SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Download to read offline
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 1
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul 1
Sa
FIL 207
KASANAYANG
PANGWIKA
8:00 – 9:30
TTH
Associate College Instructor:
JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 2
I. Pamagat
KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON
II. Lagom Pananaw
Dito sa unang bahagi ng module ay matatalakay ang mga Kahulugan at kahalagahan ng
komunikasyon, mga uri ng kominikasyon, antas at katangian ng komunikasyon mga proseso,
gampanin at modelo sa pakikipagkominikasyon na magagamit upang mapalawak ang kaalaman
sa kahalagahan sa ating pang- araw-araw na pamumuhay. Matatalakay din dito ang unang bahagi
ng kasanayan na ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pagpaparating ng ating mga
nararamdaman, saloobin at mga kaalaman na maibabahagi rin natin sa ating mga
nakakasalamuha.
III. Layunin
1. Nakikilala at napapahalagahan ang mga konseptong pangkomunikasyon
2. Nasusuri ang mga proseso at gampaning kinakailangan sa pakikipagtalastasan
3. Napapalawak ang kaalaman sa pakikinig.
IV. Mga Nilalaman
 Kahulugan at kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon
 Uri ng komunikasyon
 Antas, katangian, proseso at sangkap ng komunikasyon
 Gampanin at modelo ng komunikasyon
V. Talakayan/ Deliberasyon
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 3
MGA KONSEPTONG
PANGKOMUNIKASYON
Kahulugan ng Komunikasyon
Ayon kay at Pagkalinawan et. al. (2004) ang Komunikasýon ay isang paraan ng
paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. Walang magaganap
na komunikasyon kung walang naasasalita o kung may nagsasalita man
subalit walang nakikinig.
Ito ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago. Nangangahulugan
na ang Komunikasyon ay walang tiyak na simula at katapusan sapagkat nagaganap na
komunikasyon sa isang partikular na sandaii ay maaaring magbago at maapektuhan ng
interaksyong nagaganap sa bawat elemento gaya ng pinagmumulan at tumatanggap ng
mensahe, mensahe at nagkakaroon ng pagbabago sa iba pang elemento.
Sang-ayon kay Webster ang komunikasyon ay mabisang paraan ng pakikipag
ugnayan, pakikipag-unawaan at nagbibigkis sa mga tao para magkaisa,
magkaunawaan at magkalapit-lapit ng damdamin.
Ito ay pasalita at pasulat na pagpapahayag ng inisip at nadarama sa isang
paraang mabisa at kalugud-lugod. Mabisa ang pagpapahayag kung tiyak at hindi
maligoy, kung angkop sa nakikinig ang pananalita at kung may lohikong
pagkakaugnay- ugnay ng mga bahagi.
Sa kabuuan, ang komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang
tao. Malaking panahon ang iniuukol ng tao sa pakikipagtalastasan. Sa lahat ng
pagkakataon, Siya ay nagpapaliwanag, nagsasalaysay, nangangatwiran, nag uutos,
nagtatanong, nagpapahayag ng damdamin at mahalagang natutuhan ng lahat ng tao
ang mabisang paraan ng pagpapahayag upang sila ay ganap na magkaunawaan.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 4
Kahalagahan ng Komunikasyon
Ayon kay Pagkalinawan et al., (2004)) ang tao ay nilikha hindi para lamang sa
Kanyang sarili kundi bilang kabahagl ng isang pangyayari. Sinasabi nga sa isang awit
na "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang
namamatay para sa sarili lamang.. Samakatuwid, likas na katangian ng tao ang
makipag-ugnayan sa kanyang kapwa tao. Sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao,
Sinasagawa sa pamamagitan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan, pasalita man at
sa pasulat na mga diskurso.
Sinasabing ang pakikipagtalastasan ay hindi lamang isang likas na katangian
tao
ng tao kundi isa sa pinakamahalaga at pangunahing pangangailangan ng tao dahil sa
mga sumusunod na danilan: una sa pamamagitan ng Komunikasyon natutugunan at
nagagampanan ang pang-araw-araw na pangangailanganat at tungkulin, ikalawa,
napatataas at napananatili ang pagkakilala sa sarili at ikatlo. nalilinang ang
kakayahang mapaghusay ang kanyang pakikipag-ugnayan at makikipagpalitan ng
impormasyon o kabatıran sa isang tao
Anupa't sadya ngang napakahalaga ng komunikasyonsa tao. Maituturing na isa
sa pinakadakilangg tuklas ng tao at mahalagang handog ng Diyos sa tao Kapag tao
nawala ang komunikasyon hihinto ang ikot ng mundo. Mawawalan ng kulay ganda at
saya ang buhaysa daigdig na ito. Ang komunikasyon ang nagpapakilossa tao
Sapamamagitan ng paghahatiran at pagpapalitan nang ideya, impormasyon, karanasan
at mga saloobin, napauunlad ang sarii, ang ibang tao at ang paligid. Kaya't dahil dito,
masasabing ang komunikasyon ang pinagmumulan nang karunungan, pagbabago at
pag-unlad ng sangkatauhan.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 5
Uri ng Komunikasyon
May dalawang uri ng pangkalahatang paraan ng komunikasyon kung paano ipinararatimg
sa resiber ang mensahe (Garcia, et. Al 2008)
A. Komunikasyong berbal (pasalita)
B. Komunikasyong di-berbal
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita at pasulat.
Madalas ay gumagamit din tayo ng mga di-berbal na anyoo di kaya'y kumbinasyon ng
berbal at di- berbal na anyo ng komunikasyon. Halimbawa, kapag nahuli ng isang
kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa kabila ng na ang
kanyang batang anak, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan sa kanyang
matigas na pagtanggi
Mahalaga ang di-berbal na komunikasyon sapagkat:
1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao
2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe.
3. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng
mensahe.
Anyo ng Komunikasyong Di-berbal:
A. Oras (Chronemics)
B. Espasyo (Proxemics)
C. Katawan (Kinesics)
D. Pandama (Raptics)
E. Simbolo (Iconics)
F. Kulay
G. Paralanguage/ Vocalics
H. Electronikong kagamitan
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 6
GAWAIN 1
1. Saliksikin ang kahulugan ng mga anyo ng komunikasyon na nakatala sa itaas na
bahagi.
2. Matapos na masaliksik ang mga kahulugan, magbigay o magtala ng tig-
dadalawang halimbawa mula rito. Isulat/ iencode ito sa isang malinis na papel.
Gawin itong presentable, kaaya-aya at malinaw,
3. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral at pagtukoy sa mga anyo ng komunikasyon?
Antas ng Komunikasyon
Ayon kay Garcia, et. al. (2002) ang komunikasyon o pakikipagtaiastasan ay
proseso rng pagdadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Masaklaw ang depinisyong ito.
Sinasaklaw nito ang iba't ibang uri ng prosesong pangkomunikasyon- ang
komunikasyong intrapersonal, komunikasyong interpersonal at komunikasyong
pampubiko. Karagdagan pa, ang ganitong uri ng prosesong pangkomunikasyon ay
tulad ng mga komunikasyong pang- masa, pang-organisasyon, pangkultura at
pangkaunlaran. (Pagkalinawan, et. ai 2004)
1. Komunikasyong Intrapersonal- ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkot dito ang pag-iisip, pag-aalala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan. Kapag ikaw ay napapabulong sa iyong sarii, sa kanyang
replektibong pag-isip, pagmumuni-muni o pagninilay-nilay o kay ay
pinakikiramdaman ang paggalaw nang sarili, ikay sarili, ika'y nakikipagtalastasang
intrapersonal. Ang uri ng komunikasyong ito ang pinakabatayan ng dalawa pang uri
ng komunikasyon.
2. Komunikasyong Interpersonal - ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa dalawang tao sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking
bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa lipunan ang nasa uring ito. Ang uri ng
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 7
komunikasyong ito ang humuhubog ng ugnayan o relasyon sa kapwa. May anyo ang
interpersonal na pakikipagtalastasan:
 Dayadik isa sa isang pakikipagtalastasan ng isang tao sa isa pang
indibidwal. Makikita ito sa iba't ibang anyo:
Job employment intervjew
Research interview
Counseling
Sales interview
Survey
Exit interview - empleyadong magreretiro o lilipat ng mapapasukang trabaho.
3. Komunikasyong Pampubiliko ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng iSa at malaking pangkat ng mga tao Ang isang
tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagsalitang
pampubliko.
4. Komunikasyong Pang-masa- lto ang komunikasyong gumagamit ng mga
midyum
na pangmasa gaya ng radyo, telebisyon at pahayagan. Ang mga halimbawa nito ay
ang mga salita o komentaryo sa radyo at telebisyon.
5. Komunikasyong Pang organisasyon - lto ang komunikasyong naglalayong
maaing mabisa at mahusay ang pagpapalakad sa isang organisasyon tulad ng
pagpupulong ng samahan ng mga esudyante para mapigilan ang pagtaas ng matrikula.
6. Kominikasyong Pangkultura - Ang komunikasyong ito ay nagaganap upang
maitanghal o maipakilala ang kultura ng isang bansa gaya ng halimbawa ng ng
panonood ng pelikula at mga dula na nagsasalaysay nang makukulay na kaugalian ng
mga Pilipino s aCultural Center of the Philippines,
7. Kuturang Pangkaunlaran - Layunin ng komunikasyong ito na mapabilis ang
pagunlad at pagsulong ng isang bansa. Ang halimbawa nito ay ang mga
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 8
komparensyang dinadaluha ng mga kinatawan ng ibat ibang bansa na kung saan
nagkakaroon ng maayang palitan ng kaisipan upang masolusyunan ang mga suliraning
humahadlang sa kaunlaran at kapayapaan ng iba’t ibang bansa sa daigdig.
KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
1. Ang komunikasyon ay isang proseso - isang proseso ng komunikasyon na
kinapapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe, halimabawa bago makapagpadala ng
mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin muna kung ano mensaheng
ipapadala, paano ipapadala, ano-anong salita ang kaniyang gagamitin, paano isasaayos
upang maunawaan, sa anong daluyan iyon pararaanin at ano ang inaasahang reaksyon
ng pagpapadalhan ng mensahe.
Ito ang tinatawag na encoding o ang proseso ng pageencode ng mensahe.
Kapag natanggap na ng ibang tao ang mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon
mula sa kanya, paano iyon tutugunan at sa paanong paraan ipapadala ang kaniyang
reaksyon? Ito ang tinatawag na decoding o proseso ng pagdedecode ng
mensahe.idagdag pa na ang proseso ng komunikasyon ay hindi maaaring one way
lamang. Ito ay peoseso ng close-circuit.
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko
Isang pilosoper ang minsan nagsabi na walang taong makatutuntong sa gayon
ding ilog nang higit sa misa. Ano ang big sabihin nito? Bawat sandai, nagbabago ang
ilog sapagkat dumadaloy ang tubig nito. Tumuntong mang mui roon ang isang tao.
ang tubig na unang ang tinapakan ay umagos na. Hindi na rin siya ang dating taong
unang tumuntong sa ilog na iyon dahii pliosopikał ay tumanda na siya. Paano'y
tumatanda ang lahat ng tao sa pagipas ng bawat segundo, hindi ba? Gayon din ang
komunikasyon. Minsang nangyari, hindi na mauulit. Uliin mang muli ang mga
salitang unang tinuran, nag-iba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon.
Paano'y ano mang komunikasyon ay naimpłuwesyahan ng oras lugar. mga
parngyayari, at mga taong sangkot sa proseso, kung kaya't ang komunikasyon ay
nagbabago o dinamiko o dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 9
3. Ang komunikasyon ay komplikado
Nagiging Komplikado ang proseso komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin
ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na
hindi laging pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap. halimbawa, ang
kanilang komunikasyon ay naiimpuwensyahan ng;
a. persepsyon ng isa sa kanyang sarili,
b. persepsyon niya sa kanyang kausap.
c. iniisip niyang persepsyon ng kausap sa kanya,
d. ang tunay na persepsyo ng kanyang kausap sa kanya.
Áng kanyang kausap ay mayroon ding:
a. persepsyon sa kanyang sarili,
b. Iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya,
c. iniisip niyang persepsyon niya sa kanyang kausap.
d. tunay na persepsyon niya sa kanyang
kausap.
Kompiikado hindi ba? Bunga ng komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito,
may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi
pagkakaunawaan.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang nagpadala/ natatanggap sa komunikasyon
Ito ay proseso ng pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag nagpadala
ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong
magkaroon ng iba’t ibang kahulugan.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan na tayo sa kapwa.
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon
a) Mensaheng panglinggwistika
b) Relasyunal o di berbal na nagpapahiwatig nang damdamin o pagtingin sa
kausap.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 10
Proseso ng Komunikasyon
Komunikasyon na magagamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa
kominkasyon. Napiling talakayin dito ang prosesong NMDT (nagpapadala-
mensahe-daluyan-tumatanggap). Makatutulong ang modelong ito sa
pagpapaliwanag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Dito, susuriin natin ang
bawat kaganapan sa nagaganap na proseso ng komunikasyon.
Nagpapadala
Sa nagpapadala nagmumula ang mensahe. May limang bagay ang nakakaapekto
sa nagpapadala sa anumang mensahe na kanyang nais iparating.
 Kasanayang pangkomunikasyon
 Ugali
 Kaalaman
 Katayuang panlipunan
 Kultura
(Nakakaapekto rin sa tagatanggap ang 5 bagay na nabanggit)
Ang kakayahan natin sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay nakabatay sa
ating mga kasanayang pang-wika (verbal communication skills). May limang
kasanayang pangwika; dalawa sa kasanayang ito ay nauukol sa kasanayan sa
pagpapadala ng mensahe, ang pasasalita at pagsusulat; ang dalawa ay nuukol sa
pagtanggap, ang pakikinig at pagbasa. Ang panlimang kasanayan naman ay
mahalaga sa kapwa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang kakayahan sa
pag-iisip o pangangatwiran. Malaki ang maitutulong ng pagkabihasa natin sa mga
kasanayang ito sa ating mabisang pakikipagkomunikasyong verbal.
Makikita rin ang kahusayan natin sa komunikasyon sa ating kakahang gumamit ng
mga komunikasyong di-verbal .
Ugali, ang isa pang bagay na nakakaapekto sa ating pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe. Malawak ang saklaw ng pag-uugali. Subalit sa
talakayang ito sikapin nating ituon ang ugali sa pangkalahatang nararandaman ng
isang tao tungkol sa isang bagay. Halimbawa, maaring positibo o negatibo ang
ating reaction sa opinion o mungkahi ng isa mong kamag-aral.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 11
Nakakaapekto ang ugali sa ating pakikipagkominikasyon sa tatlong paraan.
Sa ating sarili, sa paksa at sa tagatanggap o kausap.
Sa sarili – ito ang ating nararandaman habang pinapadala natin ang mensahe.
Mapapansin ng tumatanggap kung tayo ay nasisiyahan o hindi. Nababawasan ng bisa
ang ating mensahe kung makikita ng kausap ang kawalan o kakulangan ng tiwala sa
sarili.
Sa paksa – ito ang ating nararandaman tungkol sa isang bagay. Kadalasan, sa
pananaw natin ibinabatay ang ating sinasabi. Maaring puro magagandang bagay lang
ang iyong sasabihin tungkol sa isang bagay dahil gusto mo ito. Maari mo ring sadyang
iwasang sabihin ang mga masamang bagay ukol dito dahil nga sa iyong pananaw o
nararandaman.
Sa tagatanggap o kausap – ang nararandaman natin tungkol sa ating kausap ay
malaki rin ang nagagawa sa nilalaman ng ating mensahe. Maaring iba ang ating
mensahe kung tayo ay nagagalit o natutuwa sa ating kausap. Gayon din, iba ang
paraan ng ating pakikipag-usap sa mga taong nakababa ang posisyon kaysa atin at sa
mga taong nakatataas ang posisyon.
Kaalaman, malaki ang epekto ng ating nalalaman tungkol sa isang bagay para sa
ating mabisang pakikipagkomunikasyon. Ang isang magsasaka halimbawa ay
buong tiwala sa sariling makapagpapaliwanag tungkol sa pagtatanim at
pangangalaga sa mga peste sa palay. Subalit makakarandam siya ng kaba kung
ang pag-uusapan ay ang trapiko at iba pang problemang panlunsod.
Katayuang panlipunan – nakakaapekto sa paraan ng pagpapahayag ng nagpapadala
at tumatanggap ng mensahe ang kanyang katayuan. Bawat isa sa atin ay may
katayuang kinabibilangan sa lipunan. Kabilang sa katuyuang ito ang pamilya,
paaralan, simbahan, pamahalaan, o barkadahan.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 12
Kultura – higit na magiging mabisa ang komunikasyon kung ang nag-uusap ay may
parehong kultura. Halimbawa ang pagbibigay ng biro (joke) ay magiging mabisa
lamang kung ang nagbibigay at tumatanggap ng biro ay may parehong karanasan.
Mensahe
Bawat mensahe ay may dalawang aspeto. Ang nilalaman at pananaw. Sa laman ng
mensahe makikita ang tema, dating at katwiran. Halimbawa ang isang lider ng
kabataan ay hihiling sa isang kongresista na magpatayo ng isang palaruaan.
Maaring maging laman ng kahilingan ang dahilan kung bakit dapat magtayo ng
palaruaan sa kanilang lugar, ang halagang gugulin sa pagpapatayo at ang
benepisyong matatamo ng komunidad sa pagpapatayo ng nabanggit na proyekto.
Sa pananaw naman makikita ang ayos ng mensahe. Sa halimbawang nabanggit sa
itaas, maaring ayusin ng lider ng kabataan ang kanyang mensahe sa paraang higit
na katanggap-tanggap sa kongresista. Siguro higit na makabubuting bigyan diin sa
mensahe ang benepisyo at dahilan ng pangangailangan sa nabanggit na palaruan
kaysa sa halagang magugugol.
Daluyan
kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakirandam, at
institusyonal (institutionalized channels) sa pamamagitan ng tuwirang pakikipag-
usap, sa pamamagitan ng sulat o sa pamamagitan ng mga kagamitang electronics
tulad ng telepono, computer, beeper, fax atbp.
Bawat daluyang institusyonal ay nanganga-ilangan ng isa o higit pang daluyang
pandama. Halimbawa sa ating tuwirang pakikipag-ugnayan tunog sa pandinig,
galaw sa paningin, at paghawak sa kamay para sa pakirandam.
Ang tuwirang pakikipagkomunikasyon ang pinakamainam gamitin kung ang
layunin ay agad makatawag pansin at makakuha ng dagliang tugon.
Tumatanggap
Ang tumatanggap ng mensahe ay dapat magtuon ng pansin, magpakahulugan at
tumugon sa mensahe. Layunin ng komunikasyon na mapaabot ang mensahe sa
pinatutungkulan nito. Dapat isaalang alang ng nagpapadala ng mensahe na ang
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 13
pinakaunang hakbang sa papapaabot ng mensahe ay kung paano matatawag ang
pansin ng kausap. Matapos matawag ang pansin ng kausap ay dapat namang
maipaunawa na wasto ang mensahe. Ang pagtawag ng pansin at pagpapaunawa ay
pamamaraan kung saan dapat isaalang alang ang mga bagay na nakakaapekto sa
pagpapadala ng mensahe. (kasanayang pangwika, ugali, kaalaman, katayuang
panlipunan at kultura)
Matapos maituon ang pansin at maunawaan ang mensahe, ang susunod na
hakbang ng tumatanggap ay ang pagtanggap. May tatlong antas o level ang
pagtanggap. Una, pagkilala, naniniwala ang tumatanggap ng mensahe na tama ang
nilalaman nito. Pangalawa, bisa, hindi lang naniwala sa katumpakan ng mensahe
subalit naniwala rin ng may mabuting maidudulot o bisa ito. Pangatlo ay ang
aksyon o pagkilos na dapat isagawa bunga ng mensaheng natanggap.
Tugon
Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon. Ang
tugon ay maari ring paraanin sa parehong daluyuan o sa ibang daluyan ayon sa
hinihingi ng pagkakataon papunta sa nagpadala ng mensahe. Sa pagpaparating ng
tugon dapat muling isaalang-alang ang mga bagay na nakakaapekto sa
pagpapadala ng mensahe.
Ang tugon ay sukatan ng implwensya o kapangyarihan – Sa isang bansang
demokratiko tulad natin, napakahalaga ang implwensya sa pamayanan o
komunidad. Kung ang isang lider o isang grupo ay naging matagumpay sa
pangangalap ng pondo para sa isang proyekto, masasabi ng lider o grupong ito na
sila ay maimplwensya sa komunidad. Subalit kung walang sumuporta sa kanilang
proyekto, masasabi namang silang walang implwensya o kapanyarihan sa
komunidad. Samaktwid, maari nating sabihing ang implwensya o kapangyarihan
ay nakasalalay sa kahusayan sa komunikasyon.
FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 14
Gampanin ng komunikasyon
Magbuklod-buklod
Nagkaroon ng unawaan at nagtutulung-tulong tungo sa ikakatagumapay ng isang
mithiin o adhikain
Magbukud-bukod
Ang wika ay instrumento ng pagkakakilanlan ng mga tao sa isang pook o bansa
man
Damdaming may pagmamalaki
Ang pagkakaroon ng isang wikang sarili ay naging tatak ng kalayaan o kasarinlan
Pagkakaroon ng panukatan sa pag-alam nito
Ang pagsasagawa nang makaagham na pag-aaral sa wikang sarili
GAWAIN 2;
SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN:
1. Sa paanong paraan nagbabago ang kominikasyon?
2. Bakit nasabing ang komunikasyon ay dinamiko?
3. Magbigay ng isang kongkretong halimbawa sa pagkakabuklod buklod dahil sa
komunikasyon
4. Paano mo maipagmamalaki ang pagkakaroon ng sariling wika na nagagaimit sa
pakikipagkomunikasyon?
5. Sa isang buong malinis na coupon bond, o sa paraang paggamit ng kompyuter sa
pag-eencode, gumawa ng isang paglalarawan/ modelo ng pakikipagkomunikasyon.
Gawin itong kaayaya-aya at nakakaakit sa paningin.

More Related Content

What's hot (20)

Filipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Filipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang LupaFilipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Filipino 8 Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Kabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaKabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtula
 
Modyul 12 pamamahala sa paggamit ng oras
Modyul 12 pamamahala sa paggamit ng orasModyul 12 pamamahala sa paggamit ng oras
Modyul 12 pamamahala sa paggamit ng oras
 
Ibong Adarna Kabanata 22-23.docx
Ibong Adarna Kabanata 22-23.docxIbong Adarna Kabanata 22-23.docx
Ibong Adarna Kabanata 22-23.docx
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturan
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Panulaang Filipino
Panulaang FilipinoPanulaang Filipino
Panulaang Filipino
 
Mga Tayutay
Mga TayutayMga Tayutay
Mga Tayutay
 
Paraan ng pagpapahayag ng saloobin o damdamin
Paraan ng pagpapahayag ng saloobin o damdaminParaan ng pagpapahayag ng saloobin o damdamin
Paraan ng pagpapahayag ng saloobin o damdamin
 
Iba't ibang paraan ng pagpapahayag
Iba't ibang paraan ng pagpapahayagIba't ibang paraan ng pagpapahayag
Iba't ibang paraan ng pagpapahayag
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Duplo
DuploDuplo
Duplo
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobela
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
 
1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Hapones
 
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02
 

Similar to PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf

Kalikasan at Anyo ng Komunikasyon
Kalikasan at Anyo ng KomunikasyonKalikasan at Anyo ng Komunikasyon
Kalikasan at Anyo ng KomunikasyonSCPS
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyondeathful
 
Komunikasyong Verbal
Komunikasyong VerbalKomunikasyong Verbal
Komunikasyong VerbalIvan Bendiola
 
Mga Uri ng Komunikasyong Verbal
Mga Uri ng Komunikasyong VerbalMga Uri ng Komunikasyong Verbal
Mga Uri ng Komunikasyong VerbalIvan Bendiola
 
Presentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptx
Presentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptxPresentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptx
Presentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptxEderlynJamito
 
MALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINO
MALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINOMALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINO
MALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINOvincenzoc0217
 
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxKAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxDepartment of Education
 
Ang Komunikasyon at dalawang uri nito
Ang Komunikasyon at dalawang uri nitoAng Komunikasyon at dalawang uri nito
Ang Komunikasyon at dalawang uri nitoKilroneEtulle1
 
Es p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilya
Es p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilyaEs p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilya
Es p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilyaRodel Sinamban
 
Diskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonDiskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonMeat Pourg
 
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptxNicaHannah1
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxMhelJoyDizon
 
komunikasyon sa pakikipagkapwa
komunikasyon sa pakikipagkapwakomunikasyon sa pakikipagkapwa
komunikasyon sa pakikipagkapwavincerhomil
 
Module 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa PamilyaModule 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa PamilyaLUDIVINABAUTISTA
 
Module 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa PamilyaModule 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa PamilyaIvy Bautista
 
KOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptx
KOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptxKOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptx
KOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptxJeremyPatrichTupong
 
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxKAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxJuneMartinBanguilan2
 

Similar to PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf (20)

Kalikasan at Anyo ng Komunikasyon
Kalikasan at Anyo ng KomunikasyonKalikasan at Anyo ng Komunikasyon
Kalikasan at Anyo ng Komunikasyon
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyon
 
Komunikasyong Verbal
Komunikasyong VerbalKomunikasyong Verbal
Komunikasyong Verbal
 
Mga Uri ng Komunikasyong Verbal
Mga Uri ng Komunikasyong VerbalMga Uri ng Komunikasyong Verbal
Mga Uri ng Komunikasyong Verbal
 
Presentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptx
Presentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptxPresentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptx
Presentasyon sa Malayuning Komunikasyon.pptx
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyon
 
MALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINO
MALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINOMALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINO
MALAYANG KOMUNIKASYON SA PANITIKANG PILIPINO
 
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxKAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
 
KOMUNIKASYON.pptx
KOMUNIKASYON.pptxKOMUNIKASYON.pptx
KOMUNIKASYON.pptx
 
Ang Komunikasyon at dalawang uri nito
Ang Komunikasyon at dalawang uri nitoAng Komunikasyon at dalawang uri nito
Ang Komunikasyon at dalawang uri nito
 
Es p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilya
Es p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilyaEs p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilya
Es p 8 aralin 5 komunikasyon nagbubuklod ng pamilya
 
Yunit ii
Yunit iiYunit ii
Yunit ii
 
Diskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonDiskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyon
 
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
5_Q1-Komunikasyon at Pananaliksik sa kultura.pptx
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
 
komunikasyon sa pakikipagkapwa
komunikasyon sa pakikipagkapwakomunikasyon sa pakikipagkapwa
komunikasyon sa pakikipagkapwa
 
Module 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa PamilyaModule 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3 Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
 
Module 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa PamilyaModule 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
Module 3: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya
 
KOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptx
KOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptxKOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptx
KOMUNIKASYON ( ASIGNATURANG FILIPINO).pptx
 
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxKAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
 

More from JosephRRafananGPC

PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfPRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfPRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfPRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfJosephRRafananGPC
 

More from JosephRRafananGPC (6)

PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfPRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
 
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfPRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
 
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfPRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
 

Recently uploaded

Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKONecelynMontolo
 

Recently uploaded (20)

Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
 

PRELIM --FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA.pdf

  • 1. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 1 The Great Plebeian College Alaminos City, Pangasinan A.Y. 2021-2022 Modyul 1 Sa FIL 207 KASANAYANG PANGWIKA 8:00 – 9:30 TTH Associate College Instructor: JOSEPH R. RAFANAN, LPT FB Account: Joseph Rafanan Email: josephrrafanangpc@gmail.com
  • 2. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 2 I. Pamagat KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON II. Lagom Pananaw Dito sa unang bahagi ng module ay matatalakay ang mga Kahulugan at kahalagahan ng komunikasyon, mga uri ng kominikasyon, antas at katangian ng komunikasyon mga proseso, gampanin at modelo sa pakikipagkominikasyon na magagamit upang mapalawak ang kaalaman sa kahalagahan sa ating pang- araw-araw na pamumuhay. Matatalakay din dito ang unang bahagi ng kasanayan na ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pagpaparating ng ating mga nararamdaman, saloobin at mga kaalaman na maibabahagi rin natin sa ating mga nakakasalamuha. III. Layunin 1. Nakikilala at napapahalagahan ang mga konseptong pangkomunikasyon 2. Nasusuri ang mga proseso at gampaning kinakailangan sa pakikipagtalastasan 3. Napapalawak ang kaalaman sa pakikinig. IV. Mga Nilalaman  Kahulugan at kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon  Uri ng komunikasyon  Antas, katangian, proseso at sangkap ng komunikasyon  Gampanin at modelo ng komunikasyon V. Talakayan/ Deliberasyon
  • 3. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 3 MGA KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON Kahulugan ng Komunikasyon Ayon kay at Pagkalinawan et. al. (2004) ang Komunikasýon ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. Walang magaganap na komunikasyon kung walang naasasalita o kung may nagsasalita man subalit walang nakikinig. Ito ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago. Nangangahulugan na ang Komunikasyon ay walang tiyak na simula at katapusan sapagkat nagaganap na komunikasyon sa isang partikular na sandaii ay maaaring magbago at maapektuhan ng interaksyong nagaganap sa bawat elemento gaya ng pinagmumulan at tumatanggap ng mensahe, mensahe at nagkakaroon ng pagbabago sa iba pang elemento. Sang-ayon kay Webster ang komunikasyon ay mabisang paraan ng pakikipag ugnayan, pakikipag-unawaan at nagbibigkis sa mga tao para magkaisa, magkaunawaan at magkalapit-lapit ng damdamin. Ito ay pasalita at pasulat na pagpapahayag ng inisip at nadarama sa isang paraang mabisa at kalugud-lugod. Mabisa ang pagpapahayag kung tiyak at hindi maligoy, kung angkop sa nakikinig ang pananalita at kung may lohikong pagkakaugnay- ugnay ng mga bahagi. Sa kabuuan, ang komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao. Malaking panahon ang iniuukol ng tao sa pakikipagtalastasan. Sa lahat ng pagkakataon, Siya ay nagpapaliwanag, nagsasalaysay, nangangatwiran, nag uutos, nagtatanong, nagpapahayag ng damdamin at mahalagang natutuhan ng lahat ng tao ang mabisang paraan ng pagpapahayag upang sila ay ganap na magkaunawaan.
  • 4. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 4 Kahalagahan ng Komunikasyon Ayon kay Pagkalinawan et al., (2004)) ang tao ay nilikha hindi para lamang sa Kanyang sarili kundi bilang kabahagl ng isang pangyayari. Sinasabi nga sa isang awit na "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.. Samakatuwid, likas na katangian ng tao ang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa tao. Sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao, Sinasagawa sa pamamagitan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan, pasalita man at sa pasulat na mga diskurso. Sinasabing ang pakikipagtalastasan ay hindi lamang isang likas na katangian tao ng tao kundi isa sa pinakamahalaga at pangunahing pangangailangan ng tao dahil sa mga sumusunod na danilan: una sa pamamagitan ng Komunikasyon natutugunan at nagagampanan ang pang-araw-araw na pangangailanganat at tungkulin, ikalawa, napatataas at napananatili ang pagkakilala sa sarili at ikatlo. nalilinang ang kakayahang mapaghusay ang kanyang pakikipag-ugnayan at makikipagpalitan ng impormasyon o kabatıran sa isang tao Anupa't sadya ngang napakahalaga ng komunikasyonsa tao. Maituturing na isa sa pinakadakilangg tuklas ng tao at mahalagang handog ng Diyos sa tao Kapag tao nawala ang komunikasyon hihinto ang ikot ng mundo. Mawawalan ng kulay ganda at saya ang buhaysa daigdig na ito. Ang komunikasyon ang nagpapakilossa tao Sapamamagitan ng paghahatiran at pagpapalitan nang ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin, napauunlad ang sarii, ang ibang tao at ang paligid. Kaya't dahil dito, masasabing ang komunikasyon ang pinagmumulan nang karunungan, pagbabago at pag-unlad ng sangkatauhan.
  • 5. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 5 Uri ng Komunikasyon May dalawang uri ng pangkalahatang paraan ng komunikasyon kung paano ipinararatimg sa resiber ang mensahe (Garcia, et. Al 2008) A. Komunikasyong berbal (pasalita) B. Komunikasyong di-berbal Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita at pasulat. Madalas ay gumagamit din tayo ng mga di-berbal na anyoo di kaya'y kumbinasyon ng berbal at di- berbal na anyo ng komunikasyon. Halimbawa, kapag nahuli ng isang kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa kabila ng na ang kanyang batang anak, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan sa kanyang matigas na pagtanggi Mahalaga ang di-berbal na komunikasyon sapagkat: 1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao 2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe. 3. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe. Anyo ng Komunikasyong Di-berbal: A. Oras (Chronemics) B. Espasyo (Proxemics) C. Katawan (Kinesics) D. Pandama (Raptics) E. Simbolo (Iconics) F. Kulay G. Paralanguage/ Vocalics H. Electronikong kagamitan
  • 6. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 6 GAWAIN 1 1. Saliksikin ang kahulugan ng mga anyo ng komunikasyon na nakatala sa itaas na bahagi. 2. Matapos na masaliksik ang mga kahulugan, magbigay o magtala ng tig- dadalawang halimbawa mula rito. Isulat/ iencode ito sa isang malinis na papel. Gawin itong presentable, kaaya-aya at malinaw, 3. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral at pagtukoy sa mga anyo ng komunikasyon? Antas ng Komunikasyon Ayon kay Garcia, et. al. (2002) ang komunikasyon o pakikipagtaiastasan ay proseso rng pagdadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Masaklaw ang depinisyong ito. Sinasaklaw nito ang iba't ibang uri ng prosesong pangkomunikasyon- ang komunikasyong intrapersonal, komunikasyong interpersonal at komunikasyong pampubiko. Karagdagan pa, ang ganitong uri ng prosesong pangkomunikasyon ay tulad ng mga komunikasyong pang- masa, pang-organisasyon, pangkultura at pangkaunlaran. (Pagkalinawan, et. ai 2004) 1. Komunikasyong Intrapersonal- ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot dito ang pag-iisip, pag-aalala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. Kapag ikaw ay napapabulong sa iyong sarii, sa kanyang replektibong pag-isip, pagmumuni-muni o pagninilay-nilay o kay ay pinakikiramdaman ang paggalaw nang sarili, ikay sarili, ika'y nakikipagtalastasang intrapersonal. Ang uri ng komunikasyong ito ang pinakabatayan ng dalawa pang uri ng komunikasyon. 2. Komunikasyong Interpersonal - ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa dalawang tao sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa lipunan ang nasa uring ito. Ang uri ng
  • 7. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 7 komunikasyong ito ang humuhubog ng ugnayan o relasyon sa kapwa. May anyo ang interpersonal na pakikipagtalastasan:  Dayadik isa sa isang pakikipagtalastasan ng isang tao sa isa pang indibidwal. Makikita ito sa iba't ibang anyo: Job employment intervjew Research interview Counseling Sales interview Survey Exit interview - empleyadong magreretiro o lilipat ng mapapasukang trabaho. 3. Komunikasyong Pampubiliko ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng iSa at malaking pangkat ng mga tao Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagsalitang pampubliko. 4. Komunikasyong Pang-masa- lto ang komunikasyong gumagamit ng mga midyum na pangmasa gaya ng radyo, telebisyon at pahayagan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga salita o komentaryo sa radyo at telebisyon. 5. Komunikasyong Pang organisasyon - lto ang komunikasyong naglalayong maaing mabisa at mahusay ang pagpapalakad sa isang organisasyon tulad ng pagpupulong ng samahan ng mga esudyante para mapigilan ang pagtaas ng matrikula. 6. Kominikasyong Pangkultura - Ang komunikasyong ito ay nagaganap upang maitanghal o maipakilala ang kultura ng isang bansa gaya ng halimbawa ng ng panonood ng pelikula at mga dula na nagsasalaysay nang makukulay na kaugalian ng mga Pilipino s aCultural Center of the Philippines, 7. Kuturang Pangkaunlaran - Layunin ng komunikasyong ito na mapabilis ang pagunlad at pagsulong ng isang bansa. Ang halimbawa nito ay ang mga
  • 8. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 8 komparensyang dinadaluha ng mga kinatawan ng ibat ibang bansa na kung saan nagkakaroon ng maayang palitan ng kaisipan upang masolusyunan ang mga suliraning humahadlang sa kaunlaran at kapayapaan ng iba’t ibang bansa sa daigdig. KATANGIAN NG KOMUNIKASYON 1. Ang komunikasyon ay isang proseso - isang proseso ng komunikasyon na kinapapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe, halimabawa bago makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin muna kung ano mensaheng ipapadala, paano ipapadala, ano-anong salita ang kaniyang gagamitin, paano isasaayos upang maunawaan, sa anong daluyan iyon pararaanin at ano ang inaasahang reaksyon ng pagpapadalhan ng mensahe. Ito ang tinatawag na encoding o ang proseso ng pageencode ng mensahe. Kapag natanggap na ng ibang tao ang mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano iyon tutugunan at sa paanong paraan ipapadala ang kaniyang reaksyon? Ito ang tinatawag na decoding o proseso ng pagdedecode ng mensahe.idagdag pa na ang proseso ng komunikasyon ay hindi maaaring one way lamang. Ito ay peoseso ng close-circuit. 2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko Isang pilosoper ang minsan nagsabi na walang taong makatutuntong sa gayon ding ilog nang higit sa misa. Ano ang big sabihin nito? Bawat sandai, nagbabago ang ilog sapagkat dumadaloy ang tubig nito. Tumuntong mang mui roon ang isang tao. ang tubig na unang ang tinapakan ay umagos na. Hindi na rin siya ang dating taong unang tumuntong sa ilog na iyon dahii pliosopikał ay tumanda na siya. Paano'y tumatanda ang lahat ng tao sa pagipas ng bawat segundo, hindi ba? Gayon din ang komunikasyon. Minsang nangyari, hindi na mauulit. Uliin mang muli ang mga salitang unang tinuran, nag-iba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Paano'y ano mang komunikasyon ay naimpłuwesyahan ng oras lugar. mga parngyayari, at mga taong sangkot sa proseso, kung kaya't ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko o dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.
  • 9. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 9 3. Ang komunikasyon ay komplikado Nagiging Komplikado ang proseso komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi laging pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap. halimbawa, ang kanilang komunikasyon ay naiimpuwensyahan ng; a. persepsyon ng isa sa kanyang sarili, b. persepsyon niya sa kanyang kausap. c. iniisip niyang persepsyon ng kausap sa kanya, d. ang tunay na persepsyo ng kanyang kausap sa kanya. Áng kanyang kausap ay mayroon ding: a. persepsyon sa kanyang sarili, b. Iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya, c. iniisip niyang persepsyon niya sa kanyang kausap. d. tunay na persepsyon niya sa kanyang kausap. Kompiikado hindi ba? Bunga ng komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito, may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi pagkakaunawaan. 4. Mensahe, hindi kahulugan, ang nagpadala/ natatanggap sa komunikasyon Ito ay proseso ng pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag nagpadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong magkaroon ng iba’t ibang kahulugan. 5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan na tayo sa kapwa. 6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon a) Mensaheng panglinggwistika b) Relasyunal o di berbal na nagpapahiwatig nang damdamin o pagtingin sa kausap.
  • 10. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 10 Proseso ng Komunikasyon Komunikasyon na magagamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa kominkasyon. Napiling talakayin dito ang prosesong NMDT (nagpapadala- mensahe-daluyan-tumatanggap). Makatutulong ang modelong ito sa pagpapaliwanag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Dito, susuriin natin ang bawat kaganapan sa nagaganap na proseso ng komunikasyon. Nagpapadala Sa nagpapadala nagmumula ang mensahe. May limang bagay ang nakakaapekto sa nagpapadala sa anumang mensahe na kanyang nais iparating.  Kasanayang pangkomunikasyon  Ugali  Kaalaman  Katayuang panlipunan  Kultura (Nakakaapekto rin sa tagatanggap ang 5 bagay na nabanggit) Ang kakayahan natin sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay nakabatay sa ating mga kasanayang pang-wika (verbal communication skills). May limang kasanayang pangwika; dalawa sa kasanayang ito ay nauukol sa kasanayan sa pagpapadala ng mensahe, ang pasasalita at pagsusulat; ang dalawa ay nuukol sa pagtanggap, ang pakikinig at pagbasa. Ang panlimang kasanayan naman ay mahalaga sa kapwa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang kakayahan sa pag-iisip o pangangatwiran. Malaki ang maitutulong ng pagkabihasa natin sa mga kasanayang ito sa ating mabisang pakikipagkomunikasyong verbal. Makikita rin ang kahusayan natin sa komunikasyon sa ating kakahang gumamit ng mga komunikasyong di-verbal . Ugali, ang isa pang bagay na nakakaapekto sa ating pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Malawak ang saklaw ng pag-uugali. Subalit sa talakayang ito sikapin nating ituon ang ugali sa pangkalahatang nararandaman ng isang tao tungkol sa isang bagay. Halimbawa, maaring positibo o negatibo ang ating reaction sa opinion o mungkahi ng isa mong kamag-aral.
  • 11. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 11 Nakakaapekto ang ugali sa ating pakikipagkominikasyon sa tatlong paraan. Sa ating sarili, sa paksa at sa tagatanggap o kausap. Sa sarili – ito ang ating nararandaman habang pinapadala natin ang mensahe. Mapapansin ng tumatanggap kung tayo ay nasisiyahan o hindi. Nababawasan ng bisa ang ating mensahe kung makikita ng kausap ang kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili. Sa paksa – ito ang ating nararandaman tungkol sa isang bagay. Kadalasan, sa pananaw natin ibinabatay ang ating sinasabi. Maaring puro magagandang bagay lang ang iyong sasabihin tungkol sa isang bagay dahil gusto mo ito. Maari mo ring sadyang iwasang sabihin ang mga masamang bagay ukol dito dahil nga sa iyong pananaw o nararandaman. Sa tagatanggap o kausap – ang nararandaman natin tungkol sa ating kausap ay malaki rin ang nagagawa sa nilalaman ng ating mensahe. Maaring iba ang ating mensahe kung tayo ay nagagalit o natutuwa sa ating kausap. Gayon din, iba ang paraan ng ating pakikipag-usap sa mga taong nakababa ang posisyon kaysa atin at sa mga taong nakatataas ang posisyon. Kaalaman, malaki ang epekto ng ating nalalaman tungkol sa isang bagay para sa ating mabisang pakikipagkomunikasyon. Ang isang magsasaka halimbawa ay buong tiwala sa sariling makapagpapaliwanag tungkol sa pagtatanim at pangangalaga sa mga peste sa palay. Subalit makakarandam siya ng kaba kung ang pag-uusapan ay ang trapiko at iba pang problemang panlunsod. Katayuang panlipunan – nakakaapekto sa paraan ng pagpapahayag ng nagpapadala at tumatanggap ng mensahe ang kanyang katayuan. Bawat isa sa atin ay may katayuang kinabibilangan sa lipunan. Kabilang sa katuyuang ito ang pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, o barkadahan.
  • 12. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 12 Kultura – higit na magiging mabisa ang komunikasyon kung ang nag-uusap ay may parehong kultura. Halimbawa ang pagbibigay ng biro (joke) ay magiging mabisa lamang kung ang nagbibigay at tumatanggap ng biro ay may parehong karanasan. Mensahe Bawat mensahe ay may dalawang aspeto. Ang nilalaman at pananaw. Sa laman ng mensahe makikita ang tema, dating at katwiran. Halimbawa ang isang lider ng kabataan ay hihiling sa isang kongresista na magpatayo ng isang palaruaan. Maaring maging laman ng kahilingan ang dahilan kung bakit dapat magtayo ng palaruaan sa kanilang lugar, ang halagang gugulin sa pagpapatayo at ang benepisyong matatamo ng komunidad sa pagpapatayo ng nabanggit na proyekto. Sa pananaw naman makikita ang ayos ng mensahe. Sa halimbawang nabanggit sa itaas, maaring ayusin ng lider ng kabataan ang kanyang mensahe sa paraang higit na katanggap-tanggap sa kongresista. Siguro higit na makabubuting bigyan diin sa mensahe ang benepisyo at dahilan ng pangangailangan sa nabanggit na palaruan kaysa sa halagang magugugol. Daluyan kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakirandam, at institusyonal (institutionalized channels) sa pamamagitan ng tuwirang pakikipag- usap, sa pamamagitan ng sulat o sa pamamagitan ng mga kagamitang electronics tulad ng telepono, computer, beeper, fax atbp. Bawat daluyang institusyonal ay nanganga-ilangan ng isa o higit pang daluyang pandama. Halimbawa sa ating tuwirang pakikipag-ugnayan tunog sa pandinig, galaw sa paningin, at paghawak sa kamay para sa pakirandam. Ang tuwirang pakikipagkomunikasyon ang pinakamainam gamitin kung ang layunin ay agad makatawag pansin at makakuha ng dagliang tugon. Tumatanggap Ang tumatanggap ng mensahe ay dapat magtuon ng pansin, magpakahulugan at tumugon sa mensahe. Layunin ng komunikasyon na mapaabot ang mensahe sa pinatutungkulan nito. Dapat isaalang alang ng nagpapadala ng mensahe na ang
  • 13. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 13 pinakaunang hakbang sa papapaabot ng mensahe ay kung paano matatawag ang pansin ng kausap. Matapos matawag ang pansin ng kausap ay dapat namang maipaunawa na wasto ang mensahe. Ang pagtawag ng pansin at pagpapaunawa ay pamamaraan kung saan dapat isaalang alang ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe. (kasanayang pangwika, ugali, kaalaman, katayuang panlipunan at kultura) Matapos maituon ang pansin at maunawaan ang mensahe, ang susunod na hakbang ng tumatanggap ay ang pagtanggap. May tatlong antas o level ang pagtanggap. Una, pagkilala, naniniwala ang tumatanggap ng mensahe na tama ang nilalaman nito. Pangalawa, bisa, hindi lang naniwala sa katumpakan ng mensahe subalit naniwala rin ng may mabuting maidudulot o bisa ito. Pangatlo ay ang aksyon o pagkilos na dapat isagawa bunga ng mensaheng natanggap. Tugon Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon. Ang tugon ay maari ring paraanin sa parehong daluyuan o sa ibang daluyan ayon sa hinihingi ng pagkakataon papunta sa nagpadala ng mensahe. Sa pagpaparating ng tugon dapat muling isaalang-alang ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe. Ang tugon ay sukatan ng implwensya o kapangyarihan – Sa isang bansang demokratiko tulad natin, napakahalaga ang implwensya sa pamayanan o komunidad. Kung ang isang lider o isang grupo ay naging matagumpay sa pangangalap ng pondo para sa isang proyekto, masasabi ng lider o grupong ito na sila ay maimplwensya sa komunidad. Subalit kung walang sumuporta sa kanilang proyekto, masasabi namang silang walang implwensya o kapanyarihan sa komunidad. Samaktwid, maari nating sabihing ang implwensya o kapangyarihan ay nakasalalay sa kahusayan sa komunikasyon.
  • 14. FIL. 207 KASANAYANG PANGWIKA 14 Gampanin ng komunikasyon Magbuklod-buklod Nagkaroon ng unawaan at nagtutulung-tulong tungo sa ikakatagumapay ng isang mithiin o adhikain Magbukud-bukod Ang wika ay instrumento ng pagkakakilanlan ng mga tao sa isang pook o bansa man Damdaming may pagmamalaki Ang pagkakaroon ng isang wikang sarili ay naging tatak ng kalayaan o kasarinlan Pagkakaroon ng panukatan sa pag-alam nito Ang pagsasagawa nang makaagham na pag-aaral sa wikang sarili GAWAIN 2; SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN: 1. Sa paanong paraan nagbabago ang kominikasyon? 2. Bakit nasabing ang komunikasyon ay dinamiko? 3. Magbigay ng isang kongkretong halimbawa sa pagkakabuklod buklod dahil sa komunikasyon 4. Paano mo maipagmamalaki ang pagkakaroon ng sariling wika na nagagaimit sa pakikipagkomunikasyon? 5. Sa isang buong malinis na coupon bond, o sa paraang paggamit ng kompyuter sa pag-eencode, gumawa ng isang paglalarawan/ modelo ng pakikipagkomunikasyon. Gawin itong kaayaya-aya at nakakaakit sa paningin.