3. Inaasahang pagkatapos ng pag-aaaral na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Naibbahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
(F11PS-IIIb-91)
2. Ang mga mag-aaral ay makasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong
deskriptibo.
3. Makapagbabahagi ng katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo.
4. Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang tila
nangungusap. Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang
kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kanya, subalit alam kong
dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking bawat galaw,tila
nang-aakit upang siya’y balikan,yakapin, at ituring na akin.Siya na nga at wala nang
iba ang hinahanap ko. Hindi ako makapapayag na mawala pa siyang muli sa aking
paningin. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan.
“Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. Siya na nga at wala nang iba.Babayaran
ko nang maiuwi ko na.
5. 1. Naging epektibo ba ang ginawang paglalarawan? Bakit? Oo o bakit naman
hindi?
2. Naisip mo ba agad na aso pala ang inilalarawan? Anong bagay ang una mong
inakalang inilalarawan batay sa mga naunang pangungusap?
3. Anong katangian ng talata na sa palagay mo ay agad nakakuha sa atensiyon ng
mambabasa? Ipaliwanag.
4. Kung ikaw ay maglalarawan sa mga pangyayari sa unang pagkikita ninyo ng
iyong alaga, paano mo ito ilalarawan?
8. 1.Anong emosyon ang nais ipabatid
ng larawan?
2.Anong mensahe ng larawan ang
nais ipahiwatig sa mambabasa?
3.Paano nakatulong ang image na
ipinapakita sa pagbuo ng talata?
10. Ang manunulat ay
naglalarawan ng
napakalinaw at halos
madama na ng
mambabasa subalit ang
paglalarawan ay
nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong
buhay.
11. Ito ay karaniwang nangyayari sa
paglalarawan sa mga tekstong naratibo
tulad halimbawa ng mga tauhan sa
maikling kuwento.
Likhang – isip lamang ng manunulat ang
mga tauhan kayat ang lahat ng mga
katangiang taglay nila ay batay lamang sa
kanyang imahinasyon.
12. Si Dante ay matipunong
lalaki, may mapang-akit na
ngiti, at mga matang may
taglay na halina sa
sinumang makakakita.
13. Ang maaliwalas na mukhang
agad sinisilayan ng taos-
pusong pagbati sa bawat
makasalubong ay dagling
nakakukuha ng atensiyon at
tiwala ng iba.”
15. Halimbawa, kung ang lugar sa bansa na
kilala rin ng kanyang mga
mambabasa,gagamit pa rin siya ng sarili
niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng
mga detalyeng hindi taglay ng kanyang
paksa.
16. Halimbawa ay hindi niya maaaring sabihing
“nagtatagpo ang asul na karagatang
humahalik sa paanan ng luntiang hagdan-
hagdang palayan ng Banaue” sapagkat
wala namang kalapit na karagatan ang
lugar na nabanggit.
17. Sa halip, maaari niyang banggitin
ang malilinaw na ilog na dumadaloy
sa ilang bahagi ng hagdan-hagdang
palayan na pinagmumulan din ng
patubig sa mga nakatanim na palay.
19. Ang tekstong deskriptibo ay
maihahalintulad sa larawang ipininta o
iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.Subalit, sa halip na
pintura o pangkulay,mga salita ang ginagamit
ng manunulat upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan.
20. Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan,
mga kilos o galaw, o anumang bagay na
nais niyang mabigyang buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
21. Mula sa epektibong paglalarawan ay halos
makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan
o mahahawakan na ng mambabasa ang
mga bagay na inilalarawan kahit pa sa
isipan lamang niya nabubuo ang mga
imaheng ito.
22. Bagamat mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ang iba pang paraan
ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga
pangngalan at pandiwang ginagawa ng
mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng
pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, at
iba pa.
23. Isa pang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng
tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba
pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing
ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang
tekstong naratibo kung saan kinakailangang
ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang
damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.
24. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na
pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo,gayundin sa mas epektibong
pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib,
o paglalahad kung paano mas magagawa o
mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa
tekstong prosidyural.
25.
26. Sa paglalarawan ng tauhan,hindi lang sapat na
mailalarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa
tauhan, kundi kailaangang maging makatotohanan
din ang pagkakalarawan dito. Hindi sapat na
sabihing “ Ang aking kaibigan ay maliit,maikli, at unat
ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong
at puting kamiseta.”
27. Sinasabing ang pinakamahuhusay na tauhan ay
yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda
kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman
kahit sila’y produkto lang ng mayamang imahinasyon
ng manunulat,hindi sila basta nakalilimutan.
28.
29. Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng
paglalarawan sa tauhan subalit, sa halip na sa kanyang panlabas
na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang
kanyang damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang
mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito
ang nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang
kanyang ginawa.Makakatulong maka-konekta ang mambabasa sa
tauhan kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat ang
damdamin ng tauhan mula sa malayo ay mismong ang tauhan ang
magsasaad ng emosyong nararamdaman niya.
30. Maaaninag ng mambabasa mula sa
aktuwal na nararanasan ng tauhan ang
damdamin o emosyong taglay nito.
31. Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang
Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin
at nanlalambot na ang tuhod sa matinding
gutom na nadarama. Dalawang araw na pala
nang huling masayaran ng pagkain ang
nanunuyo niyang mga labi.
33. :sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang
pagsingit sa pila ng babae ay maaari itong gamitan
ng sumusunod na diyalogo:
“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming
nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo
pumila!”
34. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng
tauhan minsa’y higit pang nauunawaan ng
mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari
sa kanyang puso at isipan.
35. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng
tauhan minsa’y higit pang nauunawaan ng
mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari
sa kanyang puso at isipan.
36. “Umalis ka na! Ang mariing sabi ni Aling Lena
sa asawa habang tiim bagang na nakatingin
sa malayo upang mapigil ang luhang kanina
pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang
mga mata.”
37. Ang mga tayutay at matatalinghagang
pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay
ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.
38. “Umalis ka na! Ang mariing sabi ni Aling Lena
sa asawa habang tiim bagang na nakatingin
sa malayo upang mapigil ang luhang kanina
pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang
mga mata.”
39. “Umalis ka na! Ang mariing sabi ni Aling Lena
sa asawa habang tiim bagang na nakatingin
sa malayo upang mapigil ang luhang kanina
pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang
mga mata.”
40.
41.
42. Sa paglalarawan sa tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kailan at saan naganap ang akda sa paraang
makagaganyak sa mga mambabasa.Sa
pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan
sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng
akda.
43. Maaaring ilarawan ag tagpuan sa
pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa
kapaligirang ito.Kung ang tagpuan halimbawa
ay isang munting barungbarong sa tambakan
maaaring itanong ang sumusunod para sa
isang mabisang paglalarawan:
44. Ano ang itsura ng barong-barong at
kapaligiran nito? Marumi, luma, kinakalawang,
gumigiray, nakakarimarim na basura,
naglipanang langaw, mga mangangalakal, ng
basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos
basahan, nakapanlulumong kahirapan at
kapangitan.
45. Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw
ng mga inang hindi magkamayaw sa mga
gawain.iyakan ng mga batang gutom at di pa
nakapag-almusal,ingay ng mga trak na nagdadal
ng basura,hugos basurang ibinabagsak sa
tambakan,busina ng mga sasakyan sadi kalayuang
kalsada,tawanan ng mga mirong nag -iinuman sa
kalapit na tindahan.
46. Anong amoy ang namamayani?
Masangsang na amoy ng nabubulok na basura,
amoy ng usok na nagmumula sa bunton ng mga
basura,amoy pawis ng mga basurerong bilad sa
araw,maasim na amoy ng mga batang hind pa
napaliliguan ng ilang araw,amoy ng tuyong hilaw
iniihaw sa kalan.
47. Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?
Maiinit o
maalinsangan,gutom,nakapanglalagkit na
pawis at alikabok,hindi
komportable,nakaririmarim o nakakadiring
bagay sa paligid,kawalan ng pag-asa.
48. Ano ang lasa ng mga pagkain dito?
Pagpag ng manok na nagsisimula nang
mapanis kaya’t maasim na , masebo at
matabang na karne mula sa karinderyang
nilalangaw.
49.
50.
51. Sa maraming pagkakataon,sa isang mahalagang
bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito
rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan
dito. Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan
ng nasabing bagay sa pahina ng akda upang
mabigyang diin ang kahalagahan nito.
52. Dapat na mailahad kung saan nagmula ang
bagay na ito.Kailangan ding mailarawan itong
mabuti upang halos madama na ng mambabasa
ang itsura,amoy bigat, lasa,tunogg, at iba pang
katangian nito. Mula rito’y ihayag na ang kuwento
sa likod ng bagay at kung paano ito naging
makabuluhan o mahalaga sa tauhan o manunulat at
sa kabuuan ng akda.