KABANATA 1- ISANG PAGTITIPON
• Pagkalat ng balita sa engrandeng
pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago.
• Pagdalo ng maraming panauhin sa
pagtitipon kasama ng mga kilalang
tao mula sa pamahalaan at
simbahan.
• Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik
sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra. at
pasasalamat sa Mahal na Birhen.
• Pagtatalo nina Padre Damaso at ang
Tinyente Guevarra.
KANSER NG LIPUNAN:
Maluho at Magastos
Pagtatakwil sa Sariling Lahi
Kaisipang Kolonyal (Colonial
Mentality)
KABANATA 2 – SI CRISOSTOMO IBARRA
• Ang pagdating ni Crisostomo Ibarra
mula sa Europa pagkatapos ng
pitong taon.
• Pagtanggi ni Padre Damaso kay
Crisostomo na kaibigan niya ang
ama nito.
• Paggamit ni Crisostomo ng ugaling
Aleman sa pagpapakilala sa kanyang
sarili sa mga kababaihan.
• Ang pagkikita at pag-uusap nina
Crisostomo at Tinyente Guevarra.
• Ang pambabastos ni Padre Damaso
kay Crisostomo.
KANSER NG LIPUNAN:
Crab Mentality
Pagkainggit
KABANATA 3 – ANG HAPUNAN
• Ang pag-uunahan nina Padre
Damaso at Padre Sibyla sa kabisera
ng hapag-kainan. (nanalo si Padre
sibyla)
• Ipinahain ni Kapitan Tiago ang
Tinolang Manok (paboritong ulam ni
Ibarra)
• Ikinagalit ni Padre Damaso na ang
napunta sa kanya ay ang makunat
na leeg ng manok at maraming
gulay.
• Ang mga masasamang parinig ni
Padre Damaso sa mga indiong nag-
aaral sa ibang bayan.
KANSER NG LIPUNAN:
Pagmamataas
KABANATA 4 – EREHE AT PILIBUSTERO
• Pagkapansin ni Crisostomo na
walang pinagbago ang Binundok
pagkatapos ng pitong taon
• Paghabol ni Tinyente Guevarra kay
Ibarra upang sabihin ang tunay na
nangyari sa kanyang amang si Don
Rafael Ibarra.
• Binigyang –babala ni Tinyente
Guevarra si Ibarra
KANSER NG LIPUNAN:
Kawalang-katarungan/Inhustisya
Pagbibigay ng Posisyon sa Di-
Karapat-dapat o walang alam
KABANATA 5 – PANGARAP SA GABING MADILIM
• Tumuloy si Ibarra sa kanyang
tinitirhang pansamantala sa Fonda de
Lala(ang pinasikat na hotel noong
panahon ng Kastila)
• Naghahalo ang damdamin ni Ibarra
sapagkat mula sa kanyang silid
nakikita niya ang kasayahan sa bahay
ni Kapitan Tiago; kasiyahan sa
pagnanais siyang makita si Maria
Clara , naghihirap ang kanyang
kalooban sa pag-aalaala sa nangyari
sa kanyang ama na wala siyang
nagawa.
KABANATA 6 – SI KAPITAN TIYAGO
• Paglalarawan sa buhay ni Kapitan Tiago
• Napangasawa si Donya Pia Alba na siya
raw nagdala ng swerte sa kanya.
• Naging kamalasan daw ang anim na taon
na di pagbubuntis.
• Pagkatapos ipanganak si Maria Clara
namatay si Donya Pia.
• Siya ay kasundo ng simbahan at
pamahalaan.
• Maraming mga ilegal na gawain na
siyang nakapagpayaman sa kanya
• Ipinasok sa kumbento ng Sta. Catalina si
Maria Clara.
• Ipinagkasundo ng mga magulang kay
Crisostomo na maipakasal.
KANSER NG LIPUNAN:
Huwad na Pananampalataya
Pagpapalakasan
KABANATA 7 – PAG-UUSAP SA ASOTEA
• Hindi mapakali si Maria Clara dahil
magkikita na sila ni Ibarra.
• Nag-usap sina Maria Clara at Crisostomo
sa asotea at nagpalitan ng mga alaala
(dahon ng sambong at ang lumang liham)
• Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya
ay pupunta sa San Diego
PAGPAPAHALAGANG PILIPINO:
Pagiging sentimental
Palabra de Honor
Pagiging Tapat sa Pag-ibig
KABANATA 8 – MGA GUNITA
• Nakita ni Ibarra ang kabagalan ng pag-
unlad na malayung-malayo na sa
Europa.
• Pag-alaala ni Ibarra sa sinabi ng paring
guro.
KANSER NG LIPUNAN:
Mabagal na Pag-unlad
KABANATA 9 – MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA
BAYAN
• Ang pagalit na pagsugod ni Padre
Damaso sa bahay ni Kapitan Tiago .
• Papaalis sina Tia Isabel at Maria Clara
upang kunin ang gamit ni Maria Clara sa
kumbento.
• Ang pag-uusap nina Padre Sibyla at ng
paring maysakit ukol sa kanilang
korporasyon at kay Ibarra.
• Pagkalito ni Kapitan Tiago kung sino ang
kanyang susundin sa planong
pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.
KABANATA 10 – ANG BAYAN NG SAN DIEGO
• Ang pinagmulan ng bayan ng San
Diego dahil sa mga Ibarra.
DON PEDRO EIBARRAMENDIA
DON SATURNINO IBARRA
DON RAFAEL IBARRA
DON CRISOSTOMO IBARRA
• Nang umunlad ang san Diego ang
Pilipinong kura ay pinalitan ng Paring
Kastila (Padre Damaso)
KABANATA 11 – ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
• Ang tunay na makapangyarihan sa
San Diego ay sina:
kura – Padre Salvi (katumbas ng
kapangyarihan ng Sto.Papa ng Roma)
Alperes – pinuno ng mga guwardiya
sibil – katumbas ng kapangyarihan ng
Hari ng Espanya)
KANSER NG LIPUNAN:
Pagpapatalbugan ng Kapangyarihan
KABANATA 12 – ARAW NG MGA PATAY
• Ang paglalarawan sa di –maayos na
sementeryo ng San Diego.
• May dalawang sepulturero na
naghuhukay ng mga patay upang ilipat
sa libingan ng mga Intsik
• Ang pagbanggit ng isang sepultuero s
isang bangkay na kanyang himukay sa
pag-uutos ng isang kura (Ito ay si Don
Rafael Ibarra at ang kura ay si Padre
Damaso)
• Dumarami ang tao sa sementeryo na
naghahanap sa libingan ng kanilang
mahal sa buhay
KANSER NG LIPUNAN:
Kawalang-galang sa mga Patay
KABANATA 13 – MGA BABALA NG SIGWA
• Ang pagbisita ni Ibarra sa libingan ng ama
ngunit di niya ito makita.
• Nakausap ni Ibarra ang sepulturero na
siyang nagsabi kung nasaan ang bangkay
ng ama. (ito ay ipinahukay ni Padre Garote
(alyas ni Padre Damaso dahil sa mahilig sa
pamamalo gamit ang garote) at ipinalipat sa
libingan ng mga Intsik. Mas minabuti ng
naghukay na ito ay itapon sa lawa.
• Ikinagalit ni Ibarra ang kanyang natuklasan
at napagbuntunan ng galit ang
nakasalubong na kura (Padre Salvi)
• Sinabi ni Padre Salvi na si Padre Damaso
ang tinutukoy na kura na nagpahukay sa
bangkay ng kanyang ama at hindi siya.
KABANATA 14 – SI PILOSOPO TASYO
• Paglalarawan kay Pilosopo Tasyo na
sinasabi ng iba na siya ay baliw sa mga di
nakauunawa sa kanya ngunit sa iba siya
ay napakatalino.
• Hindi pinatapos ng pag-aaral ng ina sa
takot na makalimot ito sa Diyos.
• Naiwang mamuhay mag-isa sa buhay
pagkatapos na mamatay ang ina at
asawa.
• Ibinuhos ang kanyang panahon sa pagbili
at pagbabasa ng mga aklat
• Sinasabing siya ay isang baliw dahil sa
mga di pangkaraniwang sinasabi niya.
• Ikinatuwa niya ang pagdating ng isang
bagyo at kidlat na papatay raw sa
mamamayan ng San Diego.
KABANATA 15 – ANG MGA SAKRISTAN
• Sina Basilio (10) at Crispin (7) ay
magkapatid na anak nina Sisa at
Pedro.
• Nagtrabaho sila bilang sakristan sa
simbahan ng san Diego.
• Napagbintangan si Crispin na
nagnakaw ng 2 onsa (32 pesos)
• Pinagmumulta si Basilio dahil sa mali
ang pagtugtog niya ng kampana.
• Bilang kaparusahan nila di sila
maaaring umuwi muna bagamat gusto
na nilang umuwi dahil alam nilang
hinihintay sila ng kanilang ina.
• Tumakas si Basilio mula sa kumbento
upang makauwi.
KANSER NG LIPUNAN:
Pang-aabuso sa mga Bata
Kawalang-katarungan
KABANATA 16 – SI SISA
• Paglalarawan sa buhay ni Sisa na nakapag-
asawa ng iresponsableng asawa na si Pedro
ngunit bathala ang turing niya rito.
• Itinuturing naman niyang anghel ng kanyang
buhay ang dalawang anak na sina Basilio at
Crispin.
• Ipinaghanda niya ng masarap na hapunan si Sisa
para sa kanyang mga anak.
• Dumating ang lasenggerong asawa at inubos ang
inihandang pagkain.
• Nagkaroon siya ng isang masamang pangitain na
ikinatakot niya.
• may kumatok sa kanilang pintuan (Basilio)
KANSER NG LIPUNAN:
Kahinaan ng Kababaihan
Katamaran
Pagkahilig sa Bisyo
KABANATA 18 – MGA KALULUWANG
NAGDURUSA
• Ang pagkakapansin ng mga tao sa
kakaibang tamlay ni Padre Salvi habang
nagmimisa.
• Pag-uusap ng mga manang ukol sa
indulgencia na maaari lang palang bilhin.
• Ang pagdating ni Sisa sa kumbento upang
kausapin ang kura at pauwiin ang anak na
si Crispin.
• Itinaboy ng tagaluto si Sisa.
KANSER NG LIPUNAN:
Maling Paniniwala sa Relihiyon
KABANATA 17 – SI BASILIO
• Nakauwi si Basilio na duguan ang noo
(Nadaplisan siya ng bala na ipinutok ng
guardia sibil)
• Ikinabahala ni Sisa ang nangyari sa anak
lalo na sa di niya pagkakasama kay Crispin.
• Nanaginip si Basilio na namatay si Crispin.
• Kinausap ni Basilio ang ina ukol sa kanyang
mga plano na baguhin ang kanilang buhay
ngunit di kasama ang ama sa mga plano.
KABANATA 19 – MGA KARANASAN NG ISANG
GURO
• Nag-usap ang guro at si Ibarra malapit sa
lawa na kung saan dito itinapon ang
bangkay ng kanyang ama.
• Ang gurong ito ay lubos ang paghanga
kay Don Rafael dahil siya ang tumutulong
dito sa pagpapaaral ng mga bata noong
nabubuhay pa ito.
• Ikinuwento ng guro kay Ibarra ang mga
suliranin ng bayan ukol sa edukasyon.
KAKULANGAN NG GAMIT, PAARALAN ,
GURO
KAWALAN NG INTERES NG MGA
KABATAAN
KAKULANGAN NG SUPORTA NG MGA
MAGULANG
PARUSANG PAMAMALO
• Pagsabi ni Crisostomo na ipagpapatuloy
niya ang layunin ng ama na magpatayo ng
paaralan.
KANSER NG LIPUNAN:
Maling Sistema ng Edukasyon
KABANATA 20 – ANG PULONG SA TRIBUNAL
• Nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal para
sa pag-uusap sa nalalapit na kapistahan ng
San Diego. (Dumalo sa pulong sina Ibarra
at ang guro) at si Pilosopo Tasyo)
• May dalawang lapian (party) sa pulong
LIBERAL – Don Filipo Lino (Tinyente Mayor
ng San Diego) – gusto ng simpleng
selebrasyon
KONSERBADOR – Kapitan Basilio - gusto
ng magarbong kapistahan
• Nagkaroon ng mahabang pagtatalo ukol sa
kwartang gugulin para sa kapistahan.
• Nabalewala ng kanilang pagtatalo sapagkat
may plano na pala ang kura ng bayan.
KANSER NG LIPUNAN:
Pangingibabaw sa Kapangyarihan
Pagwawaldas ng Pera ng Bayan
KABANATA 21 – KASAYSAYAN NG ISANG INA
• Hinuli ng mga guardia sibil si Sisa.
• Nahihiya si Sisa sa mga taumbayan sa
kanyang pagkakahuli.
• Pinakawalan din kaagad si Sisa sa utos ng
alperes.
• Lumabas si Sisa na parang nababaliw.
KANSER NG LIPUNAN:
Kawalang-katarungan
KABANATA 22 – MGA LIWANAG AT DILIM
• Liwanag:
Marami ang natuwa nang dumating sa San
Diego si Maria Clara.(Maraming humahanga
sa kanyang kagandahan)
Masayang ibinalita ni Ibarra kay Maria Clara
na matutuloy ang nais niyang magkaroon ng
pistang pambukid
Humingi ng tulong kay Ibarra si Pedro para
sa kanyang asawang nababaliw na at sa
nawawalang dalawang anak.
• Dilim:
Pagtanggi ni Maria Clara na imbitahin si
Padre Salvi sa pistang pambukid.
Pagtutol ni Ibarra na di imbitahan si Padre
Salvi
Pagkatakot ni Maria Clara kay Padre Salvi
KABANATA 23 – ANG PANGINGISDA
• Maagang pumunta ng lawa ang mga tao
para sa pistang pambukid.
• Pagpapakita ng pagiging konserbatibo –
paghihiwalay ng mga kadalgahan sa
mga kabinataan.
• Naririto sa bangka ang piloto (Elias)
• Ikinagulat ng lahat ang pagkakita nila sa
malaking buwayang nasa baklad.
• Unang tumalon ang piloto ng bangka at
sinubukang patayin ang buwaya.
• Tinulungan ni Ibarra ang piloto kaya
tumalon din siya sa tubig.
• Nagpasalamat ang piloto ng bangka kay
Ibarra sa pagligtas nito sa kanya na
muntik na niyang ikamatay dahil sa
buwaya.
• Ikinatakot ni Maria Clara ang nangyari sa
kanyang kasintahan.
KABANATA 24 – SA GUBAT
• Nagmamadaling tapusin kaagad ni Padre
Salvi ang kanyang misa dahil nais na niyang
sumunod sa idinaos na pistang pambukid.
• Hindi napigilan ni Padre Salvi ang paghanga
kay Maria Clara nang maubutan itong naliligo
sa ilog kasama ng ibang kadalagahan.
• Napag-usapan ang ukol sa nangyari nang
mga nakaraang araw, na may bumugbog kay
Padre Damaso (Elias)
• Nakita nila sa gubat si Sisa ngunit tumakbo
ito nang makita ang kura.
• Ipinag-utos ni Ibarra na hanapin si Sisa at
kanyang tutulungang ipagamot.
• Tinanong ng alperes ang kura ukol sa
nawawalang anak ni Sisa.
• Dumating ang guardia sibil dahil nais nilang
hulihin si Elias (ang piloto ng bangka)
KABANATA 25 – SA BAHAY NG PILOSOPO
• Pinuntahan ni Ibarra si Pilosopo Tasyo
upang humingi ng payo ukol sa kanyang
ipatatayong paaralan.
• Inabutan niyang nagsusulat si Pilosopo
Tasyo ngunit gamit ang jeroglipiko sa
kanyang isinusulat na ipinagtataka niya.
• Binalaan naman ni Pilosopo Tasyo si Ibarra
na mag-ingat sa kanyang mga plano at di
dapat siya konsultahin nito.
• Mas dapat daw siyang lumapit sa kura , sa
Kapitan at sa lahat ng mayayaman ukol sa
kanyang mga plano.