2. Ang mga pangyayaring namagitan kina
Ibarra at Padre Damaso ay madaling
kumalat sa buong San Diego. Sa mga
usapan, hindi matukoy kung sino ang
may katwiran sa dalawa.
3. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari
ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra
sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan
ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa
maagap na pagsansala ng kanyang itinangi at minamahal na si Maria. Kaya,
hindi niya itiniloy ang balak na kitlan ng hininga si Padre Damaso.
4. Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa
taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng
kanyang ama. Nanindigan naman ang Kapitan ng Bayan na wala silang magagawa
sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay
nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan
samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
5. Sa kabilang dako, karamihan naman sa
mga babae ay takot na mawalay sa grasya
ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria
lamang at pumili kay Ibarra at sinabing
karangalan niya ang magkaroon ng anak
na magtatangol at mangangalaga sa
sagradong alaala ng yumaong ama.
6. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka
na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Sapagkat
bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos
ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang
pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na pilibustero ng
prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga
magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.