SlideShare a Scribd company logo
1 of 17
Download to read offline
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mito mula sa Kenya
(Panitikang African at Persian)
AIRs - LM
10
Filipino 10 (Panitikang African at Persian)
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Kenya
Unang Edisyon, 2021
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o
pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Alvin D. Mangaoang
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas, Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph. D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin
Bago tayo magtungo sa ating mapag-aaralan sa modyul na ito ay nais muna
kitang batiin mahal kong mag-aaral dahil napagtagumpayan mo ang mga gawain sa
nakaraang markahan. Tiyak kong marami kang natutuhan. Nakapaglakbay ang
iyong diwa sa iba’t ibang akdang pampanitikang kanluranin. Ngayong ikatlong
markahan nama’y mababatid mo ang makulay na Panitikang African at Persian.
Batid kong sabik at nakahanda ka nang mag-aral at matuto, kaya tara na’t
magsimula na tayo.
Ang Modyul 1 ay tatalakay sa Mito mula sa bansang Kenya na may pamagat
na “Liongo” na isinalin sa Filipino at muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang. Ang
Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng Ethiopia
sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran,
South Sudan sa Hilagang-Kanluran at kasama rin ang Karagatang Indian sa Timog-
Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na
bato, arkitektura – ang mga palasyo at museo na yari sa putik, may musika at sayaw
na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Kilala rin ang Kenya sa dami ng mga
hayop na karamiha’y nanganganib nang mawala. Masasalamin natin ang kanilang
mga panitikan sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na
magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.
Bahagi rin ng pag-aaral sa modyul na ito ang pagtalakay sa pamantayan sa
pagsasaling-wika tungo sa pagkakaunawaang pandaigdig. Gayondin ang paggamit
ng debate sa pagbibigay ng reaksiyon.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):
1. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
- suliranin ng akda,
- kilos at gawi ng tauhan,
- desisyon ng tauhan. (F10PB-IIIa-80)
2. Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate o pagtatalo. (F10PS-IIIa-78)
3. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip. (F10PD-IIIa-74)
4. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
(F10WG-IIIa-71)
Tiyak na magiging kapana-panabik ang ating pag-aaral sa makulay at
misteryosong panitikan ng Kenya. Kung kaya magsimula na tayo sa pag-aaral sa
aralin at pagsagot sa mga gawain.
Aralin
1.1
Mito mula sa Kenya
Panitikan: Liongo
Simulan
Bago natin simulan ang malalimang talakayan, magkaroon muna tayo
paunang pagsusuri sa iyong kaalaman sa mitoholohiya.
Gawain 1: Suriin Mo!
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang tekstong “Malaika” mula sa Silangang
Africa partikular sa Kenya saka sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Malaika
(Salin ni Alvin D. Mangaoang)
Ang mga malaika ay mga mabubuting espiritung ipinadala sa lupa mula
sa langit upang tulungan ang mga tao. May kakayahan silang mag-anyong-tao.
Mahal ng mga malaika ang mga tao at handang magtrabaho para sa kanilang
kapakinabangan. Nilikha sila ng Panginoon upang mapanatili nila sa tuwid na
landas ang mga tao sa pamamagitan ng pag-upo sa kanilang kanang balikat
at pagbulong sa tainga kung ano ang dapat nilang gawin o hindi dapat gawin.
Ang mga malaika ay hindi tumatanggap ng pagkain, sapagkat ang
pagdarasal sa diyos ang nagsisilbi nilang pagkain. Nilikha ang mga ito mula sa
liwanag, mga unang nilikha ng diyos, kaya't sila ay ganap na napaglalagusan
ng paningin at hindi maiisip ang kasamaan. Palagi nilang sinusunod ang diyos,
katunayan, naipadadala sila sa tuwing nais tulungan ng diyos ang isang taong
nababalisa.
Karaniwang hindi nakikita ang mga malaika. Patuloy nilang
binabantayan ang langit laban sa mga pag-atake ng shaitani (demonyo) sa
pamamagitan ng pagbato sa kanila ng mga shihabu (rocket), na nakikita natin
bilang mga bumabagsak na bulalakaw. Maging sa kamatayan, ang mga
malaika ay nagsisilbi sa diyos sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kaluluwa
ng mga namamatay. Maaari ding magpadala ang diyos ng mga malaika upang
labanan ang kaniyang mga kaaway – ang mga hindi naniniwala.
_____ 1. Ano ang pinakapangunahing katangian ng isang malaika?
A. Mabubuting espiritung ipinadadala ng diyos mula sa langit upang
tulungan ang mga tao.
B. Nilalabanan nila ang mga kaaway ng diyos.
C. Umuupo sila sa balikat at bumubulong sila sa mga tao.
D. Hindi sila tumatanggap ng pagkain.
_____ 2. Batay sa nabasa, ano sa tingin mo ang katumbas ng malaika sa
pandaigdigang konteksto?
A. diwata B. anghel C. pashnea D. lambana
_____ 3. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kilos o gawi ng isang
malaika?
A. Pinananatili nila sa tuwid na landas ang mga tao.
B. Tinutulungan nila ang mga taong nababalisa.
C. Sila ang mga nangangalaga sa apat na mga brilyante.
D. Kinukuha ang mga kaluluwa ng mga nangamatay.
_____ 4. Ano ang mahalagang kaisipang nahango mula sa tekstong nabasa?
A. Mahalagang magkaroon tayo ng malaika.
B. Katuwang ng diyos ang mga malaika upang labanan ang mga
shaitani
C. Hindi natin kailanman makikita ang mga malaika.
D. Nagpapakita ito ng mayamang panitikan sa nasabing lugar na
naging batayan ng kanilang matibay na pananampalataya.
_____ 5. Masasabi bang isang mito ang tekstong nabasa?
A. Oo, sapagkat may kaugnayan sa diyos ang kuwento at
nagsasalaysay din ito ng pambihirang katangian ng mga tauhan.
B. Oo, dahil nagbibigay ito ng gintong aral sa mga mambabasa.
C. Hindi, sapagkat kulang ang mga tauhang nailahad.
D. Hindi, dahil kapani-paniwala naman ang mga pangyayari.
Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang
paunang gawain. Magpatuloy ka lang sa paggalugad ng kaalaman sa kasunod na
mga gawain at pagtalakay.
Lakbayin
Narito ang isang halimbawa ng mito mula sa Kenya. Basahin at unawain mo
ito upang masagot mo ang kasunod na mga gawain.
Liongo
(Salin at salaysay ni Alvin D. Mangaoang)
Si Fumu Liongo ay mula sa angkan ng dakilang dinastiyang Shaka ng mga
Swahili at Pokomo sa isa sa mga pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Silangang
Kenya. Kilala siya bilang isang dakilang makata sa kanilang lugar. Siya ay may
natatanging lakas, husay sa paggamit ng pana at tangkad tulad ng isang
higanteng hinahangaan ng karamihan.
Bagaman si Liongo ang panganay, hindi niya mamamana ang trono ng
kaniyang ama dahil siya ay anak sa labas – ng kaniyang inang si Mbwasho. Sa
halip, ang kaniyang kapatid na si Mringwari na kilala rin sa tawag na Ahmad
(Hemedi) ang naluklok na hari ng Shangha sa Faza (Isla ng Pate) nang namatay
ang kanilang ama.
Hindi matanggap ni Liongo ang kinasapitan ng kaniyang kapalaran. Siya’y
naging istrikto bilang isang prinsipe sa kanilang kaharian. Nabuo ang poot sa puso
ng mga mamamayan sa kaniya dahil sa pagiging istrikto nito. Dahil pa sa sama
ng loob, tinangka niyang tapusin ang buhay ng kaniyang kapatid.
Sa pangyayaring ito, siya ay hinuli, ikinadena, ikinulong at hinatulan ng
kamatayan. Habang siya’y nasa kulungan, araw-araw naman siyang dinadalhan
ng pagkain ng kaniyang ina. Maraming araw ang lumipas, siya ay umaawit ng
magagandang awitin. Nagagalak naman ang kung sinoman ang nakaririnig nito
hanggang sa nasanay na ang mga mamamayan sa kanilang napakikinggang
magandang awitin.
Lingid sa kaalaman ng taumbayan, may lihim palang mensahe ang awiting
kaniyang inaawit na tanging siya, ang kaniyang ina at ang aliping babae ang
nakaaalam. Ang mensaheng ito ay naglalaman ng balak nilang pagtulong sa
kaniya upang siya’y patakasin – ang paglalagay ng kikil sa pagkaing ibibigay sa
kaniya ng aliping babae na magagamit niya upang maputol ang kadena.
Dumating ang araw ng paglilitis sa kaniya. Habang nakagapos si Liongo sa
bilangguan, siya ay umawit ng mahabang papuring awitin, samantalang inawit
naman ng mga taong nasa labas ng selda ang koro nito. Nakapagdulot ito ng sapat
na ingay upang makahulagpos siya sa tanikala nang hindi naririnig at nakikita ng
bantay.
Tumakas si Liongo kasama ang ina sa kanilang kaharian patungong
kagubatan at nanirahan kasama ang mga Watwa – ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Mapalad pa rin siya sapagkat nabasbasan siya ng mga diyos na siya’y
hindi masusugatan ng kahit anomang sandata.
Unti-unti nang binuo ni Fumu Liongo ang kaniyang sarili, repustayon ng
katapangan, kabutihang-loob at hustisiya. Kalauna’y naging pinuno na siya ng
isang bagong kaharian – Ozi at Ungwana sa Tana Delta. Mas nalinang din niya
ang kaniyang kasanayan sa paghawak ng busog at palaso. Sa katunayan, may
mga napagwagian siyang digmaan laban sa mga Gala (Wagala), kung saan
nagdesisyon ang kanilang haring ialay ang kaniyang anak upang kaniyang
mapangasawa’t mapabilang sa kanilang angkan. Hindi naglaon ay nagkaroon sila
ng anak na lalaki. Lumipas pa ang maraming taon at namuhay silang payapa.
Sa kabilang banda, desperado pa rin si Mringwari na wakasan ang buhay
ng kaniyang kapatid. Minsan, ipinatawag niya ang anak ni Liongo sa
kanilang kaharian upang utusang alamin ang kaniyang
kahinaan. Inalok ni Mringwari ang bata na sakaling
malaman ang kaniyang kahinaan at mawala ang
kaniyang ama ay siya ang magiging tagapagmana ng
kaniyang trono.
Sinunod naman ng bata ang utos ng kaniyang
tiyuhin. Kaya, nang makauwi ang bata’y
tinanong niya agad sa kaniyang ama ang
kaniyang kahinaan. Ang lihim na ito ay batid
lamang niya at ng kaniyang ina ngunit dahil
sa panatag naman siya sa kaniyang anak,
ibinunyag niya ito. Ang kahinaan ni Liongo
ay kung matutusok ng tansong karayom
ang kaniyang pusod.
Isang gabi, habang mahimbing na
natutulog si Liongo, nabuo sa isip ng bata
ang kagustuhang maiangat ang reputasyon
ng angkan ng kaniyang ina. Kumuha siya
ng tansong karayom at itinusok ito sa
pusod ng kaniyang ama. Nagising sa
Gawain 2: Suriin Natin!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Sagutin ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga suliraning lumitaw sa nabasang mito?
2. Ano-ano ang mga kilos at gawi ng pangunahing tauhan sa mito?
3. Ano-ano ang iyong kaisipan sa sumusunod na pagpapasiya si Liongo?
Magbigay ng iyong reaksiyon.
Mahusay! Natutuwa ako’t mahusay mong nasuri ang mito. Ngayon nama’y
dagdagan pa natin ang iyong kaalam upang magamit mo ito sa pagbibigay ng ibayong
reaksiyon.
matinding sakit si Liongo, kinuha niya ang kaniyang pana saka lumabas ng
kaharian.
Umabot siya sa isang balon, mahina na siya’t akmang lumuhod na. Bago
siya malagutan ng hininga, tila siya’y nagbabantay sa balon. Kinaumagahan,
dumating ang mga tao upang magsalok ng tubig sa balon. Nagulat sila dahil ang
akala nila’y binabantayan ni Liongo ang balon. Tinawag nila ang kaniyang ina
upang siya’y kausapin. Sa paglapit ng kaniyang ina, nabatid ng lahat na ang
dakilang si Liongo ay wala ng buhay. Nakalulungkot isiping ang kaniyang anak
mismo ang nagtaksil at pumaslang sa kaniya. Sa huli, hinuli nila ang bata at
pinarusahan din ng kamatayan.
LIONGO
SULIRANIN
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Fumu
Liongo
Tangkang pagpaslang sa
kaniyang kapatid
Pagbuo at pagbabago ng
kaniyang sarili
Pagtatapat ng kaniyang
lihim sa kaniyang anak
Galugarin
Dagdag kaalaman…
Alam mo bang ang…
Debate o Pagtatalo ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid ng
dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal na
paksa? (Arrogante, 2000)
➢ Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at
naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay
nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayondin
kung pasulat.
➢ Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkasalungat na
panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang
proposisyon o sumasasang-ayon at ang oposisyon o sumasalungat.
➢ May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging
maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng
debate.
➢ Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig
ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala.
➢ Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig at
kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t isa at hindi mag-usap-usap
bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t isa.
➢ Ang paksa ay masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay
may takdang panahon, araw at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito
ang paghahanda.
➢ Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod:
a. Maling katuwiran
b. Mga pahayag na walang batayan
c. Kahinaan ng katibayan at
d. Mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan.
Mga Dapat Tandaan sa Pakikipagtalo
1. Makabuluhang pangangalap ng mga datos.
2. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri.
3. Maghanap ng iba’t ibang uri ng patunay o katibayan.
4. Magkaroon ng maayos na paglalahad ng katuwiran.
5. Maging matalas ang isipan sa paghalata ng maling pagmamatuwid at maging
maagap sa paghaharap ng ganting-matuwid.
6. Iwasan ang paglabag sa hinihingi ng kagandahang-asal at kapinuhan.
7. Pamalagiin ang pagpipitagan sa katalo at sa nakikinig. Isyu ang
pinagtatalunan, hindi ang katauhan ng nagtatalong magkatunggali.
8. Sa simula pa lamang, magkaroon na agad ng pagkakasundo tungkol sa
pakahulugan sa paksang tatalakayin.
Gawain 3: Pangatuwiranan Mo!
Panuto: Araling mabuti ang isyung nasa kahon. Pagkatapos nito’y pumili ka kung
anong panig ang iyong papanigan – kung sang-ayon ka ba salungat. Saka sumulat
ng pangangatuwiran sa iyong sariling pananaw batay sa nabasang mito. Gayahin
ang pormat sa sagutang papel.
Mahusay! Nagtagumpay kang muli sa pagsagot sa gawain. Ngayon ay mas
palalalimin pa mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito.
Palalimin
Gawain 4: Tara Na’t Magdebate
Panuto: Sa pamamagitan ng isang debate, pangatuwiranan ang sariling reaksiyon
tungkol sa mitong binasa batay sa kilos, gawi at desisyon ng tauhan. Magiging
batayan mo ang pokus na tanong sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Krayterya Nangangailangan ng gabay (2) Papaunlad
(5)
Napakahusay
(10)
Paksa o
Kaisipan
Walang mainam na kaisipang
ipinahayag tungkol sa paksa.
May naipahayag na 2 hanggang
3 kaisipang nabanggit tungkol
sa paksa.
Lubhang malinaw. May 4 o
higit pang kaisipang nabanggit
tungkol sa paksa.
Pangangatuwiran Walang sapat na katibayan ng
pangangatuwiran
Walang gaanong iniharap na
pangangatuwiran
May sapat na katibayang
iniharap sa pangangatuwiran.
Gramatika Hindi nailapat ang wastong
gramatika sa pangangatuwiran
Nailapat ang wastong
gramatika sa kabuoan ng
pangangatuwiran nang may
kakaunting kamalian.
Mahusay na nailapat ang
wastong gramatika sa
kabuoan ng pangangatuwiran.
Dapat bang parusan din ang anak na
nagkasala sa kaniyang ama?
Proposisyon (Sang-ayon) Oposisyon (Salungat)
Masasabi mo bang isang bayani si Fumu Liongo?
Bakit? Pangatuwiranan ang iyong panig.
Aralin
1.2
Wika at Gramatika:
Mga Pamantayan sa
Pagsasaling-wika
Simulan
Humahanga ako sa iyo mahal kong mag-aaral. Binabati kita sa matagumpay
mong pagsagot sa mga gawain sa nakaraan bahagi ng modyul na ito. Ipagpatuloy mo
lang ang iyong pagsagot sa kasunod na mga gawain.
Gawain 1: Nood-suri
Panuto: Panoorin ang video na may pamagat na “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” sa link
na ito https://www.youtube.com/watch?v=NHgz_5iVb5Y. Matapos panoorin ay
sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pangkalahatang tema ng napanood na video?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano nailahad sa awitin ang mga salitang “Liwanag” at “Ligaya”?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Epektibo ba ang paggamit ng iba’t ibang wika upang maintindihan ng ibang
lahi? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Magaling! Ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral upang mas malinang pa
ang iyong pagkaunawa sa aralin.
Lakbayin
Alam mo bang…
Pagsasaling-wika ang tawag sa paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago, 2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot – Nakukuha niya
ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta
sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin – Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay
kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid
ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo
at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag –
Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at
kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang
lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin – Marapat na ang tagapagsalin
ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin – Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay
may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng
kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuoang diwa
nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na
kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang
kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat
sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin – Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin
at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin – Tandaang ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng
isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin
ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal –
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-
pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa
pagsasalin.
4. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang
kahulugan ng isang salita – Kakailanganin ng isang mag-aaral ang
pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng
pangungusap.
Gawain 2: Salik-salin
Panuto: Magsaliksik ng katumbas na salin ng salitang nasa loob ng puso sa iba’t
ibang wika, lokal man o pandaigdig. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.
I LOVE YOU
Wika 2: ____________
Salin: ______________
Wika 3: ____________
Salin: ______________
Wika 1: ____________
Salin: ______________
Wika 4: ____________
Salin: ______________
Wika 5: ____________
Salin: ______________
Galugarin
Gawain 3: Isalin Mo Pa!
A. Panuto: Maaaring gamitin ang diksyunaryo, Google o pakikipanayam sa
pagsasalin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isalin mo sa wikang English ang sumusunod na salitang Filipino.
1. Karayom: __________________________________
2. Masarap: __________________________________
Isalin mo sa wikang Filipino ang sumusunod na salitang English.
3. Scorpion: __________________________________
4. Charger: __________________________________
Isalin mo sa wikang Iloco ang sumusunod na salitang English.
5. Tooth Brush: __________________________________
6. Cloud: __________________________________
Isalin mo sa wikang English ang sumusunod na salitang Iloco.
7. Sagad: __________________________________
8. Maris: __________________________________
Isalin mo sa wikang Filipino ang sumusunod na salitang Iloco.
9. Pagilian: __________________________________
10.Kudil: __________________________________
B. Panuto: Isalin mo naman ang sumusunod na parirala / pamagat ng palabas sa
TV o Pelikula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Isalin mo ito sa wikang English.
Bileg ni Ayat: __________________________________________________________
2. Isalin mo ito sa wikang Filipino.
One more chance: ___________________________________________________
3. Isalin mo ito sa wikang Iloco.
Ikaw lang ang mamahalin: _____________________________________________
4. Isalin mo ito sa wikang English.
Bilangin ang bituin sa langit: __________________________________________
5. Isalin mo ito sa wikang Filipino.
Love of my life: ________________________________________________________
Palalimin
Upang matiyak kung talagang naintindihan mo ang araling ating tinalakay,
isagawa mo ang inaasahang pagganap sa sagutang papel.
Gawain 4: Pagsasalin, Iyong Gawin
Goal Ikaw ay makapagsasalin ng isang bahagi ng mitong mula sa Africa
Role Ikaw ay magiging isang tagapagsalin
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation
Ipagpalagay na ikaw ay inanyayahang magsalin ng isang mitong
African sa wikang Filipino upang maipalaganap ito sa ating bansa.
Product Naisaling mito mula sa Africa sa wikang Filipino.
Standards
A. Malinaw na naipakita ang diwa ng teksto..………………35 puntos
B.Kaalaman sa wikang kasangkot….…….……………….… 20 puntos
C.Kasanayang gramatikal…………...……………….……......35 puntos
D.Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 10 puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos
The Beginning
Akan mythology says the first man to emerge on the surface of
the earth was Adu Ogyinae. All humans used to live deep within the
earth until one day, seven men, five women, a leopard and a dog
crawled out of a giant hole burrowed by a massive worm. They were
terrified but Adu calmed them down and organized them to build the
world's first shelter. Adu was unfortunately crushed and killed by a
tree he was cutting. Maybe he should have stayed underground.
___________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isalin sa Wikang Filipino
Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Batid kong marami
kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. “Si Liongo ay may natatanging lakas, hindi siya masusugatan ng kahit
anomang sandata, husay sa paggamit ng pana at tangkad tulad ng
isang higanteng hinahangaan ng karamihan.” Ano ang ipinahahayag
ng pangungusap?
A. Anak siya ng mga diyos at diyosa kaya siya kakaiba.
B. Kabilang siya sa angkan ng mga dugong bughaw kaya naiiba siya.
C. Nakatatakot siyang nilalang kaya pinangingilagan siya.
D. Siya ay may pambihirang katangiang nakahihigit sa ordinaryong
tao.
_____ 2. Paano nakatakas si Liongo mula sa pagkakakadena?
A. Sa pamamagitan ng tulong ng kaniyang ina at aliping nagdala ng
kikil na ginamit upang masira ang tanikala sa gitna ng ingay ng
pag-awit ng taumbayan.
B. Sa pamamagitan ng orasyong kaniyang inusal sa mga tagabantay.
C. Humulagpos siya na parang ahas.
D. Pinatulog niya ang mga tagabantay.
_____ 3. Bakit hindi kay Liongo unang naipasa ang trono sa pagkamatay ng
kaniyang amang hari?
A. Dahil hindi siya ang tunay na anak.
B. Dahil siya ay anak sa labas.
C. Dahil masama siyang anak.
D. Dahil hindi siya ang paborito.
_____ 4. Ang sumusunod ay mga gabay na dapat tandaan sa debate o
pakikipagtalo MALIBAN sa isa.
A. Makabuluhang pangangalap ng mga datos.
B. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri.
C. Panindigan ang panig kahit na ito’y taliwas sa pamantayang moral.
D. Magkaroon ng maayos na paglalahad ng katuwiran.
_____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kailangang tukuyin sa
pagtutuligsa?
A. Tuwid na katuwiran
B. Mga pahayag na walang batayan
C. Kahinaan ng katibayan
D. Mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan
Napakagaling mo! Binabati kita dahil matiyaga
mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito.
Natutuwa ako’t marami kang natutuhang aral sa
mitong mula sa Kenya gayondin nakahanda ka
nang maging isang mahusay na tagapagsalin.
Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 2: Anekdota mula sa Iran
(Persia).
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang FACT kung pahayag at Tama samantalang
BLUFF naman kung ito’y Mali.
_____ 1. Kapag ikaw ay magsasalin, mainam na isalin mo muna ito ng salita sa
salita.
_____ 2. Maaari kang gumamit ng diksyunaryo o iba pang reperensiya upang
matulungan ka sa pagsasalin.
_____ 3. Mainam na alamin din ang kultura ng isang bansa bago ka magsalin
mula sa kanilang wika.
_____ 4. Ayos lang kung mali ang bigkas ng naisalin mong salita tutal hindi mo
naman ito natural na wika.
_____ 5. Maging maingat sa paggamit ng salitang naisalin sa ibang wika dahil
maaari itong magkaroon ng ibang kahulugan.
C. Panuto: Piliin mo sa Hanay B ang wikang tumutukoy sa mga salitang nasa Hanay
A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
HANAY A HANAY B
_____ 1. Daghang salamat
_____ 2. Kamsahamnida (감사합니다)
_____ 3. Asante
_____ 4. Xièxiè (谢谢)
_____ 5. Muchas gracias
A. Chinese Mandarin
B. Spanish
C. Korean
D. Cebuano
E. Swahili
F. Iloco
ARALIN
1.1
(Panitikan:
Liongo)
SIMULAN
Gawain
1:
Suriin
Mo!
LAKBAYIN
Gawain
2:
Suriin
Natin
GALUGARIN
Gawain
3:
Pangatuwiranan
Mo!
PALALIMIN
Gawain
4:
Tara
Na’t
Magdebate
ARALIN
1.2
(Wika
at
Gramatika:
Mga
Pamantayan
sa
Pagsasaling-wika)
SIMULAN
Gawain
1:
Nood-suri
LAKBAYIN
Gawain
2:
Salik-salin
GALUGARIN
Gawain
3:
Isalin
Mo
Pa!
A.
1.
Needle
2.
Delicious,
Tasty
3.
Alakdan
4.
Pantablay
5.
Sugigi,
gisigis
6.
Ulep
7.
Broom,
Softbroom
8.
Color
9.
Bansa
10.Skin
B.
11.Power
of
love*
12.Isa
pang
pagkakataon*
13.Sika
lang
iti
ayatek*
14.Count
the
stars
in
heaven*
15.Mahal
ko
sa
buhay*
*Maaaring
ikonsidera
ang
iba
pang
salin
PALALIMIN
Gawain
4:
Pagsasalin,
Iyong
Gawin
SUKATIN
PANGWAKAS
NA
PAGTATAYA
A.
1.
D
2.
A
3.
B
4.
C
5.
A
B.
1.
BLUFF
2.
FACT
3.
FACT
4.
BLUFF
5.
FACT
C.
1.
D
2.
C
3.
E
4.
A
5.
B
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 251
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. p. 243-252.
Cultural Myths and Legends. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa
https://alexjsong.weebly.com/myths-and-legends.html
Myths, legends, beliefs and tradional stories from Africa. Nahango noong Enero 4,
2021 mula sa https://web.archive.org/web/20081228024750/http://www.a-
gallery.de/docs/mythology.htm
Fumo Liyongo: The Story of the Pokomo Poet that Broke Free. Nahango noong Enero
4, 2021 mula sa https://artsandculture.google.com/story/fumo-liyongo-the-story-
of-the-pokomo-poet-that-broke-free/WQIydLkWobDQKA
Swahili Tales/The Story of Liongo. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa
https://en.wikisource.org/wiki/Swahili_Tales/The_Story_of_Liongo#:~:text=STORY
%20OF%20LIONGO.,his%20house%20and%20bind%20him.
Fumo Liyongo. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Fumo_Liyongo
Top 10 African Myths. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa
https://www.africanexponent.com/post/top-10-african-myths-97
“Ikaw ang Liwanag at Ligaya”. Nahagno noong Enero 4, 2021 mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=NHgz_5iVb5Y

More Related Content

What's hot

kabanata 4 of el filibusterismo
kabanata 4 of el filibusterismokabanata 4 of el filibusterismo
kabanata 4 of el filibusterismoGanimid Alvarez
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Lily Salgado
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)faithdenys
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Aubrey Arebuabo
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIreneGabor2
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteEmelyn Inguito
 
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptxWeek 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptxSandyRestrivera
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOJovelynValera
 
Alegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxAlegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxRheaSaguid1
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaJuan Miguel Palero
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAUBREYONGQUE1
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagAllan Lloyd Martinez
 

What's hot (20)

ANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptxANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptx
 
kabanata 4 of el filibusterismo
kabanata 4 of el filibusterismokabanata 4 of el filibusterismo
kabanata 4 of el filibusterismo
 
Ang kuwintas 2
Ang kuwintas 2Ang kuwintas 2
Ang kuwintas 2
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptxWeek 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Alegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxAlegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptx
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 

Similar to Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf

Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...GIFTQUEENSAAVEDRA
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahadsarahruiz28
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatCherJovv
 
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatidAng magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatidMirasol C R
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaJered Adal
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaMerland Mabait
 
Blue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptx
Blue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptxBlue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptx
Blue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptxRheaJaneJurane
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Alexis Trinidad
 
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdfFilipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdfMarrian Guevarra
 

Similar to Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf (20)

Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
 
3aralin3-1 grade 10.pptx
3aralin3-1 grade 10.pptx3aralin3-1 grade 10.pptx
3aralin3-1 grade 10.pptx
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
lionggo newwww.pptx
lionggo newwww.pptxlionggo newwww.pptx
lionggo newwww.pptx
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatidAng magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
 
Kuwentong-bayan.pptx
Kuwentong-bayan.pptxKuwentong-bayan.pptx
Kuwentong-bayan.pptx
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Blue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptx
Blue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptxBlue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptx
Blue Yellow English Types of Sentences Presentation .pptx
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdfFilipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
 
mitolohiya-ng-kenya grade 9.pptx
mitolohiya-ng-kenya grade 9.pptxmitolohiya-ng-kenya grade 9.pptx
mitolohiya-ng-kenya grade 9.pptx
 

Recently uploaded

GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxAman119787
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfAizaStamaria3
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxvh27pvs4b5
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 

Recently uploaded (20)

GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 

Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf

  • 1. Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Kenya (Panitikang African at Persian) AIRs - LM 10
  • 2. Filipino 10 (Panitikang African at Persian) Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Kenya Unang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Alvin D. Mangaoang Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph. D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II
  • 3. Sapulin Bago tayo magtungo sa ating mapag-aaralan sa modyul na ito ay nais muna kitang batiin mahal kong mag-aaral dahil napagtagumpayan mo ang mga gawain sa nakaraang markahan. Tiyak kong marami kang natutuhan. Nakapaglakbay ang iyong diwa sa iba’t ibang akdang pampanitikang kanluranin. Ngayong ikatlong markahan nama’y mababatid mo ang makulay na Panitikang African at Persian. Batid kong sabik at nakahanda ka nang mag-aral at matuto, kaya tara na’t magsimula na tayo. Ang Modyul 1 ay tatalakay sa Mito mula sa bansang Kenya na may pamagat na “Liongo” na isinalin sa Filipino at muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang. Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran, South Sudan sa Hilagang-Kanluran at kasama rin ang Karagatang Indian sa Timog- Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na bato, arkitektura – ang mga palasyo at museo na yari sa putik, may musika at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Kilala rin ang Kenya sa dami ng mga hayop na karamiha’y nanganganib nang mawala. Masasalamin natin ang kanilang mga panitikan sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya. Bahagi rin ng pag-aaral sa modyul na ito ang pagtalakay sa pamantayan sa pagsasaling-wika tungo sa pagkakaunawaang pandaigdig. Gayondin ang paggamit ng debate sa pagbibigay ng reaksiyon. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC): 1. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda, - kilos at gawi ng tauhan, - desisyon ng tauhan. (F10PB-IIIa-80) 2. Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate o pagtatalo. (F10PS-IIIa-78) 3. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip. (F10PD-IIIa-74) 4. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika. (F10WG-IIIa-71) Tiyak na magiging kapana-panabik ang ating pag-aaral sa makulay at misteryosong panitikan ng Kenya. Kung kaya magsimula na tayo sa pag-aaral sa aralin at pagsagot sa mga gawain.
  • 4. Aralin 1.1 Mito mula sa Kenya Panitikan: Liongo Simulan Bago natin simulan ang malalimang talakayan, magkaroon muna tayo paunang pagsusuri sa iyong kaalaman sa mitoholohiya. Gawain 1: Suriin Mo! Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang tekstong “Malaika” mula sa Silangang Africa partikular sa Kenya saka sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Malaika (Salin ni Alvin D. Mangaoang) Ang mga malaika ay mga mabubuting espiritung ipinadala sa lupa mula sa langit upang tulungan ang mga tao. May kakayahan silang mag-anyong-tao. Mahal ng mga malaika ang mga tao at handang magtrabaho para sa kanilang kapakinabangan. Nilikha sila ng Panginoon upang mapanatili nila sa tuwid na landas ang mga tao sa pamamagitan ng pag-upo sa kanilang kanang balikat at pagbulong sa tainga kung ano ang dapat nilang gawin o hindi dapat gawin. Ang mga malaika ay hindi tumatanggap ng pagkain, sapagkat ang pagdarasal sa diyos ang nagsisilbi nilang pagkain. Nilikha ang mga ito mula sa liwanag, mga unang nilikha ng diyos, kaya't sila ay ganap na napaglalagusan ng paningin at hindi maiisip ang kasamaan. Palagi nilang sinusunod ang diyos, katunayan, naipadadala sila sa tuwing nais tulungan ng diyos ang isang taong nababalisa. Karaniwang hindi nakikita ang mga malaika. Patuloy nilang binabantayan ang langit laban sa mga pag-atake ng shaitani (demonyo) sa pamamagitan ng pagbato sa kanila ng mga shihabu (rocket), na nakikita natin bilang mga bumabagsak na bulalakaw. Maging sa kamatayan, ang mga malaika ay nagsisilbi sa diyos sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kaluluwa ng mga namamatay. Maaari ding magpadala ang diyos ng mga malaika upang labanan ang kaniyang mga kaaway – ang mga hindi naniniwala. _____ 1. Ano ang pinakapangunahing katangian ng isang malaika? A. Mabubuting espiritung ipinadadala ng diyos mula sa langit upang tulungan ang mga tao. B. Nilalabanan nila ang mga kaaway ng diyos. C. Umuupo sila sa balikat at bumubulong sila sa mga tao. D. Hindi sila tumatanggap ng pagkain.
  • 5. _____ 2. Batay sa nabasa, ano sa tingin mo ang katumbas ng malaika sa pandaigdigang konteksto? A. diwata B. anghel C. pashnea D. lambana _____ 3. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kilos o gawi ng isang malaika? A. Pinananatili nila sa tuwid na landas ang mga tao. B. Tinutulungan nila ang mga taong nababalisa. C. Sila ang mga nangangalaga sa apat na mga brilyante. D. Kinukuha ang mga kaluluwa ng mga nangamatay. _____ 4. Ano ang mahalagang kaisipang nahango mula sa tekstong nabasa? A. Mahalagang magkaroon tayo ng malaika. B. Katuwang ng diyos ang mga malaika upang labanan ang mga shaitani C. Hindi natin kailanman makikita ang mga malaika. D. Nagpapakita ito ng mayamang panitikan sa nasabing lugar na naging batayan ng kanilang matibay na pananampalataya. _____ 5. Masasabi bang isang mito ang tekstong nabasa? A. Oo, sapagkat may kaugnayan sa diyos ang kuwento at nagsasalaysay din ito ng pambihirang katangian ng mga tauhan. B. Oo, dahil nagbibigay ito ng gintong aral sa mga mambabasa. C. Hindi, sapagkat kulang ang mga tauhang nailahad. D. Hindi, dahil kapani-paniwala naman ang mga pangyayari. Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang paunang gawain. Magpatuloy ka lang sa paggalugad ng kaalaman sa kasunod na mga gawain at pagtalakay. Lakbayin Narito ang isang halimbawa ng mito mula sa Kenya. Basahin at unawain mo ito upang masagot mo ang kasunod na mga gawain. Liongo (Salin at salaysay ni Alvin D. Mangaoang) Si Fumu Liongo ay mula sa angkan ng dakilang dinastiyang Shaka ng mga Swahili at Pokomo sa isa sa mga pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Silangang Kenya. Kilala siya bilang isang dakilang makata sa kanilang lugar. Siya ay may natatanging lakas, husay sa paggamit ng pana at tangkad tulad ng isang higanteng hinahangaan ng karamihan. Bagaman si Liongo ang panganay, hindi niya mamamana ang trono ng kaniyang ama dahil siya ay anak sa labas – ng kaniyang inang si Mbwasho. Sa halip, ang kaniyang kapatid na si Mringwari na kilala rin sa tawag na Ahmad (Hemedi) ang naluklok na hari ng Shangha sa Faza (Isla ng Pate) nang namatay ang kanilang ama. Hindi matanggap ni Liongo ang kinasapitan ng kaniyang kapalaran. Siya’y naging istrikto bilang isang prinsipe sa kanilang kaharian. Nabuo ang poot sa puso
  • 6. ng mga mamamayan sa kaniya dahil sa pagiging istrikto nito. Dahil pa sa sama ng loob, tinangka niyang tapusin ang buhay ng kaniyang kapatid. Sa pangyayaring ito, siya ay hinuli, ikinadena, ikinulong at hinatulan ng kamatayan. Habang siya’y nasa kulungan, araw-araw naman siyang dinadalhan ng pagkain ng kaniyang ina. Maraming araw ang lumipas, siya ay umaawit ng magagandang awitin. Nagagalak naman ang kung sinoman ang nakaririnig nito hanggang sa nasanay na ang mga mamamayan sa kanilang napakikinggang magandang awitin. Lingid sa kaalaman ng taumbayan, may lihim palang mensahe ang awiting kaniyang inaawit na tanging siya, ang kaniyang ina at ang aliping babae ang nakaaalam. Ang mensaheng ito ay naglalaman ng balak nilang pagtulong sa kaniya upang siya’y patakasin – ang paglalagay ng kikil sa pagkaing ibibigay sa kaniya ng aliping babae na magagamit niya upang maputol ang kadena. Dumating ang araw ng paglilitis sa kaniya. Habang nakagapos si Liongo sa bilangguan, siya ay umawit ng mahabang papuring awitin, samantalang inawit naman ng mga taong nasa labas ng selda ang koro nito. Nakapagdulot ito ng sapat na ingay upang makahulagpos siya sa tanikala nang hindi naririnig at nakikita ng bantay. Tumakas si Liongo kasama ang ina sa kanilang kaharian patungong kagubatan at nanirahan kasama ang mga Watwa – ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Mapalad pa rin siya sapagkat nabasbasan siya ng mga diyos na siya’y hindi masusugatan ng kahit anomang sandata. Unti-unti nang binuo ni Fumu Liongo ang kaniyang sarili, repustayon ng katapangan, kabutihang-loob at hustisiya. Kalauna’y naging pinuno na siya ng isang bagong kaharian – Ozi at Ungwana sa Tana Delta. Mas nalinang din niya ang kaniyang kasanayan sa paghawak ng busog at palaso. Sa katunayan, may mga napagwagian siyang digmaan laban sa mga Gala (Wagala), kung saan nagdesisyon ang kanilang haring ialay ang kaniyang anak upang kaniyang mapangasawa’t mapabilang sa kanilang angkan. Hindi naglaon ay nagkaroon sila ng anak na lalaki. Lumipas pa ang maraming taon at namuhay silang payapa. Sa kabilang banda, desperado pa rin si Mringwari na wakasan ang buhay ng kaniyang kapatid. Minsan, ipinatawag niya ang anak ni Liongo sa kanilang kaharian upang utusang alamin ang kaniyang kahinaan. Inalok ni Mringwari ang bata na sakaling malaman ang kaniyang kahinaan at mawala ang kaniyang ama ay siya ang magiging tagapagmana ng kaniyang trono. Sinunod naman ng bata ang utos ng kaniyang tiyuhin. Kaya, nang makauwi ang bata’y tinanong niya agad sa kaniyang ama ang kaniyang kahinaan. Ang lihim na ito ay batid lamang niya at ng kaniyang ina ngunit dahil sa panatag naman siya sa kaniyang anak, ibinunyag niya ito. Ang kahinaan ni Liongo ay kung matutusok ng tansong karayom ang kaniyang pusod. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Liongo, nabuo sa isip ng bata ang kagustuhang maiangat ang reputasyon ng angkan ng kaniyang ina. Kumuha siya ng tansong karayom at itinusok ito sa pusod ng kaniyang ama. Nagising sa
  • 7. Gawain 2: Suriin Natin! Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Sagutin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano-ano ang mga suliraning lumitaw sa nabasang mito? 2. Ano-ano ang mga kilos at gawi ng pangunahing tauhan sa mito? 3. Ano-ano ang iyong kaisipan sa sumusunod na pagpapasiya si Liongo? Magbigay ng iyong reaksiyon. Mahusay! Natutuwa ako’t mahusay mong nasuri ang mito. Ngayon nama’y dagdagan pa natin ang iyong kaalam upang magamit mo ito sa pagbibigay ng ibayong reaksiyon. matinding sakit si Liongo, kinuha niya ang kaniyang pana saka lumabas ng kaharian. Umabot siya sa isang balon, mahina na siya’t akmang lumuhod na. Bago siya malagutan ng hininga, tila siya’y nagbabantay sa balon. Kinaumagahan, dumating ang mga tao upang magsalok ng tubig sa balon. Nagulat sila dahil ang akala nila’y binabantayan ni Liongo ang balon. Tinawag nila ang kaniyang ina upang siya’y kausapin. Sa paglapit ng kaniyang ina, nabatid ng lahat na ang dakilang si Liongo ay wala ng buhay. Nakalulungkot isiping ang kaniyang anak mismo ang nagtaksil at pumaslang sa kaniya. Sa huli, hinuli nila ang bata at pinarusahan din ng kamatayan. LIONGO SULIRANIN __________________________________ __________________________________ __________________________________ Fumu Liongo Tangkang pagpaslang sa kaniyang kapatid Pagbuo at pagbabago ng kaniyang sarili Pagtatapat ng kaniyang lihim sa kaniyang anak
  • 8. Galugarin Dagdag kaalaman… Alam mo bang ang… Debate o Pagtatalo ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa? (Arrogante, 2000) ➢ Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayondin kung pasulat. ➢ Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon at ang oposisyon o sumasalungat. ➢ May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. ➢ Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. ➢ Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t isa. ➢ Ang paksa ay masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang panahon, araw at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda. ➢ Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod: a. Maling katuwiran b. Mga pahayag na walang batayan c. Kahinaan ng katibayan at d. Mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan. Mga Dapat Tandaan sa Pakikipagtalo 1. Makabuluhang pangangalap ng mga datos. 2. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri. 3. Maghanap ng iba’t ibang uri ng patunay o katibayan. 4. Magkaroon ng maayos na paglalahad ng katuwiran. 5. Maging matalas ang isipan sa paghalata ng maling pagmamatuwid at maging maagap sa paghaharap ng ganting-matuwid. 6. Iwasan ang paglabag sa hinihingi ng kagandahang-asal at kapinuhan. 7. Pamalagiin ang pagpipitagan sa katalo at sa nakikinig. Isyu ang pinagtatalunan, hindi ang katauhan ng nagtatalong magkatunggali. 8. Sa simula pa lamang, magkaroon na agad ng pagkakasundo tungkol sa pakahulugan sa paksang tatalakayin.
  • 9. Gawain 3: Pangatuwiranan Mo! Panuto: Araling mabuti ang isyung nasa kahon. Pagkatapos nito’y pumili ka kung anong panig ang iyong papanigan – kung sang-ayon ka ba salungat. Saka sumulat ng pangangatuwiran sa iyong sariling pananaw batay sa nabasang mito. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Mahusay! Nagtagumpay kang muli sa pagsagot sa gawain. Ngayon ay mas palalalimin pa mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito. Palalimin Gawain 4: Tara Na’t Magdebate Panuto: Sa pamamagitan ng isang debate, pangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa mitong binasa batay sa kilos, gawi at desisyon ng tauhan. Magiging batayan mo ang pokus na tanong sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Rubrik sa Pagtataya ng Awtput Krayterya Nangangailangan ng gabay (2) Papaunlad (5) Napakahusay (10) Paksa o Kaisipan Walang mainam na kaisipang ipinahayag tungkol sa paksa. May naipahayag na 2 hanggang 3 kaisipang nabanggit tungkol sa paksa. Lubhang malinaw. May 4 o higit pang kaisipang nabanggit tungkol sa paksa. Pangangatuwiran Walang sapat na katibayan ng pangangatuwiran Walang gaanong iniharap na pangangatuwiran May sapat na katibayang iniharap sa pangangatuwiran. Gramatika Hindi nailapat ang wastong gramatika sa pangangatuwiran Nailapat ang wastong gramatika sa kabuoan ng pangangatuwiran nang may kakaunting kamalian. Mahusay na nailapat ang wastong gramatika sa kabuoan ng pangangatuwiran. Dapat bang parusan din ang anak na nagkasala sa kaniyang ama? Proposisyon (Sang-ayon) Oposisyon (Salungat) Masasabi mo bang isang bayani si Fumu Liongo? Bakit? Pangatuwiranan ang iyong panig.
  • 10. Aralin 1.2 Wika at Gramatika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika Simulan Humahanga ako sa iyo mahal kong mag-aaral. Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain sa nakaraan bahagi ng modyul na ito. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsagot sa kasunod na mga gawain. Gawain 1: Nood-suri Panuto: Panoorin ang video na may pamagat na “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=NHgz_5iVb5Y. Matapos panoorin ay sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pangkalahatang tema ng napanood na video? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Paano nailahad sa awitin ang mga salitang “Liwanag” at “Ligaya”? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Epektibo ba ang paggamit ng iba’t ibang wika upang maintindihan ng ibang lahi? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Magaling! Ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral upang mas malinang pa ang iyong pagkaunawa sa aralin. Lakbayin Alam mo bang… Pagsasaling-wika ang tawag sa paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003). Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin 1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot – Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
  • 11. 2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin – Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo at pagsusunod-sunod. 3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag – Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat. 4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin – Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. 5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin – Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa. Gabay sa Pagsasaling-wika Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuoang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 1. Isagawa ang unang pagsasalin – Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita. 2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin – Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin. 3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal – Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang- pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin. 4. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita – Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap. Gawain 2: Salik-salin Panuto: Magsaliksik ng katumbas na salin ng salitang nasa loob ng puso sa iba’t ibang wika, lokal man o pandaigdig. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. I LOVE YOU Wika 2: ____________ Salin: ______________ Wika 3: ____________ Salin: ______________ Wika 1: ____________ Salin: ______________ Wika 4: ____________ Salin: ______________ Wika 5: ____________ Salin: ______________
  • 12. Galugarin Gawain 3: Isalin Mo Pa! A. Panuto: Maaaring gamitin ang diksyunaryo, Google o pakikipanayam sa pagsasalin. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Isalin mo sa wikang English ang sumusunod na salitang Filipino. 1. Karayom: __________________________________ 2. Masarap: __________________________________ Isalin mo sa wikang Filipino ang sumusunod na salitang English. 3. Scorpion: __________________________________ 4. Charger: __________________________________ Isalin mo sa wikang Iloco ang sumusunod na salitang English. 5. Tooth Brush: __________________________________ 6. Cloud: __________________________________ Isalin mo sa wikang English ang sumusunod na salitang Iloco. 7. Sagad: __________________________________ 8. Maris: __________________________________ Isalin mo sa wikang Filipino ang sumusunod na salitang Iloco. 9. Pagilian: __________________________________ 10.Kudil: __________________________________ B. Panuto: Isalin mo naman ang sumusunod na parirala / pamagat ng palabas sa TV o Pelikula. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Isalin mo ito sa wikang English. Bileg ni Ayat: __________________________________________________________ 2. Isalin mo ito sa wikang Filipino. One more chance: ___________________________________________________ 3. Isalin mo ito sa wikang Iloco. Ikaw lang ang mamahalin: _____________________________________________ 4. Isalin mo ito sa wikang English. Bilangin ang bituin sa langit: __________________________________________ 5. Isalin mo ito sa wikang Filipino. Love of my life: ________________________________________________________
  • 13. Palalimin Upang matiyak kung talagang naintindihan mo ang araling ating tinalakay, isagawa mo ang inaasahang pagganap sa sagutang papel. Gawain 4: Pagsasalin, Iyong Gawin Goal Ikaw ay makapagsasalin ng isang bahagi ng mitong mula sa Africa Role Ikaw ay magiging isang tagapagsalin Audience Guro, mga kapwa mag-aaral. Situation Ipagpalagay na ikaw ay inanyayahang magsalin ng isang mitong African sa wikang Filipino upang maipalaganap ito sa ating bansa. Product Naisaling mito mula sa Africa sa wikang Filipino. Standards A. Malinaw na naipakita ang diwa ng teksto..………………35 puntos B.Kaalaman sa wikang kasangkot….…….……………….… 20 puntos C.Kasanayang gramatikal…………...……………….……......35 puntos D.Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 10 puntos Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos The Beginning Akan mythology says the first man to emerge on the surface of the earth was Adu Ogyinae. All humans used to live deep within the earth until one day, seven men, five women, a leopard and a dog crawled out of a giant hole burrowed by a massive worm. They were terrified but Adu calmed them down and organized them to build the world's first shelter. Adu was unfortunately crushed and killed by a tree he was cutting. Maybe he should have stayed underground. ___________________ _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Isalin sa Wikang Filipino
  • 14. Sukatin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Batid kong marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. _____ 1. “Si Liongo ay may natatanging lakas, hindi siya masusugatan ng kahit anomang sandata, husay sa paggamit ng pana at tangkad tulad ng isang higanteng hinahangaan ng karamihan.” Ano ang ipinahahayag ng pangungusap? A. Anak siya ng mga diyos at diyosa kaya siya kakaiba. B. Kabilang siya sa angkan ng mga dugong bughaw kaya naiiba siya. C. Nakatatakot siyang nilalang kaya pinangingilagan siya. D. Siya ay may pambihirang katangiang nakahihigit sa ordinaryong tao. _____ 2. Paano nakatakas si Liongo mula sa pagkakakadena? A. Sa pamamagitan ng tulong ng kaniyang ina at aliping nagdala ng kikil na ginamit upang masira ang tanikala sa gitna ng ingay ng pag-awit ng taumbayan. B. Sa pamamagitan ng orasyong kaniyang inusal sa mga tagabantay. C. Humulagpos siya na parang ahas. D. Pinatulog niya ang mga tagabantay. _____ 3. Bakit hindi kay Liongo unang naipasa ang trono sa pagkamatay ng kaniyang amang hari? A. Dahil hindi siya ang tunay na anak. B. Dahil siya ay anak sa labas. C. Dahil masama siyang anak. D. Dahil hindi siya ang paborito. _____ 4. Ang sumusunod ay mga gabay na dapat tandaan sa debate o pakikipagtalo MALIBAN sa isa. A. Makabuluhang pangangalap ng mga datos. B. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri. C. Panindigan ang panig kahit na ito’y taliwas sa pamantayang moral. D. Magkaroon ng maayos na paglalahad ng katuwiran. _____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kailangang tukuyin sa pagtutuligsa? A. Tuwid na katuwiran B. Mga pahayag na walang batayan C. Kahinaan ng katibayan D. Mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan
  • 15. Napakagaling mo! Binabati kita dahil matiyaga mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito. Natutuwa ako’t marami kang natutuhang aral sa mitong mula sa Kenya gayondin nakahanda ka nang maging isang mahusay na tagapagsalin. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 2: Anekdota mula sa Iran (Persia). B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang FACT kung pahayag at Tama samantalang BLUFF naman kung ito’y Mali. _____ 1. Kapag ikaw ay magsasalin, mainam na isalin mo muna ito ng salita sa salita. _____ 2. Maaari kang gumamit ng diksyunaryo o iba pang reperensiya upang matulungan ka sa pagsasalin. _____ 3. Mainam na alamin din ang kultura ng isang bansa bago ka magsalin mula sa kanilang wika. _____ 4. Ayos lang kung mali ang bigkas ng naisalin mong salita tutal hindi mo naman ito natural na wika. _____ 5. Maging maingat sa paggamit ng salitang naisalin sa ibang wika dahil maaari itong magkaroon ng ibang kahulugan. C. Panuto: Piliin mo sa Hanay B ang wikang tumutukoy sa mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. HANAY A HANAY B _____ 1. Daghang salamat _____ 2. Kamsahamnida (감사합니다) _____ 3. Asante _____ 4. Xièxiè (谢谢) _____ 5. Muchas gracias A. Chinese Mandarin B. Spanish C. Korean D. Cebuano E. Swahili F. Iloco
  • 16. ARALIN 1.1 (Panitikan: Liongo) SIMULAN Gawain 1: Suriin Mo! LAKBAYIN Gawain 2: Suriin Natin GALUGARIN Gawain 3: Pangatuwiranan Mo! PALALIMIN Gawain 4: Tara Na’t Magdebate ARALIN 1.2 (Wika at Gramatika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika) SIMULAN Gawain 1: Nood-suri LAKBAYIN Gawain 2: Salik-salin GALUGARIN Gawain 3: Isalin Mo Pa! A. 1. Needle 2. Delicious, Tasty 3. Alakdan 4. Pantablay 5. Sugigi, gisigis 6. Ulep 7. Broom, Softbroom 8. Color 9. Bansa 10.Skin B. 11.Power of love* 12.Isa pang pagkakataon* 13.Sika lang iti ayatek* 14.Count the stars in heaven* 15.Mahal ko sa buhay* *Maaaring ikonsidera ang iba pang salin PALALIMIN Gawain 4: Pagsasalin, Iyong Gawin SUKATIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. 1. D 2. A 3. B 4. C 5. A B. 1. BLUFF 2. FACT 3. FACT 4. BLUFF 5. FACT C. 1. D 2. C 3. E 4. A 5. B Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Susi sa Pagwawasto
  • 17. Sanggunian Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most Essential Learning Competencies. p. 251 Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. p. 243-252. Cultural Myths and Legends. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa https://alexjsong.weebly.com/myths-and-legends.html Myths, legends, beliefs and tradional stories from Africa. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa https://web.archive.org/web/20081228024750/http://www.a- gallery.de/docs/mythology.htm Fumo Liyongo: The Story of the Pokomo Poet that Broke Free. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa https://artsandculture.google.com/story/fumo-liyongo-the-story- of-the-pokomo-poet-that-broke-free/WQIydLkWobDQKA Swahili Tales/The Story of Liongo. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa https://en.wikisource.org/wiki/Swahili_Tales/The_Story_of_Liongo#:~:text=STORY %20OF%20LIONGO.,his%20house%20and%20bind%20him. Fumo Liyongo. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Fumo_Liyongo Top 10 African Myths. Nahango noong Enero 4, 2021 mula sa https://www.africanexponent.com/post/top-10-african-myths-97 “Ikaw ang Liwanag at Ligaya”. Nahagno noong Enero 4, 2021 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=NHgz_5iVb5Y