SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
Download to read offline
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 1
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul 1
Sa
FIL 212
BARAYTI SA BARYASYONG
WIKA
9:00 – 10:00
MWF
Associate College Instructor:
JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 2
Mga Konseptong Pangwika
May iba’t ibang konsepto ang wika. Ito ay ang konsepto ng wika ng Filipinas, wikang
katutubo, wikang opisyal, wikang panturo, wikang pantulong, at wikang pambansa.
 KONSEPTO NG MGA WIKA NG PILIPINAS
 KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Unang Wika)
 KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL
 KONSEPTO NG WIKANG PANTURO
 KONSEPTO NG WIKANG PANTULONG
 KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA
Para sa mga Pilipino, ang wikang Filipino ay mabisang kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Ito ay wikang dinadaluyan ng lahat ng maganda, mabuti, makatao,
makabayan, at maka-Diyos na mga kaisipan at saloobin ng ating lahi. Ito ang wikang
behikulo ng kulturang sarili at siyang inaasahang magbubuklod sa bansa. Sa pamamagitan
nito’y maaabot ang masa, maaarok ang kanilang saloobin, hangarin, at mithiin. Malaki ang
maitutulong nito sa pagpapaunlad ng pamayanan, sa paghahatid sa bayan ng mga
karunungan at kaalaman, at sa pagpapaliwanag sa sambayanan ng mga ginagawang
pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 3
KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Unang Wika)
Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na kinamulatan ng
isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang
katutubo ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng
Higaonon o Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng isang tao—ang kinagisnan
niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya.
Maganda ring isaalang-alang ang depinisyon sa “Philippine Languages” (na maaaring
ituring na salin sa Ingles ng “mga wika ng Pilipinas”) sa Republic Act No. 7104 na lumilikha
sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang nakasaad sa Seksiyon 3 ng naturang batas, “(d)
Philippine languages—refer to the indigenous languages of the Philippines including the
national language and the regional and local languages.” Ibinibilang ng batas sa “mga
katutubong wika” (indigenous languages) ang Wikang Pambansa (the national language).
Marahil, dahil kaya sa pangyayaring ibinatay ang wikang Pambansa sa isang katutubong
wika—ang Tagalog—alinsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon? Anupa’t umunlad man ang
Filipino bilang wikang Pambansa ay hindi nawawala ang katangian nito bilang isang wikang
katutubo.
Tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa ang Bikol, Ilokano,
Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-Leyte). Malimit
ding tawagin ang mga ito na wikang rehiyonal. May pagkakataong isinasama sa pangkat ang
Meranaw, Tausug, at Magindanaw. Ang karaniwang katwiran sa “pangunahing wika” ay
dahil (1) may malaking bilang ito ng tagapagsalita, karaniwang umaabot sa isang milyon ang
tagapagsalita o (2) may mahalagang tungkulin ito sa bansa bilang wika ng pagtuturo, bilang
wikang opisyal o bilang wikang pambansa.
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 4
KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan
ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.
Sa atas ng 1899 Konstitusyon, ang opisyal na wika ng Republikang Malolos ay
Espanyol bagaman itinadhana ding “opsiyonal” ang gamit sa mga wikang sinasalita sa
kapuluan. Sa 1935 Konstitusyon, itinadhana na Ingles at Espanyol ang wikang opisyal
habang hinihintay ang pagkabuo ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na wikang katutubo.
Noong 7 Hunyo 1940, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 ay ipinahayag na wikang
opisyal ang Wikang Pambansa mulang 4 Hulyo, 1946. Iniatas din ng naturang batas na
ihanda ang lahat ng teksbuk sa Wikang Pambansa na gagamitin sa pagtuturo sa lahat ng
paaralan at sa pagpapalaganap nito sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Education at
may pagpapatibay ng Institute of National Language. Mula noon ay patuloy ang mga
hakbang upang pasiglahin ang paggamit sa Wikang Pambansa—na ipinahayag noong 1959
na “Pilipino” ang opisyal na pangalan—bilang wika ng komunikasyon sa gobyerno at wika
ng pagtuturo.
Sa 1987 Konstitusyon, nakasad na wikang opisyal ang Filipino, at hanggang
ipinahihintulot ng batas, ang Ingles. Espesipikong iniutos sa Executive Order No. 335 ang
pagsasalin sa Filipino ng “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat pinuno at tauhan ng
pamahalaan at ang pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula
sa lahat ng opisina at pook publiko.
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 5
KONSEPTO NG WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo bilang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng
mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng
edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal.
Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo—ang wikang Ingles. Nagsimulang
ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa
edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang
sirkular noong 3 Mayo, 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng
Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na
Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga
asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng
Wikang Pambansa bilang wikang panturo.
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 6
KONSEPTO NG WIKANG PANTULONG
Karaniwang salin ang wikang pantulong ng auxiliary language sa Ingles. Ang
auxiliary ay may pakahulugang “dagdag na tulong o suporta.” Ang wikang pantulong,
samakatwid, ay wika na ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng dalawa o mahigit
pang nag-uusap. Sa edukasyon, tumutukoy ito sa wika na higit na alam ng mga mag-aaral sa
loob ng silid-aralan kaysa opisyal na wikang panturo kaya maaaring gamitin ng guro upang
higit siyang maintindihan ng kanyang mga tinuturuan.
Dahil multilingguwal ang Pilipinas, napakahalaga ang paggamit ng wikang pantulong
para sa higit na epektibong pagtuturo sa mga pook na ikalawang wika ramang ang wikang
panturo. Bagaman walang opisyal na atas, ginagawa ito noon pa ng mga guro sa mga pook
na di Tagalog. Sa Cebu, halimbawa, ay ginagamit na wikang pantulong sa pagtuturo ang
Sebwano; sa Vigan, ang Ilokano; sa Benguet, ang lbaloy; at sa Marawi, ang Meranaw.
Ang paggamit ng wikang pantulong, lalo na antas elementarya, ay ipinahihintulot
mismo ng 1987 Konstitusyon. Alinsunod sa ikalawang pangungusap ng Artikulo XIV,
Seksiyon 7: “Ang mga wikang rehiyonal ay ang mga opisyal na wikang pantulong sa mga
rehiyon at magsisilbing mga wikang pantulong sa pagtuturo sa naturang mga pook.” Kung
tutuosin, ang kasalukuyang MTB-MLE ay maaaring ituring na pagtupad sa isinasaad ng
siniping probisyon mula sa 1987 Konstitusyon. Pinalawak lamang ng MTB-MLE ang
aplikasyon. Unang-una, dahil hindi lamang mga wikang rehiyonal ang ipinagagamit sa mga
klaseng K hanggang 3 kundi ang lahat ng mga wikang katutubo ng bansa. Ikalawa, binigyan
ng panahon ang mga bagong mag-aaral na danasin ang pag-aaral gamit ang kanilang unang
wika sa tahanan.
FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 7
KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA
Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng
sambayanang may iba-ibang nasyon at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na
isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang layunin sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansa ay ang mabilis na pagkakaunawaan at ang pagsibol ng damdamin ng
pagkakaisa ng mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang
pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng
isang pambansang pamahalaan.
Malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng dominante at/o
pinakamaraming pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang pangkat na
gumanap ng pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ding maging
dominante ang wika sa pook na sentro ng komersiyo, edukasyon, kultura, at gawaing
pampolitika. Sa ganitong paraan lumitaw na wikang pambansa ng France ang wika ng Paris,
ng Great Britain, ang wika ng London, ng China ang wika ng Beijing, ng Esparia ang wika
ng Castilla, ng Russia ang wika ng Moskba, at ng marami pang bansa.
Maraming bansa sa Africa at sa Timog America ang nagpanatili sa wika ng kanilang
mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol ang wikang pambansa ng Mexico, Cuba,
Bolivia, Argentina, Chile, at iba pang bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa
sumakop na Espanya. Portuges ang wikang pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng
Portugal. Pranses ang wikang pambansa sa Algeria. Ingles ang wikang pambansa ng South
Africa. Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili ng Indonesia ang
Dutch, katulad ng hindi pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles, at tulad ng Pilipinas ay pinili
ang pagbuo ng katutubong wikang pambansa.

More Related Content

Similar to PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf

WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptxWEEK 4-wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptxjanettemanlapaz1
 
wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt
wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.pptwikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt
wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.pptLeahMaePanahon1
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Filipino bilang wikang pambansa
Filipino bilang wikang pambansaFilipino bilang wikang pambansa
Filipino bilang wikang pambansaramil12345
 
Ang_Wikang_Filipino.docx
Ang_Wikang_Filipino.docxAng_Wikang_Filipino.docx
Ang_Wikang_Filipino.docxKimCabantugan09
 
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoJoeffrey Sacristan
 
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptx
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptxg11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptx
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptxMhelJoyDizon
 
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxVinLadin
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxDindoArambalaOjeda
 
Yunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptxYunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptxlarra18
 
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdfChols1
 
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptxAralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptxmayannsoriano1
 
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summarychapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summaryClariceBarrosCatedri
 

Similar to PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf (20)

WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptxWEEK 4-wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
 
wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt
wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.pptwikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt
wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
ANG PAG-UNLAD NG FILIPINO
ANG PAG-UNLAD NG FILIPINOANG PAG-UNLAD NG FILIPINO
ANG PAG-UNLAD NG FILIPINO
 
Filipino bilang wikang pambansa
Filipino bilang wikang pambansaFilipino bilang wikang pambansa
Filipino bilang wikang pambansa
 
Ang_Wikang_Filipino.docx
Ang_Wikang_Filipino.docxAng_Wikang_Filipino.docx
Ang_Wikang_Filipino.docx
 
PPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptxPPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptx
 
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
KP_2.pdf
KP_2.pdfKP_2.pdf
KP_2.pdf
 
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptx
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptxg11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptx
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344.pptx
 
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
 
Yunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptxYunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptx
 
Filipino Bilang Wikang Pambansa
Filipino Bilang Wikang PambansaFilipino Bilang Wikang Pambansa
Filipino Bilang Wikang Pambansa
 
wikang panturo
wikang panturo wikang panturo
wikang panturo
 
A-7_Filipino.pdf
A-7_Filipino.pdfA-7_Filipino.pdf
A-7_Filipino.pdf
 
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
2.-Wikang-Pambansa-Opisyal-at-Panturo-1.pdf
 
lesson 2.pptx
lesson 2.pptxlesson 2.pptx
lesson 2.pptx
 
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptxAralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
 
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summarychapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
 

More from JosephRRafananGPC

PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfPRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfPRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf
PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdfPRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf
PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdfJosephRRafananGPC
 

More from JosephRRafananGPC (6)

PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfPRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
 
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfPRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
 
PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf
PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdfPRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf
PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf
 

Recently uploaded

NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 

Recently uploaded (20)

NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 

PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf

  • 1. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 1 The Great Plebeian College Alaminos City, Pangasinan A.Y. 2021-2022 Modyul 1 Sa FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 9:00 – 10:00 MWF Associate College Instructor: JOSEPH R. RAFANAN, LPT FB Account: Joseph Rafanan Email: josephrrafanangpc@gmail.com
  • 2. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 2 Mga Konseptong Pangwika May iba’t ibang konsepto ang wika. Ito ay ang konsepto ng wika ng Filipinas, wikang katutubo, wikang opisyal, wikang panturo, wikang pantulong, at wikang pambansa.  KONSEPTO NG MGA WIKA NG PILIPINAS  KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Unang Wika)  KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL  KONSEPTO NG WIKANG PANTURO  KONSEPTO NG WIKANG PANTULONG  KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA Para sa mga Pilipino, ang wikang Filipino ay mabisang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay wikang dinadaluyan ng lahat ng maganda, mabuti, makatao, makabayan, at maka-Diyos na mga kaisipan at saloobin ng ating lahi. Ito ang wikang behikulo ng kulturang sarili at siyang inaasahang magbubuklod sa bansa. Sa pamamagitan nito’y maaabot ang masa, maaarok ang kanilang saloobin, hangarin, at mithiin. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng pamayanan, sa paghahatid sa bayan ng mga karunungan at kaalaman, at sa pagpapaliwanag sa sambayanan ng mga ginagawang pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
  • 3. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 3 KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Unang Wika) Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na kinamulatan ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang katutubo ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng isang tao—ang kinagisnan niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya. Maganda ring isaalang-alang ang depinisyon sa “Philippine Languages” (na maaaring ituring na salin sa Ingles ng “mga wika ng Pilipinas”) sa Republic Act No. 7104 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang nakasaad sa Seksiyon 3 ng naturang batas, “(d) Philippine languages—refer to the indigenous languages of the Philippines including the national language and the regional and local languages.” Ibinibilang ng batas sa “mga katutubong wika” (indigenous languages) ang Wikang Pambansa (the national language). Marahil, dahil kaya sa pangyayaring ibinatay ang wikang Pambansa sa isang katutubong wika—ang Tagalog—alinsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon? Anupa’t umunlad man ang Filipino bilang wikang Pambansa ay hindi nawawala ang katangian nito bilang isang wikang katutubo. Tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa ang Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-Leyte). Malimit ding tawagin ang mga ito na wikang rehiyonal. May pagkakataong isinasama sa pangkat ang Meranaw, Tausug, at Magindanaw. Ang karaniwang katwiran sa “pangunahing wika” ay dahil (1) may malaking bilang ito ng tagapagsalita, karaniwang umaabot sa isang milyon ang tagapagsalita o (2) may mahalagang tungkulin ito sa bansa bilang wika ng pagtuturo, bilang wikang opisyal o bilang wikang pambansa.
  • 4. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 4 KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. Sa atas ng 1899 Konstitusyon, ang opisyal na wika ng Republikang Malolos ay Espanyol bagaman itinadhana ding “opsiyonal” ang gamit sa mga wikang sinasalita sa kapuluan. Sa 1935 Konstitusyon, itinadhana na Ingles at Espanyol ang wikang opisyal habang hinihintay ang pagkabuo ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Noong 7 Hunyo 1940, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 ay ipinahayag na wikang opisyal ang Wikang Pambansa mulang 4 Hulyo, 1946. Iniatas din ng naturang batas na ihanda ang lahat ng teksbuk sa Wikang Pambansa na gagamitin sa pagtuturo sa lahat ng paaralan at sa pagpapalaganap nito sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Education at may pagpapatibay ng Institute of National Language. Mula noon ay patuloy ang mga hakbang upang pasiglahin ang paggamit sa Wikang Pambansa—na ipinahayag noong 1959 na “Pilipino” ang opisyal na pangalan—bilang wika ng komunikasyon sa gobyerno at wika ng pagtuturo. Sa 1987 Konstitusyon, nakasad na wikang opisyal ang Filipino, at hanggang ipinahihintulot ng batas, ang Ingles. Espesipikong iniutos sa Executive Order No. 335 ang pagsasalin sa Filipino ng “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat pinuno at tauhan ng pamahalaan at ang pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula sa lahat ng opisina at pook publiko.
  • 5. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 5 KONSEPTO NG WIKANG PANTURO Ang wikang panturo bilang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo—ang wikang Ingles. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 Mayo, 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bilang wikang panturo.
  • 6. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 6 KONSEPTO NG WIKANG PANTULONG Karaniwang salin ang wikang pantulong ng auxiliary language sa Ingles. Ang auxiliary ay may pakahulugang “dagdag na tulong o suporta.” Ang wikang pantulong, samakatwid, ay wika na ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng dalawa o mahigit pang nag-uusap. Sa edukasyon, tumutukoy ito sa wika na higit na alam ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan kaysa opisyal na wikang panturo kaya maaaring gamitin ng guro upang higit siyang maintindihan ng kanyang mga tinuturuan. Dahil multilingguwal ang Pilipinas, napakahalaga ang paggamit ng wikang pantulong para sa higit na epektibong pagtuturo sa mga pook na ikalawang wika ramang ang wikang panturo. Bagaman walang opisyal na atas, ginagawa ito noon pa ng mga guro sa mga pook na di Tagalog. Sa Cebu, halimbawa, ay ginagamit na wikang pantulong sa pagtuturo ang Sebwano; sa Vigan, ang Ilokano; sa Benguet, ang lbaloy; at sa Marawi, ang Meranaw. Ang paggamit ng wikang pantulong, lalo na antas elementarya, ay ipinahihintulot mismo ng 1987 Konstitusyon. Alinsunod sa ikalawang pangungusap ng Artikulo XIV, Seksiyon 7: “Ang mga wikang rehiyonal ay ang mga opisyal na wikang pantulong sa mga rehiyon at magsisilbing mga wikang pantulong sa pagtuturo sa naturang mga pook.” Kung tutuosin, ang kasalukuyang MTB-MLE ay maaaring ituring na pagtupad sa isinasaad ng siniping probisyon mula sa 1987 Konstitusyon. Pinalawak lamang ng MTB-MLE ang aplikasyon. Unang-una, dahil hindi lamang mga wikang rehiyonal ang ipinagagamit sa mga klaseng K hanggang 3 kundi ang lahat ng mga wikang katutubo ng bansa. Ikalawa, binigyan ng panahon ang mga bagong mag-aaral na danasin ang pag-aaral gamit ang kanilang unang wika sa tahanan.
  • 7. FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA 7 KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng sambayanang may iba-ibang nasyon at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang layunin sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay ang mabilis na pagkakaunawaan at ang pagsibol ng damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan. Malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng dominante at/o pinakamaraming pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang pangkat na gumanap ng pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ding maging dominante ang wika sa pook na sentro ng komersiyo, edukasyon, kultura, at gawaing pampolitika. Sa ganitong paraan lumitaw na wikang pambansa ng France ang wika ng Paris, ng Great Britain, ang wika ng London, ng China ang wika ng Beijing, ng Esparia ang wika ng Castilla, ng Russia ang wika ng Moskba, at ng marami pang bansa. Maraming bansa sa Africa at sa Timog America ang nagpanatili sa wika ng kanilang mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol ang wikang pambansa ng Mexico, Cuba, Bolivia, Argentina, Chile, at iba pang bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa sumakop na Espanya. Portuges ang wikang pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng Portugal. Pranses ang wikang pambansa sa Algeria. Ingles ang wikang pambansa ng South Africa. Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili ng Indonesia ang Dutch, katulad ng hindi pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles, at tulad ng Pilipinas ay pinili ang pagbuo ng katutubong wikang pambansa.