SlideShare a Scribd company logo
1 of 50
Galano, Darlene Rose C.
BSEd Fl 3-1
URL/LINK DOMAIN:
https://www.academia.edu/44661957/SEMI_DETAILED_LESSON_PLAN
Blog title:
Mga Banghay Aralin sa Filipino
Publication Date:
December 9, 2020
Hyperlinks:
https://www.slideshare.net/daniholic/ang-alegorya-ng-yungib-ni-plato
https://www.youtube.com/watch?v=X6l8Ly_CynA
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuwintas.html
https://www.youtube.com/watch?v=Koq3-SP5lFo
https://www.youtube.com/watch?v=pShmGweu2L0
https://www.youtube.com/watch?v=dhWKc7s-0kU
LESSON PLAN NO. 1
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Nasusuri ang nilalman ng isang akda batay sa paksa, tauhan at paraan ng pagkakasulat
 Nakasusulat ng isang ankedota gamit ang diskursong pagsasalaysay
II. Subject Matter:
Diskursong Pagsasalaysay gamit ang anekdotang “Ang Tsinelas ni Jose Rizal”
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity:
1. Recall:
1. Gaano kahalaga ang paggamit ng pandiwa?
2. Ano ang Mitolohiya at ang kahalagahan nito?
2. Motivation:
Panuto: Habang nagpapatugtog ng isang kanta, mag-isip ng isang nakakatuwang
pangyayari sa iyong buhay. kung kanino mahinto ang tugtugin, siya ang magbabahagi ng
kwento sa loob ng klase.
B. Analysis:
1. Ano ang Anekdota?
C. Abstraction:
Panuto: Basahin at unawain
Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila
umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong
puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy
na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at
mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o
ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran
kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko
nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa
pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na
tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin
ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
2. Bakit itinapon ni Rizal ang isa niya pang tsinelas?
3. Bakit madaling makuha ang aral sa anekdota?
4. Bakit kawili-wili itong basahin?
D. Application:
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Punan ang mga hinihinging impormasyon sa gamit ang tsart sa ibaba.
ANEKDOTA
Paksa
Layunin
Paraan ng Pagkakasulat
Nilalaman
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Gumawa ng isang islogan tungkol sa magagandang
ibubunga ng pagkakaroon ng magandang pananaw at masayang buhay. At ipresenta ito sa
klase.
Rubriks
Nilalaman: 25%
Pagkamalikhain: 25%
Mensahe: 50%
IV. Evaluation:
Panuto: Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa isang katawa-tawang
pangyayaring naibahagi sa iyo ng isang kaibigan. Isulat ito sa ½ crosswise at ipasa sa loob
ng 10 minuto.
V. Assignment:
Panuto: Magsalaysay ng isang anedota batay sa sariling karanasan o pangyayaring
nasaksihan. Isaalang-alang ang mga sumusunod. I presenta ito sa loob ng klase
kinabukasan.
1. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
2. Malikhain
3. Masining
4. Maikli
5. Napupukaw ang interes ng mambabasa
LESSON PLAN NO. 2
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Natutukoy ang Bahagi at Sangkap ng Sanaysay
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay
 Nakasusulat ng sariling sanaysay hango sa sariling buhay
II. Subject Matter:
Pagsulat ng sanaysay sa pamamagitan ng “Ang Alegorya ng Kuweba”
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
https://varsitarian.net/filipino/20171202/higit-sa-po-at-opo-ang-paggalang-kawani-ng-kwf
https://www.calambacity.gov.ph/index.php/festivals/192-article-185
https://www.slideshare.net/daniholic/ang-alegorya-ng-yungib-ni-plato
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity
1. Recall:
Panuto: Magsalaysay ng isang anedota batay sa sariling karanasan o pangyayaring
nasaksihan. Isaalang-alang ang mga sumusunod. I presenta ito sa loob ng klase
kinabukasan.
6. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
7. Malikhain
8. Masining
9. Maikli
10. Napupukaw ang interes ng mambabasa
2. Motivation:
Panuto: ilahad ang iyong pananaw tungkol sa ipinapakita ng larawan.
B. Analysis:
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng sanaysay na pinamagatang “Ang Alegorya ng Kuweba”
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
C. Abstraction:
1. Bakit
masasabing anino
lamang ng
katotohanan ang mga
imaheng makikita sa
mundo?
2. Sa iyong
palagay, bakit ito
pinamagatang
“Alegorya ng
Kuweba?”
3. Ano nga ba
ang kahulugan, uri at
bahagi ng sanaysay?
Sanaysay
D. Application:
1. Individual
Guided Activity:
Panuto: Gumawa
ng pagsusuri sa
binasang sanaysay batay sa
kasunod na diyagram
Panimula Katawan Wakas Tema/
Nilalaman
Wika/Istilo
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Suriin ang akda sa mga angkop na sanaysay
IV. Evaluation:
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay hango sa nabasang sanaysay na ”alegorya ng kuweba.” ilahad
ang iyong saloobin. Gawin ito sa loob ng 15 minuto.
V. Assignment:
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay.
Sundin ang rubriks sa ibaba. ipasa ito kinabukasan.
Pamantayan:
Nilalaman 25 pts.
Pagkamalikhain 25 pts.
Maayos na paglalahad gamit ang mga
bahagi ng sanaysay
25 pts.
Maayos na paggamit ng mga salita 25 pts.
LESSON PLAN NO. 3
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal (F10PN-Ib-c-63)
 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas (F10WG-Ib-c-58)
II. Subject Matter:
Ang Tusong Katiwala at ang mga Piling Pang-Ugnay sa Pagsasalaysay
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III. Procedure:
A. Activity
1. Recall:
Panuto: Patunayan na ang parabula ay may malaking impluwenysa sa nakaraan at
kasalukuyang pamumuhay ng tao. Gamitin ang tsart sa ibaba.
Parabula
Nakaraan Kasalukuyan
2. Motivation:
Panuto: Panoorin nang mabuti ang parabulang: Tusong Katiwala
ANG TUSONG KATIWALA | PARABULANG NAGANAP SA SYRIA | FILIPINO 10
B. Analysis:
1. Bakit tatanggalin ng may-ari ang negosyo ng kaniyang katiwala?
2. Paano siya umabot sa gano’ng kalagayan?
3. Ayon sa akda, paano gagamitin ang kayamanan?
C. Abstraction
1. Paano nakatutulong ang mga pang-uugnay (panandang pandiskurso) sa pagsasalaysay ng
akdang pampanitikan na Tusong katiwala?
D. Application
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Isulat sa ½ crosswise at Ibuod ang Kwentong Tusong Katiwala gamit ang mga
panandang pandiskurso at salungguhitan ang mga ginamit na pang-ugnay. Gawin ito sa
loob ng 10 minuto.
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Isulat ang mga konseptong natutunan gamit ang
concept mapping organizer. Kumuha ng isang taga-ulat at ipaliwanag ito sa klase.
IV. Evaluation:
Panuto: Isalaysay ang buod ng Tusong Katiwala sa tulong ng kasunod na mga salita. Sikaping
gamitin ang mga panandang pandiskursong natutunan sa klase.
Nagpunta ang isang anak_______________________________________________________
Ngunit_______________________________________________________________________
Kaya_________________________________________________________________________
Pagkatapos____________________________________________________________________
V. Assignment:
Panuto: Bumuo ng apat na grupo at manood ng isang pararbula sa youtube. Pagkatapos, isulat sa
manila paper at isagawa ang mga hinihinging kasagutan sa tsart. Kumuha ng isang taga-ulat upang
ipaliwanag ito sa klase.
Pamagat ng Parabula Tauhan Aral
LESSON PLAN NO. 4
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay
(F10PB-If-g-67)
 Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan (F10WG-If-g-
61)
II. Subject Matter:
Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan ng Ang Kwintas ni Guy de Maupassant
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuwintas.html
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity
1. Recall:
(Pagsasagot sa naging Takdang-Aralin)
Panuto: Bumuo ng apat na grupo at manood ng isang pararbula sa youtube. Pagkatapos,
isulat sa manila paper at isagawa ang mga hinihinging kasagutan sa tsart. Kumuha ng
isang taga-ulat upang ipaliwanag ito sa klase.
Pamagat ng Parabula Tauhan Aral
2. Motivation:
Panuto: Ang bawat mag-aaral ay iisip ng isang mahalagang bagay na ayaw nilang
mawala sa kanilang buhay. At kung naghahangad pa sila ng higit sa bagay na iyon. Pipili
ng tatlong mag-aaral upang ibahagi kung bakit at gaano ito kahalaga sa kaniya.
B. Analysis
1. Bakit hindi dapat maging labis na naghahangad ang isang tao?
2. Paano mapaglalabanan ng tao ang paghahangad sa mga bagay na hindi naman niya
kayang makuha?
Panuto: Basahin ang maikling kwento na “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant
1. Ilahad kung paano naiba ang maikling kwento ng tauhan sa iba pang uri ng maikling
kwento.
2. Paano inilaraan ng may akda ang buong pagkatao ng mga tauhan sa maikling kwento ng
tauhan?
C. Abstraction:
Basahin at Unawain:
3. Suriin ang mga salitang may salungguhit. Paano ginagamit ang mga ito sa talata?
D. Application
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Ihambing ang ugali ng pangunahing tauhan sa kuwento sa ugali ng mga akilala mo sa
tulong ng talahanayan.
Batayan Matilde Sariling Ina Kapatid Kaibigang
Babae
1. Mga Nais sa
buhay
2. Pakikitungo sa
kapwa
3. Pagharap sa
katotohanan
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Sa tulong ng mapping, ilahad ang katangian ng isang babae batay sa kwentong “Ang
Kwintas”
IV. Evaluation:
Panuto: Sumulat ng isang paglalahad patungkol sa katangian ng pangunahing tauhan sa kwento
na nais mong tularan at ipaliwanag kung bakit mo nais tularan ito. Gumamit ng mga panghalip na
anapora at katapora sa pagsulat ng paglalahad. Isulat ito sa ½ crosswise.
V. Assignment:
Panuto: Magsalaysay ng isang pangyayaring maaaring narinig, nabasa o nakuwento sa iyo na
nagpapatunay na ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay. I presenta
ito sa klase.
LESSON PLAN NO. 5
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG-
Ig-h-62)
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-69)
II. Subject Matter:
Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari gamit ang nobelang “Ang Kuba sa Notre
Dame”
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity:
1. Recall:
Panuto: Magsalaysay ng isang pangyayaring maaaring narinig, nabasa o nakuwento sa
iyo na nagpapatunay na ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na
buhay. I presenta ito sa klase.
2. Motivation:
Panuto: Magtala ng ibat ibang akdang pampanitikang nabasa na. Pagkatapos, ibigay ang
hinihingi sa kasunod na talahanayan.
Akdang Pampanitikan Bansang Pinagmulan Katangian/ Kakayahan
B. Analysis:
1. Nakabasa ka na ba ng nobela?
2. Ano nga ba ang Nobela?
C. Abstraction:
Pagpapanood ng “Ang Kuba sa Notre Dame”
ANG KUBA NG NOTRE DAME
3. Bakit gayon na lamang ang panlilibak ng mga tao kay Quasimodo?
4. Paano ipinakita ni Quasimodo ang isang tapat na pag-ibig?
5. Bakit mahalagang magkakaugnay ang paglalahad ng pangyayari sa nobela?
D. Application:
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Sa tulong ng talahanayan, ilahad ang bahaging masasalamin ang kultura ng
bansang pinagmulan ng nobelang tinalakay, pagkatapos, iugnay sa kultura ng Pilipinas.
Bahaging akdang
masasalamin ang
kultura
Nangingibabaw na
kultura
Pag-uugnay sa
Kultura sa Pilipino
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Ilahad ang kaibahan ng nobela sa ilang akdang pampanitikan.
IV. Evaluation:
Panuto: Magsakaysay ng isang karanasang ipinagtanggol mo ang iyong karapatan bilang mag-
aaral. Gumamit ng mga panandang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
V. Assignment:
Panuto: Sumulat ng pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa piling pangyayari ng
nobelang binasa at tinalakay. Isulat ito sa isang buong papel.
LESSON PLAN NO. 6
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Naibabahagi ang sariling opinyon tungkol nabasang maikling kwento
 Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagsulat ng talata o tekstong naglalahad
II. Subject Matter:
Pangungusap na Naglalahad ng Opinyon batay sa maikling kwentong “Ang Alaga ni Barbara
Kimenye” na isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
https://www.youtube.com/watch?v=pShmGweu2L0
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III. Procedure:
A. Activity
1. Recall:
Panuto: Mamimili ng dalawang mag-aaral na magbabahagi sa klase ang isinulat na pangyayari
sa inyong tunay na buhay na may pagkakatulad sa piling pangyayari ng nobelang binasa at
tinalakay.
2. Motivation:
Panuto: Panoorin at Unawain ang maikling kwento na “Ang Alaga ni Barbara Kimenye”
Ang Alaga ni Barbara Kimenye
B. Analysis:
1. Ilahad ang katangian ni Kibuka bilang isang kawani
2. Paano ginugol ni Kibuka ang panahon nang siya ay magretiro?
3. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang mga inilahad na pangyayari sa akda? Patunayan
ang sagot.
C. Abstraction:
1. Ano ang maikling kwento?
2. Ano ang Mga pangungusap na naglalahad ng Opinyon?
D. Application:
3. Individual Guided Activity:
Panuto: Pumili sa loob ng kahon ang angkop na pahayag na naglalahad ng sariling
opinyon.
Sa aking palagay Maaaring baka
naniniwala ako siguro talaga
1. __________________ na maaari pang mabago ang takbo ng buhay ng bawat
pilipino.
2. __________________ bukas magaganap ang lahat
3. __________________, ang tao ay bahagi ng pagbabago sa lipunan.
4. __________________ nga, tama ang sinabi niya.
5. __________________ ganoon nga.
4. Group Differentiated Task:
Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Sikaping ilahad ang inyong mga opinyon sa mga
sumusunod na paksa. Pumili ng tig dalawang kamag-aral na magrerepresenta ng inyong
mga opinyon sa harapan.
1. Pagpili ng Mamumuno sa Pamahalaan
2. K to 12
IV. Evaluation:
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na salita gamit ang iyong opinyon.
Ang akdang tinalakay ay mahalaga sa:
a. Sarili (patunayan):
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Lipunan (patunayan):
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
c. Daigdig (patunayan):
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
V. Assignment:
Panuto: Bumuo ng talatang naglalahad hinggil sa iyong kagustuhan na nagbibigay
opinyon.
LESSON PLAN NO. 7
Grade Level: Baitang 10
I. Objective:
 Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang
napakinggan (F9PN-IIIf-53)
 Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon , panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat
(F9WG-IIIf-55)
II. Subject Matter:
Pang-abay na pamanahon sa pamamagitan ng Alamat ni Prinsesa Manorah
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity:
1. Recall:
Panuto: Ipresenta ang nabuong talata na naglalahad hinggil sa iyong kagustuhan na
nagbibigay opinyon.
2. Motivation:
Panuto: Bumuo ng apatna grupo. Pag-usapan ang alamat na naalala nila na nabasa nila
sa buong buhay nila. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.
B. Analysis:
Panuto: Panoorin nang mabuti ang “Alamat ni Prinsesa Manorah”
ALAMAT NI PRINSESA MANORAH
1. Bakit kakaibang babae si Prinsesa Manorah?
2. Ipaliwanag kung ano ang kaibahan ng maikling kwento sa alamat.
C. Abstraction:
1. Ano nga ba ang alamat?
2. Ano ang Pang-abay na Pamanahon?
D. Application:
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Punan ang Tsart ng tamang sagot sa “Alamat ni Prinsesa Manorah”
Alamat ni Prinsesa Manorah
Paksa
Katangian ng Tauhan
Kaisipan
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Isulat ang hinihingi sa graphic organizer. Iulat ito sa
klase.
IV. Evaluation:
Panuto: Batay sa iyong napanood na alamat, ipaliwanag mo ang iyong pagsusuri sa katangian
ng alamat.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
V. Assignment:
Panuto: Lumikha ng sariling alamat at isalaysay mo ito sa masining na paraan.
Pamantayan
A. Malikhaing Pagsasalaysay 50 puntos
B. Paraan ng Pagsasalaysay
1. Tono at lakas ng tinig
2. Wastong bigkas ng mga salita
30 puntos
C. Hikayat sa Manonood 20 puntos
Kabuuan 100 puntos
LESSON PLAN NO. 8
Grade Level: Baitang 7
I. Objective:
 Nailalahad ang mga elemento ng maikling kuwento
 Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari (F7PS-IIi-11)
 Naisusulat ang isang akda gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento
II. Subject Matter:
Pagpapakilala sa Banghay bilang gamit sa Elemento ng akdang Mabangis na Lungsod ni Efren
Abueg
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
https://tl.goodsalt.com/details/prcas4115.html
https://ph.lovepik.com/image-401054909/families-play-on-slides.html
https://ph.lovepik.com/image-400551061/study.html
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/389242/3-anyos-na-babae-inabuso-
umano-ng-sariling-ama-sa-camarines-sur/story/
http://efren-abueg.blogspot.com/2009/07/mabangis-na-lungsod.html
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity:
1. Recall:
Panuto: Pag pe presenta ng mga likhang alamat sa pamamagitan ng pagsasalaysay nito
sa masining na paraan.
2. Motivation:
Panuto: suriin ang larawan. Tukuyin ang mga dapat maranasan ng isang bata.
1. 2.
3. 4.
B. Analysis:
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na maikling kwento.
http://efren-abueg.blogspot.com/2009/07/mabangis-na-lungsod.html
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki t maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw.
Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa
hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan
sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahambing ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adonng. Ang gabi ay tulad
lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi y naroroon, hindi dahil sa may
layunin, kundi dahil sa naroroon lamang, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni
Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroroon man o wala ang gabi- at at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang mga nagtatayugang
gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang
sa mga huling oras ng gabi y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag
lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon dahil sa bagay na hinahanap
sa isang marikit na altar. Sapagka t ang simbahan ay ang buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng sweepstakes, ng
kandila, ng kung anu-anong ugat ng punungkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay
nakatunghay ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na
iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso na upang dumukot sa
bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.
Napapaiyak na si Adong, Waling-waling ang tingin niya sa mga ilaw dagitab na parang mga piraso
ng apoy na ikinalat sa kalawakan. Kanina pa siyang tanghli sa loob ng marusing na bakuran ng
simbahan. Nagsawa na ang araw sa kanyang likod na bahagya nang nadaramtan at nangawit na
ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa
kanyang bulsa ay wala pang tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng
kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring hidad na gumagapang sa kanyang katawan.
Mama Ale, palimos na po.
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malamig na parang bato, ang ibang mga kamay ay hiwatig
ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali- ng pag-iwas.
Singko po lamang, Ale hindi pa po ako nanananghali!
Kung may pumapansin man sa pananawagan ni Adong, ang nakikita naman niya ay irap,
pandidiri, pagkasuklam. Pinanghahanapbuhay yan ng mga magulang para may maisugal, madalas
marinig ni Adong. Nasasktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya
ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
Halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni
kaninuman sa naroroong mga pulubi. Alam niyang hindi maiiwasan ang pahingi ni Bruno ng piso
sa kanya, sa lahat.
May reklamo? Nakakasindak ang tinig ni Bruno. Ang mga mata nito y nanlilinsik kapag
nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. Sa gayong kalagayan, ang mga kamay ni Adong ay
nanginginig pa habang inilalagay niya sa masikim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong
matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kalian man ay hindi nakarating sa kanyang
bituka.
Maawa na po kayo, Mama Ale gutum na gutom na ako!
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa, Ang
mga tao y waring lantad sa paglilimos. Ang mga tao y naghihikahos na rin. Ang panahon ay
patuloy na ibinuburol ng karukhaari.
Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila bas a wala pang isang
oras na pakakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa
kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawad sa mga
taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.
Malapit ng dumating si Bruno ani Aleng Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa
y para sa lahat na maaaring makarinig
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ang kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapatindig sa
kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay.
Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao- malamg walang awa, sa kanyang kalooban. Kung
ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa t waring umuuntag sa
kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag,
sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurursing na palad na wari
bang mga kamay lamang na maninipis ang malilinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol
sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa
kanyang lukbutan. Ilan pang bagol ng nalaglag sa kanyang palad at sa kaabalahan niya y hindi
napansing kakaunti na nag taong lumalabas mula sa simbahan, Nakita na naman ni Adong ang
mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-
bahala,ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas,
Adong.. ayun na si Bruno, naririnig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang ininuso sa kanya ni Alling Ebeng. Si Bruno nga. Anf malapad na katawan.
Ang namumutok na mga bisig. Ang maliliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si
Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring
dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit and lamig na iyon ay hindi nakasapat upang
ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang
palad ang mga bagol.
Diyan na kayo, Aling Ebang sabihin ninyo kay Bruno na wala ako! mabilis niyang sinabi sa
matanda.
Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno!
Narinig naman ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula y
marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo.
Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik sa kakapalan ng mga
taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang
munting iskinita.
Sumandal siya sa isang post eng kuryente. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng
kanyang likod. At sa murang isipan ni Adong ay tumindig ang tahumpay ng isang musmos na
paghihimagsik, ang paglayo kay Bruno, ang paglayo sa Quiapo, ang paglayo sa gutom, sa
malalamig na mukha, sa nakatunghay sa simbahan, sa kabangisang sa mula t-mula pa y nakilala
niya at kinasuklaman. Muling dinama niya ang mga bagol sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal
din niyang pinakalansing.
Adong! sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim.
Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni
Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray na ang munting lakas na
nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at sa kabangisan.
Bitiwan mo ako Bruno! Bitiwan mo ako! nasigaw na lamang si Adong, Ngunit hindi na niya
narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya sa kanyang mukha ang malulupit na palad
ni Bruno. Natulig siya, Nahilo. At pagkaraan ng ilang saglit, hindi na niya naramdaman ang
kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
1. Paano ipinakita sa akda ang pagiging “mabangis” ng lungsod? I[aliwanag.
2. Tukuyin ang mga bagay na gustong takasan ni Adong
C. Abstraction:
Panuto: Basahin at Unawain
3. Bakit dapat matukoy ng mga mambabasa ang banghay ng isang kuwento?
D. Application
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Sa tulong ng sumusunod na estratehiya, ibigay ang ipinapahiwatig ng pamagat.
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Mag-ulat patungkol at suriin ang banghay gamit ang
sumusunod na estratehiya.
IV. Evaluation:
Panuto: Bumuo ng isang kwento na batay sa iyong kagustuhan. Gawing gabay sa pagbuo
ng kuwento ang sumusunod na istratehiya.
Pamagat:
Panimula:
Gitna
Unang Pangyayari:
Ikalawang Pangyayari:
Ikatlong Pangyayari
Wakas:
V. Assignment:
Panuto: Ikuwento ang isang panyayari sa iyong buhay na nag-iwan ng di-malilimot na
karanasan sa iyo gamit ang sumusunod na estratehiya.
LESSON PLAN NO. 9
Grade Level: Baitang 7
I. Objective:
 Natutukoy ang kahuligan ng tula at iba pang uri ng anyong patula
 Naillahad ang diwa ng tulang nabasa
 Nakalilikha ng sariling tula gamit ang kanilang karanasan
II. Subject Matter:
Pagsulat ng Tula gamit ang akdang Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal
Reference/s:
Pamana, Aralin 18 (Pahina 64-65)
Materials:
whiteboard marker, ballpen, whiteboard, bond paper, manila paper
III.Procedure:
A. Activity
1. Recall:
Pagpapasa ng kanilang takdang aralin.
1. Gaano kahalaga ang pagtukoy sa banghay ng isang akdang pampanitikan?
2. Bakit kailangan ito pag-aralan? Ipaliwanag.
2. Motivation:
Panuto: Ang buong klase ay kinakailangang makapagbigay ng isang taludtod na angkop
sa paksang ibibigay habang tumutugtog ang isang musika. Kung kanino matapat at huminto
ang musiko, siya ang magbibigay ng isang taludtod ng tula. At dudugtungan naman ito ng
kasunod.
Paksa: Pag-ibig
B. Analysis:
C. Abstraction
:
D. Application:
1. Individual Guided Activity:
Panuto: mag-isip ng isang tulang nalalaman mo at alamin kung anong uri ito ng tula.
Ipaliwanag kung paano ito naging isang uri ng tula at ipaliwanag kung bakit iti ang napili
mo. Isulat ito sa 1/2 crosswise.
2. Group Differentiated Task:
Panuto: Sa bawat grupo, kinakailangang magsulat sa isang manila paper ng saloobin
patungkol sa nabasang tula na akda ni Dr. Jose Rizal at I presenta sa klase. Sundin ang
halimbawa.
IV. Evaluation:
Panuto: Kumha ng ½ crosswise na papel at sagutan ang mga sumusunod. Sa loob ng 10 minuto,
ay kinakailangang ipasa na ang inyong gawa.
V. Assignment:
Panuto: Sumulat ng isang tula sa isang buong papel. Idepende ito sa inyong karanasan na binubuo
ng limang saknong. Ipasa bukas at I presenta sa klase.
LESSON PLAN NO. 10
Grade Level: Baitang 7
I. Objective:
 Natutukoy ang hatid sa bisa ng panitikan gamit ang akda ni Edgar Calamboa Samar
 Nakasusulat ng bisa sa panitikan gamit ang akdang nalalaman.
II. Subject Matter:
Mga Hatid sa Bisa ng Panitikan gamit ang “Kay Mariang Makiling” ni Edgar Calambia
Samar
Reference/s:
Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross
Publications.
http://www.thephilippineliterature.com/kay-mariang-makiling/
Materials:
Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
III.Procedure:
A. Activity:
1. Recall:
Panuto: Pagpe presenta ng isinulat na tula sa klase. Na nakadependesa inyong karanasan na
binubuo ng limang saknong.
2. Motivation:
Panuto: Sa loob ng 5 minuto, mag-isip ng isang tulang pamilyar sa inyo. Ipaliwanag kung
bakit ito ang napili.
B. Analysis:
Panuto: Basahin ang tulang “Kay Maria Makiling “
http://www.thephilippineliterature.com/kay-mariang-makiling/
1. Ilarawan ang taong nagsasalita sa tula. Ano ang bumabagabag sa kaniya?
2. Ipaliwanag ang sa palagay mo na damdamin ng taong nagsasalita.
C. Abstraction:
D. Application:
1. Individual Guided Activity:
Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang bisang pampanitikan na iyong natamo matapos basahin
ang tula.
2. Group Differentiated Task:
Panuto: magpangkat-pangkat at balikan ang ano mang akdang pampanitikan ang iyong
nabasa, maaaring kwento, alamat, nobela o tula. Ilahad ang bisang pampanitikang natamo
mula rito.
IV. Evaluation:
Panuto: ibigay ang iyong reaksyon o pananaw sa nabasang tula. Isulat ito sa ¼ na papel sa loob
ng 10 minuto pagkatapos ay ipasa.
V. Assignment:
Panuto: Bumuo ng isang testimonya/ patotoo na mga positibong naganap sa iyong buhay gamit
ang tatlong bisa ng panitikan. Isulat ito sa ½ crosswise at ipresenta sa klase kinabukasan.
Gamitin ang diyagram sa ibaba.

More Related Content

Similar to SEMI_DETAILED_LESSON_PLAN.docx

Aralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na Markahan
Aralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na MarkahanAralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na Markahan
Aralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na MarkahanMarico4
 
PAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxPAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxMean6
 
DLL GRADE 10 Aug.22, 2022.doc
DLL GRADE 10 Aug.22, 2022.docDLL GRADE 10 Aug.22, 2022.doc
DLL GRADE 10 Aug.22, 2022.docCherryRaciles1
 
Grade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docxGrade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docxssuserda25b51
 
DLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemen
DLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemenDLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemen
DLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemenreyanrivera1
 
LINGGO 1.docx
LINGGO 1.docxLINGGO 1.docx
LINGGO 1.docxKaiXun2
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDixieRamos2
 
Grade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docxGrade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docxssuserda25b51
 
3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc
3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc
3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.docMatthew Angelo Gamboa
 
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docxFilipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docxDCISGradeTen
 
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdfDLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdfGnehlSalvador
 
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docxBjayCastante
 
Day 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDay 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDixieRamos2
 

Similar to SEMI_DETAILED_LESSON_PLAN.docx (20)

WEEK-1.docx
WEEK-1.docxWEEK-1.docx
WEEK-1.docx
 
demo.docx
demo.docxdemo.docx
demo.docx
 
Aralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na Markahan
Aralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na MarkahanAralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na Markahan
Aralin 4.2 sa Filipino Ikaapat na Markahan
 
DLP-FIL-Q3-W5.docx
DLP-FIL-Q3-W5.docxDLP-FIL-Q3-W5.docx
DLP-FIL-Q3-W5.docx
 
PAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxPAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptx
 
DLL GRADE 10 Aug.22, 2022.doc
DLL GRADE 10 Aug.22, 2022.docDLL GRADE 10 Aug.22, 2022.doc
DLL GRADE 10 Aug.22, 2022.doc
 
Grade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docxGrade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docx
 
DLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemen
DLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemenDLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemen
DLL_FILIPINO 4_Q2_W5.docxfilipino elemen
 
LINGGO 1.docx
LINGGO 1.docxLINGGO 1.docx
LINGGO 1.docx
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docx
 
Grade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docxGrade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docx
 
3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc
3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc
3 DLL IN FILIPINO 10. Aralin 1.3.doc
 
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docxFilipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdfDLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
 
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
 
Day 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDay 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docx
 
DLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docxDLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docx
 
DLL4 (1).docx
DLL4 (1).docxDLL4 (1).docx
DLL4 (1).docx
 
Masusing banghay aralin sa pagtuturo
Masusing banghay aralin sa pagtuturoMasusing banghay aralin sa pagtuturo
Masusing banghay aralin sa pagtuturo
 

Recently uploaded

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptSJCOJohnMichaelDiez
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxvh27pvs4b5
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfAizaStamaria3
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapdhanjurrannsibayan2
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxvh27pvs4b5
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdfEugeneBarona1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 

Recently uploaded (20)

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 

SEMI_DETAILED_LESSON_PLAN.docx

  • 1. Galano, Darlene Rose C. BSEd Fl 3-1 URL/LINK DOMAIN: https://www.academia.edu/44661957/SEMI_DETAILED_LESSON_PLAN Blog title: Mga Banghay Aralin sa Filipino Publication Date: December 9, 2020 Hyperlinks: https://www.slideshare.net/daniholic/ang-alegorya-ng-yungib-ni-plato https://www.youtube.com/watch?v=X6l8Ly_CynA http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuwintas.html https://www.youtube.com/watch?v=Koq3-SP5lFo https://www.youtube.com/watch?v=pShmGweu2L0 https://www.youtube.com/watch?v=dhWKc7s-0kU LESSON PLAN NO. 1 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Nasusuri ang nilalman ng isang akda batay sa paksa, tauhan at paraan ng pagkakasulat  Nakasusulat ng isang ankedota gamit ang diskursong pagsasalaysay II. Subject Matter: Diskursong Pagsasalaysay gamit ang anekdotang “Ang Tsinelas ni Jose Rizal” Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III.Procedure: A. Activity: 1. Recall: 1. Gaano kahalaga ang paggamit ng pandiwa? 2. Ano ang Mitolohiya at ang kahalagahan nito? 2. Motivation:
  • 2. Panuto: Habang nagpapatugtog ng isang kanta, mag-isip ng isang nakakatuwang pangyayari sa iyong buhay. kung kanino mahinto ang tugtugin, siya ang magbabahagi ng kwento sa loob ng klase. B. Analysis: 1. Ano ang Anekdota? C. Abstraction: Panuto: Basahin at unawain Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy
  • 3. na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka. "Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko. 2. Bakit itinapon ni Rizal ang isa niya pang tsinelas? 3. Bakit madaling makuha ang aral sa anekdota? 4. Bakit kawili-wili itong basahin?
  • 4.
  • 5. D. Application: 1. Individual Guided Activity: Panuto: Punan ang mga hinihinging impormasyon sa gamit ang tsart sa ibaba. ANEKDOTA Paksa Layunin Paraan ng Pagkakasulat Nilalaman 2. Group Differentiated Task: Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Gumawa ng isang islogan tungkol sa magagandang ibubunga ng pagkakaroon ng magandang pananaw at masayang buhay. At ipresenta ito sa klase. Rubriks Nilalaman: 25% Pagkamalikhain: 25% Mensahe: 50% IV. Evaluation:
  • 6. Panuto: Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa isang katawa-tawang pangyayaring naibahagi sa iyo ng isang kaibigan. Isulat ito sa ½ crosswise at ipasa sa loob ng 10 minuto. V. Assignment: Panuto: Magsalaysay ng isang anedota batay sa sariling karanasan o pangyayaring nasaksihan. Isaalang-alang ang mga sumusunod. I presenta ito sa loob ng klase kinabukasan. 1. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 2. Malikhain 3. Masining 4. Maikli 5. Napupukaw ang interes ng mambabasa LESSON PLAN NO. 2 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Natutukoy ang Bahagi at Sangkap ng Sanaysay  Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay  Nakasusulat ng sariling sanaysay hango sa sariling buhay II. Subject Matter: Pagsulat ng sanaysay sa pamamagitan ng “Ang Alegorya ng Kuweba” Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. https://varsitarian.net/filipino/20171202/higit-sa-po-at-opo-ang-paggalang-kawani-ng-kwf https://www.calambacity.gov.ph/index.php/festivals/192-article-185 https://www.slideshare.net/daniholic/ang-alegorya-ng-yungib-ni-plato Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III.Procedure: A. Activity 1. Recall:
  • 7. Panuto: Magsalaysay ng isang anedota batay sa sariling karanasan o pangyayaring nasaksihan. Isaalang-alang ang mga sumusunod. I presenta ito sa loob ng klase kinabukasan. 6. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 7. Malikhain 8. Masining 9. Maikli 10. Napupukaw ang interes ng mambabasa 2. Motivation: Panuto: ilahad ang iyong pananaw tungkol sa ipinapakita ng larawan. B. Analysis: Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng sanaysay na pinamagatang “Ang Alegorya ng Kuweba” ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
  • 8. C. Abstraction: 1. Bakit masasabing anino lamang ng katotohanan ang mga imaheng makikita sa mundo? 2. Sa iyong palagay, bakit ito pinamagatang “Alegorya ng Kuweba?” 3. Ano nga ba ang kahulugan, uri at bahagi ng sanaysay? Sanaysay D. Application: 1. Individual Guided Activity: Panuto: Gumawa ng pagsusuri sa binasang sanaysay batay sa kasunod na diyagram Panimula Katawan Wakas Tema/ Nilalaman Wika/Istilo
  • 9. 2. Group Differentiated Task: Panuto: Suriin ang akda sa mga angkop na sanaysay IV. Evaluation: Panuto: Bumuo ng isang sanaysay hango sa nabasang sanaysay na ”alegorya ng kuweba.” ilahad ang iyong saloobin. Gawin ito sa loob ng 15 minuto. V. Assignment: Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay. Sundin ang rubriks sa ibaba. ipasa ito kinabukasan. Pamantayan: Nilalaman 25 pts. Pagkamalikhain 25 pts. Maayos na paglalahad gamit ang mga bahagi ng sanaysay 25 pts. Maayos na paggamit ng mga salita 25 pts.
  • 10. LESSON PLAN NO. 3 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal (F10PN-Ib-c-63)  Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas (F10WG-Ib-c-58) II. Subject Matter: Ang Tusong Katiwala at ang mga Piling Pang-Ugnay sa Pagsasalaysay Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III. Procedure: A. Activity 1. Recall: Panuto: Patunayan na ang parabula ay may malaking impluwenysa sa nakaraan at kasalukuyang pamumuhay ng tao. Gamitin ang tsart sa ibaba. Parabula Nakaraan Kasalukuyan
  • 11. 2. Motivation: Panuto: Panoorin nang mabuti ang parabulang: Tusong Katiwala ANG TUSONG KATIWALA | PARABULANG NAGANAP SA SYRIA | FILIPINO 10 B. Analysis: 1. Bakit tatanggalin ng may-ari ang negosyo ng kaniyang katiwala? 2. Paano siya umabot sa gano’ng kalagayan? 3. Ayon sa akda, paano gagamitin ang kayamanan? C. Abstraction
  • 12. 1. Paano nakatutulong ang mga pang-uugnay (panandang pandiskurso) sa pagsasalaysay ng akdang pampanitikan na Tusong katiwala?
  • 13. D. Application 1. Individual Guided Activity: Panuto: Isulat sa ½ crosswise at Ibuod ang Kwentong Tusong Katiwala gamit ang mga panandang pandiskurso at salungguhitan ang mga ginamit na pang-ugnay. Gawin ito sa loob ng 10 minuto. 2. Group Differentiated Task: Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Isulat ang mga konseptong natutunan gamit ang concept mapping organizer. Kumuha ng isang taga-ulat at ipaliwanag ito sa klase. IV. Evaluation: Panuto: Isalaysay ang buod ng Tusong Katiwala sa tulong ng kasunod na mga salita. Sikaping gamitin ang mga panandang pandiskursong natutunan sa klase. Nagpunta ang isang anak_______________________________________________________ Ngunit_______________________________________________________________________ Kaya_________________________________________________________________________ Pagkatapos____________________________________________________________________ V. Assignment:
  • 14. Panuto: Bumuo ng apat na grupo at manood ng isang pararbula sa youtube. Pagkatapos, isulat sa manila paper at isagawa ang mga hinihinging kasagutan sa tsart. Kumuha ng isang taga-ulat upang ipaliwanag ito sa klase. Pamagat ng Parabula Tauhan Aral LESSON PLAN NO. 4 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay (F10PB-If-g-67)  Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan (F10WG-If-g- 61) II. Subject Matter: Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan ng Ang Kwintas ni Guy de Maupassant Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuwintas.html Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III.Procedure: A. Activity
  • 15. 1. Recall: (Pagsasagot sa naging Takdang-Aralin) Panuto: Bumuo ng apat na grupo at manood ng isang pararbula sa youtube. Pagkatapos, isulat sa manila paper at isagawa ang mga hinihinging kasagutan sa tsart. Kumuha ng isang taga-ulat upang ipaliwanag ito sa klase. Pamagat ng Parabula Tauhan Aral 2. Motivation: Panuto: Ang bawat mag-aaral ay iisip ng isang mahalagang bagay na ayaw nilang mawala sa kanilang buhay. At kung naghahangad pa sila ng higit sa bagay na iyon. Pipili ng tatlong mag-aaral upang ibahagi kung bakit at gaano ito kahalaga sa kaniya. B. Analysis 1. Bakit hindi dapat maging labis na naghahangad ang isang tao? 2. Paano mapaglalabanan ng tao ang paghahangad sa mga bagay na hindi naman niya kayang makuha? Panuto: Basahin ang maikling kwento na “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant
  • 16.
  • 17.
  • 18.
  • 19. 1. Ilahad kung paano naiba ang maikling kwento ng tauhan sa iba pang uri ng maikling kwento. 2. Paano inilaraan ng may akda ang buong pagkatao ng mga tauhan sa maikling kwento ng tauhan? C. Abstraction: Basahin at Unawain:
  • 20. 3. Suriin ang mga salitang may salungguhit. Paano ginagamit ang mga ito sa talata?
  • 21.
  • 22. D. Application 1. Individual Guided Activity: Panuto: Ihambing ang ugali ng pangunahing tauhan sa kuwento sa ugali ng mga akilala mo sa tulong ng talahanayan. Batayan Matilde Sariling Ina Kapatid Kaibigang Babae 1. Mga Nais sa buhay 2. Pakikitungo sa kapwa 3. Pagharap sa katotohanan 2. Group Differentiated Task: Panuto: Sa tulong ng mapping, ilahad ang katangian ng isang babae batay sa kwentong “Ang Kwintas”
  • 23. IV. Evaluation: Panuto: Sumulat ng isang paglalahad patungkol sa katangian ng pangunahing tauhan sa kwento na nais mong tularan at ipaliwanag kung bakit mo nais tularan ito. Gumamit ng mga panghalip na anapora at katapora sa pagsulat ng paglalahad. Isulat ito sa ½ crosswise. V. Assignment: Panuto: Magsalaysay ng isang pangyayaring maaaring narinig, nabasa o nakuwento sa iyo na nagpapatunay na ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay. I presenta ito sa klase. LESSON PLAN NO. 5 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG- Ig-h-62)  Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-69) II. Subject Matter: Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari gamit ang nobelang “Ang Kuba sa Notre Dame” Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications.
  • 24. Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III.Procedure: A. Activity: 1. Recall: Panuto: Magsalaysay ng isang pangyayaring maaaring narinig, nabasa o nakuwento sa iyo na nagpapatunay na ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay. I presenta ito sa klase. 2. Motivation: Panuto: Magtala ng ibat ibang akdang pampanitikang nabasa na. Pagkatapos, ibigay ang hinihingi sa kasunod na talahanayan. Akdang Pampanitikan Bansang Pinagmulan Katangian/ Kakayahan B. Analysis: 1. Nakabasa ka na ba ng nobela? 2. Ano nga ba ang Nobela?
  • 25. C. Abstraction: Pagpapanood ng “Ang Kuba sa Notre Dame” ANG KUBA NG NOTRE DAME 3. Bakit gayon na lamang ang panlilibak ng mga tao kay Quasimodo? 4. Paano ipinakita ni Quasimodo ang isang tapat na pag-ibig? 5. Bakit mahalagang magkakaugnay ang paglalahad ng pangyayari sa nobela?
  • 26. D. Application: 1. Individual Guided Activity: Panuto: Sa tulong ng talahanayan, ilahad ang bahaging masasalamin ang kultura ng bansang pinagmulan ng nobelang tinalakay, pagkatapos, iugnay sa kultura ng Pilipinas. Bahaging akdang masasalamin ang kultura Nangingibabaw na kultura Pag-uugnay sa Kultura sa Pilipino 2. Group Differentiated Task: Panuto: Ilahad ang kaibahan ng nobela sa ilang akdang pampanitikan. IV. Evaluation: Panuto: Magsakaysay ng isang karanasang ipinagtanggol mo ang iyong karapatan bilang mag- aaral. Gumamit ng mga panandang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. V. Assignment:
  • 27. Panuto: Sumulat ng pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa piling pangyayari ng nobelang binasa at tinalakay. Isulat ito sa isang buong papel. LESSON PLAN NO. 6 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Naibabahagi ang sariling opinyon tungkol nabasang maikling kwento  Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagsulat ng talata o tekstong naglalahad II. Subject Matter: Pangungusap na Naglalahad ng Opinyon batay sa maikling kwentong “Ang Alaga ni Barbara Kimenye” na isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. https://www.youtube.com/watch?v=pShmGweu2L0 Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III. Procedure: A. Activity 1. Recall: Panuto: Mamimili ng dalawang mag-aaral na magbabahagi sa klase ang isinulat na pangyayari sa inyong tunay na buhay na may pagkakatulad sa piling pangyayari ng nobelang binasa at tinalakay. 2. Motivation: Panuto: Panoorin at Unawain ang maikling kwento na “Ang Alaga ni Barbara Kimenye” Ang Alaga ni Barbara Kimenye
  • 28. B. Analysis: 1. Ilahad ang katangian ni Kibuka bilang isang kawani 2. Paano ginugol ni Kibuka ang panahon nang siya ay magretiro? 3. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang mga inilahad na pangyayari sa akda? Patunayan ang sagot. C. Abstraction: 1. Ano ang maikling kwento? 2. Ano ang Mga pangungusap na naglalahad ng Opinyon?
  • 29. D. Application: 3. Individual Guided Activity: Panuto: Pumili sa loob ng kahon ang angkop na pahayag na naglalahad ng sariling opinyon. Sa aking palagay Maaaring baka naniniwala ako siguro talaga 1. __________________ na maaari pang mabago ang takbo ng buhay ng bawat pilipino. 2. __________________ bukas magaganap ang lahat 3. __________________, ang tao ay bahagi ng pagbabago sa lipunan. 4. __________________ nga, tama ang sinabi niya. 5. __________________ ganoon nga. 4. Group Differentiated Task: Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Sikaping ilahad ang inyong mga opinyon sa mga sumusunod na paksa. Pumili ng tig dalawang kamag-aral na magrerepresenta ng inyong mga opinyon sa harapan. 1. Pagpili ng Mamumuno sa Pamahalaan 2. K to 12 IV. Evaluation: Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na salita gamit ang iyong opinyon.
  • 30. Ang akdang tinalakay ay mahalaga sa: a. Sarili (patunayan): __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ b. Lipunan (patunayan): __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ c. Daigdig (patunayan): __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ V. Assignment: Panuto: Bumuo ng talatang naglalahad hinggil sa iyong kagustuhan na nagbibigay opinyon. LESSON PLAN NO. 7 Grade Level: Baitang 10 I. Objective:  Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53)  Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon , panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-55) II. Subject Matter: Pang-abay na pamanahon sa pamamagitan ng Alamat ni Prinsesa Manorah Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper
  • 31. III.Procedure: A. Activity: 1. Recall: Panuto: Ipresenta ang nabuong talata na naglalahad hinggil sa iyong kagustuhan na nagbibigay opinyon. 2. Motivation: Panuto: Bumuo ng apatna grupo. Pag-usapan ang alamat na naalala nila na nabasa nila sa buong buhay nila. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili. B. Analysis: Panuto: Panoorin nang mabuti ang “Alamat ni Prinsesa Manorah” ALAMAT NI PRINSESA MANORAH 1. Bakit kakaibang babae si Prinsesa Manorah? 2. Ipaliwanag kung ano ang kaibahan ng maikling kwento sa alamat. C. Abstraction: 1. Ano nga ba ang alamat?
  • 32. 2. Ano ang Pang-abay na Pamanahon?
  • 33. D. Application: 1. Individual Guided Activity: Panuto: Punan ang Tsart ng tamang sagot sa “Alamat ni Prinsesa Manorah” Alamat ni Prinsesa Manorah Paksa Katangian ng Tauhan Kaisipan 2. Group Differentiated Task: Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Isulat ang hinihingi sa graphic organizer. Iulat ito sa klase.
  • 34. IV. Evaluation: Panuto: Batay sa iyong napanood na alamat, ipaliwanag mo ang iyong pagsusuri sa katangian ng alamat. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ V. Assignment: Panuto: Lumikha ng sariling alamat at isalaysay mo ito sa masining na paraan. Pamantayan A. Malikhaing Pagsasalaysay 50 puntos B. Paraan ng Pagsasalaysay 1. Tono at lakas ng tinig 2. Wastong bigkas ng mga salita 30 puntos C. Hikayat sa Manonood 20 puntos Kabuuan 100 puntos LESSON PLAN NO. 8
  • 35. Grade Level: Baitang 7 I. Objective:  Nailalahad ang mga elemento ng maikling kuwento  Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari (F7PS-IIi-11)  Naisusulat ang isang akda gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento II. Subject Matter: Pagpapakilala sa Banghay bilang gamit sa Elemento ng akdang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. https://tl.goodsalt.com/details/prcas4115.html https://ph.lovepik.com/image-401054909/families-play-on-slides.html https://ph.lovepik.com/image-400551061/study.html https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/389242/3-anyos-na-babae-inabuso- umano-ng-sariling-ama-sa-camarines-sur/story/ http://efren-abueg.blogspot.com/2009/07/mabangis-na-lungsod.html Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III.Procedure: A. Activity: 1. Recall: Panuto: Pag pe presenta ng mga likhang alamat sa pamamagitan ng pagsasalaysay nito sa masining na paraan. 2. Motivation: Panuto: suriin ang larawan. Tukuyin ang mga dapat maranasan ng isang bata.
  • 36. 1. 2. 3. 4. B. Analysis: Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na maikling kwento. http://efren-abueg.blogspot.com/2009/07/mabangis-na-lungsod.html Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahambing ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adonng. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi y naroroon, hindi dahil sa may layunin, kundi dahil sa naroroon lamang, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroroon man o wala ang gabi- at at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang mga nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon dahil sa bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagka t ang simbahan ay ang buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng sweepstakes, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punungkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay
  • 37. nakatunghay ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso na upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad. Napapaiyak na si Adong, Waling-waling ang tingin niya sa mga ilaw dagitab na parang mga piraso ng apoy na ikinalat sa kalawakan. Kanina pa siyang tanghli sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang araw sa kanyang likod na bahagya nang nadaramtan at nangawit na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring hidad na gumagapang sa kanyang katawan. Mama Ale, palimos na po. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malamig na parang bato, ang ibang mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali- ng pag-iwas. Singko po lamang, Ale hindi pa po ako nanananghali! Kung may pumapansin man sa pananawagan ni Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. Pinanghahanapbuhay yan ng mga magulang para may maisugal, madalas marinig ni Adong. Nasasktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. Halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kaninuman sa naroroong mga pulubi. Alam niyang hindi maiiwasan ang pahingi ni Bruno ng piso sa kanya, sa lahat. May reklamo? Nakakasindak ang tinig ni Bruno. Ang mga mata nito y nanlilinsik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. Sa gayong kalagayan, ang mga kamay ni Adong ay nanginginig pa habang inilalagay niya sa masikim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kalian man ay hindi nakarating sa kanyang bituka. Maawa na po kayo, Mama Ale gutum na gutom na ako! Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa, Ang mga tao y waring lantad sa paglilimos. Ang mga tao y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaari. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila bas a wala pang isang oras na pakakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawad sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan. Malapit ng dumating si Bruno ani Aleng Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa y para sa lahat na maaaring makarinig Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ang kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapatindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao- malamg walang awa, sa kanyang kalooban. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag,
  • 38. sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurursing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malilinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang lukbutan. Ilan pang bagol ng nalaglag sa kanyang palad at sa kaabalahan niya y hindi napansing kakaunti na nag taong lumalabas mula sa simbahan, Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang- bahala,ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas, Adong.. ayun na si Bruno, naririnig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang ininuso sa kanya ni Alling Ebeng. Si Bruno nga. Anf malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit and lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol. Diyan na kayo, Aling Ebang sabihin ninyo kay Bruno na wala ako! mabilis niyang sinabi sa matanda. Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno! Narinig naman ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang munting iskinita. Sumandal siya sa isang post eng kuryente. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipan ni Adong ay tumindig ang tahumpay ng isang musmos na paghihimagsik, ang paglayo kay Bruno, ang paglayo sa Quiapo, ang paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay sa simbahan, sa kabangisang sa mula t-mula pa y nakilala niya at kinasuklaman. Muling dinama niya ang mga bagol sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing. Adong! sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray na ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at sa kabangisan. Bitiwan mo ako Bruno! Bitiwan mo ako! nasigaw na lamang si Adong, Ngunit hindi na niya narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya sa kanyang mukha ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya, Nahilo. At pagkaraan ng ilang saglit, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya. 1. Paano ipinakita sa akda ang pagiging “mabangis” ng lungsod? I[aliwanag. 2. Tukuyin ang mga bagay na gustong takasan ni Adong
  • 40. 3. Bakit dapat matukoy ng mga mambabasa ang banghay ng isang kuwento? D. Application 1. Individual Guided Activity: Panuto: Sa tulong ng sumusunod na estratehiya, ibigay ang ipinapahiwatig ng pamagat.
  • 41. 2. Group Differentiated Task: Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Mag-ulat patungkol at suriin ang banghay gamit ang sumusunod na estratehiya. IV. Evaluation: Panuto: Bumuo ng isang kwento na batay sa iyong kagustuhan. Gawing gabay sa pagbuo ng kuwento ang sumusunod na istratehiya.
  • 42. Pamagat: Panimula: Gitna Unang Pangyayari: Ikalawang Pangyayari: Ikatlong Pangyayari Wakas: V. Assignment: Panuto: Ikuwento ang isang panyayari sa iyong buhay na nag-iwan ng di-malilimot na karanasan sa iyo gamit ang sumusunod na estratehiya. LESSON PLAN NO. 9 Grade Level: Baitang 7 I. Objective:  Natutukoy ang kahuligan ng tula at iba pang uri ng anyong patula  Naillahad ang diwa ng tulang nabasa  Nakalilikha ng sariling tula gamit ang kanilang karanasan II. Subject Matter: Pagsulat ng Tula gamit ang akdang Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal Reference/s: Pamana, Aralin 18 (Pahina 64-65)
  • 43. Materials: whiteboard marker, ballpen, whiteboard, bond paper, manila paper III.Procedure: A. Activity 1. Recall: Pagpapasa ng kanilang takdang aralin. 1. Gaano kahalaga ang pagtukoy sa banghay ng isang akdang pampanitikan? 2. Bakit kailangan ito pag-aralan? Ipaliwanag. 2. Motivation: Panuto: Ang buong klase ay kinakailangang makapagbigay ng isang taludtod na angkop sa paksang ibibigay habang tumutugtog ang isang musika. Kung kanino matapat at huminto ang musiko, siya ang magbibigay ng isang taludtod ng tula. At dudugtungan naman ito ng kasunod. Paksa: Pag-ibig B. Analysis: C. Abstraction
  • 44. : D. Application: 1. Individual Guided Activity: Panuto: mag-isip ng isang tulang nalalaman mo at alamin kung anong uri ito ng tula. Ipaliwanag kung paano ito naging isang uri ng tula at ipaliwanag kung bakit iti ang napili mo. Isulat ito sa 1/2 crosswise. 2. Group Differentiated Task: Panuto: Sa bawat grupo, kinakailangang magsulat sa isang manila paper ng saloobin patungkol sa nabasang tula na akda ni Dr. Jose Rizal at I presenta sa klase. Sundin ang halimbawa.
  • 45. IV. Evaluation: Panuto: Kumha ng ½ crosswise na papel at sagutan ang mga sumusunod. Sa loob ng 10 minuto, ay kinakailangang ipasa na ang inyong gawa. V. Assignment: Panuto: Sumulat ng isang tula sa isang buong papel. Idepende ito sa inyong karanasan na binubuo ng limang saknong. Ipasa bukas at I presenta sa klase.
  • 46. LESSON PLAN NO. 10 Grade Level: Baitang 7 I. Objective:  Natutukoy ang hatid sa bisa ng panitikan gamit ang akda ni Edgar Calamboa Samar  Nakasusulat ng bisa sa panitikan gamit ang akdang nalalaman. II. Subject Matter: Mga Hatid sa Bisa ng Panitikan gamit ang “Kay Mariang Makiling” ni Edgar Calambia Samar Reference/s: Guerrero, P., & Laxina, T., et al (2014). Kayumanggi. Imus, Cavite, Leo- Ross Publications. http://www.thephilippineliterature.com/kay-mariang-makiling/ Materials: Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper III.Procedure: A. Activity: 1. Recall: Panuto: Pagpe presenta ng isinulat na tula sa klase. Na nakadependesa inyong karanasan na binubuo ng limang saknong. 2. Motivation: Panuto: Sa loob ng 5 minuto, mag-isip ng isang tulang pamilyar sa inyo. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili. B. Analysis: Panuto: Basahin ang tulang “Kay Maria Makiling “ http://www.thephilippineliterature.com/kay-mariang-makiling/
  • 47. 1. Ilarawan ang taong nagsasalita sa tula. Ano ang bumabagabag sa kaniya? 2. Ipaliwanag ang sa palagay mo na damdamin ng taong nagsasalita. C. Abstraction:
  • 48.
  • 49. D. Application: 1. Individual Guided Activity: Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang bisang pampanitikan na iyong natamo matapos basahin ang tula. 2. Group Differentiated Task:
  • 50. Panuto: magpangkat-pangkat at balikan ang ano mang akdang pampanitikan ang iyong nabasa, maaaring kwento, alamat, nobela o tula. Ilahad ang bisang pampanitikang natamo mula rito. IV. Evaluation: Panuto: ibigay ang iyong reaksyon o pananaw sa nabasang tula. Isulat ito sa ¼ na papel sa loob ng 10 minuto pagkatapos ay ipasa. V. Assignment: Panuto: Bumuo ng isang testimonya/ patotoo na mga positibong naganap sa iyong buhay gamit ang tatlong bisa ng panitikan. Isulat ito sa ½ crosswise at ipresenta sa klase kinabukasan. Gamitin ang diyagram sa ibaba.