. Pagtutol
b. Panunuya
c. Paniniyak
d. Pagpapaliwanag
5 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Aralin
11 Kakayahang Pragmatiko
Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng kahulugan
sa mga salita batay sa sitwasyon. Paghihinuha sa layunin o pakay ng kausap na
may mahalaga upang maging maayos ang relasyon ng kausap at kinakausap.
Balikan
Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng
paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:
1. kausap
2. pina-uusapan
3. lugar
4. panahon
5. layunin
Tuklasin
Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng
usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at
ikinikilos ng usapan, kung gayon ang pagsusuri sa kahulugan ng mga salita sa
kantang “Upuan” ni Gloc9 ay magpapaliwanag tungkol dito.
Mga Tala para sa Guro
Matapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga
mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul
6 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Pahiwatig Literal na Kahulugan
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob
ng malaking bahay at malawak na
bakuran.
Ang tinutukoy ay opisina o lugar kung
saan nagtatrabaho ang mga politiko,
maaring munisipyo, kapitolyo o Palasyo
ng Malacanang
Wala namang kasal pero marami ang
naka-barong
Mga guwardiya na ang suot ay barong
Mga plato't kutsara na hindi kilala
ang tutong
Mga magaganda o mamahaling
kagamitan sa ibang salita ay
pangmayaman
Ang kakayahang magbigay ng wastong kahulugan sa gamit ng salita at paraan
kung paano unawain ang konteksto nito sa pahayag ay ang tinatawag na
Kakayahang Pragmatiko.
Upang masubok ang kakayahan mo ukol dito, ipagpatuloy ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang may salungguhit mula sa teksto.
Pahiwatig Literal na Kahulugan
1. kahit na hindi Pasko sa lamesa ay may
hamon
2. Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
3. Subukan n’yo namang tumayo
Sipi mula sa kantang
“Upuan” ni Gloc9
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka-pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka-barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na nakaupo,
Subukan n’yo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na n’yo
Ang tunay na kalagayan ko.
7 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Suriin
Basahin at suriin ang mga salita at paraan ng paggamit ng salita sa awit, upang
mahinuha ang kahulugan nito. Gawin ang gawain at sagutin ang mga katanungan
sa ibaba.
Paruparong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya
May suklay pa man din
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar
At mananalamin
At tsaka lalakad nang pakendeng-kendeng
Paru-parong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
a. Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang paruparong bukid sa una,
ikalawa at ikatlong stanza?
Mga Salitang Naglalarawan sa
Paruparo
Nabuong Imahe batay sa
Pagkakagamit ng Salita
Unang Stanza:
Ikalawang Stanza:
Ikatlong Stanza:
b. Matapos na naitala ang mga salitang naglalarawan tungkol sa paruparo at
maibigay ang nabuong imahe batay sa paglalarawan, mahihinuha mo ba kung
ano/sino ang Paruparo? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
8 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
c. Ano ang layunin ng mga salitang ginamit sa awit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
d. Mula sa iyong mga kasagutan, ano ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Pagyamanin
A. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Kailangan na nating (walisin, walisan) ang mga nahulog na tuyong dahon.
Huwag din nating kalimutang (walisin, walisan) ang likod-bahay.
2. “Nay, huwag mo akong (iwan, iwanan), wala akong kasama rito eh. Pero kung
kailangan mo talagang umalis, (iwan, iwanan) mo ako ng pera”.
3. Nagmamadali siyang pumanhik sa (hagdan, hagdanan) upang tanawin sa
bintana ang papaalis na kasintahan. Pagkatapos, malungkot siyang naupo sa
may (hagdan, hagdanan).
B. Bumuo ng mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita at
paraan ng paggamit nitó sa mga usapan batay sa mga sumusunod na sitwasyon.
Sitwasyon 1: Gagamitin sa pangungusap ang salitang “umuwi ka na” bílang
pagtaboy.
Pangungusap 1.1: “Umuwi ka na, kanina ka pa inom nang inom, daig mo pa
ang mauubusan ng alak.”
Sitwasyon 2: Gagamitin ang salitang “umuwi ka na” na may layuning
humikayat.
Pangungusap 2.1: ____________________________________________________
Sitwasyon 3: Paggamit ng salitang kanser bílang mahina o pabuhat sa larong
ML.
Pangungusap 3.1: “Nakakayamot ka naman, pare, isa kang kanser, talo tuloy
táyo sa laro.”
Sitwasyon 4: Paggamit ng salitang kanser na tumutukoy sa isang
karamdaman.
Pangungusap 4.1: ___________________________________________________
9 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Isaisip
Kakayahang Pragmatiko
Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng
usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi (berbal), di-sinasabi
(di-berbal) at ikinikilos ng usapan. Ito’y kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap,
magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at
pagpapadaloy ng usapan.
Ayon kay Jocson (2016), ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng
dalawang bahagi: kung ano ang sinasabi at kung ano ang ipinahihiwatig (implied o
implicative).
Halimbawa:
1. “Ay naku, naiwan pala ang wallet ko”
Pagsusuri:
May kahulugang pragmatiko na gustong magpalibre o mangungutang.
2. Dinampot ang bulaklak sa mesa, bahagyang inamoy, binasa ang nakasulat sa
maliit na papel, at napangiti.
Pagsusuri:
May kahulugang pragmatiko na nagustuhan ang nagbigay at ang ibinigay.
Ang kakayahang pragmatiko ay maaaring:
a. Berbal – sinasabi gamit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan
upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan.
Halimbawa:
“Naiinis ako sa sinabi niya”, ayoko munang makipag-usap.
.
b. Di-berbal- di ginagamitan ang salita at sa halip ay ipinakikita sa ekspresyon ng
mukha, kumpas at galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng
pagpapahayag.
Halimbawa.
Umirap siya sa sinabi at biglang tumalikod sa kausap.
10 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Isagawa
Ibigay ang iyong paghihinuha sa nais ipabatid na mensahe ng ating mahal na
kalihim.
https://www.youtube.com/watch?v=j2d-QP4d5Z4
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
10 Puntos 4 Puntos 2 Puntos
Malinaw na
nabibigyang hinuha
ang kahulugan ng
mga salita at pahayag
Malinaw na
nabibigyang hinuha
ang kahulugan ng
mga salita at
pahayag subalit may
kaunting paglihis sa
kahulugan
Hindi gaanong
nabibigyang
linaw ang
pagbibigay
hinuha sa
pahayag
Tayahin
Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at
paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. “Mas mapapadali sana ang paggawa ng saliksik kung pagsasama-samahin
natin ang ating kaalaman at mga kagamitan”.
a. Nais maghanap ng mga sasagot sa maaring gagastusin
b. Nagpapahiwatig na pangkatan ang pagsasagawa ng pananaliksik
c. Nagpaparinig na makabubuti kung magtutulungan ang bawat miyembro
d. Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ay matitiyak ang kasiyahan
sa bawat isa
11 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
2. “Nagkasabay-sabay na ang mga gawain, hindi ko na alam ang uunahin, pero
madali lang naman sana ang saliksik, ang problema lang talaga ilang araw lang
at ipapasa na kaagad”.
a. Hindi alam ang uunahin
b. Nagrereklamo sa sabay-sabay na pagbibigay ng gawain
c. Naiinip at gustong matapos kaagad ang ginagawang riserts
d. Gustong humiling nang mas mahabang oras sa pagsasagawa ng
pananaliksik
3. “Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo
masarap ang kape d’yan sa labasan.”
a. Masarap ang kape sa labasan
b. Nais na magpalibre ng kape sa labasan
c. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan
d. Pinamamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry
4. Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa mga
kantang maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood sa sinehan,
ayaw ko ring sumakay sa motor, pero bakit ngayon ginagawa ko na ang lahat
nang iyon kapag kasama ko siya?
a. Dahil masaya siyang kasama c. Gusto n’ya lang na may kasama
b. Maaaring mahal n’ya na ito d. Ayaw n’ya na mapahiwalay dito
5. “Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain.”
a. Busog pa siya.
b. Nahihiya s’yang kumain.
c. Galit siya sa nagyayang kumain.
d. Mas maiging magtiis sa gutom, kaysa masabihan ng patay-gutom.
6. Bawal ang utang, bukas na lang.
a. Hindi nagpapautang
b. Bawal ang utang ngayon, bukas pwede
c. Ipinagbabawal ang hindi pagbabayad sa utang
d. Kapag nagbayad ka ngayon, bukas pwede ka na namang mangutang
7. “Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang balik. Ang pag-ibig sa kapwa
ang pagpapakita ng totoong pagmamahal ng tao sa Diyos.” Ang maaring
nagsasalita ay isang__________________
a. Guro c. Kaibigan
b. Pari d. Magulang
8. Halos nagtutungayaw at hindi magkamayaw ang ina sa paggawa.
a. Nagagalit c. Abalang-abala
b. Nag-iisip d. Nagpapahinga
9. Parang binagsakan ako ng langit ng mabalitaan kong pumanaw na ang
aking ina. Halos hindi ko na alam ang aking gagawin.
a. Pagtugon sa pangangailangan
b. Layunin ng pahayag na ilarawan ang pangyayari sa malikhaing paraan
c. Layunin ng pahayag na magpahayag ng sariling damdamin o opinyon
d. May layuning magpatatag at magpanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao
12 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
10. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya
lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.”
- Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?
a. Pagtutol c. Paniniyak
b. Panunuya d. Pagpapaliwanag
11. “Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing
pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong
pitaka.”
-Benjamin P. Pascual, Ang Kalupi
a. Pagtutol c. Paniniyak
b. Panunuya d. Pagpapaliwanag
12. “May dalawang oras na yata tayong naglalakad a, baka hindi natin nalalaman,
e, nasa Siberia na tayo.”
-Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon
a. Pagtutol c. Paniniyak
b. Panunuya d. Pagpapaliwanag
13. Ako’y isang sirena kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda.
- Gloc9, Sirena
a. Bakla c. Miss Universe
b. Busina d. Taong may kaliskis
14. Amoy-tsiko ang drayber kaya hindi siya pinayagang magmaneho.
a. Lasing ang drayber c. May dalang tsiko ang drayber
b. May putok ang drayber d. May kakaibang amoy ang drayber
15. Para ng halamang lumaki sa tubig, daho'y nalalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init; gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.
a. Dapat ibigay ang kagustuhan ng bata hangga’t bata pa.
b. Laging diligin ang halaman, at nalalanta sa sikat ng araw
c. Huwag palakihing bigay-hilig ang bata upang lumaking madiskarte
d. Malalakas at matatatag ang mga batang pinalaki ng magulang na sunod
ang gusto
Karagdagang Gawain
Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul.
Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong
kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na ang pagbuo ng kritikal na
sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong
sosyal at kultural sa Pilipinas.
13 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
B
2.
C
3.
A
4.
D
5.
D
6.
D
7.
A
8.
D
9.
D
10.
C
11.
C
12.
C
13.
D
14.
D
15.
D
Pagyamanin:
1.
walisin,
walisan
2.
iwan,
iwanan
3.
hagdan,
hagdanan
Sa
letrang
B,
batay
sa
paggamit
ng
mga
salita
sa
pangungusap.
Tayahin
1.
B
2.
D
3.
B
4.
B
5.
B
6.
A
7.
B
8.
A
9.
B
10.
A
11.
C
12.
B
13.
A
14.
A
15.
C
14 CO_Q2_KPWKP SHS
Module 11
Sanggunian
De Laza, Crizel.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Rex Book Store
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *
blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

MIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdf
MIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdfMIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdf
MIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdf
EricAntonio9
 
ICT For advocacy and Developmental Communication
ICT For advocacy and Developmental CommunicationICT For advocacy and Developmental Communication
ICT For advocacy and Developmental Communication
Deoky5799
 
Conative, informative at labeling na gamit ng wika
Conative, informative at labeling na gamit ng wikaConative, informative at labeling na gamit ng wika
Conative, informative at labeling na gamit ng wika
Hanna Elise
 
INFORMATION & MEDIA LITERACY
INFORMATION & MEDIA LITERACYINFORMATION & MEDIA LITERACY
INFORMATION & MEDIA LITERACY
Padmavati Tubachi
 
Media and information literacy first lecture
Media and information literacy first lectureMedia and information literacy first lecture
Media and information literacy first lecture
Nor-ain Ali
 

What's hot (20)

DLL ORAL WEEK 1.docx
DLL ORAL WEEK 1.docxDLL ORAL WEEK 1.docx
DLL ORAL WEEK 1.docx
 
Empowerment Technology - Learning Content
Empowerment Technology -  Learning ContentEmpowerment Technology -  Learning Content
Empowerment Technology - Learning Content
 
Traditional Media (Media Theory) and New Media
Traditional Media (Media Theory) and New MediaTraditional Media (Media Theory) and New Media
Traditional Media (Media Theory) and New Media
 
MIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdf
MIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdfMIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdf
MIL_Q1_M2_Introduction-to-Media-and-Information-Literacy (1).pdf
 
Emp Tech 1 introduction
Emp Tech 1 introductionEmp Tech 1 introduction
Emp Tech 1 introduction
 
Media and information literacy-1.pptx
Media and information literacy-1.pptxMedia and information literacy-1.pptx
Media and information literacy-1.pptx
 
Legal, Ethical and Societal Issues in Media and Information - Media and Infor...
Legal, Ethical and Societal Issues in Media and Information - Media and Infor...Legal, Ethical and Societal Issues in Media and Information - Media and Infor...
Legal, Ethical and Societal Issues in Media and Information - Media and Infor...
 
The Power of Media and Information
The Power of Media and InformationThe Power of Media and Information
The Power of Media and Information
 
1. introduction to mil (part 1) communication, media, information, and techn...
1. introduction to mil (part 1)  communication, media, information, and techn...1. introduction to mil (part 1)  communication, media, information, and techn...
1. introduction to mil (part 1) communication, media, information, and techn...
 
media and information individual mark gil nicolas
media and information individual mark gil nicolasmedia and information individual mark gil nicolas
media and information individual mark gil nicolas
 
ICT For advocacy and Developmental Communication
ICT For advocacy and Developmental CommunicationICT For advocacy and Developmental Communication
ICT For advocacy and Developmental Communication
 
Conative, informative at labeling na gamit ng wika
Conative, informative at labeling na gamit ng wikaConative, informative at labeling na gamit ng wika
Conative, informative at labeling na gamit ng wika
 
1.media and information literacy (mil)
1.media and information literacy (mil)1.media and information literacy (mil)
1.media and information literacy (mil)
 
Daily Lesson Log in MIL Week 5.docx
Daily Lesson Log in MIL Week 5.docxDaily Lesson Log in MIL Week 5.docx
Daily Lesson Log in MIL Week 5.docx
 
INFORMATION & MEDIA LITERACY
INFORMATION & MEDIA LITERACYINFORMATION & MEDIA LITERACY
INFORMATION & MEDIA LITERACY
 
Media and information literacy first lecture
Media and information literacy first lectureMedia and information literacy first lecture
Media and information literacy first lecture
 
B 05 functions of communication and media
B 05 functions of communication and media B 05 functions of communication and media
B 05 functions of communication and media
 
The Evolution of Traditional to New Media
The Evolution of Traditional to New MediaThe Evolution of Traditional to New Media
The Evolution of Traditional to New Media
 
Introduction to Media and Information Literacy
Introduction to Media and Information LiteracyIntroduction to Media and Information Literacy
Introduction to Media and Information Literacy
 
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
Conative, informative at labeling na gamit ng WikaConative, informative at labeling na gamit ng Wika
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
 

Similar to KPWKP_Q2_Mod11_Kakayahang-Pragmatiko_v2.pdf

Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
rufinodelacruz3
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
LizellRagasa
 

Similar to KPWKP_Q2_Mod11_Kakayahang-Pragmatiko_v2.pdf (20)

KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdfKPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptxQ1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
Fil3 m2 (1)
Fil3 m2 (1)Fil3 m2 (1)
Fil3 m2 (1)
 
Fil3 m2
Fil3 m2Fil3 m2
Fil3 m2
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdfKom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 

Recently uploaded

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
PaulineMae5
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
EugeneBarona1
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
junielleomblero
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 

Recently uploaded (20)

Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 

KPWKP_Q2_Mod11_Kakayahang-Pragmatiko_v2.pdf

  • 1. CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan-Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko
  • 2. Pambungad sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ruben S. Montoya Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Elisa N. Lajera, Perlita E. Dela Cruz, Maribeth C. Rieta, Nerlito M. Del Mundo, Julie Anne V. Vertudes Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Job S. Zape, Jr. Ramonito O. Elumbaring Reicon C. Condes Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Galileo L. Go Randy D. Punzalan Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Maribeth C. Rieta
  • 3. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan- Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko
  • 4. Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Alamin Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod: Kasanayang Pampagkatuto: Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita F11WG II f 88 Layunin: ● Natutukoy ang kahulugan ng sitwasyong sinasabi (berbal) at ikinikilos ng taong kausap (di-berbal) upang mahinuha ang layunin nito ● Nauunawaan ang kahalagahan ng wastong paggamit ng berbal at di-berbal na pagpapahayag sa pagbibigay ng malinaw na mensahe ● Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita
  • 6. 2 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Subukin Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Dumating si Marco na tumatagaktak ang pawis habang haplos ang lalamunan. a. nagugutom b. nauuhaw c. di-makalunok d. di-makahinga 2. “Hindi kita agad nakita”, banayad na wika ni Rhina. a. nag-usisa b. nagdududa c. nagpapaumanhin d. nagpapasensiya 3. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan man sumuot… - Ildefonso Santos, Ang Guryon a. pagsubok sa buhay b. problema/suliranin c. isang laruan d. pangarap 4. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa. - Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan a. damdamin b. pag-ibig sa bayan c. pagliligtas sa bayan d. mga pasakit/pagdurusa ng bayan 5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao. - Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit a. katakawan b. kasakiman c. kabulastugan d. gahaman sa yaman
  • 7. 3 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 6. Ang pinunong may takot sa Diyos at marunong magpakumbaba at sa halip ang kapakanan ng taong kanyang nasasakupan ang isinasaisip ay isang mahusay na pinuno. a. duwag b. matulungin c. mahabagin d. may pananampalataya 7. Binibigyan kita ng karunungang walang kapantay maging sa mga nauna, maging sa susunod pa sa iyo. At bibigyan kita ng mga bagay na hindi mo hinihingi; kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo. a. dunong b. kaligtasan c. kapayapaan d. kaluwalhatian 8. Kaya nga mas mabuti pa minsan na ikaw ay isang bulag, pipi at bingi na lamang. a. pakialamero b. mapagkunwari c. mapagpanggap d. walang pakialam 9. Huwag ka munang magbunyi sapagkat hindi pa tapos ang laban, alam mo namang marami pa ang maaaring mangyari pagdating sa huling minuto ng laro. a. Ipagdiwang ang nalalapit na tagumpay b. Kitang-kita na ang panalo, dapat nang magsaya c. Huwag na munang magsaya hindi pa tapos ang laban. d. Huwag magpakatiwala, sapagkat marami pa ang maaaring mangyari. 10. “At kayo na nakaupo, subukan nyo namang tumayo upang matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko”. - Gloc 9 a. guro b. doctor c. politiko d. nag-oopisina 11. “Kapag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw”. a. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo. b. Ang taong masalita ay maraming nalalaman. c. Ang taong hindi masalita ang totoong may malawak na kaalaman. d. Huwag kang maliligo kapag ang ilog ay malabo ang tubig at mababaw.
  • 8. 4 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 12. “Hayaan mong paghilumin ng panahon ang sakit na iyong mararamdaman”. Ang pahayag ay nangangahulugan ng: a. Matutong magpatawad b. Ang sakit ay lumalaganap tuwing masama ang panahon c. Kusang nawawala ang galit o poot sa paglipas ng panahon d. May malaking kaugnayan ang lagay ng panahon sa iyong nararamdaman 13. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto niyo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.” -Fanny Garcia, Sandaang Damit a. Pagtutol b. Panunuya c. Paniniyak d. Pagpapaliwanag 14. Hindi ko na ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay. At sa halip nito’y ibig ko na lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman. - David T. Mamaril, Lupa at Halaman a. Pagtutol b. Panunuya c. Paniniyak d. Pagpapaliwanag 15. Nakalaan akong maglamay: lupa ang simula ng lahat ng bagay, diyan din sisibol ang binhi ng bagong pag-asa at buhay. - Amado V. Hernandez, Lupa. a. Pagtutol b. Panunuya c. Paniniyak d. Pagpapaliwanag
  • 9. 5 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Aralin 11 Kakayahang Pragmatiko Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita batay sa sitwasyon. Paghihinuha sa layunin o pakay ng kausap na may mahalaga upang maging maayos ang relasyon ng kausap at kinakausap. Balikan Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa: 1. kausap 2. pina-uusapan 3. lugar 4. panahon 5. layunin Tuklasin Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at ikinikilos ng usapan, kung gayon ang pagsusuri sa kahulugan ng mga salita sa kantang “Upuan” ni Gloc9 ay magpapaliwanag tungkol dito. Mga Tala para sa Guro Matapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul
  • 10. 6 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Pahiwatig Literal na Kahulugan Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng malaking bahay at malawak na bakuran. Ang tinutukoy ay opisina o lugar kung saan nagtatrabaho ang mga politiko, maaring munisipyo, kapitolyo o Palasyo ng Malacanang Wala namang kasal pero marami ang naka-barong Mga guwardiya na ang suot ay barong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong Mga magaganda o mamahaling kagamitan sa ibang salita ay pangmayaman Ang kakayahang magbigay ng wastong kahulugan sa gamit ng salita at paraan kung paano unawain ang konteksto nito sa pahayag ay ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko. Upang masubok ang kakayahan mo ukol dito, ipagpatuloy ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may salungguhit mula sa teksto. Pahiwatig Literal na Kahulugan 1. kahit na hindi Pasko sa lamesa ay may hamon 2. Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan 3. Subukan n’yo namang tumayo Sipi mula sa kantang “Upuan” ni Gloc9 Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka-pilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka-barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Kayo po na nakaupo, Subukan n’yo namang tumayo, At baka matanaw, at baka matanaw na n’yo Ang tunay na kalagayan ko.
  • 11. 7 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Suriin Basahin at suriin ang mga salita at paraan ng paggamit ng salita sa awit, upang mahinuha ang kahulugan nito. Gawin ang gawain at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Paruparong Bukid Paruparong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daan papaga-pagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad May payneta pa siya May suklay pa man din Nagwas de-ohetes ang palalabasin Haharap sa altar At mananalamin At tsaka lalakad nang pakendeng-kendeng Paru-parong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daan papaga-pagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad a. Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang paruparong bukid sa una, ikalawa at ikatlong stanza? Mga Salitang Naglalarawan sa Paruparo Nabuong Imahe batay sa Pagkakagamit ng Salita Unang Stanza: Ikalawang Stanza: Ikatlong Stanza: b. Matapos na naitala ang mga salitang naglalarawan tungkol sa paruparo at maibigay ang nabuong imahe batay sa paglalarawan, mahihinuha mo ba kung ano/sino ang Paruparo? Bakit? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________
  • 12. 8 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 c. Ano ang layunin ng mga salitang ginamit sa awit? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ d. Mula sa iyong mga kasagutan, ano ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Pagyamanin A. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. Kailangan na nating (walisin, walisan) ang mga nahulog na tuyong dahon. Huwag din nating kalimutang (walisin, walisan) ang likod-bahay. 2. “Nay, huwag mo akong (iwan, iwanan), wala akong kasama rito eh. Pero kung kailangan mo talagang umalis, (iwan, iwanan) mo ako ng pera”. 3. Nagmamadali siyang pumanhik sa (hagdan, hagdanan) upang tanawin sa bintana ang papaalis na kasintahan. Pagkatapos, malungkot siyang naupo sa may (hagdan, hagdanan). B. Bumuo ng mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita at paraan ng paggamit nitó sa mga usapan batay sa mga sumusunod na sitwasyon. Sitwasyon 1: Gagamitin sa pangungusap ang salitang “umuwi ka na” bílang pagtaboy. Pangungusap 1.1: “Umuwi ka na, kanina ka pa inom nang inom, daig mo pa ang mauubusan ng alak.” Sitwasyon 2: Gagamitin ang salitang “umuwi ka na” na may layuning humikayat. Pangungusap 2.1: ____________________________________________________ Sitwasyon 3: Paggamit ng salitang kanser bílang mahina o pabuhat sa larong ML. Pangungusap 3.1: “Nakakayamot ka naman, pare, isa kang kanser, talo tuloy táyo sa laro.” Sitwasyon 4: Paggamit ng salitang kanser na tumutukoy sa isang karamdaman. Pangungusap 4.1: ___________________________________________________
  • 13. 9 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Isaisip Kakayahang Pragmatiko Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi (berbal), di-sinasabi (di-berbal) at ikinikilos ng usapan. Ito’y kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan. Ayon kay Jocson (2016), ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang bahagi: kung ano ang sinasabi at kung ano ang ipinahihiwatig (implied o implicative). Halimbawa: 1. “Ay naku, naiwan pala ang wallet ko” Pagsusuri: May kahulugang pragmatiko na gustong magpalibre o mangungutang. 2. Dinampot ang bulaklak sa mesa, bahagyang inamoy, binasa ang nakasulat sa maliit na papel, at napangiti. Pagsusuri: May kahulugang pragmatiko na nagustuhan ang nagbigay at ang ibinigay. Ang kakayahang pragmatiko ay maaaring: a. Berbal – sinasabi gamit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan. Halimbawa: “Naiinis ako sa sinabi niya”, ayoko munang makipag-usap. . b. Di-berbal- di ginagamitan ang salita at sa halip ay ipinakikita sa ekspresyon ng mukha, kumpas at galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng pagpapahayag. Halimbawa. Umirap siya sa sinabi at biglang tumalikod sa kausap.
  • 14. 10 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Isagawa Ibigay ang iyong paghihinuha sa nais ipabatid na mensahe ng ating mahal na kalihim. https://www.youtube.com/watch?v=j2d-QP4d5Z4 Rubriks sa Pagmamarka Pamantayan Puntos 10 Puntos 4 Puntos 2 Puntos Malinaw na nabibigyang hinuha ang kahulugan ng mga salita at pahayag Malinaw na nabibigyang hinuha ang kahulugan ng mga salita at pahayag subalit may kaunting paglihis sa kahulugan Hindi gaanong nabibigyang linaw ang pagbibigay hinuha sa pahayag Tayahin Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. “Mas mapapadali sana ang paggawa ng saliksik kung pagsasama-samahin natin ang ating kaalaman at mga kagamitan”. a. Nais maghanap ng mga sasagot sa maaring gagastusin b. Nagpapahiwatig na pangkatan ang pagsasagawa ng pananaliksik c. Nagpaparinig na makabubuti kung magtutulungan ang bawat miyembro d. Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ay matitiyak ang kasiyahan sa bawat isa
  • 15. 11 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 2. “Nagkasabay-sabay na ang mga gawain, hindi ko na alam ang uunahin, pero madali lang naman sana ang saliksik, ang problema lang talaga ilang araw lang at ipapasa na kaagad”. a. Hindi alam ang uunahin b. Nagrereklamo sa sabay-sabay na pagbibigay ng gawain c. Naiinip at gustong matapos kaagad ang ginagawang riserts d. Gustong humiling nang mas mahabang oras sa pagsasagawa ng pananaliksik 3. “Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo masarap ang kape d’yan sa labasan.” a. Masarap ang kape sa labasan b. Nais na magpalibre ng kape sa labasan c. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan d. Pinamamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry 4. Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa mga kantang maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood sa sinehan, ayaw ko ring sumakay sa motor, pero bakit ngayon ginagawa ko na ang lahat nang iyon kapag kasama ko siya? a. Dahil masaya siyang kasama c. Gusto n’ya lang na may kasama b. Maaaring mahal n’ya na ito d. Ayaw n’ya na mapahiwalay dito 5. “Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain.” a. Busog pa siya. b. Nahihiya s’yang kumain. c. Galit siya sa nagyayang kumain. d. Mas maiging magtiis sa gutom, kaysa masabihan ng patay-gutom. 6. Bawal ang utang, bukas na lang. a. Hindi nagpapautang b. Bawal ang utang ngayon, bukas pwede c. Ipinagbabawal ang hindi pagbabayad sa utang d. Kapag nagbayad ka ngayon, bukas pwede ka na namang mangutang 7. “Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang balik. Ang pag-ibig sa kapwa ang pagpapakita ng totoong pagmamahal ng tao sa Diyos.” Ang maaring nagsasalita ay isang__________________ a. Guro c. Kaibigan b. Pari d. Magulang 8. Halos nagtutungayaw at hindi magkamayaw ang ina sa paggawa. a. Nagagalit c. Abalang-abala b. Nag-iisip d. Nagpapahinga 9. Parang binagsakan ako ng langit ng mabalitaan kong pumanaw na ang aking ina. Halos hindi ko na alam ang aking gagawin. a. Pagtugon sa pangangailangan b. Layunin ng pahayag na ilarawan ang pangyayari sa malikhaing paraan c. Layunin ng pahayag na magpahayag ng sariling damdamin o opinyon d. May layuning magpatatag at magpanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao
  • 16. 12 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 10. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.” - Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba? a. Pagtutol c. Paniniyak b. Panunuya d. Pagpapaliwanag 11. “Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.” -Benjamin P. Pascual, Ang Kalupi a. Pagtutol c. Paniniyak b. Panunuya d. Pagpapaliwanag 12. “May dalawang oras na yata tayong naglalakad a, baka hindi natin nalalaman, e, nasa Siberia na tayo.” -Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon a. Pagtutol c. Paniniyak b. Panunuya d. Pagpapaliwanag 13. Ako’y isang sirena kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda. - Gloc9, Sirena a. Bakla c. Miss Universe b. Busina d. Taong may kaliskis 14. Amoy-tsiko ang drayber kaya hindi siya pinayagang magmaneho. a. Lasing ang drayber c. May dalang tsiko ang drayber b. May putok ang drayber d. May kakaibang amoy ang drayber 15. Para ng halamang lumaki sa tubig, daho'y nalalanta munting 'di madilig; ikinaluluoy ang sandaling init; gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig. a. Dapat ibigay ang kagustuhan ng bata hangga’t bata pa. b. Laging diligin ang halaman, at nalalanta sa sikat ng araw c. Huwag palakihing bigay-hilig ang bata upang lumaking madiskarte d. Malalakas at matatatag ang mga batang pinalaki ng magulang na sunod ang gusto Karagdagang Gawain Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na ang pagbuo ng kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
  • 17. 13 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. B 2. C 3. A 4. D 5. D 6. D 7. A 8. D 9. D 10. C 11. C 12. C 13. D 14. D 15. D Pagyamanin: 1. walisin, walisan 2. iwan, iwanan 3. hagdan, hagdanan Sa letrang B, batay sa paggamit ng mga salita sa pangungusap. Tayahin 1. B 2. D 3. B 4. B 5. B 6. A 7. B 8. A 9. B 10. A 11. C 12. B 13. A 14. A 15. C
  • 18. 14 CO_Q2_KPWKP SHS Module 11 Sanggunian De Laza, Crizel.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.
  • 19. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph