2. Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga di-pamilyar na salita.
1. salipawpaw –
2. salumpuwit –
3. gunamgunaman –
4. piging –
5. banyaga -
3.
4. Ano ang ibig sabihin ng salitang hiram?
Bakit may mga salitang hiram?
5. Ang salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas
sa wikang Filipino kung kaya ang mga ito ay tanggap ng
gamitin sa pakikipag-usap.
Ang Alpabetong Filipino sa kasalukuyan ay binubuo ng
dalawampu’t walong titik, kung saan ang anim ay hiram.
Ito ay mga mga titik c, f, j, ñ, q, v, x, at z. Ang bawat titik sa
alpabeto ay binibigkas ng pa-Ingles (halimbawa: a-/ey/, b-/bi/,
c-/si/), maliban sa hiram na titik na ñ-/enye/, na binibigkas na
pa-Espanyol.
6. Ano-ano ang gamit ng mga hiram na titik na ito sa ating
pagbabaybay?
Una, ito ay ginagamit upang mapanatili ang mga kahawig na
tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika
ng Pilipinas. Ginagawa ito upang mapanatili ang kahulugang
pangkultura, panrelihiyon o pampulitikang pinagmulan.
7. Halimbawa ay ang paggamit ng mga titik f, j, v, at z katulad
ng mga sumusunod na salita:
1. Ifugaw na dating binabaybay na Ipugaw
2. Ivatan na dating binabaybay na Ibatan
3. safot ng mga Ibaloy na ang ibig sabihin ay “sapot ng
gagamba”
4. jalan ng mga Tausug na ang ibig sabihin ay “daan o kalsada”
8. 5. vakul ng mga Ivatan na ang ibig sabihin ay “pantakip sa ulo
na gawa sa damoat ginagamit bilang pananggalang sa ulan at
init ng araw”
6. zigattu ng mga Ibanag na ang ibig sabihin ay “silangan”
7. kuvat ng mga Ibaloy na ang ibig sabihin ay “digma”
9. Pangalawa, ginagamit ang mga dagdag na titik sa pagsulat
ng mga hiram na salita mula Espanyol, Ingles at iba pang mga
wikang banyaga. Ngunit tandaan natin na hindi sa lahat ng
pagkakataon natin maaaring gamitin ang mga dagdag na titik.
Ibig sabihin, hindi na natin maaaring gamitin ang mga ito upang
palitan ang baybay ng mga salitang lumaganap na at tinanggap
na ng Kagawaran ng Wikang Filipino (KWF) alinsunod sa
abakada. Mga halimbawa nito ay:
10. Tinanggap at lumaganap ng
baybay
Pinagmulang hiram na salita
1. pinya 1. piña
2. kalye 2. calle
3. sapatos 3. zapatos
4. tseke 4. cheque
5. bintana 5. ventana
11. Panuto: Punan ang tinanggap at lumaganap na baybayin ng
mga sumusunod na salita.
Pinagmulang hiram na
salita
Tinanggap at lumaganap
ng baybay
1. piña
2. calle
3. zapatos
4. cheque
5. ventana
12. Ano ang kahalagahan ng mga salitang
hiram sa pang-araw-araw nating pakikipag-
usap sa mga ibang tao?
14. Panuto: Isulat sa tamang baybay ang katutubong salita na
tinutukoy sa bawat bilang.
___________________1. salitang Ibaloy na ang ibig sabihin ay “sapot
ng gagamba”
___________________2. salitang Ibanag na ang ibig sabihin ay
“silangan”
___________________3. salitang Ivatan na ang ibig sabihin ay
“pantakip sa ulo na gawa sa damo at ginagamit bilang
panangga sa ulan at init ng araw”
16. Gamit ang internet, maghanap ng mga salitang
hiram at isulat ang kanilang katumbas na
kahulugan o tinanggap at lumaganap na baybay sa
iyong kwaderno.
19. Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng “Salita, Salita, Saan
Ka nagmula?”
Huhulaan ng mga mag-aaral kung nagmula ba sa Ingles
o Espanyol ang mga sumusunod na salita.
1. kompyuter
2. silya
3. edukasyon
4. selpon
5. kubyertos
20. Sasabihin ng guro na ang mga sumusunod na
salita ay tinanggap at lumaganap na salita
dahil sa pananakop ng mga dayuhan na
masasabing mga hiram na salita.
21. Ano-ano ang mga pamantayan sa
pagbabaybay ng mga salitang hiram?
22. 1. Kung ang salita ay may mga hiram na titik at
tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, at
pook, hindi binabago ang baybay nito.
Mga halimbawa:
Nueva Ecija
Princess Sofia
Victory Liner
Quezon St.
Niño Manila Zoo
23. 2. Kapag manghihiram sa Ingles, maaaring hanapin
muna ang salitang katumbas nito sa Espanyol saka
baybayin sa Filipino sapagkat higit na umaalinsunod ang
wikang Espanyol sa bigkas at baybay kaysa Ingles.
Mga halimbawa:
24. English Espanyol Salin sa Filipino
a. education educacion Edukasyon
b. standardization estandardization istandardisasyon
c. baggage bagaje Bagahe
d. onion cebollas sibuyas
e. virtue virtud birtud
25. Panuto: Magbigay ng limang pangngalan may hiram na
letra:
SALITANG MAY HIRAM NA TITIK
Tao Bagay Hayop Lugar
27. Ano ang dalawang pamantayan sa
pagbabaybay ng mga salitang hiram?
28. Panuto: Isulat ang salin sa Filipino ng mga sumusunod na
salitang hiram sa Ingles at Espanyol.
A. INGLES
1. basketball –
2. teacher –
3. taxi –
4. television –
5. traffic –
31. Panuto: Suriin ang bawat sangkap sa paggawa ng
organikong pataba. Lagyan ng tsek (/) kung saan ito
dapat mapabilang.
32. Panuto: Ibigay ang mga salin ng mga sumusunod sa Filipino.
1.liquido –
2. educaccion –
3. cellphone –
4. liter –
5. calendario –
33. Ipapakita ng guro ang mga salin sa Filipino ng mga
sumusunod na asignatura at huhulaan ng mga mag-aaral
ang salin nito sa Ingles.
1. Sipnayan-Mathematics
2. Agham- Science
3. Sukgisan – Geometry
4. Panandaan – Algebra
5. Liknayan - Physics
34. Ano-ano ang mga pamantayan sa
pagbabaybay ng mga salitang hiram?
35. 3. Ang mga salitang teknikal, pang-agham, pang-
matematika at mga simbolong pang-agham at pang-
matematika ay hinihiram ng walang pagbabago.
Mga halimbawa:
Teknikal Pang-agham Pang-
matematika
internet Oxygen Tangent
Software Mercury Square root
keyboard thermometer dividend
36. 4. May mga salitang hinihiram at binabaybay ng walang
pagbabago sapagkat wala itong katumbas sa Filipino.
Mga halimbawa:
shampoo
conditioner
gel
diaper
pizza
cake
37. 5. Mayroon ding mga salitang hiram na may katumbas
ng salin sa Wikang Filipino subalit maaari ring isalin o
isulat ng pabaybay ayon sa tunog ng mga titik na
bumubuo dito.
Mga halimbawa:
38. Hiram na Salita Katumbas sa Salina yon sa
ng mga titik
teacher guro Titser
notebook kuwaderno notbuk
schedule talaan Iskedyul
score puntos Iskor
special natatangi Espesyal
hospital pagamutan ospital
39. Panuto: Isulat ang mga nawawalang salita upang mabuo
ang bawat hanay.
Salitang Katumbas sa
Filipino
Salin Ayon sa
Tunog ng mga
Titik
1. smart Matalino
2. score Iskor
3. level Antas
4. special Espesyal
5. notebook notbuk
41. Ano ang tatlong pamantayan sa
pagbabaybay ng mga salitang hiram?
42. Panuto: Suriin ang mga salitang makikita sa ibaba. Isulat ang
wastong baybay nito sa wikang Filipino. Sundin ang tamang
alituntunin at paraan sa panghihiram ng mga salita.
Halimbawa: column - kolum,
1. artery
2. project
3. malnutrition
4. indication
5. direction
44. Panuto: Ibigay ang mga katumbas na salin sa Filipino ng mga
sumusunod na salita ayon sa tunog ng titik.
1. titser –
2. ospital –
3. iskor –
4. sabjek –
5. sentral -
45. Panuto: Bigkasin ang salita sa bawat bilang. Baguhin ang baybay
ng mga salitang hiram ayon sa Alpabetong Filipino.
Halimbawa: leader – lider
1.police – ______
2. nurse –______
3. doctor –______
4. television –______
5. zapatos -______
46. Sumulat ng sampung (10) salitang hiram na hindi maaaring
isalin sa Wikang Filipino. Isulat ang mga ito sa tamang baybay.
Halimbawa: chat, video call
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
47. Ano ang kahalagahan ng mga salitang
hiram sa ating araw—araw na
pakikipagkomunikasyon gamit ang social
media?
48. Ano-ano ang mga pamantayan sa
pagbaybay ng mga salitang hiram?
49. Panuto: Pasalitang baybayin ang salitang hiram na nasa
bawat bilang. Isulat nang may wastong baybay ang
salitang katumbas nito sa Wikang Filipino, kung
mayroon, at lagyan ng naman ng ekis(X) ang patlang
kung wala.
Halimbawa:
Kanser – cancer
1. pizza –
2. carbon dioxide –
3. magazine –
4. leader –