SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
KOHESYONG GRAMATIKAL
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Kohesyong Gramatikal
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address:
Tel #:
E-mail Address:
Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
(035) 225 2376 / 541 1117
negros.oriental@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Freddie E. Ibañez
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
KOHESYONG GRAMATIKAL
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Kohesyong Gramatikal!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Kohesyong Gramatikal!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Isagawa
Tayahin
Karagdagang
Gawain
Susi sa Pagwawasto
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
iv
ALAMIN
KOHESYONG GRAMATIKAL
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng
gamit ng wika sa lipunan.
PANIMULA
Magandang araw! Kumusta?
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Inihanda ito upang pag-aralan
mo ang mga cohesive device o kohesyong gramatikal sa pagkakagamit
nito.
Laman nito ang ilang aralin, panimula at pangwakas na pagtataya,
mga gawain, paglalapat at repleksiyon) na sumasaklaw sa bagong
pananaw ukol sa mga kohesyong gramatikal.
Halika at tataluntunin mo ang araling ito na hitik sa kaalaman.
1
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nakapipili ng mga cohesive device na mga salitang ginamit sa iba’t ibang
gamit ng wika sa lipunan.
2. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagbuo ng mga pahayag.
3. Naisaalang-alang ang kasiglahan sa pagbuo ng mga pahayag na
ginagamitan ng kohesiyong gramatikal
SUBUKIN
PANIMULANG
PAGTATAYA
Upang mataya ang iyong katalinuhan sa aralin na ito, ikaw ay mabibigyang
ng panimulang pagsusulit. Sagutin mo ito nang maayos nang walang pag-
aalinlangan.
PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan ng bawat aytem. Piliin ang
tamang letra na tugon sa katanungan. Isulat ang iyong sagot sa laang sagutang
papel.
1. Ito ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang
pagkakagamit ng mga salita.
A. panghalip C. pang-ugnay
B. kohesyong gramatikal D. pagpapatungkol
2. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan.
A. pagpapatungkol C. pagpapalit
B. ellipsis D. pang-ugnay
2
3
3. Panghalip na ginagamit sa hilihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.
A. katapora
B. elipsis
C. anapora
D. pang-ugnay
4. Ito ay mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng pangungusap na nauna ng
banggitin.
A. berbal
B. nominal
C.clausal
D. pamalit/substitution
5. Ang paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang isang
pangungusap ay tinatawag na.
A. pang-ugnay
B. pang-ukol
C. panghalip
D. pang-abay
6. Ang lahat ng mga ito ay Mga Panandang Kohesyong Gramatikal maliban sa
isa.
A. pagpapatungkol
B. elipsis
C. pang-ugnay
D. pang-abay
7. Ang panghalip na ito ay halimbawa ng kohesyong gramatikal na tumutukoy sa.
A. bagay
B. lugar
C. hayop
D. tao
8. Ang mga salitang pagpipilian sa ibaba ay mga halimbawa ng panghalip na
ginamit sa pagtukoy ng lugar maliban sa isa.
A. doon
B. dito
C. iyon
D. tayo
9. Matulungin si Fred sa mga salat sa pangangailangan kaya’t siya ay pinagpala
ng ating Panginoon. Ito ay halimbawa ng anong uri ng pagpapatungkol.
A. katapora
B. anapora
C. pang-ugnay
D. panghalip
10. Siya ay hindi karapat-dapat na aking iyakan. Si Trexie ay salawahan. Ang
pangungusap na ito ay nasa uri ng pagpapatungkol na …
A. anapora
B. ellipsis
C. katapora
D. pamalit/substituton
11. Sa kanya ko nakita ang liwanag at kagandahan ng mundo na hatid nito’y
pag.asa. Ang panghalip na sinalungguhitan ay tumutukoy sa..
A. hayop
B. lugar
C. bagay
D. tao
12.Nahihirapan na wala kang ginawa kundi magpakasasa sa kaligayahan na
ubod ng tamis at tuwa na para bang wala ng katapusan. Anong panghalip ang
dapat mong maisulat sa puwang?
A. sila C. kami
B. siya D. tayo
13.Hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak ikaw ay ganid o gahaman.
Anong pang-ugnay ang dapat mong gamitin sa puwang?
A. Ngunit C. sapagkat
B. Datapwa’t D. subalit
14.Naglakas loob siyang lapitan _ sabihin ang nararamdaman sa isang
magandang binibini na ubod ng alindog. Anong pang-ugnay ang dapat mong
gamitin?
A. at C. ni
B. na D. kaya
15.Malimit na sa pagmamasid sa babaeng haliparot ay walang silbi na sa
lipunan. Anong angkop na panghalip ang dapat mong gamitin sa puwang.
A. niya C. nito
B. siya D. nila
Magaling! Nasubukan mong sagutin
nang tama ang gawain sa Panimulang
Pagtataya. Nagpapakita ito ng indikasyon na
magiliw mong nilakbay ang maliwanag na
hibla ng karunungan.
4
TUKLASIN
GAWAIN 1
Batid ko na ikaw ay matalinong mag-aaral. Malayo na ang inabot ng iyong
kaalaman. tiyak na nag-uumapaw na ang natutuhan mo, kaya sagutin ang mga
sumusund na aytem.
PANUTO: Piliin at salungguhitan ang cohesive devices / kohesyong gramatikal sa
sumusunod na gamit ng wika sa lipunan.
_1. Siya ang nagpaskil ng babala na “Bawal Manigarilyo sa Liwasang
Bayan,Multa Isang-libo, Kulong apat na taon.
_2. Kaarawan mo na bukas, imbitahim mo sila dito para sa
pananghalian at hapunan.
_3. Nang imbitahin niya si Ivan Rae sa kaarawan abot langit ang
tuwang nadarama.
_4. Magsunog ka ng kilay kasama sila hanggang sa matapos ang tesis
sa lalong medaling panahon
_ 5. Iwasang manukso nang labis baka hindi mo alam na siya ay
nasasakal na sa kirot na nararamdaman.
SURIIN
5
PAGSUSURI
Walang kagatol-gatol na nasagutan mo nang mahusay ang mga
katanungan. Talagang ipinamalas mo ang angking katalinuhan. Pakaingatan mo ito
sapagkat daan ito sa rurok ng iyong katagumpayan sa buhay. Upang mapagtanto
ko kung ginawa mo nang may kahusayan ang gawain, sagutin ang mga tanong sa
ibaba.
1. Ano ang napagtanto mo sa naging resulta ng iyong sagot sa gawain 1.
2. Ang gawain 1 ba ang nakatulong sa iyo upang magkaroon ka ng kaalaman
sa paksang iyong pag-aaralan? Bakit?
PAGYAMANIN
PAGLALAHAD
Mayroon akong inihanda para sa iyo, tiyak na magugustuhan mo sapagkat
siksik ito sa kaalaman. Alam kong nagpupumiglas ka ng malaman mo kung ano ito.
Kaya ihanda mo ang iyong sarili upang lakbayin mo ang landas ng pagkatuto
Mga Panandang Kohesyong Gramatikal
Ang kohesyong gramatikal ay ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng
pangngalan o salitang ginamit sa pagpapahayag.
6
7
PAGPAPATUNGKOL (REFERENCE)
- paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling
pangalan
ANAPORA (Sulyap na Pabalik)
- ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita
- mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap
Hal: Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio ang mga bayaning
Pilipino. Sila ay mga dakilang Pilipino.
KATAPORA (Sulyap na Pasulong)
- reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot ng
kasabikan o nakapupukaw ng interes
- mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan
Hal: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan.
Elipsis
- pagtitipid sa pagpapahayag
- mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa kadahilanang naiintindihan
na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang
Hal: Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili si Edna ng suka.
Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili (sino?) ng suka.
Pagpapalit (Substitution)
- paggamit ng iba't ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan
a. NOMINAL
Hal: Ang wikang Filipino ay makatutulong upang tayo'y
magkaunawan at magkaisa. Kailangan lang natin pagyamanin ang
ating wikang pambansa.
b. BERBAL (VERBAL)
- ang pinapalitan ay PANDIWA
Hal: Inaayos na nila ang sala, at ginagawa ng iba ang kusina.
c. CLAUSAL
- ang pinapalitan ay SUGNAY
Hal: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw. Nagawa ba ng
mga pulis na sila'y tugisin?
Pag-uugnay
- paggamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang
pangungusap
Hal: Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat masama ang layunin
nito.
Ang PANANDANG KOHESYONG GRAMATIKAL ay ginagamit upang lubos
na maunawaan ang kaisipang hatid ng mga pahayag. Sa pagsusulat ng isang
SANAYSAY, mainam na gumamit ng mga ito upang hindi maging paulit-ulit ang
mga salita, terminolohiya, o mga reperensiyang ating gagamitin.
Maaaring ma-access ang kabuuang nilalaman sa link na nasa ibaba:
https://prezi.com/ogodd7opiyzk/mga-panandang-kohesyong-gramatikal/
Mga Gawain
Gawain 2 Basahin ang pangungusap sa bawat bilang . Punan ng angkop na
panghalip ang bawat patlang na nasa loob ng kahon.
siya niya nila
niyang akong siyang
1. ay isa sa mahalimuyak at mapanghalinang binibini na aking nakilala na
walang bahid ng kasamaan.
2.Labis ang hinagpis at kapighatian sa buhay ang dinaranas ni Trexio dahil sa
may paniniwala isinilang siya sa mundo ng karukhaan.
3.Malimit na sa pagmamasid sa paligid ay may kakaibang elemento sa pali-
paligid ng gusali.
4.Wala _ibang hangad kundi mahalin ka at alagaan ng walang pag-
aalinlangan at pagkukunwari.
5.Mahal _ ang isa’t isa kaya ganoon na lamang karami ang kanilang supling na
nailuwal sa daigdig ng pagmamahalan.
Gawain 3. Basahin ang buong talata nang may pag-unawa. Lapatan nang wasto
at angkop na panghalip ang nasa puwang ng bawat pangungusap.
Ikaw ang lahat sa _. Kaya mo bang tumbasan ang pahayag na
. Simpleng pahayag ngunit katalinghagaan naman ang hatid _.Tuwa at
8
kaba ay kasama sa tuwing maririnig ang salitang mahal kita. Kinikilig ka sa
salitang sa tuwing binabalik-balikan ang sulyap ng kahapong nagdaan. Hindi
matahimik ang _ puso lalo na’t ikaw ay nag-iisa lamang sa sulok ng
pangungulila. Sa bawat lingon mo mukha _ang parating nasusulyapan sa
isipan. Kilos at gawi ay kabisadong-kabisado kapag pangalan na ang pinag-
uusapan sa mga binibining nahuhumaling sa _ .
Kunin mo na ang lahat sa huwag lang ang mahal. Ikamamatay
ng puso kapag inaagaw mo _. Napakalungkot ng buhay kung sakaling
_man ay magkakatotoo. Kakayanin mo ba? Ang hirap ano? Ikaw at Ako sa
ngalan ng Pag-ibig.
ISAISIP
Malaki ang naiambag ng nga
cohesive device sa pagbuo ng mga
pangungusap/pahayag. Gamitin ito nang
may kawastuhan para maunawaan
anuman ang gusto mong ipahayag.
ISAGAWA
PAGLALAPAT
Malinaw na sa iyo ngayon kung ano ang araling na ito. Naunawaan mo
nang madalian ang cohesive device o hohesyong gramatikal. Nabigyang mo ng
tugon ang katanungan nang buong husay. Nagabayan ka nang maayos upang
mapadali ang iyong pag-unawa sa mga gawain. Binabati kita!
9
KARAGDAGANG
GAWAIN
PAGPAPAYAMAN
Gawain 4. Sumulat ng isang maikling tala tungkol sa napapanahong isyung
panlipunan na nilalapatan ng mga cohesive devices o kohesyong gramatikal.
Iangkop mo rito ang iyong natutuhan sa mga gamit ng wika sa lipunan.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kalinawan sa pagpapahayag 5
Kaangkupan sa mga cohesive device na ginamit 5
Kaugnayan sa mga pahayag at salitang ginamit sa pangungusap _5_
Total: 15
10
REFLEKSIYON
Napakatalas ng iyong isipan walang kahirap-hirap na nasagutan mo nang
tama ang lahat ng mga gawain. Ito ay isang malaking tagumpay sa pinagdaanan
mong laban sa iyong pag-aaral.
PANUTO: Itala ang mga salitang angkop sa puwang ng bawat aytem sa ibaba
upang mabuo na isang ganap na pahayag.
1. Nalaman ko na ang mga gamit ng
.
2. Isa na rito ang
_
_.
3. Na may pagpapakahugan ng
.
4. Kung saan ito ay ginagamit sa_ __
.
.
5. Ang lahat ng ito ay dapat kong pahalagahan sapagkat_
.
11
Narating mo na ang puno’t dulo ng iyong pag-aaral. Hatid nito’y kasiyahan
na napagtagumpayan ang hamon ng iyong kahandaan at katalinuhan. Mapalad ka
sa iyong pagpupunyagi.
PANUTO: Tukuyin ang mga tungkulin o gamit ng wika sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.
e. pang-ugnay
f. pagpapalit
g. pagpapatungkol
a. Kohesyong gramatikal
b. anapora
c. katapra
d. elipsis
1. ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salitang
ginamit sa pagpapahayag.
2. mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap
3. Mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan
4. Mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa kadahilanang
naiintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang
5. Paggamit ng iba't ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan
6. Paggamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang
pangungusap
7. Paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling pangalan
8. Sila ay sopistikado kung kumilos. Mahilig din sila sa paglalakbay sa loob
at labas ng bansa.
TAYAHIN
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
12
13
9. Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa pagpanaw ng kanyang kasintahan.
10. Maganda sana siya pero ubod ng kasamaan ang kanyang pag-uugali.
11. Gusto niyang lumuwas ng ibang bansa ngunit away ng kanyang
magulang.
12. Ang mga Front Liners ngayon ang bagong itinuturing na bayani. Sila ang
inaasahan ng buong bansa sa matinding lumalaganap na pandemya.
13. Sina Manny Paquiao at Regine Velasquez ay popular sa buong bansa.
Sila ay mahirap kalabanin pagdating sa larangan ng palakasan at musika.
14. Maganda, maalindog, mahalimuyak pero masyadong maingay na akala
niya’y pagmamay-ari ang naturang lugar o ispasyo.
15. Naghihiyawan at nagpapalakpakan ang manonood sa ipinakitang husay
ni Ben sa pagkanta subalit ikinalulungkot naman ng kanyang kasintahan sa paglisan
nito sa kanyang tabi.
14
https://prezi.com/ogodd7opiyzk/mga-panandang-kohesyong-gramatikal/
MGA SANGGUNIAN
15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net
FREDDIE E. IBAÑEZ, MAED. Siya ay nagtapos sa kursong BSE
Filipino at MAED sa Foundation University, Dumaguete City.Naging guro
rin siya sa Negros Maritime College, Foundation Inc. sa Sibulan, Negros
Oriental. Sa kasalukuyan siya ay guro sa Senior High School at itinalagang
Filipino koordineytor sa Santiago Delmo Memorial High School sa
Maluay, Zamboanguita, Negros Oriental.

More Related Content

What's hot

Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanIntroduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanEmma Sarah
 
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptxIba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptxMaveh de Mesa
 
Lexical at istruktura semantika.docx
Lexical at istruktura semantika.docxLexical at istruktura semantika.docx
Lexical at istruktura semantika.docxCharlene346176
 
Kasaysayan ng pahayagang pangkampus
Kasaysayan ng pahayagang pangkampusKasaysayan ng pahayagang pangkampus
Kasaysayan ng pahayagang pangkampusShaishy Mendoza
 
Mga napapanahong teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ng
Mga napapanahong  teknolohiya  at kagamitan  sa pagtuturo ngMga napapanahong  teknolohiya  at kagamitan  sa pagtuturo ng
Mga napapanahong teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ngEmma Sarah
 
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayanGramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayanMartinGeraldine
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 
Pagsasalita sa publiko
Pagsasalita sa publikoPagsasalita sa publiko
Pagsasalita sa publikoMark Profeta
 
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoMga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoBatoAna
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoChristine Joy Abay
 
Ang Pagtuturo ng Pakikinig
Ang Pagtuturo ng PakikinigAng Pagtuturo ng Pakikinig
Ang Pagtuturo ng PakikinigMicah January
 

What's hot (20)

Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanIntroduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
 
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptxIba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
Iba't ibang estratehiya sa pangangalap ng datos.pptx
 
Lexical at istruktura semantika.docx
Lexical at istruktura semantika.docxLexical at istruktura semantika.docx
Lexical at istruktura semantika.docx
 
cot to print11.docx
cot to print11.docxcot to print11.docx
cot to print11.docx
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
Banghay Aralin sa Filipino 1: KomunikasyonBanghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
 
Kasaysayan ng pahayagang pangkampus
Kasaysayan ng pahayagang pangkampusKasaysayan ng pahayagang pangkampus
Kasaysayan ng pahayagang pangkampus
 
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
 
Mga napapanahong teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ng
Mga napapanahong  teknolohiya  at kagamitan  sa pagtuturo ngMga napapanahong  teknolohiya  at kagamitan  sa pagtuturo ng
Mga napapanahong teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ng
 
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayanGramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
 
Proseso ng pagsulat
Proseso ng pagsulatProseso ng pagsulat
Proseso ng pagsulat
 
Sining ng Pagkukwento
Sining ng PagkukwentoSining ng Pagkukwento
Sining ng Pagkukwento
 
LESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.pptLESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.ppt
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
Pagsasalita sa publiko
Pagsasalita sa publikoPagsasalita sa publiko
Pagsasalita sa publiko
 
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoMga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
 
Makrong Kasanayan: Pagbabasa
Makrong Kasanayan: PagbabasaMakrong Kasanayan: Pagbabasa
Makrong Kasanayan: Pagbabasa
 
Paghahanda ng mga kagamitang tanaw dinig
Paghahanda ng mga kagamitang tanaw dinigPaghahanda ng mga kagamitang tanaw dinig
Paghahanda ng mga kagamitang tanaw dinig
 
Ang Pagtuturo ng Pakikinig
Ang Pagtuturo ng PakikinigAng Pagtuturo ng Pakikinig
Ang Pagtuturo ng Pakikinig
 

Similar to Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx

KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfJohnnyJrAbalos1
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfJohnnyJrAbalos1
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfMARYANNLOPEZ16
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoKokoStevan
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikKokoStevan
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 

Similar to Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx (20)

KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
 
F11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdfF11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 

Recently uploaded

ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 

Recently uploaded (20)

ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 

Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx

  • 1. 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 5: KOHESYONG GRAMATIKAL
  • 2. Filipino – Ikalabing-isang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Kohesyong Gramatikal Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Tel #: E-mail Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental (035) 225 2376 / 541 1117 negros.oriental@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Freddie E. Ibañez Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa Tagalapat: Romie G. Benolaria Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera Nilita L. Ragay, EdD Renante A. Juanillo, EdD
  • 3. 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 5: KOHESYONG GRAMATIKAL
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kohesyong Gramatikal! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii
  • 5. Alamin Subukin Balikan Tuklasin Suriin Pagyamanin Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kohesyong Gramatikal! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii
  • 6. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain Susi sa Pagwawasto Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. iv
  • 7. ALAMIN KOHESYONG GRAMATIKAL MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan. 2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. PANIMULA Magandang araw! Kumusta? Ang modyul na ito ay para sa iyo. Inihanda ito upang pag-aralan mo ang mga cohesive device o kohesyong gramatikal sa pagkakagamit nito. Laman nito ang ilang aralin, panimula at pangwakas na pagtataya, mga gawain, paglalapat at repleksiyon) na sumasaklaw sa bagong pananaw ukol sa mga kohesyong gramatikal. Halika at tataluntunin mo ang araling ito na hitik sa kaalaman. 1
  • 8. MGA LAYUNIN Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay: 1. Nakapipili ng mga cohesive device na mga salitang ginamit sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan. 2. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagbuo ng mga pahayag. 3. Naisaalang-alang ang kasiglahan sa pagbuo ng mga pahayag na ginagamitan ng kohesiyong gramatikal SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA Upang mataya ang iyong katalinuhan sa aralin na ito, ikaw ay mabibigyang ng panimulang pagsusulit. Sagutin mo ito nang maayos nang walang pag- aalinlangan. PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan ng bawat aytem. Piliin ang tamang letra na tugon sa katanungan. Isulat ang iyong sagot sa laang sagutang papel. 1. Ito ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang pagkakagamit ng mga salita. A. panghalip C. pang-ugnay B. kohesyong gramatikal D. pagpapatungkol 2. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan. A. pagpapatungkol C. pagpapalit B. ellipsis D. pang-ugnay 2
  • 9. 3 3. Panghalip na ginagamit sa hilihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan. A. katapora B. elipsis C. anapora D. pang-ugnay 4. Ito ay mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng pangungusap na nauna ng banggitin. A. berbal B. nominal C.clausal D. pamalit/substitution 5. Ang paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang isang pangungusap ay tinatawag na. A. pang-ugnay B. pang-ukol C. panghalip D. pang-abay 6. Ang lahat ng mga ito ay Mga Panandang Kohesyong Gramatikal maliban sa isa. A. pagpapatungkol B. elipsis C. pang-ugnay D. pang-abay 7. Ang panghalip na ito ay halimbawa ng kohesyong gramatikal na tumutukoy sa. A. bagay B. lugar C. hayop D. tao 8. Ang mga salitang pagpipilian sa ibaba ay mga halimbawa ng panghalip na ginamit sa pagtukoy ng lugar maliban sa isa. A. doon B. dito C. iyon D. tayo 9. Matulungin si Fred sa mga salat sa pangangailangan kaya’t siya ay pinagpala ng ating Panginoon. Ito ay halimbawa ng anong uri ng pagpapatungkol. A. katapora B. anapora C. pang-ugnay D. panghalip 10. Siya ay hindi karapat-dapat na aking iyakan. Si Trexie ay salawahan. Ang pangungusap na ito ay nasa uri ng pagpapatungkol na … A. anapora B. ellipsis C. katapora D. pamalit/substituton 11. Sa kanya ko nakita ang liwanag at kagandahan ng mundo na hatid nito’y pag.asa. Ang panghalip na sinalungguhitan ay tumutukoy sa.. A. hayop B. lugar C. bagay D. tao
  • 10. 12.Nahihirapan na wala kang ginawa kundi magpakasasa sa kaligayahan na ubod ng tamis at tuwa na para bang wala ng katapusan. Anong panghalip ang dapat mong maisulat sa puwang? A. sila C. kami B. siya D. tayo 13.Hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak ikaw ay ganid o gahaman. Anong pang-ugnay ang dapat mong gamitin sa puwang? A. Ngunit C. sapagkat B. Datapwa’t D. subalit 14.Naglakas loob siyang lapitan _ sabihin ang nararamdaman sa isang magandang binibini na ubod ng alindog. Anong pang-ugnay ang dapat mong gamitin? A. at C. ni B. na D. kaya 15.Malimit na sa pagmamasid sa babaeng haliparot ay walang silbi na sa lipunan. Anong angkop na panghalip ang dapat mong gamitin sa puwang. A. niya C. nito B. siya D. nila Magaling! Nasubukan mong sagutin nang tama ang gawain sa Panimulang Pagtataya. Nagpapakita ito ng indikasyon na magiliw mong nilakbay ang maliwanag na hibla ng karunungan. 4
  • 11. TUKLASIN GAWAIN 1 Batid ko na ikaw ay matalinong mag-aaral. Malayo na ang inabot ng iyong kaalaman. tiyak na nag-uumapaw na ang natutuhan mo, kaya sagutin ang mga sumusund na aytem. PANUTO: Piliin at salungguhitan ang cohesive devices / kohesyong gramatikal sa sumusunod na gamit ng wika sa lipunan. _1. Siya ang nagpaskil ng babala na “Bawal Manigarilyo sa Liwasang Bayan,Multa Isang-libo, Kulong apat na taon. _2. Kaarawan mo na bukas, imbitahim mo sila dito para sa pananghalian at hapunan. _3. Nang imbitahin niya si Ivan Rae sa kaarawan abot langit ang tuwang nadarama. _4. Magsunog ka ng kilay kasama sila hanggang sa matapos ang tesis sa lalong medaling panahon _ 5. Iwasang manukso nang labis baka hindi mo alam na siya ay nasasakal na sa kirot na nararamdaman. SURIIN 5
  • 12. PAGSUSURI Walang kagatol-gatol na nasagutan mo nang mahusay ang mga katanungan. Talagang ipinamalas mo ang angking katalinuhan. Pakaingatan mo ito sapagkat daan ito sa rurok ng iyong katagumpayan sa buhay. Upang mapagtanto ko kung ginawa mo nang may kahusayan ang gawain, sagutin ang mga tanong sa ibaba. 1. Ano ang napagtanto mo sa naging resulta ng iyong sagot sa gawain 1. 2. Ang gawain 1 ba ang nakatulong sa iyo upang magkaroon ka ng kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan? Bakit? PAGYAMANIN PAGLALAHAD Mayroon akong inihanda para sa iyo, tiyak na magugustuhan mo sapagkat siksik ito sa kaalaman. Alam kong nagpupumiglas ka ng malaman mo kung ano ito. Kaya ihanda mo ang iyong sarili upang lakbayin mo ang landas ng pagkatuto Mga Panandang Kohesyong Gramatikal Ang kohesyong gramatikal ay ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salitang ginamit sa pagpapahayag. 6
  • 13. 7 PAGPAPATUNGKOL (REFERENCE) - paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling pangalan ANAPORA (Sulyap na Pabalik) - ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita - mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap Hal: Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang Pilipino. KATAPORA (Sulyap na Pasulong) - reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot ng kasabikan o nakapupukaw ng interes - mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan Hal: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan. Elipsis - pagtitipid sa pagpapahayag - mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa kadahilanang naiintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang Hal: Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili si Edna ng suka. Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili (sino?) ng suka. Pagpapalit (Substitution) - paggamit ng iba't ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan a. NOMINAL Hal: Ang wikang Filipino ay makatutulong upang tayo'y magkaunawan at magkaisa. Kailangan lang natin pagyamanin ang ating wikang pambansa. b. BERBAL (VERBAL) - ang pinapalitan ay PANDIWA Hal: Inaayos na nila ang sala, at ginagawa ng iba ang kusina. c. CLAUSAL - ang pinapalitan ay SUGNAY Hal: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw. Nagawa ba ng mga pulis na sila'y tugisin?
  • 14. Pag-uugnay - paggamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap Hal: Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat masama ang layunin nito. Ang PANANDANG KOHESYONG GRAMATIKAL ay ginagamit upang lubos na maunawaan ang kaisipang hatid ng mga pahayag. Sa pagsusulat ng isang SANAYSAY, mainam na gumamit ng mga ito upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita, terminolohiya, o mga reperensiyang ating gagamitin. Maaaring ma-access ang kabuuang nilalaman sa link na nasa ibaba: https://prezi.com/ogodd7opiyzk/mga-panandang-kohesyong-gramatikal/ Mga Gawain Gawain 2 Basahin ang pangungusap sa bawat bilang . Punan ng angkop na panghalip ang bawat patlang na nasa loob ng kahon. siya niya nila niyang akong siyang 1. ay isa sa mahalimuyak at mapanghalinang binibini na aking nakilala na walang bahid ng kasamaan. 2.Labis ang hinagpis at kapighatian sa buhay ang dinaranas ni Trexio dahil sa may paniniwala isinilang siya sa mundo ng karukhaan. 3.Malimit na sa pagmamasid sa paligid ay may kakaibang elemento sa pali- paligid ng gusali. 4.Wala _ibang hangad kundi mahalin ka at alagaan ng walang pag- aalinlangan at pagkukunwari. 5.Mahal _ ang isa’t isa kaya ganoon na lamang karami ang kanilang supling na nailuwal sa daigdig ng pagmamahalan. Gawain 3. Basahin ang buong talata nang may pag-unawa. Lapatan nang wasto at angkop na panghalip ang nasa puwang ng bawat pangungusap. Ikaw ang lahat sa _. Kaya mo bang tumbasan ang pahayag na . Simpleng pahayag ngunit katalinghagaan naman ang hatid _.Tuwa at 8
  • 15. kaba ay kasama sa tuwing maririnig ang salitang mahal kita. Kinikilig ka sa salitang sa tuwing binabalik-balikan ang sulyap ng kahapong nagdaan. Hindi matahimik ang _ puso lalo na’t ikaw ay nag-iisa lamang sa sulok ng pangungulila. Sa bawat lingon mo mukha _ang parating nasusulyapan sa isipan. Kilos at gawi ay kabisadong-kabisado kapag pangalan na ang pinag- uusapan sa mga binibining nahuhumaling sa _ . Kunin mo na ang lahat sa huwag lang ang mahal. Ikamamatay ng puso kapag inaagaw mo _. Napakalungkot ng buhay kung sakaling _man ay magkakatotoo. Kakayanin mo ba? Ang hirap ano? Ikaw at Ako sa ngalan ng Pag-ibig. ISAISIP Malaki ang naiambag ng nga cohesive device sa pagbuo ng mga pangungusap/pahayag. Gamitin ito nang may kawastuhan para maunawaan anuman ang gusto mong ipahayag. ISAGAWA PAGLALAPAT Malinaw na sa iyo ngayon kung ano ang araling na ito. Naunawaan mo nang madalian ang cohesive device o hohesyong gramatikal. Nabigyang mo ng tugon ang katanungan nang buong husay. Nagabayan ka nang maayos upang mapadali ang iyong pag-unawa sa mga gawain. Binabati kita! 9
  • 16. KARAGDAGANG GAWAIN PAGPAPAYAMAN Gawain 4. Sumulat ng isang maikling tala tungkol sa napapanahong isyung panlipunan na nilalapatan ng mga cohesive devices o kohesyong gramatikal. Iangkop mo rito ang iyong natutuhan sa mga gamit ng wika sa lipunan. Pamantayan sa Pagmamarka Kalinawan sa pagpapahayag 5 Kaangkupan sa mga cohesive device na ginamit 5 Kaugnayan sa mga pahayag at salitang ginamit sa pangungusap _5_ Total: 15 10
  • 17. REFLEKSIYON Napakatalas ng iyong isipan walang kahirap-hirap na nasagutan mo nang tama ang lahat ng mga gawain. Ito ay isang malaking tagumpay sa pinagdaanan mong laban sa iyong pag-aaral. PANUTO: Itala ang mga salitang angkop sa puwang ng bawat aytem sa ibaba upang mabuo na isang ganap na pahayag. 1. Nalaman ko na ang mga gamit ng . 2. Isa na rito ang _ _. 3. Na may pagpapakahugan ng . 4. Kung saan ito ay ginagamit sa_ __ . . 5. Ang lahat ng ito ay dapat kong pahalagahan sapagkat_ . 11
  • 18. Narating mo na ang puno’t dulo ng iyong pag-aaral. Hatid nito’y kasiyahan na napagtagumpayan ang hamon ng iyong kahandaan at katalinuhan. Mapalad ka sa iyong pagpupunyagi. PANUTO: Tukuyin ang mga tungkulin o gamit ng wika sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang. e. pang-ugnay f. pagpapalit g. pagpapatungkol a. Kohesyong gramatikal b. anapora c. katapra d. elipsis 1. ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salitang ginamit sa pagpapahayag. 2. mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap 3. Mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan 4. Mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa kadahilanang naiintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang 5. Paggamit ng iba't ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan 6. Paggamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap 7. Paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling pangalan 8. Sila ay sopistikado kung kumilos. Mahilig din sila sa paglalakbay sa loob at labas ng bansa. TAYAHIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA 12
  • 19. 13 9. Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa pagpanaw ng kanyang kasintahan. 10. Maganda sana siya pero ubod ng kasamaan ang kanyang pag-uugali. 11. Gusto niyang lumuwas ng ibang bansa ngunit away ng kanyang magulang. 12. Ang mga Front Liners ngayon ang bagong itinuturing na bayani. Sila ang inaasahan ng buong bansa sa matinding lumalaganap na pandemya. 13. Sina Manny Paquiao at Regine Velasquez ay popular sa buong bansa. Sila ay mahirap kalabanin pagdating sa larangan ng palakasan at musika. 14. Maganda, maalindog, mahalimuyak pero masyadong maingay na akala niya’y pagmamay-ari ang naturang lugar o ispasyo. 15. Naghihiyawan at nagpapalakpakan ang manonood sa ipinakitang husay ni Ben sa pagkanta subalit ikinalulungkot naman ng kanyang kasintahan sa paglisan nito sa kanyang tabi.
  • 20. 14
  • 22. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website: lrmds.depednodis.net FREDDIE E. IBAÑEZ, MAED. Siya ay nagtapos sa kursong BSE Filipino at MAED sa Foundation University, Dumaguete City.Naging guro rin siya sa Negros Maritime College, Foundation Inc. sa Sibulan, Negros Oriental. Sa kasalukuyan siya ay guro sa Senior High School at itinalagang Filipino koordineytor sa Santiago Delmo Memorial High School sa Maluay, Zamboanguita, Negros Oriental.