2. Kwentong-Bayan
• Ito ay isang kwentong nagsasalaysay ng
mga tradisyong Pilipino.
• Karamihan sa kwentong-bayan ay tungkol
sa kanilang mga diyos at espiritu na
siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.
• Ang mga kwentong bayan ay
naglalarawan ng mga kaugalian,
pananampalataya at mga suliraning
panlipunan ng panahong iyon.
3. Alamat
• Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa
salitang Latin na legendus, na nangangahulugang
“upang mabasa.
• Ito ay kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga
taong bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang
pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan,
o iba pang bagay.
• Ang pangyayari sa isang alamat ay maaaring maging
totoo o likha lamang ng mayamang guniguni ng
manunulat.
4. • Kalimitang ito ay nagtataglay ng mga
kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang
pangyayari.
• Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay
ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran.
5. Mga Halimbawa ng Alamat
• Ang Alamat ng Tandang
• Ang Alamat ng Paruparo
• Ang Alamat ng Ampalaya
• Ang Alamat ng Sampaguita
• Ang Alamat ng Mangga
6. Epiko
• Ito ay uri ng panitikan na tumatalakay sa
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa kaaway.
• Ito ay karaniwang nagtataglay ng
mahihiwaga at kagila-gilalas o di kapani-
paniwalang pangyayari.
• Ang mga epiko ay ipinapahayag nang
pasalita, patula, o paawit; maaaring
sinasaliwan ng ilang mga instrumentong
pangmusika o minsan nama’y wala.
7. • Ang haba ng epiko ay mula 1,000 hanggang
55,000 linya kaya’t ang pagtatanghal sa
mga ito ay maaaring abuti ng ilang oras o
araw.
8. • Sa dahilang ang kwentong-bayan ay isang uri ng
salaysay, mababakas sa balangkas nito ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
• Ang banghay ng kwentong-bayan ay maaaring
maging payak o komplikado.
• Ang mga pangyayari dito ay hindi kapani-paniwala
o makatotohanan bagama’t may mga pangyayari
ditong kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino,
gayundin ang mga gintong aral na laging
nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
9. • Gaya ng ibang akdang tuluyan, ang banghya ng
kwentong-bayan ay nagtataglay rin ng tatlong
bahagi: ang simula, gitna at katapusan.
• Simula. Dito pinapakita ang mga tauhang gagalaw
o gaganap sa alamat at ang papel na kanilang
gagampanan sa alamat, kung sila ba ay bida o
kontrabida. Makikita rin dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena na
naghahayag ng panahon, oras at lugar
10. Gitna
• Dito makikita ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o
eksena. Dito nakapaloob ang mga
dayalogo, o ang usapan ng mga tauhan.
Dito rin makikita ang tunggalian ng mga
tauhan, at ang kasukdulan, kung saan
dito iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan, kung ito ba ay kasawian o
tagumpay
11. Wakas
• Dito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba
ng takbo ngistorya. Dito rin mababatid ang
kamalian o kawastuhan ng mga di-
inaasahang naganap. Makikita naman sa
katapusan o wakas, ang kahihitnan ng
kuwento, kung ito ba ay magtatapos ng
masaya, malungkot, pagkapanalo o
pagkatalo
12. Pagsulat ng Journal
• Bakit itinuturing na
mahalagang bahagi ng
sinaunang panitikang Pilipino
ang mga kwentong-bayan
partikular ang alamat?