PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
1. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 1
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul 1
Sa
FIL 206
ESTRUKTURA NG
WIKANG FILIPINO
9:30 – 11:00
TTH
Associate College Instructor:
JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com
2. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 2
I. Pamagat
Ang Wikang Filipino at Ortograpiyang Pambansa
II. Lagom Pananaw
Sa mga araling tatalakayin sa module na ito, mapag-aaralan ang naging kasaysayan at ang
pag-unlad ng wikang Filipino, mula sa kung paano nagsimula ang paraan ng pagsusulat, mga
bilang ng titik na ginagamit at naging kasaysayan sa mga pagbabagong ito. Matatalakay din mula
dito ang Ortograpiyang Pambansa kung saan ito ay ang mga pagbabago nagaganap sa balarilang
na sinusundan o mga palatuntunan sa Pagbuo ng mga salita.
III. Layunin
1. Nakikilala ang mga pagbabago, kasaysayan at pag-unlad ng wika
2. Nabibigyang halaga ang ortograpiyang pambansa
3. Nakapagbibigay ng kaalaman tungkol sa Wikang Filipino
4. Natutukoy ang pagbabago at kasaysayan sa alpabetong Filipino.
IV. Mga Nilalaman
Ang Wikang Filipino at Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Filipino
Kahulugan ng Filipino
Ang Alpabeto at Ortograpiyang Pambansa
Ang Panig at Palapantigan
V. Talakayan/ Deliberasyon
3. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 3
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino
Panahon ng mga Katutubo
1. Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat
Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig
Alibata
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais
basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik
ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng
mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
4. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 4
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig
sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa
pagkakaltas ng huling tunog.
Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng
pagtatapos nito.
Gawain 1:
Sa isang buo at malinis na coupon bond, Isulat ang iyong pangalan sa
pamamagitan ng alibata. Sundan ang pormat ng mga halimbawang
nakasaad sa itaas.
5. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 5
Panahon ng mga Kastila
Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20
titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.
a, e, i, o, u
b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga
Kastila.
Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa
mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang
Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong
wika
Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.
Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya
subalit hindi naman ito nasunod.
Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino
Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo
6. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 6
Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos I ay
naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na
batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-
uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga
pamayanan ng Indio.
Panahon ng Propaganda
Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar
Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga
akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga
Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
Panahon ng mga Amerikano
Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey
Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at
pamumuhay na demokratiko
Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling
magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano
Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin
ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles
Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na
ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong lokal
N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat
dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling
ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na gawain
7. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 7
Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang
mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang
bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at
pantulong naman ang wikang rehiyonal
Panahon ng Hapones
Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano,
ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan.
Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika
ang Tagalog at wikang Hapon
Panahon ng Malasariling Pamahalaan
Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – ―Ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.‖
Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral
sa pagpili ng wikang pambansa.
Manuel Luis Molina Quezon
8. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 8
Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal na
paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936
Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas
Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa
Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 – nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng
wikang pambansa
Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika :
Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang
wika
Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa
wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat
Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa
Pilipinas
Ang wikang Tagalog ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang wikang
ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkaroon tayo ng wikang
pagkakakilanlan, hinirang siyang ―Ama ng Wikang Pambansa‖
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 – nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa
Wikang Pambansa.
Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pampubliko at
pampribado sa buong bansa
Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay magiging
isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso
26, 1954 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay
magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,
1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang.
Quezon (Agosto 19)
9. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 9
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang
Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa
mga paaralan
Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin
Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at
tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967
Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa
mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – ―Ang Batasang Pambansa
ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles
at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas‖
Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel
ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat
ng kurikulum na pandalubhasang antas
Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25,
1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles
Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili
10. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 10
Gawain 2. Grapikong ilustrasyon
Sukain natin ang iyong pagiging malikhain, sa pamamagitan ng graphic organizer na siyang
nagpapakita ng ilang mahahalaga at mga pinakapangunahing kaalaman sa naging kasaysayan
ng wikang Filipino.
Ang magiging batayan sa pagmamarka ay ang mga sumusunod:
Disenyo -------- 30%
Impormasyon -------- 40%
Kaayusan --------- 30%
100%
Maaari mong gawin ang iyong Graphic Organizer gamit ang iba’t ibang aplikasyon na nais at
sanay mong gamitin.
11. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 11
GRAFEMA
Pangunahing tungkulin ng ortograpiya ang paglalapat ng grafema sa pahayag napasalita at
bigkas. Tinatawag na graféma ang isang set o pangkat ng mga bahagi sa isangsistema ng
pagsulat. Ang mga grafema sa praktika ng ortograpiyang Filipino ay binubuo ngtinatawag na
mga titik at mga di-titik.
1.1 Titik.
Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o
bokablo ( vocablo ) at ng mga katínig o konsonante ( consonante ). Ang serye ng mgatitik o
letra ay tinatawag na alpabéto
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik at kumakatawan ang
bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o binabása ang mgatitik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ
12. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 12
1.2 Di-titik.
Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang tuldik o asento ay gabay sa paraan ng
pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika, itinuturing ang tuldik nasimbolo para sa impit na
tunog o kayâ sa diin o habà ng pagbigkas. Sa abakadang Tagalog,tatlo ang pinalaganap nang
tuldik: (1) ang tuldik na pahilís (´) na sumisimbolo sa diin at/ohabà, (2) ang tuldik na paiwà (`),
at (3) ang tuldik na pakupyâ (^) na sumisimbolo sa impitna tunog. Kamakailan, idinagdag ang
ikaapat, ang tuldik na patuldók , kahawig ng umlaut at dieresis ( ¨ ) upang kumatawan sa
tunog na tinatawag na schwa sa lingguwistika. Ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at
himig ng pagsasalita sa pagitan ngmga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at
sa pagitan ng mga pangungusap.Mga karaniwang bantas ang kuwít (.), tuldók (.), pananóng
(?), padamdám (!), tuldók-kuwít ;, tutuldók (:), kudlít (’), at gitlíng (-).
PANTIG AT PALAPANTIGAN
Ang pantíg o sílabá ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o
kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig. Bawat patinig (a/e/ë/i/o/u) ay isang pantig;
samantala,kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging pantig. Dagdag
pa, may isalámang patinig sa bawat pantig samantalang maaaring mahigit sa dalawa ang
katinig sa isangpantig.
2.1 Kayarian ng Pantig
Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang pantig ay maaaringbinubuo ng isang
patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig atisang patinig.
Sumusunod ang mga kayarian ng pantig sa pasulat na simbolo at kinakatawanng P ang
patinig at ng K ang katinig
13. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 13
Pansinin na ang mga itinanghal na kayarian ng pantig ay nakabatay sa paraan ng
pagsulat sa kasalukuyan at hindi sa posibleng tunog sa isang pantig. Sa gayon, hindi nito
nailalarawan ang pagkakaroon ng kambal-patinig sa pantig dahil sa kasalukuyang
tuntunin sapagsulat ng pantig na may kambal-patinig. Pansinin din na ang mga pantig na
may dalawa o mahigit pang katinig ay malimit na taglay ng salitang hiniram mula sa
Espanyol o Ingles.
2.2 Pagpapantig ng mga Salita.
Ang pagpapantig ay paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na
ipinambuo dito. Nakabatay ito sa grafema o nakasulat na mga simbolo.
Halimbawa, /u•be / (ube), / ba•hay / (bahay).
Narito ang ilang tuntunin:
Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig saposisyong pang-una,
panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig.Halimbawa: / a•ak•yat / (aakyat), /
a•la•a•la / (alaala), / to•to•o / (totoo)
Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unaay isinasáma
sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasáma sa kasunod napantig. Halimbawa: /
ak•lat / (aklat), / es•pes•yal / (espesyal), / pan•sit /(pansit), / os•pi•tal / (ospital).
Nasasaklaw nitó pati ang mga digrapo, gayasa / kut•son / (kutson), / sit•sa•ron /
(sitsaron), / tit•ser / (titser).
14. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 14
Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita,ang unang
dalawa ay sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatloay napupunta sa
kasunod na pantig. Halimbawa: / eks•per•to / (eksperto),/ trans•fer / (transfer), /
ins•pi•ras•yon / (inspirasyon).
Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N atang kasunod ay
alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig(M/N) ay isinasáma sa unang
patinig at ang sumunod na dalawangkatinig ay napupunta sa kasunod na pantig.
Halimbawa: / a•sam•ble•a /(asamblea), / tim•bre / (timbre), / si•lin•dro / (silindro), /
tem•plo /(templo), / sen•tro / (sentro).
Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isangsalita, isinasáma
ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig atisinasáma ang hulíng dalawang
katinig sa kasunod na pantig. Halimbawa,/ eks•plo•si•bo / (eksplosibo), / trans•plant /
(transplant)
2.3 Pantig na Inuulit.
Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámangang inuulit. Halimbawa: /
a•ak•yat / (aakyat), / i•i•big / (iibig), / u•u•bu•hin / (uubuhin).Nagaganap din ito kahit
may panlapi ang salita. Halimbawa: / ma•a•ak•yat / (maaakyat),/ u•mi•i•big / (umiibig), /
u•mu•u•bo / (umuubo).
Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lámang ang
inuulit.Halimbawa: / la•la•kad / (lalakad), / ba•ba•lik / (babalik). Nagaganap din ito kahit
may panlapiang salitang-ugat. Halimbawa: / mag•la•la•kad / (maglalakad), /
pag•ba•ba•lik / (pagbabalik).
Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster),ang
unang katinig at patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: / i•pa•pla•no / (ipaplano),/
mag•ta•trans•port / (magtatransport), / pi•pri•tu•hin / (piprituhin). Nagaganap ito kahit
sakaso ng hindi pa nakareispel na salitang banyaga. Halimbawa: / mag•be-blessing /, /
i•pa•ko- close /, / i•se-share /. Gayunman, maaaring ituring na varyant ang pag-uulit ng
dalawang katinig at patinig, gaya sa / i•pla•pla•no /, / mag•ble-blessing /.
15. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 15
Gawain:
Mula sa napag-aralang kayarian ng pantig. Punan ang bawat kahon sa ibaba
na tutugon sa pangangailan upang makapagbigay ng mga hinihinging salita.
Kayarian Halimbawa ng salita
P
KP
PK
KPK
KKP
PKK
KPKK
KKPK
KKPKK
KKPKKK
16. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 16
PAGBAYBAY NA PASALITA
Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo
saisang salita, pantig, akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-agham, atbp.
3.1 Pantig
Pagsulat Pagbigkas
to /ti-o/
pag /pi-ey-dyi/
kon /key-o-en/
trans / ti-ar-ey-en-es/
3.2 Salita
Pagsulat Pagbigkas
bayan /bi-ey-way-ey-en/
plano /pi-el-ey-en-o/
Fajardo /kapital ef-ey-dyey-ey-ar-di-o/
jihad /dyey-ay-eyts-ey-di/
3.3 Akronim
MERALCO (Manila Electric Company) /kapital em- kapital i- kapital ar- kapital ey-
kapital el- kapital si- kapital o/
CAR (Cordillera Administrative Region) /kapital si- kapital ey- kapital ar/
ASEAN (Association of Southeast
AsianNations)
/kapital ey- kapital es- kapital i- kapital ey-
kapital en/
AIDS (Acquired Immune Defeciency
Syndrome)
/kapital ey- kapital ay- kapital di- kapital es/
17. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 17
EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) /kapital i- kapital di- kapital es- kapital ey/
PAGASA (Philippine Atmospheric,
Geophysical, and Astronomical Services
Administration)/
kapital pi- kapital ey- kapital dyi- capital ey-
kapital es- kapital ey/
Pag-IBIG (Pagtutulungan: Ikaw,
Bangko,Industriya, at Gobyerno)/
kapital pi-ey-dyi-gitling- kapital ay- kapitalbi-
kapital ay- kapital dyi/
4. Daglat
Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/
G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/
Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/
Kgg. (Kagálang-gálang) / kapital key-dyi-dyi tuldok/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/
atbp (at iba pa) /ey-ti-bi-pi/
3.5 Inisyals
3.5.1.Mga Tao/ Bagay
MLQ (Manuel L.Quezon) /kapital em- kapital el- kapital kyu/
LKS (Lope K. Santos) /kapital el- kapital key- kapital es/
AGA (Alejandro G. Abadilla) /kapital ey- kapital dyi- kapital ey/
TKO (Technical Knockout) /kapital ti- kapital key- kapital o/
CPU (Central Processing Unit) /kapital si- kapital pi- kapital yu/
DOA (Dead on Arrival) /kapital di- kapital o- kapital ey/
18. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 18
3.5.2 Mga Samahan/ Institusyon/ Pook
KKK (Kataas-taasang Kagalang-
galangangKatipunan)
/kapital key- kapital key- kapital key/
BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) /kapital bi- kapital es- kapital pi/
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /kapital key- kapital dobolyu- kapital ef/
PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) /kapital pi- kapital el- kapital em/
MSU (Mindanao State University) /kapital em- kapital es- kapital yu/
LRT (Light Railway Transit) /kapital el- kapital ar- kapital ti/
3.6 Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika
Fe (iron) /kapital ef-i/
lb. (pound) /el-bi tuldok/
kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
H2O (water) /kapital eyts-tu-kapital o/
NaCl (sodium) /kapital en-ey-kapital si-el/
19. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 19
PAGBAYBAY NA PASULAT
Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning ―Kung ano ang
bigkas,siyáng sulat‖ sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa mga na
isangpagpapaikli sa lumang anyo nitóng ―manga‖ at ginagamit noon hanggang sa bungad
ng ika-20siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling ng at ang
mahabàng nang ,isang tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong
panahon ng Espanyol namahabàng ―nang‖ lagi ang isinusulat.
4.1 Gamit ng Walong Bagong Titik.
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulatang paggamit ng walong (8)
dagdag na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z . Pangunahing gamit ng
mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulatng mga salita mula sa
mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante
upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong
panahon ng abakada na ang ―Ifugaw‖ ay isinusulat na ―Ipugaw‖ o ang ―Ivatan‖ ay
isinusulat na ―Ibatan.‖ Narito pa ang ilang halimbawa:
Alifuffug (Itawes) ipuipo
Safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
Falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipitna dahon sa ihipan
Feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo
Jambangán (Tausug) halaman
Masjid (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusalingsambahan ng
mga Muslim
Julúp (Tausug) masamang ugali
Avid (Ivatan) ganda
Vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang
pananggalang sa ulan at init ng araw
Kuvat (Ibaloy) digma
Vuyu (Ibanag) bulalakaw
Vulan (Itawes) buwan
Kazzing (Itawes) kambing
Zigattu (Ibanag) silangan
20. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 20
4.2 Bagong Hiram na Salita.
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagonghiram na salita mulang
Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga bagong hiram. Ang ibig
sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap
na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng
orihinal na forma sa Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang pórma pati ang mga
deribatibo nitóng pormál, impormál, pormalísmo, pormalidád, depormidád, atbp. Hindi
rin dapat ibalik ang pírma sa firma, ang bintanà sa ventana, ang kálye sa calle , ang tséke
sa cheque, ang pinyá sa piña , ang hamón sa jamon , ang eksisténsiyá sa existencia , ang
sapátos sa zapatos.
4.3 Lumang Salitang Espanyol.
Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang Espanyol ang mga
nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa
mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban.
Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na
pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga
orihinal na salita, gaya sa bakasyón (vacacion), kabáyo (caballo), kandilà (candela),
puwérsa (fuerza), letsón (lechon), lisénsiyá (licencia), sibúyas (cebolla+s), siláhis
(celaje+s), sóna (zona), kómang (manco), kumustá (como esta), pórke (por que), at libo-
libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog,
Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Espanyol
4.4 Di Binabagong Bagong Hiram.
Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita
mulang Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan
sa dalawang binanggit na diksiyonaryo sa seksiyong 4.3. Halimbawa, maaaring hiramin
nang buo at walâng pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil, vísa, vertebrá, zígzag. Samantala,
dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin
nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling, gaya ng fern, fólder, jam, jar, lével
(na hindi dapat bigkasing mabilis—―lebél‖—gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa
itong salitang Espanyol), énvoy, devélop, ziggúrat, zip..
21. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 21
4.5 Problema sa C, Ñ, Q, X.
Gayunman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita
na hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walâng halimbawa ng hiram na salita
na may mga titik C, Ñ, Q, at X. Bakit? Narito ang paliwanag. Isang magandang simulaing
pangwika mula sa baybayin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang
kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang
paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K ang tunog nitó
sa unang titik ng coche (kótse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik ng ciudad
(siyudád). Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita na nagtataglay
ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan na ng NY, gaya sa
dónya (doña), pinyá (piña), bányo (baño).
Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit
na titik—nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.6,
ginagamit lámang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at
katawagang teknikal at pang-agham (Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng
pangngalang pambalana at nais ireispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat
ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol na késo
(queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY bárbikyú (barbeque). Ang X naman
ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ékstra (extra).
4.6 Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik.
Sa kasalukuyan, sa gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay
ginagamit sa tatlong pagkakataón ng panghihiram mula sa mga wikang banyaga. Una, sa
mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, halimbawa, TSARLS
Charles, Ceferino SEPIRINO, Catherine, Colorado, Fidel, Feliza, San Fernando,
Filipinas, Jason, Jennifer, St. Joseph, Jupiter, Beijing, Niñez, Montaño, Santo Niño,
Enrique, Quiroga, Quirino, Vicente, Vladimir, Nueva Vizcaya, Vancouver, Xerxes,
Maximo, Mexico, Zenaida, Zion, Zobel, Zanzibar.
Ikalawa, sa mga katawagang siyentipiko at teknikal, halimbawa, ―carbon dioxide,‖
―Albizia falcataria,‖ ―jus sanguinis,‖ ―quorum,‖ ―quo warranto,‖ ―valence,‖ ―x-axis,‖
―oxygen,‖ ―zeitgeist,‖ ―zero,‖ ―zygote.‖
Ikatlo, sa mga salita na mahirap dagliang ireispel, halimbawa, ―cauliflower,‖
―flores de mayo,‖ ―jaywalking,‖ ―queen,‖ ―quiz,‖ ―mix‖ ―pizza,‖ ―zebra.‖
22. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 22
4.7 Eksperimento sa Ingles.
Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa
reispeling o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang
banyaga. Dapat madagdagan nang higit ang istámbay (stand by), iskúl (school), iskédyul
(schedule), pulís (police), bóksing (boxing), risés (recess), bílding (building), gróserí
(grocery), ánderpás (underpass), háywey (highway), trápik (traffic), grádweyt (graduate),
kórni (corny), písbol (fishball), másinggán (machinegun), ármaláyt
(armalite), bísnes (business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga
mag-aaral dahil higit na madalî niláng makikilála ang nakasulat na bersiyon ng salita.
Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling.
Ngunit tinitimpi ang pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram kapag:
(1) nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino,
(2) nagiging higit pang mahirap basáhin ang bagong anyo kaysa orihinal,
(3) nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng
pinagmulan,
(4) higit nang popular ang anyo sa orihinal, at
(5) lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig na salita sa
Filipino.
Halimbawa, bakâ walâng bumili ng ―Kok‖ (Coke) at mapagkamalan itong
pinaikling tilaok ng manok. Matagal mag-iisip ang makabása ng “karbon day-oksayd”
bago niya maikonekta ito sa sangkap ng hangin. Iba ang baguette ng mga Pranses sa ating
kolokyal na ―bagets.‖
Nawawala ang samyo ng bouquet sa nireispel na ―bukey.‖ Nakasanayan nang
basahin ang duty-free kayâ ipagtataká ang karatulang ―dyuti-fri.‖ May datíng na
pambatas ang habeas corpus kaysa isina-Filipinong ―habyas korpus.‖ Bukod sa hindi
agad makikilála ay nababawasan ang kabuluhang pangkultura ng feng shui kapag
binaybay na “fung soy” samantalang mapagkakamalan pang gamit sa larong dáma
23. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 23
ang pizza kapag isinulat na “pitsa.” Malinaw ding epekto ito ng lubhang
pagkalantad ng paningin ng mga Filipino sa mga kasangkapang biswal (iskrin,screen)
karatula, bilbord) na nagtataglay ng mga salitang banyaga sa mga orihinal na anyong
banyaga.
4.8 Espanyol Muna, Bago Ingles.
Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang
pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang singkahulugang salita mulang
Espanyol, lalo’t may nahahawig na anyo, dahil higit na umaalinsunod ang wikang
Espanyol sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles. Higit na magaang basáhin (at
pantigin) ang estandardisasyón (estandardizacion) mulang Espanyol kaysa
―istandardiseysiyon‖ (standardization) mulang Ingles, ang bagáhe (bagaje) kaysa
―bageyds‖ (baggage), ang birtúd (virtud) kaysa ―virtyu‖ (virtue), ang ísla (isla) kaysa
―ayland‖ (island), ang imáhen (imagen) kaysa ―imeyds‖ (image), ang sopistikádo
(sofisticado) kaysa ―sofistikeyted‖ (sophisticated), ang gradwasyón (graduacion) kaysa
―gradweysiyon‖ (graduation).
4.9 Ingat sa “Siyókoy.”
Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyókoy ni Virgilio S. Almario, mga
salitang hindi Espanyol at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga ng
kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog
Espanyol ang pananalita. Napansin ito nang iuso ni Rod Navarro sa programa niya sa
radyo ang ―konsernado,‖ na pagsasa-Espanyol niya ng Ingles na concerned. Pinuna ang
artistang anawnser dahil ―siyokoy‖ ang Espanyol. Ang tumpak na anyo nitó sa Espanyol
ay konsernído (concernido). Ngunit marami siyáng katulad sa akademya at midya. Dahil
kulang sa bantay-wika, dumami ang salitang siyokoy. Bagaman bago, mabilis kumakalat
ang mga salitang siyokoy dahil pinalalaganap ng mga sikat na artista, brodkaster,
manunulat, at akademista na limitado ang kaalaman sa wikang Espanyol.
Ilang siyokoy ngayon ang ―aspeto‖ na hindi ang Espanyol na aspecto; ―imahe‖ na
hindi ang wastong imahen (imagen), ―pesante‖ na hindi ang tumpak na paisano ng
Espanyol ni ang peasant ng Ingles; ―kontemporaryo‖ na hindi ang kontémporaneó
(contemporaneo) ng Espanyol; ―endorso‖ na halatang naipagkakamali ang endorse ng
Ingles sa endóso ng Espanyol. Ipinapayo ang pagkonsulta sa mapagkakatiwalaang
diksiyonaryong Espanyol bago isalin sa Espanyol ang nais sanang sabihin sa Ingles. O
24. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 24
kayâ, huwag ikahiya ang paggamit ng terminong Ingles kung iyon ang higit na alam:
aspect, image, peasant, contemporary, endorse. O kayâ, maaaring higit na maintindihan
ng madla kung ang katapat na salita sa Filipino ang gagamitin: mukhâ o dakò, laráwan o
hulágway, magbubukíd o magsasaká, kapanahón o nápápanahón, pinilì o pinagtibay.
Maituturing ding siyokoy ang paraan ng paggamit sa level ng ilang akademisyan
ngayon. Binibigkas ito nang mabilis at binabaybay nang ―lebél‖ sa pag-aakalang naiiba
ito sa Ingles na level. Hindi kasi nilá alam na ang tunay na salitang Espanyol nitó ay nibél
(nivel) at matagal nang hiniram ng ating mga karpintero. Kung nais ang Ingles, bigkasin
nang wasto ang lével (malumay) at hindi na kailangang ireispel. Tulad sa bagong pasok
sa Filipino mulang Ingles na lével-ap (level-up). Kung nais namang higit na
maintindihan, maaaring gamitin ang Tagalog na antas gaya sa ―antas primarya‖ at ―antas
sekundarya,‖ o taas gaya sa ―taas ng tubig sa dagat‖ o ―taas ng karbon sa hangin.‖
4.10 Eksperimento sa Espanyol.
Iba sa salitang siyokoy ang sinasadyang eksperimento o neolohísmo sa pagbuo ng
salitang pa-Espanyol. Nagaganap ito malimit ngayon sa paglalagay ng hulaping
pangkatawagan, na gaya ng -ismo, -astra (astro), -era (ero), -ista (isto), -ica (ico), -ia (io),
-ga (go). Pinapalitan o pinagpapalit ang mga ito sa ilang eksperimento kung kailangan at
nagbubunga ng salita na iba sa orihinal na anyo ng mga ito sa Espanyol. Isang malaganap
na ang kritisismo para sa panunurìng pampánitikán. Kung susundin, krítiká (critica) ang
tumpak na anyo nitó at may ganito nang salita sa Tagalog noon pa, pati ang krítikó para
sa manunurì o mapanurì.
Maaari din sanang kritisísim (criticism) mula sa Ingles. Ngunit ginamit ng nag-
eksperimento ang -ismo upang waring ibukod ang kritisismo bílang panunuring
pampanitikan sa karaniwang kritika. Ang totoo, noon pang dekada 60 ay inimbento rin ni
Alejandro G. Abadilla ang ―kritikástro‖ upang tuksuhin ang kaniyang mga kritiko at may
alusyon ang neolohismo sa diktador na si Fidel Castro. May nagpalabas din ng
―kritikéro‖ para sa mababàng uri ng pamumuna. Ngunit higit ngayong ginagamit sa
akademya at pormal na pagsulat ang kritisísmo. Dalawa pang magandang neolohismo
ang siyentísta at sikolohísta. Kung susundin ang anyong Espanyol, ang dapat gamitin ay
siyentípikó (cientipico) at sikólogó (psicologo). Pero ang cientipico ay pantawag kapuwa
sa dalubhasa sa agham at sa pang-uri hinggil sa may katangiang pang-agham. Anupa’t
nais ng pag-imbento sa siyentísta na ibukod ang tao upang maipirme sa pang-uri ang
siyentípikó.
25. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 25
Samantala, ayaw ng mga dalubhasa sa sikolohiya ang ―sikologo‖ (para daw
katunog ng ―kulugo‖!), kayâ higit na nais niláng gamitin ang inimbentong sikolohísta.
Tandaan: Sinasadya ang naturang neolohismo at may dahilan ang paglihis sa anyo ng
orihinal sa wikang hiniraman. Kaiba ito sa ―siyokoy‖ na bunga ng malîng akala at dahil
sa limitadong kaalaman sa hinihiramang wikang Espanyol o ibang wikang banyaga.
Kaugnay ng naturang pangangailangan, sa halip na laging manghiram sa Espanyol o
Ingles, kailangang isaloob ang paggamit ng angkop na salita mulang ibang katutubong
wika upang itumbas sa isinasalin na konseptong banyaga. Maraming kaalamang wala sa
korpus na Tagalog ngunit nása ibang wikang katutubo ng Filipinas. Halimbawa, ang
ginagamit na ngayong ilahás mulang Ilonggo upang itapat sa konseptong wild sa agham,
ang rabáw mulang Ilokano upang itumbas sa siyentipikong surface, ang láwas mulang
Sebwano upang itapat sa body.
4.11 Gamit ng Espanyol na Y.
May espesyal na gamit ang titik na Y—na binibigkas na katulad ng ating I, gaya sa
―Isulat,‖ at kasingkahulugan ng ating at—na mungkahing ipagpatuloy ang gamit sa
Filipino. Ginagamit ito, una, upang isulat nang buo ang pangalan ng lalaki kasáma ang
apelyido ng ina. Halimbawa, isinusulat kung minsan ang pangalan ng pangulo ng
Republikang Malolos na ―Emilio Aguinaldo y Famy‖ upang idugtong ang apelyido ng
kaniyang inang si Donya Trinidad Famy. Ginagamit ito, ikalawa, sa pagbílang sa
Espanyol at binabaybay.
Halimbawa:
Alas-dos y medya (ikalawa at kalahati)
Ala-una y kuwarto (ikaisa at labinlima)
Alas-singko y beynte (ikalima at dalawampu)
Kuwarenta y singko (apatnapu’t lima)
Singkuwenta y tres (limampu’t tatlo)
Treynta y siyete (tatlumpu’t pitó)
Pansinin na nawawala ang Y kapag nagtatapos sa E ang pangalan ng unang bílang,
gaya sa beynte dos, alas-siyete kuwarto, alas-dose medya.
26. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 26
4.12 Kaso ng Binibigkas na H (eyts) sa Hiram sa Espanyol.
Sa wikang Espanyol, ang titik H (hache) ay hindi binibigkas. Kayâ ang hacienda
ay asyénda; hielo, yélo; hechura, itsúra; heredero, eredéro; hora(s), óras; at habilidad,
abilidád. Ngunit may ilang salitang Espanyol na kailangang panatilihin ang H dahil may
kahawig ang mga ito na salitang iba ang kahulugan.
Halimbawa, ang humáno (tao) na kapag inalisan ng H ay makakahawig ng
katutubong umanó. Sa gayon, kahit ang mga deribatibo ng humáno na hiniram na ngayon
sa Filipino, gaya ng humanísmo, humanísta, humanidád(es), humanitáryo, ay hindi
pinupungusan ng unang titik. Katulad din bagaman may kaibhan ang kaso ng historia, na
sa Espanyol ay maaaring gamiting kasingkahulugan ng ―kuwento‖ o ng ―kasaysayan.‖ Sa
praktika ngayon, ang histórya ay ginamit na singkahulugan ng kasaysayan samantalang
ang istórya ay itinapat sa salaysay. Kasáma ng historya sa Filipino ang historyadór,
historikó, historisísmo.
4.13 Gamit ng J.
Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig
sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Espanyol ng mga salitang ang J ay
may tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo
na ngayong hústo at huwés. Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik na J sa mga katutubong
salita na may tunog /dyey/, gaya ng jámbangán at jántung ng Tausug, sínjal ng Ibaloy, at
jínjin at íjang ng Ivatan. Gagamitin din ito sa mga bagong hiram na salita, gaya ng jet,
jam, jazz, jéster, jíngle, joy, enjóy ng Ingles, jujítsu ng Hapones, at jatáka ng Sanskrit.
Ngunit hindi sakop nitó ang ibang salitang Ingles na nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit
hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator, digest, region na kung sakaling hiramin
man ay magkakaroon ng anyong ―dyeneral,‖ ―dyenereytor,‖ ―daydyest,‖ ―ridyon.‖ Hindi
naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang Ingles na matagal nang isinusulat nang
may DY, gaya sa dyípni (jeepney), dyánitór (janitor), at dyáket (jacket).
27. FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 27
Gawain
(to follow) (ipapadala sa facebook group)