35. Mahalagang malawak ang kaalaman sa
anumang bahagi ng pananalita, kahit pa
sabihing ang Filipino ay sarili nating wika.
Gaya ng pangngalan, maraming dapat
tandaan at unawain, upang magamit nang
tama sa pakikipagtalastasan atpagsulat,
gaya ng pagsulat ng sanaysay.
36. Ang mga gamit ng pangngalan ay:
*Simuno o Paksa -pangngalang pinag-
uusapan sa pangungusap
*Kaganapang Pansimuno -bahagi ng
panaguri tinutukoy rito ay iisa lamang
38. *pamuno- parehas sa simuno at nasabahagi ng
paksa
*tuwirang layon (layon ng pandiwa)- pangngalang
sinusundan ng pandiwa
*layon ng pang-ukol- pangngalang sinusundan ng
pang-ukol
*pantawag- pangngalang tinatawag sa
pangungusap ito ay ang mga gamit ng pangngalan
Ang pangngalan ay may anim na gamit. Ang simuno, pantawag, pamuno,
kaganapang pansimuno, layon ng pandiwa, at layon ng pang-ukol.
Halimbawa:
Ang kabataan ang pagasa ng bayan.
• Ginamit ang pangngalang kabataan bilang paksa o simuno ng
pangungusap.
Ang pangngalang nasa panaguri ay siya ring tinutukoy na pangngalan
sa simuno.
Halimbawa:
Sila ang mga kabataang tapat sa bayan.
• Ang panghalip na sila ang simuno o paksa ng pangungusap.
Ang pangngalang kabataan na bahagi ng panaguri ay ang
kaganapang pansimuno. Samakatuwid, ang sila at kabataan
ay iisa lamang
ito ang gamit ng pangngalan kapag ito ay tumatanggap ng kilos o
pandiwa.
Halimbawa:
Bumuo ng hakbang ang mga kabataan para sa ikauunlad ng bayan.
• Ang salitang bumuo ay pandiwa, pangngalan naman ang
salitang hakbang. Tuwirang layon ng pandiwa ang
pangngalang hakbang. Sumasagot din ito sa tanong na “ano.”
Ano ang binuo ng mga kabataan?
Ang pangngalan ang siyang pinag-uukulan ng kilos.
Halimbawa:
• Kumilos para sa bayan, hindi lamang sa sariling kapakanan.
• Layon ng pang-ukol ang pangangalang bayan, sapagkat ito
ang pinag-ukulan ng kilos na kumilos, naiukol ito sa
pangngalang bayan sa pamamagitan ng pang-ukol na para sa.
ito ang gamit ng pangngalan kapag ang pangngalan ang tinatawag o
kinakausap sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Kabataan, halinang magsama-sama tungo sa pagkakaisa.
• Ang pangngalang kabataan ang tinatawag. Samakatuwid, ang
gamit ng pangngalan ay pantawag.
Ang gamit ng pangngalan ay pamuno kapag ang simuno at isa pang
pangngalang nasa paksa ay iisa lamang. Ginagamit ang pamuno,
upang higit pang maipakilala ang simuno o paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang mga kabataan, ang kabalikat ng bayan ay patuloy na nagsisikap.
• Ang kabataan at ang kabalikat ay iisa lamang, pareho ring bahagi ng
paksa ng pangungusap. Ginamit na pamuno ang kabalikat upang
higit na maipakilala ang kabataan.