BUOD
Ang kwentong ito ay umiikot kay fely, isang babaeng nakipagsapalaran sa ibang bansa at nagtagumpay sa buhay. Bumalik si fely sa ilipinasupang dumalo sa isang panauhing paandangal or guest sa dati niyang skwelahan. Unang dating palang sa kanilang nayon ay hindi na siya makilala ng mga kanayon niya at ng mga nadadaanan niya at tanging naririg lamang niya ay “ARTISTA!, ARTISTA NGA BA?, ARTISTA” sabi ng mga kanayon niya. Nandahil narin ito sa agbabagong pisikal lalo na sa kanyang pananamit, Ni mga kamag anak niya ay hindi din siya makilala. Pagdating na pagdating niya sa bahay nila ay unag nakita niya Nana Ibang na siyang nag-aruga sakanilang magkakapatid. Ang nasabi lamang ng kanyang nana ibang ay marami na ang nagbago. Ngunit tuloy pain ang pagtatanong ni Fely kung bakit halos hindi na siya nakikilala ng mga kanayon niya na umuuwi naman siya ng dalawang besis sa Isang taon, sa araw ng pasko at araw ng patay. Umuwi siya ng ilipinas dahil naimbitahan siya ni duardo, ang lalaking matalik niyang kaibigan at nagpatibok ng kanyang puso at dahil narin sa kanyang pamilya, sa kanyang pagbabalik ay umasa siyang pwedi pa subalit habang nakasakay sila sa kotse ay sinabi nalang bigla ni duardo na “Sayang hindi ka nakitaa ni monang”, fely:”monang?”, duardo: kaklase natinsa ika-4 na grado bago lang isinilang ang pang-anim na anak naming”. Ang tanging nasabi lamang ni Fely ay Conratulation! Sabay tingin sa bintana na pinamamasadan at inilalarawan niya ang mga bago sa kanilang skwelahan at sa mga taong dumudungaw sa bintana niya, na gusto siyang Makita na para bang subrang taas niya o artista ang turing sakanya, pagbaba niya ng kotse ay lahat ng tao ay nakatingin sakanya na para bang hndi siya kilala na tingin na sakanya ay isang banyaga na galing pa sa ibang bansa.
1. BanyagaSulat ni
Liwayway A. Arceo
Inihambing
sa kwentong Millionaire’s Maid
Guro: PIMENTEL, GRACE S.
Group 1
Dima-arig
Zean
Arangoso
Razel
Guiling
2. Banyaga
Liwayway A. Arceo
Buod
“Ka-nayon: Mukhang artista!”, “artista nga ba?”, “artista!!!!!”
Mula nang dumating si Fely kanina ay hindi miminsang narinig ang tanong na iyon na tila ngayon
lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang uli isang taon: kung Araw ng mga Patay at kung
Pasko. O, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala
nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang wari ay nababasa niya sa bawat
matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
Nana ibang: “Serbesa ba kamo, bata ka?”, Fely: “Hindi naman masama ang amoy nana”
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran.
Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi
ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay.
Nandilat si nana ibang ng ulitin niya ng tanong.
Nana ibang: Ibang-iba na nga ang...Lahat!”. Fely: “alam kong iyon din ang sasabihin ni nanay at
tatay kung buhay pa sila”. Nana ibang: “Sino kaya’ng magmamana sa mga pamangkin
mo… matalino”.
Fely: “Sinabi ko naman sa Inso… Ibigay na sa akin… papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa naman
ako. Ang hirap sa kanila… ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…
noon… kung natakot ako sa iyakan…, Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking
pagkakataon. Sasali ba’ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako nakkasigurong kaya ko”. Nana
ibang: “Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras sabi ni Duardo na susunduin ka?”, Fely: “Alas
tres daw. Hanggang ngayon ba’y ganoon dito Alas 4 na, Nana Ibang:“Naiinip ka naba?”. Fely:
“Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik ngayon sa
Maynila”. Nana Ibang:“Ano? K-kahit gabi?”, Fely: “Kung sa Amerika, nakapunta ako at nakabalik
nang mag-isa, sa Maynilap a? Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas? Ang totoo…”
Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni Nana Ibang. At
nang tumingin siya dito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. At biglang-biglang, dumaan sa
kanyang gunita ang naging anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang
siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos
mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang mantel. Hindi siya pinalabas sa
batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay, Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig,
kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at larawan lalo niyang kilala sapagka’t patuloy
ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Ito ang may dalang platitong kinalalagyan ng isang
sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang
tuwalyang amoy moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin
niyang magkakamay siya. Wala na siyang balak dumalo sa parangal. Nguni’t naisip niyang ngayon
lamang gagawin ang ganyon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School.
Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang marinig ang
3. busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Sa paligid ng kotse ay maraming mukhang
nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaking nang mapagsino niya ay
Bahagya siyang napatigil ng Makita niya si duardo.
Duardo:”Ako nga si duardo”
Nang pagsakay sa kutse ay napatanong si fely bakit hndi siya sumakay sa likod katabi sa tabi nya.
Duardo: “Alangan na a’ata...., Hindi ka ata nagbago, arang mas bata kappa nga nayon saying d...
hndi ka makikita ni monang..”, Fely:”Monang?”., Duardo:”Kaklase natin nung ika-4 na grado, Kami
ang..., bago lang pinanganak pang-anim naming na anak”. Fely: “ Congratulation!”
Isinuot niya ang salaaming may kulay. Tila hindi na niya matagalan ang nakalarawan sa mukha ng
mga sumalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga. Iwan niya kung alin. At ng buksan ni duardo ang
pinto ng kotse upang makalabas siya ay lalong mas nagtining ang kawalan ng damdamin kanina
pa. At may sumusungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila hndi na niya makilala pa ang pook na
binalikan niya.
Kunting Kaalaman sa Maikling kwentong “BANYAGA”
Ito ay nakakuha ng 1st
Premyo sa taong 1962, sa Carlos Palanca Memorial Awards.
Tinanghal din itong isa sa pinaka-magandang nagawa na maikling kwento sa taong 1962.
Binansagan din itong TEORYANG FEMINISMO ukol narin sa kwnto ng may akda.
Ang akdang ito ay isang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones at Amerikano.
Ang mga Tauhan sa kwentong ito ay sina:
Fely- Ang Unang hukom at pinaguusapan sa kwento.
Duardo- Isang guro sa plaridel highschool at matalik na kaibigan ni fely.
Nana Ibang- Nagpalaki at nagtaguyod kay fely.
Tagpuan:
Bahay at Skwelahan(Plaridel highschool)
4. Paksa: Kaibahan ng pisikal na anyo.
Daloy ng kwento:
Simula ng kwento ay PATANONG
Dahil sa simula palang ng kwento ay napapalibutan na ng katanungan tulad ng; Si
fely nga ba yan?, Malaki ba talaga ang nagbago sa akin? At iba pang mga
katanungan sa simulang bahagi.
Wakas ng kwento ay PAGLALARAWAN
Paglalarawan sa mga nakikita at sa kanyang nararamdaman.
Kabuuan ng kwento
Patanong at paglalarawan.
Millionaire maid
Michael Christian J. Cardoz
Isa itong totoong kwento ng OFW na si Maritis na iginapang niya makapag tapos siya ng
pag-aaral kahit hirap sa buhay ang kanyang pamilya. Pero dahil sa panloloko ng kasosyo't kaibigan,
nabaon sa utang si Maritess. Ito ang nagtulak sa kanya para makipagsapalaran sa ibang bansa.
Nakapagtapos man ng kolehiyo, namasukan bilang domestic helper si Maritess sa Italya. Pero para
kay Maritess, ang sumuko, talo. Bitbit ang pangarap at pagpupursige, hinanap niya sa Italya ang
kanyang swerte. Wala sa bokabularyo niya ang mga salitang "day off". Imbes na magpahinga o
maglakwatsa, isiningit ni Maritess ang pag-aaral sa ibang bansa. Pero bukod sa mababait naa Amo
at pag-asensong inaasam, pag-ibig din ay kanyang matagpuan.
Paghahambing
Pagkakapareho Pagkakaiba
Galing sa baba
Pangarap
Pakikipagsapalaran
Pag-ibig
Hindi sumusuko
Feminismo(Matapang)
Ang sa Millionaire Maid tinalakay ang
buong kwento ng buhay ng Bida pero ang sa
Banyaga ay ang kwento lang niya pagbalik.
Pagkakakilala Noon
Pag-ibig
Pag-aaral
Suporta
Pag-ahon o pagkilala/pagsikat
5. BanyagaSulat ni
Liwayway A. Arceo
Inihambing
sa kwentong Millionaire’s Maid
Guro: PIMENTEL, GRACE S.
Group 1
Dima-arig
Zean
Arangoso
Razel
Guiling