SlideShare a Scribd company logo
Ang tekstong deskriptibo ay may layuning
maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan. Layunin
ng sining ng deskripsiyon na magpinta ng matingkad at
detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at
damdamin ng mga mambababasa.
Ang tekstong deskriptibo ay may isang
malinaw at pangunahing impresyon na
nililikha sa mga mambabasa. Sa paglikha ng
dominante at pangunahing impresyon, dapat
na magdesisyon ang manunulat kung ano ang
mas magsisilbi sa kuwentong kaniyang
ilalahad.
Ang tekstong deskriptibo, ay maaaring
maging obhetibo o subhetibo, at maaari ding
magbigay ng pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa
paglalarawan.
Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang
maging espisipiko at maglaman ng mga
konkretong detalye. Ang pangunahing layunin
nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa
ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
Gamit ng Cohesive Devices o
Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat
ng Tekstong Deskriptibo
1. Reperensiya (Reference)
- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malknan kung ano
o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna
ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang
tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa
teksto).
2. Substitusyon (Substitution)
- Paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.
3. Ellipsis
-May binabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
4. Pang-ugnay
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit
na nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-ugnay.
5. Kohesyong Leksikal
- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto
upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari
itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang
kolokasyon.
Reiterasyon—Kung ang ginagawa o sinasabi
ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at
pagbibigay-kahulugan.
Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
-Hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga
detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging
makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
Paglalarawan
sa Tauhan
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at
nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa
isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit
nga siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-
tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan,
at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang
namumula at nagluluhang mata.
-Mula sa “Takipsilim sa Dyakarta”
ni Mochtar Lubis (salin ni Aurora E. Batnag)
- Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang
damdamin ng tauhan sapagkat ito ay nagbibigay
dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang
kanyang ginawa.
Paglalarawan
sa Damdamin
Ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin:
1.Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan.
Hal: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo.
Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang
mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw
na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo
niyang mga labi.
2. Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
Hal: “Umalis kana!” ang mariing sabi ni Aling
Nena sa asawa habang tiim bagang na nakatingin sa
malayo upang mapigil ang luhang kanina pa
nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
3. Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita
Hal: Ito na marahil ang pinakamadilim na
sandal sa kanyang buhay. Maging ang langit ay
lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng
pinakamamahal niyang si Berta.
- Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o
panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa
paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan sa
tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng
akda.
Paglalarawan
sa Tagpuan
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom
sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng
mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa
araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla
lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa
mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa
dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay
hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
-Mula sa “Mabangis na Lungsod”
ni” Efren Abueg

More Related Content

Similar to Pagbasa-at-Pagsulat-PPT-Week-4-DESKRIPTIBO-Copy.pptx

Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Renzlorezo
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
LeanneAguilarVillega
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
JeanMaureenRAtentar
 
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptxCO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
Decemie Ventolero
 
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptxFil-121-Aralin-3-midterm.pptx
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx
MaryGraceYgotParacha
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
ZethLohasap
 
Deskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptxDeskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptx
CharisseDeirdre
 
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptxfilitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdffilitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
WarrenDula1
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
NicoleGala
 
Reaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Reaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng TekstoReaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Reaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
LeahMaePanahon2
 
pagbabasa at pagsula ng reakson.pptx
pagbabasa at pagsula ng reakson.pptxpagbabasa at pagsula ng reakson.pptx
pagbabasa at pagsula ng reakson.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................
ferdinandsanbuenaven
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
VannaRebekahIbatuan
 
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboModyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
ParungoMichelleLeona
 
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksikPAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
MondRay2
 
REVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptx
REVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptxREVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptx
REVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptx
catherineCerteza
 
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwentoAralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Diane Rizaldo
 
ppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreer
ppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreerppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreer
ppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreer
MillcenUmali
 
Tekstong Deskriptibo halimbawang presentasyon
Tekstong Deskriptibo halimbawang presentasyonTekstong Deskriptibo halimbawang presentasyon
Tekstong Deskriptibo halimbawang presentasyon
HannahAngela3
 

Similar to Pagbasa-at-Pagsulat-PPT-Week-4-DESKRIPTIBO-Copy.pptx (20)

Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
 
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptxCO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
 
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptxFil-121-Aralin-3-midterm.pptx
Fil-121-Aralin-3-midterm.pptx
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
 
Deskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptxDeskriptiv.pptx
Deskriptiv.pptx
 
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptxfilitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
 
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdffilitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
 
Reaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Reaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng TekstoReaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Reaksyong Papel. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
 
pagbabasa at pagsula ng reakson.pptx
pagbabasa at pagsula ng reakson.pptxpagbabasa at pagsula ng reakson.pptx
pagbabasa at pagsula ng reakson.pptx
 
grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
 
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratiboModyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
 
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksikPAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
 
REVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptx
REVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptxREVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptx
REVIEW MITOLOHIYA AND ANEKDOTA.pptx
 
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwentoAralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
 
ppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreer
ppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreerppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreer
ppt-tekstong-naratibo.pptxhfgfgfgfgddserreer
 
Tekstong Deskriptibo halimbawang presentasyon
Tekstong Deskriptibo halimbawang presentasyonTekstong Deskriptibo halimbawang presentasyon
Tekstong Deskriptibo halimbawang presentasyon
 

More from marissacasarenoalmue

Group3-UCSP.pptx
Group3-UCSP.pptxGroup3-UCSP.pptx
Group3-UCSP.pptx
marissacasarenoalmue
 
Meaning-and-Nature-of-Culture.pptx
Meaning-and-Nature-of-Culture.pptxMeaning-and-Nature-of-Culture.pptx
Meaning-and-Nature-of-Culture.pptx
marissacasarenoalmue
 
Group-2-Socialization-and-Career-Development.pptx
Group-2-Socialization-and-Career-Development.pptxGroup-2-Socialization-and-Career-Development.pptx
Group-2-Socialization-and-Career-Development.pptx
marissacasarenoalmue
 
Part-2-Innopreneurship.pptx
Part-2-Innopreneurship.pptxPart-2-Innopreneurship.pptx
Part-2-Innopreneurship.pptx
marissacasarenoalmue
 
Innopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptx
Innopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptxInnopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptx
Innopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptx
marissacasarenoalmue
 
Socialization-and-Career-Development.pptx
Socialization-and-Career-Development.pptxSocialization-and-Career-Development.pptx
Socialization-and-Career-Development.pptx
marissacasarenoalmue
 
UCSP-Q1-W1-.pptx
UCSP-Q1-W1-.pptxUCSP-Q1-W1-.pptx
UCSP-Q1-W1-.pptx
marissacasarenoalmue
 
CHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptx
CHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptxCHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptx
CHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptx
marissacasarenoalmue
 
CHAPTER-2-STRATEGY.pptx
CHAPTER-2-STRATEGY.pptxCHAPTER-2-STRATEGY.pptx
CHAPTER-2-STRATEGY.pptx
marissacasarenoalmue
 
Adv.-Statistics-2.pptx
Adv.-Statistics-2.pptxAdv.-Statistics-2.pptx
Adv.-Statistics-2.pptx
marissacasarenoalmue
 
Group 5-Canada Democracy.pptx
Group 5-Canada Democracy.pptxGroup 5-Canada Democracy.pptx
Group 5-Canada Democracy.pptx
marissacasarenoalmue
 
Impact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptx
Impact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptxImpact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptx
Impact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptx
marissacasarenoalmue
 
Child-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptx
Child-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptxChild-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptx
Child-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptx
marissacasarenoalmue
 
Statement of Financial Position.pptx
Statement of Financial Position.pptxStatement of Financial Position.pptx
Statement of Financial Position.pptx
marissacasarenoalmue
 
BNHS-FIRE-SAFETY.pdf
BNHS-FIRE-SAFETY.pdfBNHS-FIRE-SAFETY.pdf
BNHS-FIRE-SAFETY.pdf
marissacasarenoalmue
 
Cultural relativism.pptx
Cultural relativism.pptxCultural relativism.pptx
Cultural relativism.pptx
marissacasarenoalmue
 
Acctg. Principles.pptx
Acctg. Principles.pptxAcctg. Principles.pptx
Acctg. Principles.pptx
marissacasarenoalmue
 
Analysis and Interpretation of FS 1.pptx
Analysis and Interpretation of FS 1.pptxAnalysis and Interpretation of FS 1.pptx
Analysis and Interpretation of FS 1.pptx
marissacasarenoalmue
 

More from marissacasarenoalmue (18)

Group3-UCSP.pptx
Group3-UCSP.pptxGroup3-UCSP.pptx
Group3-UCSP.pptx
 
Meaning-and-Nature-of-Culture.pptx
Meaning-and-Nature-of-Culture.pptxMeaning-and-Nature-of-Culture.pptx
Meaning-and-Nature-of-Culture.pptx
 
Group-2-Socialization-and-Career-Development.pptx
Group-2-Socialization-and-Career-Development.pptxGroup-2-Socialization-and-Career-Development.pptx
Group-2-Socialization-and-Career-Development.pptx
 
Part-2-Innopreneurship.pptx
Part-2-Innopreneurship.pptxPart-2-Innopreneurship.pptx
Part-2-Innopreneurship.pptx
 
Innopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptx
Innopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptxInnopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptx
Innopreneurship-Entrepreneurship-Innovation.pptx
 
Socialization-and-Career-Development.pptx
Socialization-and-Career-Development.pptxSocialization-and-Career-Development.pptx
Socialization-and-Career-Development.pptx
 
UCSP-Q1-W1-.pptx
UCSP-Q1-W1-.pptxUCSP-Q1-W1-.pptx
UCSP-Q1-W1-.pptx
 
CHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptx
CHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptxCHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptx
CHAPTER-4-The-Lure-of-Corporate-Virtue.pptx
 
CHAPTER-2-STRATEGY.pptx
CHAPTER-2-STRATEGY.pptxCHAPTER-2-STRATEGY.pptx
CHAPTER-2-STRATEGY.pptx
 
Adv.-Statistics-2.pptx
Adv.-Statistics-2.pptxAdv.-Statistics-2.pptx
Adv.-Statistics-2.pptx
 
Group 5-Canada Democracy.pptx
Group 5-Canada Democracy.pptxGroup 5-Canada Democracy.pptx
Group 5-Canada Democracy.pptx
 
Impact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptx
Impact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptxImpact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptx
Impact-of-Mass-Media-on-Socialization.pptx
 
Child-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptx
Child-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptxChild-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptx
Child-Misbehavior-and-Socialization-Issues.pptx
 
Statement of Financial Position.pptx
Statement of Financial Position.pptxStatement of Financial Position.pptx
Statement of Financial Position.pptx
 
BNHS-FIRE-SAFETY.pdf
BNHS-FIRE-SAFETY.pdfBNHS-FIRE-SAFETY.pdf
BNHS-FIRE-SAFETY.pdf
 
Cultural relativism.pptx
Cultural relativism.pptxCultural relativism.pptx
Cultural relativism.pptx
 
Acctg. Principles.pptx
Acctg. Principles.pptxAcctg. Principles.pptx
Acctg. Principles.pptx
 
Analysis and Interpretation of FS 1.pptx
Analysis and Interpretation of FS 1.pptxAnalysis and Interpretation of FS 1.pptx
Analysis and Interpretation of FS 1.pptx
 

Pagbasa-at-Pagsulat-PPT-Week-4-DESKRIPTIBO-Copy.pptx

  • 1. Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Layunin ng sining ng deskripsiyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambababasa.
  • 2.
  • 3. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Sa paglikha ng dominante at pangunahing impresyon, dapat na magdesisyon ang manunulat kung ano ang mas magsisilbi sa kuwentong kaniyang ilalahad.
  • 4. Ang tekstong deskriptibo, ay maaaring maging obhetibo o subhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
  • 5. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
  • 6.
  • 7.
  • 8.
  • 9.
  • 10. Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
  • 11. 1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malknan kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
  • 12. 2. Substitusyon (Substitution) - Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
  • 13. 3. Ellipsis -May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
  • 14. 4. Pang-ugnay Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
  • 15. 5. Kohesyong Leksikal - Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
  • 16. Reiterasyon—Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan. Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
  • 17.
  • 18. -Hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito. Paglalarawan sa Tauhan
  • 19. Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit nga siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi- tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang namumula at nagluluhang mata. -Mula sa “Takipsilim sa Dyakarta” ni Mochtar Lubis (salin ni Aurora E. Batnag)
  • 20. - Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ay nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa. Paglalarawan sa Damdamin
  • 21. Ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin: 1.Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Hal: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
  • 22. 2. Pagsasaad sa ginawa ng tauhan Hal: “Umalis kana!” ang mariing sabi ni Aling Nena sa asawa habang tiim bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
  • 23. 3. Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita Hal: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandal sa kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
  • 24. - Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng akda. Paglalarawan sa Tagpuan
  • 25. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. -Mula sa “Mabangis na Lungsod” ni” Efren Abueg