SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Download to read offline
Ni Victor Hugo
Aralin 5
KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO
(Learning Material)
Sa Filipino
Baitang 10
Inihanda ni
MARIA RAMELIA M. ULPINDO
Guro sa Filipino- Baitang 10
Baguio City High School
Nobela Mula sa France
Unang Markahan
GUIDE CARD (Pamatnubay)
Sa iyong paglalakbay may madadaanan kang mga istasyon na susubok sa
iyong kakayahan/kasanayan upang makamit mo ang tagumpay.
Unang Istasyon ay ang GUIDE CARD (PAMATNUBAY)
Sa istasyong ito matutunghayan ang aralin at ang layunin na ating pagtutuunan ng pansin.
Ikalawang Istasyon ay ang ACTIVITY CARD ( PAGSUBOK)
Ito naman ay kinapapalooban ng gawain na susubok sa iyong kasanayan o kakayahan at pagkama-
likhain upang matamo mo ang iyong layunin.
Ikatlong Istasyon ay ang ASSESMENT CARD (PAGTATAYA )
May mga katanungan dito na iyong sasagutan. Ang mga katanungan na makikita sa bahaging ito ay
makatutulong sa iyo upang mapalawak pa ang iyong kaalaman.
Ikaapat na Istasyon ay ang ENRICHMENT CARD (PAGPAPALAWAK)
Makikita mo ang gawain na tutulong sa pagpapalawak pa ng iyong kaalaman hinggil sa ating paksa.
Ikalimang Istasyon ay ang REFERENCE CARD (Susi sa Pagwawasto)
Ang Susi sa Pagwawasto (Key Answers) ay inilaan naman para sa pagwawasto ng iyong mga sagot
sa bawat pagsubok na iyong isinagawa.
Istasyon 1
Kumusta na kaibigan? Handa ka na ba sa gawain natin ngayong araw na ito?
Bago ka dumako sa istasyon 2, basahin muna sa pahina 10-11 ang mga karagdagang kaalaman upang mas
madali ang iyong pagbiyahe sa bawat istasyon. Matapos mong basahin ang nasabing pahina ay sagutin na
ang unang pagsubok sa susunod na pahina.
Lakbay na!
2
Kung gayun ay kailangan mo lang ng masusing pag-intindi
at malawak na pang-unawa sa mga pagsubok na pagda-
daanan mo. Dahil ang mga gawaing nakapaloob dito ay su-
subok sa kakayahan mo bilang manlalakbay. Kailangan lang
magbigay ng oras at panahon upang mapagtagumpayan mo
ang mga ito
ACTIVITY CARD
Unang Pagsubok: TALASALITAAN
Alam kong handa ka na, simulan na nating suungin ang mga pagsubok at
dito mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagsagot sa mga talasalitaan.
Mahusay! Natapos mo ang unang pagsubok.
Maglakbay na sa susunod na istasyon….
Istasyon 2:
Basahin at unawain ang mga pangungsap sa Hanay A. Ayusin ang pinagulong salita sa hanay
B upang matukoy ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa Hanay A. Isulat sa Hanay C
ang wastong kahulugan.
3
HANAYA
HANAY B HANAY C
1-2. Nang araw ding iyon, iniluklok siya sa
trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris
sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong
naroroon na nakibahagi sa kasiyahan
1.
2.
1. UPIANOP
2. ALTAPIANL
3. Sa paghahanap ng makakain , nasilayan ni
Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda.
3.3. KTAANI
4. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuk-
tok ng Notre Dame at nakaramdam ng matind-
ing panibugho sa nasasaksihan.
4.4. SEPGAESOLS
5. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya
si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda.
5.5. PIKPAAAITIKGK
6. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa
Katedral at tumatangis na isinigaw ang kata-
gang “Santuwaryo.”
6.6. KUMIYIA
7. Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila nagbaba ng kautusan ang
parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa
katedral.
7.7. GIILTSA
8-9. Labis na pagkamangha ng dalawa nang
mabatid nila na sila ay mag-ina.
8.
9.
8. GAPTAKGULA
9. MMAALNA
10. Nang mabatid ni Quasimodo na nawa wala
si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng
tore at doon hinanap ang dalaga.
10.10. GTNIUON
Alam niyo ba na ang nobelang Ang Kuba ng Notre Dame ay isinulat ni Victor Hugo? Gus-
to niyang sa pamamagitan ng kanyang isinulat ay maramdaman ng mga tao na kahit anong
pisikal na katangian meron ang isang tao ay tao pa rin ito, humihinga, tumatawa, umiibig at
nakakaramdam ng sakit. Kaya naman kung pwede ay tigilan na ang pagpapasakit o di kaya ay
huhusga sa kanila.
Ano nga ba ang nobela? Sa pagsubok sa ibaba tukuyin mo kung anong mga parirala o
pahayag ang may kaugnayan sa nobela.
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung ang pangungusap ay may kaugnayan sa nobela
Ikalawang Pagsubok
4
1. isang kuwento o kasaysayan
2. binubuo ng sukat at mga talata
3. binubuo ng mga kabanata
4. bungang- isip/ katha na nasa anyong prosa
5. tungkol sa mga kaispan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng
mga impormasyon
6. tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?
7. isang pag-aaral
8. naglalahad ng isang kawil ng kawili-wiling mga pangyayari na
pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas
9. naglalarawan ng iisang kakintalan
10. paggamit ng malikhaing guniguni
Binabati kita sa iyong tagumpay!
Humahanga ako sa galing mo.
Ngunit di pa tayo tapos kaibigan…
Ipagpatuloy pa ang paglalakbay.
Ang huling pagsubok ay tungkol sa
nobelang Ang Kuba ng Notre
dame. Lakbay na!
Ikatlong Pagsubok:
Magaling! Natapos mo rin ang pangatlong pagsubok. Kung nakuha mo lahat ang ta-
mang sagot , isa ka ngang manlalakbay. Ngunit kaibigan, may ikatlong istasyon pa sa
susunod na pahina. Dumako na tayo sa susunod na istasyn. Lakbay na!
5
Ang huling pagsubok ay tungkol sa mahalagang detalye na makikita sa “Ang Kuba ng
Notre Dame”. Kung ika’y nalilito pa, maaring basahin mo muli ang nobela sa huling
pahina upang matulungan ka sa mga pagsubok.
1. Pierre Gringoire
a. Tinawag siyang babaeng “hamak na mana-
nayaw” at “anak ng magnaanakaw”
2. La Esmeralda
b. Nais niyang niyang bihagin ang dalaga at ita-
go sa kaniyang selda sa Notre Dame
3. Claude Frollo
c. Hindi siya matagumpay na agawin ang kaaba-
lahan ng mga tao sa panonood ng parada
4. Sister Gudule
d. Itinanghal siya bilang “Papa ng Kahangalan”
dahil sa taglay niyang labis na kapangitan
5. Quasimodo
e. ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kahari-
an
6. Phoebus
f. Ang sumulat ng akdang “Ang Kuba ng Notre
Dame
7. Victor Hugo
g. Pinaniniwalaan na dating mayaman subalit
nawalan ng bait nang mawala ang anak na ba-
bae
Pagtapat-tapatin
Hanapin sa Hanay B ang tumutu-
koy sa Hanay A. Isulat sa kahon
bago ang bilang ang tamang sagot.
ASSESSMENT CARD (Pagtataya)Istasyon 3:
Ang bawat paglalakbay ay may hangganan. Sa bawat yugto ng ating buhay ay nakaranas na tayo ng mga pag-
subok. Katulad ng pangunahing tauhan sa nobela na hindi niya maunawaan kung bakit siya nakararanas ng
panghuhusga mula sa kapwa. Subukan mo ring sagutin ang mga katanungan sa ikatlong istasyon sa ibaba upang
tuklasin kung hanggang saan ang natamo sa pag-aaral sa nobela.
Piliin at isulat sa patlang
ang letra ng tamang sagot.
_____1. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng
pangungutya ng mga taong naroroon na nakibahagi sa kasiyahan.
Ipinapakita sa pahayag na ang mga tao sa Paris ay ___________________.
a. masayahin b. mapanghusga c. maalalahanin d. mainipin
_____ 2. Uri ng panitikan na naglalahad ng isang kawil ng mga pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas.
a. nobela b. maikling kuwento c. tula d. sanaysay
_____ 3. Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay _________, ___________ at
_____________.
a. may tugma, sukat at himig
b. sumasagot sa tanong na sino? ano? at bakit?
c. isa ang kuwento o kasaysayan, isang pag-aaral at paggamit ng malikhaing guni-guni
d. binibigyang- halaga ang kilos o galaw, ang pagsasalita at kaisipan ng tauhan
_____ 4. Ang nobela ay binubuo ng mga ________________.
a. saknong b. taludtod c. kuwento d. kabanata
_____ 5. Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang paring nag-alaga sa kubang si
Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. stereotypical b. hindi stereotypical c. tauhang bilog d. tauhang lapad
_____ 6. Ang kuba ng Notre Dame ay itinanghal bilang _____________________.
a. Papa ng Roma b. Hari ng Notre Dame c. Papa ng Kahangalan d. Hari ng Kabaitan
_____ 7. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kanya.
Sinong tauhan ang tinutukoy sa panghalip na siya?
a. Gringoire b. Frollo c. Esmeralda d. Quasimodo
_____ 8. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya.
Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag?
a. may malasakit sa kapwa b. may malaking pagkagusto c. may kababaang loob
_____ 9. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok at doon hinanap ang
dalaga. Ano ang damdamin ang nanaig kay Quasimodo sa pahayag?
a. pag-aalala b. kagalakan c. katusuhan d. pag-iisip
_____ 10. Nang mamataan si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya sa tore ang
paring kumupkop sa kanya. Ano ang nagtulak kay Quasimodo na gawin ito kay Frollo?
a. matinding galit b. matinding hinanakit c. matinding pagdurusa d. matinding pasasalamat
Hindi pa tapos kaibigan, halika na
sa susunod na pahina. Alamin natin
ang huling pagsubok.
6
Yehey! Lapit
na! Kaya pa!
Mahusay! Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Ang susunod naman na gagawin ay ang
pagpapakita kung hanggang saan ang nalalaman mo sa mga panandang pandiskurso na maaaring maghudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Istasyon 4: ENRICHMENT CARD
(Pagpapalawak)
A. Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari. (sa madaling
sabi, saka, dahil, kung bukod sa)
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na ka-
hulugan n pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa nonng dekada ’70 sa ila-
lim ng Batas Militar. (1) ____________ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina sa limang anak na
pulos lalaki at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal,
umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2) ___________ kaya’t
lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) ______________
dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4) ________________ naging
makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay
malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5)
_______________ nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng
panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay
nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.
B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panandang pandiskurso o hudyat sa pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa pagsasalaysay ng isaang napanood na palabas.
1. magsisimula ako sa __________________________________________________________
2. huwag lang ________________________________________________________________
3. bunga nito _________________________________________________________________
4. sakali _____________________________________________________________________
5. sa ibang salita _______________________________________________________________
7
Mahusay kaibigan! Tagumpay ka
sa iyong paglalakbay. Malayo ang
iyong mararating dahil sa iyong
kakaibang tiyaga at galing.
Hango sa Filipino– Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015. Pilipinas ng Vibal Group
Inc. Pahina 84.
Sa wakas, tapos ka na! Tignan natin kung matagumpay mong nalagpasan ang mga pagsubok na iyong tinahak. Kung marami
kang nakuha, ibig sabihin ay isa kang huwarang manlalakbay at magiting na mandirigma na handang sumuong sa laban ng
buhay na kahit anumang balakid sa buhay ay handang lumaban at hindi sumusuko hanggang wakas.
REFERENCE CARD (May Tama Ka!)
A. Susi sa PagwawastoIstasyon 5:
Unang Pagsubok Ikatlong PagsubokIkalawang Pagsubok
1. PINAUPO 6. UMIIYAK 1. / 6. / 1. C 6. E
2. PANLALAIT 7. ILIGTAS 2. x 7. / 2. A 7. F
3. NAKITA 8. PAGKAGULAT 3. / 8. / 3. B
4. PAGSESELOS 9. MALAMAN 4. / 9. x 4. G
5. PAKIKIPAGKITA 10. TINUNGO 5. x 10. / 5. D
8
ACTIVITY CARD (Pagsubok)
ENRICHMENT CARD (Pagpapalawak)
1. B 6. C
2. A 7. D
3. C 8. A
4. D 9. A
5. C 10. A
ASSESSMENT CARD (Pagtataya)
1. bukod sa
2. kung
3. dahil
4. saka
5. sa madaling sabi
Narito ang mga pinagkuhanan at pinagbasehan ng mga gawain, aralin at mga larawan upang magabayan ka sa iyong
paglalakbay.
9
Modyul para sa mag-aaral
https://www.google.com.ph/search?
q=quasimodo+clipart&biw=977&bih=451&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjJ9YHKjLbOAhXDnZQ
KHS6ICjsQ_AUIBigB#imgrc=PS5L9YyR6pAR2M%3A
https://www.google.com.ph/search?
q=notre+dame+clip+art&biw=977&bih=451&tbm=isch&imgil=JQZh0hShPk5vOM%253A%253BbfcJQcT8H7--
9M%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fworldartsme.com%25252Fnotre-dame-
clipart.html&source=iu&pf=m&fir=JQZh0hShPk5vOM%253A%252CbfcJQcT8H7--9M%
252C_&usg=__MlaeM97f26C1KiwJUbJc4v6dZJE%3D&ved=0ahUKEwiGhvCP6rXOAhXMppQKHX-
QAtwQyjcINQ&ei=IJWqV4b2EczN0gT_oIrgDQ
Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para
sa “Pagdiriwang ng Kahangalan » na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang
itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan » dahil sa taglay niyang
labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon,
iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng
mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging
makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa
panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang
nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay
Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang kaganapan. Inutusan niya si
Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang
dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni
La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki- sina Quasimodo at
Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo
kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari
sa pangunguna ni Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo.
Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si
Gringoire . Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay
sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang
buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa
pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo
sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at
ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob.
Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa
kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga
taong nakatingin sa kaniya- na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang
kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak
na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw
kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw”. Kilala
ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang
bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at
pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na
kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya
nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang
lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng
matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-
udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang
10
masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang su-
mapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang
nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis
ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may
kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya
ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensyahang bitayin sa harap ng palasyo.
Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin
din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esme-
ralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo.
Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain.
Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay na-
kaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang
bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng
Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Kate-
dral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo ». Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeral-
da nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa
kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng
dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw
na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimo-
do. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw – sila ang kinikilalang
pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng
kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni
Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas
ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo,
sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga:
ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang
hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang
pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda
dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago
mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at
doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan , napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay
nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang
nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga.
Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot
na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa
kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal. – si La Esmeralda. Habang
nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong
minahal“. Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni
La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng
kuba sa katawan ng dalaga.
11
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Alam mo ba na...
ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagka-
kasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton tungkol sa
pagkakabuo ng diskurso ? Karaniwan nang ito ay kinakatawan ng mga
pang-ugnay o pangatnig.
Halimbawa
• at, saka, pati – nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasy-
on
• maliban , bukod kay , huwag lang , bukod sa – nagsasaad ng pag-
bubukod o paghihiwalay
• tuloy, bunga nito , kaya, naman – nagsasaad ng kinalabasan o kinahi-
natnan
• kapag , sakali, kung – nagsasaad ng kondisyon o pasubali
12
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
Baguio City High School
Governor Pack Road, Baguio City
SERTIPIKASYON NG PAGGAMIT
Ang Kagamitang Pampagkatuto ng Ang Kuba ng Notre Dame ay sadyang inihanda
para makatulong sa pag-aaral ng nabanggit na akdang pampanitikan.
Ito ay inihanda ni Bb. Maria Ramelia M. Ulpindo -Teacher III sa Kagawaran ng Filipino
sa Ikasampung Baitang.
Ang sertipikasyon na ito ay pagpapatunay na nagamit ang nabanggit na kagamitan para
mas lalong mapadali ang pag-aaral ng akdang pampanitikan na nakapaloob sa K-12 kuriku-
lum, Ikasampung Baitang sa asignaturang Filipino.
Pangalan ng Guro Lagda Petsa
Pangalan ng Guro Lagda Petsa
ROMULO M. FLORA.
Punong-guro IV sa Sekundarya
Mahal na Punongguro:
Magandang araw po!
Ang Baitang 10 – Kagawaran ng Filipino ay buong tapat at galing na nakikiisa sa pagsasakatupa-
ran ng tunay na dekalidad ng edukasyon para sa ating paaralan.
Ako po ay isa sa mga guro ng Baitang 10 sa asignaturang Filipino na nagtataguyod ng tunay na
dekalidad na edukasyon. Bilang tugon po sa mga ito na makakatulong sa ating paaralan. Ako po ay
naghanda ng kagamitan para makatulong sa mga mag-aaral at para rin sa aking mga kapwa guro
sa paaralang ito. Ito po ay pinamagatang “Kagamitang Pampagkatuto ng Ang Kuba ng Notre
Dame”.
Naniniwala po ako na makakatulong ito sa ating paaralan para mapangalagaan ang ating litera-
turang Pilipino at lalong maliwanagan ang mga mag-aaral sa
kahalagahan ng pag-aaral ng akdang ito.
Sa malugod po ninyong pagtanggap, ako po ay humihingi ng pahintulot para
maipagamit ito sa mga kapwa ko guro.
Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
MARIA RAMELIA M. ULPINDO
Teacher III
Binigyang-pansin nina:
MAYLYN G. SAMIDAN DEAN B. MENDOZA
Pinunong Guro III – Filipino Pinunong Guro III – Filipino
Pinagtibay ni:
ROMULO M. FLORA
Punongguro IV sa Sekundarya
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
Baguio City High School
Governor Pack Road, Baguio City
DAHON NG PAGPAPATIBAY
“Kagamitang Pampagkatuto ng Ang Kuba ng Notre Dame”
Ang kagamitan na ito ay inihanda para sa mas
makabuluhang pag-aaral ng nabanggit na akdang pampanitikan sa
asignaturang Filipino, Ikasampung Baitang
Ito ay inihanda ni:
MARIA RAMELIA M. ULPINDO
Guro sa Filipino Baitang 10 ng Baguio City High School.
Sinuri ni:
MARITES V. OSOTEO
LRMDS Coordinator
Binasang-nilalaman ng mga Pinunong Guro sa Kagawaran ng Filipino:
MAYLYN G. SAMIDAN DEAN B. MENDOZA
Pinunong Guro III-Filipino Pinunong Guro III-Filipino
Pinagtibay ni:
ROMULO M. FLORA
Punong-guro IV sa Sekundarya

More Related Content

What's hot

Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
 
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuriAlegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuriAlexia San Jose
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahadsarahruiz28
 
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxAng Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxMark James Viñegas
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagAllan Lloyd Martinez
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaJennifer Baluyot
 
Mga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyaMga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyamenchu lacsamana
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Jeremiah Castro
 
Aralin2.7 fil10 mk
Aralin2.7 fil10 mkAralin2.7 fil10 mk
Aralin2.7 fil10 mksarahruiz28
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaJuan Miguel Palero
 
Talumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffTalumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffJenita Guinoo
 

What's hot (20)

Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuriAlegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuri
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
Ang Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibigAng Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibig
 
Demo ni dhang
Demo ni dhangDemo ni dhang
Demo ni dhang
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxAng Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
 
Mga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyaMga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiya
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
 
Aralin2.7 fil10 mk
Aralin2.7 fil10 mkAralin2.7 fil10 mk
Aralin2.7 fil10 mk
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
 
Talumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffTalumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma Rousseff
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 

Similar to SIM Ang Kuba ng Notre Dame

Ebora kaycee iii-a2_test question
Ebora kaycee iii-a2_test questionEbora kaycee iii-a2_test question
Ebora kaycee iii-a2_test questionKei-c Ebora
 
K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan
K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan
K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan Joel Soliveres
 
Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipino
Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipinoBanghay Aralin sa pagtuturo ng filipino
Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipinoMardie de Leon
 
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima MacarompisDetailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima MacarompisUntroshlich
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAUBREYONGQUE1
 
Lm modyul 1.04.14.15pdf
Lm   modyul 1.04.14.15pdfLm   modyul 1.04.14.15pdf
Lm modyul 1.04.14.15pdfEmma Garbin
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at reModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at reMaricar Ronquillo
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSJayRomel1
 
Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01
Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01
Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01Christian Dumpit
 
FINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docx
FINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docxFINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docx
FINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docxAprilNonay4
 
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptxARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptxCHRISTINEMAEBUARON
 
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8andresnicole398
 

Similar to SIM Ang Kuba ng Notre Dame (20)

Modyul 18
Modyul 18Modyul 18
Modyul 18
 
Ebora kaycee iii-a2_test question
Ebora kaycee iii-a2_test questionEbora kaycee iii-a2_test question
Ebora kaycee iii-a2_test question
 
Ang kuwintas 2
Ang kuwintas 2Ang kuwintas 2
Ang kuwintas 2
 
K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan
K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan
K-TO-12 GRADE 7 FILIPINO Unang Markahan
 
Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipino
Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipinoBanghay Aralin sa pagtuturo ng filipino
Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipino
 
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima MacarompisDetailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
 
maikling kwento.pptx
maikling kwento.pptxmaikling kwento.pptx
maikling kwento.pptx
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Lm modyul 1.04.14.15pdf
Lm   modyul 1.04.14.15pdfLm   modyul 1.04.14.15pdf
Lm modyul 1.04.14.15pdf
 
Filipino 10 Q2 MODULE 6.pptx
Filipino 10 Q2 MODULE 6.pptxFilipino 10 Q2 MODULE 6.pptx
Filipino 10 Q2 MODULE 6.pptx
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at reModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSS
 
Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01
Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01
Detailedlessonplaninfilipino 130618124802-phpapp01
 
ELEMENTO NG ALAMAT.pptx
ELEMENTO NG ALAMAT.pptxELEMENTO NG ALAMAT.pptx
ELEMENTO NG ALAMAT.pptx
 
1st quarter exam Filipino III
1st quarter exam Filipino III1st quarter exam Filipino III
1st quarter exam Filipino III
 
FINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docx
FINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docxFINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docx
FINAL-COPY-MODYUL-2-PANITIKAN-NG-KANLURAN-new.docx
 
Modyul 12
Modyul 12Modyul 12
Modyul 12
 
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptxARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
 
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
 

More from Ramelia Ulpindo

Buod ng Unang Eksena.docx
Buod ng Unang Eksena.docxBuod ng Unang Eksena.docx
Buod ng Unang Eksena.docxRamelia Ulpindo
 
PAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docx
PAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docxPAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docx
PAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docxRamelia Ulpindo
 
Aralin 2.2-SARSWELA.pptx
Aralin 2.2-SARSWELA.pptxAralin 2.2-SARSWELA.pptx
Aralin 2.2-SARSWELA.pptxRamelia Ulpindo
 
lagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docxlagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docxRamelia Ulpindo
 
lagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docxlagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docxRamelia Ulpindo
 
roleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptx
roleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptxroleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptx
roleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptxRamelia Ulpindo
 
Balitang isports august25
Balitang isports august25Balitang isports august25
Balitang isports august25Ramelia Ulpindo
 
Actionplanbagiw(Baguio City High School)
Actionplanbagiw(Baguio City High School)Actionplanbagiw(Baguio City High School)
Actionplanbagiw(Baguio City High School)Ramelia Ulpindo
 
Pang arawaraw na tala 10
Pang arawaraw na tala 10Pang arawaraw na tala 10
Pang arawaraw na tala 10Ramelia Ulpindo
 
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTSISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTSRamelia Ulpindo
 

More from Ramelia Ulpindo (14)

Buod ng Unang Eksena.docx
Buod ng Unang Eksena.docxBuod ng Unang Eksena.docx
Buod ng Unang Eksena.docx
 
PAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docx
PAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docxPAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docx
PAMAMAHAYAG PANTELEBISYON-Unang Markahan.docx
 
mito aralin 5.docx
mito aralin 5.docxmito aralin 5.docx
mito aralin 5.docx
 
Aralin 2.2-SARSWELA.pptx
Aralin 2.2-SARSWELA.pptxAralin 2.2-SARSWELA.pptx
Aralin 2.2-SARSWELA.pptx
 
Gawain-2 Morales.pptx
Gawain-2 Morales.pptxGawain-2 Morales.pptx
Gawain-2 Morales.pptx
 
lagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docxlagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docx
 
lagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docxlagumang-pagsusulit-Q4.docx
lagumang-pagsusulit-Q4.docx
 
roleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptx
roleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptxroleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptx
roleta ng balik-aral ARALIN 4 HAIKU TANAG.pptx
 
Broadcasting
BroadcastingBroadcasting
Broadcasting
 
Balitang isports august25
Balitang isports august25Balitang isports august25
Balitang isports august25
 
Actionplanbagiw(Baguio City High School)
Actionplanbagiw(Baguio City High School)Actionplanbagiw(Baguio City High School)
Actionplanbagiw(Baguio City High School)
 
Pang arawaraw na tala 10
Pang arawaraw na tala 10Pang arawaraw na tala 10
Pang arawaraw na tala 10
 
Kung bakit umuulan
Kung bakit umuulanKung bakit umuulan
Kung bakit umuulan
 
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTSISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS
 

Recently uploaded

Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)AngelicaSantiago45
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxrodriguezjoelina25
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 

Recently uploaded (20)

Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 

SIM Ang Kuba ng Notre Dame

  • 1. Ni Victor Hugo Aralin 5 KAGAMITANG PAMPAGKATUTO (Learning Material) Sa Filipino Baitang 10 Inihanda ni MARIA RAMELIA M. ULPINDO Guro sa Filipino- Baitang 10 Baguio City High School Nobela Mula sa France Unang Markahan
  • 2. GUIDE CARD (Pamatnubay) Sa iyong paglalakbay may madadaanan kang mga istasyon na susubok sa iyong kakayahan/kasanayan upang makamit mo ang tagumpay. Unang Istasyon ay ang GUIDE CARD (PAMATNUBAY) Sa istasyong ito matutunghayan ang aralin at ang layunin na ating pagtutuunan ng pansin. Ikalawang Istasyon ay ang ACTIVITY CARD ( PAGSUBOK) Ito naman ay kinapapalooban ng gawain na susubok sa iyong kasanayan o kakayahan at pagkama- likhain upang matamo mo ang iyong layunin. Ikatlong Istasyon ay ang ASSESMENT CARD (PAGTATAYA ) May mga katanungan dito na iyong sasagutan. Ang mga katanungan na makikita sa bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang mapalawak pa ang iyong kaalaman. Ikaapat na Istasyon ay ang ENRICHMENT CARD (PAGPAPALAWAK) Makikita mo ang gawain na tutulong sa pagpapalawak pa ng iyong kaalaman hinggil sa ating paksa. Ikalimang Istasyon ay ang REFERENCE CARD (Susi sa Pagwawasto) Ang Susi sa Pagwawasto (Key Answers) ay inilaan naman para sa pagwawasto ng iyong mga sagot sa bawat pagsubok na iyong isinagawa. Istasyon 1 Kumusta na kaibigan? Handa ka na ba sa gawain natin ngayong araw na ito? Bago ka dumako sa istasyon 2, basahin muna sa pahina 10-11 ang mga karagdagang kaalaman upang mas madali ang iyong pagbiyahe sa bawat istasyon. Matapos mong basahin ang nasabing pahina ay sagutin na ang unang pagsubok sa susunod na pahina. Lakbay na! 2 Kung gayun ay kailangan mo lang ng masusing pag-intindi at malawak na pang-unawa sa mga pagsubok na pagda- daanan mo. Dahil ang mga gawaing nakapaloob dito ay su- subok sa kakayahan mo bilang manlalakbay. Kailangan lang magbigay ng oras at panahon upang mapagtagumpayan mo ang mga ito
  • 3. ACTIVITY CARD Unang Pagsubok: TALASALITAAN Alam kong handa ka na, simulan na nating suungin ang mga pagsubok at dito mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagsagot sa mga talasalitaan. Mahusay! Natapos mo ang unang pagsubok. Maglakbay na sa susunod na istasyon…. Istasyon 2: Basahin at unawain ang mga pangungsap sa Hanay A. Ayusin ang pinagulong salita sa hanay B upang matukoy ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa Hanay A. Isulat sa Hanay C ang wastong kahulugan. 3 HANAYA HANAY B HANAY C 1-2. Nang araw ding iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakibahagi sa kasiyahan 1. 2. 1. UPIANOP 2. ALTAPIANL 3. Sa paghahanap ng makakain , nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda. 3.3. KTAANI 4. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuk- tok ng Notre Dame at nakaramdam ng matind- ing panibugho sa nasasaksihan. 4.4. SEPGAESOLS 5. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. 5.5. PIKPAAAITIKGK 6. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang kata- gang “Santuwaryo.” 6.6. KUMIYIA 7. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. 7.7. GIILTSA 8-9. Labis na pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. 8. 9. 8. GAPTAKGULA 9. MMAALNA 10. Nang mabatid ni Quasimodo na nawa wala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. 10.10. GTNIUON
  • 4. Alam niyo ba na ang nobelang Ang Kuba ng Notre Dame ay isinulat ni Victor Hugo? Gus- to niyang sa pamamagitan ng kanyang isinulat ay maramdaman ng mga tao na kahit anong pisikal na katangian meron ang isang tao ay tao pa rin ito, humihinga, tumatawa, umiibig at nakakaramdam ng sakit. Kaya naman kung pwede ay tigilan na ang pagpapasakit o di kaya ay huhusga sa kanila. Ano nga ba ang nobela? Sa pagsubok sa ibaba tukuyin mo kung anong mga parirala o pahayag ang may kaugnayan sa nobela. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung ang pangungusap ay may kaugnayan sa nobela Ikalawang Pagsubok 4 1. isang kuwento o kasaysayan 2. binubuo ng sukat at mga talata 3. binubuo ng mga kabanata 4. bungang- isip/ katha na nasa anyong prosa 5. tungkol sa mga kaispan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon 6. tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan? 7. isang pag-aaral 8. naglalahad ng isang kawil ng kawili-wiling mga pangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas 9. naglalarawan ng iisang kakintalan 10. paggamit ng malikhaing guniguni Binabati kita sa iyong tagumpay! Humahanga ako sa galing mo. Ngunit di pa tayo tapos kaibigan… Ipagpatuloy pa ang paglalakbay. Ang huling pagsubok ay tungkol sa nobelang Ang Kuba ng Notre dame. Lakbay na!
  • 5. Ikatlong Pagsubok: Magaling! Natapos mo rin ang pangatlong pagsubok. Kung nakuha mo lahat ang ta- mang sagot , isa ka ngang manlalakbay. Ngunit kaibigan, may ikatlong istasyon pa sa susunod na pahina. Dumako na tayo sa susunod na istasyn. Lakbay na! 5 Ang huling pagsubok ay tungkol sa mahalagang detalye na makikita sa “Ang Kuba ng Notre Dame”. Kung ika’y nalilito pa, maaring basahin mo muli ang nobela sa huling pahina upang matulungan ka sa mga pagsubok. 1. Pierre Gringoire a. Tinawag siyang babaeng “hamak na mana- nayaw” at “anak ng magnaanakaw” 2. La Esmeralda b. Nais niyang niyang bihagin ang dalaga at ita- go sa kaniyang selda sa Notre Dame 3. Claude Frollo c. Hindi siya matagumpay na agawin ang kaaba- lahan ng mga tao sa panonood ng parada 4. Sister Gudule d. Itinanghal siya bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan 5. Quasimodo e. ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kahari- an 6. Phoebus f. Ang sumulat ng akdang “Ang Kuba ng Notre Dame 7. Victor Hugo g. Pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawalan ng bait nang mawala ang anak na ba- bae Pagtapat-tapatin Hanapin sa Hanay B ang tumutu- koy sa Hanay A. Isulat sa kahon bago ang bilang ang tamang sagot.
  • 6. ASSESSMENT CARD (Pagtataya)Istasyon 3: Ang bawat paglalakbay ay may hangganan. Sa bawat yugto ng ating buhay ay nakaranas na tayo ng mga pag- subok. Katulad ng pangunahing tauhan sa nobela na hindi niya maunawaan kung bakit siya nakararanas ng panghuhusga mula sa kapwa. Subukan mo ring sagutin ang mga katanungan sa ikatlong istasyon sa ibaba upang tuklasin kung hanggang saan ang natamo sa pag-aaral sa nobela. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. _____1. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakibahagi sa kasiyahan. Ipinapakita sa pahayag na ang mga tao sa Paris ay ___________________. a. masayahin b. mapanghusga c. maalalahanin d. mainipin _____ 2. Uri ng panitikan na naglalahad ng isang kawil ng mga pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas. a. nobela b. maikling kuwento c. tula d. sanaysay _____ 3. Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay _________, ___________ at _____________. a. may tugma, sukat at himig b. sumasagot sa tanong na sino? ano? at bakit? c. isa ang kuwento o kasaysayan, isang pag-aaral at paggamit ng malikhaing guni-guni d. binibigyang- halaga ang kilos o galaw, ang pagsasalita at kaisipan ng tauhan _____ 4. Ang nobela ay binubuo ng mga ________________. a. saknong b. taludtod c. kuwento d. kabanata _____ 5. Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang paring nag-alaga sa kubang si Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda? a. stereotypical b. hindi stereotypical c. tauhang bilog d. tauhang lapad _____ 6. Ang kuba ng Notre Dame ay itinanghal bilang _____________________. a. Papa ng Roma b. Hari ng Notre Dame c. Papa ng Kahangalan d. Hari ng Kabaitan _____ 7. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kanya. Sinong tauhan ang tinutukoy sa panghalip na siya? a. Gringoire b. Frollo c. Esmeralda d. Quasimodo _____ 8. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag? a. may malasakit sa kapwa b. may malaking pagkagusto c. may kababaang loob _____ 9. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok at doon hinanap ang dalaga. Ano ang damdamin ang nanaig kay Quasimodo sa pahayag? a. pag-aalala b. kagalakan c. katusuhan d. pag-iisip _____ 10. Nang mamataan si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya sa tore ang paring kumupkop sa kanya. Ano ang nagtulak kay Quasimodo na gawin ito kay Frollo? a. matinding galit b. matinding hinanakit c. matinding pagdurusa d. matinding pasasalamat Hindi pa tapos kaibigan, halika na sa susunod na pahina. Alamin natin ang huling pagsubok. 6 Yehey! Lapit na! Kaya pa!
  • 7. Mahusay! Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Ang susunod naman na gagawin ay ang pagpapakita kung hanggang saan ang nalalaman mo sa mga panandang pandiskurso na maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Istasyon 4: ENRICHMENT CARD (Pagpapalawak) A. Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari. (sa madaling sabi, saka, dahil, kung bukod sa) Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na ka- hulugan n pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa nonng dekada ’70 sa ila- lim ng Batas Militar. (1) ____________ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina sa limang anak na pulos lalaki at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2) ___________ kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) ______________ dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4) ________________ naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) _______________ nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa. B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panandang pandiskurso o hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay ng isaang napanood na palabas. 1. magsisimula ako sa __________________________________________________________ 2. huwag lang ________________________________________________________________ 3. bunga nito _________________________________________________________________ 4. sakali _____________________________________________________________________ 5. sa ibang salita _______________________________________________________________ 7 Mahusay kaibigan! Tagumpay ka sa iyong paglalakbay. Malayo ang iyong mararating dahil sa iyong kakaibang tiyaga at galing. Hango sa Filipino– Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015. Pilipinas ng Vibal Group Inc. Pahina 84.
  • 8. Sa wakas, tapos ka na! Tignan natin kung matagumpay mong nalagpasan ang mga pagsubok na iyong tinahak. Kung marami kang nakuha, ibig sabihin ay isa kang huwarang manlalakbay at magiting na mandirigma na handang sumuong sa laban ng buhay na kahit anumang balakid sa buhay ay handang lumaban at hindi sumusuko hanggang wakas. REFERENCE CARD (May Tama Ka!) A. Susi sa PagwawastoIstasyon 5: Unang Pagsubok Ikatlong PagsubokIkalawang Pagsubok 1. PINAUPO 6. UMIIYAK 1. / 6. / 1. C 6. E 2. PANLALAIT 7. ILIGTAS 2. x 7. / 2. A 7. F 3. NAKITA 8. PAGKAGULAT 3. / 8. / 3. B 4. PAGSESELOS 9. MALAMAN 4. / 9. x 4. G 5. PAKIKIPAGKITA 10. TINUNGO 5. x 10. / 5. D 8 ACTIVITY CARD (Pagsubok) ENRICHMENT CARD (Pagpapalawak) 1. B 6. C 2. A 7. D 3. C 8. A 4. D 9. A 5. C 10. A ASSESSMENT CARD (Pagtataya) 1. bukod sa 2. kung 3. dahil 4. saka 5. sa madaling sabi
  • 9. Narito ang mga pinagkuhanan at pinagbasehan ng mga gawain, aralin at mga larawan upang magabayan ka sa iyong paglalakbay. 9 Modyul para sa mag-aaral https://www.google.com.ph/search? q=quasimodo+clipart&biw=977&bih=451&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjJ9YHKjLbOAhXDnZQ KHS6ICjsQ_AUIBigB#imgrc=PS5L9YyR6pAR2M%3A https://www.google.com.ph/search? q=notre+dame+clip+art&biw=977&bih=451&tbm=isch&imgil=JQZh0hShPk5vOM%253A%253BbfcJQcT8H7-- 9M%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fworldartsme.com%25252Fnotre-dame- clipart.html&source=iu&pf=m&fir=JQZh0hShPk5vOM%253A%252CbfcJQcT8H7--9M% 252C_&usg=__MlaeM97f26C1KiwJUbJc4v6dZJE%3D&ved=0ahUKEwiGhvCP6rXOAhXMppQKHX- QAtwQyjcINQ&ei=IJWqV4b2EczN0gT_oIrgDQ
  • 10. Ang Kuba ng Notre Dame (Buod) ni Victor Hugo Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan » na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan » dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang kaganapan. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki- sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire . Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya- na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw”. Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas. Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag- udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang 10
  • 11. masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang su- mapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan. Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esme- ralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay na- kaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Kate- dral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo ». Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeral- da nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimo- do. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw – sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan , napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal. – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal“. Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo. Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga. 11
  • 12. Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Alam mo ba na... ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagka- kasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso ? Karaniwan nang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig. Halimbawa • at, saka, pati – nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasy- on • maliban , bukod kay , huwag lang , bukod sa – nagsasaad ng pag- bubukod o paghihiwalay • tuloy, bunga nito , kaya, naman – nagsasaad ng kinalabasan o kinahi- natnan • kapag , sakali, kung – nagsasaad ng kondisyon o pasubali 12
  • 13. Republic of the Philippines Department of Education Cordillera Administrative Region Division of Baguio Baguio City High School Governor Pack Road, Baguio City SERTIPIKASYON NG PAGGAMIT Ang Kagamitang Pampagkatuto ng Ang Kuba ng Notre Dame ay sadyang inihanda para makatulong sa pag-aaral ng nabanggit na akdang pampanitikan. Ito ay inihanda ni Bb. Maria Ramelia M. Ulpindo -Teacher III sa Kagawaran ng Filipino sa Ikasampung Baitang. Ang sertipikasyon na ito ay pagpapatunay na nagamit ang nabanggit na kagamitan para mas lalong mapadali ang pag-aaral ng akdang pampanitikan na nakapaloob sa K-12 kuriku- lum, Ikasampung Baitang sa asignaturang Filipino. Pangalan ng Guro Lagda Petsa
  • 14. Pangalan ng Guro Lagda Petsa
  • 15. ROMULO M. FLORA. Punong-guro IV sa Sekundarya Mahal na Punongguro: Magandang araw po! Ang Baitang 10 – Kagawaran ng Filipino ay buong tapat at galing na nakikiisa sa pagsasakatupa- ran ng tunay na dekalidad ng edukasyon para sa ating paaralan. Ako po ay isa sa mga guro ng Baitang 10 sa asignaturang Filipino na nagtataguyod ng tunay na dekalidad na edukasyon. Bilang tugon po sa mga ito na makakatulong sa ating paaralan. Ako po ay naghanda ng kagamitan para makatulong sa mga mag-aaral at para rin sa aking mga kapwa guro sa paaralang ito. Ito po ay pinamagatang “Kagamitang Pampagkatuto ng Ang Kuba ng Notre Dame”. Naniniwala po ako na makakatulong ito sa ating paaralan para mapangalagaan ang ating litera- turang Pilipino at lalong maliwanagan ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral ng akdang ito. Sa malugod po ninyong pagtanggap, ako po ay humihingi ng pahintulot para maipagamit ito sa mga kapwa ko guro. Maraming salamat po! Lubos na gumagalang, MARIA RAMELIA M. ULPINDO Teacher III Binigyang-pansin nina: MAYLYN G. SAMIDAN DEAN B. MENDOZA Pinunong Guro III – Filipino Pinunong Guro III – Filipino Pinagtibay ni: ROMULO M. FLORA Punongguro IV sa Sekundarya
  • 16. Republic of the Philippines Department of Education Cordillera Administrative Region Division of Baguio Baguio City High School Governor Pack Road, Baguio City DAHON NG PAGPAPATIBAY “Kagamitang Pampagkatuto ng Ang Kuba ng Notre Dame” Ang kagamitan na ito ay inihanda para sa mas makabuluhang pag-aaral ng nabanggit na akdang pampanitikan sa asignaturang Filipino, Ikasampung Baitang Ito ay inihanda ni: MARIA RAMELIA M. ULPINDO Guro sa Filipino Baitang 10 ng Baguio City High School. Sinuri ni: MARITES V. OSOTEO LRMDS Coordinator Binasang-nilalaman ng mga Pinunong Guro sa Kagawaran ng Filipino: MAYLYN G. SAMIDAN DEAN B. MENDOZA Pinunong Guro III-Filipino Pinunong Guro III-Filipino Pinagtibay ni: ROMULO M. FLORA Punong-guro IV sa Sekundarya