1. DESIRED LEARNING ACTIVITIES (DLA) TEMPLATE
DLA No. 1 Subject: Araling Panlipunan Grade Level: 8
Learning Competency:
A. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.
Lesson/s: Pamumuhay ng mgaUnang Tao sa Daigdig
Objectives:
A. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon.
B. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng mga
unang tao.
C. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.
I. Getting to Know the Lesson (Knowledge)
Ang guro ang magbibigay ng aktibiti.
Gawain 1. Buuin Mo Puzzle Ko
Buuin ang nagkapirapirasong parte ng puzzle upang makabuo ng isang malaking larawan.
Paleolitiko Neolitiko Metal
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang nakita niyo sa larawan?
2. Ano ang kanilang pinagkaiba?
3. Anong kagamitan ang kanilang ginagamit?
4. Anong klaseng pamumuhay ang na sa mga larawan ?
5. Kung kayo ang papipiliin sa anong yugto ng pamumuhay gusto niyong mapabilang? Bakit?
II. Skill Development (Process)
Gawain 2. I-Tweet Mo! Organizer
Ipapangkat sa anim ng guro ang klase. Ang bawat pangkat ay inaasahang pupunan ng mga kailangang
impormasyon sa “I-Tweet Mo! Organizer”. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko, at sa
pangkat 3 at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal.
Direksyon: Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa binasang
paksa. Ibigay ang hinihinging impormasyon sa angyo ng mga tweet o maikling pahayag. Pagkatapos ng pag-
uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong
papel at idikit sa bahagi ng komento ng diyagram.
@Paraan ng Pamumuhay
Tweet:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?
2. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan,
at iba pang aspeto ng pamumuhay.
III. Constructing Meanings (Understanding and Reflections)
Gawain 4. Bagay mo Choice mo
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili ng tatlong bagay na sa tingin
mo’y makakatulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng
iyong pagpili.
Pamprosesong Tanong
6. Alin ang iyong napili?
7. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili?
8. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung taglay mo ang bagay na napili? Ipaliwanag ang
sagot.
IV. Learning Transfer (Products or Performances)
Gawain 5. Group Activity
Ang bawat pangkat ay magsanibsanib para sa gagawing aktibi. Ang pangkat 1 ay ipagsasanib sa pangkat 4, ang
pangkat 2 ay ipagsasanib sa pangkat 5, at ang pangkat 3 ay ipagsasanib sa pangkat 6. Ang pinagsanib na
pangkay ay inaatasang gumawa ng isang "Jingle" tungkol sa paksa. Ang pangkat 1 at 4 ay inaatasan sa
panahong paleolitiko, ang pangkat 2 at 5 ay sa panahong neolitiko at ang pangkat 3 at 6 ay sa panahong metal.
Ang bawat grupo ay bibigyan ng 5 minuto sa presentasyon.
Ang presentasyon ay bibigyan ng marka ayon sa nakatalang krayterya sa ibaba:
KATEGORYA 5 PUNTOS 3 PUNTOS 1 PUNTOS
Liriko Ang liriko ay maganda,
angkop sa konsepto na
ibinigay, makabuluhan at
nasasaulo.
Ang liriko ay may kulang
na imporyasyon sa
konseptong ibinigay at di
masyadong nasaulo.
Ang liriko ang may
kaunting impormasyon,
masydaong malayo sa
konsepto di masyadong
nasasaulo.
3. Kasuotan Ang kasuotan ay angkop
sa konseptong ibinigay,
maganda at makulay.
Ang kasoutan ay medyo
magulo.
Ang kasouton ay hindi
maganda sa mata. Di
angkop sa konseptong
ibinigay.
Galaw sa Pagsayaw Ang galaw sa pagsayaw
ay mayroong
pagkasasabay sa
paggalaw.. Maganda ang
pagkakagawa.
May mga parteng di
magkasabay sa paggalaw.
Maganda.
Maraming parte ang di
magkasabay sa paggalaw.
Yung iba ay nakatayo
lamang.
Boses Buo at malakas ang
boses, naririnig ng
maayos at naiintindihan
ang binibigkas.
Medyo mahina ang boses
at di gaano maintindihan
ang binibigkas.
Mahina ang boses at di
maiintindihan ang
binibigkas.
Summative Assessment
Panuto: Sagutin angmgasumusunodngmaybuong husay.
1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao?
2. Anong klaseng kagamitan ang ginamit ng mga sinaunang tao noong panahong paleolitko?
3. Anong klaseng kagamitan ang ginamit ng mga sinaunang tao noong panahong neolitko?
4. Anong klaseng kagamitan ang ginamit ng mga sinaunang tao noong panahong metal?
5. Paano namuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?
6. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?
Essay
Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig sa
kasalukuyan.
Kontent-8puntos
Pagkasunod-sunodngideya-2puntos
Kabuuan-10 puntos
Prepared by: Abangan, Mhaya Jeanikka S.
BSEd-Social Science IV