Ang kwento ng 'Noli Me Tangere' ay umiikot kay Crisostomo Ibarra na nagbalik mula sa Europa at nakaengkwentro ng mga suliranin dahil sa paratang laban sa kanyang ama, si Don Rafael. Sa kanyang pagbabalik, nakatagpo siya ng mga hadlang sa kanyang pagmamahalan kay Maria Clara at nabilanggo dahil sa mga maling akusasyon. Sa kabila ng mga pagsubok na kanyang dinaranas, patuloy siyang naglalayon na magpatayo ng paaralan at ipaglaban ang kanyang bayan laban sa pang-aapi ng mga Kastila.