4. Cesar A. Hidalgo – mahalaga ang bisyo sa pagbuo ng Philippine
Lexicography from 1521 to present (1977). Isang saliksik sa
tulong ng mga grant sa National Research Council of the
Philippines at sa Social Sciences and Humanities Research
Council ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang pangunahing layunin ni
C.A Hidalgo, ay bumuo ng isang modelo sa pagsulat ng mga
diksiyonaryo sa Filipinas, na gagamitin niya sa paglikha ng
Ivatan-English Dictionary, subalit kinailangan niyang magsaliksik
hinggil sa kabuoang tradisyong leksikograpiko ng Pilipinas upang
mapangatwiranan ang kaniyang proyekto.
5. Ang resulta ng saliksik ay ang kaniyang kasaysayan ng
leksikograpiya sa Filipinas mula 1521 hanggang sa panahong
namakinilya niya ang kaniyang saliksik noong 1977 at isang
bibliyograpiya ng mga diksiyonayro at listahan ng mga salita
(word list) sa Filipinas. May nabuo na ngayong mga higit na
sistematiko at higit na masaklaw sa bibliyograpiya ng mga
diksiyonaryo hinggil sa mga wika sa Filipinas, subalit sa kabila ng
mahihinuhang kawalang-ingat sa saliksik ay natatangi pa rin ang
binuo ni C.A. Hidalgo dahil sa taglay nitong balangkas na sosyo-
politikal sa pagsipat sa kasaysayan ng leksikograpiya.
6.
7.
8. Sa Panahon ng
Kolonyalismong
Español
Pinakamahaba ang iniukol na talakay ni C.A.
Hidalgo sa leksikograpiya sa panahol ng
kolonyalismong Espanol. At dapat lang. Ito
ang panahon ng pagtatatag sa leksikograpiya
bilang sining at agham sa Filipinas. Narito rin
ang ugat ng mga kasalukuyang patakaran at
praktika, kasama ang paraan ng pagtanaw,
sa mga katutubong wika ng bansa. Bukod pa,
isa itong napakadramatikong yugto sa
kasaysayan n wikang Filipino at mga
katutubong wika natin.
Nabuo ang unang gawaing leksikograpiko sa Filipinas sa panahon ng unang engkuwentro
ng mga kolonyalistang Espanol at ng mga katutubo sa Cebu noong 1521. Ito ang listahan ng
mga salitang Sebwano ni Antonio Pigafetta – ang kroniko ng paglalakbay ni Fernando
Magallanes
9.
10.
11.
12. Tagalog Bilang
Lingua Franca?
Ano ba ang batayan ni C.A. Hidalgo sa
pagpapahayag na tinangka ng mga fraile ma
palaganapin bilang lingua franca ng buong
kapuluan ang Tagalog? WALA. Maliban sa
isinulat na mataas na pagpapahalaga ni
Fray Pedro Chirino sa katangiang
semantiko ng Tagalog kung ihahambing sa
alinmang wikang katutubo ng mga Filipino.
Sa lahat ng mga wikang ito, ang Tagalog ang pinakakasiya-siya sa akin at pinakahinahangaan ko. Tulad
ng sinabi ko sa unang arsobispo at pagkatapos, sa ibang matataas na tao sa mga Isla at sa Europa,
natagpuan ko sa wikang ito ang apat na katangian ng apat na pinakadakilang wika sa mundo: Hebreo,
Griego, Latin, at Español; may kalaliman ito at kalabuan ng Hebrew; may mga artikulo at pantukoy sa
pantangi at maging sa pangkaraniwang pangngalan ng Griego; may kabuoan at elegansiya ng Latin;
may kinis, dulas, at kortesiya ng Español. (akin ang salin mulang Español)
13.
14.
15. 1754 ng bokabularyo nina Fray Juan de Noceda at Fray Pedro de Sanlucar. Isang kahanga-hangang
saliksik ng ika-17 siglo ang mga tomo ng pag-aaral sa kulturang Bisaya ng Heswitang si Fray Francisco
Alcina, ngunit isa siyang etnologo at historyan kaysa isang lingguwista.
16. Epekto ng
Teknolohiya sa
Paglilimbag
Isa pang elemento na binanggit ni
J.L.Phelan, at dapat ding napaglimian ni C.A.
Hidalgo, ang isang teknolohiya na noon
lamang ika-17 siglo naitala sa Filipinas – ang
paglilimbag. Ang silograpikong paraan ng
paglilimbag ay sinasabing higit na unang
ginamit sa China. Sa gayon, isang
karunungan itong maaaring alam na ng mga
Chino na nakatira sa Filipinas at ginagamit na
nila bago dumating ang mga Espanol. Subalit
sa ating nakasulat na kasaysayan, unang
opisyal na gamit ng silograpikong
paglilimbag ang unang limbag na aklat sa
Filipinas – ang Doctrina Christiana na
nalathala noong 1593. Sang-ayon sa popular
na impormasyon, ang naturang maliit na
aklat ay likha ng limbagang Dominiko.
17.
18. Opisyal na
Patakarang
Pangwika
Sa harap ng malubhang diversidad na
lingguwistiko sa Filipinas, ipinasiya ng
Simbahan noong 1582 sa pamamagitan ng
Huntang Eklesyastiko na palaganapin ang
Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga
wikang katutubo. Pinagtibay ito ng
instruksiyon ng Korona ka Kapitan-Heneral
Tello noong 25 Mayo 1596 na dapat
asikasuhin ng mga fraile ang kanilang
tambalang tungkulin – tipunin ang mga
katutubo sa mga pamayanan (ang
reduksiyon), at ituro sa mga katutubo ang
pananampalatayang Kristiyanismo. Upang
matupad ang naturang mga layunin,
kailangang matuto at makapagsalita sa
wikang katutubo ang mga fraile.
19. • Mula sa paniwalang “imposibleng” maipaliwanag ang
pananampalatayang Katolika sa alinmang wikang Indio nang hindi
lilikha ng “malalaking di-pagkakaunawan at imperpeksiyon” ay may
serye ng mga utos hinggil sa Hispanisasyon ng mga Filipino. Isa dito
ang real sedula ng 25 Hulyo 1605 na hayagang nag-uutos sa pagtuturo
ng wikang Castellano. Isa pang real sedula noong 20 Hulyo 1686 ang
nagtatadhana na ipaliwanag sa mga katutubo ang doktrinang
Kristiyano sa pamamagitan ng wikang Español.
20.
21.
22. Unang
Bokabularyong
Bilingguwal
Hindi naman dapat maliitin ang sagisag at
talino ng mga misyonerong naghandog ng
mga bokabularyo’t gramatika sa ating
katutubong wika. Tumpak si J.E. Phelan na
“heroic” ang kanilang nagging sagot sa kung
tutuusin ay lubhang mahirap na tungkulin.
Wasto din ang suri ni J.E. Phelan na malimit
na “inadequate” ang kanilang produkto.
Subalit may mga trabahong lubhang
nakamamangha ang saklaw at kalidad, na
bukod na nagpapakita sa pambihirang
intensidad ng pagod at talinong iniukol sa
proyekto ay nagtatanghal sa malalim na
pagkaunawa at panggalang sa kanilang
pinag-aralang wika.
23.
24. • Ang ikatlong katangian ng bokabularyo
ang hindi nasuri ni C.A. Hidalgo at ng
mga linnguwistika hanggang sa
kasalukuyan. Inuulit lamang ang lahat
ang pangkalahatang papering iginawad
ni W.E. Retana sa kaniyang katalogo ng
aklatang Filipino (1898) at walang nag-
uukol ng titig sa 707 pahina ng orihinal
na naglalaman ng 16,350 entri ang
unang bahagi (Espanol-Tagalog) at
14,500 lahok ang ikalawa (Tagalog-
Espanol). Isa itomg “obra voluminosa”,
wika nga ni C.S. Fuentes. Napakakapal
para sa nagsisimula pa lamang noong
mga tagalimbag na sina Tomas Pinpin at
Domingo Loag. Napakakapal din, kung
tutuusin, para sa isang misyoneron na
hindi pa ganoon katagal sa Filipinas.
29. ALCANZAR
•Lima ang nailistang pakahulugan ng diksiyonaryo sa
Espanol na alcanzar. Samantala, sa mga pahina 42-43
ng Fray San Buena Ventura ay may nalimbag na 13
lahok para sa naturang salita at may pakahulugang: (1)
“habol”, (2) “abot”, (3) “gawad”, (4)”dukwang”,
(5)”dukot”, (6)”sungkit”, (7)”dawat”, (8)”pirongot”, (9)”
taliabot”, (10)” dalangin”, (11)”bulos”, (12)” dating”,
(13)”isip”
30.
31.
32.
33. MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG!
UNIVERSITY OF BATANGAS – CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION INCORPORATED
PhDF 713 – SEMINAR: MGA PILING DIKSYUNARYO
DANICA V. TALABONG
JHS TEACHER III
DepEd – Division of Quezon
danica.talabong@deped.gov.ph