SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
Download to read offline
4
Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Heide F. Carlos
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator
Araling Panlipunan – Ikaapat na
Baitang Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang
Bansa Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng
Edukasyon Kalihim: Leonor
Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – National Capital Region
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
4
Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
ii
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pilipinas ay Isang Bansa !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
iv
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay naglalayon na ikaw
ay matulungang maging mahusay sa mag-aaral tungkol sa ating bansa. Ang
modyul na ito ay gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagkatuto. Filipino ang
wikang ginamit sa modyul na ito upang lubos mong maunawaan ang mga paksang
tatalakayin .
Ang mga aralin ay isinaayos alinsunod sa itinakdang batayan kasanayan sa
pagkatuto na itinuturing na pinakamahalaga sa “new normal” na kalagayan sa
kasalukuyan. Isinaalang-alang pa rin ang mga mithiin at layunin ng Kurikulum ng
K to 12 .
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:
1. Pilipinas bilang isang bansa
2. Mga Elemento ng Pagkabansa
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto ng
bansa.
Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang apat na elemeto ng pagkabansa;
2. Nailalarawan ang Pilipinas batay sa apat na elemento ng pagkabansa;
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng bansa;
4. Natatalakay ang pagkakaiba ng bansa sa estado; at
5. Napahahalagahan ang bansa.
2
Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa papel.
1. Ano ang tumutukoy sa lugar o komunidad na may naninirahang mga grupo
ng tao, may tiyak na teritoryo, may kalayaan o soberanya at matatatag na
pamahalaang namumuno dito?
A. bansa
B. lalawigan
C. lungsod
D. teritoryo
2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang
himapapawid at kalawakan sa itaas na nasasakupan nito?
A. bansa
B. lalawigan
C. lungsod
D. teritoryo
3. Ilan ang anyo ng soberanya?
A. apat
B. dalawa
C. isa
D. tatlo
4. Aling katangian ng soberanya ang tumutukoy sa kapangyarihan ng estado
na hindi maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na
naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling pamahalaan?
A. pansarili
B. walang hanggan
C. malawak ang saklaw
D. palagian o permanente
5. Paano nakakamit ng isang bansa ang pagiging isang estado?
A. nakikipagkalakan ito sa ibang bansa.
B. mayroon itong matatag na sandatahang lakas
C. ito ay kinikilala ng ibang bansa bilang estado
D. mayroong pagkakaisa ang mga mamamayan nito.
3
a. malusog b. sumuporta c. makapag-aral d. batas e. disiplina
Aralin
1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Ang Pilipinas ay bahagi ng mundo at matatagpuan ito sa Timog-silangang
Asya. Dito tayo naninirahan at namumuhay. Ito ang ating teritoryo at nagtatamasa
rin tayo ng kalayaan. Mayroon ding pamahalaan ang ating bansa. Ang ating
pamahalaan ay naglulunsad ng mga programa at proyekto upang makapagbigay ng
mga serbisyong kailangan natin. Naalala mo pa ba ang iba’t- ibang mga programa
at proyektong inilulunsad ng ating pamahalaan? Mahalaga ba na tayo ay makiisa
at makisali sa mga ito? Bakit?
Balikan
Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang mga
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.
1. Kapag tayo ay mas madali nating matutupad ang ating
mga tungkulin.
2. Mahalagang tayo at malinang natin ang ating mga talino.
3. Ang taong may sa sarili ay kusang gumagawa nang mabuti
at tumutupad sa tungkulin nang hindi na kailangang pagsabihan pa.
4. Dapat tayong lumahok at sa mga proyektong inilulunsad ng
ating pamahalaan.
5. Ang kawalan ng paggalang sa ay nagdudulot ng
kaguluhan.
4
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at
maunawaan ng mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan
sa pagkatututo . Binigyang pansin din sa mga Gawain ang
paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration);
malikhain(Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking);
at pagbuo ng pagkatao (Character Building). Makikita rin ang
aralin na ito online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng
mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-
aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/
guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral
ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na
instrukyon sa pagkatuto.
5
BANSA
Tuklasin
Ang watawat ng Pilipinas, simbolo ng bansa
Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Ito ay idinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay
tinahi sa loob ng limang araw sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza
Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad.
Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni
Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.
Tingnan ang watawat ng ating bansa sa kanan
at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Ano-ano ang tatlong pangunahing kulay ng
ating watawat?
Ano ang sinasagisag ng bawat kulay?
Ano-ano naman ang mga simbolo makikita rito?
Ano ang sinasagisag ng bawat simbolo? https://www.graphicmaps.com/philippines/flag
Ang watawat ng Pilipinas ay isang simbolo ng ating bansa. Ano-ano ang mga salita
ang naiisip mo na may kaugnayan sa salitang bansa? Kopyahin sa hiwalay na papel
ang Cloud Chart at sagutan ito.
6
Suriin
Tayo ay mga mamamayan ng isang bansa. Ang bansang ito ay tinatawag na
Pilipinas. Tulad ng Estados Unidos, Greece, Japan, at Brunei, ang Pilipinas ay
bansa rin.
Ang mga bansa sa mundo ay napapangkat ayon sa kontinente. May pitong
kontinente sa daigdig: Asia, Africa, Europe, North America, South America,
Australia, at Antartica. Ang Pilipinas ay nasa Asia, ang pinakamalaking kontinente
sa lahat.
https://www.pinterest.ph/
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya.
7
APAT NA ELEMENTO NG PAGKABANSA
TAO o
MGA MAMAMAYAN
TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA
o GANAP NA
KALAYAAN
Ang pinaka-
mahalagang elemento
ng isang bansa ay ang
mga tao o mamamayan
nito. Sila ang
naninirahan sa loob ng
isang teritoryo na
bumubuo ng
populasyon ng bansa.
Maaaring nagkaka-iba
ang bilang ng mga
mamamayan sa bawat
bansa.
Maaari ding ang
mga mamamayan ng
isang bansa ay
pinaghalong mga
katutubo at
dayuhan.Tinatayang
ang pinakamaliit na
bansa sa mundo ayon
sa bilang ng mga
mamamayan ay ang
Vatican sa Roma.
Samantalang ang
Tsina naman ang may
pinaka- malaking
bilang ng mga
mamamayan sa
mundo. Samantala,
tinatayang nasa
109,439,758 ang
bilang ng mga
mamamayang nakatira
sa Pilipinas sa
kasalukuyang taon,
2020,
Ang teritoryo ay
tumutukoy sa
lawak ng lupain at
katubigan kasama
na ang
himpapawid at
kalawakan sa
itaas nito. Ito rin
ang tinitirhan ng
tao at
pinamumunuan
ng pamahalaan.
May pagkakaiba
ang sukat ng mga
lupang sakop at
teritoryo ng iba’t-
ibang bansa.
Ang pamahalaan
ay isang samahan
o organisasyong
politikal na
itinataguyod ng
mga grupo ng tao
na naglalayong
magtatag ng
kaayusan at
magpanatili ng
sibilisadong
lipunan.
Ang soberanya o
ganap na
kalayaan ay
tumutukoy sa
kapangyarihan
ng pamahalaang
mamahala sa
kaniyang
nasasakupan.
Tumutukoy rin
ito sa kalayaang
magpatupad ng
mga programa
nang hindi
pinakikialaman
ng ibang bansa.
https://www.worldomet
ers.info/world-
population/philippines-
population/.
8
Dalawang anyo ng soberanya – panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya
ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkilala
ng ibang bansa sa kalayaang ito.
Mga Katangian ng Soberanya
Itinuturing na isang estado ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng soberanya.
Ang sumusunod ay mga katangian ng kapangyarihan ng soberanya:
1. Palagian o permanente
Ang kapangyarihan ng estado ay palagian o permanente at hindi
maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na
naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling
pamahalaan.
2. Pansarili
Ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang. Ito ay para sa mga
mamamayan at sa teritoryong nasasakop nito. Hindi ito maaaring
masaklaw ng ibang estado.
3. Malawak ang saklaw
Ang saklaw ng estado ay ang buong teritoryo nito.Sakop din nito ang
lahat ng mga mamamayang naninirahan dito kasama na ang
kanilang magiging anak. Bawat mamamayan, bata man o matanda at
anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, ay may mga karapatan at
tungkulin sa estadong kanyang kinabibilangan.
4. Di-naisasalin at lubos
Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaaring isalin o ibigay
kaninuman. Walang ibang estado o tao ang makapipigil sa
kapangyarihan nito. Ang isang estado ay maaaring makipag-ugnayan
o makipagkalakalan sa ibang bansa o estado, ngunit ang
pagkamakapangyarihan nito ay hindi maibibigay o maisasalin sa iba.
5. Walang hanggan
Ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang hanggan.
Mananatili ang bisa nito ngayon at hanggang sa mga darating na
panahon.
9
Ang kaibahan ng Bansa sa Estado
Hindi lahat ng bansa ay kinikilala bilang estado. Maaaring ang isang pangkat
ng mga tao o mamamayan ay may sariling teritoryo o lupang sakop at pamahalaan
ngunit hindi ito maituturing na isang estado kung wala itong soberanya.
Ang Pilipinas ay maituturing na isang estado. Kinikilala at iginagalang ng ibang
mga bansa ang soberanya nito. Patunay nito ang pagiging kasapi ng ating bansa sa
mga organisasyong kinikilala sa buong mundo tulad ng United Nations (UN),
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Asia Pacific Economic Cooperation
(APEC), at iba pa.
Mga bandila ng mga kasapi sa United Nations
https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations-73-countries-urge-real-reform-
united- nations
10
Pagyamanin
Gawain 1: Blockbuster Game- Alam Ko!
(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Buuin ang “blockbuster” sa pamamagitan ng pagtukoy ng inilalarawan sa
bawat pahayag.
1. Ito ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o
pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
2. Tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito.
3. Isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng
tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.
4. Tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo
ng populasyon ng bansa.
5. Ito ay ang kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang
nasasakupan
11
Gawain 2- Mga Bansa, Kilala Ko!
(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang tinutukoy ay bansa at ekis (X)
kung hindi. Ilagay ang sagot sa puwang bago ang bilang.
1. Malaysia 6. Ilocos Norte
2. Palawan 7. Jakarta
3. Tokyo 8. China
4. New York 9. Hawaii
5. South Korea 10. Australia
Gawain 3- Pagpapaliwanag, Kaya Ko!
(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sa iyong palagay alin sa mga elemento ng pagkabansa ang
pinakamahalaga? Bakit
2. Alin sa mga elemento ng pagkabansa ang hindi maaring magbago?
Bakit?
3. Paano mo masasabi na ang Pilipinas ay isang bansa at isang estado?
12
Mga
elemento ng
pagkabansa
Isaisip
 Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang
iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
 Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan
o soberanya.
 Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may
sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.
Isagawa
Gawain 4 – Pagguhit Magagawa Ko! .
(Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)
Panuto: Gumuhit ng katulad na Flower Chart at isulat sa loob ng bawat talulot
ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa.
Ipaliwanag ang bawat isa.
13
Gawain 5- Mabuting Mamamayan Ako!
(Pagbuo ng Pagkatao, Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Bilang isang mamamayan ng bansa paano mo naipakikita ang pagmamahal
dito? Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong katapatan.
1. Ako ay isang mabuting mamamayan ng Pilipinas sapagkat
2. Ipinagmamalaki ko ang aking bansa dahil
3. Ipinapakita ko ang pagmamahal sa aking bansa sa pamamagitan ng
4. Makatutulong ako sa aking bansa ngayong panahon ng pandemic
na COVID 19 sa pamamagitan ng
14
Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bawat bilang.
1. Pahayag na naglalarawan ng isang bansa.
A. Ang isang bansa ay lupaing sakop ng mga dayuhan.
B. Ang isang bansa ay tirahan ng mga iba-iba ang wika at kultura.
C. Ang isang bansa ay binubuo ng tatlong elemento lamang.
D. Ang isang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng
tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya
makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
2. Tumutukoy sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan
A. pamahalaan B. mamamayan C. soberanya D. teritoryo
3. Katangian ng soberanya na tumutukoy sa kapangyarihan ng estado para sa mga
mamamayan nito, teritoryong sakop nito, at hindi ito maaaring masaklaw ng
ibang estado.
A. palagian o permanente C. malawak ang saklaw
B. pansarili D. di-naisasalin at lubos
4. Dahilan kung bakit hindi maituturing na bansa ang isang lugar?
A. kapag ito ay pinamamahalaan ng ibang bansa
B. kapag ito ay nakikipagkalakan sa ibang bansa
C. kapag ito ay may mga mamamayang naninirahan
D. kapag ito ay may teritoryo
5. Patunay na ang Pilipinas ay itinuturing na isang estado.
A. pagiging sagana sa likas na yaman ng ating bansa
B. pakikiisa ng ating bansa sa mga usaping pangkapayapaan
C. pagiging kasapi ng ating bansa sa mga organisasyong kinikilala sa buong
mundo
D. pagsusulong ng ating bansa ng mga programang nagpapahalaga sa
kultura
15
Karagdagang Gawain
Gawain 6- Pilipinas ang Bansa Ko!
(Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan)
Panuto: Taglay ng Pilipinas ang mga elemento ng pagkabansa. Ilarawan ang
Pilipinas bilang isang bansa at estado sa pamamagitan ng pagpuno sa talaan.
Maaring hingin ang tulong ng magulang o nakatatanda kasama sa tahanan sa
pagasagot.
Ang Pilipinas Bilang Isang Bansa
TAO TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA
Populasyon o
Bilang ng mga Tao
Tawag sa
Mamamayan
Lawak /Sukat ng
Teritoryo
Lokasyon
Uri ng Pamahalaan
Pinakamataas na
Pinuno
Anyo ng Soberanya
16
Sanggunian
Mga Aklat
Antonio, E. et al. Kayamanan 3, Edisyon Rex Book Store, Inc. 2015.
Antonio, E. et al. Kayamanan 4, Edisyon Rex Book Store, Inc. 2017.
Milambiling R. Doon Po sa Amin... Bansang Pilipinas 4, Edisyong K to 12
Cebu City, IEMI Innovative Education Materials Inc., 2014.
Mga Sangguniang Elektroniko
https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations-
73- countries-urge-real-reform-united-nations
https://www.graphicmaps.com/philippines/flag
https://www.pinterest.ph/
https://www.worldometers.info/world-population/philippines-population/
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf

More Related Content

What's hot

Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6
Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6
Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6Mavict De Leon
 
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Glydz Ubongen
 
Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptx
Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptxAraling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptx
Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptxCatherineVarias1
 
ESP Summative Test Grade 4 First Grading
ESP Summative Test Grade 4 First GradingESP Summative Test Grade 4 First Grading
ESP Summative Test Grade 4 First Gradingteacher_jennet
 
PPT DEMO FILIPINO VI
PPT DEMO FILIPINO VIPPT DEMO FILIPINO VI
PPT DEMO FILIPINO VISharyn Gayo
 
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Roneil Glenn Dumrigue
 
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd QuarterEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Ang pilipinas bilang arkipelago
Ang pilipinas bilang arkipelagoAng pilipinas bilang arkipelago
Ang pilipinas bilang arkipelagoMailyn Viodor
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Epekto ng Mabuting Pamumuno
Epekto ng Mabuting PamumunoEpekto ng Mabuting Pamumuno
Epekto ng Mabuting PamumunoCFerrer3
 
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng BansaYunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng BansaEDITHA HONRADEZ
 
lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan Mhelane Herebesi
 
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st QuarterEDITHA HONRADEZ
 
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundoAralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundoLorelynSantonia
 

What's hot (20)

Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6
Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6
Araling Panlipunan Course Outline for Grade 6
 
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
 
Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptx
Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptxAraling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptx
Araling Panlipunan 4 Quarter 1 Week 1.pptx
 
ESP Summative Test Grade 4 First Grading
ESP Summative Test Grade 4 First GradingESP Summative Test Grade 4 First Grading
ESP Summative Test Grade 4 First Grading
 
Anyong lupa- GRADE 3 LP
Anyong lupa- GRADE 3 LPAnyong lupa- GRADE 3 LP
Anyong lupa- GRADE 3 LP
 
Araling Panlipunan 6 Grade 6 1st Quarter Week 1 Day 1
Araling Panlipunan 6 Grade 6 1st Quarter Week 1 Day 1Araling Panlipunan 6 Grade 6 1st Quarter Week 1 Day 1
Araling Panlipunan 6 Grade 6 1st Quarter Week 1 Day 1
 
PPT DEMO FILIPINO VI
PPT DEMO FILIPINO VIPPT DEMO FILIPINO VI
PPT DEMO FILIPINO VI
 
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
 
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
 
Ang pilipinas bilang arkipelago
Ang pilipinas bilang arkipelagoAng pilipinas bilang arkipelago
Ang pilipinas bilang arkipelago
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
K to 12 Science Curriculum Guide
K to 12  Science Curriculum GuideK to 12  Science Curriculum Guide
K to 12 Science Curriculum Guide
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Epekto ng Mabuting Pamumuno
Epekto ng Mabuting PamumunoEpekto ng Mabuting Pamumuno
Epekto ng Mabuting Pamumuno
 
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng BansaYunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
 
lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan
 
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
 
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundoAralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
 

Similar to AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf

KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfJohnnyJrAbalos1
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfReinNalyn
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfnelietumpap1
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoKokoStevan
 

Similar to AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf (20)

KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
F11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdfF11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdf
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 

Recently uploaded

MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 

Recently uploaded (20)

MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 

AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf

  • 1. 4 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
  • 2. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Heide F. Carlos Editor: Amalia C. Solis, EPS Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS Tagaguhit: Name Tagalapat: Name Tagapamahala: Malcolm S. Garma Regional Director Genia V. Santos, CLMD Chief Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and Regional ADM Coordinator Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent Aida H. Rondilla, CID Chief Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and Division ADM Coordinator Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – National Capital Region Office Address: Telefax: E-mail Address:
  • 3. 4 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
  • 4. ii Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pilipinas ay Isang Bansa ! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Pilipinas ay Isang Bansa Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang
  • 6. iv bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
  • 7. 1 Alamin Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay naglalayon na ikaw ay matulungang maging mahusay sa mag-aaral tungkol sa ating bansa. Ang modyul na ito ay gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagkatuto. Filipino ang wikang ginamit sa modyul na ito upang lubos mong maunawaan ang mga paksang tatalakayin . Ang mga aralin ay isinaayos alinsunod sa itinakdang batayan kasanayan sa pagkatuto na itinuturing na pinakamahalaga sa “new normal” na kalagayan sa kasalukuyan. Isinaalang-alang pa rin ang mga mithiin at layunin ng Kurikulum ng K to 12 . Ang modyul na ito ay tumatalakay sa: 1. Pilipinas bilang isang bansa 2. Mga Elemento ng Pagkabansa Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto ng bansa. Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang apat na elemeto ng pagkabansa; 2. Nailalarawan ang Pilipinas batay sa apat na elemento ng pagkabansa; 3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng bansa; 4. Natatalakay ang pagkakaiba ng bansa sa estado; at 5. Napahahalagahan ang bansa.
  • 8. 2 Subukin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa papel. 1. Ano ang tumutukoy sa lugar o komunidad na may naninirahang mga grupo ng tao, may tiyak na teritoryo, may kalayaan o soberanya at matatatag na pamahalaang namumuno dito? A. bansa B. lalawigan C. lungsod D. teritoryo 2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himapapawid at kalawakan sa itaas na nasasakupan nito? A. bansa B. lalawigan C. lungsod D. teritoryo 3. Ilan ang anyo ng soberanya? A. apat B. dalawa C. isa D. tatlo 4. Aling katangian ng soberanya ang tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na hindi maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling pamahalaan? A. pansarili B. walang hanggan C. malawak ang saklaw D. palagian o permanente 5. Paano nakakamit ng isang bansa ang pagiging isang estado? A. nakikipagkalakan ito sa ibang bansa. B. mayroon itong matatag na sandatahang lakas C. ito ay kinikilala ng ibang bansa bilang estado D. mayroong pagkakaisa ang mga mamamayan nito.
  • 9. 3 a. malusog b. sumuporta c. makapag-aral d. batas e. disiplina Aralin 1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa Ang Pilipinas ay bahagi ng mundo at matatagpuan ito sa Timog-silangang Asya. Dito tayo naninirahan at namumuhay. Ito ang ating teritoryo at nagtatamasa rin tayo ng kalayaan. Mayroon ding pamahalaan ang ating bansa. Ang ating pamahalaan ay naglulunsad ng mga programa at proyekto upang makapagbigay ng mga serbisyong kailangan natin. Naalala mo pa ba ang iba’t- ibang mga programa at proyektong inilulunsad ng ating pamahalaan? Mahalaga ba na tayo ay makiisa at makisali sa mga ito? Bakit? Balikan Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon. 1. Kapag tayo ay mas madali nating matutupad ang ating mga tungkulin. 2. Mahalagang tayo at malinang natin ang ating mga talino. 3. Ang taong may sa sarili ay kusang gumagawa nang mabuti at tumutupad sa tungkulin nang hindi na kailangang pagsabihan pa. 4. Dapat tayong lumahok at sa mga proyektong inilulunsad ng ating pamahalaan. 5. Ang kawalan ng paggalang sa ay nagdudulot ng kaguluhan.
  • 10. 4 Mga Tala para sa Guro Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo . Binigyang pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan (Collaboration); malikhain(Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character Building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang: 1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain. 2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag- aaral. 3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/ guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul. 4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.
  • 11. 5 BANSA Tuklasin Ang watawat ng Pilipinas, simbolo ng bansa Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Ito ay idinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay tinahi sa loob ng limang araw sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad. Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898. Tingnan ang watawat ng ating bansa sa kanan at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ano-ano ang tatlong pangunahing kulay ng ating watawat? Ano ang sinasagisag ng bawat kulay? Ano-ano naman ang mga simbolo makikita rito? Ano ang sinasagisag ng bawat simbolo? https://www.graphicmaps.com/philippines/flag Ang watawat ng Pilipinas ay isang simbolo ng ating bansa. Ano-ano ang mga salita ang naiisip mo na may kaugnayan sa salitang bansa? Kopyahin sa hiwalay na papel ang Cloud Chart at sagutan ito.
  • 12. 6 Suriin Tayo ay mga mamamayan ng isang bansa. Ang bansang ito ay tinatawag na Pilipinas. Tulad ng Estados Unidos, Greece, Japan, at Brunei, ang Pilipinas ay bansa rin. Ang mga bansa sa mundo ay napapangkat ayon sa kontinente. May pitong kontinente sa daigdig: Asia, Africa, Europe, North America, South America, Australia, at Antartica. Ang Pilipinas ay nasa Asia, ang pinakamalaking kontinente sa lahat. https://www.pinterest.ph/ Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare- parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.
  • 13. 7 APAT NA ELEMENTO NG PAGKABANSA TAO o MGA MAMAMAYAN TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA o GANAP NA KALAYAAN Ang pinaka- mahalagang elemento ng isang bansa ay ang mga tao o mamamayan nito. Sila ang naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. Maaaring nagkaka-iba ang bilang ng mga mamamayan sa bawat bansa. Maaari ding ang mga mamamayan ng isang bansa ay pinaghalong mga katutubo at dayuhan.Tinatayang ang pinakamaliit na bansa sa mundo ayon sa bilang ng mga mamamayan ay ang Vatican sa Roma. Samantalang ang Tsina naman ang may pinaka- malaking bilang ng mga mamamayan sa mundo. Samantala, tinatayang nasa 109,439,758 ang bilang ng mga mamamayang nakatira sa Pilipinas sa kasalukuyang taon, 2020, Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan. May pagkakaiba ang sukat ng mga lupang sakop at teritoryo ng iba’t- ibang bansa. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong lipunan. Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. https://www.worldomet ers.info/world- population/philippines- population/.
  • 14. 8 Dalawang anyo ng soberanya – panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito. Mga Katangian ng Soberanya Itinuturing na isang estado ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng soberanya. Ang sumusunod ay mga katangian ng kapangyarihan ng soberanya: 1. Palagian o permanente Ang kapangyarihan ng estado ay palagian o permanente at hindi maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling pamahalaan. 2. Pansarili Ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang. Ito ay para sa mga mamamayan at sa teritoryong nasasakop nito. Hindi ito maaaring masaklaw ng ibang estado. 3. Malawak ang saklaw Ang saklaw ng estado ay ang buong teritoryo nito.Sakop din nito ang lahat ng mga mamamayang naninirahan dito kasama na ang kanilang magiging anak. Bawat mamamayan, bata man o matanda at anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, ay may mga karapatan at tungkulin sa estadong kanyang kinabibilangan. 4. Di-naisasalin at lubos Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaaring isalin o ibigay kaninuman. Walang ibang estado o tao ang makapipigil sa kapangyarihan nito. Ang isang estado ay maaaring makipag-ugnayan o makipagkalakalan sa ibang bansa o estado, ngunit ang pagkamakapangyarihan nito ay hindi maibibigay o maisasalin sa iba. 5. Walang hanggan Ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang hanggan. Mananatili ang bisa nito ngayon at hanggang sa mga darating na panahon.
  • 15. 9 Ang kaibahan ng Bansa sa Estado Hindi lahat ng bansa ay kinikilala bilang estado. Maaaring ang isang pangkat ng mga tao o mamamayan ay may sariling teritoryo o lupang sakop at pamahalaan ngunit hindi ito maituturing na isang estado kung wala itong soberanya. Ang Pilipinas ay maituturing na isang estado. Kinikilala at iginagalang ng ibang mga bansa ang soberanya nito. Patunay nito ang pagiging kasapi ng ating bansa sa mga organisasyong kinikilala sa buong mundo tulad ng United Nations (UN), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), at iba pa. Mga bandila ng mga kasapi sa United Nations https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations-73-countries-urge-real-reform- united- nations
  • 16. 10 Pagyamanin Gawain 1: Blockbuster Game- Alam Ko! (Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Buuin ang “blockbuster” sa pamamagitan ng pagtukoy ng inilalarawan sa bawat pahayag. 1. Ito ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. 2. Tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. 3. Isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. 4. Tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. 5. Ito ay ang kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan
  • 17. 11 Gawain 2- Mga Bansa, Kilala Ko! (Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang tinutukoy ay bansa at ekis (X) kung hindi. Ilagay ang sagot sa puwang bago ang bilang. 1. Malaysia 6. Ilocos Norte 2. Palawan 7. Jakarta 3. Tokyo 8. China 4. New York 9. Hawaii 5. South Korea 10. Australia Gawain 3- Pagpapaliwanag, Kaya Ko! (Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Sa iyong palagay alin sa mga elemento ng pagkabansa ang pinakamahalaga? Bakit 2. Alin sa mga elemento ng pagkabansa ang hindi maaring magbago? Bakit? 3. Paano mo masasabi na ang Pilipinas ay isang bansa at isang estado?
  • 18. 12 Mga elemento ng pagkabansa Isaisip  Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.  Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.  Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan. Isagawa Gawain 4 – Pagguhit Magagawa Ko! . (Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan) Panuto: Gumuhit ng katulad na Flower Chart at isulat sa loob ng bawat talulot ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat isa.
  • 19. 13 Gawain 5- Mabuting Mamamayan Ako! (Pagbuo ng Pagkatao, Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Bilang isang mamamayan ng bansa paano mo naipakikita ang pagmamahal dito? Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong katapatan. 1. Ako ay isang mabuting mamamayan ng Pilipinas sapagkat 2. Ipinagmamalaki ko ang aking bansa dahil 3. Ipinapakita ko ang pagmamahal sa aking bansa sa pamamagitan ng 4. Makatutulong ako sa aking bansa ngayong panahon ng pandemic na COVID 19 sa pamamagitan ng
  • 20. 14 Tayahin Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bawat bilang. 1. Pahayag na naglalarawan ng isang bansa. A. Ang isang bansa ay lupaing sakop ng mga dayuhan. B. Ang isang bansa ay tirahan ng mga iba-iba ang wika at kultura. C. Ang isang bansa ay binubuo ng tatlong elemento lamang. D. Ang isang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. 2. Tumutukoy sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan A. pamahalaan B. mamamayan C. soberanya D. teritoryo 3. Katangian ng soberanya na tumutukoy sa kapangyarihan ng estado para sa mga mamamayan nito, teritoryong sakop nito, at hindi ito maaaring masaklaw ng ibang estado. A. palagian o permanente C. malawak ang saklaw B. pansarili D. di-naisasalin at lubos 4. Dahilan kung bakit hindi maituturing na bansa ang isang lugar? A. kapag ito ay pinamamahalaan ng ibang bansa B. kapag ito ay nakikipagkalakan sa ibang bansa C. kapag ito ay may mga mamamayang naninirahan D. kapag ito ay may teritoryo 5. Patunay na ang Pilipinas ay itinuturing na isang estado. A. pagiging sagana sa likas na yaman ng ating bansa B. pakikiisa ng ating bansa sa mga usaping pangkapayapaan C. pagiging kasapi ng ating bansa sa mga organisasyong kinikilala sa buong mundo D. pagsusulong ng ating bansa ng mga programang nagpapahalaga sa kultura
  • 21. 15 Karagdagang Gawain Gawain 6- Pilipinas ang Bansa Ko! (Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan) Panuto: Taglay ng Pilipinas ang mga elemento ng pagkabansa. Ilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa at estado sa pamamagitan ng pagpuno sa talaan. Maaring hingin ang tulong ng magulang o nakatatanda kasama sa tahanan sa pagasagot. Ang Pilipinas Bilang Isang Bansa TAO TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA Populasyon o Bilang ng mga Tao Tawag sa Mamamayan Lawak /Sukat ng Teritoryo Lokasyon Uri ng Pamahalaan Pinakamataas na Pinuno Anyo ng Soberanya
  • 22. 16 Sanggunian Mga Aklat Antonio, E. et al. Kayamanan 3, Edisyon Rex Book Store, Inc. 2015. Antonio, E. et al. Kayamanan 4, Edisyon Rex Book Store, Inc. 2017. Milambiling R. Doon Po sa Amin... Bansang Pilipinas 4, Edisyong K to 12 Cebu City, IEMI Innovative Education Materials Inc., 2014. Mga Sangguniang Elektroniko https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations- 73- countries-urge-real-reform-united-nations https://www.graphicmaps.com/philippines/flag https://www.pinterest.ph/ https://www.worldometers.info/world-population/philippines-population/