2. MGA TALASALITAAN
1. alumpihit- hindi mapakali o balisa
Hal. Alumpihit ang aking kalooban sapagkat nalaman ko na may mali akong sagot .
2. namamalas- nakikita , nasisilayan o nasaksihan
Hal. Namamalas niya ang nangyayaring gulo sa tapat ng kanilang bahay.
3. asotea- isang balkonahe sa likod o gilid ng bahay na yari sa bato.
Hal. Masayang nag-uusap ang aming mga panauhin sa aming asotea.
4. magbalik- tanaw – pagbalik tanaw sa mga nakaraan
Hal. Magbalik- tanaw sa mga magagandang kaugaliang itinuro ng iyong mga magulang
noong ikaw ay bata pa.
5. musmos- bata o paslit
Hal. Ako ay musmos pa lamang noong natutong magtrabaho upang makaahon sa kahirapan.
3. Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya
Isabel. Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay.
Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay
binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang
dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo
namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa
Malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon
sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang
pista.
SuyuanSaAsotea
4. Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa
pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na
siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa
Beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang
tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang
tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra,
karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni
Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama
ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang
paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
5. Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na
nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya
nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi
nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang
alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay
ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang.
Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng
kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
6. Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro,
pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng
tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay
nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni
Maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrero upang hindi maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi
ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang
isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di
makita ang kanyang mukha.
7. Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra
sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan
ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang
kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan
ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes
alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil
sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya
Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong
umuwi dahil bukas ay Undas na.
8. Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra.
Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na
ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon
ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umalis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at
inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina
San Roque at San Rafael.
9. Gawain
1.Bakit hindi mapalagay si Maria Clara matapos nilang magsimba
ni Tiya Isabel ?
2.Ano ang alaalang iniwan nina Ibarra at Maria Clara sa isat-isa ?
3.Bakit napaiyak si Ibarra nang magdesisyon ang ama na
papag-aralin siya sa ibang bansa.
4.Bakit nagmamadaling nagpaalam si Ibarra kay Maria Clara ?