PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng
binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at
daigdig
1
PAMANTAYANG SA PAGGANAP
 Nasusuri ang
kalikasan,katangian, at anyo
ng iba’t ibang teksto
2
Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga cohesive devices o kohesiyong
gramatikal na ginagamit sa pagsulat ng tekstong
deskriptibo
 Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng bawat
cohesive devices o kohesiyong gramatikal
 Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong
deskriptibong gumagamit ng angkop na cohesive
devices o kohesiyong gramatikal
3
DETALYADONG KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Nasusuri ang katangian at kalikasan ng
tekstong deskriptibo
Nakabubuo ng sariling halimbawa nito
4
Anong masasabi mo sa
ipinapakitang pahayag?
“Kahit hindi ka pintor ay makabubuo
ka ng isang larawan
Gamit ang mga salitang tatatak sa
damdamin at isipan.” 5
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o
iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang Nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan
mga salita ang ginagamit ng manunulat upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan
mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang
ginagamit
6
2 uri ng TEKSTONG DESKRIPTIBO
SUBHETIBO – ang manunulat ay naglalarawan
nang napakalinaw at halos madama ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi sa isang katotohanan sa
totoong buhay.
OBHETIBO – ang paglalarawan ay may
pinagbatayang katotohanan 7
Subhetibo
“Si dante ay matipunong lalaki, may
mapang-akit na ngiti, at mga matang
may taglay na halina sa sinumang
makakita. Ang maaliwalas na mukhang
agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati
sa bawat makasalubong ay dagling
nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng
iba.” 8
Obhetibo
Hindi niya maaaring sabihing “nagtatagpo ang
asul na karagatang humahalik sa paanan ng
luntian hagdang-hagdang palayan ng
Banaue”sapagkat wala naman kalapit na
karagatan ang lugar na nabnggit. Sa halip,
maaari niyang banggitin ang malilinaw na ilog na
dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdang-hagdang
palayang pinagmumulan din ng patubig sa mga
nakatanim na palay. 9
GAMIT NG COHESIVE DEVICES SA
PAGSUSULAT NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Nagbibigay ng maayos at malinaw
na daloy ng mga kaisipan sa isang
teksto.
5 pangunahing cohesive devices:
10
1.Reperensiya (reference) –paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging reperensiya ng isang
paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
2 bahagi:
a)ANAPORA – kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kungsino o ano ang tinutukoy
Hal:
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging
mabuting kaibigan. (ang ito sa ikalawang pangungusap
ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap upang
malaman ang tinutukoy na panghalip na ito.)
11
b) KATAPORA – kung nauna ang panghalip at saka lang malalaman
kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa teksto.
Hal:
 Siya ang nagbibigay saakin ng inspirasyong bumangon sa umaga
at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at
aminit na yakap sa aking pagdating ay sapat na para makapawi
ng kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso
at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-
iisang taon pa lamang.
( Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng
siya o niya kapag ipinapagtuloy ang pagbabasa. 12
2.Substitusyon (substitution) – paggamit ng
ibang salitang ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita.
Hal:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita
ng bago. (Ang salitang aklat sa unang
pangungusap ay napalitan ng salitang bago
sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang
salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay
ang aklat.) 13
3.Ellipsis – may ibinabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong
ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig
ng nawalang salita.
Hal:
 Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat
para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng
mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong
aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
14
4.Pang-ugnay – nagagamit ang mga pang-ugnay
tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na nauunawaanng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan
ng mga pinag-uugnay.
Hal:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa
mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang. 15
5.Kohesyong Leksikal – mabibisang salitang
ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong maiuri sa dalawa: ang
reiterasyon at ang kolokasyon
a) Reiterasyon – kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa
tatlo:
(1) Pag-uulit o repetisyon
Hal:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan.
Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang
edad pa lamang.
16
(2) Pag-iisa-isa
Hal:
Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang
mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
(3) Pagbibigay-kahulugan
Hal:
Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula
sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang
pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang
maiaakyat nila para sa hapag-kainan.
17
b)Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkaapreha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggi ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Hal:
 nanay – tatay
 Guro – mag-aaral
 Hilaga – timog
 doctor – pasyente
 Puti – itim
 Maliit – Malaki
 Mayaman - mahirap 18
SURIIN!
 Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa
kanyang mga matang nangungusap. Di ko mapuknat ang
aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa
aking harapan. Papalayo na sana ako sa kanyan subalit
alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang
nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-aakit upang
siya’y balikan, yakapin, at ituring na akin. Siya na nga at
wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako makapapayag
na mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos
magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y
mabalikan. “Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. Siya
na nga at wala nang iba. Babayaran ko at nang maiuwi ko
na.” 19
Mga tanong:
 Naging epektibo ba ang ginawang paglalarawan? Bakit oo o
bakit hindi?
 Naisip mo ba agad na isang aso pala ang inilalarawan?
 Anong bagay ang una mong inakalang inilalarawn batay sa
mga naunang pangungusap?
 Anong katangian ng talata ang sa palagay mo ay agad na
nakakuha sa atensiyon ng mambabasa? Ipaliwanag.
 Kung ikaw ay maglalarawan sa mga pangyayari sa unang
pagkikita ng iyong alaga, paano mo ito ilalarawan? (kung wala
kang alaga ay ilahad mo ang naiisip na mangyayari sa una
ninyong pagkikita ng hayop na gusto mo sanang alagaan.)
20
PANGKATANG GAWAIN
 Panuto:
Bawat pangkat ay gagawa ng 10
halimbawa ng tekstong deskriptibo gamit ang
mga cohesive devices o kohesyong
gramatikal. Mayroon kayong 15 minuto para
gawin ito at 5 minuto nman para iulat ito.
Ang maingay na pangkat ay babawasan ng
puntos.
21
PAGTATAYA
 Pag-uulat ng ginawang mga halimbawa ng tesktong deskriptibo.
22
Pamantayan 4 3 2 1
Husay ng Pagkakasulat at
Paglalarawan
Napakahusay at lubhang
nakakaakit ang
pagkakagamit ng mga
salita sa pagsulat ng
paglalarawan
Nakagamit ng mga
salitang mahuhusay at
nakakaakit sa pagsulat
ng paglalarawan
May kakulangan ang
pagkakagamit ng
mahuhusay na salita sa
pagsulat kaya naman
hindi gaanong nakaaakit
ang paglalarawan
Kulang na kulang at hindi angkop
ang mga salitang ginamit sa
paglalarawan kaya’t hindi ito
nakaaakit sa sinumang
makababasa
Paggamit ng angkop na
datos patungkol sa lugar
Nakagamit ng angkop at
maraming datos mula sa
pananaliksik
Nakagamit ng mga datos
mula sa pananaliksik
Kakaunting datos na
nasaliksik ang nagamit at
karamihan sa mga
nakalahad ay opinyon
lang ng manunulat
Walang nasaliksik na datos ang
naisama at pawing opinyon lang
ng manunulat ang nailahad
Paggamit ng Angkop na
Cohesive Devices o
Kohesyong gramatikal
Nakagamit ng angkopna
Cohesive Devices o
Kohesyong Gramatikal na
lalong nagbigay ng
maayos na daloy ng
paglalarawan.
Nakagamit ng Cohesive
Devices o Kohesyong
Gramatikal sa pagbuo ng
paglalarawan
Nakagamit ng ilang
Cohesive Devices o
Kohesyong Gramatikal
subalit hindi ito sapat
para sa maayos na daloy
ng paglalarawan
Hindi gumamit ng anumang
Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal kaya’t walang
kaayusan ang daloy ng
paglalarawan
TAKDANG ARALIN:
 Ikaw ay isang intern sa isang advertising agency. Ang ahensiyang
ito ay kinokonsidera ng Department of Tourism upang bumuo ng
travel brochure na nasusulat sa Filipino at naglalayong umakit ng
mga local na turista. Ikaw ay inatasan ng inyong ahensya upang
bumuo ng paglalarawan para sa tatlong magagandang tanawin:
isang matatagpuan sa Luzon, isang mula sa Visayas, at isang
mula sa Mindanao na isusumite sa Department of Tourism . Ang
husay sa pagkakasulat at nakaaakit na paglalarawan nsa mga
nabanggit na lugar, paggamit ng angkop na datos ukol sa lugar, at
paggamit ng angkop na cohesive devices o kohesyong gramatikal
ang magiging batayan sa pagpili kaya’t paghusayan mo sana para
mapili ang bubuoin mong tekstong deskriptibo. Sa bawat piraso ng
bond paper ay idikit mo ang larawang mapipili at sa ibaba nito’y
isulat mo ang paglalarawan. 23
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!
DANIVA ROSE O. GAN
Guro
24

2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx

  • 1.
    PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nasusuri angiba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig 1
  • 2.
    PAMANTAYANG SA PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan,katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto 2
  • 3.
    Mga Kasanayan saPagkatuto  Natutukoy ang mga cohesive devices o kohesiyong gramatikal na ginagamit sa pagsulat ng tekstong deskriptibo  Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng bawat cohesive devices o kohesiyong gramatikal  Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong deskriptibong gumagamit ng angkop na cohesive devices o kohesiyong gramatikal 3
  • 4.
    DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO Nasusuri angkatangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo Nakabubuo ng sariling halimbawa nito 4
  • 5.
    Anong masasabi mosa ipinapakitang pahayag? “Kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang larawan Gamit ang mga salitang tatatak sa damdamin at isipan.” 5
  • 6.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO Maihahalintulad saisang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang Nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit 6
  • 7.
    2 uri ngTEKSTONG DESKRIPTIBO SUBHETIBO – ang manunulat ay naglalarawan nang napakalinaw at halos madama ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi sa isang katotohanan sa totoong buhay. OBHETIBO – ang paglalarawan ay may pinagbatayang katotohanan 7
  • 8.
    Subhetibo “Si dante aymatipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga matang may taglay na halina sa sinumang makakita. Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa bawat makasalubong ay dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng iba.” 8
  • 9.
    Obhetibo Hindi niya maaaringsabihing “nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa paanan ng luntian hagdang-hagdang palayan ng Banaue”sapagkat wala naman kalapit na karagatan ang lugar na nabnggit. Sa halip, maaari niyang banggitin ang malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdang-hagdang palayang pinagmumulan din ng patubig sa mga nakatanim na palay. 9
  • 10.
    GAMIT NG COHESIVEDEVICES SA PAGSUSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO Nagbibigay ng maayos at malinaw na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. 5 pangunahing cohesive devices: 10
  • 11.
    1.Reperensiya (reference) –paggamitng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng isang paksang pinag-uusapan sa pangungusap. 2 bahagi: a)ANAPORA – kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kungsino o ano ang tinutukoy Hal: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan. (ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy na panghalip na ito.) 11
  • 12.
    b) KATAPORA –kung nauna ang panghalip at saka lang malalaman kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto. Hal:  Siya ang nagbibigay saakin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at aminit na yakap sa aking pagdating ay sapat na para makapawi ng kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag- iisang taon pa lamang. ( Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinapagtuloy ang pagbabasa. 12
  • 13.
    2.Substitusyon (substitution) –paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. Hal: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago. (Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay ang aklat.) 13
  • 14.
    3.Ellipsis – mayibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. Hal:  Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo. (Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.) 14
  • 15.
    4.Pang-ugnay – nagagamitang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaanng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay. Hal: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. 15
  • 16.
    5.Kohesyong Leksikal –mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong maiuri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon a) Reiterasyon – kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: (1) Pag-uulit o repetisyon Hal: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang edad pa lamang. 16
  • 17.
    (2) Pag-iisa-isa Hal: Nagtatanim silang mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya. (3) Pagbibigay-kahulugan Hal: Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang maiaakyat nila para sa hapag-kainan. 17
  • 18.
    b)Kolokasyon – mgasalitang karaniwang nagagamit nang magkaapreha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggi ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat. Hal:  nanay – tatay  Guro – mag-aaral  Hilaga – timog  doctor – pasyente  Puti – itim  Maliit – Malaki  Mayaman - mahirap 18
  • 19.
    SURIIN!  Sa unangtingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang nangungusap. Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kanyan subalit alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-aakit upang siya’y balikan, yakapin, at ituring na akin. Siya na nga at wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako makapapayag na mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan. “Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. Siya na nga at wala nang iba. Babayaran ko at nang maiuwi ko na.” 19
  • 20.
    Mga tanong:  Nagingepektibo ba ang ginawang paglalarawan? Bakit oo o bakit hindi?  Naisip mo ba agad na isang aso pala ang inilalarawan?  Anong bagay ang una mong inakalang inilalarawn batay sa mga naunang pangungusap?  Anong katangian ng talata ang sa palagay mo ay agad na nakakuha sa atensiyon ng mambabasa? Ipaliwanag.  Kung ikaw ay maglalarawan sa mga pangyayari sa unang pagkikita ng iyong alaga, paano mo ito ilalarawan? (kung wala kang alaga ay ilahad mo ang naiisip na mangyayari sa una ninyong pagkikita ng hayop na gusto mo sanang alagaan.) 20
  • 21.
    PANGKATANG GAWAIN  Panuto: Bawatpangkat ay gagawa ng 10 halimbawa ng tekstong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices o kohesyong gramatikal. Mayroon kayong 15 minuto para gawin ito at 5 minuto nman para iulat ito. Ang maingay na pangkat ay babawasan ng puntos. 21
  • 22.
    PAGTATAYA  Pag-uulat ngginawang mga halimbawa ng tesktong deskriptibo. 22 Pamantayan 4 3 2 1 Husay ng Pagkakasulat at Paglalarawan Napakahusay at lubhang nakakaakit ang pagkakagamit ng mga salita sa pagsulat ng paglalarawan Nakagamit ng mga salitang mahuhusay at nakakaakit sa pagsulat ng paglalarawan May kakulangan ang pagkakagamit ng mahuhusay na salita sa pagsulat kaya naman hindi gaanong nakaaakit ang paglalarawan Kulang na kulang at hindi angkop ang mga salitang ginamit sa paglalarawan kaya’t hindi ito nakaaakit sa sinumang makababasa Paggamit ng angkop na datos patungkol sa lugar Nakagamit ng angkop at maraming datos mula sa pananaliksik Nakagamit ng mga datos mula sa pananaliksik Kakaunting datos na nasaliksik ang nagamit at karamihan sa mga nakalahad ay opinyon lang ng manunulat Walang nasaliksik na datos ang naisama at pawing opinyon lang ng manunulat ang nailahad Paggamit ng Angkop na Cohesive Devices o Kohesyong gramatikal Nakagamit ng angkopna Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal na lalong nagbigay ng maayos na daloy ng paglalarawan. Nakagamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa pagbuo ng paglalarawan Nakagamit ng ilang Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal subalit hindi ito sapat para sa maayos na daloy ng paglalarawan Hindi gumamit ng anumang Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal kaya’t walang kaayusan ang daloy ng paglalarawan
  • 23.
    TAKDANG ARALIN:  Ikaway isang intern sa isang advertising agency. Ang ahensiyang ito ay kinokonsidera ng Department of Tourism upang bumuo ng travel brochure na nasusulat sa Filipino at naglalayong umakit ng mga local na turista. Ikaw ay inatasan ng inyong ahensya upang bumuo ng paglalarawan para sa tatlong magagandang tanawin: isang matatagpuan sa Luzon, isang mula sa Visayas, at isang mula sa Mindanao na isusumite sa Department of Tourism . Ang husay sa pagkakasulat at nakaaakit na paglalarawan nsa mga nabanggit na lugar, paggamit ng angkop na datos ukol sa lugar, at paggamit ng angkop na cohesive devices o kohesyong gramatikal ang magiging batayan sa pagpili kaya’t paghusayan mo sana para mapili ang bubuoin mong tekstong deskriptibo. Sa bawat piraso ng bond paper ay idikit mo ang larawang mapipili at sa ibaba nito’y isulat mo ang paglalarawan. 23
  • 24.