MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Banghay aralin sa araling panlipunan 10 (project based learning method)
1. Cebu Normal University
College of Teacher Education
Jonalyn Montalvo Martes, Septyembre 26, 2017
Gurong Nagsasanay Petsa
Reynaldo Inocian
Gurong Tagapagsanay
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.
Pamantanyan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng programang pangkabuhayan ( Livelihood Project)
batay sa mga pinagkukunang yaman na matatagpuan sa pamayanan upang makatutulon sa
paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan.
Pamantayan sa Pagkatoto:
1. Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment.
2. Natataya ang mga implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.
I. Layunin
a. Nalalahad ang kahulugan ng unmployment
b. Napapahalagahan ang pagkakaisa ng mamamayan para sa pag-unlad ng
ekonomiya.
c. Nakakagawa ng panibagong sulosyon ng unemployment.
II. Paksang Aralin
Paksa: Unemployment
Kakayahang Pinauunlad: Kritikal na pag-iisip, Pagkamalikhain
Attitud: Pag-unawa, Simpatya
Valyu: Pagkakaisa, Pakikilahok
III. Kagamitang Instruksyunal
1. Viswal: video, Powerpoint Presentation, Strips ng papel
2. Manipulative: Laptop, T.V screen
2. IV. Stratehiya
Purposing:
1. Hahayaang manood ang mga mag-aaral ng video tungkol sa unemployment.
Gabay na mga katanungan:
i. Saan tungkol ang inyong napanood na video?
a. Ano ba ang ibig sabihin ng UNEMPLOYMENT?
ii. Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang iba’t-ibang uri ng unemployment.
a) Demand Deficient Unemployment
b) Structural Unemployment
c) Real Wage Unemployment
d) Frictional unemployment
e) Voluntary Unemployment
Planning
Gabay na Katanungan
i. Magbibigay ang guro ng mga blankong sulatan na papel sa klase.
a. Ano ang maaaring sulosyon sa problema ng unemployment?
ii. Ididikit ang mga strips na papel na mayroon ng sagot sa pisara. Tatalakayin
ng guro ang mga sulosyon na ibinigay ng mga mag-aaral.
iii. Itatanong ng guro kung saan sa mga sulosyon na inilahad ang maaring gawin
ng mga mag-aaral?
iv. Anong proyekto ang maaari nating gawin?
Executing
1. Upang mapabilis ang paggawa ng proyekto ay ipapangkat ng guro ang mga mag-
aaral sa 3 grupo.
2. Bawat grupo ay gagawa ng kanya-kanyang proyekto sa loob ng 10 minuto.
Evaluating
1. Kung natapos na ng mga mag-aaral ang gawain ay iprepresenta ng mga mag-aaral
ang kanilang proyekto sa klase.
2. Kung ito ay hindi natapos sa loob ng isang araw ay sa susunod na meeting na
naman ito tatapusin at ganoon narin ang pagpresenta.
3. Sa pagpresentang gagawain ay bubunot ang mag-aaral kung sino ang mauuna.
4. Bawat grupo ay bibigyan ng 3 minuto sa pagpresenta ng proyekto.
3. V. Assessment
Pamantayan sa Paggawa ng Proyekto
Indikasyon Puntos
Malikhain Nakakagawa ng proyekto bago sa paningin. 20 na puntos
Presentasyon Naipresenta ng grupo ang gawain na maayos
at mahusay.
40 na puntos
Pagkakaisa ng
Pangkat
Bawat indibidwal sa grupo ay may naiambag
sa nagawang proyekto.
20 na puntos
Pag-organisa sa
Ideya
Madaling maintindihan ang nais ipahiwatig ng
proyektong naisagawa.
20 na puntos
KABUUAN 1000 na puntos
VI. Takdang Aralin
Magtanong ng 3 taong inyong kilala na mayroong trabaho kung ano ang kanilang
dadamdamin ukol sa programa ni. Pang. Duterte sa pagtanggal ng ENDO? Isulat sa
kalahating pahalang na papel ang kanilang mga sagot.