Naisulat ang Sino Siya? habang inilalahok ng manunulat ang mga bibliographic details sa Innovative Millenium ng DLSU at nabuo ito sa pagnanais na gamitin ang biyayang matatamo mula sa konsepto ng Creative Archiving.
1. Sino Siya?
Sa kanya ko madalas mabasa ang mga salitang semiotics, iconography, semiology,
phenomenology at unang nalaman ang salitang doppelganger. May deskripsyon siya sa lahat ng
anumang namamasid ninuman. Mula sa pagkamatay ng isang kasambahay tulad ni Carmen
Bachiller (1995), anim na artikulong naisulat patungkol sa pag-aalaga sa mga pusa,
pagkahumaling niya sa creative workshops, hanggang sa mga detalye ng ating kasaysayan na
kanyang itinatampok buwan-buwan, masisilayan rin ang tuwirang paggamit niya ng teknikong
stream of consciousness.
Nakituwa ako sa kanya at naramdaman ko ang kanyang lubos na kagalakan ng marinig mula sa
presidente ng Pilipinas ang uri ng pagpapahalaga na inialay nito sa mga manunulat - “Caring for
our artists means nurturing our national soul and safeguarding our heritage for artists are
as much a national resource as our our national wealth – our mountains, rivers, lakes and
forests – and it is just right that they are called national treasures because they ennoble our
lives and enrich our experience.” Naipahayag ang mga salitang ito sa harap ng mga
pambansang artista tulad nila Nick Joaquin, NVM Gonzales, Francisco Arcellana at Levi Celerio
noong 1998. Agosto 19 sa tanyag na lugar ng Manila Hotel, at kagaya nila, ang ating makata ay
naroroon habang isa-isang inilalahad ng pangulo ang pagnanasang magkaroon ng literary
renaissance sa bansa.
Makalipas ang tatlong taon at sa edad na 60, binanggit niya na hindi na lamang siya kolektor
bagkus ay isang bibliophile at mapili na ngayon sa mga librong binibili at tinatanggap. Winika
niya: “as for me, I spend much of my time continuing my pursuit of books, a hobby I
started when I was in college. But I am no longer, a mere collector – I am now a
bibliophile.”
Matuto sa mga maiikli ngunit siksik sa laman na mga artikulo patungkol sa tula at pagsulat nito
tulad ng The Borders of a Poem, The Teaching of Poetry, Some Errors in Poetic Construction,
Imagism in Poetry, Some Strategies in Teaching Poetry Writing, at marami pang iba.
Inilarawan niya sa kanyang tulang To define is To Know ang kahirapang natamo noong mga bata
pa silang limang magkakapatid at kung paano haharapin ang mga pulitiko sa panahon ng
eleksyon – Look, my father said, they are giving us back some of what they took away from
us! Nararapat din na malaman ng mga mambabasa ang kuwento tungkol kay Anselma Carpio
(mangkukulam ayon sa iba), isang manggagamot sa panahon ng kanyang kabataan ay lubhang
itinatangi ng ating makata – She was the only sane person in my insane world, outside of my
father, and her demise, I knew would leave me devastated. Bagaman di pa niya lubusang
nauunawaan, kay Selma, mainam ang kalidad ng kaluluwa at di ang kagandahang pisikal – Now
don’t’ run home and start cutting up your belly to know what I mean. Those parts of the
anatomy have a power that influences the course of a man’s life.
Basahin ang mga iba pang detalye sa kanyang Notes on the Literary Life (2001) na may limang
bahagi sa pamamagitan ng kanyang kolum na Breaking Signs sa Philippine Panorama. Sa huling
talata ng Notes on the Literary Life, uulit-uliting babasahin ng sinuman, tulad ng pamamaraang
ginamit ni Robert Frost sa kanyang Stopping By the Woods on a Snowy Evening at wiwikain ng
sinumang magsusulat at nagsusulat –
2. the writer cannot stop writing.
He may slow down a little, but he never comes to a complete stop.
Writing has already taken control of his system and he cannot do anything about it.
He has ink in his vein and poetry in his brain.
It will always be so.