SlideShare a Scribd company logo
Ipindot mo, Ihinto ko.
Anong ginagawa mo rito? Sagot: Dito kaya
ako nakatira.
ï‚”Masaya ako, kasi kikitain ko na bukas ang
matagal ko nang ka-chat
Ipinatawag siya ni Senate Finance
Committee Chair Juan Ponce Enrile.
ïƒżNoon kasi, although kilala na siya, hindi
raw siya tinitilian. So nagsikap siya para
mas sumikat pa.
ïƒżMatatalino ang mga students ko ngayon.
Ang mga pangungusap na nakita nyo sa
taas ay ilan lamang sa mga pahayag na
karaniwang naririnig ngayon. Kung ikaw
gramaryan, isasama mo na ba sa iyong
paglalarawan ng wikang Filipino ang mga
pangungusap na ito?
May mga nagsasabing may nabubuo nang mga pagbabago
sa gramatika, na hindi pa naitatala sa mga aklat ng gramatika, o
hindi pa napag-uukulan ng pagsusuri. Tinawag itong emerging
gramar ng ilan, na maaaring tumbasan sa Filipino ng “sumisibol na
gramatika.” May nagtanong: hindi ba sumusupling? Mas malaki
ang supling kaysa sibol. Kung baga sa tao, ang sibol ay nasa
sinapupunan pa, pinalalaki pa bago ilabas. Samantala, ang supling
ay naianak na. Ang sumisibol na gramatika ay nasa sinapupunan
pa, bago pa lamang nabubuo. Kaya nga may sub-title ang papel na
ito: ilang Obserbasyon sa mga kalakaran/mga pagbabago sa wika.
Ang sumisibol na gramatika
Pumasok na kaya ang ponemang F at V kahit lamang
sa mga pantanging ngalan? Batay sa pakikinig sa mga balita
at usapan sa radyo at telebisyon, at sa pakikinig sa mga
usapan ng mga tao sa paligid, lumalabas na ang mga Pilipino
ay hindi conscious sa pagbigkas ng nasabing mga ponema
kahit sa mga pangalan.
Narito ang ilang piling salita at kung ano ang
obserbasyon kung paano binigkas ang mga ito.
Pangalang pantangi
Vic Lima - Bik Lima
Ted Failon - Ted Paylon
Ricky Velasco - Riki Belasco
Ilang Obserbasyon sa mga bagong
kalakaran/pagbabago sa wika
Vietnam - Byetnam
Rodolfo - Rodolpo
Vicente - Bisente
QuezonBlvd. - Bolebard
Dave - Deyb
Bayani Fernando - Bayani Pernando
Samakatuwid, kung minsan ay binibigkas ang F at V sa
mga pantanging ngalan ngunit kadalasan ay hindi.
Pangalang pambalana
Housing Fair`- hawsing peyr
chief of police - tsip op polis
seven - seben
Four - por
ïƒżBatay sa mga nakalap na datos, hindi pa conscious
ang mga Pilipino sa pagpapatunog ng F. kung sakali
man, hindi labio-dental ang F na nabubuo kundi
bilabial.
ïƒżLumabas noong 1972 ang Tagalog Reference
Grammar nina Schachter at Otanes. Sa nasabing
libro, ang F ay nakakulong sa paretheses dahil
marginalized pa lamang, ayon sa mga sumulat ng
aklat.
ïƒżAng “pilipit” na R. may ilang kabataang
tagapagbalita sa radyo at TV na kapansin-pansing
naiiba ang pagbigkas ng R? medyo nakakiling.
ïƒżLawakan ang pagmamasid at pakikinig at
mapapansin ang dumadaming kabataan na ganito
kung bumigkas ng R. ito kayay isang fad, o kaya
Noong panahon ng panunungkulan ni Lito Atienza ng
Maynila, makikita sa lahat ng sulok ng lungsod ang ganito:
Maynila: Atin siya. Pansinin kung paano ginamit ang panghalip
na panao na siya, ginamit sa pagtukoy sa isang lugar.
Iba pang mga halimbawa:
“Masarap siya.”
(Mula ito sa sa isang TV komersiyal tungkol sa pamahid sa
tinapay)
“akala nami’y matibay ang pader, pero sa biglang buhos ng ulan ay
agad siyang bumigay.
(ito ang sinabi ng isa sa mga nabiktima nang gumuho ang isang
mataas na pader at matabunan ang ilang bahay ng iskwater)
Kontrobersiya
“Bago mo siya pindutin, tiyakin mo munang nakasaksak na ang
computer”
(ito ang turo ng guro sa kanyang estudyante sa computer.)
Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939) ni Lope
K. Santos, ang salitang siya ay isahang panghalip panao sa
pangatlong panauhan. Katumbas ito ng Ingles na he,she. Ito
ang gamit ng siya na alam ng lahat, maging guro o
estudyante ng wikang Filipino.
Ngunit sa isang seminar sa isang prestihiyosong
Unibersidad sa Maynila, isang propesora ng Filipino ang ang
paulit-ulit at konsistent na gumamit ng panghalip na siya
para tukuyin, hindi lamang mga tao, kundi pati mga bagay na
tulad ng libro, letra, problema sa ispeling atbp.
“Panahon na para baguhin ang dating tuntunin sa
pagbabaybay; iangkop natin siya sa ating mga tao, kundi pati
mga pangangailangan sa ngayon.”
Ngunit, hindi lamang bilang panghalip panao ang gamit ng
salitang siya. Maaaring hindi na napapansin ng marami sa atin na
ang salitang ito ay gamit sa pagbubuo ng ilang salita.
Ano ang pasiya mo?
Masiyahan kaya ang mga bisita natin sa ating handa?
0, kasiya ba sa iyo ang damit?
Siyanga? Baka naman binobola mo lang ako.
Siya nawa.
Mahalaga sa kulturang Pilipino ang pangatlong panauhan,
ang siya, gaya ng ipinapakita ng mga halimbawa sa itaas. Ang
pasiya ay desisyon o hatol. Kapag nasiyahan, maligaya o kontento.
Kung kasiya ang isang bagay, ito’y kasukat o sapat batay sa
pamantayan ng siya. Ang siyanga ay katumbas ng “Oo nga, tlaga.”
ang huli, siya nawa, ay “amen, mangyari sana.”
Tlagang palasak na ngayon ang ang siya sa pagtukoy sa mga
bagay na hindi tao. Bata’t matanda, propesyonal o manggagawa,
ginagamit ito.
“Tawag ako nang tawag sa iyo kanina pa, ring lang siya ng
ring pero walang sumasagot.”
“Tinakpan ko na nga siya pero nabungkal parin ng pusa.”
Isang kilalang awtoridad sa gramatika ang nagsabing
mismong siya ay gumagamit ng salitang siya para tukuyin hindi
lamang mga tao kundi pati mga bagay. Talagang uso na. Marahil,
ito ay dahil ginagawang malinaw o explicit ang pagtukoy sa isang
bagay na implicit o nauunawaan.
Sadyang patuloy ang na nagbabago ang isang wikang
buhay. Ang mali ngayon ay maaaring maging katanggap-tanggap
bukas. Kaya walang dapat ikatakot ang mga bantay ng wika.
Kailangang maging bukas ang isip natin sa pagbabago.
Sabi ni Lope K. Santos, ang “bibig ng bayan” ang may panghuling
pasiya,
Matagal nang pinagtatalunan kung alin ang dapat ulitin – ang
salitang ugat ba o ang panlapi? Nilutas ang problema noong 1987 sa
tuntunin sa bagong alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay na ipinalabas
ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (KWF) sa pamamagitan ng
noo’y DECS, nilutas ang problema sa pamamagitan ng pagtanggap sa
dalawang anyo: kapawa tama ang nakakahiya at ang nakahihiya. Ngunit
hindi ipinaliwanag kung bakit kapwa tama ang dalawang anyo.
Ayon sa tuntunin sa mga aklat sa gramatika, sa pagbabanghay
ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitang ugat. Upang ipakitang
mali ang tuntunin, ibinibigay na halimbawa ang nagpaplantsa. Ang
unang pantig ay plan, kung gayon, magiging nagplanplantsa – na wala
namang gumagamit. Iniwasto ito sa kalaunan: ang inuulit ay unang
katinig at unang patinig ng salitang ugat.
Nakakahiya o nakahihiya?
Balikan natin ang nakakahiya/nakahihiya
Salitang ugat : hiya
Word base : kahiya
Panlapi: ma-
Sa ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang
ugat kundi ang unang katinig at unang patinig (ung K at unang P) ng
base (tinatawag ding word stem), hindi salitang ugat.
Itinuro noon sa mga lumang aklat ng balarila na ang mga panlapi ay ma-,
mag-, maka-,maki-, makapag-, at iba pa. sa makabagong pananaw
hinahati-hati ang mga ito: ma-+ ka-+ pag-+ at ang pinakahuling pantig
lamang ang itinuturing na panalaping makadiwa.
Kapag ganito ang pagsusuri, mas magiging malawak ang saklaw
ng tuntunin at makikita nating pumapasok sa tuntunin ang iba pang mga
halimbawa.
Nakikipaglaban, at hindi nakipaglalaban
Nakikigamit, at hindi nakigagamit
Nagsisipag-alisan, hindi nagsipag-alisan
Gayon man, malawakan nang ginagamit lalo na sa pasulat
na komunikasyon ang pag-uulit ng unang K at unang P ng salitang
ugat. Ganito ang obserbasyon sa mga salitang kinakabitan ng ma-
+ka-+:
Kapwa ginagamit ang dalawang anyo:
Nakakahiya nakahihiya
Nakakalungkot``nakalulungkot
Nakakadismaya nakadidismaya
Nakakatanda nakatatanda
Ngunit dahil sa siguro bihira at di gamitin, iisa lamang ang
anyo ang naobserbahan; nakasusulasok(walang nakakasulasok at
nakaririmarim (walang nakakarimarim)
Kapag naman may pa-, ganito ang naobserbahan
Naipapadala naipadadala
Naipapaliwanag naipaliliwanag
Naipapahayag naipahahayag
May dalawang anyo, kung gayon, kapag may pa- sa word
base. Sa kaso ng “ipinapalagay” at “ipinalalagay.” masasabing
may pagkakaiba sa kahulugan ang dalawang salita: ipinapalagay
(opinyon); ipinalalagay (dalhin sa isang lugar ang isang bagay.
Ngunit sa nakararaming tagagamit, walang distinksyon and
dalawa. Ganito naman tlaga ang sa isang maodernisadong wika –
nagiging mas malawak ang kahulugang saklaw ng iisang salita.
Kongklusyon: ang anyo ng salita na unang K at unang P ng
salitang ugat ang inuulit ay karaniwang nakikita sa pasulat na
anyo, lalo na sa mga teksbuk at iba pang porml na sulatin.
Samantala, sa pagsasalita mas gamitin ang anyo ng salita na ang
inuulit ay ang unang pantig ng word base.
Masasabing talagang may divided usage sa pag-uulit ng
mga panlapi at salita ugat. Kung ang ang kabataan ang
tatanungin, mas pabor silang ulitin ang ka-
ïƒżKakakain ko pa lamang nang dumating siya.
Kakabili ko ng damit para sa parti na di na pala matutuloy.
Kakakitakits lang namin kanina.
Ito na ba ay aspektong kakatapos?
Nagsimula ang pagtatangkang pag-ibahin ng gamit ng
nang at ng sa Balarila ng Wikang Pambansa noong 1939. Bago ito,
makikita sa mga lumang teksto na hindi istandardisado ang gamit
– karaniwang nang ang ginangamit ngunit paminsan-minsan
makikitang may gumagamit di ng ng.
Ngayon, ayon sa tuntunin ng wastong gamit, may kani-
kaniyang gamit ang dalawang salita. Ngunit sa aktwal na gamit ng
nakararaming mamamayan laging nagkakabaligtad ang dalawa.
Naghahanap buhay ng patas
Sumigaw ng malakas
linggo nang tanghali
Makita nang samabayanan
Ang Nang at Ng
Kaya nga ba noon pa ay may maungkahi na ang
mananaliksik na ito na pag-isahin na lamang ang gamit ng nang at
ng. Gamitin na lamang ang nang. Ngunit hindi siguro ito
tatanggapin ng ating mga kababayan dahil ang mas gusto nilang
gamitin ay ang matipid na ng.
May sariling kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng
magbago ang kahulugan ng mga salita batay sa panlaping
ginamit. Halimbawa: bumuli at magbili.
May mga panlapi rin naman na pwedeng magkapalitan,
tulad halimbawa ng i- at –in. may mga pandiwang magkatulad ng
kahulugan o parehong resulta rin ang makukuha alin man sa
dalawa ang gamitin.
Mga halimbawa:
Iluto lutuin
Iprito prituhin
Iihaw ihawin
Igisa gisahin
Paggamit ng panlapi
Ngunit, posible ring magbago ang kahulugan dahil iba nag
magiging resulta depende sa panlaping ginamit.
Iakyat akyatin
Ibili bilhin
Ang mga di taal na tagapagsalita ay natututo rin kapag
nakipamuhay sa komunidad ng mga taal na tagapagsalita at
natututuhan kung paanong ginagamit ng mga tao ang kanilang
unang wika.
May mga nakatakda nang mga panlapi sa bawat salitang
ugat upang maipahayag ang gustong kahulugan. Sa dami ng
gumagamit ng Filipino na hindi taal na nagsasalita ng wikang ito,
maraming pumapasok na ibang gamit.
Irespeto nyo naman, ako!
Italakay natin ngayon ang mga bagong panlapi
Ipindot mo. Ihinto ko
Makikita rito ang paglawak ng saklaw ng gamit ng
panlaping i-. Idagdag pa na mas karaniwan ang paggamit ng
unlapi kaysa hulapi kapag hiram na salita ang nilalapian.
i-computer hindi computerin
i-discuss hindi discuss-in
i-challenge hindi challenge-in
i-xerox hindi xerox-in
May mga bagong estrukturang hiram sa Ingles na
pumapasok na:
Isinilang sa Cavite, nakatira na siya ngayon sa Maynila. (Born
in Cavite, he now resides in Manila.)
Sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grandstar Dreamer
Laarni Lozada at First Runner-up Bugoy Drilon...
(Dati: Sina Laarni Lozada, Pinoy Dream Academy Season 2
Grand Dreamer, at Bugoy Drilon, First Runner-up...)
Paunti-unti ay may pumapasok nang impluwensiya ng
Ingles sa sintaks, Maaari ring idagdag ang paggamit ng siya upang
tukuyin ang mga bagay na walang buhay, na natalakay na.
Paghahanay ng mga salita
Karaniwan ang pagpupungos o pagkakaltas ng mga pantig
sa unahan ng salita. Karaniwang nasasaksihan ang ganitong
pagkakaltas sa kaso ng unlaping i-
(i) Pininta
(i) Nirekomenda
(i) Pinasasagot
(i) Tinatanong
Kadalasang hindi alam ng gumagamit na dapat pala’y may
i- sa unahan ng mga salita sa itaas. Posible ring natural na bilis ng
pagbigkas ay tlaga namang nalalaglag ang i- sa unahan, na sa
katagalan ng panahon ay itinuring na ng karaniwang mga
tagagamit na wala nang i- doon
Pagkakaltas ng unlapi
Naiiba ang kaso ng (i)hatid, dahil ito lamang ang
binabanghay na nang walang i-:
Ihatid inihatid
Ihatidhinatid
Inihahatid ihahatid
Hinahatid ihahatid
Parang apoy na lumalaganap ngayon ang paggamit ng
kaya sa ganitong mga sitwasyon:
Dito kaya ako nakatira, ano?
Busog na ko, kumain na kaya ako!
Dating saklaw ng gamit ng kaya:
1. Nagmumungkahi: Lumunok ka kaya nito, baka makabuti sa
iyo.
2. Nagdududa: Ipinuslit nga kaya niya ang P670M fertilizer
fund.
May bagong gamit ang kaya sa mga halimbawa sa itaas.
Mga Bagong Pahayag
Palasak na rin ngayon ang mga sumusunod:
Huli kasi siyang dumating so nahuli rin ako.
Sige na nga, payag na ako, although hihingin pa rin natin ang
opinyon niya.
Sasabihin na ba natin na ang mga ito ay mga bagong pang-ugnay?
Sumisibol na mga bagong pananaw sa pagsusuri ng gramatika.
Sinasabi sa mga umiiral na aklat ng gramatika na may
dalawang ayos ng pangungusap sa Filipino, ang karaniwan at ang
di karaniwang ayos. Ayon sa marami, ang isa ay dinamiko at ang
isa ay hindi. Ang isang ayos, ang walang ay, ay tinatawag na
“karaniwang ayos.” Samantala, di karaniwang ayos naman ang
tawag sa pangungusap na may “ay.”
May kanya-kanyang gamit ang bawat ayos ng
pangungusap. Narito ang mga halimbawa.
Si Matabagka. Tulad niya’y ang mataas na damong
dansuli na mabining sumasayaw sa ihip ng hangin.
Ayos ng Pangungusap
Si Matabagka at si Imbununga. Ang pag-iibigan nila’y
patuloy pang inaawit ng matatandang Talaandig ng Gitnang
Bukidnon.
Subukin kung ano ang magiging epekto kapag inilagay sa
karaniwang ayos ang lahat ng pangungusap na may “ay.”
Magiging iba na ang dating, iba na ang epekto sa mga
mambabasa
Ayon kay Santiago sa kanyang Makabagong Balarilang
Filipino, ang di karaniwang ayos (may ay) ay “karaniwang
ginagamit na mga pormal na pagkakataon, tulad ng mga pulong,
paglilitis, atb., hindi sa “mga pang-araw-araw o kolokyal na
gamit.” Ang ay raw ay “nagsisilbing panando na
nagpapakilalalang nauuna ang paksa kaysa sa panaguri.”
May ilang naniniwala na ang salitang sinusundan ng “ay” ay ang
paksa ng pangungusap.
Halimbawa
Bukas ay pista
Maniniwala ka bang ang paksa ng pangungusap ay bukas?
Sa Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes
na lumabas noong 1972, tinawag nilang “ay inversion” ang
pangungusap na may “ay” at samakatuwid ay nauuna ang
argumento (o paksa) sa panaguri. Para sa kanila, sa inversion
constraction ay inililipat sa unahan ng pangungusap ang ilang
bahagi na wala sa ganitong posisyon sa batayang pangungusap.
Para sa maraming linggwista, iskolar ng wika at guro ng
Filipino, pareho lamang, walang pagkakaiba, ang dalawang ayos
ng pangungusap at maaaring pagpalitin.
Kaya naman, karaniwan na ang ganitong pagsasanay sa
mga teksbuk sa Filipino:
A. Isulat sa patlang K kung ang pangungusap ay nasa
karaniwang ayos. DK naman kung di karaniwan.
_______1. Ang mga butanding ay malapit nang maubos.
_______2. Pangalagaan natin sila.
Kay Lope K. Santos, ang “ay” ay pandiwang walang
banghay. Kina Schachter at Otanes, ang “ay” ay hudyat na nauuna
ang argumento (o paksa) sa panaguri. Ngunit ang “ay” ay may
gamit sa pangungusap hindi lamang upang ihudyat na nauna ang
simuno.
Ang gamit ng ay
a. Kapag gustong bigyang pansin ang argumento o paksa
Hal. Ang kapistahan ng Nuestra Senora dela Paz ay ginugunita
tuwing Enero 24.
Ang Nuestra Senora dela Paz ay Patron ng Congregation of the
Sacred Heart of Jesus and Mary na itinatag ni Peter Coudrin sa
Paris noong French Revolution
b. Kapag gustong bigyan diin sa unahan ng pangungusap
Madilim pa’y ginising ako ng sunod-sunod na tahol ni Ruben.
Sa Camiguin ay masarap ang lansones.
c. Kapag may ipinapakilalang bagong paksa.
Ang mga parusang maaaring ipataw alinsunod sa Kodigong ito ay
iyong napapaloob sa mga sumusunod.
d. Para ipakita ang kontruksyong paralel
Ang bantay ko’y tala/ang tanod ko’y bituin.
e. Sa pagbubuod ng naunang pahayag
Ito ay parang silakbo ng damdamin sa katatapos lang na
impeachement process
Mga bagong panlapi?
May bago na raw panlapi, ayo sa ilan. Ito ay
–ibo, -al, -er, at iba pa.
Halimbawa:
Kontemplatibo, kontemplativ
Nasyonal
Komisyoner
Maituturing bang mga bagong panlapi sa
Filipino ang mga nabanggit?
Hindi!
Dahil ang mga hiniram ay ang buong salita at
hindi lamang ang mga panlapi.
S bilang pamparami ng pangngalan?
Palasak ngayon ang panghihiram ng mga salitang Ingles na
may S sa dulo.
Halimbawa: mga girls, mga boys, students,
administrators, friends, at iba pa.
Ibig bang sabihin nito’y pluralizer na sa Filipino ang S tulad
sa Ingles?
Hindi.
Dahil gaya sa naunang paliwanag tungkol sa mga “bagong
panlapi” hindi S lamang ang hinihiram kundi ang buong salita.
Masasabi lamang na pamparami na ng pangngalan ang S kung
tinatanggap na ang babaes, lalakis, sanggols, atb.
Ponemang Morpema
Ang o at a ay mga ponemang morpema na nagbabadya ng
kasarian? Hindi pa rin.
Hiniram nang buo ang mga salitang tulad ng abogado/abogada.
Maestro/maestra, at iba pa.
Kailanan at kasarian ng Pangngalan
Itinuturo nito sa mga paaralan ang kailanan ng pangngalan
Isahan: isang bulaklak
Dalawahan: dalawang bulaklak
Maramihan: maraming bulaklak
Nagbago ba ang anyo ng “bulaklak” sa iba-ibang bilang?
Hindi, di ba? Alin ang naiba, hindi ba ang panuring?
Naipapakitanang dalawan at maramihang anyo ng
pangngalan sa pamamagitan ng paglalapi.
Isahan: ina
Dalawahan: mag-ina
Maramihan: mag-iina
Ilan ang ina sa mag ina? Sa mag-iina? Di ba isa lamang? Paano natin
masabi na dalawahan at maramihang anyo ng pangngalan ang
mag-ina at mag-iina gayong hindi naman nagbago ang bilang ng
ina?
Isa pang tanong. Ano ang kasarian ng pangngalang ina?
Pambabae, panlalaki di tiyak o walang kasarian.
Kongklusyon
Sino ang nagpapasiya kung anu-anong mga tuntunin ang
ilalagay sa isang aklat ng gramatika ng isang partikular na wika?
Ang taong bayang tagagamit ba ng wika o ang iskolar ng wika at
linggwista. Sa paggawa ng diksyunaryo, itinatala ng leksikograper
ang lahat ng salitang naobserbahan niya, pati na rin mga
neolohismo, mga slang, mga bagong uso atb. at nilalagyan ito ng
angkop na label. Sa gramatika, hindi ganito ang nangyayari. May
mga pamantayan ng kawastuhan na nakatala sa balarila, at dapat
itong sundin. Preskripto ang tawag dito. Ang descriptive linguist,
sa kabilang dako, ay nagmamasid at naglalarawan ng wika batay
sa aktwal na gamit na naoobserbahan niya.
Salamat po!

More Related Content

What's hot

Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
MARIA KATRINA MACAPAZ
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpemaFely Vicente
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanMarygrace Cagungun
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAllan Ortiz
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
Abbie Laudato
 
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanMga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Kareen Mae Adorable
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
clauds0809
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
JezreelLindero
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
TEACHER JHAJHA
 
Dula
DulaDula
Dula
vavyvhie
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
Avigail Gabaleo Maximo
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
JosephRRafananGPC
 
Konsepto ng wika
Konsepto ng wikaKonsepto ng wika
Konsepto ng wika
The Seed Montessori School
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptx
RioGDavid
 
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaTUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
Emmanuel Calimag
 
Retorika at gramatika
Retorika at gramatikaRetorika at gramatika
Retorika at gramatika
Saint Thomas Academy
 
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLESMGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
 
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)Antonnie Glorie Redilla
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
WENDELL TARAYA
 

What's hot (20)

Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpema
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanMga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
 
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
 
Konsepto ng wika
Konsepto ng wikaKonsepto ng wika
Konsepto ng wika
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptx
 
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaTUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
 
Retorika at gramatika
Retorika at gramatikaRetorika at gramatika
Retorika at gramatika
 
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLESMGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
 
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
 

Viewers also liked

Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
Jo Annie Barasina
 
Wika at gramatika
Wika at gramatikaWika at gramatika
Wika at gramatika
Beberly Fabayos
 
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP""AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP"Cristell Bamba
 
Presentation
PresentationPresentation
PresentationMarlon Zafe
 
Virginia bestil presenration
Virginia bestil presenrationVirginia bestil presenration
Virginia bestil presenration1234bestil
 
Kayarian ng Pangungusap
Kayarian ng PangungusapKayarian ng Pangungusap
Kayarian ng PangungusapDepEd
 
Volcanoes In the Philippines
Volcanoes In the PhilippinesVolcanoes In the Philippines
Volcanoes In the Philippines
Christine Serrano
 

Viewers also liked (7)

Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
Wika at gramatika
Wika at gramatikaWika at gramatika
Wika at gramatika
 
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP""AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
 
Presentation
PresentationPresentation
Presentation
 
Virginia bestil presenration
Virginia bestil presenrationVirginia bestil presenration
Virginia bestil presenration
 
Kayarian ng Pangungusap
Kayarian ng PangungusapKayarian ng Pangungusap
Kayarian ng Pangungusap
 
Volcanoes In the Philippines
Volcanoes In the PhilippinesVolcanoes In the Philippines
Volcanoes In the Philippines
 

Similar to Sumisibol na gramatika sa Filipino

ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptxppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
AnnahojSucuanoTantia
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Lerma Sarmiento Roman
 
Wikang tuali ifugao
Wikang tuali ifugaoWikang tuali ifugao
Wikang tuali ifugao
Grasya Hilario
 
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
johndavecavite2
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
evafecampanado1
 
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinoMaikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
ssuser982c9a
 
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptxPANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
MiriamPraiseGercayo
 
Barayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptxBarayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptx
RYJIEMUEZ
 
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa PilipinasAmalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Fatima Garcia
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
ErikaJaneDiongson
 
Inobasyon
InobasyonInobasyon
Inobasyon
RomanJOhn1
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipino
shekainalea
 
ADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINO
ADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINOADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINO
ADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINO
Kelly Lipiec
 
385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt
385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt
385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt
AndrewTaneca
 
FILIPINO 121.pptx
FILIPINO 121.pptxFILIPINO 121.pptx
FILIPINO 121.pptx
MaryGraceYgotParacha
 
Modyul-1.pptx
Modyul-1.pptxModyul-1.pptx
Modyul-1.pptx
AndreiAquino7
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
YollySamontezaCargad
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).pptKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
MichellePlata4
 
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docxAGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
Niña Paulette Agsaullo
 

Similar to Sumisibol na gramatika sa Filipino (20)

ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptxppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
 
Wikang tuali ifugao
Wikang tuali ifugaoWikang tuali ifugao
Wikang tuali ifugao
 
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
 
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinoMaikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
 
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptxPANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
 
Barayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptxBarayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptx
 
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa PilipinasAmalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
 
Inobasyon
InobasyonInobasyon
Inobasyon
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipino
 
ADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINO
ADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINOADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINO
ADYENDA SA PANANALIKSIK SA GRAMAR NG FILIPINO
 
385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt
385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt
385488994-2001-Revisyon-ng-Alpabetong-Filipino2-ppt.ppt
 
FILIPINO 121.pptx
FILIPINO 121.pptxFILIPINO 121.pptx
FILIPINO 121.pptx
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Modyul-1.pptx
Modyul-1.pptxModyul-1.pptx
Modyul-1.pptx
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).pptKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
 
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docxAGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
 

Sumisibol na gramatika sa Filipino

  • 1.
  • 2. Ipindot mo, Ihinto ko. Anong ginagawa mo rito? Sagot: Dito kaya ako nakatira. ï‚”Masaya ako, kasi kikitain ko na bukas ang matagal ko nang ka-chat Ipinatawag siya ni Senate Finance Committee Chair Juan Ponce Enrile. ïƒżNoon kasi, although kilala na siya, hindi raw siya tinitilian. So nagsikap siya para mas sumikat pa. ïƒżMatatalino ang mga students ko ngayon.
  • 3. Ang mga pangungusap na nakita nyo sa taas ay ilan lamang sa mga pahayag na karaniwang naririnig ngayon. Kung ikaw gramaryan, isasama mo na ba sa iyong paglalarawan ng wikang Filipino ang mga pangungusap na ito?
  • 4. May mga nagsasabing may nabubuo nang mga pagbabago sa gramatika, na hindi pa naitatala sa mga aklat ng gramatika, o hindi pa napag-uukulan ng pagsusuri. Tinawag itong emerging gramar ng ilan, na maaaring tumbasan sa Filipino ng “sumisibol na gramatika.” May nagtanong: hindi ba sumusupling? Mas malaki ang supling kaysa sibol. Kung baga sa tao, ang sibol ay nasa sinapupunan pa, pinalalaki pa bago ilabas. Samantala, ang supling ay naianak na. Ang sumisibol na gramatika ay nasa sinapupunan pa, bago pa lamang nabubuo. Kaya nga may sub-title ang papel na ito: ilang Obserbasyon sa mga kalakaran/mga pagbabago sa wika. Ang sumisibol na gramatika
  • 5. Pumasok na kaya ang ponemang F at V kahit lamang sa mga pantanging ngalan? Batay sa pakikinig sa mga balita at usapan sa radyo at telebisyon, at sa pakikinig sa mga usapan ng mga tao sa paligid, lumalabas na ang mga Pilipino ay hindi conscious sa pagbigkas ng nasabing mga ponema kahit sa mga pangalan. Narito ang ilang piling salita at kung ano ang obserbasyon kung paano binigkas ang mga ito. Pangalang pantangi Vic Lima - Bik Lima Ted Failon - Ted Paylon Ricky Velasco - Riki Belasco Ilang Obserbasyon sa mga bagong kalakaran/pagbabago sa wika
  • 6. Vietnam - Byetnam Rodolfo - Rodolpo Vicente - Bisente QuezonBlvd. - Bolebard Dave - Deyb Bayani Fernando - Bayani Pernando Samakatuwid, kung minsan ay binibigkas ang F at V sa mga pantanging ngalan ngunit kadalasan ay hindi. Pangalang pambalana Housing Fair`- hawsing peyr chief of police - tsip op polis seven - seben Four - por
  • 7. ïƒżBatay sa mga nakalap na datos, hindi pa conscious ang mga Pilipino sa pagpapatunog ng F. kung sakali man, hindi labio-dental ang F na nabubuo kundi bilabial. ïƒżLumabas noong 1972 ang Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes. Sa nasabing libro, ang F ay nakakulong sa paretheses dahil marginalized pa lamang, ayon sa mga sumulat ng aklat. ïƒżAng “pilipit” na R. may ilang kabataang tagapagbalita sa radyo at TV na kapansin-pansing naiiba ang pagbigkas ng R? medyo nakakiling. ïƒżLawakan ang pagmamasid at pakikinig at mapapansin ang dumadaming kabataan na ganito kung bumigkas ng R. ito kayay isang fad, o kaya
  • 8. Noong panahon ng panunungkulan ni Lito Atienza ng Maynila, makikita sa lahat ng sulok ng lungsod ang ganito: Maynila: Atin siya. Pansinin kung paano ginamit ang panghalip na panao na siya, ginamit sa pagtukoy sa isang lugar. Iba pang mga halimbawa: “Masarap siya.” (Mula ito sa sa isang TV komersiyal tungkol sa pamahid sa tinapay) “akala nami’y matibay ang pader, pero sa biglang buhos ng ulan ay agad siyang bumigay. (ito ang sinabi ng isa sa mga nabiktima nang gumuho ang isang mataas na pader at matabunan ang ilang bahay ng iskwater) Kontrobersiya
  • 9. “Bago mo siya pindutin, tiyakin mo munang nakasaksak na ang computer” (ito ang turo ng guro sa kanyang estudyante sa computer.) Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939) ni Lope K. Santos, ang salitang siya ay isahang panghalip panao sa pangatlong panauhan. Katumbas ito ng Ingles na he,she. Ito ang gamit ng siya na alam ng lahat, maging guro o estudyante ng wikang Filipino. Ngunit sa isang seminar sa isang prestihiyosong Unibersidad sa Maynila, isang propesora ng Filipino ang ang paulit-ulit at konsistent na gumamit ng panghalip na siya para tukuyin, hindi lamang mga tao, kundi pati mga bagay na tulad ng libro, letra, problema sa ispeling atbp. “Panahon na para baguhin ang dating tuntunin sa pagbabaybay; iangkop natin siya sa ating mga tao, kundi pati mga pangangailangan sa ngayon.”
  • 10. Ngunit, hindi lamang bilang panghalip panao ang gamit ng salitang siya. Maaaring hindi na napapansin ng marami sa atin na ang salitang ito ay gamit sa pagbubuo ng ilang salita. Ano ang pasiya mo? Masiyahan kaya ang mga bisita natin sa ating handa? 0, kasiya ba sa iyo ang damit? Siyanga? Baka naman binobola mo lang ako. Siya nawa. Mahalaga sa kulturang Pilipino ang pangatlong panauhan, ang siya, gaya ng ipinapakita ng mga halimbawa sa itaas. Ang pasiya ay desisyon o hatol. Kapag nasiyahan, maligaya o kontento. Kung kasiya ang isang bagay, ito’y kasukat o sapat batay sa pamantayan ng siya. Ang siyanga ay katumbas ng “Oo nga, tlaga.” ang huli, siya nawa, ay “amen, mangyari sana.”
  • 11. Tlagang palasak na ngayon ang ang siya sa pagtukoy sa mga bagay na hindi tao. Bata’t matanda, propesyonal o manggagawa, ginagamit ito. “Tawag ako nang tawag sa iyo kanina pa, ring lang siya ng ring pero walang sumasagot.” “Tinakpan ko na nga siya pero nabungkal parin ng pusa.” Isang kilalang awtoridad sa gramatika ang nagsabing mismong siya ay gumagamit ng salitang siya para tukuyin hindi lamang mga tao kundi pati mga bagay. Talagang uso na. Marahil, ito ay dahil ginagawang malinaw o explicit ang pagtukoy sa isang bagay na implicit o nauunawaan. Sadyang patuloy ang na nagbabago ang isang wikang buhay. Ang mali ngayon ay maaaring maging katanggap-tanggap bukas. Kaya walang dapat ikatakot ang mga bantay ng wika. Kailangang maging bukas ang isip natin sa pagbabago. Sabi ni Lope K. Santos, ang “bibig ng bayan” ang may panghuling pasiya,
  • 12. Matagal nang pinagtatalunan kung alin ang dapat ulitin – ang salitang ugat ba o ang panlapi? Nilutas ang problema noong 1987 sa tuntunin sa bagong alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay na ipinalabas ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (KWF) sa pamamagitan ng noo’y DECS, nilutas ang problema sa pamamagitan ng pagtanggap sa dalawang anyo: kapawa tama ang nakakahiya at ang nakahihiya. Ngunit hindi ipinaliwanag kung bakit kapwa tama ang dalawang anyo. Ayon sa tuntunin sa mga aklat sa gramatika, sa pagbabanghay ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitang ugat. Upang ipakitang mali ang tuntunin, ibinibigay na halimbawa ang nagpaplantsa. Ang unang pantig ay plan, kung gayon, magiging nagplanplantsa – na wala namang gumagamit. Iniwasto ito sa kalaunan: ang inuulit ay unang katinig at unang patinig ng salitang ugat. Nakakahiya o nakahihiya?
  • 13. Balikan natin ang nakakahiya/nakahihiya Salitang ugat : hiya Word base : kahiya Panlapi: ma- Sa ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang ugat kundi ang unang katinig at unang patinig (ung K at unang P) ng base (tinatawag ding word stem), hindi salitang ugat. Itinuro noon sa mga lumang aklat ng balarila na ang mga panlapi ay ma-, mag-, maka-,maki-, makapag-, at iba pa. sa makabagong pananaw hinahati-hati ang mga ito: ma-+ ka-+ pag-+ at ang pinakahuling pantig lamang ang itinuturing na panalaping makadiwa. Kapag ganito ang pagsusuri, mas magiging malawak ang saklaw ng tuntunin at makikita nating pumapasok sa tuntunin ang iba pang mga halimbawa. Nakikipaglaban, at hindi nakipaglalaban Nakikigamit, at hindi nakigagamit Nagsisipag-alisan, hindi nagsipag-alisan
  • 14. Gayon man, malawakan nang ginagamit lalo na sa pasulat na komunikasyon ang pag-uulit ng unang K at unang P ng salitang ugat. Ganito ang obserbasyon sa mga salitang kinakabitan ng ma- +ka-+: Kapwa ginagamit ang dalawang anyo: Nakakahiya nakahihiya Nakakalungkot``nakalulungkot Nakakadismaya nakadidismaya Nakakatanda nakatatanda Ngunit dahil sa siguro bihira at di gamitin, iisa lamang ang anyo ang naobserbahan; nakasusulasok(walang nakakasulasok at nakaririmarim (walang nakakarimarim) Kapag naman may pa-, ganito ang naobserbahan Naipapadala naipadadala Naipapaliwanag naipaliliwanag Naipapahayag naipahahayag
  • 15. May dalawang anyo, kung gayon, kapag may pa- sa word base. Sa kaso ng “ipinapalagay” at “ipinalalagay.” masasabing may pagkakaiba sa kahulugan ang dalawang salita: ipinapalagay (opinyon); ipinalalagay (dalhin sa isang lugar ang isang bagay. Ngunit sa nakararaming tagagamit, walang distinksyon and dalawa. Ganito naman tlaga ang sa isang maodernisadong wika – nagiging mas malawak ang kahulugang saklaw ng iisang salita. Kongklusyon: ang anyo ng salita na unang K at unang P ng salitang ugat ang inuulit ay karaniwang nakikita sa pasulat na anyo, lalo na sa mga teksbuk at iba pang porml na sulatin. Samantala, sa pagsasalita mas gamitin ang anyo ng salita na ang inuulit ay ang unang pantig ng word base.
  • 16. Masasabing talagang may divided usage sa pag-uulit ng mga panlapi at salita ugat. Kung ang ang kabataan ang tatanungin, mas pabor silang ulitin ang ka- ïƒżKakakain ko pa lamang nang dumating siya. Kakabili ko ng damit para sa parti na di na pala matutuloy. Kakakitakits lang namin kanina. Ito na ba ay aspektong kakatapos?
  • 17. Nagsimula ang pagtatangkang pag-ibahin ng gamit ng nang at ng sa Balarila ng Wikang Pambansa noong 1939. Bago ito, makikita sa mga lumang teksto na hindi istandardisado ang gamit – karaniwang nang ang ginangamit ngunit paminsan-minsan makikitang may gumagamit di ng ng. Ngayon, ayon sa tuntunin ng wastong gamit, may kani- kaniyang gamit ang dalawang salita. Ngunit sa aktwal na gamit ng nakararaming mamamayan laging nagkakabaligtad ang dalawa. Naghahanap buhay ng patas Sumigaw ng malakas linggo nang tanghali Makita nang samabayanan Ang Nang at Ng
  • 18. Kaya nga ba noon pa ay may maungkahi na ang mananaliksik na ito na pag-isahin na lamang ang gamit ng nang at ng. Gamitin na lamang ang nang. Ngunit hindi siguro ito tatanggapin ng ating mga kababayan dahil ang mas gusto nilang gamitin ay ang matipid na ng.
  • 19. May sariling kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng magbago ang kahulugan ng mga salita batay sa panlaping ginamit. Halimbawa: bumuli at magbili. May mga panlapi rin naman na pwedeng magkapalitan, tulad halimbawa ng i- at –in. may mga pandiwang magkatulad ng kahulugan o parehong resulta rin ang makukuha alin man sa dalawa ang gamitin. Mga halimbawa: Iluto lutuin Iprito prituhin Iihaw ihawin Igisa gisahin Paggamit ng panlapi
  • 20. Ngunit, posible ring magbago ang kahulugan dahil iba nag magiging resulta depende sa panlaping ginamit. Iakyat akyatin Ibili bilhin Ang mga di taal na tagapagsalita ay natututo rin kapag nakipamuhay sa komunidad ng mga taal na tagapagsalita at natututuhan kung paanong ginagamit ng mga tao ang kanilang unang wika. May mga nakatakda nang mga panlapi sa bawat salitang ugat upang maipahayag ang gustong kahulugan. Sa dami ng gumagamit ng Filipino na hindi taal na nagsasalita ng wikang ito, maraming pumapasok na ibang gamit. Irespeto nyo naman, ako! Italakay natin ngayon ang mga bagong panlapi Ipindot mo. Ihinto ko
  • 21. Makikita rito ang paglawak ng saklaw ng gamit ng panlaping i-. Idagdag pa na mas karaniwan ang paggamit ng unlapi kaysa hulapi kapag hiram na salita ang nilalapian. i-computer hindi computerin i-discuss hindi discuss-in i-challenge hindi challenge-in i-xerox hindi xerox-in
  • 22. May mga bagong estrukturang hiram sa Ingles na pumapasok na: Isinilang sa Cavite, nakatira na siya ngayon sa Maynila. (Born in Cavite, he now resides in Manila.) Sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grandstar Dreamer Laarni Lozada at First Runner-up Bugoy Drilon... (Dati: Sina Laarni Lozada, Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Dreamer, at Bugoy Drilon, First Runner-up...) Paunti-unti ay may pumapasok nang impluwensiya ng Ingles sa sintaks, Maaari ring idagdag ang paggamit ng siya upang tukuyin ang mga bagay na walang buhay, na natalakay na. Paghahanay ng mga salita
  • 23. Karaniwan ang pagpupungos o pagkakaltas ng mga pantig sa unahan ng salita. Karaniwang nasasaksihan ang ganitong pagkakaltas sa kaso ng unlaping i- (i) Pininta (i) Nirekomenda (i) Pinasasagot (i) Tinatanong Kadalasang hindi alam ng gumagamit na dapat pala’y may i- sa unahan ng mga salita sa itaas. Posible ring natural na bilis ng pagbigkas ay tlaga namang nalalaglag ang i- sa unahan, na sa katagalan ng panahon ay itinuring na ng karaniwang mga tagagamit na wala nang i- doon Pagkakaltas ng unlapi
  • 24. Naiiba ang kaso ng (i)hatid, dahil ito lamang ang binabanghay na nang walang i-: Ihatid inihatid Ihatidhinatid Inihahatid ihahatid Hinahatid ihahatid
  • 25. Parang apoy na lumalaganap ngayon ang paggamit ng kaya sa ganitong mga sitwasyon: Dito kaya ako nakatira, ano? Busog na ko, kumain na kaya ako! Dating saklaw ng gamit ng kaya: 1. Nagmumungkahi: Lumunok ka kaya nito, baka makabuti sa iyo. 2. Nagdududa: Ipinuslit nga kaya niya ang P670M fertilizer fund. May bagong gamit ang kaya sa mga halimbawa sa itaas. Mga Bagong Pahayag
  • 26. Palasak na rin ngayon ang mga sumusunod: Huli kasi siyang dumating so nahuli rin ako. Sige na nga, payag na ako, although hihingin pa rin natin ang opinyon niya. Sasabihin na ba natin na ang mga ito ay mga bagong pang-ugnay? Sumisibol na mga bagong pananaw sa pagsusuri ng gramatika.
  • 27. Sinasabi sa mga umiiral na aklat ng gramatika na may dalawang ayos ng pangungusap sa Filipino, ang karaniwan at ang di karaniwang ayos. Ayon sa marami, ang isa ay dinamiko at ang isa ay hindi. Ang isang ayos, ang walang ay, ay tinatawag na “karaniwang ayos.” Samantala, di karaniwang ayos naman ang tawag sa pangungusap na may “ay.” May kanya-kanyang gamit ang bawat ayos ng pangungusap. Narito ang mga halimbawa. Si Matabagka. Tulad niya’y ang mataas na damong dansuli na mabining sumasayaw sa ihip ng hangin. Ayos ng Pangungusap
  • 28. Si Matabagka at si Imbununga. Ang pag-iibigan nila’y patuloy pang inaawit ng matatandang Talaandig ng Gitnang Bukidnon. Subukin kung ano ang magiging epekto kapag inilagay sa karaniwang ayos ang lahat ng pangungusap na may “ay.” Magiging iba na ang dating, iba na ang epekto sa mga mambabasa
  • 29. Ayon kay Santiago sa kanyang Makabagong Balarilang Filipino, ang di karaniwang ayos (may ay) ay “karaniwang ginagamit na mga pormal na pagkakataon, tulad ng mga pulong, paglilitis, atb., hindi sa “mga pang-araw-araw o kolokyal na gamit.” Ang ay raw ay “nagsisilbing panando na nagpapakilalalang nauuna ang paksa kaysa sa panaguri.” May ilang naniniwala na ang salitang sinusundan ng “ay” ay ang paksa ng pangungusap. Halimbawa Bukas ay pista Maniniwala ka bang ang paksa ng pangungusap ay bukas?
  • 30. Sa Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes na lumabas noong 1972, tinawag nilang “ay inversion” ang pangungusap na may “ay” at samakatuwid ay nauuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Para sa kanila, sa inversion constraction ay inililipat sa unahan ng pangungusap ang ilang bahagi na wala sa ganitong posisyon sa batayang pangungusap. Para sa maraming linggwista, iskolar ng wika at guro ng Filipino, pareho lamang, walang pagkakaiba, ang dalawang ayos ng pangungusap at maaaring pagpalitin. Kaya naman, karaniwan na ang ganitong pagsasanay sa mga teksbuk sa Filipino: A. Isulat sa patlang K kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos. DK naman kung di karaniwan. _______1. Ang mga butanding ay malapit nang maubos. _______2. Pangalagaan natin sila.
  • 31. Kay Lope K. Santos, ang “ay” ay pandiwang walang banghay. Kina Schachter at Otanes, ang “ay” ay hudyat na nauuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Ngunit ang “ay” ay may gamit sa pangungusap hindi lamang upang ihudyat na nauna ang simuno. Ang gamit ng ay a. Kapag gustong bigyang pansin ang argumento o paksa Hal. Ang kapistahan ng Nuestra Senora dela Paz ay ginugunita tuwing Enero 24. Ang Nuestra Senora dela Paz ay Patron ng Congregation of the Sacred Heart of Jesus and Mary na itinatag ni Peter Coudrin sa Paris noong French Revolution
  • 32. b. Kapag gustong bigyan diin sa unahan ng pangungusap Madilim pa’y ginising ako ng sunod-sunod na tahol ni Ruben. Sa Camiguin ay masarap ang lansones. c. Kapag may ipinapakilalang bagong paksa. Ang mga parusang maaaring ipataw alinsunod sa Kodigong ito ay iyong napapaloob sa mga sumusunod. d. Para ipakita ang kontruksyong paralel Ang bantay ko’y tala/ang tanod ko’y bituin. e. Sa pagbubuod ng naunang pahayag Ito ay parang silakbo ng damdamin sa katatapos lang na impeachement process
  • 33. Mga bagong panlapi? May bago na raw panlapi, ayo sa ilan. Ito ay –ibo, -al, -er, at iba pa. Halimbawa: Kontemplatibo, kontemplativ Nasyonal Komisyoner Maituturing bang mga bagong panlapi sa Filipino ang mga nabanggit? Hindi! Dahil ang mga hiniram ay ang buong salita at hindi lamang ang mga panlapi.
  • 34. S bilang pamparami ng pangngalan? Palasak ngayon ang panghihiram ng mga salitang Ingles na may S sa dulo. Halimbawa: mga girls, mga boys, students, administrators, friends, at iba pa. Ibig bang sabihin nito’y pluralizer na sa Filipino ang S tulad sa Ingles? Hindi. Dahil gaya sa naunang paliwanag tungkol sa mga “bagong panlapi” hindi S lamang ang hinihiram kundi ang buong salita. Masasabi lamang na pamparami na ng pangngalan ang S kung tinatanggap na ang babaes, lalakis, sanggols, atb.
  • 35. Ponemang Morpema Ang o at a ay mga ponemang morpema na nagbabadya ng kasarian? Hindi pa rin. Hiniram nang buo ang mga salitang tulad ng abogado/abogada. Maestro/maestra, at iba pa. Kailanan at kasarian ng Pangngalan Itinuturo nito sa mga paaralan ang kailanan ng pangngalan Isahan: isang bulaklak Dalawahan: dalawang bulaklak Maramihan: maraming bulaklak Nagbago ba ang anyo ng “bulaklak” sa iba-ibang bilang? Hindi, di ba? Alin ang naiba, hindi ba ang panuring?
  • 36. Naipapakitanang dalawan at maramihang anyo ng pangngalan sa pamamagitan ng paglalapi. Isahan: ina Dalawahan: mag-ina Maramihan: mag-iina Ilan ang ina sa mag ina? Sa mag-iina? Di ba isa lamang? Paano natin masabi na dalawahan at maramihang anyo ng pangngalan ang mag-ina at mag-iina gayong hindi naman nagbago ang bilang ng ina? Isa pang tanong. Ano ang kasarian ng pangngalang ina? Pambabae, panlalaki di tiyak o walang kasarian.
  • 37. Kongklusyon Sino ang nagpapasiya kung anu-anong mga tuntunin ang ilalagay sa isang aklat ng gramatika ng isang partikular na wika? Ang taong bayang tagagamit ba ng wika o ang iskolar ng wika at linggwista. Sa paggawa ng diksyunaryo, itinatala ng leksikograper ang lahat ng salitang naobserbahan niya, pati na rin mga neolohismo, mga slang, mga bagong uso atb. at nilalagyan ito ng angkop na label. Sa gramatika, hindi ganito ang nangyayari. May mga pamantayan ng kawastuhan na nakatala sa balarila, at dapat itong sundin. Preskripto ang tawag dito. Ang descriptive linguist, sa kabilang dako, ay nagmamasid at naglalarawan ng wika batay sa aktwal na gamit na naoobserbahan niya.

Editor's Notes

  1. ganito