Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

354

Share

Download to read offline

Mga Bahagi Ng Pananalita

Download to read offline

Related Books

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

Mga Bahagi Ng Pananalita

  1. 1. 1. Pangngalan • Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari. • Dalawang uri ng PANGNGALAN: 1. Pangngalang Pambalana • Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari • Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon
  2. 2. 2. PANGHALIP• Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan. Uri at Halimbawa: 1. Panao - ako, siya, sila 2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin 3. Pananong - sino, ano, kailan 4. Pamatlig - dito, doon 5. Pamilang - ilan, marami 6. Panaklaw - madla, pangkat
  3. 3. 3. PANDIWA • Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Uri ng Pandiwa: 1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral. 2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena. 3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
  4. 4. 4. PANGATNIG • Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap. Uri ng Pangatnig at halimbawa: 1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan. Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
  5. 5. 2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang  maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o  niloloob. Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun  na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain. 3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang  bagay o isipan. Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban. 4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga  nasabi na.
  6. 6. 5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng  ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan. Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga. 6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita. Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod. 7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari. Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
  7. 7. 5. PANG-UKOL• Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan,  panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari,  balak o layon. • Dalawang pangkat ng Pang-ukol 1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa,  ayon sa, tungkol sa, para sa.  Mga Halimbawa: 1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin. 2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus 3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala. 4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
  8. 8. • 2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para  lamang sa ngalan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay,  ayon kay, hinggil kay. Mga Halimbawa: 1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria. 2. Para kay Juan ang pagkaing ito. 3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema. 4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat. 5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
  9. 9. 6. PANG-ANGKOP • Ang  PANG-ANGKOP  ay  mga  katagang  nag-uugnay  sa  magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging  madulas  o  magaan  ang  pagbigkas  ng  mga  ito.  Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang  mga  panuring  at  ang  mga  salitang  binibigyang  turing  nito.
  10. 10. • Uri ng PANG-ANGKOP 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay. Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan. Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig. 2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha. Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.
  11. 11. • Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. • Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit. Halimbawa: luntian ng halaman - luntiang halaman Maraming banging matatarik sa ating bansa. 3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n.
  12. 12. 7. PANG-URI• Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. • Halimbawa: – Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising. – Napakaganda nga ng bistidang iyan! – Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya. – Ang sasakyan ay kulay pula. – Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.
  13. 13. 8. PANG- ABAY • Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. • Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano. Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: - Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
  14. 14. 2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: - Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban. 3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan. Halimbawa: - Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo. 4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
  15. 15. 5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng  pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan. Halimbawa: - Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo. 6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon. Halimbawa: - Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon. Halimbawa: - Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao. 8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Halimbawa: - Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
  16. 16. 9. PANTUKOY• Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o  pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri. 1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana      ang, ang mga, mga • ang (isahan) Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga            nasasakupan. • ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. • mga (maramihan) Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
  17. 17. 2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina - si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro. - sina (maramihan) Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz. - ni (isahan) Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa      oras. - nina (maramihan) Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis. - kay (isahan) Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam. - kina (maramihan) Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.
  18. 18. 10. PANGAWING •  Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng  pangungusap. • ang  AY  ay  palatandaan  ng  ayos  ng  pangungusap.  Ibinabadya  nito  ang  karaniwang  ayos  pangungusap.  Ang  una  ang  panag-uri  sa  paksa  ay  nilalagyan  ng  pagbabago.  Palataandaan  ito  na  inilipat  ng  posisyon  ang  bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap  na di-karaniwang ayos • Halimabawa: - Ako ay galing sa banyo.
  • EdwardArzadon

    Sep. 15, 2021
  • AgnesFenellere

    Sep. 10, 2021
  • MarkAnthonyNamia

    Sep. 7, 2021
  • EmmanuelCarlOlvida

    Sep. 6, 2021
  • beyagonzales

    Jul. 5, 2021
  • xoxo_0494

    May. 18, 2021
  • CarlaPlacino

    May. 11, 2021
  • StellaMarisCesar

    Apr. 19, 2021
  • AbegailAnnAglubat

    Mar. 13, 2021
  • kathreneannevelasco

    Mar. 2, 2021
  • MarCello19

    Feb. 10, 2021
  • DannyOmatang

    Feb. 6, 2021
  • CeejayyKhulet

    Jan. 25, 2021
  • LanceRegorAngelio

    Jan. 21, 2021
  • EllenDiaz9

    Jan. 7, 2021
  • LhyssLeeBullanday

    Dec. 9, 2020
  • MinBae

    Dec. 7, 2020
  • NoraizaBaclor

    Nov. 27, 2020
  • DeborahBalgua

    Nov. 14, 2020
  • AuraFeiRebamonte

    Nov. 9, 2020

Views

Total views

708,603

On Slideshare

0

From embeds

0

Number of embeds

2,717

Actions

Downloads

7,857

Shares

0

Comments

0

Likes

354

×