3. Wika ang midyum na ginagamit natin sa
komunikasyon. Wika ang instrumento sa
paghahatiran ng mensahe at palitan ng
reaksiyon ng mga nag-uusap. May mga gamit
ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita.
4. Ayon kay Roman Jacobson kabilang sa mga
gamit ng wika ang:
•Conative
•Informative
•Labeling
5. Conative
•Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos o
babala sa kausap o grupo ng mga tao.
Halimbawa:
“Huwag po ninyong kalimutang isulat ang
pangalan ko sa inyong balota!”
6. Informative
• Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa
isang tao, nagbibigay ng mga datos at kaalaman,
at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong
nakuha o narinig natin.
Halimbawa:
narrative report, news at iba pa
7. Labeling
•Ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng
bagong tawag o pangalan sa isang tao o
bagay.
Halimbawa:
Pilosopo Tasyo, Sisang Baliw, King of Comedy,
Asia’s Song Bird, Pnoy, Pambansang Kamao,
Queen of all Media, Fallen 44
8. Sa kabuuan:
•Maging magalang tayo sa gamit na CONATIVE
kung nag-uutos tayo. Tiyaking tama at totoo
ang gamit natin ng INFORMATIVE kung
nagbibigay tayo ng mga kaalaman at
impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin
ang pagbibigay ng negatibong bansag o
LABEL sa ating kapuwa na maaring
makasakit ng damdamin.