3. Si Dr. Jose Villa Panganiban ay may magandang pag-aaral na
pasemantika ng salitang panitikan. Ang salitang panitikan, anya,
ay binubuo ng pang-na unlapi, ng salitang ugat at ng –an na
hulapi. Nagiging pan- ang pang- kung inuunlapi sa salitang
nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s,t. Karaniwan ding kinakaltas
ang titik na t kung saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya’t sa halip
na pangtitikan ay nagiging panitikan na katumbas sa Ingles ay
literature at literature sa Kastila.
Ang salitang titik ay litera sa Latin, letra sa Kastila at letter sa
Ingles na mga salitang ugat ng kanilang panumbas na salita sa
panitikan.
4. Ayon sa mga dalubhasa, ang panitikan
ay pagpapahayag sa makasining na
paraan sa pamamagitan ng mga piling
salita ng mga kaisipan, damdamin,
panaginip at karanasan ng isang lahi.
Ito ay bungang-isip na isinatitik.
5. Ayon kay Ponciano B. P. Pineda,
ang panitikan ay katipunan ng
magaganda, marangal, masisining
at madamdaming kaisipang
magpapahayag ng mga karanasan
at lunggati ng isang lahi.
6. Ang panitikan ay salamin ng lahi.
Nasisinag sa panitikan ang mga
karanasan ng isang bansa ang mga
kaugalian, mga paniniwala, mga
tradisyon, pangarap at lunggatiin ng
isang lahi.
7. Ang panitikan ay kapatid na babae ng
kasaysayan. Ang panitikan ay tulad ng
kasaysayan, nagtataglay ng mga ulat
ukol sa mga naganap sa isang lahi at
mga naisip na dakila at marangal ng
lahing ito.
8. Ang mahalaga sa panitikan ay ang pagbasa ngunit
pagbasang kakaiba.
Dalawa ang karaniwang banggit kung bakit nagbabasa
ang tao. Una, nagbabasa siya upang makapagtamo ng
mahalagang impormasyon. Para makapagluto ng isang
espesyal na pagkain, kailangan ang pagbabasa ng
isang resipe. Kung kailangang kumpunihin ang isang
makina o telebisyon set, manwal sa pagkukumpuni ang
binabasa.
9. Upang matutunan ang
isang aralin, aklat
tungkol dito ang
babasahin. Ang lahat ng
ito’y pagbabasa…ngunit
pagbabasa na udyok ng
pangangailangan.
10. May iba pang nagagawa ang
pagbabasa. Lalo’t higit ang pagbabasa
ng panitikan. Napapatawa ka
nito…..napapakislot….ka-kaligkigin ka
rito at kung minsa’y papawisan ka ng
malapot. Kung nagbabasa ng panitikan,
nagagawa mong maihatid ang sarili sa
isip at diwa ng mga tampok na nilalang.
Nabibigyan ka nito ng mga bagong
tainga at mata…bagong
kaisipan…bagong damdamin. Ito ang
karanasang matatamo mo sa
pagbabasa ng panitikan.
11. Tandaan….ang panitikan ay hindi
hanguan ng impormasyon. Ikaw
ang panitikan….nanatiling
nakalimbag lamang ang mga salita
sa isang babasahing panitikan
hanggang hindi ito binubuhay. Ikaw
ang
bubuhay…magbibihis…magbibigay
ng bagong anyo sa akda.
13. Ang pagbasa ng panitikan ay hindi
lamang nakapukos sa proseso ng
pagkuha ngunit kasangkot din ito ang
pagbuo ng kahulugan. Ang nakukuhang
pagpapakahulugan sa teksto ng isang
mambabasa ay katimbang ng dating
alam na nakalagak sa isipan at maayos
na nakaimbak ayon sa kategorya. Ang
taglay ng mambabasa ay ang kanyang
mga karanasan, tuwiran o di tuwiran
man.
14. Sabi ni Rushdie, bawat isa sa atin
ay may taglay na “laybrari” na
imbakan ng mga kwentong walang
kaayusan ang pagkakabuo. Ang
mga kwentong ito’y maaaring
magbago at maging bagong
bersyon o di kaya nama’y maari
itong idugtong sa iba pang kwento
at maaaring kaiba sa naunang
kwento.
15. Samakatuwid, ang pagbabasa ng
panitikan ay hindi lamang naktuon
sa pag-unawa ng isang teksto. Sa
pagbabasa ng isang akda,
lumilikha ang isang mambabasa
ng isang daigdig na bunga ng
dalawang imahinasyon – ang
imahinasyon ng mambabasa at ng
may akda.
17. Para sa mabisang pagkatuto ng
wika, kailangang handugan ang
mag-aaral ng kasiya-siyang bilang
ng mga awtentikong kagamitan sa
pagkatuto na abot ng kanilang
pang-unawa - mga kagamitan sa
pagkatuto na tinagurian ni
Krashen(1982) na “comprehensive
input”.
18. Samakatuwid, tungkulin ng isang
guro ng wika na paglaanan ang
mga mag-aaral ng sapat na dami
ng “comprehensive input” na
magsisilbing mga modelo sa
paggamit ng wika tungo sa
pagpapalawak at pagpapadalisay
ng kaalaman sa balarila.
19. ANG PAGLINANG NG WIKA
Ang mga akdang panitikan ay
makatutulong nang malaki sa
paglinang ng wika bilang:
* modelo sa mabisang paggamit
ng wika
* mga istimulo para sa mga
gawaing pangwika
*mga konteksto para sa gawaing
pangwika
20. Bilang modelo sa mabisang paggamit
ng wika, maipapakita ng mga akdang
panitikan kung paanong ang
talasalitaan, balarila at mga huwarang
diskurso ay mabisang magagamit sa
iba’t ibang anyo ng pagsulat upang
maipahatid ang isang mensahe at
kung paanong magagawa ng
panitikang gisingin ang mga
pandamdam upang makapagpasigla
sa pagbibigay tugon.
21. Ang paggamit ng mga tayutay sa mga
akdang pampanitikan halimbawa, ay
magsisilbing panghimok sa mag-aaral
sa pagbibigay ng masining na
paghahambing ng mga bagay o
pangyayari.
Halimbawa: Hamog ka at ako’y di
mapansin, Nag-aabuloy din ng ganda
sa mundo. (metapora)
22. Ang ganitong mga pahayag ay
makakapagpatalas sa pananaw at
imahinasyon ng mga mag-aaral at
mag-aakay sa kanila na tanawin ang
daigdig sa isang kaparaanang
malikhain at tingib ng imahinasyon.
Nagagawa rin ng mga akdang
pampanitikan na matutuhan ng mga
mag-aaral ang mga pormal na
konbensyon na ginagamit sa pagsulat.
23. PAGLINANG NA PERSONAL
Malaki ang naitutulong ng
panitikan sa pag-unawa sa puso’t
kaisipan ng tao. Inilalahad nito ang
mga mithiin, lunggati, pagkatakot,
pangamba, pag-asa,
pagmamahal, pagkamuhi ng tao.
Katungkulan ng guro na akayin
ang mag-aaral na matuklasan ang
mga damdamin at kaisipan.
24. Sinasabing ang visceral
response o ang malalimang
pagtugon ang
pinakamabisang paraan sa
pagtuturo nito sapagkat
hinihimay ang kaliit-liitang
bahagi ng ating pagkatao.
25. PAGLINANG NA SOSYAL AT
MORAL
Nagagawa ng panitikan na
maranasan at maramdaman ng
mambabasa ang mga pag-iisip at
pagdaramdam ng mga taong
malayo sa kanyang kinaroroonan.
26. Ang malikhaing pananaw na ito sa
mga karanasang hindi pa
nasusumpungan ng mambabasa ay
makatutulong sa kanya upang lubos
na maunawaan ang buhay. Ang mga
gawaing pangwika na gumagamit ng
mga akdang panitikan bilang
konteksto ay makatutulong sa mag-
aaral upang malinang ang kanyang
kamalayan sa mga isyung pantao at
kabuhayan.
27. PAGLINANG NA ESTETIKO
Ang salitang “estitiko” ay
maikakapit natin sa kaisipang may
kaugnayan sa sining na kasama
rito ang panitikan sa aspektong
pangkagandahan, panlasa,
imahinasyon at pagpapasya.
28. Kasama sa “estetikong
karanasan sa panitikan ang
kahulugang natatamo natin sa
pagbabasa ng isang kwento o
nobela;pakikinig sa masining na
pagbasa ng tula o panonood ng
isang dula. Nagagawa nitong
salingin ang ating diwa at
emosyon.
29. Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag-
aaral ng panitikan-yaong pagsasamahin ang
ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o
temang ibig palitawin ng mangangatha. Sa tula,
halimbawa, ang imahen o tayutay ay nag-
aambag sa tayog ng kaisipan. Mailalahad rin ng
guro ang hanay ng mga salita, ang indayog ng
mga parirala, ang palagay o tono ng makata, ang
lunan, panahon at oras na pinag-iikutan ng tula.
31. Ayon kina Cooper at Purves (1973)
may walong pamaraan o prosesong
ginagamit ang mga mag-aaral sa
pagbabasa/pag-aaral ng panitikan: (1)
paglalarawan, (2) pagtatangi; (3) pag-
uugnay; (4) pagsusuri; (5) paglalahat;
(6) pagpapahalaga; (7) pagtataya; at
(8) paglikha.
32. Sa paglalarawan, magagawa ng mag-aaral na
maipahayag sa sariling pangungusap, pasalita o pasulat
man ang tungkol sa kanilang binasa. Sa pagtatangi,
napag-uuri ng mga mag-aaral ang mga seksyong binasa,
halimbawa, pagkilala sa genre, pag-alam sa may akda, at
pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang akda. Sa pag-
uugnay, nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga
sangkap na ginamit sa isang akda. Hal. Bakit may bilang
ang mga talatang bumubuo sa kwentong “Uhaw ang
Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo? Bakit palaging
sinasambit ang salitang “mabuti” sa Kwento ni Mabuti” ni
Genoveva Edroza-Matute?
33. Sa interpretasyon o pagsusuri, puspusang ipinaliliwanag
at pinangangatwiranan ng mga mag-aaral ang temang
nais ibahagi ng may akda sa kanyang mga mambabasa.
Halimbawa: Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng dulang,
“Moses, Moses” ni Rogelio Sikat at “Walang Panginoon”
ni Deogracias A. Rosario? Ang pagsusuri ng pamagat
na ginamit sa isang akda ay makatutulong sa pagtukoy
sa tema ng di mangangaral. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagsusuri sa dayalogo ng mga tauhan,
sa pagpapaliwanag sa mga simbolo at maging sa
pagsapo sa tunggalian.
34. Sa ikalimang proseso, ang paglalahat,
magagawang mailapat ng mag-aaral ang
kanyang natutunan buhat sa akda sa
pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito
ng paglalapat ng mga kasanayang
natutunan sa panitikang Filipino sa pag-
aaral ng panitkang Ingles, maging ito’y tula,
dula, maikling kwento, sanaysay o nobela.
35. Sa ikaanim na proseso ay ang
pagpapahalaga na karaniwang
ginagawa pagkatapos basahin ang
isang akda. Ngunit hindi tuwirang
itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito
sapagkat hitik na hitik sa
pagpapahalaga ang panitikan.
36. Upang magkaroon ng
direksyon ang pagtuturo
ng pagpapahalaga sa
panitikan, binanggit ni
Alcantara ang mga
sumusunod na tagubilin o
patnubay.
37. 1. Dapat tanggaping lahat
ang sagot ng mag-aaral sa
tanong ng guro. Hindi siya
dapat naghuhusga na
ginagamit ang pamamaraang
galing sa sarili.
38. 2. Hinihikayat niya ang
pagbibigay ng iba’t ibang
sagot sapagkat batid niyang
walang lubos na tama o
maling sagot sa tanong na
pagpapahalaga.
39. 3. Ginagalang niya ang
karapatan ng mga mag-aaral
kung nais nilang lumahok o
hindi sa talakayan.
40. 4. Ginagalang niya ang
bawat sagot ng mga mag-
aaral.
5. Ginaganyak niya ang
bawat mag-aaral na sumagot
nang may katapatan.
41. 6. Nakikinig o nagtatanong
siya upang malinawan ang
nais na mabatid ng mga
mag-aaral.
42. 7. Iniiwasan niya ang mga
tanong na magbibigay ng
pagkabahala sa mga mag-aaral.
8. Nagtatanong siya nang may
pagmamalasakit sa kalooban ng
mag-aaral.
43. Ang paglikha ang pinakatampok sa
proseso ng pagbabasa o pag-aaral
ng panitikan dahil mahalaga dito
ang masigasig na pamamatnubay
ng guro upang makalikha ang mga
mag-aaral ng sariling kwento,
sanaysay, tula o dula.
45. Katotohanang hindi mapag-aalinlangan
na wala sa pagbabasa ng tunay na
panitikan ang hilig ng mga mag-aaral,
lalo na kung ang panitikang Filipino ang
pag-uusapan. Kung nagbabasa man
sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila
ng guro.
46. Hinayaan nating magdaos ng
paligsahan ang mga mag-aaral sa
pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan.
Naging maluwag tayo sa pagsasabi ng
“magaling” sa sinumang makasasagot
ng mga tanong na ang simula ay Sino,
Ano, Alin, Kailan atbp tungkol sa
itinakdang aralin sa panitikan.
47. Ang paraan ng pagtuturo ay may
kaugnayan din sa pagkawala ng
hilig mag-aral sa pag-aaral ng
panitikan. Hindi tumutugon sa
tunay na kalikasan ng panitikan
ang karaniwang pag-aaral nito.
48. Sa pag-aaral ng isang akdang
pampanitikan, malimit na sinasabi
na ng guro kung ano ang makikita
at madarama sa akda. Ang
tungkulin niya na iparanas sa mga
mag-aaral ang kabuuan ng akda’y
tuluyan nang kinalilimutan.
50. 1. Paghahanda (Preparation)
1.1 Pagganyak – upang gisingin ang kawilihan ng
mga mag-aaral
1.2 Paghahawan ng Sagabal – ito ay pag-aaral sa
mga mahihirap na salita na nasa tula
1.3 Pagtalakay sa Buhay ng May-akda – ang
kaalaman sa buhay ng may-akda ay nakatutulong
hindi lamang sa pag-unawa sa tula kundi
nakatutulong din sa pagpapatingkad ng
pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa tula.
51. 2. Unang Pagbasa o Unang Pagbigkas
• Bibigkasin o babasahin ng guro ang tula
nang buong husay at may damdamin.
Samantalang malinaw na binibigkas ng
guro ang tula, nakikinig ang mga mag-
aaral.
• Maaari ring sa halip na guro ang bumigkas
o bumasa, ang pabigkasin o pabasahin ay
isang mag-aaral na may kakayahan sa
ganitong gawain.
52. 3. Pagtalakay Pangkaisipan (Intellectual Discussion)
• Pag-uusapan sa bahaging ito ang
nilalaman ng tula; sasagot ang mga mag-
aaral sa mga tanong-pantiyak upang
matalakay ang tula ayon sa pakahulugan
ng may-akda. Magkakaroon din ng
talakayan sa mahihirap na bahagi ng tula at
tungkol sa magagandang pahayag sa loob
ng tula.
53. 4. Pagtalakay Pangkagandahan (Aesthetic Discussion)
• Sa unang pagtalakay ay pinag-uusapan ang nilalaman
ng tula, sa ikalawang pagtalakay ay pinag-uusapan ang
kagandahan ng tula, ang kayarian ng mga taludtud, ang
pagkakatugma-tugma ng mga dulong salita ng mga
taludtod, ang talinghaga at iba pa.
• May mga pagkakataon na maaaring mauna ang
pagtalakay na pangkagandahan sa pagtalakay na
pangkaisipan ayon sa gaan o dali ng tula at talasalitaan
nito at ayon pa rin sa nilalayon ng guro sa mag-aaral.
54. 5. Ikalawang Pagbasa o Ikalawang Pagbigkas
• Bibigkasing muli ng guro ang tula. Inaasahang higit
na mapahalagahan ng mag-aaral ang tula sa
ikalawang pagbigkas na ito sapagkat nauunawaan
na nila ang tula.
• Isang layunin ng guro sa muling pagbigkas o
pagbasa ng tula ay upang magbigay ng huwaran o
modelo sa pagbigkas, kaya nararapat na bigkasin
ng guro ang tula nang buong husay at nang may
damdamin.
55. 6. Ikatlong Pagbasa o Pagbigkas
• Babasahin ng mag-aaral ang tula. Hangga’t
maaari ay bigyan ng pagkakataon ang lahat ng
mag-aaral na makabigkas ng tula o makabasa ng
tula subalit gawin ito sa paraang hindi mababagot
ang mga bata.
• Hindi kailangang ipabasa sa lahat ng mag-aaral
ang buong tula. Maaaring sundin ang mga
sumusunod na mga paraan ng ginaganyak na
pagbasa.
56. Mga Mungkahing Gawain:
a. May mga larawan sa pisara. Bawat larawan ay
kaugnay ng isa sa mga saknong ng tula. Papiliin ang
batang larawang naiibigan niya at ipabasa ang kaugnay
na saknong.
B. Ipabasa ang mga tanong na nakasulat sa pisara.
Ipasagot ang tanong sa pamamagitan ng pagbasa sa
saknong na sumasagot sa katanungan.
C. Magbigay ng isang kaisipan o isang mensahe.
Ipabasa ang saknong na tumutugon sa binanggit na
kaisipan.
57. d. Itanong ang alin ang naibigan niyang
saknong at ito ang ipabasa sa kanya.
e. Maaaring ipabasa ang buong tula sa
buong klase sa paraang sabayang
pagbasa. May bahaging babasahin ang
bawat hanay, may buong klase ang babasa,
at may bahagi namang babasahin ng isa
lamang mag-aaral.
58. 7. Paglalapat ng Himig
• Sa mababang paraan lalo na sa
mababang baiting, higit na
napahahalagahan ng mga mag-aaral
ang tula pagkatapos na ito ay
malapatan nila ng himig. (himig ng
mga awiting bayan na kilalang-kilala
nila)
59. 8. Pagsasaulo sa Tula
• Hindi lahat ng tula ay ipinasasaulo
ng guro. Kung magpapasaulo ng
tula, gawin ito sa kawili-wiling
paraan upang hindi mabagot ang
mga mag-aaral.