2. Panuto: Sagutin ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat ang M kung ang
pahayag ay makatotohanan/totoo o D kung ang pahayag ay di-
makatotohanan/di-totoo sa sagutang papel.
_______1. Ang buong mundo ay nakaranas ng COVID-19.
_______2. Ang mga isda ay lumilipad.
_______3. Nasisira ang ating kalikasan dahil sa pang-aabuso ng mga
tao.
_______4. Ang mga bata ay di-dapat kumain ng masustansiyang
pagkain.
_______5. Masusing pag-iingat at pag-aalaga sa ating katawan ay
kailangan sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
3. Panuto: Alamin kung anong elemento ang
ipinapahayag sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.
A. Simula B. Gitna C. Wakas
4. Panuto: Alamin kung anong elemento ang ipinapahayag
sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.
______1. tauhan ______6. kasukdulan
______2. tagpuan ______7. kalakasan
______3. suliranin ______8. katapusan
______4. saglit na kasiglahan ______9. bida
______5. tunggalian ______10. sa loob
ng silid
5. Basahin muli ang alamat na “Kung Bakit Nasa Ilalim ng
Lupa ang Ginto” sa nakaraang talakayan.
Pagtatalakay
• Ang binasang akda ay naglalahad ng pinagmulan.
• Ang lahat ng bagay ay may pinagmulan, ito ay
tinatawag na alamat.
• Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at
panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig, Kaugnay
ang alamat ng mga mito at kuwentong bayan.
6. •Mahalaga ito dahil sumasalamin ito sa kultura ng
ating mga ninuno at dito natin mababatid kung
saan at ano ang pinagmulan ng isang bagay,
lugar, pangyayari o katawagan.
•Isa rin itong pang-aliw at higit sa lahat
pinagkukunan ng aral.
•Nagbibigay ito ng talino at kaisipan sa atin.
8. Simula
Tauhan – karakter sa kuwento
Tagpuan – lugar na pinangyayarihan ng
mga eksena
Suliranin – problemang kinakaharap ng
pangunahing tauhan
9. Gitna
Saglit na kasiglahan- kasiglahan sa kuwento
ngunit biglang papawiin ng isang masamang
pangyayari.
Tunggalian- paghaharap o pag-aaway ng mga
karakter.
Kasukdulan- pinakamagandang parte o bahagi ng
istorya.
11. Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga kahulugan ng mga salitang nasa
Hanay A. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
____1. Tauhan a. kung saan nagtatapos ang isang kuwento
____2. Tagpuan b. karakter sa kuwento
____3. Suliranin c. paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
____4. Tunggalian d. lugar na pinangyayarihan ng mga eksena
____5. Katapusan e. problemang kinakaharap
ng pangunahing tauhan.
12. Panuto: Alamin kung anong elemento ang
ipinapahayag sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng
kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
A.Simula B. Gitna C. Wakas