8. Ang pagpili ng estratehiya sa pagtuturo ay dapat
isaalang-alang sa sumusunod na mga salik: edad,
interes, kakayahan, at karanasan ng mga mag-aaral:
ang pisikal na kalagayan ng silid-aralan; at ang
halaga ng kagamitan. Dapat ding isaalang-alang ang
kasanayang nililinang at ang kaangkupan ng
gagamiting pantulong. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga pamaraang ginamit at ginagamit pa rin sa
ngayon:
9. 1) Pamaraang Pagsasaling Pabalarila (Grammar
Translation Method)
Layunin:
• Magamit ang unang wika ng mga mag-aaral at
mabigyan-diin ang gramatika at talasalitaan.
Paraan ng pagamit
• Pagpapaliwanag ng mga tuntuning panggramatika
sa tulong ng mga halimbawang pangungusap.
10. Ang balarila (mula sa bala + (ng) + dila) ay ang pag-
aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng
mga sumusunod: pakakabalangkas ng mga salita
(morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos
upang ang mga salita ay maging makabuluhang
mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong
pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita
at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan
ng mga salita.
12. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay bunga ng pagkakaroon
ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay". Kung gayon, ang ponema ay ang pundamental at
teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita.
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa
isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang
mga pantig ay makakabuo ng isang salita.
SINTAKSIS ang bahaging ito ng grammar na mey kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategori
na syang batayan sa pagbubuo ng mga pangungusap sa madaling salita, ang sintaks ang pag-aaral ng
straktyur ng mga sentens.
13. a) Paghahambing at paghahalaw
(comparison and abstraction)
• Sa bahaging ito, nagtatalakayan ang
guro at mga mag-aaral
(nagtatanungan tungkol sa paksa)
14. Gumawa ng isang graphic organizer tulad ng Venn
diagram or matrix chart para maihambing ang
dalawang uri ng pangngalan.
16. b) Paglalahat (Generalization)
• Matapos magtalakayan sa bahaging ito
ay pinagbubuo ang mga mag-aaral ng
tuntunin o paglalahat. Tandaan na ang
mga mag-aaral ang dapat bumuo ng
tuntunin.
17. • Ang pagsisikap ay
ginagantimpalaan at ang
pagpapabaya ay pinarurusahan.
Walang imposible sa taong
nagsusumikap.
• Huwag maging mayabang.
Tandaan, ang taong nagmamataas
ay lalong bumababa at ang taong
nagpapakababa ay siyang tinataas.
• Huwag magpaka-kampante sa
isang labanan o tunggalian. Huwag
mong hamakin ang kakayahan ng
iyong kalaban.
18. c) Paglalapat (Application)
• Sa bahaging ito, susubukin ng guro kung
nalalaman ng mga mag-aaral ang paksang aralin
sa pamaraang pasalita o pasulat man.
Sa kabuuan, ang pabuod na pamaraan ay
nagsimula sa mga halimbawa patungo sa
paglalahad ng mga tuntunin.
19. 2. Tuwirang pamaraan (direct method)
Layunin:
• Matukoy ng mga mag-aaral ang tuntunin ng wika.
Paraan ng paggamit.
• Binibigyan-diin ang mga kasanayan sa pakikinig at
pagsasalita.
• Binibigyan ng pagkakataon na ang mga mag-aaral ng
matutuhan ang gamit ng target na wika sa iba’t ibang
sitwasyon.
20. Hindi pinapayagan ang paggamit ng unang wika sa
pag-aaral ng target na wika. Ginagamit ang
pamaraang ito sa pagbubuod ng paraan ng pag-aaral
sa gramatika.
Katutubong
wika
Filipino English
Mother Tongue Forbidden
21. 3. Pamaraang Audiolingual (Audiolingual Method)
Layunin:
• Matutuhan nang lubusan ng mga mag-aaral ang mga
hulwarang pangwika upang kusang magamit ng wasto.
Paraan ng paggamit:
• Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
(ang katutubong wika ay hindi ginagamit)
• Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga
paulit-ulit at pagmememorya ng mga hulwaran.
22.
23. Mga gawain gamit ang Audiolingual Method :
• Pagbasa ng malakas ng mga diyalogo
• Pag-uulit ng mg modelong pangungusap
• Pagsasagawa ng mga drill
Ang paggamit ng drills at pattern practice ay isang
natatanging katangian ng alm. Iba’t ibang uri ng drills
ang nagagamit. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
24. 1. Paguulit-ulit (Repetition) – Inuulit ng mga mag-
aaral ang isang pahayag ng malakas pagkatapos
niya itong marinig.
2. Impleksyon (Inflection) – Isang salita sa pahayag
ang nagbabago kapag inuulit na itong bigkasin.
3. Pamalit (Replacement) – Isang salita sa pahayag
ang tuluyang nagbabago.
25. 4. Restatement – Inuulit ng isang mag-aaral ang isang
pahayag at pinapabasa ito sa iba batay sa instruksyong
ibinigay.
Halimbawa: Sabihin mo sa kaniya na hintayin ako.
Hintayin mo siya.
5. Pagkumpleto (Completion) – Nakaririnig ang isang
mag-aaral ng isang kumpletong pahayag maliban sa
isang salita at kumpletong sinasabi ang nasabing
pahayag.
26. 6. Transposisyon (Transposition) – Ang pagbabago sa
ayos ng mga salita ay kinakailangan kapag nadaragdagan
ito ng iba pang salita.
Halimbawa: Siya ay kaibigan mo (mabuti).
Siya ay mabuting kaibigan mo.
7. Expansion drill – ito ay nakatutulong sa mga mag-
aaral upang makabuo ng mga mahabang pangungusap
nang paunti-unti, habang ang kumpletong pahayag ay
namimithi nila ang lamang pagbigkas ng salita.
27. 4. Pagdulong Kumunikado (Communicative approach)
Layunin:
• Maganyak ang mga mag-aaral na makilahok sa usapan.
kailanganin isagawa ang isang bagay upang matutuhan ito, ayon kay
Johnson at Morrow (1980)
Paraan ng paggamit:
• Ang guro ang tagapatnubay at tagaganyak upang makibahagi ang
mga mag-aaral sa usapan. Iniiwasan ng guro ang pagpuna sa kaliit-
liitang kamalian ng mga mag-aaral. Iniwawasto ang kamaliang global
o iyong nakasasagabal sa daloy ng kumunikasyon Espiruto, (1986).
28. Halimbawa ng mga aktibidad:
1. Tanungin ang kapares (Question to a partner)
2. Sarbey
3. Dugtungan (Running sentences)
4. Isulat o gumihit ng isang bagay sa kwaderno kahit
anong bagay na nasa isip mo ngayon (gamitin ito
kung paano mabubuhay sa isang Isla)
5. Dalawang totoo at isang kasinungalingan (Two truth
and one lie)
29. Nagkaisa ang mga dalubwika na hindi sapat ang kaalamang
panggramatika upang magamit nang mabihasa ang wika.
Kailangan din ang kaalaman sa mga tuntuning sosyokultural
upang mapili ang angkop na sasabihin sa mga tiyak na
sitwasyon. Sinasabi ni Espiritu (1986) na ayon kay Haymes
(1976), “walang kabuluhan ang kaalamang pambalarila kung
hindi naman ito magagamit sa mabisang pakikipagtalastasan.”
Naniwala rin ang mga dalubwika na sa pamaraang
kumunikatibo, hindi kailangang talikuran ang pananaw na
structural sa pagtuturo ng wika upang maihanda ang mga mag-
aaral sa gawaing pangkuminkatibo na kanilang kahahahrapin sa
loob at labas ng silid-aralan.
30. Binanggit ni Espiritu (2004) na sa paglinang ng
kakayahang kumunikatibo, tinatayang makatutulong
ang sumusunod na mga estratehiya: awtentikong
kagamitan, biswal, role play, at mga palarong
pangwika.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng
iba’t ibang at kawili-wiling mga gawaing pansilid-
aralan gaya ng laro, utos, maikling dula-dulaan, at
pangkatang Gawain.
31. Ang pormal na wika ay ang mga salitang ginagamit sa mga
pormal na pagkakataon at sinasabing ang istandard ng wika.
Ginagamit ito sa laranagan ng pagtuklas tulad ng mga pag-aaral,
saliksik, mga peryodiko, aklat, at iba pang mahahalagang
babasahin at sulatin.
Impormal o Di Pormal na Wika. Ang mga salita o wikang
impormal o di pormal naman ay ang mga salitang ginagamit ng
marami sa araw-araw na normal na talakayan at pag-uusap.
Sinasabing palasak ang mga wikang impormal. Ito kasi ang
bukambibig natin at karaniwang hindi na kinakailangan pa ng
mga panuntunang itinaya ng balarila.
32. 5. Pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral
(learner-centered teaching)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang
tiyak na teknik sa pagtuturo. Ang pagtuturong
nakapokus sa mga mag-aaral ay gumagamit ng teknik
na:
1. Nakapokus sa mga pangangailangnan, tunguhin,
at isitilo sa pag-aaral;
33. 2. Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-
aaral.
Halimbawa nito ay pangkatang Gawain o
pagsasanay;
3. Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling
kakayahan at kaligayahan pansarili; at
4. Kurikulum na may konsultasyon at
isinasaalang-alang ang input ng mga mag-aaral at
hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
34. 6. Pagkatuto na Tulong-tulong (cooperative
learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa ng
mga mag-aaral na magbahagian ng mga impormasyon
na laging naroon ang pagtutulungan sa isa’t isa.
Dagdag na konotasyong ng cooperative ay ang
pagbibigay-diin nito sa sama-samang (collaborative)
pagsisikap ng guro at mga mag-aaral upang matamo
ang mga tininakdang layunin.
35. 7. Pagkatutong interaktibo (interactive learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang
pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin
sa ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng
kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon na laging
may mauunawaan sa isang konteksto. Karaniwang
makikita sa klase ng interkatibong ang sumusunod:
1. Madalas ang mga gawaing pandalawahan o
pangkatan
36. 2. Paggamit ng mga awtentikong wika bilang
input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
3. Paglikha ng mga tunay na wika para sa
makabuluhang interaksyon.
4. Pagsasagawa ng mga gawaing pansilid-aralan
bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng
wika sa labas.
5. Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens.
37. 8. Whole language education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbabasa
at ginagamit upang bigyang-diin ang mga sumusunod;
1. Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi
ng wika sa maliit nitong element gaya ng ponema, morpema, at
sintaks.
2. Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang
wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbabasa at
pagsusulat); at
3. Ang kahalagahan at alintuntunin sa pagsulat na ito’y likas
at umuunlad na katulad din ng alintuntuning pasalita.
38. Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa
edukasyon. Ang whole language ay isang pagdulog
na ginagamitan upang mailarawan ang:
1. Pagkatuto na tulong-tulong
2. Pagkatutong partisipatori
3. Pagkatutong nakapokus sa mga mag-aaral;
4. Integrasyon ng apat na kasanayan; at
5. Paggamit ng mga awtentiko at natural na
wika.
39. Mga dapat isaalang-alang:
• Layunin (Objectives)
• Syllabus
• Mga Aktibidad (Learning activities)
• Tungkulin ng Guro
• Tungkulin ng mag-aaral
• Mga kagamitan o materyales
40. Mga halimbawa na aktibidad:
1. Pagbabasa at pagsusulat
2. Talaraarawan (Journals)
3. Paggawa ng Portfolio
4. Pagbuo ng maikling kwento
41. 9. Content-centered education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1988) na ginagamit ni
Calamlam et. Al (2006), ang content-centered education ay
ang intergrasyon ng pagkatuto ng mga nilalaman sa mga
layunin ng pagtuturo ng wika. Ito’y ang mga magkasabay
napag-aaral ng wika at paksang aralin na ang anyo at
pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng
nilalalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang
pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang
hiwalay at malayo sa konteksyo ng paggagamitan nito.
42. 1. Content centered ay nakapokus lamang ito sa content upang
matulungan ang mga mag-aaral na mapahusay at maoayabong ang
pagkatuto.
2. Ang layunin nito ay maging batayan ng mag-aaral upang maging
mabihasa katulad ng “Core curriculum”.
3. Content centered ay laging nakapokus sa awtentikong impormasyon
mula umpisa hanggang katapusan nito.
4. Sa paggamit ng content centered curriculum, ag mga guro ay siyang
kumokontrol sa mga mag-aaral at taga bigay ng mga impormasyon at
Gawain. Ang mga mag-aaral ay tanging tagapakinig lamang.
5. Ang mga mag-aaral ay “passive” nakikinig lamang at walang kibo.
Hinahayaan lamang ang guro gumawa ng lahat.
43. 10. Pagkatutong task-based (task based learning)
Ayon kay Michael Breen (1987) na kay Calamlam
(2006), ang task ay alinmang binabalangkas na
pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin,
nilalaman, pamaraan, at mga inaasahang
matatamo ng mga magsasagawa ng task. Ang task
ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit mas
“malaki” ang saklaw nito kaysa teknik.
44. Ang pagkatutong task-based ay hindi bagong
pamaraan. Binibigyang-pokus lamang nito ang
task sa pagtuturo. Tinatanaw nito ang mga
proseso sa pagkatuto bilang isang
communicative task na tuwirang nakaugnay
sa mga layuning pangkagawian at ang mga
hangarin nito’y lagpas sa nakagawiang
pagsasanay ng wika.
45. Mga halimbawa ng aktibidad:
Pagpapakita litrato
Panunuod at pakikinig ng mga video.
46. Gawain 1
Pumili ng tatlong Estratehiya na ginagamit sa Pagtuturo ng Wika at ipaliwanag ito kung bakit ang nais
mong gamitin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Estruktura gamit ng wikang Filipino).
1. Pamaraang Pagsasaling Pabalarila
2. Tuwirang Pamaraan (Direct Method)
3. Pamaraang Audiolingual
4. Pagdulong Kumunikado
5. Pagtuturong Nakapokus Sa Mga Mag-aaral
6. Pagkatuto na Tulong-tulong
7. Pagkatutong Interaktibo
8. Whole Language Learning
9. Content-centered Education
10. Pagkatutong Task-based.
47. Gawain 1
Pumili ng tatlong Estratehiya na ginagamit sa Pagtuturo ng Wika at ipaliwanag ito kung bakit ang nais
mong gamitin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Estruktura gamit ng wikang Filipino).
1. Pamaraang Pagsasaling Pabalarila
2. Tuwirang Pamaraan (Direct Method)
3. Pamaraang Audiolingual
4. Pagdulong Kumunikado
5. Pagtuturong Nakapokus Sa Mga Mag-aaral
6. Pagkatuto na Tulong-tulong
7. Pagkatutong Interaktibo
8. Whole Language Learning
9. Content-centered Education
10. Pagkatutong Task-based.
Pamantayan sa Pagmamarka
3O Puntos – Para sa mahusay na paglalahad ng mga kaugnay na
paksa, naipaliwanag ng maayos at ng buong kahusayan sa pagpili
ng Estratehiya na ginagamit sa Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya (Estruktura gamit ng wikang Filipino).
20 Puntos – Maayos ang pagkakagawa at naipaliwanag ng mabuti
ang Estratehiya na ginagamit sa Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya (Estruktura gamit ng wikang Filipino).
10 Puntos – Nakabuo ng ideya ngunit hindi ito sapat upang
mapaganda at maipaliwanag ng maayos ukol sa Estratehiya na
ginagamit sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Estruktura
gamit ng wikang Filipino).