1. TATA SELO
ROGELIO R. SIKAT
1962 CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARD FOR LITERATURE
Ang TEORYANG SOSYOLOHIKAL ay may paksang nagbibigay ng kaapihang
dinanas ng tauhan sa kwento, ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay
na nangyayari sa lipunan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan
at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita
rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa na magpuksa sa mga
katulad na suliranin. Sa kwentong "TATA SELO" ni Rogelio Sikat ay
masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan, ang pang-aapi sa mga
mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
BUOD A
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang
na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang
kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero
dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na
lang siya kay Kabesa Tano na siya na lang ang magsaka sa kanyang lupa.
Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap siya ni
Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka
noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya
nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na siyang ikinamatay nito. Kaya
nakulong si Tata Selo.
BUOD B
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga
tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na
nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-
aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa
kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na
malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng
tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa
kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
2. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira
at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito
makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang
maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang
magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at
pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na
dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde
subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo
at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
Ang kuwentong “Tata Selo” ay nabibilang sa teoryang sosyolohikal. Ang
teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng
tauhan sa kwento. Ang akda ring ito ay siyang nagiging salamin sa mga tunay
na nangyayari sa lipunan, masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan,
ang pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa na magpuksa
sa mga katulad na suliranin.
3. KUWENTO NI MABUTI
GENOVEVA EDROZA MATUTE
1951 CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARD FOR LITERATURE
Sa dulog SIKOLOHIKAL, binibigyan-diin ang pag-uugali ng partikular na
karakter at sinusuri ang motibo o layuning nagbunsod sa kanila para kumilos
sa isang partikular na paraan.Gayundin, sinusuri nito ang mga pangyayari o
kalagayang iniikutan o kinikilusan ng tauhang humahanap ng kaugnayan
nito sa kaniyang pasiya (desisyon), gawi, galaw at paniniwala.
BUOD
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa
dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa
kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo
ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang
sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay.
Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya,
nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa
kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro
noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit
hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan,
walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag
naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang
simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga
salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandalingpag-aalanganin.
Sa isang paraangalirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala sa
buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya," ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito.
Mabuti nama't umabot tayo nsa bahaging to Mabuti Mabuti!" Hindi ako
kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya
akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y iniluha ng bata kong puso ang
pambata ring suliranin. Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-
bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng
paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-
aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako
natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-
aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong
ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa
4. bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa
naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.
Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na
napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao
rito"..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang
naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking
kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig
siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako
kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay.
Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang
pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa
paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla
kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong
ipinunta niyo sa sulok na iyon na…iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan
at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . .
nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y
masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay .
. maging higit na mabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabuti'y nagging isang
bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa
hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain
niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon
ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang
hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa
pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa
sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon,
sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang
katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina,
kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno
nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming
mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay.
Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan
naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang
masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas
na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-
aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa
lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng
5. damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng
kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang
kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa
buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya
tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit.
Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon.
Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi
balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit
ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon.
Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang
baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang
anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat
walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay
nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa aking
isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa
baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog.
Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y
magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot
ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang
pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong:
"Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang
lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit
tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti
sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang
tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang
bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.
Ang paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sapagkat hindi direktang
sinabi sa akda na sa ganitong lugar ginanap ang istorya. Ang mga
pangyayari ay masasalamin sa pangkaisipang aspeto, masasalamin sa
mga tauhan ang hindi lantarang pahiwatig na nagpapainog sa ganda ng
istoryang kinapapalooban ng istilo ng pagsulat na siya namang dahilan
ng pamamaraan ng mambabasa na mag-isip ng pahiwatig ng akda.
Ang kilos o karakter na ginampanan ng pangunahing tauhan ay
nagpapahiwatig ng pangkaisipang moral nagpapatunay sa realidad na
gawi ng isang guro na maiuugnay sa panahong ito.
6. PARUSA
GENOVEVA EDROZA MATUTE
Teoryang Istaylistiko- Ito ang teoryang nagbibigay diin sa mga
salitang ginamit sa loob ng akda maaaring ang pagpapahayag ay
ginagamitan ng balbal,kolokyal,matatalinghagang salita, maaaring
binibigyang pagpapahalaga o tuon ang dialekto ng isang pangkat sa
Pilipinas, nasasaad din dito ang masidhing damdamin sa bawat
pangyayari sa isang akda na bumabatay sa mga tauhan na siya namang
binibigyang pahiwatig sa kabuuan ng akda.
BUOD
Naunahan ng paggising at pag- iinat ng daungan ang pagsikat ng araw.
Makakapal pa ang mga aninong buong higpit na yumayakap sa mga
pintungang nangaroon ay nagsimula na ang mga yabag na payao’t ditto,
ang anasang unti-unting nagkatinig hanggang sa maging ingay,
hanggang sa makiisa sa matinis na sipol ng kadadaong na bapor.
Nag-unahan sa andamyo ang mga bata ni Salamin. Nakatiyak ang
kanilang mga hakbang. Sapagkat ang mga bata ni Salamin ay mga bata
ng Big Boss. Ang Big Boss ang nakaaalam sa mga bapor na lumabas-
pumasok sa daungang yaon.
“Oras nakapit ka kay Salamin… buhay ka na!”
“E ang Big Boss… hindi ko na ba kailangang makilala ang…”
“Bahala na si Salamin doon! Bago ka pa nga rito, oo !”
Malakas ang halakhak na isinagot ng Big Boss sa ikinuwentong
iyon ni Salamin sa kanya isang araw. Samantalang buong inip silang
naghihintay na maiahon ng kanilang mga tauhan ang mga kalakal ng
kadadaong na bapor.
“Mabuti naman at nalalaman nila!”
“Mabuti na ang maliwanag antemano, Boss. Mahirap nang
masingitan poa ng katalo. Kung sa bagay e… ano naman ang magagawa
ng maski sino, kung sakali?”
Nagtinginan nang matagal ang dalawa. May mahiwagang liwanag
na kumislap sa kanilang mga mata. Biglang inalis ng Big Boss ang
tabako niya upang hindi maibuga ng madagundong na halakhak na
yumanig sa namimintong niyng tiyan.
7. “Sigurado ka bang hindi ka masisingitan ng pakawala?”
“ Mahirap na, Boss! Sakali nang makasingit, ano naman ang delito
niya, aber? Sa payroll, anim na piso… may pirma siya!”Tumikhim muna
sandal si Salamin. “Kung may reklamo siya, aba, magsumbong siya sa
Unyon!”
Hinintay ni Salamin ang muling pagyanig ng namimintog na katawan ng
Big Boss sa isa pang madagundong na halakhak. Nagtaka siya nang ito’y
ngumiti lamang nang bahagya; alanganin, dinampot ang malamig na
inumin sa baso, marahang iginuhit-guhit ang hintuturo sa malamig na
“pawis” ng baso.
“Bago ako nagging pangulo ng Unyon ng mga trabahador, nagging
estibador ako, Salamin… bago iyon, nagtrabaho ako sa daan… at bago
iyon…”
Biglang ipinukpok ng Big Boss ang baso ng inumin sa hapag.
Lumigwak ang lamn nito.
“Sa bawat isa niyon… sinamantala ako!”
Natapos ang hapong iyon nang walang imikan.
Nag-alala si Salamin na baka nagdamdam sa kanya ang Big Boss. Ngunit
nang magkita silang muli kinabukasan ay naroon na naman ang ngiting
humalili sa tabakong saglit na inalis niyon sa labi.
“ikaw na nga pala ang bahala muna sa ilang bata natin sa Unyon,
Salamin. Magbabakasyon ako sandali.”
“Siyanga pala, Boss, kilala mo na ba si Ventura, ang bago nating bata
rito sa piyer? Kasapi na sa Unyon e.”
Ngunit ang Big Boss ay di dapat abalahin sa maliliit na bagay na gaya
ng isang bagong tagapasan o ng isang bagong kasapi sa Unyon.
Ang mahalaga’y kabilang na si Ventura sa “palakad”. Nayungyong na
sa kanya ang dambuhalang “palakad”: anim na piso isang araw sa
payroll, limang piso sa bulsa—ang piso pang hindi niya maiuuwi kalian
man ay maaarin tuntunin---marahil—kung lalapit siya sa Unyon. Ang
pangulo ng Unyon ay ang Big Boss.
Sasabihin sana niya sa Big Boss: “Boss, ang Venturang
“Ano ang sabi ko sa iyo, Boss, matalino si Ventura…
8. Ito ay nabibilang sa teoryang Istaylistiko sapagkat ito ang teoryang
nagbibigay diin sa mga salitang ginamit sa loob ng akda maaaring ang
pagpapahayag ay ginagamitan ng balbal,kolokyal,matatalinghagang
salita, maaaring binibigyang pagpapahalaga o tuon ang dialekto ng
isang pangkat sa Pilipinas, nasasaad din dito ang masidhing damdamin
sa bawat pangyayari sa isang akda na bumabatay sa mga tauhan na
siya namang binibigyang pahiwatig sa kabuuan ng akda.