Kwento

40,886 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
40,886
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
122
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Kwento

  1. 1. (Kwento) Ang Kwento Ni Mabuti Genoveva Edroza- Matute Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa datingpinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mgalumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doonsa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siyatnagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya kolamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; satanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at akoy lumiligaya. Ngunitwalang anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mgapangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamithanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabinganumang pangkaraniwan sa kanya. Siyay tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siyaynakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mgapumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandalingpag-aalanganin. Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay."Mabuti," ang sasabihin niya," ngayoy magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti namat umabottayo nsa bahaging to Mabuti Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anumankung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyony iniluha ng bata kongpuso ang pambata ring suliranin. Nooy magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsonghiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligiday tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sapagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabutit may tao pala rito," wika niyang ikinukubli angpag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kongtumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kongkahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sagunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako nanapaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito"..naparito ako upangumiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa angkanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pay nakita ko ang bahagyang ngiti sakanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sapagtatapat sa suliraning sa palagay ko nooy siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, atngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyoy nagtataka ako kung paanong napigil niya angpaghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siyay nakinig nang buong pagkaunawa, atalam ko na ang pagmamalasakit niyay tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sapaaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong makaalala."Siyanga pala, Maam, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyonna
  2. 2. iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . .. iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanayymasabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit namabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabutiy nagging isang bagong nilikha sa akin mula nangaraw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyangmabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyangpagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan.Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habangtumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturoy hinuhulaan ko ang dahilan o mgadahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pasiya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko angkatotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ngkapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglayniya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mgatunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sakagandahan at akoy humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarilipagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindinagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sasilid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa samga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananaligniyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang saamin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sabuonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyanganak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa aminkailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming angnakababatid na siyay hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyangmaririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Angpaglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabotsa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyangpagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkatwalang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ngkahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyanganak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibiganniyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niyay anim na taong gulang na. Sasusunod na taon niyay magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming magingmanggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon angpagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang
  3. 3. ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siyay nagsalita. "Oo, gayang kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilayang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase angtungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siyasa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya,kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gayang ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib saakin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taoman lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kongnakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama,"habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi komakakalimtan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ngmga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamangnakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim nakaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin" Natiyak ko noon, gaya ngpagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ayiisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan aynakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-untingbumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagongkagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ngpagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhatnang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatangiyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ngdalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyanganak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon aynaunawaan ko ang lahat.
  4. 4. (Nobela) Banaag at Sikat Lope K. SantosAng buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ngdalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidenteng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ngkanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahayay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, atnanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira saisang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sapagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mgapinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman atnagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahatng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sabuhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mgakasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’ypinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayatsi Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos nananiniwala sa malayang pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaanngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasasa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol dinsiya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap naulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilangmanunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasingradikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas naparaan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawiang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal napagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Angmga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Angkasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ayhalimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walangkapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sapagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si
  5. 5. Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, atikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilangdalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari angpag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihimkay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki niMadlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ngisang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindipinagmanahan.Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan,kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mgaalahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate,subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera atdamit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayondin ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan salipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon,Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumaliksa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babaena kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sarilingkarangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ngisang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ngkanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sabinyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ngpagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ngmga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayongpangyayari.Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama nanagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa NewYork. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sapagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindipasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nangnawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya samaliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isangtripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, atpagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siyanakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na
  6. 6. malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay siDon Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libinganay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat atpaghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ngtalipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama.Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habangnamamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman atkapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, angbulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik labansa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailanganglumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdigbago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin angkasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at saEstados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyangmakamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan.Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ngpagdanak ng dugo.Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sakanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin nggabi."
  7. 7. (Dula) Sa Pula, Sa Puti Fransisco Soc RodrigoKulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong Celing: At noong nakaraang Linggo, noongumaga, Celing. matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat atnaalala mo akong kamustahin. Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginipKulas: Si Celing naman, bakit naman ako. Napanaginipan kong akoy hinahabolganyan ang sagot mo sa akin? ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti,Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa Celing!umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at Celing: E ano kung puti?himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahalmo ang tinali mo kaysa sa akin. Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At akoyKulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ngmas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi kuwarta!ang asawa. Celing: Ngunit ngayon ay wala nang(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing). kuwartang pilak.Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kayakong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko walang duda, Celing. Bigyan mo lamangng kung minsang mainggit at magselos. ako ng limang piso ngayon ay walang salangKulas: Ngunit Celing, alam mo namang magkakuwarta tayo.kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa bamga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang nadadala sa mga panaginip mong iyan?magdadala sa atin ng grasya. Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahasCeling: Grasya ba o disgrasya, gaya ng na numero 8. Ang pintakasi noon ay nationkaraniwang nangyayari? sa a-8 ng Pebrero at sabi moy kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.Kulas: Huwag mo sanang ungkatin angnakaraan. Oo, ako ngay napagtalo noong Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan komga nakaraang araw, sapagkat noon ay ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas aralan kong mabuti ang kaliskis at angng manok. Ngunit ngayon ay marami na tainga ng manok na ito. Itoy walangakong natutuhan, mga bagong sistema. pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
  8. 8. Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan- Kulas:ganyan din ang sabi mo sa akin noong isangLinggo tungkol sa manok mong talisain? At (Nagmamadali)ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng Kumusta…e…eh…Sioningpakang na manok. didispensahin mo ako. Ako lang ayKulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya! nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. na.Maiinip si Kulas). (Lalabas si Kulas). Sige na, Celing. Ito na lamang. Pagnatalo pa ang manok na ito, hindi na ako Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari samagsasabong. iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.Celing: Totoong-totoo? Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman saKulas: Totoo. Sige na, madali ka at sabungan.nagsusultada na. sige na, may katrato ako sasusunod na sultada. Pag hindi ako dumating Sioning: Celing, talaga bang…ay kahiya-hiya. Celing: Sandali lang ha, Sioning.(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni (Sisigaw sa gawing kusina).Kulas at maisip na walang saysay angpakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng Teban! Teban! Teban!salapi sa kanyang bulsa). Teban:Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay (Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwagmo sana akong sisihan kung mauubos ang Ano po iyon Aling Celing?kaunting pinagbilhan ng ating palay. Celing:Kulas: (Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay(Kukunin ang salapi) kay Tebang). Huwag kang mag-alala, Celing, itoy O heto, Teban, limangkuwarta na. seguradong-segurado! O, piso…Nagpunta na naman ang amo mo saBuweno, diyan ka muna. sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunitmasasalubong si Sioning sa may pintuan.) Teban:Sioning: Kumusta ka, Kulas? (Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
  9. 9. Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing: Puwes, kung matalo ang manok niCeling, ikaw man bay naging sabungera na Kulas ay nanalo ako. At kung ako namayrin? matalo at nanalo si Kulas, kayat anuman ang mangyari ay hindi nababawasan angCeling: Si Sioning naman. Hindi ako aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siyasabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong nga pala naman.si Kulas ay pumupusta rin ako. (Mag-uumpisang Maririnig ang sigawanSioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit buhat sa sabungan).pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy,Celing, ano ba ang pinagsasabi mo? Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawangCeling: O, Buweno, Sioning, maupo kat iyan.ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag monamang ipaalam kaninuman. Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin. Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahayCeling: Alam mo, Sioning, akoy pumupusta na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ngsa sabong upang huwag kaming matalo. simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay saSioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang tabi ng sabungan.huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan Sioning:mo yata ako. (Lalong lalakas ang sigawan).Celing: Hindi. Alam moy marami kamingnawawalang kuwarta sa kasasabong ni Ah, siya nga pala, Celing naparitoKulas. Nag-aalaala akong darating ang araw ako upang ibalita sa iyo na dumating na angna magdidildil na lamang kami ng asin. rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay.Pinilit kong siyay pigilin. Ngunit madalas Baka tayo maubusan.kaming magkagalit. Upang huwag kamingmagkagalit at huwag maubos ang aming Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo nikuwarta, ay umisip ako ng paraan. May Aling Kikay. Sayang lamang angisang buwan na ngayon, na tuwing pupusta pagkukumare namin.si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko (Dudungaw)si Teban sa sabungan upang pumusta samanok na kalaban. O heto na nga si Teban. Tumatakbo.Sioning: (Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).(May kahinaan din ang ulo). Teban: Sa anong dahilan? (Tuwang-tuwa)
  10. 10. Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo Celing: Buweno, magpalamig ka muna ngtayo! ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing.Agad-agad namang itatago ito.) (Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithitCeling: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa at pagkatapos ay ihahagis sa sahig atkusina. Baka dumating na si Kulas ay papadyakan. Pupunta sa isang silya atmahalaga ang ating ginagawa. uupong may kalumbayan.)(Magmamadaling lalabas si Teban). Castor: Hoy, Kulas kumusta na?Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akongCeling. natatalo. Talagang akoy malas! Akalain mo(Kukunin ni Celing ang tapis niyang bang kaninay natalo pa ako? Tingnan monakasampay sa isang silya. Aalis na sila. lang,Papasok si Kulas na tila walang kasigla- Castor. Noong magsagupaan ang mgasigla). manok ay lumundag agad ang manok ko atCeling: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan pinalo nang pailalim ang kalaban.ng kalabaw na puti. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag atKulas: nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking(Mainit ang ulo) manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit Huwag mo ngang banggitin iyan. namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin,Talagang akoy malas. Celing, uyoy at tumaas ang balahibo. Unang lumagapakdisgrasya kamang. Ang aking manok ay ang kalaban., patihaya. Lundag ang akingnananalo hanggang sa huling sandali. manok. Walang sugat at patayo, ngunit alamTalagang wala akong suwerte! mo kung saan lumagpak?Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, Castor: O saan?walang pinaghahawakan kundi suwerte! Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw koKulas: Talagang buwisit ang sabong! na ng sabong.Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko Castor: Bakit naman? Wala pa namangnang Makita ang anino ng sabungang iyan. maraming natatalo sa iyo.Celing: Naway magkatotoo na sana iyan, Kulas: Ano bang walang marami? Halos,Kulas. tutong na laang ang natitira sa amingKulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, natitipon.hindi na ako magsasabong kailanman.
  11. 11. Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo?huwag ka nang magsabong. Itoy totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.Kulas: Ano bang hindi tama? Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayariCastor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong iyan?ay Talagang patuluyan nang perdida angkuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung Castor: Talaga bang gusto mo malaman?ikaw ay magsasabong pa maaaringmakabawi! Kulas: Aba, oo. Sige na.Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa samababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.suwerte-suwerte lamang, at masama ang Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?aking suwerte. Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ayhindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, akou (Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalikhindi natatalo sa sabong. na may dalang tinali.)Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kulas:Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng (Ibibigay ang tinali kay Castor).manok mo ay laging nakabitin kung iuwi. O heto, Castor.Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga palasa huwego. Oo, natatalo nga ang aking Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.manok ngunit nananalo ako sa pustahan! Kulas: Karayom?Kulas: Ngunit paano iyan? Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi saaking manok, kundi sa kalaban. Kulas: Ah…Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo (Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahiang manalo? ni Celing at kukuha ng isang karayom.)Castor: Hindi maaaring manalo ang aking O heto ang karayom.manok. Ginagawan ko ng paraan. Castor:Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag (Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayommo akong biruin. Masama ang ulo ko sa kanan.)ngayon. O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag
  12. 12. iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay,mo… malaki na ang natatalo sa akin.(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalotinali.) mong iyan ay hindi ka dinaya. Hayan! Kulas: Kung sa bagay…(Ibababa ang tinali.) Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang. Tingnan mo. Matuwid pang lumakadang tinaling iyan. Walang sinumang Kulas: Siya nga, may katwiran ka.makahahalata sa ating ginawa, ngunitmahina na ang paang ating dinuro, at ang Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo?manok na iyan ay hindi makapapalo. Tayo na.Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamangmaaaring manalo ang manok na natin si Celing, ang aking asawa.iyan…Siguradong matatalo. Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?Castor: Natural, ngayon, ang dapat na Kulas: Alam mo na ang aking asawa anglamang gawin ay magpunta sa may hawak ng supot sa bahay na ito.sabungan…ilaban ang manok na iyan…atpumunta nang palihim sa kalaban. Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno,Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan! hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo angCastor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayohindi mo ginagamit ang ulo mo. ng malaki-laki.Kulas: Kulas: Oo…Este…Castor…(Balisa) Castor: O, ano na naman? Ngunit, Castor, hindi ba iyay Kulas: Eh…malapit na segurong dumatingpandaraya? si Celing…alam moy ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kungCastor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! maaari lang ay umalis ka na.Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal nahindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, Castor:ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. (Tatawa)Itoy gagawin mo lamang upang makabawi.Ano ang sama niyan? Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok
  13. 13. mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo Celing: Magkano ba ang kailangan mo?roon malalaban agad iyan. Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihanmo lang ang tipak ha? Celing: Dalawampung piso?(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, Sioning: Susmaryosep!hihimas-himasin ang kanyang tinali, at Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso,hahangaan ang nadurong hita ng tinali. upang tayo ay makabawi.Papasok sina Celing at Sioning.) (Mag-aatubili si Celing).Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko bayIsinusumpa mo na ang sabungan? Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.Kulas: Celing: O buweno, heto.(Lulundag na palapit.) (Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Celing, ngayon na lamang. Walang Kukunin ang salapi sa baul)salang tayo ay makababawi. Kulas:Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyong asukal. Oras-oras ay nagbabago. (Kukunin ang salapi)Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Ay, salamat sa iyo, Celing. ItoyPag natalo pa ako ay patayin mo na ang kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno,lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa diyan na muna kayo, hane?iyo. (Magmamadaling lalabas si Kulas na dalaCeling: Ngunit baka pangako na naman ng ang kanyang tinali).napapako. Celing:Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya (Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasaang testigo. malayo na)Sioning: Teban! Teban!(Kikindatan si Celing) Sioning: Teban, madali ka! Siya nga naman. Celing, bigyan mo (Papasok si Teban buhat sa kusina)na, ako ang testigo. Teban: Opo, opo, Aling Celing.Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, itona lamang ha? Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
  14. 14. Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan (Lalong lalakas ang sigawan)sa manok ng kalaban. Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindiTeban: mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat(Magugulat sa dami ng salapi). sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa Dalawampung piso ito a… kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, diCeling: Oo, dalawampung piso. Sige, madali mula nooy hindi na siya nakalitaw sa klub.ka na. Celing: Ngunit natatandaan mo ba SioningTeban: na ikaw namay hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa(Hindi maintindihan) nangingitim ang buong mukha mo? ito bay itotodo ko? Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandaliSioning: Oo, todo. lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito… Celing: Hindi ko yata magagawa iyon.(lalabas si Teban). Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit (Agad huhupa ang sigawan).inayunan mo pa si Kulas? Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada.Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo Sino kaya ang nanalo?sa pagkatalo. Celing: Malalaman natin pagdating niCeling: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang Teban. Siyay umuwi agad, upang huwagang kuwarta ang aking ipinagdaramdam. silang mag-abot ni Kulas.Sioning: Eh ano pa? Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.Celing: Ang iba pang masasamang bunga ngbisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo Celing: Huwag mong alalahanin si Teban.ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng Siyay mapagkakatiwalaan.bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kunganu-ano pa. Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ngSioning: Ngunit nangako naman si Kulas na tao.ito na ang huli. Celing: Huwag kang mag-alala…Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubigang pangakong iyan. (Papasok si Teban)
  15. 15. Teban: Celing: Ngunit, Kulas hindi bat nanalo ka?(Walang sigla) Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso! Aling Celing, natalo po tao. Celing:Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalonaman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta (May hinala)ka na sa kusina at baka dumating ang iyongamo. Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.(Lalabas si Teban) Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong akoySioning: Talagang magaan ang paraan mong nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit naiyan, Celing. si Castor.Celing: Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung(Nalulungkot) piso. Siya nga. Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?Sioning: O, Celing bakit ka malungkot? Celing:Celing: Dahil sa nanalo si Kulas. (Lalo pang maghihinala)Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroonKulas, kay manalo ka, hindi naman nang kulasisi…at ipinatuka angmababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw dalawampung piso.pa rin lamang ang maghahawak ng supot. Kulas: Celing, ano bang kaululan ito?Celing: Oo nga, ngunit ang alaala Isinusumpa kong natalo ang dalawampungkoy…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo namaninikit sa sabungan. akoy nanalo.(Papasok si Kulas na nalulumbay). Celing: Si Teban. Nanggaling siya saKulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng sabungan.aking suwerte! Hindi na ako magsasabong Sioning:kailanman. (Magliliwanag ang mukha)Sioning: Ha? A teka, Celing, baka si Teban ang kumupitCeling: Ano kamo? ng kuwarta.Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Celing: Siya nga pala.Isinusumpa ko na!
  16. 16. Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?masyadong magtitiwala. Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina). Aling Celing.Celing: Teban! Teban! Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw palay(Lalabas si Teban) sabungerang pailalim.Teban: Ano po iyon? Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang siCeling: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay Celing sa kalaban ng manok mo.magnanakaw. Kulas:Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po? (kay Celing)Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang A…at ako palay kinakalaban mo pa, ha?pera. Celing: Huwag kang magalit, Kulas. AkoyTeban: Alin pong pera? pumupusta sa manok na kalaban para kahitCeling: Ang dalawampung pisong dala mo ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayosa sabungan kanina. awawalan.Teban: Aba e, natalo po, e. Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo angCeling: Sinungaling! Ano bang natalo! aking manok ay bale wala rin.Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ayNgunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo bale mayroon din.ka. Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas atTeban: kabubuga ko ng usok sa manok. Ako palay(Hindi maintindihan) parang ulol na…Ha? Ano po? Kung akoy natalo…ay… Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saanKulas: Tay kayo. Tila gumugulo ang mo dinala ang pera?salitaan. Teban, ikaw bay pumusta sasabong kanina? Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalabanTeban: Opo. din ako pumusta.Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta? Sioning: Naku, at lalong nag-block out.Teban: Kay Aling Celing po. Celing:
  17. 17. (Kay Kulas) Kulas: Huling paalam?Pumusta ka sa kalaban ng manok mo? Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayoKulas: Oo, alam moy pinilayan ko ang kailangang bumili pa ng ulam.aking tinali upang seguradong matalo atpumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, Kulas: Bakit?kabibitiw pa lamang ay tumakbo na angdiyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang Celing: Mayroon pang anim na tinali saaking manok. kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.Celing: A…gusto mong maniyope? Ikawngayon ang matitiyope (Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay(Tatawa) tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita saKulas: Aba, at nagtawa pa. kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siyaSioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, magsasabong.)Celing?Celing:(Tumatawa pa)Sapagkat akoy tuwang-tuwa, Sioning, ditoka maghapunan mamayang gabi. Atanyayahon mo sina Kumareng Kikay at angiba pang kaibigan. Akoy maghahanda.Kulas: Ha! Maghahanda?Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mgapalayok, ha? At hiramin mo ang kaserola niAte Nena.Teban: Opo, opo.(Lalabas sa pintuan ng kusina)Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda?Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpitapatnapung piso.Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwangang iyong huling paalam sa sabungan.
  18. 18. (Alamat) Ang Alamat ng MarinduqueNoong unang panahon may pamayanan sa Timog Katagalugan na pinamumunuan ng isangharing mayaman at makapangyarihan, iginagalang ngunit kinatatakutan. Siya’y si DatuBatumbakal, tinaguriang gayon dahil sa siya’y may pusong bakal.Namuno siya sa Balayan, isang pamayanang sagana sa mga yaman ng kalikasan. Sa panahon nganihan, naging ugali ng mga katutubo na magpasalamat sa Poong Maykapal sa kanilangmasaganang ani. Nagtitipon sila sa tahanan ng Datu at sama-sama silang nag-aalay ng kanilangmga ani tanda ng pasasalamat at sa kapayapaan ng kanilang pamumuhay.Kasama ng Datu ang kanilang anak na si Marin, isang dilag na pinipintuho dahil sa angkingkagandahan. Maraming mga manliligaw ang dalaga na nagmumula sa iba’t-ibang kaharian,ngunit tatlo lamang ang masugid: Datu Bagal ng Mindoro, Datu Saguil ng Laguna at DatuKawili ng Camarines. Sa kanilang pagluhog, hindi naaantig ang puso ng Prinsesa Marin.Isang araw, naakit ang dalaga ng mga awit ng Garduke, isang makata na humabi ng mga awitinat tulain sa kagandahan at kariktan ng kalikasan. Siya’y dukhang mangingisda mula sa Taal,nagbibigay aliw sa kaharian ni Datu Batumbakal. Naakit si Marin sa kakisigan ng makata nanagtapat ng pag-ibig sa dalaga. Di nagtagal at sila’y naging magsing-irog.Nang matuklasan ito ng Datu, nagalit siya. Sumalungat siya sa pag-iibigan ng dalawa. Naisniyang ang mapangasawa ng anak ay isang maharlika. Iniutos niyang patayin si Garduke kungigigiit niya ang pag-ibig sa Prinsesa Marin.Nalungkot ang Prinsesa, ngunit isang araw habang namamasyal sa dalampasigan ng Bombon,nasalubong niya si Garduke. Ipinahayag ng dalaga ang walang kamatayan niyang pag-ibig sabinata, na di alintana ang pagsalaysay ng binata na siya’y walang kayamanan at kapangyarihangmaipagmamalaki.”Hindi ko kailangan ang kayamanan at kapangyarihan,” wika ni Prinsesa Marin. ”Kailangan kita;may wagas na layunin. Mahal ko ang isang taong mapagkumbaba, makatao at tagahanga ngkalikasan”, dugtong pa ng dalaga.Nalaman ng Datu ang lihim ng pagtatagpo ng dalawa kaya iniutos niya na pugutan ng ulo siGarduke. Dahil diyan, ipinasya nina Prinsesa Marin at Garduke na tumakas. Sumakay sila sabangka patungo sa Tayabas Bay, hinabol sila ng mga sundalo ni Datu Batumbakal kasama angtatlong masugid na manliligaw. Nang inaakala ng dalawa na maaabutan sila ng mga sundalo,iniutos ng dalawa sa kasamang utusan na magkasamang gapusin silang dalawa at ihulog sa gitnang karagatan. At ganon nga ang nangyari.
  19. 19. Sa pagdaraan ng panahon, may umusbong na hugis pusong pulo sa pook ng pinaglagakan ngkatawan nina Prinsesa Marin at Garduke. Ang pulo ay pinangalanang Marinduke, angpinakamatahimik at mapayapang pulo sa Timog Katagalugan.
  20. 20. (Balita) Bagong Alituntunin sa Pagpili ng Natatanging Mag-aaral, Inilabas ng Deped ni Rainnier Allan Ronde Malayang salin ni John Anthony B. Teodosio Phil. Star Vol. XXVII no. 69 Thursday, October 4, 2012Inilabas na ng DepEd ang bagong alituntuin sa pagpili ng mga ulirang mag-aaral sa mgapampublikong paaralan na batay na rin sa bagong sistema ng pagmamarka na ipinatutupadsimula sa taong panuruan 2012-2013 sa ilalim ng programang K-12.Ang binagong alituntunin ay magiging konsiderasyon sa pagpapabilang sa mga magagaling namag-aaral sa lahat ng mga gawaing pampaaralan.“Kailangan nating idagdag sa mga aktibidades na hindi pang-akademiko bilang bahagi ngpaaralan na magbibigay-tuon sa iba pang aspeto ng paglinang ng isang bata” Pahayag ni ArminLuistro.Batay sa DepEd order no. 74, ang lahat ng kandidato para sa mga natatanging mag-aaral mulauna hanggang ika-sampung baitang na nasa ilalim ng programang K-12 ay masasama sasampung mag-aaral sa pinakamataas na antas (advanced level).Hindi sila dapat magkaroon ng markang mas mababa sa 85 na nsa ilalim ng antas pang-kumpitensya (proficiency level) at walang marka na 75-79 sa kahit anumang markahangpanahon.Ang pinakabagong sistema ng pagmamarka ay paglalarawan. Ang mga ito ay umpisa(Begginning) 74 pababa, lumilinang (Developing) 75-79, Papalapit na kumpitensya(Approaching Proficiency) 80-84, Pang-kumpitensya (85-89) at pinakamataas na antas(advanced) 90 pataas.Ang mga alituntunin ay naipatupad na sa taong 2012-2013 mula una hanggang ika-pitongbaitang.Dinagdag pa ni Luistro na upang malaman ang sampung magagaling, ang mga mag-aaral aybibigyan ng ranggo gamit ang pamamaraang 7 hanggang 3 puntos kung saan ang 7 puntos aypara sa pang-akademiko at 3 puntos para sa iba pang -co-curricular activities.Bukod pa rito, kinakailangang maging magandang ehemplo ang mga kandidato at walang kaso onilabag na alituntunin sa paaralang pinapasukan niya. Bibigyang pagkilala ang iba’t-ibang mga
  21. 21. asignatura tulad ng Ingles, Filipino, Matematika, Agham at curricular areas tulad ng Palakasan,Sining at Pamamahayag.Sa ilalim ng K-12, ang mga asignaturang ituturo para sa elementarya ay ang Unang Wika(Mother Tongue), Filipino, Ingles, Matematika, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakataoat MAPEH. Sa sekundarya naman ay Filipino, Ingles, Matematika, Agham, Araling Panilpunan,Computer at Edukasyong Pangkabuhayan (TLE), Values Education at MAPEH.Ang kautusan blg. 92 ng DepEd ng 2009 ay mailalagay pa rin sa mga mag-aaral ng elementaryaat ikalawa hanggang ikaapat na taon sa sekundarya.Opinyon: Isang magandang panukala ang DepEd order no. 74. Dahil dito, ay lalong gaganahan angmag-aaral na mag-aral nang mabuti ang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Dahil sapagpapatupad ng K-12, ay matatagalan pa ito dahil kailangan pa ng anim na taong pamamalagisa sekundarya mula ikapito hanggang ikalabindalawang baitang. Kailangan ding magkaroon nginsentibo ang mga mag-aaral na makakasama sa Top Ten. Hindi rin siyempre dapat mawala angmatatawag na Valedictorian at Salutatorian sa mga paaralan. Kung tutuusin, mas masisipag angmga matatalinong mag-aaral na nasa pampublikong paaralan dahil makikita sa kanila ang tunayna kasipagan at hangaring makakuha ng ganoong karangalan. Kumpara kasi sa pampribadongpaaralan, hindi lahat ng mga mag-aaral doon ay matatalino talaga. Mayroong mga mag-aaral nakahit hindi masyadong magaling ay binibigyan ng mataas na grado. Mayroong mga gurongganyan.Isang malaking karangalan para sa isang mag-aaral ang mapabilang sa Top Ten hindi dahilnakikilala siya ng lahat kundi dahil sa hangarin niyang makatulong sa mga magulang. Massumasaludo ako sa mga mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral. Kahit ang batang nakatiralamang sa ilalim ng tulay ay gagawin ang lahat masungkit lamang ang karangalan. Tunay natotoo na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aabot ng tagumpay. Ang isang mag-aaral aykinakailangang maging positibo sa buhay at hindi pinanghihinaan ng loob.Noong ako pa’y hindi pa nagkolehiyo, pinangarap ko na ang mapasama sa honor students perohindi nangyari iyon. Ang dami kasing magagaling. Lahat ng tao’y gustong magkaroon ngganitong kalaking karangalan. Hindi lang talino ang ginagamit ng mga mag-aaral kundi sipag attiyaga sa pag-aaral. Tulad ng nauna, kailangang maglaan din ang DepEd ng mga pabuya oinsentibo (incentives) para sa kanila nang sa gayon ay mayroon naman silang perang pantulongsa kanilang magulang o di kaya’y gagamitin sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Bukod sakarangalan ay maari rin silang bigyan ng scholarships. Kung saang kolehiyo o unibersidad silapapasok ay mayroon na silang scholarship na matatanggap.
  22. 22. Ngunit sana ay hindi na lang palitan ang sistema ng pagmamarka. Paano mo malalaman angtunay na grado ng bata? Paano bubuuin ng isang guro ang top ten sa kanyang advisory class?Ibig sabihin halimbawa ang top one sa klase ay may gradong A (advanced) tapos yung sumunodsa kanya ay “A” rin? Ano ba iyan! Hindi detalyado! Hindi malaman kung ano ang specific gradeng bata. Ang sinasabi kasi ng iba ay maganda na palitan ang sistema ng pagmamarka dahilmagiging maluwag naman sa kanilang damdamin. Ngunit mas maganda kung numerical nalamang ang sistema ng grado nang sa gayon makikita ng mga magulang kung ano ang specificgrade ng kanilang anak. Alam mo naman ang mga magulang, mahilig sa detalyadongimpormasyon.Kung makatanggap man ng mababang grado ang bata, kailangang gumawa ng paraan ang guro atmagulang para mapataas ito. May mga magulang na pinapagalitan ang bata kapag nakakakuhang mababang grado dahil masyadong mataas ang expectations na dapat ibigay ng bata. Sa halipna pagalitan ay gawan na lamang ng paraan upang ganahan siya sa pagpasok sa paaralan lalo naang guro.At may iminumungkahi rin ang tagapagsalin/inyong lingkod na sana’y bigyang pansin din angmga mag-aaral na nasa ibang seksyon na mayroon ding mataas na grado. Yung kumbaga, mgatop one ng bawat section. Hindi pwedeng kumuha ng top ten na galing sa Section One lang dahilpara sa inyong lingkod, ito’y hindi patas para sa nakararami. Halimbawa, ang isang mag-aaral ngsection one ay nakakuha ng ikawalong karangalang banggit at may markang 87.55% tapos yungtop one ng ikalawang seksyon ay may gradong 87.6%. Kaya dapat ang ikawalong karangalangbanggit ay mapupunta sa top one ng ikalawang seksyon kasi mas mataas ang marka niyakumpara sa nauna. Sana ay maisama rin nila ang mga top one ng bawat seksyon para maipakitanaman na patas ang pagbibigay ng karangalan. Iyan ang hirap kasi ng mga guro eh, lagingpaborito ang section one samantalang ang ibang seksyon ay pinababayaan na lamang. Ano kayaang dahilan nila kung bakit kumukuha ang isang pampublikong paaralan ng mga top ten nagaling lamang sa Section One at hindi sa ibang pangkat. Tapos ang mas nakakadismaya, kungsino pa ang mga mag-aaral na nagkamit ng matataas na karangalan ay siyang nalilipasan namanng panahon sa pag-aaral nila sa kolehiyo, nagiging laos na sila kumbaga. Hindi na ginagamit angtalino nila sa kolehiyo, pinababayaan na lamang. Dapat ay gamitin pa rin ang talino nilahanggang sa pagpasok nila sa kolehiyo. Sayang ang pinagpaguran kung pababayaan na lamangito. Patunayan nila na hindi pa rin sila nalilipasan ng panahon.At sana rin ay hindi na magdagdag pa ng iba pang mga asignatura sa elementarya at sekundaryatulad ng budgetting, motorcycle driving atb. Bukod kasi sa mahaba ang oras ng pananatili ngmga mag-aaral sa silid-aralan ay nakapagdaragdag pa sa trabaho ng mga guro. Bagama’t tutolako sa K-12 ay hintayin na lang natin ang magandang ibubunga nito (sana nga).
  23. 23. (Parabula) Mga Talinghaga Tungkol sa Manghahasik Mateo 13: 13-23Nang araw ring iyon, lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabing-lawa. 2 Pinalibutan siya ngnapakaraming tao, kaya pumunta siya sa isang bangka. Doon siya umupo habang ang buongkaramihan naman ay nakatayo sa tabing-lawa. 3 Maraming bagay ang sinabi niya sa kanila sapamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya: Narito, lumabas ang isang manghahasik upangmaghasik. 4 Sa kaniyang paghahasik, may ilang binhing nahulog sa tabing-daan. Dumating angmga ibon at kinain ang mga ito. 5 Ang ilan naman ay nahulog sa mga mabatong lugar at doon aywalang sapat na lupa. Tumubo agad ang mga ito, palibhasa hindi malalim ang lupa. 6 Pagsikatng araw, nalanta ang mga ito, at dahil sa walang ugat, tuluyan nang nanuyot. 7 Ang ilan namanay nahulog sa dawagan. Lumago ang mga dawag at siniksik ang mga ito. 8 Ngunit ang ilan aynahulog sa matabang lupa at nagbunga. Ang ilan ay nagbunga ng tig-iisangdaan, ang ilan ay tig-aanimnapu at ang ilan naman ay tig-tatatlumpu. 9 Ang mga may pandinig ay makinig.10 Dumating ang mga alagad at sinabi nila sa kaniya: Bakit ka nagsasalita sa kanila sa mgatalinghaga?11 Sumagot siya sa kanila: Ito ay sapagkat ipinagkaloob sa inyo na makaalam ng mga hiwaga ngpaghahari ng langit. Ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Ito ay sapagkat ang sinumangmayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinumang wala, aalisin pa angnasa kaniya. 13 Kaya nga, nagsasabi ako sa kanila sa mga talinghaga.Ito ay sapagkat tumitingin sila at hindi nakakakita.May pinapakinggan sila ngunit hindi sila totoongnakikinig at hindi sila nakakaunawa.14 Natupad sa kanila ang isinulat ni propeta Isaias na sinasabi: Sa pamamagitan ng pakikinig ay makakarinig kayo ngunit hindi kayo makakaunawa. Sa pagtingin ay makakakita kayo, ngunit hindi kayo makakatalos. 15 Ito ay sapagkat ang mga puso ng mga taong ito ay matigas na. Nahihirapan nang makinig ang kanilang tainga. Ipinikit na nila ang kanilang mga mata. Kung
  24. 24. hindi ay baka makakita pa ang kanilang mga mata at makarinig ang kanilang mga tainga. Baka makaunawa pa ang kanilang mga puso at manumbalik sila, at aking pagagalingin.16 Pinagpala ang inyong mga mata sapagkat ang mga ito ay nakakakita. Pinagpala ang iyongmga tainga sapagkat ang mga ito ay nakakarinig. 17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo:Maraming propeta at mga taong matuwid ang mahigpit na naghangad na makita ang mga bagayna inyong nakikita, ngunit hindi nila nakita. Hinangad nilang marinig ang mga bagay na inyongnaririnig ngunit hindi nila narinig.18 Kaya nga, pakinggan ninyo ang talinghaga patungkol sa manghahasik. 19 Ang sinumangnakikinig sa salita ng paghahari ng Diyos at hindi ito nauunawaan ay pinupuntahan ng masama.Inaagaw nito ang salitang naihasik na sa kaniyang puso. Siya itong nahasikan ng binhi sa tabing-daan. 20 Ang mga naihasik na binhi sa mabatong lupa ay ang mga nakikinig ng salita, at agad-agad itong tinanggap nang buong galak. 21 Ngunit wala itong ugat sa kaniyang sarili kaya hindiito nagtagal. Kapag dumating ang paghihirap o pag-uusig dahil sa salita, kaagad itong natitisod.22 Ang mga naihasik sa mga dawagan ay ang nakikinig ng salita. Ngunit ang kabalisahan ngkapanahunang ito at ang daya ng kayamanan ang dumaig sa salita, at hindi ito nagbunga. 23 Angmga naihasik sa matabang lupa ay ang nakikinig ng salita at nauunawaan ito. Kaya naman, ito aynagbubunga, ang ilan ay tig-iisangdaan, ang ilan ay tig-aanimnapu at ang ilan ay tig-tatatlumpu
  25. 25. (Pabula) Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga SisiwIsang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais.Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon naupang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upangtulungan ako sa aking pag-ani bukas!"Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo ritoat humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!""Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahaylamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayoupang manirahan dito."Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan ngay walang mga kapit-bahayna dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka."Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapitupang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!""Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina.Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamangsiya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin angmga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"Kinabukasan ngay tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating angmagsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukasdin, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundiang ating mga sarili!"Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi ritoang sinabi ng magsasaka.Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabing magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoongwalang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
  26. 26. (Talambuhay) Bossteddy @ 20 Ako po si John Anthony B. Teodosio, 20 taong gulang. Ipinanganak noong ika-7 ngAgosto, 1992. May isa akong kapatid at ang mga magulang ko ay sina Edwin at Luz Teodosio. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan pero narating na rin sa wakas ang panibagongdekada ni Teddy. Kung babalikan ko ang aking pagkabata, kilala ako bilang isang napakatahimik na tao.Naalala ko tuloy ang pagiging mamas boy ko at iyakin -- sa bahay man o paaralan. Nagkaroonna rin ako ng separation anxiety. Hindi ko kaya dati na iniiwan ako ng aking magulangpagpasok sa paaralan. Naging makulit din akong bata noong mga panahong iyon. Ang lahat ngiyon ay naging ugali ko na at inaaamin ko ito. Kahit nga rin sa sekundarya ay ganun din ako --tahimik, suplado at sumbungero. Ngunit sa kabila nito ay hindi ko napapabayaan ang aking pag-aaral. Noong tumuntong na ako ng kolehiyo, hindi ako nasiyahan sa buhay ko. Sa una kongkolehiyong pinasukan ay naroon pa rin yung mga alaala na iyon. Inaamin ko sa inyo na ako poay isang silent hacker -- isang tao na minamahal o nililigawan ang isang babae/lalake namayroon nang kasintahan. Naiinggit kasi ako sa tuwing nakakakita ako ng mga mag-syota. Yungbabaeng nakilala ko, siya na sana kaso dahil sa emosyon ay hindi na nakuha -- sayang. Maramina rin akong nasaktan na kapwa, nakasakit ako ng damdamin nila. Kumbaga ay parang nagingbarumbado ako. Kaya noong lumipat ako sa PCC, biglang nabago ang buhay ko. Ang datingmahiyain talaga, ay medyo nakikipag-usap na sa mga kaibigan, nagiging aktibo na ako sa mgagawain at nakikipagtulungan ako sa mga tao. sa kasalukuyan ay naging maayos naman ang mgagrado ko. Dahil nasa ikatlong taon na ako ng kolehiyo, papalapit na ang panahon ng akingpracticum. Nadama ko ang pagiging guro sa mga inoobserbahn kong mga high school students.Ang sarap pala sa pakiramdam na binabati ka. Hindi ko ginagawa iyon dati dahil mahiyain ako.Pero ang galing, nakakataba ng puso yung ganon lalo na kapag may estudyante ka na nasa 20-30taong gulang ay naaalala ka pa rin, napakagaling. Sana ay magawa ko ang aking makakaya hindilang sa pamamahagi ng kaalaman kundi pati na rin sa pagkuha ng loob sa mga estudyante.sinusubukan ko na ring makipag-usap sa kanila sa abot ng aking makakaya. Ngunit hindi ko lubos maisip. Mula pagkabata hanggang ngayon ay biktima pa rin akong bullying. Naiinis ako dahil kahit saanmang paaralan ako magpunta ay lagi akong nagkakaroonng mga siga. Hindi ko maintindihan, wala akong ginagawa sa kanila. Nananahimik lang akotapos sila ay nanggugulo. Ano ba talaga ang intensyon nila kung bakit nila ginagawa ito? upangmakisama? upang maging kaibigan? sa tingin ko ay HINDI. Sabi "Humble lang" humble? bakaHAMBOG. Nakakadismaya na nag-aral sila rito tapos ganoon pala ang gagawin nila -- ang
  27. 27. mam-bully. Bakit? ano ba ang bagay na nakakatuwa sa akin? Bakit lagi na lang akongpinupuntirya ng mga siga? LAGI NA LANG AKO!!! BWISIT!! Palibhasa tahimik ako atbihirang magsalita. Iyon ata ang paborito ng mga siga eh. AYOKO SA MGA SIGA, MGAMAYAYABANG, MGA HAMBOG, MGA NANDADAMAY NG KAPWA atNAGPAPAHIYA. MGA WALANG RESPETO, MGA WALANG GALANG!!. Sana naman(kabilang na ako) ay huwag nang idamay pa sa kanilang kalokohan ang mga taong tahimik atwala namang ginagawang masama. Nililigawan ko dati ang mga babaeng may kasintahan na. Hindi kasi ako makapaghintay namagkaroon ng girlfriend. Naiinggit ako sa mga tao na mayroon nang kasintahan. Buti pa sila,masayang-masaya samantalang ako, hindi. Iyon ang aking perspektibo. Pero ngayon ay hindi naako umaasang magkaroon pa ng girlfriend. Bahala na ang Diyos na pumili kung sino angnararapat sa akin. Ipinapaubaya ko na lang sa kanya. Ayoko nang umasa pa dahil mabibigo langnaman ako. Mas mabuti kung ituon ko na lang ang aking sarili sa pag-aaral -- iyon muna sangayon. Maari akong maghintay ngunit huwag yung kung kailan nagkaka-edad na ako ay singlepa rin. Maghihintay na lang ako, bastat susubukan kong maging good influence sa tao lalo na samga babae. Tahimik, isnabero, at masungit -- diyan ako inilalarawan. Pero sa likod nito ay nariyanang pagiging mabait, masipag, maasahan at madaling lapitan. Mahaba ang aking pasensya samga tao ngunit nagiging maikli ito kapag ako;y nagalit at napuno na. Ang motto ko – ano ngaba? Ah ok -- Silence is Power. Ibig sabihin, kapag pasaway ka at maingay, laging napapasubo.Pero kapag tahimik, malayo sa gulo. Ang pilosopiya ko sa buhay, What i heard and saw, i say.Kung ano ang narinig at nakita ko, sasabihin ko. Isa lang ang hiling ko sa aking kaarawan, ito ayang magkaroon ng maginhawang buhay at mapalapit pa lalo sa Panginoon.
  28. 28. (Sanaysay) Ang Pag-ibig Emilio JacintoSa lahat ng damdamin ng puso ng Tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig.Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal atang kapwa Tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig. Kung ang masama atmatuwid ay ninanasa rin ng loob, Hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaranat ang kasakiman.Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay Hindi magtatagal at karakarakang mapapawi sabalat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isangdahon na kahoy na niluoy ng init at tinanggay ng hanging mabilis.Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaka-akay sa Tao sa mga dakilang gawasukdulang ikawala ng buhay ng sampu ng kaginhawaan.Ngunit ang kasakiman at ang katampalasan ang nag-aanyo ring pag-ibig minsan, at kungmagkagayon na ay libu-libong mararanal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga patak napagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot saaba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.At ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na ala-ala sanag daan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan atpagkadusta, ang pag-ibig na siyang magiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa angbuhay.Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang mag babatang, mag-iiwi sa mgasanggol? At mabubuhay naman kaya nag mga anak sa sarili lamng nila? Kung ang anak namankaya ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang kanilang magigigng alalay sa katandaaan? Angkamalayan ay lalong matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod atnanlalabo ang pagod na mga mata ay wala ng malangapang mag-aakay at makaka-alaiw sakanyang kahirapan.Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayoymahikayat na silay bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naapi hanggangsa ipasanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay naumuusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag-ibig?
  29. 29. Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawaan;kailanpawat sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani at kanyang buhay na nalipos ngkarukhaan at lungkot, ang dahilan sapagkat Hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung diang taksil na pitasa yamat bulaang karangalan.Sa aba ng mga bayang Hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag-ibig.Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkaka-isang magbibiga ng di-mahahapay na lakas na kailangan sa pagsasangalang ng matuwidSa aba ng mga bayang Hindi pinamumuhayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak ng pag-sasarili. Ang masasamay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagaw ngdaan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan sakanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukod bukod ang mga mamamayan upang kungmahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay nakapagpapasasa sa kanilang kahinaan atkarupukan.Oh! Sino ang nakakapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?Ang pagkaka-isa na siya niyang kauna unahang bunga niya ay siyang lakas at kabuhayan, atkung nagkakaisa nat nag-iibigan ang lalong nalalabing hirap ay magaang pasanin, at ang mulingligayay ang ganito, ay di matataos ng mga pusong Hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig.At upang makapagkilalang magaling na pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan atligaya, ikaw na bumabasa nito mapagnanakaw mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mokaya ang iyong inat mga kapatid? Hindi, sapagkat silay iniibig at sa halip ay dadamayan mo ngiyong dugo at sampung buhay kung silang nakikitang inaapi ng iba.Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid,mawawala ang lahat ng mga pang-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di mabatangkapaitan.Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magandang alala.Ipagpalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting mapaparaan upangmagtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamaysa kapighatian atpagkaapi na kanyang mga kapatid.Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitin sa mga hirap ng Tao na inaakalang walangkatapusa. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayanng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.
  30. 30. (Editoryal) Sa Eleksyon 2013... Naghain ang lahat ng mga pulitiko ng sertipikasyon ng kandidatura sa COMELEC noongIka-1 hanngang 5 ng Oktubre, taong kasalukuyan. Mala-piyesta ang mga unang araw ng pag-fileng COC ng mga pulitiko. Mukhang nakakatuwa at nakakaaliw ito para sa nakararami. Hindi ngalang nahalata na pondo ang ginamit ng bawat pulitiko sa mala-piyestang pakulo. Hanggang ngayon ay nagbubulag-bulagan pa rin tayong mga Pilipino – o masmagandang sabihin na utu-uto tayong mga Pilipino. Dahil masyado tayong nagpapaadala samatatamis na dila ng pulitiko. Panay ang pagsasabi nila ng kanilang plataporma para sapagbabago ng bansa. Ngunit ano ang nangyari nang maupo sila? Natupad ba nila ang kanilangplataporma? May maganda ba silang nagawa para sa atin? Parang wala pa ring nangyayaringmaganda sa bansa natin. Kung mayroon man, bakit hindi ito nararamdaman ng mga Pilipino? Magaling tayong kumilatis ng mga pulitiko. Ngunit ang hindi natin alam, may mgapulitikong nadadawit sa kung anu-anong anomalya sa gobyerno at iba pang kinasasangkutangkaso na namamayagpag pa rin sa halalan. Nakakalungkot na may mga ganoong klaseng pulitikona nakapasok sa listahan ng kakandidato. Katulad na lang ng isang dating pulitiko na nadawit saFertilizer Scam ngunit namayagpag pa rin siya bilang kandidato, isang pulitiko na ang mgakamag-anak niya ay tatakbo rin sa halalan, mayroon din naman na sabit sa isang kwestiyonablesa isang kinasasangkutan niyang anomalya ngunit inilagay siya bilang commisioner ngCOMELEC at piniyansahan ng gobyerno ng 25 milyong piso. Sa tingin niyo ba ay iboboto pa banatin ang mga ganoong tao? Triplehin sana ang pagiging mapanuri nating mga Pilipino. At sabihin natin na kahit ang pulitiko pa mismo ang nagdadawit ng kapwa pulitiko ayganun din siya. Parehas lang silang mga trapo. At ang mas nakakalungkot pa rito. Nasayang angating mga boto dahil lamang sa mapanlinlang na dila ng mga pulitiko. Katulad na lamang ngkasalukuyang administrasyon. Lalong gumulo ang buhay ng mga Pilipino dahil may mgagabinete, senador at kongresista na dawit sa anomalya ngunit binabalabal ng pamahalaan, atdahil na rin sa padalus-dalos na pagpasa ng mga batas na siyang titigil sa karapatan ng mgaPilipino na magpahayag ng sarili nilang saloobin katulad na lamang ng Batas Republika 10175 o
  31. 31. Anti-Cybercrime Law. Hindi lang ang gobyerno ang dapat sisihin, kundi ang mga nagbubulag-bulagang mga Pilipinong bumoto sa kanila. Mangilan-ngilan lang sa kanila ang matitino. Hindi na natin maiiwasan na may mgapulitikong sabit sa mga kaso ngunit pilit pa rin nilang isinisiksik ang sarili sa eleksyon. Angdapat na lang nating gawin ay triplehin ang pagiging mapanuri natin. Maging mapanghusga samga kakandidato sa darating na halalan sa susunod na taon.
  32. 32. (Mga nobela ni Rizal) Noli Me TangereMay handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mgakaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya anglahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ngnangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael.Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat siCrisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya niTenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sapagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kayIbarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sakanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansangnalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon.Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nanghindi pa tapos ang hapunan.Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggoat pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki nagustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaonmuling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal angpaglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit.Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyangisipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarangsinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawingmakapagpapaligaya sa puso.Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May humahanga atnatutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mgapandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyangkaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man angkapintasan ni Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clarakahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiyago na gawa ngpaglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabiring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiyagosa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiyago bago
  33. 33. at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sakanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangannang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipanng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa SanDiego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mgalansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mgaiyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyanghigit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap niPadre Damaso si Kapitan Tiyago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang angnakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilangpag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang angbayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay,asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahasgubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ngmaraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawanng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos aysiyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarrasa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael,ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sabangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura’. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-guloang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sabangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni PilosopongTasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isangbaliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya, makatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo paang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw angsalaping (tatlumput dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapanng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sakampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan siBasilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Angsinasabing curfew ay alas nueve lang ng gabi.Maraming katangian si Sisa… mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa asawa niSisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal angmabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamangkaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
  34. 34. Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nangtakot lalo pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya atnadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang bilangpastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sakanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nangmalamang wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamangang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ngkusinero.Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema saedukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral atkakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ngkalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagmimiting.Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San diego. Nagingmainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi niDon Filipo. Gayunam’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi. Nangnagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitanna hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kurapara sa pista. Si Sisa ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawaniyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa nang dalawangoras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagkat pakanalamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ngpagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang nagging dahilan ngkanyang tuluyang pagkabaliw.Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sabahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahanni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa SanDiego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahanupang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya.Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan.Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilangmagkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat napagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni MariaClara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan angisang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotongsumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalianna inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at angalperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batangsakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa.
  35. 35. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy.Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ngpiknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Eliasang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ngtenyente sa luba na puno ng putik.Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Angkaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubosang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya’thindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anakniya sa Mindoro.Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sabalak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo angpaglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguniang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayongmga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay satulong ng ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindimaaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni PilosopongTasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sapaghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki atmaliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ngmga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sapaghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman.Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni CrisostomoIbarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang naproyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kunganong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga.Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob.Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ngmaulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang mgakapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarrana mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pistasa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mgabagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sabayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan angpaghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong Pilipino ng tulad niDon Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
  36. 36. Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang mayayaman at mahihirap,ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sabuhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng nagmisa atnaging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas at kinakanta.Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kanyang humor sa pagsulat.Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni PadreDamaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloysila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sapagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ngpagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sapaglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay atmatatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay bigla iyong nagibaat bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka in ganglalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan siIbarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sapag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipangipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyosnang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarrapara sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla anglahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramangmula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntolsa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan saanyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don RafaelIbarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari.Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ngmamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra atng pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Angmahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi namatuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mgaanak. Pati sina Kapitan tiyago at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina PadreDamaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan tiyago na putulin angrelasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni MariaClara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiyago angmalaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulinniyanag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang magbigay-galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sapamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring
  37. 37. hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkatnanghihinayang siya sa binata.Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalansiyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay siDonya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa angnapagbalingan niya at pinaglupitan.Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y angpagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao angmaoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilangpagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulogsi Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ngkung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalitasa kanya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusongpinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilosang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon.Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito aynaipatawag si Dr. Tibucio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tuminginkay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunanng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindikasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa.Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito… si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw niPadre Damaso. Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoolamnag ang inamalita niyong pagdadalantao.Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga taongnakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sakanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si PadeDamaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito.Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalitaniya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant si MariaClaa pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kanyainihanda ni Tiya Isaabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siyasi Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sakanya.Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mgaabundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya niElias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias namay mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes saEspanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang
  38. 38. lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binatasapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalongmagpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiitaang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganapsa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandarayaat pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala at pinagsamantalahan.Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego.Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kay,gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nakasalubong,lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni DonyaConsolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaringpagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaesna ibubunyag niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante.Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyangkaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw siMaria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sadinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Samantala, nagtaka si Ibarra nangMakita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mgamanggagawa.Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan aysinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias namakatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardiacivil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kanyangangkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling niElias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sapamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ngpamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayongkahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan Pablo.May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilanng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi.Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya.Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinanni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan niElias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitansiyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sabaraha.Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilangnakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa

×