3. Ang Kalikasan ng Wika
Wika- isang masistemang pag-aayaw-ayaw ng
lipon ng mga salita na ginagamit sa
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mga hangarin na tangi sa isang pangkat ng tao
sa isang pamayanan o bansa.
4. Gamit ng Wika
1. Ang wika ay ginamit upang mag-leybel,
magtakda at maglimit
- para mapaghihiwalay ang iba’t ibang
klase ng mga bagay
2. Ang wika ay nag-eebalweyt
- ginagamit sa pagg-aases o pag-uuri ng
isang tao o bagay
- may nosyong negatibo at positibo
5. 3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay ng mga
bagay na labas sa ating kasalukuyang karanasan
- nagagawa nating makapagsalita tungkol sa
ating mga palagay o paniniwala tungkol sa isang
bagay o pangyayaring naganap o maaaring
mangyari dahil sa wika.
4. Iba pang gamit ng wika
- nagbibigay- impormasyon
- nagseset-up
- nag-uutos
6. Ang Istruktura ng Wika
Ponolohiya
pag-aaral sa sistema ng palatunugan ng isang wika
Morpolohiya
pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita
Sintaks
pag-aaral ng mga istruktura ng mga pangungusap
Semantika
pag-aaral sa pagpapakahulugan ng isang wika
Pragmatik
paggamit ng wika sa kontekstong sosyal
7. Ang Ponolohiya: Ang mga
Hulwarang Tunog ng Wika
Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang
nagsasalita/ nag-aaral ng wika ay
makatutulong upang makabuo ng
makabuluhang utterances ang nagsasalita
at matutukoy niya ang makabuluhan at di
makabuluhang tunog sa kanyang wika.
8. Mga Ponemang Segmental
( Katinig at Patinig)
Ponema
mga tunog na nakapaloob sa isang wika
mga makabuluhang yunit ng tunog na “
nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga
tunog ay pinagsasama-sama upang makabuo ng
mga salita
Ang Filipino ay may 21 ponema
5 patinig
16 na katinig
10. 1. Diin
(//) dalawang pahilis- kakatawan sa paraan ng bigkas
ng isang salita
/./ tuldok- ginagamit para sa diin at pagpapahaba ng
pantig
/’/ kudlit – kumakatawan sa onemang patinig na
may impit
Hal.
/ba.soh/ glass
/’abalah/ busy
/tu.boh/ pipe
/tu.bo’/ sprout
11. 2. Tono, Intonasyon at Punto
-ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag
Hal.
Pagsasalaysay/Paglalarawan
- Dumating sila ka/ga/bi.
Masasagot ng oo ohindi
- Tayo i/yon, di/ba?
Pagpapahayag ng matinding damdamin
- Na/ku, may na/ba/ril!
Pagbati
- Magandang u/ma/ga.
Pagsagot sa tanong
- Hindi. Hindi na ako a/a/lis!
12. 3. Hinto
- ang pagtigil sa pagsasalita maaaring panandalian o
pangmatagalan
-tulad ng diin, mahalaga ang paggamit ng hinto sa
tamang bahagi ng pangungusap dahil maaaring
maiba ang kahulugan ng pangungusap
(/)isang pahilis- saglit na paghinnto
(//) dalawang pahilis- para sa pagtatapos ng pahayag
Hal.
Miguel/ Jomar Empaynado ang pangalan niya
(Kinakausap si Miguel at ipinakikilala si Jomar
Empaynado.)
13. Morpolohiya: Ang Mga Salita Ng Wika
Morpema
pinakamaliit na yunit ng isang salita na may
kahulugan
Hal.
Mapera [ ma ] + [ pera ]
panlaping ma nangangahulugang “ marami” at
salitang-ugat na pera “ maraming pera”
14. Mga Uri ng Morpema Ayon sa
Kahulugan
mga morpemang may kahulugan
leksikal
mga morpemang may kahulugang
pangkayarian
Hal.
Naglaro ng basketbol sa plasa ang mga
koponan.
*Naglaro basketbol plasa koponan.
15. Sintaksis: Ang Mga Hulwarang
Pangungusap ng Wika
istruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning
nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng
isang pangungusap.
kung paano pagsasamahin ang ang mga morpema at
mga salita upang makapagpahayag ng isang tiyak na
pagpapakahulugan
Hal. -Pinakanta ng maestra ang klase.
Pinakanta ng prinsipal ang klase.
- Ang damit ay bago. ( makabuluhan)
* ang ay bago damit (hindi makabuluhan)
16. Semantika: Ang mga Kahulugan ng
Wika
pag-aaral ng mga kahulugan ng
isang salita at mahahabang yunit ng
salita gaya ng mga parirala at
pangungusap
17. Mga Kaugnay na Pahiwatig
1. Mga salitang nagsasaad ng sinadyang palihis na pagpuntirya
Pahanging
Padaplis
2. Mga salitang ang pinag-uukulan ng mensahe ay hindi ang
kaharap na kausap kundi ang nakikinig
Parinig
Pasaring
3. Mga salitang humihikayat ng pansin sa pamamagitan ng
pandama
Paramdam
Papansin
4. Mga salitang nagpapahayag na waring nasasaling o di kaya’y
nagpapahiwatig ng isang bagay na ayaw o kinayayamutan
Sagasaan
Paandaran
18. Ang pahiwatig ay maaaring:
Berbal- binibigkas gaya ng parinig o pasaring
Di-berbal- ipinahahayag sa pamamagitan ng
katahimikan o pagsasawalang-kibo
Kombinasyon ng berbl at di- berbal-
paglalambing o kaya’y pagtatampo o pagpapakita
ng sama ng loob sa pamamamgitan ng pag-irap,
pagsimangot, paglabi at iba pa.
19. Ang Pragmatiks: Ang Impluwensiya ng
Konteksto
mga kaalamang extralinguistic na
dapat na taglayin ng isang
nagsasalita upang makapagtamo ng
kahulugan ula sa isang sitwasyong
komunikatibo