2. Ang pangungusap ay nagsisimula sa
malaking letra at nagtatapos sa bantas. Ang
bantas na inilalagay sa hulihan ng pangungusap
ay naaayon sa nilalaman ng pangungusap.
3. Mga halimbawa:
1. Ang ating wika ay sumasalamin sa ating pagkabansa.
2. Hangga’t maaari, gamitin natin ang ating wika.
3. Ginagamit mo ba nang may pagpapahalaga ang ating
wika?
4. Ipinagmamalaki ko ang wikang Filipino!
5. Tandaan nating Filipino ang ating wikang pambansa.
4. 1. Paturol o Pasalaysay- uri ng pangungusap na
nagsasaad ng isang pahayag. Nagtatapos sa tuldok
( ).
Mga halimbawa:
a. Mahusay maglaro ng chess si Tom.
b. Ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan tuwing Abril.
5. 2. Patanong- ito ay pangungusap na nagtatanong
at nagtatapos sa tandang pananong ( ).
Mga halimbawa:
a. Ano ang mga natutunan mo sa mga aralin sa
Filipino?
b. Saan kayo pupunta ngayong bakasyon?
6. 4. Pautos o Pakiusap- uri ng pangungusap na
nagpapagawa o nakikiusap na gawin ang isang
bagay. . Nagtatapos din ito sa tuldok ( ).
Mga halimbawa:
a. Dalhin mo ang gamot sa ospital.
b. Pakilagay itong mga bili ko sa kusina.
7. 5. Padamdam- ito ay pangungusap na nagsasaad ng
matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, takot o
pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang padamdam ( ! ).
Mga halimbawa:
a. Naku! Ang daming insekto!
b. Bilisan mo! Umuulan na!