SlideShare a Scribd company logo
1 of 59
Pagtuturo ng Maikling Kuwento,
Pabula at Kuwentong -Bayan
ni Michael De Belen Saudan
Ang Guro bilang isang Guro
-Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy ay
may malinaw na layunin sa pagtuturo. Guro
ang susi ukol sa mabisang pagtuturo. Kung
baga sa isang manggagamot, nararapat
pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-
aaral, damhin at pakinggan ang tibok ng
kanilang puso, pag- aralan ang sanhi ng
kanilang karamdaman bago lapatan ng
kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980),
malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro
sa pagpapaunlad ng kakayahang taglay ng
mga mag-aaral.
 Ang kanyang impluwensiya sa lipunan at sa
paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-
aaral ay hindi matatawaran kailanman. Bilang
magulang, siya ang nagsisilbing uhay sa
pagpapalago at pagpapayabong ng anumang
kakayahan mayroon ang mag-aaral.
Sa napakalaking pananagutang ito, nararapat
lamang na taglay ng mga guro ang mga
katangiang tunay na papatnubay sa kanyang
mga tinuturuan upang magabayan ang mga ito
nang lalong malinang ang kakayahan at
abilidad upang maging epektibo hindi lamang
sa silid-aralan kundi higit sa lahat, maging
huwaran, epektibo at maging malaya sa
pakikilahok sa kaniyang lipunang patuloy na
nagbabago.
 Si Richards (1992) ay nagsabong ang
epektibong guro ay malikhain. Ang
kaniyang klase ay masigla, kawili-wili at
laging may bagong gawain. Hindi lamang
ang magpunla at magkintal ng
impormasyon o prinsipyo ang hangarin,
kundi higit sa lahat, ang ninanais ay
matulungan ang mag- aaral na mapabuti
ang kanilang buhay. Dagdag pa ni
Hendricks(1998), nasusukat ang pagiging
epektibo ng isang guro sa gawain,
kaasalan, at saloobin ng kaniyang
tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang
gawain sa klase. Ito ang batas ng
edukasyon.
 Sa pahayag ng mga dalubhasa,
masasabing napakalaki ang papel ng
guro sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.
Umiikot sa silid-aralan ang kaniyang
mundo at kumikilos siya ayon sa dikta ng
pilosopiya bilang isang edukador. Ang
pagpapahalaga sa mga tinuturuang
mag-aaral ang batayan sa paghahanda
ng mga araling magagamit upang
makipag-ugnayan sa kaniyang mga
tinuturuan. Nababatid niya ang halaga
ng mga angkop na metodo, lapit,
estratehiya at mga kagamitang
instruksyunal na makatutulong upang
mapakilos ang mga mag-aaral tungo sa
Kabisaan ng Paggamit ng
Graphic Organizers sa Pagtuturo
 Ang pagtuturo ay isang sining sapagkat ito ay
isang gawaing nangangailangan ng maparaang
paggamit ng kaalaman at kasanayan sa
pagtatamo ng ninanais na bunga. Ito ay isang
pagtulong sa pinakadakilang gawain ng
pagkakawanggawa. Ang guro ay nagbibigay at
ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng mga
kaalaman, karunungan, at patnubay di sa pilit na
paraan. Itinuturo niya sa kanila kung paano
umunawa, magpahalaga, magpasya, at
humusga sa katotohanan. Ginagayak niya sa
mga tinuturuan ang malayang pagsagot at pag-
iisip kung paanong ang isang guro sa Filipino ay
inaasahang nagtataglay ng kasanayan at
kahusayang umakay ng kaniyang mga mag-aaral
sa isang matagumpay na pagpapasya.
Ang kondisyon ng pagkatuto
kaugnay ng pagtuturo;
napapabilis ang pagkatuto ng
mag-aaral kapag:
 Nagaganyak ang kanyang mga
pandama.
 Kasangkot siya sa pagpaplano ng
mga gawain.
 Nagaganyak siyang matuto.
Nahihikayat siyang mag-isip
At nahihikayat na magsuri.
Mga Gawain sa loob ng
Klasrum
 INTEGRATIVE • Ang mga paksang – aralin sa Filipino ay naiuugnay
sa iba pang mga disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito
ang pagkatutong nakatuon sa mag- aaral at ang integrasyon ng mga
makrong kasanayan. Ang mga estratehiyang participative,
facilitative, at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na
integrative. Dito, ang guro ay tagapagpadaloy lamang ng pagkatuto
samantalang tagagawa ang mga mag-aaral. Ang guro ay tagagawa
lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas,
subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang mag-aaral ang
sentro at bida. Siya ay aktibong tagapagsalita, nakikinig, bumabasa
at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng mag-aaral ang wika
sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan
at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong
gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip.
Interactive
 INTERACTIVE Makikita ang prinsipyong ito kung ang silid-aralan
ng Filipino ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang sila mismo
ang magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan ng maraming
kaalaman na umiikot dito. Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya
ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag
ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ang interaksyon sa klase ay
kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe,
tagatanggap nito at ng konteksto ng sitwasyon, pasulat man o
pasalita (Wells, 1987). Sa loob ng silid-aralan, may tatlong uri ng
interaksyon na maaaring lahukan ang mga mag-aaral: interaksyon
sa guro, sa kapwa mag-aaral at sa teksto o kagamitang pampag-
aaral
Collaborative
 COLLABORATIVE Sa prinsipyong ito natututunan ng mga mag-
aaral ang paggalang sa sa kakayahan at opinyon ng iba. Natututo
rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga kaalaman, at
natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ng
pangangailangan. Nagkakaisa at nagtutulungan ang guro at mga
mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong
mabawasan ang kompetisyon at madagdagan ang kooperasyon ng
mga mag-aaral. Nahuhubog ang magagandang pag-uugali at
pakikipagkapwa ng mga mag-aaral, napatataas ang kanilang
pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan,
napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang ang matalino at
mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag-
aaral at mataas na motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang
mabuting relasyon ng guro at mag-aaral, at ng mag-aaral sa kapuwa
mag-aaral.
Maikling Kuwento
 Ang maikling kuwento ay isang
akdang pampanitikan sa tuluyan na sa
pamamagitan ng mga pangungusap at
talata’y binubuo ng may-akda upang
sa kanyang kapangyarihan at
kakayahan bilang isang alagad ng
panitikan, mailahad niya ang isang
pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan, makapagkintal ng isang bisa
sa puso at diwa ng mga mambabasa.
 Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa
isang bahagi ng buhay na tunay na
nangyari o maaaring mangyari.
Sapagkat ito’y may makitid na larangan,
mabilis na galaw kaya’t tuluy- tuloy ang
pagsasalaysay, matipid at payak ang
mga pangungusap, kakaunti ang mga
tauhan na lagi nang may pangunahing
tauhan,payak o karaniwan ang paksa,
maikli ang panahong sinasakop…ang
maikling kuwento ay madaling
maunawaan, kaya’t masasabing angkop
sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig
magbasa ngunit kapos sa panahon.
Bakit karamihan sa
mga tao ay mas
gustong magbasa
kaysa ang magsulat?
 Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa
Tondo, Maynila noong 17 Oktubre 1894.
Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang
Demokrasya. Taong 1917 naman ng
magsimula siyang sumulat sa Taliba.
 Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at
Panitik, Kalipunan ng mga
Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa
ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang
kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong
Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang
nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha
bilang isang uri ng kathang pampanitikan.
Nakita sa kanyang mga akda ang
palatandaan ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
 Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza
Matute, guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A.
Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:
 "Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario)
bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining,
bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa
ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing
sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga
akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit
sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika
at makabayan".
 Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong
Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni
Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa.
Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na
kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50
Batikang Kwentista.
 Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang
na 42 noong 26 Nobyembre 1936.
Edgar Allan Poe
 Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849)
ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa
pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at
mga tula. Ang "The Raven" ang pinakakilala niyang tula,
isang po siyang nagsasalaysay tungkol sa ng
pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa
iba pa niyang mga akda ang "The Tell-Tale Heart" at
"The Cask of Amontillado." Gumanap ring patnugot at
manunuring pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din
siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika.
Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying
kathang-isip na pangdetektibo, at isa ring kontributor sa
lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham.
Siya ang kauna-unahang kilalang Amerikanong
manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa
pamamagitan ng pagsusulat lamang, na naging sanhi
ng kahirapang pangpananalapi sa buhay at larangan.
 Mga Salik / Sangkap ng Maikling
Kuwento
• Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at
panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa
akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o
kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan
ito nang buong linaw, pati na ang
kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay
masisinag sa mabisang pamamaraan.
 Tauhan – Kaunti lamang ang mga
tauhan ng maikling katha bagama’t
laging may pangunahing tauhan. Ang iba
pa sa kuwento ay tumutulong lamang sa
lalong ikatitingkad ng pagganap ng
pangunahing tauhan sa akda. Sa
kanyang ga- law at ugali nakasalalay
nang malaki ang kagandahan ng akda.
Kailangang siya’y maging tunay at
buhay. Siya at ang iba pang tauhan ay
inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala
sila sa pamamagitan ng kanilang
panlabas na kaanyuan – pisikal at
pananamit, kilos na magpapahiwatig ng
kanilang ugali at pili ng mga salita.
 Banghay – Tumutukoy ito sa
pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. Dapat itong maging
maayos at magkakaugnay upang
maging matatag at kapani-paniwala.
Gaano man kapayak o karaniwan ang
mga pangyayari, ang pagiging kawili-
wili nito ay nakasalalay sa
makatwirang pagkakasunud- sunod
na “magpapadulas sa daloy ng
salaysay.
Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
 Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
 Panimula Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang
mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik
na akda. Humigit-kumulang, ang mga sumusunod ay
nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
 Pagpapakilala sa mga tauhan – maipabatid ang
kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; ma-
pangibabaw ang katangian ng pangunahing tau- han
upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa
 Pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng mga
tauhan – kailangang palitawin ang suliranin ng
pangunahing tauhan upang maitanim sa isipan ng mga
mambabasa na sa kanya iinog ang mga susu- nod
pang pangyayari
 Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming
palilitawin sa kuwento – ang lahat ng mga pangyayari at
tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang
antigin sa mga mambabasa.
 Paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang pama- maraan,
magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa
ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng
pangunahing tauhan sa ak- da; mahalaga ito upang
madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning
kahaharapin ng pangu- nahing tauhan at ang damdaming
nasang maantig sa mambabasa.
 Tunggalian Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo
upang lalong maging kawili-wili at ka- pana-panabik ang
mga pangyayari kaya’t si- nasabing ito ang sanliga ng
akda. Nagsisimu- la ito sa paghahangad ng pangunahing
tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka-
tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na
 Kasukdulan - Dito nagwawakas ang tunggalian.
Pinaka- masidhing pananabik ang madarama ng
mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito
pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing
tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago
sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan,
kailangang magduyan muna ang pananabik ng
mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit,
mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihi- natnan
ng pangunahing tauhan.
 Wakas Bagama’t ang isang maikling kuwento ay
maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga
pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan
upang ipahayag ang mga pangyaya- ri pagkatapos
ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang
paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng
pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na
lamang sa mga mambabasa.
Mga Uri ng Maikling Kuwento
 1. Kuwento ng Pag-ibig
 2. Kuwento ng Maromansang
Pakikipagsapalaran
 3. Kuwento ng Madulang pangyayari
 4. Kuwento ng katatawanan
 5. Kuwento ng Katatakutan
 6. Kuwento ng Tauhan
 7. Kuwentong Makabanghay
 8. Kuwento ng Katutubong
Kulay/Kapaligiran.
Kwentong Bayan
 Mga Kuwentong nagmula sa bawat
pook na naglalahad ng katangi-
tanging salaysay ng kanilang lugar.
 Kadalasang nagpapakita ito ng
katutubong kulay tulad ng
pagbabanggit ng mga bagay, lugar,
hayop, o pangyayari na doon lamang
nakikita o nangyayari.
Kwentong Bayan
 Ang kuwentong bayan ay isang maikling
salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi
sa pamamagitan ng mga bibig. Binubuo
ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa
ng mga salaysay nito ay tungkol sa
bayani at mga kwentong tungkol sa
kaugalian at tradisyon ng isang pook,
tribu, bayan o mga bansa. Ang alamat ay
kwentong mga pinagmulang isang bagay
ngunit hindi ito totoo subalit ang
kwentong bayan ay mga kwento na
galing sa isang tao at nag pasalinsalin
ngunit hindi malaman kung sino ang
nagsabi kaya tinawag na kwentong
bayan.
 Masasalamin sa mga kuwentong bayan
ang kultura ng bayan na pinagmulan
nito.
 Ito ay mga kwentong galing sa ating
bayan. Galing pa ito sa mga
nakakatanda hanggang napasalin sa
mga henerasyon. Lahat ng bansa ay
may sariling kwentong bayan. Ito ay
isang anyo ng panitikan na pampalipas
oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga
bata upang kapulutan ng aral. At ang
kadalasang paksa ay mga bagay na
nakapaninindig- balahibo tulad ng
tungkol sa mga aswang, maligno, kapre,
Ilan sa mga halimbawa ng
Kwentong- Bayan
 “Si Mariang Mapangarapin”
 “Ang Punong Kawayan”
 “Kung Bakit Umuulan”
 “Nakalbo ang Datu” (Muslim)
 “Ang Sayaw ng Mandirigma”
 “Si Juan at ang Alimango”
 “Nilubid na Abo”
 “Si Wigan at si Ma-I”
Pabula
 Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop
o kaya mga bagay na walang buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng
leon at daga, pagong at matsing, lobo at
kambing, at kuneho at leon. May
natatanging kaisipang mahahango mula
sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng
mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong
kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Pabula
 Mga Pabula ni Esopo
 May nagsasabing ang pabula ay nagimula kay
Esopo, isang aliping Griyego noong 400 B.C.
Pinalaya at nagkarooon ng tungkulin dahil sa
husay niya magkuwento ng pabula.
 Panchantara
 Pinaniniwalaan na pinakalumang koleksyon ng
pabula nagmula sa Indya. Isinulat ito sa Kashmir
noong 200 B.C. Binubuo ito ng limang aklat.
 Ito ay isa pang koleksyon ng mga pabula na
nakilala noong 500 B.B. Ginamit ng mga
Buddhist ang mga kwento dito ay tungkol sa
muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Ito ay
may 547 kwento.
Pabula
 Jean de la Fontaine
 Naglathala ng kanyang pabulang patula
sa Pranses noong 1668.
 Milo Winter
 Naglathala ng "Aesop for Children"
noong taong 1919.
 Ngayon, maraming mga pabula sa ating
Panitikang Pilipino. Ang mga kabataan
ay gumagawa ng kanilang mga sariling
kwento na may magagandang aral.
Mga Mungkahing Estratehiya sa
Pagtuturo ng Maikling Kuwento
 FactStorming Web
Graphic Organizer
GRAPHIC ORGANIZER • Ang mga grapiko ay mga kagamitang
pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang dimensyong naghahatid ng
katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit
malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit,
larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang mga kaisipan,
kosepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay. May iba’t ibang uri
ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit
na pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknik
ng pagkakatitik, paglalarawan, paggamit ng kulay, at lay-out at ito ay
para sa epektibong komunikasyong biswal.
Ang Kahalagahan ng Graphic
Organizer
 Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito
upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal
ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang
mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.
 Mga Benepisyo / Kabutihang Dulot ng mga Graphic Organizer
Ang mga GO ay… Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang
kaalaman sa bagong kaalaman. Nakakapagpapadali sa pagdebelop
ng konsepto. Napapahusay ang kasanayan sa pagbabasa,
pagsusulat at pagsusuri. Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng
pagplaplano at pagrerebisa. Naghihikayat ng diskursong “focused” o
nakatuon sa isang paksa. Maaaring instrument ng ebalwasyon.
Nakakatulong sa pagplaplanong instruksyonal.
Mga Uri ng Graphic Organizer
 Ang graphic organizers ay nagagamit upang pag- ugnayin at
ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa binasa. Tinatawag
din itong biswal na larawan ng mga kaalaman.
 1. K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN) Ito ang teknik
upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mga
bagong kaalaman. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nananatili at
nagiging makahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa
dati ng nalalaman. Know: Ano ang inyong nalalaman tungkol sa
bagong paksang pag-aaralan? Isulat ang sagot sa unang kolum.
Want: Ano ang gusto ninyong matutunan o matalakay sa bagong
paksa? Isulat ang sagot sa ikalawang kolum. Learn: Ano ang
natutunan ninyo sa paksang tinalakay? Isulat ang sagot sa ikatlong
kolum.
 2.CONCEPT MAP -Ang Concept Map ang nag-uugnay ng mga
konsepto hanggang sa makabuo ng malaking ideya o katuturan.
 3. CONCEPT CLUSTER - Ito ay ginagamit upang madaling maisa- isa at
mabigyang-kahulugan ang klaster ng mga salita, konsepto o pangyayari.
 4. VENN DIAGRAM Ang Venn Diagram ay ginagamit sa paghahambing ng
mga katangian ng dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito.
 5. Fact Storming Web – malawak ang
saklaw nito sapagkat makikita rito ang
lahat ng masasaklaw na detalye. Nasa
sentro anf pangunahong konsepto at
nakapaligid dito ang mga kaugnay na
konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay
na konsepto ang iba pang mga detalye.
FactStorming Web
Spider Web
Spider Web – Karaniwang
mahahati ang aralin sa apat at
bawat isa ay tumutukoy sa isa
sa apat na paa ng gagamba.
Binubuo ng pangunahing
konsepto at sumusuportang
datos ang bawat pangkat.
Semantic Web
 Semantic Web – may apat na
elemento ang semantic web. (a) ang
core question na paksa ng aralin, (b)
ang web strand na sagot sa core
question na nakasulat sa apat na
kahon (c) ang strand support na
sumusuporta sa web strand at (d) ang
strand tie na nagkokonekta sa lahat
ng web strand.
Discussion Web
 Ginagamit ang discussion web sa
pagtatalakay ng mga isyu na
halos magkatimbang o balanseng
masasagot ng Oo o Hindi.
Naoorganisa rito ang mga
argumento o ebidensya tungkol
sa isyung tinalakay.
Discussion Web
Sayklikal na Tsart
Sayklikal na Tsart – ang
sayklikal na tsart ay
magagamit sa pagpapakita ng
daloy ng mga gawain,
pangyayari o proseso mula sa
simula hanggang sa
katapusan.
Sayklikal na Tsart
Catterpillar Technique
Mainam na gamitin ito
upang mas matalakay ang
isang maikling kuwento
sapagkat natutukoy ang
bawat bahagi ng isang
akda.
Catterpillar Technique
 11. RANK ORDER CHART - Natuturuan ang mga mag-aaral na mag-
analisa ng mga paksa sa pamamagitan rank order chart. Ito ang
pagbibigay ng ranggo kung alin sa mga datos na ibinigay ang dapat na
mauna at naipaliliwanag ito ng mga mag-aaral.
 12. COMPARISON-CONTRAST CHART - Sa tulong ng comparison
contrast chart, naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang paksa. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng
pag-aasimila.
 13. ANG CAUSE AND EFFECT CHART - Ang chart na ito ang
magbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari o penomena.
 14. WHAT IF? CHART - Ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga
mag-aaral sa pagbibigay ng mga kasagutang maaaring itugon sa mga
pangyayaring susuriin.
 PROCESS OR CYCLE DIAGRAM - Sa pamamagitan ng diagram na ito,
maaaring pag-aralan ng mga mag- aaral ang proseso ng isang pangyayari
o bagay.
 16. EVENT MAP - Ginagamit ang event map sa pag- aanalisa sa isang
paksa o kuwento. Ito ang madalas gamitin sa pagtalakay sa mga akdang
pampanitikan.
 17. POSITIVE-NEGATIVE CHART - Itong chart ay nakatutulong sa
pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga positibo at negatibong epekto ng
isang isyu.
 18. DECISION CHART Sa pamamagitan ng decision chart, nahahasa ang
kaisipan ng mga mag-aaral na magpaliwanag at magtimbang-timbang ng
mga isyu. Nakatutulong din ito sa mabisang pagpapasimula ng
makahulugan at matalinong pagdedebate.
 19. STORYBOARD - Ginagamit ang story board upang ipakita ang
mahahalagang pangyayari sa kuwento. Iguguhit ang mahahalagang
pangyayari sa kahong inihanda ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.
Iba pang Estratehiya sa Aktibong
Pagtuturo
 1. INFORMATION CHART Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong
na inihanda ng guro ang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng
pangkat ang impormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawat
tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng
sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag
nahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulat nila ito
sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang sanggunian.
Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng “Iba Pang Kawili-
wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.
 2. JIGSAW- Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat
ng mag-aaral ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng teksto
(karaniwang tekstong impormasyonal) at pagkatapos ay ibinabahagi
at pinag-uusapan ang kanilang mga kaalaman sa kanilang “home
group”. Maaari ring magpangkat ang mga mag-aaral at ibabahagi ng
bawat pangkat ang kanilang “expertise” sa ibang pangkat. Epektibo
ito sa pagtalakay ng isang mahabang aralin na kailangang matapos
sa loob ng maikling panahon.
 3. THINK-PAIR-SHARE - Isang kooperatibong pagkatuto kung
saan nakikinig muna ang estudyante sa ilang tanong, nag-iisip
tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares upang makipagtalakayan
sa isa o higit pang kaklase at nagbabahagi rin kaniyang mga sagot
sa buong klase.
 4. DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO - Ang pagkukuwento ay
maaaring simulan ng guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral
ang magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento.
Pagkatapos masabi ng isa ang kaniyang bahagi, hahawakan niya
ang kamay ng katabi bilang tanda na siya ay tapos na.
 5. MOCK TRIAL - Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang
pangyayari sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri. Halimbawa:
Dapat bang patawarin si Senyora Mameng dahil sa hindi makataong
pagtrato niya sa mga katulong. Papangkatin ang klase sa a.) hukom
b.) taga-usig c.) tagapagtanggol, d.) naghabla, e.) mga saksi.
 6. MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI NENENG- Ipapasa ang isang maliit na bakya
habang may tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng bakya ang
siyang sasagot sa bugtong. Kung ang sagot sa bugtong ay gunting, kukunin ng mag-
aaral ang gunting sa loob ng paper bag. Sasagutin ng mag-aaral na ito ang tanong na
nakadikit sa gunting.
 7. PARADE OF COSTUME - Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa
isang partikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang isang
panahon na kaugnay sa kanilang mga naging kasuutan. Maganda itong gawin sa
panahon ng Buwan ng Wika, sa Pagdiriwang ng mga Nagkakaisang Bansa at mga
piling maiikling kuwento na ang tuon ay sa kasaysayan ng bansa. Maaari rin naman na
gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao.
Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o
kahit sinong kilalang tao na maaari naman na kaugnay sa paksang tinatalakay.
 CLASH OF CLASS - Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili
ang bawat pangkat ng isang tauhan o character sa Clash of Clans na
magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon ibabatay ang kanilang
“kapangyarihan” na magagamit nila sa gagawing gawain. Ang bawat pangkat
ay gagawa ng mga tanong batay sa paksang tatalakayin. Kung sakaling
nasagot ng isang pangkat ang tanong mula sa katunggaling pangkat ay
kukuha ito ng isa sa kanilang miyembro—hanggang maubos ang mga ito at
ang matitira lamang ay ang isang pangkat.
 9. KWINTASAN - Istratehiya na maaring dedevelop sa kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap. Mula sa maliliit na detalyeng ibibigay
ng guro, magagawa na mag-aral na bumuo ng isang paglalahad na may
kumpletong kaisipan, natatangi, at malikhain.
 Halimbawa: A. Bubuo ng isang malikhaing kwento ang mga mag-aaral gamit
ang mga salitang ibibigay ng guro. langgam tubig kama Umiinom ng tubig si
Jun habang nakaupo sa kama nanood ng tv nang bigla siyang napasigaw.
Nang tingnan niya ang kanyang binti, nakita niya ang malaking langgam na
pula na kumagat pala sa kanya. Dali- daling niyang pinitik ang langgam,
kinamot ang nangangating binti at nagpatuloy sa panood ng tv.
 B. Maaaring magparinig ang guro ng isang awit. Susulat ang mga mag-aaral
ng isang sanaysay o tula na may kaugnayan sa nilalaman nito.
 C. Magpaparinig ang guro ng isang instrumental na tugtugin at lalapatan ito ng
liriko ng mfa mag-aaral.
 10. CORNERS - Isa pa ring cooperative learning strategy na nagbibigay ng
pagkakataon sa mga mag-aaral na makilala nang lubusan ang kanyang sarili
at mga taong nakapaligid sa kanya. Dito, bibigyan ng pangalan ng guro ang
apat na sulok sa silid aralan. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng laya na pumunta
sa sulok na nais niya. Pagkatapos, ibibigay ng guro ang mga tanong na
nakalaan sa bawat sulok. Ito ngayon ang bibigyan ng kasagutan ng mga mag-
aaral na sa talakayan.
 11. RIGHT ANGLE - Ito ay isang graphic organizer na tumutulong sa mga
mag-aaral upang makita ang implikasyon ng mga ideya at mailapat ang mga
ito sa kanilang sariling buhay.
 12. Saan aabot ang Bente mo? – Ibinubuod ng mga mag-aaral ang akda sa
loob lamang ng 20 salita
 14. Frame Me a Picture – naipakikita ang bawat
pangyayari sa akda
 15. Story board – naibubuod ang akda sa tulong
ng estratehiyang ito.
 16. Role Play – sa tulong nito, nababalikan ng
mga mag-aaral ang mga mahahalagang
pangyayari sa akda.

More Related Content

What's hot

PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
Ann Tenerife
 
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
AraAuthor
 

What's hot (20)

Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
 
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng PangungusapBahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
 
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Panulaang Filipino
Panulaang FilipinoPanulaang Filipino
Panulaang Filipino
 
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wikaMga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
 
Banghay Aralin
Banghay AralinBanghay Aralin
Banghay Aralin
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasKompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
 
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanMga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnay
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpema
 

Similar to Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan

Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpoint
leyzelmae
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Rose Espino
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1
kiaramomo
 

Similar to Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan (20)

Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptAng-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
 
Abegail E. Ancheta
Abegail E. AnchetaAbegail E. Ancheta
Abegail E. Ancheta
 
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptxFIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
 
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
 
SANAYSAY AT TALUMPATI SA ASIGNATURANGfil
SANAYSAY AT TALUMPATI SA ASIGNATURANGfilSANAYSAY AT TALUMPATI SA ASIGNATURANGfil
SANAYSAY AT TALUMPATI SA ASIGNATURANGfil
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpoint
 
filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materials
 
Filipino9
Filipino9Filipino9
Filipino9
 
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino module
Filipino moduleFilipino module
Filipino module
 
Gamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturoGamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturo
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1
 
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
 

More from michael saudan (10)

Vietnam
VietnamVietnam
Vietnam
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Papua new-guinea-education-system
Papua new-guinea-education-systemPapua new-guinea-education-system
Papua new-guinea-education-system
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaar
 
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
 
Ang pagkatalo-ni-napoleon-bonaparte
Ang pagkatalo-ni-napoleon-bonaparteAng pagkatalo-ni-napoleon-bonaparte
Ang pagkatalo-ni-napoleon-bonaparte
 
9 na pangunahing wika sa pilipinas
9 na pangunahing wika sa pilipinas9 na pangunahing wika sa pilipinas
9 na pangunahing wika sa pilipinas
 
Paghahambing ng Pagsasaling Ingles-Filipino alinsunod sa simulain at batayan
Paghahambing ng Pagsasaling Ingles-Filipino alinsunod sa simulain at batayanPaghahambing ng Pagsasaling Ingles-Filipino alinsunod sa simulain at batayan
Paghahambing ng Pagsasaling Ingles-Filipino alinsunod sa simulain at batayan
 

Recently uploaded

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
PaulineMae5
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 

Recently uploaded (20)

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 

Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan

  • 1. Pagtuturo ng Maikling Kuwento, Pabula at Kuwentong -Bayan ni Michael De Belen Saudan
  • 2. Ang Guro bilang isang Guro -Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy ay may malinaw na layunin sa pagtuturo. Guro ang susi ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag- aaral, damhin at pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag- aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980), malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng kakayahang taglay ng mga mag-aaral.
  • 3.  Ang kanyang impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga mag- aaral ay hindi matatawaran kailanman. Bilang magulang, siya ang nagsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng anumang kakayahan mayroon ang mag-aaral. Sa napakalaking pananagutang ito, nararapat lamang na taglay ng mga guro ang mga katangiang tunay na papatnubay sa kanyang mga tinuturuan upang magabayan ang mga ito nang lalong malinang ang kakayahan at abilidad upang maging epektibo hindi lamang sa silid-aralan kundi higit sa lahat, maging huwaran, epektibo at maging malaya sa pakikilahok sa kaniyang lipunang patuloy na nagbabago.
  • 4.  Si Richards (1992) ay nagsabong ang epektibong guro ay malikhain. Ang kaniyang klase ay masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag- aaral na mapabuti ang kanilang buhay. Dagdag pa ni Hendricks(1998), nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kaniyang tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
  • 5.  Sa pahayag ng mga dalubhasa, masasabing napakalaki ang papel ng guro sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Umiikot sa silid-aralan ang kaniyang mundo at kumikilos siya ayon sa dikta ng pilosopiya bilang isang edukador. Ang pagpapahalaga sa mga tinuturuang mag-aaral ang batayan sa paghahanda ng mga araling magagamit upang makipag-ugnayan sa kaniyang mga tinuturuan. Nababatid niya ang halaga ng mga angkop na metodo, lapit, estratehiya at mga kagamitang instruksyunal na makatutulong upang mapakilos ang mga mag-aaral tungo sa
  • 6. Kabisaan ng Paggamit ng Graphic Organizers sa Pagtuturo  Ang pagtuturo ay isang sining sapagkat ito ay isang gawaing nangangailangan ng maparaang paggamit ng kaalaman at kasanayan sa pagtatamo ng ninanais na bunga. Ito ay isang pagtulong sa pinakadakilang gawain ng pagkakawanggawa. Ang guro ay nagbibigay at ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng mga kaalaman, karunungan, at patnubay di sa pilit na paraan. Itinuturo niya sa kanila kung paano umunawa, magpahalaga, magpasya, at humusga sa katotohanan. Ginagayak niya sa mga tinuturuan ang malayang pagsagot at pag- iisip kung paanong ang isang guro sa Filipino ay inaasahang nagtataglay ng kasanayan at kahusayang umakay ng kaniyang mga mag-aaral sa isang matagumpay na pagpapasya.
  • 7. Ang kondisyon ng pagkatuto kaugnay ng pagtuturo; napapabilis ang pagkatuto ng mag-aaral kapag:  Nagaganyak ang kanyang mga pandama.  Kasangkot siya sa pagpaplano ng mga gawain.  Nagaganyak siyang matuto. Nahihikayat siyang mag-isip At nahihikayat na magsuri.
  • 8. Mga Gawain sa loob ng Klasrum  INTEGRATIVE • Ang mga paksang – aralin sa Filipino ay naiuugnay sa iba pang mga disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakatuon sa mag- aaral at ang integrasyon ng mga makrong kasanayan. Ang mga estratehiyang participative, facilitative, at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integrative. Dito, ang guro ay tagapagpadaloy lamang ng pagkatuto samantalang tagagawa ang mga mag-aaral. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang mag-aaral ang sentro at bida. Siya ay aktibong tagapagsalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng mag-aaral ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip.
  • 9. Interactive  INTERACTIVE Makikita ang prinsipyong ito kung ang silid-aralan ng Filipino ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot dito. Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe, tagatanggap nito at ng konteksto ng sitwasyon, pasulat man o pasalita (Wells, 1987). Sa loob ng silid-aralan, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukan ang mga mag-aaral: interaksyon sa guro, sa kapwa mag-aaral at sa teksto o kagamitang pampag- aaral
  • 10. Collaborative  COLLABORATIVE Sa prinsipyong ito natututunan ng mga mag- aaral ang paggalang sa sa kakayahan at opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga kaalaman, at natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ng pangangailangan. Nagkakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan ang kompetisyon at madagdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral. Nahuhubog ang magagandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral, napatataas ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan, napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag- aaral at mataas na motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang mabuting relasyon ng guro at mag-aaral, at ng mag-aaral sa kapuwa mag-aaral.
  • 11. Maikling Kuwento  Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.
  • 12.  Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy- tuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan,payak o karaniwan ang paksa, maikli ang panahong sinasakop…ang maikling kuwento ay madaling maunawaan, kaya’t masasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon.
  • 13. Bakit karamihan sa mga tao ay mas gustong magbasa kaysa ang magsulat?
  • 14.
  • 15.
  • 16.  Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong 17 Oktubre 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.  Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
  • 17.  Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:  "Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan".  Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.  Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong 26 Nobyembre 1936.
  • 18.
  • 19. Edgar Allan Poe  Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849) ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Ang "The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang po siyang nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba pa niyang mga akda ang "The Tell-Tale Heart" at "The Cask of Amontillado." Gumanap ring patnugot at manunuring pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika. Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying kathang-isip na pangdetektibo, at isa ring kontributor sa lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham. Siya ang kauna-unahang kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi sa buhay at larangan.
  • 20.  Mga Salik / Sangkap ng Maikling Kuwento • Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.
  • 21.  Tauhan – Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang ga- law at ugali nakasalalay nang malaki ang kagandahan ng akda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya at ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan – pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili ng mga salita.
  • 22.  Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili- wili nito ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunud- sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.
  • 23. Mga Bahagi ng Maikling Kuwento  Mga Bahagi ng Maikling Kuwento  Panimula Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:  Pagpapakilala sa mga tauhan – maipabatid ang kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; ma- pangibabaw ang katangian ng pangunahing tau- han upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa  Pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng mga tauhan – kailangang palitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang maitanim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susu- nod pang pangyayari
  • 24.  Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento – ang lahat ng mga pangyayari at tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa.  Paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang pama- maraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng pangunahing tauhan sa ak- da; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kahaharapin ng pangu- nahing tauhan at ang damdaming nasang maantig sa mambabasa.  Tunggalian Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at ka- pana-panabik ang mga pangyayari kaya’t si- nasabing ito ang sanliga ng akda. Nagsisimu- la ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka- tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na
  • 25.  Kasukdulan - Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihi- natnan ng pangunahing tauhan.  Wakas Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyaya- ri pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.
  • 26. Mga Uri ng Maikling Kuwento  1. Kuwento ng Pag-ibig  2. Kuwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran  3. Kuwento ng Madulang pangyayari  4. Kuwento ng katatawanan  5. Kuwento ng Katatakutan  6. Kuwento ng Tauhan  7. Kuwentong Makabanghay  8. Kuwento ng Katutubong Kulay/Kapaligiran.
  • 27. Kwentong Bayan  Mga Kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi- tanging salaysay ng kanilang lugar.  Kadalasang nagpapakita ito ng katutubong kulay tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari.
  • 29.  Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga salaysay nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng isang pook, tribu, bayan o mga bansa. Ang alamat ay kwentong mga pinagmulang isang bagay ngunit hindi ito totoo subalit ang kwentong bayan ay mga kwento na galing sa isang tao at nag pasalinsalin ngunit hindi malaman kung sino ang nagsabi kaya tinawag na kwentong bayan.
  • 30.  Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.  Ito ay mga kwentong galing sa ating bayan. Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may sariling kwentong bayan. Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig- balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang, maligno, kapre,
  • 31. Ilan sa mga halimbawa ng Kwentong- Bayan  “Si Mariang Mapangarapin”  “Ang Punong Kawayan”  “Kung Bakit Umuulan”  “Nakalbo ang Datu” (Muslim)  “Ang Sayaw ng Mandirigma”  “Si Juan at ang Alimango”  “Nilubid na Abo”  “Si Wigan at si Ma-I”
  • 32. Pabula  Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
  • 33. Pabula  Mga Pabula ni Esopo  May nagsasabing ang pabula ay nagimula kay Esopo, isang aliping Griyego noong 400 B.C. Pinalaya at nagkarooon ng tungkulin dahil sa husay niya magkuwento ng pabula.  Panchantara  Pinaniniwalaan na pinakalumang koleksyon ng pabula nagmula sa Indya. Isinulat ito sa Kashmir noong 200 B.C. Binubuo ito ng limang aklat.  Ito ay isa pang koleksyon ng mga pabula na nakilala noong 500 B.B. Ginamit ng mga Buddhist ang mga kwento dito ay tungkol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Ito ay may 547 kwento.
  • 34. Pabula  Jean de la Fontaine  Naglathala ng kanyang pabulang patula sa Pranses noong 1668.  Milo Winter  Naglathala ng "Aesop for Children" noong taong 1919.  Ngayon, maraming mga pabula sa ating Panitikang Pilipino. Ang mga kabataan ay gumagawa ng kanilang mga sariling kwento na may magagandang aral.
  • 35. Mga Mungkahing Estratehiya sa Pagtuturo ng Maikling Kuwento  FactStorming Web
  • 36. Graphic Organizer GRAPHIC ORGANIZER • Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang mga kaisipan, kosepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay. May iba’t ibang uri ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit na pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknik ng pagkakatitik, paglalarawan, paggamit ng kulay, at lay-out at ito ay para sa epektibong komunikasyong biswal.
  • 37. Ang Kahalagahan ng Graphic Organizer  Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.  Mga Benepisyo / Kabutihang Dulot ng mga Graphic Organizer Ang mga GO ay… Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman sa bagong kaalaman. Nakakapagpapadali sa pagdebelop ng konsepto. Napapahusay ang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat at pagsusuri. Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng pagplaplano at pagrerebisa. Naghihikayat ng diskursong “focused” o nakatuon sa isang paksa. Maaaring instrument ng ebalwasyon. Nakakatulong sa pagplaplanong instruksyonal.
  • 38. Mga Uri ng Graphic Organizer  Ang graphic organizers ay nagagamit upang pag- ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa binasa. Tinatawag din itong biswal na larawan ng mga kaalaman.  1. K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN) Ito ang teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mga bagong kaalaman. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nananatili at nagiging makahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati ng nalalaman. Know: Ano ang inyong nalalaman tungkol sa bagong paksang pag-aaralan? Isulat ang sagot sa unang kolum. Want: Ano ang gusto ninyong matutunan o matalakay sa bagong paksa? Isulat ang sagot sa ikalawang kolum. Learn: Ano ang natutunan ninyo sa paksang tinalakay? Isulat ang sagot sa ikatlong kolum.  2.CONCEPT MAP -Ang Concept Map ang nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa makabuo ng malaking ideya o katuturan.
  • 39.  3. CONCEPT CLUSTER - Ito ay ginagamit upang madaling maisa- isa at mabigyang-kahulugan ang klaster ng mga salita, konsepto o pangyayari.  4. VENN DIAGRAM Ang Venn Diagram ay ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.  5. Fact Storming Web – malawak ang saklaw nito sapagkat makikita rito ang lahat ng masasaklaw na detalye. Nasa sentro anf pangunahong konsepto at nakapaligid dito ang mga kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay na konsepto ang iba pang mga detalye.
  • 41.
  • 42. Spider Web Spider Web – Karaniwang mahahati ang aralin sa apat at bawat isa ay tumutukoy sa isa sa apat na paa ng gagamba. Binubuo ng pangunahing konsepto at sumusuportang datos ang bawat pangkat.
  • 43.
  • 44. Semantic Web  Semantic Web – may apat na elemento ang semantic web. (a) ang core question na paksa ng aralin, (b) ang web strand na sagot sa core question na nakasulat sa apat na kahon (c) ang strand support na sumusuporta sa web strand at (d) ang strand tie na nagkokonekta sa lahat ng web strand.
  • 45.
  • 46. Discussion Web  Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos magkatimbang o balanseng masasagot ng Oo o Hindi. Naoorganisa rito ang mga argumento o ebidensya tungkol sa isyung tinalakay.
  • 48. Sayklikal na Tsart Sayklikal na Tsart – ang sayklikal na tsart ay magagamit sa pagpapakita ng daloy ng mga gawain, pangyayari o proseso mula sa simula hanggang sa katapusan.
  • 50. Catterpillar Technique Mainam na gamitin ito upang mas matalakay ang isang maikling kuwento sapagkat natutukoy ang bawat bahagi ng isang akda.
  • 52.  11. RANK ORDER CHART - Natuturuan ang mga mag-aaral na mag- analisa ng mga paksa sa pamamagitan rank order chart. Ito ang pagbibigay ng ranggo kung alin sa mga datos na ibinigay ang dapat na mauna at naipaliliwanag ito ng mga mag-aaral.  12. COMPARISON-CONTRAST CHART - Sa tulong ng comparison contrast chart, naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang paksa. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aasimila.  13. ANG CAUSE AND EFFECT CHART - Ang chart na ito ang magbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari o penomena.  14. WHAT IF? CHART - Ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga kasagutang maaaring itugon sa mga pangyayaring susuriin.
  • 53.  PROCESS OR CYCLE DIAGRAM - Sa pamamagitan ng diagram na ito, maaaring pag-aralan ng mga mag- aaral ang proseso ng isang pangyayari o bagay.  16. EVENT MAP - Ginagamit ang event map sa pag- aanalisa sa isang paksa o kuwento. Ito ang madalas gamitin sa pagtalakay sa mga akdang pampanitikan.  17. POSITIVE-NEGATIVE CHART - Itong chart ay nakatutulong sa pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga positibo at negatibong epekto ng isang isyu.  18. DECISION CHART Sa pamamagitan ng decision chart, nahahasa ang kaisipan ng mga mag-aaral na magpaliwanag at magtimbang-timbang ng mga isyu. Nakatutulong din ito sa mabisang pagpapasimula ng makahulugan at matalinong pagdedebate.  19. STORYBOARD - Ginagamit ang story board upang ipakita ang mahahalagang pangyayari sa kuwento. Iguguhit ang mahahalagang pangyayari sa kahong inihanda ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.
  • 54. Iba pang Estratehiya sa Aktibong Pagtuturo  1. INFORMATION CHART Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro ang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng pangkat ang impormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawat tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag nahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulat nila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang sanggunian. Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng “Iba Pang Kawili- wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.  2. JIGSAW- Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat ng mag-aaral ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng teksto (karaniwang tekstong impormasyonal) at pagkatapos ay ibinabahagi at pinag-uusapan ang kanilang mga kaalaman sa kanilang “home group”. Maaari ring magpangkat ang mga mag-aaral at ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang “expertise” sa ibang pangkat. Epektibo ito sa pagtalakay ng isang mahabang aralin na kailangang matapos sa loob ng maikling panahon.
  • 55.  3. THINK-PAIR-SHARE - Isang kooperatibong pagkatuto kung saan nakikinig muna ang estudyante sa ilang tanong, nag-iisip tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares upang makipagtalakayan sa isa o higit pang kaklase at nagbabahagi rin kaniyang mga sagot sa buong klase.  4. DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO - Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral ang magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi bilang tanda na siya ay tapos na.  5. MOCK TRIAL - Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri. Halimbawa: Dapat bang patawarin si Senyora Mameng dahil sa hindi makataong pagtrato niya sa mga katulong. Papangkatin ang klase sa a.) hukom b.) taga-usig c.) tagapagtanggol, d.) naghabla, e.) mga saksi.
  • 56.  6. MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI NENENG- Ipapasa ang isang maliit na bakya habang may tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng bakya ang siyang sasagot sa bugtong. Kung ang sagot sa bugtong ay gunting, kukunin ng mag- aaral ang gunting sa loob ng paper bag. Sasagutin ng mag-aaral na ito ang tanong na nakadikit sa gunting.  7. PARADE OF COSTUME - Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isang partikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang isang panahon na kaugnay sa kanilang mga naging kasuutan. Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng Wika, sa Pagdiriwang ng mga Nagkakaisang Bansa at mga piling maiikling kuwento na ang tuon ay sa kasaysayan ng bansa. Maaari rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maaari naman na kaugnay sa paksang tinatalakay.
  • 57.  CLASH OF CLASS - Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili ang bawat pangkat ng isang tauhan o character sa Clash of Clans na magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon ibabatay ang kanilang “kapangyarihan” na magagamit nila sa gagawing gawain. Ang bawat pangkat ay gagawa ng mga tanong batay sa paksang tatalakayin. Kung sakaling nasagot ng isang pangkat ang tanong mula sa katunggaling pangkat ay kukuha ito ng isa sa kanilang miyembro—hanggang maubos ang mga ito at ang matitira lamang ay ang isang pangkat.  9. KWINTASAN - Istratehiya na maaring dedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap. Mula sa maliliit na detalyeng ibibigay ng guro, magagawa na mag-aral na bumuo ng isang paglalahad na may kumpletong kaisipan, natatangi, at malikhain.  Halimbawa: A. Bubuo ng isang malikhaing kwento ang mga mag-aaral gamit ang mga salitang ibibigay ng guro. langgam tubig kama Umiinom ng tubig si Jun habang nakaupo sa kama nanood ng tv nang bigla siyang napasigaw. Nang tingnan niya ang kanyang binti, nakita niya ang malaking langgam na pula na kumagat pala sa kanya. Dali- daling niyang pinitik ang langgam, kinamot ang nangangating binti at nagpatuloy sa panood ng tv.  B. Maaaring magparinig ang guro ng isang awit. Susulat ang mga mag-aaral ng isang sanaysay o tula na may kaugnayan sa nilalaman nito.  C. Magpaparinig ang guro ng isang instrumental na tugtugin at lalapatan ito ng liriko ng mfa mag-aaral.
  • 58.  10. CORNERS - Isa pa ring cooperative learning strategy na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilala nang lubusan ang kanyang sarili at mga taong nakapaligid sa kanya. Dito, bibigyan ng pangalan ng guro ang apat na sulok sa silid aralan. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng laya na pumunta sa sulok na nais niya. Pagkatapos, ibibigay ng guro ang mga tanong na nakalaan sa bawat sulok. Ito ngayon ang bibigyan ng kasagutan ng mga mag- aaral na sa talakayan.  11. RIGHT ANGLE - Ito ay isang graphic organizer na tumutulong sa mga mag-aaral upang makita ang implikasyon ng mga ideya at mailapat ang mga ito sa kanilang sariling buhay.  12. Saan aabot ang Bente mo? – Ibinubuod ng mga mag-aaral ang akda sa loob lamang ng 20 salita
  • 59.  14. Frame Me a Picture – naipakikita ang bawat pangyayari sa akda  15. Story board – naibubuod ang akda sa tulong ng estratehiyang ito.  16. Role Play – sa tulong nito, nababalikan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari sa akda.

Editor's Notes

  1. Ang maikling