Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o araling patungkol sa Tuwiran at Di-Tuwiran na uri ng mga pahayag. Andito rin ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing pahayag.
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...
Ito ay naitalagang pag-aralan ng mga nasa ikawalong baitang.
Ang tula ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm. Kilala rin ito bilang patula sa panitikan.
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng mga Opinyon at Mga Wastong paggamit ng mga Salita.
I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o araling patungkol sa Tuwiran at Di-Tuwiran na uri ng mga pahayag. Andito rin ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing pahayag.
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...
Ito ay naitalagang pag-aralan ng mga nasa ikawalong baitang.
Ang tula ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm. Kilala rin ito bilang patula sa panitikan.
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng mga Opinyon at Mga Wastong paggamit ng mga Salita.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Sanaysay. Dito din matatagpuan ang kasaysayan at mga halimbawa ng mga Sanaysay
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Weekly Learning Competency Directory and Test Item BankVicente Antofina
Weekly Learning Competencies Directory and Test Item Bank for ALS is tracking mechanism of learning competencies taught within a week,monthly or quarterly. This will also facilitate the construction of test items for weekly, monthly, and quarterly assessments of learning by learning level and strand.
A module-based test in Science for ALS Secondary Level compiled by the ALS Teachers of the Districts of maydolong, Balangkayan, Llorente, Hernani, and Gen. MacArthur of the Division of Eastern Samar
1. PAGSULAT NG SANAYSAY
(Gabay sa mga Guro at
Mag-aaral ng Alternative
Learning System)
Inihanda ni G. Vicente R. Antofina, Jr.
ALS Mobile Teacher III
Hernani, Eastern Samar, Philippines
2. ACCREDITATION AND EQUIVALENCY TEST
May dalawang parte: Pagsulat ng Sanaysay at Multiple Choice
Multiple Choice Test
a. Elementary: may apat na bahagi, 40 items bawat bahagi
b. Secondary: may limang bahagi ,50 items bawat bahagi
Mga Bahagi ng Test
Bahagi I: Kasanayan sa Pakikipagkomunikasyon (Filipino)
Bahagi II: Communication Skills (English)
Bahagi III: Kasanayan sa Mapanuring Pag-iisip at Paglutas ng Suliranin
a. Mathematics (in Filipino)
b. Science (in Filipino)
Bahagi IV: Kasanayan Pangkabuhayan at Likas an Yaman (Filipino)
Bahagi V: Pagpapalawak ng Pananaw (Filipino)
3. UPANG MAIPASA ANG TEST
...kung ang SS (Standard Score) mo ay 100 o higit pa sa multiple choice na bahagi
ng ALS Test at ang score mo na nakuha sa essay ay 2 o higit pa; o kaya ay ang SS ay
95-99 (sa multiple choice) at ang antas ng score sa essay ay 3 o 4.
SS (Standard Score) - Nagsasabi ng kakayahan o kaalaman kapag ihahambing
ang score niya sa score ng karaniwang grupo ng nakapagtapos ng sekondarya.
SS (Standard Score) - Indicates a test taker's knowledge and competence level in
comparison with the norm group of high school graduates. The SS ranges from 60
to 120).
Batay sa obserbasyon at kwento ng mga mag-aaral, nahihirapan ang mga sila sa
pagsulat ng sanaysay na nagiging dahilan kung kayat sila ay bumabagsak sa test.
Ito ang naging isang dahilan sa pagbuo ng presentasyon na ito na naglalayong
mapataas ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral at guro sa pagsulat ng
sanaysay sa tulong ng mga simpleng tips na nakapaloob dito.
4. PAGSULAT NG SANAYSAY
ANO ANG SANAYSAY?
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
BATAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
a. Obserbasyon - Nakikita, Naririnig, Nababasa, Nararamdaman,
b. Karanasan - Sarili, Pamilya, Pamayanan/Kapaligiran, Pakikisalamuha,
-Masaya, Malungkot, Di-Malilimutang Karanasan
5. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
Titik
Salita
Parirala
Pangungusap
Talata
Sanaysay o Komposisyon
I. Kasanayan sa istruktura ng sanaysay o komposisyon
6. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
II. Kasanayan sa pagsulat ng pamagat
Tandaan:
ang unang titik ng unang salita at ang mga mahahalagang salita sa pamagat ay
nagsisimula sa malaking titik
ang pamagat ay nakasentro sa iyong sulatang papel
isulat ng maayos at sa paraang nababasa
tandaan ang tamang baybay ng mga salita
hindi ito ginagamitan ng anumang bantas maliban kung ito ay patanong
7. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
III. Kasanayan sa wastong gamit ng malaki at maliit na
titik.
A. Malaking Titik – ginagamit sa simula ng bawat pangungusap
- ginagamit sa mga partikular na pangalan ng tao, bagay,
lugar, hayop, pangyayari o kaisipan: Halimbawa: Vicente, Nescafe, Hernani,
Brownie, New Year, Science
- sa Ingles ang salitang I (ako) ay palaging malaki ang
pagkakasulat
B. Maliit na Titik - ginagamit sa mga pangkalahatang pangngalan ng tao,
bagay, lugar, hayop, pangyayari, o kaisipan: lalaki, kape, bayan, aso, pista,
asignatura.
8. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
Mga Bantas
1. Tuldok (.)– ginagamit sa katapusan ng bawat pangungusap na pasalaysay.
2. Kuwit (,)
- sa paghihiwalay ng mga salitang magkakauri: Siya ay nagtanim ng upo, pipino,
patola at ampalaya sa palibot ng kaniyang bahay.
-sa pagsulat nbg petsa: June 24, 2015
-sa pagsulat ng Liham
Bating Panimula: Mahal kong Lita,
Bating Pangwakas: Lubos na gumagalang,
-sa pagsulat nga address: Barangay Carmen, Hernani, Eastern Samar, Philippines
- sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang
isda.”
9. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
3. Tandang Pananong (?)
-sa pangungusap na patanong: Ano ang pangalan mo? Ikaw ba si Juan?
4. Tandang Padamdam (!)
-sa pahayag na nagsasaad ng matinding damdamin: Mabuhay ang
Pilipinas! Uy! Aray!
5. Gitling (-)
-sa salitang inuulit: araw-araw
-sa katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama:
pamatay ng insekto = pamatay insekto dalagang taga bukid = dalagang bukid
- sa pamilang na may unlapi na ika: ika-3
10. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
6. Panipi (“ “)
- ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
- ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan,
magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
- ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Ang binasa niyang
aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.
11. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
7. Panaklong
-ang panaklong ( () ) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang
hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-
ngusap na ito.
- ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating
pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
-ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang
kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang
Turkey ay humigit-kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
-ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa: Jose
P. Rizal ( 1861 – 1896 )
12. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
8. Kudlit (‘) – ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas: Ako’y Pilipino sa
isip, sa puso’t, salita’t sa gawa.
9. Tutuldok (:) - ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod: Maraming
halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita,
Santan at iba pa
-sa liham pangkalakal: Dr. Garcia:
10. Tuldok-kuwit (;)- Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang
pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig: Kumain ka ng maraming prutas;
ito’y makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang
magpatiwakal.
-sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng,
kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa: Maraming magagandang bulaklak
sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakawate, kabalyero,
banaba, dapdap at iba pa.
13. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
11. Tutuldok-tuldok
- ang tutuldok-tuldok o elipsis (…) ay nagpapahiwatig na kusang
ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.
-ginagamit upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa
siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng
pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga
salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Ipinagtibay ng Pangulong Arroy
…
- gingagamit sa mga sipi, kung may iniwang hindi kailangang sipiin
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang …
14. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
IV. Kasanayan sa pagbuo ng mga bahagi ng sanaysay.
Unang talata – Panimula o Introduksyon
Pangalawang talata – Nilalaman o Katawan ng sanaysay
Pangatlong talata – Buod o Pangwakas
Kailangan may taglay na kasanayan kung paano buuin ang bawat bahagi ng
sanaysay.
15. MGA KAILANGANG KASANAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
V. Kasanayan sa paggamit ng wastong sukat ng margin o
indention
1. Indented style – Ang unang salita ay naka-indent ng 1.5 sentimetro pakanan
mula sa kaliwang margin.
2. Full block style – nakalinya sa margin
3. Modified style – ang ilang bahagi ay naka-indent at ang iba naman ay nakalinya
sa margin
17. PAGBUO NG PANIMULA
I. Katangian ng isang epektibong panimula
-nakakahikayat attention grabber
-maaring magsimula gamit ang kasabihan, kahulugan (definition), tanong, o
siniping pahayag.
-tatlong pangungusap
II. Teknik sa pagbuo ng panimula
1. Tukuyin ang pinakamahalagang salita sa pamagat
Halimbawa: Ang Aking mga Pangarap sa Buhay
Ang pinakamahalagang salita ay pangarap o buhay
18. PAGBUO NG PANIMULA
2. Gumawa ng pangkalahatang pahayag tungkol dito. Maari kang gumamit ng
kasabihan, kahulugan, tanong o siniping pahayag.
Halimbawa: Pangarap o Buhay
Ang taong walang pangarap sa buhay ay tulad ng isang bangkang walang
kumpas.
3.Dagdagan ng dalawa o tatlong pangungusap na susuporta sa pahayag na ito.
Halimbawa:
Ang taong walang pangarap sa buhay ay tulad ng isang bangkang walang kumpas. Isa
ito sa mga kasabihan na aking pinaniniwalan. Sapagkat batid ko ang pagkakaroon ng
mithiin sa buhay ay isang gabay tungo sa pagkakaroon ng isang matagumpay na
pamumuhay. Ano nga ba ang aking pangarap sa buhay?
Ang panghuling pangungusap sa bahaging ito ay dapat kaugnay sa susunod na talata.
19. PAGBUO NG KATAWAN NG
SANAYSAY/NILALAMAN
-ang bahaging ito ay nagtataglay ng iyong kasagutan sa pamagat.
-ito ay naglalaman ng iyong personal na pananaw kaugnay sa pamagat.
-kailangang masagot ang tanong na “Bakit?” kahit sa limang magkakaugnay na
pangungusap.
-ang panghuling pangungusap ay dapat konektado sa susunod na talata.
Halimbawa: Ang Aking Pangarap sa Buhay
Noon pa man, hangad ko na ang maging isang guro sa elementarya. Hanggang sa
ngayon hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang pangarap kong ito. Sa pamamagitan
nito, makatutulong ako sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa
pagkakaroon ng mabuting asal at pananaw sa buhay. Ito rin ay magiging daan upang
maibahagi ko ang aking kaalaman sa mga batang aking tuturuan. Kung kaya’t
mahalaga ang pagsisikap upang maitagumpay ko ang pangrap kong ito.
20. PAGBUO NG BUOD O KONKLUSYON
-dapat masagot ang tanong na “Paano?”
-karamihang nagsisimula sa pariralang, “Dahil dito”,
-dapat may challenge tungo sa ikatatamo nga maayos na pamumuhay
-tatlong pangungusap
Dahil dito, lubusan kong pagsisikapan na makamit ang pangarap kong ito. Ang
aking pag-aaral sa ALS ay isang hakbang tungo sa aking pangarap. Alam kong
hindi pa huli lahat at ang pag-asa ay laging nasa tabi sa taong may masidhing
pagnanais na matamo ang pangarap sa buhay tungo sa mas maunlad na
pamumuhay.
21. KARAGDAGANG TIPS
1. Makinig sa panuto na ibibigay ng Room Examiner para sa pagsulat ng sanaysay.
2. Isulat ng maayos ang mga salita sa paraang nababasa.
3. Dapat malinis, walang gaanong erasure at maayos ang porma ng iyong sanaysay.
4. Gumawa ng balangkas para masigurong magkakatugma ang mga talata.
5. Bilisan hangga’t maaari sapagkat may time limit ang pagsulat nito.
6. Tandaan ang kilos o action kung ito ay nagdaan, kasalukuyan o hinaharap.
7. Bigyang pansin ang mga panghalip. Kung ang hinihingi ay ang iyong sariling pananaw dapat
gumamit ng first personal pronouns na ako, ko, at akin.
8. Ang pagbabasa ng mga artikulo ay makatutulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong kakayahan
sa pagsulat ng sanaysay. Pag-aralan ang estilo ng pagbuo ng bawat bahagi ng komposisyon.
22. MGA HALIMBAWANG PAMAGAT NG
SANAYSAY
1. Ano ang Kahalagahan ng Edukasyon?
2. Ang Aking Pananaw sa Pagsapi ng Kapatiran o Fraternity
3. Paano Mapapaunlad ang Turismo ng Pilipinas?
4. Bilang Isang Kabataan, Paano Ka Makatutulong sa Pagpapaunlad ng Iyong
Pamayanan?
5. Ako Sampung Taon Mula Ngayon
6. Ang Aking Magagawa Upang Mapaunlad ang Aking Pamilya
7. Ang Pinakagusto Kong Trabaho