1. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 1
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul 1
Sa
FIL 207
KASANAYANG
PANGWIKA
8:00 – 9:30
TTH
Associate College Instructor:
JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com
2. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 2
I. Pamagat
KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON
II. Lagom Pananaw
Dito sa unang bahagi ng module ay matatalakay ang mga Kahulugan at kahalagahan ng
komunikasyon, mga uri ng kominikasyon, antas at katangian ng komunikasyon mga proseso,
gampanin at modelo sa pakikipagkominikasyon na magagamit upang mapalawak ang kaalaman
sa kahalagahan sa ating pang- araw-araw na pamumuhay. Matatalakay din dito ang unang bahagi
ng kasanayan na ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pagpaparating ng ating mga
nararamdaman, saloobin at mga kaalaman na maibabahagi rin natin sa ating mga
nakakasalamuha.
III. Layunin
1. Nakikilala at napapahalagahan ang mga konseptong pangkomunikasyon
2. Nasusuri ang mga proseso at gampaning kinakailangan sa pakikipagtalastasan
3. Napapalawak ang kaalaman sa pakikinig.
IV. Mga Nilalaman
Kahulugan at kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon
Uri ng komunikasyon
Antas, katangian, proseso at sangkap ng komunikasyon
Gampanin at modelo ng komunikasyon
V. Talakayan/ Deliberasyon
3. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 3
MGA KONSEPTONG
PANGKOMUNIKASYON
Kahulugan ng Komunikasyon
Ayon kay at Pagkalinawan et. al. (2004) ang Komunikasýon ay isang paraan ng
paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. Walang magaganap
na komunikasyon kung walang naasasalita o kung may nagsasalita man
subalit walang nakikinig.
Ito ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago. Nangangahulugan
na ang Komunikasyon ay walang tiyak na simula at katapusan sapagkat nagaganap na
komunikasyon sa isang partikular na sandaii ay maaaring magbago at maapektuhan ng
interaksyong nagaganap sa bawat elemento gaya ng pinagmumulan at tumatanggap ng
mensahe, mensahe at nagkakaroon ng pagbabago sa iba pang elemento.
Sang-ayon kay Webster ang komunikasyon ay mabisang paraan ng pakikipag
ugnayan, pakikipag-unawaan at nagbibigkis sa mga tao para magkaisa,
magkaunawaan at magkalapit-lapit ng damdamin.
Ito ay pasalita at pasulat na pagpapahayag ng inisip at nadarama sa isang
paraang mabisa at kalugud-lugod. Mabisa ang pagpapahayag kung tiyak at hindi
maligoy, kung angkop sa nakikinig ang pananalita at kung may lohikong
pagkakaugnay- ugnay ng mga bahagi.
Sa kabuuan, ang komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang
tao. Malaking panahon ang iniuukol ng tao sa pakikipagtalastasan. Sa lahat ng
pagkakataon, Siya ay nagpapaliwanag, nagsasalaysay, nangangatwiran, nag uutos,
nagtatanong, nagpapahayag ng damdamin at mahalagang natutuhan ng lahat ng tao
ang mabisang paraan ng pagpapahayag upang sila ay ganap na magkaunawaan.
4. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 4
Kahalagahan ng Komunikasyon
Ayon kay Pagkalinawan et al., (2004)) ang tao ay nilikha hindi para lamang sa
Kanyang sarili kundi bilang kabahagl ng isang pangyayari. Sinasabi nga sa isang awit
na "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang
namamatay para sa sarili lamang.. Samakatuwid, likas na katangian ng tao ang
makipag-ugnayan sa kanyang kapwa tao. Sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao,
Sinasagawa sa pamamagitan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan, pasalita man at
sa pasulat na mga diskurso.
Sinasabing ang pakikipagtalastasan ay hindi lamang isang likas na katangian
tao
ng tao kundi isa sa pinakamahalaga at pangunahing pangangailangan ng tao dahil sa
mga sumusunod na danilan: una sa pamamagitan ng Komunikasyon natutugunan at
nagagampanan ang pang-araw-araw na pangangailanganat at tungkulin, ikalawa,
napatataas at napananatili ang pagkakilala sa sarili at ikatlo. nalilinang ang
kakayahang mapaghusay ang kanyang pakikipag-ugnayan at makikipagpalitan ng
impormasyon o kabatıran sa isang tao
Anupa't sadya ngang napakahalaga ng komunikasyonsa tao. Maituturing na isa
sa pinakadakilangg tuklas ng tao at mahalagang handog ng Diyos sa tao Kapag tao
nawala ang komunikasyon hihinto ang ikot ng mundo. Mawawalan ng kulay ganda at
saya ang buhaysa daigdig na ito. Ang komunikasyon ang nagpapakilossa tao
Sapamamagitan ng paghahatiran at pagpapalitan nang ideya, impormasyon, karanasan
at mga saloobin, napauunlad ang sarii, ang ibang tao at ang paligid. Kaya't dahil dito,
masasabing ang komunikasyon ang pinagmumulan nang karunungan, pagbabago at
pag-unlad ng sangkatauhan.
5. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 5
Uri ng Komunikasyon
May dalawang uri ng pangkalahatang paraan ng komunikasyon kung paano ipinararatimg
sa resiber ang mensahe (Garcia, et. Al 2008)
A. Komunikasyong berbal (pasalita)
B. Komunikasyong di-berbal
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita at pasulat.
Madalas ay gumagamit din tayo ng mga di-berbal na anyoo di kaya'y kumbinasyon ng
berbal at di- berbal na anyo ng komunikasyon. Halimbawa, kapag nahuli ng isang
kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa kabila ng na ang
kanyang batang anak, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan sa kanyang
matigas na pagtanggi
Mahalaga ang di-berbal na komunikasyon sapagkat:
1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao
2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe.
3. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng
mensahe.
Anyo ng Komunikasyong Di-berbal:
A. Oras (Chronemics)
B. Espasyo (Proxemics)
C. Katawan (Kinesics)
D. Pandama (Raptics)
E. Simbolo (Iconics)
F. Kulay
G. Paralanguage/ Vocalics
H. Electronikong kagamitan
6. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 6
GAWAIN 1
1. Saliksikin ang kahulugan ng mga anyo ng komunikasyon na nakatala sa itaas na
bahagi.
2. Matapos na masaliksik ang mga kahulugan, magbigay o magtala ng tig-
dadalawang halimbawa mula rito. Isulat/ iencode ito sa isang malinis na papel.
Gawin itong presentable, kaaya-aya at malinaw,
3. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral at pagtukoy sa mga anyo ng komunikasyon?
Antas ng Komunikasyon
Ayon kay Garcia, et. al. (2002) ang komunikasyon o pakikipagtaiastasan ay
proseso rng pagdadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Masaklaw ang depinisyong ito.
Sinasaklaw nito ang iba't ibang uri ng prosesong pangkomunikasyon- ang
komunikasyong intrapersonal, komunikasyong interpersonal at komunikasyong
pampubiko. Karagdagan pa, ang ganitong uri ng prosesong pangkomunikasyon ay
tulad ng mga komunikasyong pang- masa, pang-organisasyon, pangkultura at
pangkaunlaran. (Pagkalinawan, et. ai 2004)
1. Komunikasyong Intrapersonal- ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkot dito ang pag-iisip, pag-aalala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan. Kapag ikaw ay napapabulong sa iyong sarii, sa kanyang
replektibong pag-isip, pagmumuni-muni o pagninilay-nilay o kay ay
pinakikiramdaman ang paggalaw nang sarili, ikay sarili, ika'y nakikipagtalastasang
intrapersonal. Ang uri ng komunikasyong ito ang pinakabatayan ng dalawa pang uri
ng komunikasyon.
2. Komunikasyong Interpersonal - ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa dalawang tao sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking
bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa lipunan ang nasa uring ito. Ang uri ng
7. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 7
komunikasyong ito ang humuhubog ng ugnayan o relasyon sa kapwa. May anyo ang
interpersonal na pakikipagtalastasan:
Dayadik isa sa isang pakikipagtalastasan ng isang tao sa isa pang
indibidwal. Makikita ito sa iba't ibang anyo:
Job employment intervjew
Research interview
Counseling
Sales interview
Survey
Exit interview - empleyadong magreretiro o lilipat ng mapapasukang trabaho.
3. Komunikasyong Pampubiliko ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng iSa at malaking pangkat ng mga tao Ang isang
tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagsalitang
pampubliko.
4. Komunikasyong Pang-masa- lto ang komunikasyong gumagamit ng mga
midyum
na pangmasa gaya ng radyo, telebisyon at pahayagan. Ang mga halimbawa nito ay
ang mga salita o komentaryo sa radyo at telebisyon.
5. Komunikasyong Pang organisasyon - lto ang komunikasyong naglalayong
maaing mabisa at mahusay ang pagpapalakad sa isang organisasyon tulad ng
pagpupulong ng samahan ng mga esudyante para mapigilan ang pagtaas ng matrikula.
6. Kominikasyong Pangkultura - Ang komunikasyong ito ay nagaganap upang
maitanghal o maipakilala ang kultura ng isang bansa gaya ng halimbawa ng ng
panonood ng pelikula at mga dula na nagsasalaysay nang makukulay na kaugalian ng
mga Pilipino s aCultural Center of the Philippines,
7. Kuturang Pangkaunlaran - Layunin ng komunikasyong ito na mapabilis ang
pagunlad at pagsulong ng isang bansa. Ang halimbawa nito ay ang mga
8. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 8
komparensyang dinadaluha ng mga kinatawan ng ibat ibang bansa na kung saan
nagkakaroon ng maayang palitan ng kaisipan upang masolusyunan ang mga suliraning
humahadlang sa kaunlaran at kapayapaan ng iba’t ibang bansa sa daigdig.
KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
1. Ang komunikasyon ay isang proseso - isang proseso ng komunikasyon na
kinapapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe, halimabawa bago makapagpadala ng
mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin muna kung ano mensaheng
ipapadala, paano ipapadala, ano-anong salita ang kaniyang gagamitin, paano isasaayos
upang maunawaan, sa anong daluyan iyon pararaanin at ano ang inaasahang reaksyon
ng pagpapadalhan ng mensahe.
Ito ang tinatawag na encoding o ang proseso ng pageencode ng mensahe.
Kapag natanggap na ng ibang tao ang mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon
mula sa kanya, paano iyon tutugunan at sa paanong paraan ipapadala ang kaniyang
reaksyon? Ito ang tinatawag na decoding o proseso ng pagdedecode ng
mensahe.idagdag pa na ang proseso ng komunikasyon ay hindi maaaring one way
lamang. Ito ay peoseso ng close-circuit.
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko
Isang pilosoper ang minsan nagsabi na walang taong makatutuntong sa gayon
ding ilog nang higit sa misa. Ano ang big sabihin nito? Bawat sandai, nagbabago ang
ilog sapagkat dumadaloy ang tubig nito. Tumuntong mang mui roon ang isang tao.
ang tubig na unang ang tinapakan ay umagos na. Hindi na rin siya ang dating taong
unang tumuntong sa ilog na iyon dahii pliosopikał ay tumanda na siya. Paano'y
tumatanda ang lahat ng tao sa pagipas ng bawat segundo, hindi ba? Gayon din ang
komunikasyon. Minsang nangyari, hindi na mauulit. Uliin mang muli ang mga
salitang unang tinuran, nag-iba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon.
Paano'y ano mang komunikasyon ay naimpłuwesyahan ng oras lugar. mga
parngyayari, at mga taong sangkot sa proseso, kung kaya't ang komunikasyon ay
nagbabago o dinamiko o dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.
9. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 9
3. Ang komunikasyon ay komplikado
Nagiging Komplikado ang proseso komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin
ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na
hindi laging pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap. halimbawa, ang
kanilang komunikasyon ay naiimpuwensyahan ng;
a. persepsyon ng isa sa kanyang sarili,
b. persepsyon niya sa kanyang kausap.
c. iniisip niyang persepsyon ng kausap sa kanya,
d. ang tunay na persepsyo ng kanyang kausap sa kanya.
Áng kanyang kausap ay mayroon ding:
a. persepsyon sa kanyang sarili,
b. Iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya,
c. iniisip niyang persepsyon niya sa kanyang kausap.
d. tunay na persepsyon niya sa kanyang
kausap.
Kompiikado hindi ba? Bunga ng komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito,
may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi
pagkakaunawaan.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang nagpadala/ natatanggap sa komunikasyon
Ito ay proseso ng pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag nagpadala
ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong
magkaroon ng iba’t ibang kahulugan.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan na tayo sa kapwa.
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon
a) Mensaheng panglinggwistika
b) Relasyunal o di berbal na nagpapahiwatig nang damdamin o pagtingin sa
kausap.
10. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 10
Proseso ng Komunikasyon
Komunikasyon na magagamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa
kominkasyon. Napiling talakayin dito ang prosesong NMDT (nagpapadala-
mensahe-daluyan-tumatanggap). Makatutulong ang modelong ito sa
pagpapaliwanag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Dito, susuriin natin ang
bawat kaganapan sa nagaganap na proseso ng komunikasyon.
Nagpapadala
Sa nagpapadala nagmumula ang mensahe. May limang bagay ang nakakaapekto
sa nagpapadala sa anumang mensahe na kanyang nais iparating.
Kasanayang pangkomunikasyon
Ugali
Kaalaman
Katayuang panlipunan
Kultura
(Nakakaapekto rin sa tagatanggap ang 5 bagay na nabanggit)
Ang kakayahan natin sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay nakabatay sa
ating mga kasanayang pang-wika (verbal communication skills). May limang
kasanayang pangwika; dalawa sa kasanayang ito ay nauukol sa kasanayan sa
pagpapadala ng mensahe, ang pasasalita at pagsusulat; ang dalawa ay nuukol sa
pagtanggap, ang pakikinig at pagbasa. Ang panlimang kasanayan naman ay
mahalaga sa kapwa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang kakayahan sa
pag-iisip o pangangatwiran. Malaki ang maitutulong ng pagkabihasa natin sa mga
kasanayang ito sa ating mabisang pakikipagkomunikasyong verbal.
Makikita rin ang kahusayan natin sa komunikasyon sa ating kakahang gumamit ng
mga komunikasyong di-verbal .
Ugali, ang isa pang bagay na nakakaapekto sa ating pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe. Malawak ang saklaw ng pag-uugali. Subalit sa
talakayang ito sikapin nating ituon ang ugali sa pangkalahatang nararandaman ng
isang tao tungkol sa isang bagay. Halimbawa, maaring positibo o negatibo ang
ating reaction sa opinion o mungkahi ng isa mong kamag-aral.
11. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 11
Nakakaapekto ang ugali sa ating pakikipagkominikasyon sa tatlong paraan.
Sa ating sarili, sa paksa at sa tagatanggap o kausap.
Sa sarili – ito ang ating nararandaman habang pinapadala natin ang mensahe.
Mapapansin ng tumatanggap kung tayo ay nasisiyahan o hindi. Nababawasan ng bisa
ang ating mensahe kung makikita ng kausap ang kawalan o kakulangan ng tiwala sa
sarili.
Sa paksa – ito ang ating nararandaman tungkol sa isang bagay. Kadalasan, sa
pananaw natin ibinabatay ang ating sinasabi. Maaring puro magagandang bagay lang
ang iyong sasabihin tungkol sa isang bagay dahil gusto mo ito. Maari mo ring sadyang
iwasang sabihin ang mga masamang bagay ukol dito dahil nga sa iyong pananaw o
nararandaman.
Sa tagatanggap o kausap – ang nararandaman natin tungkol sa ating kausap ay
malaki rin ang nagagawa sa nilalaman ng ating mensahe. Maaring iba ang ating
mensahe kung tayo ay nagagalit o natutuwa sa ating kausap. Gayon din, iba ang
paraan ng ating pakikipag-usap sa mga taong nakababa ang posisyon kaysa atin at sa
mga taong nakatataas ang posisyon.
Kaalaman, malaki ang epekto ng ating nalalaman tungkol sa isang bagay para sa
ating mabisang pakikipagkomunikasyon. Ang isang magsasaka halimbawa ay
buong tiwala sa sariling makapagpapaliwanag tungkol sa pagtatanim at
pangangalaga sa mga peste sa palay. Subalit makakarandam siya ng kaba kung
ang pag-uusapan ay ang trapiko at iba pang problemang panlunsod.
Katayuang panlipunan – nakakaapekto sa paraan ng pagpapahayag ng nagpapadala
at tumatanggap ng mensahe ang kanyang katayuan. Bawat isa sa atin ay may
katayuang kinabibilangan sa lipunan. Kabilang sa katuyuang ito ang pamilya,
paaralan, simbahan, pamahalaan, o barkadahan.
12. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 12
Kultura – higit na magiging mabisa ang komunikasyon kung ang nag-uusap ay may
parehong kultura. Halimbawa ang pagbibigay ng biro (joke) ay magiging mabisa
lamang kung ang nagbibigay at tumatanggap ng biro ay may parehong karanasan.
Mensahe
Bawat mensahe ay may dalawang aspeto. Ang nilalaman at pananaw. Sa laman ng
mensahe makikita ang tema, dating at katwiran. Halimbawa ang isang lider ng
kabataan ay hihiling sa isang kongresista na magpatayo ng isang palaruaan.
Maaring maging laman ng kahilingan ang dahilan kung bakit dapat magtayo ng
palaruaan sa kanilang lugar, ang halagang gugulin sa pagpapatayo at ang
benepisyong matatamo ng komunidad sa pagpapatayo ng nabanggit na proyekto.
Sa pananaw naman makikita ang ayos ng mensahe. Sa halimbawang nabanggit sa
itaas, maaring ayusin ng lider ng kabataan ang kanyang mensahe sa paraang higit
na katanggap-tanggap sa kongresista. Siguro higit na makabubuting bigyan diin sa
mensahe ang benepisyo at dahilan ng pangangailangan sa nabanggit na palaruan
kaysa sa halagang magugugol.
Daluyan
kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakirandam, at
institusyonal (institutionalized channels) sa pamamagitan ng tuwirang pakikipag-
usap, sa pamamagitan ng sulat o sa pamamagitan ng mga kagamitang electronics
tulad ng telepono, computer, beeper, fax atbp.
Bawat daluyang institusyonal ay nanganga-ilangan ng isa o higit pang daluyang
pandama. Halimbawa sa ating tuwirang pakikipag-ugnayan tunog sa pandinig,
galaw sa paningin, at paghawak sa kamay para sa pakirandam.
Ang tuwirang pakikipagkomunikasyon ang pinakamainam gamitin kung ang
layunin ay agad makatawag pansin at makakuha ng dagliang tugon.
Tumatanggap
Ang tumatanggap ng mensahe ay dapat magtuon ng pansin, magpakahulugan at
tumugon sa mensahe. Layunin ng komunikasyon na mapaabot ang mensahe sa
pinatutungkulan nito. Dapat isaalang alang ng nagpapadala ng mensahe na ang
13. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 13
pinakaunang hakbang sa papapaabot ng mensahe ay kung paano matatawag ang
pansin ng kausap. Matapos matawag ang pansin ng kausap ay dapat namang
maipaunawa na wasto ang mensahe. Ang pagtawag ng pansin at pagpapaunawa ay
pamamaraan kung saan dapat isaalang alang ang mga bagay na nakakaapekto sa
pagpapadala ng mensahe. (kasanayang pangwika, ugali, kaalaman, katayuang
panlipunan at kultura)
Matapos maituon ang pansin at maunawaan ang mensahe, ang susunod na
hakbang ng tumatanggap ay ang pagtanggap. May tatlong antas o level ang
pagtanggap. Una, pagkilala, naniniwala ang tumatanggap ng mensahe na tama ang
nilalaman nito. Pangalawa, bisa, hindi lang naniwala sa katumpakan ng mensahe
subalit naniwala rin ng may mabuting maidudulot o bisa ito. Pangatlo ay ang
aksyon o pagkilos na dapat isagawa bunga ng mensaheng natanggap.
Tugon
Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon. Ang
tugon ay maari ring paraanin sa parehong daluyuan o sa ibang daluyan ayon sa
hinihingi ng pagkakataon papunta sa nagpadala ng mensahe. Sa pagpaparating ng
tugon dapat muling isaalang-alang ang mga bagay na nakakaapekto sa
pagpapadala ng mensahe.
Ang tugon ay sukatan ng implwensya o kapangyarihan – Sa isang bansang
demokratiko tulad natin, napakahalaga ang implwensya sa pamayanan o
komunidad. Kung ang isang lider o isang grupo ay naging matagumpay sa
pangangalap ng pondo para sa isang proyekto, masasabi ng lider o grupong ito na
sila ay maimplwensya sa komunidad. Subalit kung walang sumuporta sa kanilang
proyekto, masasabi namang silang walang implwensya o kapanyarihan sa
komunidad. Samaktwid, maari nating sabihing ang implwensya o kapangyarihan
ay nakasalalay sa kahusayan sa komunikasyon.
14. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 14
Gampanin ng komunikasyon
Magbuklod-buklod
Nagkaroon ng unawaan at nagtutulung-tulong tungo sa ikakatagumapay ng isang
mithiin o adhikain
Magbukud-bukod
Ang wika ay instrumento ng pagkakakilanlan ng mga tao sa isang pook o bansa
man
Damdaming may pagmamalaki
Ang pagkakaroon ng isang wikang sarili ay naging tatak ng kalayaan o kasarinlan
Pagkakaroon ng panukatan sa pag-alam nito
Ang pagsasagawa nang makaagham na pag-aaral sa wikang sarili
GAWAIN 2;
SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN:
1. Sa paanong paraan nagbabago ang kominikasyon?
2. Bakit nasabing ang komunikasyon ay dinamiko?
3. Magbigay ng isang kongkretong halimbawa sa pagkakabuklod buklod dahil sa
komunikasyon
4. Paano mo maipagmamalaki ang pagkakaroon ng sariling wika na nagagaimit sa
pakikipagkomunikasyon?
5. Sa isang buong malinis na coupon bond, o sa paraang paggamit ng kompyuter sa
pag-eencode, gumawa ng isang paglalarawan/ modelo ng pakikipagkomunikasyon.
Gawin itong kaayaya-aya at nakakaakit sa paningin.