SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
Download to read offline
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 1
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul
Sa
ELEC 1:
MALIKHAING
2:30 – 4:00
TTH
Associate College Instructor:
JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 2
I. Pamagat
MALIKHAING PAGSULAT
II. Lagom Pananaw
Sa module na ito mapag-aaralan ang malawak na saklaw ng malikhaing
pagsulat, kaibahan ng malikhaing pagsulat sa iba pang pagsulat at mga anyo ng
pagsulat. Matatalakay din dito ang mga uri ng tayutay, diksiyon. Mga kilalang
banyaga at lokal na manunulat
III. Layunin
 Natutukoy ang pagkakaiba ng makathaing pagsulat sa iba pang anyo ng
pagsulat
 Nakapagbahagi ng kaalaman patungkol sa iba’t ibang uri ng pagsusulat
 Nakahuhugot ng mga ideya mula sa mga karanasan patungkol sa pagsusulat
 Nakikilala ang iba’t ibang mga manunulat lokal man o banyaga
IV. Mga Nilalaman
Malikhaing Pagsulat
• Makathaing Pagsulat vs. teknikal / academik / at iba pang anyo ng
pagsulat
• Mga Tayutay
• Mga batikan/kilalang lokal manunulat
V. Talakayan/ Deliberasyon
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 3
MALIKHAING PAGSULAT
 Ang malikhaing pagsusulat o sa Ingles ay creative writing kung tawagin
ay nangangahulugang anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan
ng karaniwang propesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal
na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.
 Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng manunulat na maaaring
totoo at hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat
tulad ng pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang masining
na katha.
 Maaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng
manunulat. Masining ang paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng
damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat.
 Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay
karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na
may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa
paggaya ng dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o
katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng
senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang
magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.
Paano maging malikhain?
 Bigyan ng buhay ang mga maliliit na bagay.
 “Think outside the box” o mag-isip ng malawak at paganahin ang
mayamang imahinasyon.
 Maari ring gumamit ng mga salawikain, sawikain at mga kasabihan
upang mas lalong mapaganda ang akdang isusulat.
 Magkaroon ng orihinalidad gayundin ang sariling istilo ng susulating
akda
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 4
Pagkakaiba ng Malikhaing Pagsulat at Teknikal o Akademikong
Pagsulat
Ang malikhaing akda ay isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at bigyan sila ng
pag-unawa sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan. Ang mga sumusunod ay
ilang anyo ng malikhaing sulatin:
 Awtobiyograpiya
 Nobela
 Nobeleta (Mahabang Maikling Kuwento O Maikling Nobela)
 Maikling Kuwento
 Dagli O Flash Fiction (Napakaikling Kuwento Na Binubuo Lamang Ng Ilang Daang
Salita)
 Tula
 Personal Na Sanaysay
 Epiko
 Komiks O Graphic Novel
 Dula (Panteatro, Pampelikula, Pantelebisyon)
 Kanta O Awit
Kasiya-siya ang pagbasa ng mga malikhaing akda. Isa itong sining na pumupukaw sa ating
damdamin at isipan habang binibigyan tayo ng iba’t ibang anggulo upang sipatin ang ating sarili
at ang ating kapaligiran. Nagbabasa tayo ng tula at kuwento dahil may nakukuha tayong kakaiba
sa pagbabasa sa mga ito, ang kasiyahan na hindi karaniwang nakukuha mula sa ibang uri ng
sulatin.
Iba ang malikhaing pagsulat sa teknikal o akademikong pagsulat. Karaniwang layunin ng
mga teknikal na sulatin ay magtalakay ng paksa, magpakita ng datos, at magbigay-kaalaman.
Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng teknikal na sulatin:
 Akademikong Sanaysay
 Replektibong Sanaysay
 Artikulo Sa Diyomal
 Akademikong Rebyu (Ng Aklat, Pelikula, Atbp.)
 Tesis O Disertasyon
 Pamanahong Papel
 Manwal O Aklat Na Naglalaman Ng Mga Gabay O Tuntunin
 Report
 Korespondensiya Opisyal
 Konseptong Papel
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 5
 Posisyong Papel
 Memorandum
 Mungkahing Saliksik
Magkaiba ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat sa paggamit ng wika.
Maoobserbahang sa malikhaing pagsulat, lalo na sa mga akda ng kabataan o bagong
henerasyon ng manunulat sa Filipino, karaniwang hindi pormal ang wikang ginagamit.
Maaaring gumamit dito ng mga salitang balbal, impormal na salitang ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan (kolokyal), at maging iyong ipinapalagay na bastos
(bulgar). Minsan pa nga ay naghahalo ang Filipino at Ingles. Sa kuwentong “Dilang Anghel”
ni U.Z. Eliserio, sabi ng tagapagsalaysay, “Miss na kita, kung alam mo lang. Siguro nga alam
mo. Ba’t di ka sumasagot sa text, e, noong Pasko di ba nagbati na tayo?” Mapapansin ang
ganitong gamit ng mga salita sa mga akda nina Jun Cruz Reyes, Eros Atalia, Mayette
Bayuga, Bebang Siy, Norman Wilwayco, Mes de Guzman, at iba pa.
Gumagamit sa malikhaing pagsulat ng mga talinghaga, tayutay, at iba pang malikhaing salita. Sa
teknikal na pagsulat, pormal ang wikang ginagamit at iniiwasan ang paggamit ng mga balbal,
bulgar, at kolokyal. Sa halip, gumagamit sa mga ito ng mga jargon o espesyal na bokabularyo ng
isang propesyon o grupo.
Isa rin sa mga kahingian sa isang teknikal na akda ang pagkakaroon ng mas estriktong estruktura
sa pag-aayos ng mga ideya. Kailangang mayroon itong simula, gitna, at wakas. Prosidyural ang
ganitong uri ng pagsulat. Organisado ito at may sinusundang pormula. Hindi din maligoy ang
paglalahad sa teknikal na sulatin; kailangang tukuyin agad ng awtor ang nais niyang sabihin.
Nasa antas na literal ang pagbasa sa mga ganitong akda.
Sa malikhaing pagsulat, mas malaya ang manunulat sa pag-aayos ng mga ideya.
Halimbawa, maaaring simulan ng manunulat ang kuwento sa wakas at magwakas sa simula, o
magsimula sa gitna, o maaaring walang simula at walang wakas. Samantala, sa tula, hindi
hayagang ipinahahayag ang mensahe bagkus kailangang isaalang-alang ang mga imahen, tono,
tunog, at iba pang elemento upang maunawaan ito. Karaniwang wala sa antas ng literal ang
pagbasa sa mga ganitong akda.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 6
Halimbawa ng malikhaing pagsulat:
Awtobiyograpiya ni Dr. Jose P. Rizal
Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco
Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa
Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at
Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito
sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano,
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon,
ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 7
Halimbawa ng teknikal na pagsulat:
PAGTANAW HINGGIL SA LAYON NG BUHAY
ni Jean Mendoza
Lahat tayo ay nabubuhay sa mundo habang nagbibigay ng pagpapakahulugan sa iba’t ibang
bagay, lalo na sa ating sarili. Isang paraan ng pagpapakahulugan ay ang pagtukoy sa ating mga
interes at nais maging o gawin sa ating buhay.
Pagkasilang pa lamang natin sa mundo, minsan nga ay nasa sinapupunan pa lamang, marami
nang nabubuong mga pangarap ang ating mga magulang para sa atin. Sa paglipas ng panahon,
marami tayong matututunan sa buhay na siyang huhulma sa kung ano tayo sa kasalukuyan. Isa sa
mga leksyong ito ay ang pagkatuto na mangarap ng mataas at magsipag upang makamit ito,
sapagkat ito ang magiging tulay patungo sa matagumpay at maginhawang buhay. Ang ilan pa
nga sa atin ay tinakot ng mga nakatatanda na kung hindi daw mag-aaral nang mabuti ay walang
mararating at maghihirap sa paglipas ng panahon.
Sa pagmodernisa ng buhay sa kasalukuyang henerasyon, makikitang mas nabibigyang halaga
ang mga pansariling kabutihan kaysa sa kabutihan ng mga kapwa. Ang katangiang ito ay angat
sa pagtuturo ngayon sa mga kabataan na mangarap. Imbes na mangarap upang makatulong sa
kapwa at mapaunlad ang sariling bayan, mangarap ka upang guminhawa ang iyong buhay. Kaya
naman hindi rin natin masisisi ang mga kababayang nating mas malaki pa ang naiiambag sa
ibang bansa kaysa dito sa atin dahil mas pinipili nilang maging OFW sapagkat iba na nga ang
mindset ng modernong Pilipinas. Ngunit, sa tulong ng maikling bidyo na aming pinanonood ay
nalaman ko at ikinagalak na mayroon parin tayong mga kababayan na mas pinipiling manatili
dito sa ating bayan tulad ng mga doktor sa baryo.
Dahil sa bidyo, natutunan kong ang tanging paraan upang pasalamatan ang ating bayan na
humubog sa ating mga pagkatao ay sa pamamagitan ng paglilingkod dito. Napagtanto ko rin na
tama nga na magpursigi upang mabuhay nang maginhawa. Ngunit, hindi ito nangangahulugang
mabuhay ng malambot ang palad, mag may-ari ng mga magagarang kotse kundi mamuhay ng
may ginhawa sa puso dahil nakatutulong ka sa iyong mga kapwa lalo na sa mga
nangangailangan.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 8
GAWAIN: Pagpapaliwanag
A. Mula sa mga halimbawa ng sulating nasa naunang mga pahina, sagutang ang mga sumusunod
na mga katanungan:
Malikhaing Pagsulat--- Awtobayograpiya ni Dr. Jose P. Rizal
1. Paano napalawak ng awtobayograpiya ni Rizal ang iyong kaalaman patungkol sa
ating bayani?
2. Masasabi bang kompleto ang mga nakaploob na kaalaman at impormasyon
patungkol kay Dr. Jose Rizal? O maraming pang kakulangan? Pangatwiranan.
3. Ano- ano pa ang maaaring idagdag na impormasyo o kaalaman sa awtobayograpiya
ni Rizal?
Teknikal Na Pagsulat ---Pagtanaw Hinggil Sa Layon Ng Buhay
1. Patungkol saan ang tinalakay na paksa sa sulatin sanaysay?
2. Kaaya-aya bang basahin ang sulatin? Pangatwiranan
3. Ano ang naging layunin ng manunulat sa kaniyang sanaysay?
B. Sa iyong sariling kakayahan, ikaw ay sumulat ng isang awtobayograpiya patungkol sa iyong
buhay, mga naging karanasan at mga impormasyon na makapagbibigay ng kaalaman na nais
ibahagi sa mga mambabasa.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 9
TAYUTAY – Mga Uri At Halimbawa Nito
TAYUTAY – Sa paksang ito, tutuklasin natin ngayon ang mga iba’ ibang uri ng mga tayutay at
mga halimbawa ng mga uri nito.
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Mga Uri Ng Tayutay
1. Pagtutulad (Ingles: Simile)
Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit
ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng
atbp.
Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)
Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Si Jon ay lumalakad na babae.
Malakas na lalaki si Ken.
3. Pagtatao (Ingles: Personification)
Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.
Ang mga damo ay sumasayaw.
Tumatawa ng malakas ang mga puno.
4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)
Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari
atbp.
Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.
5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony)
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.
Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.
Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 10
6. Paglipat-wika
Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.
Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon.
Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.
7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)
Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila
Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.
8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)
Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
O Pag-ibig, nasaan ka na?
Galit, layuan mo ako magpakailanman.
9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)
Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot.
Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin?
Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga
problema natin?
10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)
Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
Igalang dapat ang mga maputing buhok.
Mas magiting ang panulat kaysa espada.
11. Panaramdam (Ingles: Exclamatory)
Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin
Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig per ngayon, sa tuwing
nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot.
12. Tambisan(Ingles: Antithesis)
Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na
lalo ang mga salita.
Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 11
13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia)
Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
Maririnig ko ang tiktok ng orasan.
Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy.
14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration)
Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang
ginagamit sa isang pangungusap.
Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
Masipag maglaba ang mga magulang ko.
15. Pagtanggi(Ingles: Litotes)
Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.
Hindi niyo ako maloloko
Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.
16. Salantunay(Ingles: Paradox)
Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na
animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.
Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.
17. Pangitain(Ingles: Vision imagery)
Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa
nagsasalita.
Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat.
Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.
18. Paghahalintulad(Analogy)
Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas.
Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang bubuyog.
Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na sumisikat sa umaga.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 12
Gawain: Pagtataya
Tukuyin ang mga sumusunod kung anong uri ng tayutay
1. Ang kaniyang budhi ay kasing itim ng kaniyang buhok
2. Si Maria ay isang magandang rosas.
3. Ang mabait na tulad mo ay hulog ng langit.
4. Ang malamig na simoy ng hangin ay yumakap sa akin.
5. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
6. Oras, bilisan mo namang tumakbo!
7. Malakas ang potpot ng kotse.
8. Pana’y tiktak lang ang maririnig sa orasan.
9. Lumuha ka muna ng dugo bago kita sagutin.
10. Walang bibig ang umasa kay Buenavista.
11. Isinambulat ang order sa mukha ng karibal.
12. Ang palasyo (Malakanyang) ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.
13. Dapat igalang natin ang mga may puting buhok (matatanda) na.
14. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ito ang madalas sambit ng mga taong lubos na umiibig.
15. Masarap, makatas at matamis ang mangga na dala ni Marina.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 13
Mga Kilalang Pilipinong Manunulat
 Julian Felipe - Kilala sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional
Filipino."
(en filipino)
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw;
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.
(en español)
Tierra adorada
Hija de sol de Oriente,
Su fuego ardiente
En ti latiendo está.
¡Patria de amores!
Del heroísmo cuna,
Los invasores
No te hallarán jamás.
En tu cielo azul, en tus auras,
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.
Tu pabellón, que en las lides
La victoria iluminó,
No verá nunca apagados
Sus estrellas y su sol.
Tierra de dichas, de sol y de amores,
En tu regazo dulce es vivir;
Es una gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden por ti morir.
 Fernando Amorsolo- ay Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na
ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan
ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at
larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o
Pambansang Alagad ng Sining.
 Guillermo Tolentino- Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng
Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang
Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang
Bonifacio.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 14
 Francisco Baltazar- Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas.
Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring
awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang
naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si
Balagtas.
Tunay na anak ng Hispaniko Pilipinas at dalubhasa sa Tagalog at Español,
pinunan ni Baltazar ang kanyang panulaang Tagalog ng mga katutubo, Kastila, at
iba pang mga banyagang panitikan at inspirasyon. Ayon kina Francis at Priscilla
Macasantos ng Unibersidad ng Pilipinas, si Baltazar ay isang henyo dahil sa
pagiging produkto niya ng pinagsanib na kulturang Pilipino - katutubo at
kolonyal/klasikal. Sa angkin niyang kahusayan, nagawa niyang ipaalam sa
kanyang mga kababayang api ang kanyang kaalaman gamit ang istilo at tradisyon
ipinagkaloob sa kanya ng banyagang (at mapaniil) kultura. Ang kanyang akda ay
tungkol sa kalupitan sa Albania, ngunit ito ay tungkol talaga sa kalupitan sa
Pilipinas. Di mapapasubalian na siya ay naging tapat sa kanyang katutubong
tradisyon. Kaiba sa mga kanyang mga kakontemporaryo, si Baltazar ay nagawang
lumaya sa kolonyal at mapaniil na tradisyong pampanitikan. Ginamit niya ang
kanyang mga akda upang labanan ang kalupitan at kaliluan sa kolonyal na
Pilipinas at upang turuan ang kanyang mga kababayan. Siya ay lumikha ng
bagong tradisyong pampanitikan sa Pilipinas, na nagsasaad ng damdamin at
aspirasyon ng mga Pilipino.
Narito ang ilan sa mga akda ni Francisco Baltazar:
 Mahomet at Constanza (1841)
 Almanzor y Rosalina (1841)
 Orosman at Zafira (1860) (komedya
na may apat na bahagi)
 Don Nuño at Zelinda (komedya na
may tatlong bahagi)
 La India Elegante y el Negrito
Amante: sayneteng may isang yugto
Hatol Hari Kaya (kundiman)
 Parangal sa Isang Binibining Ikakasal
(tula)
 Paalam sa Iyo (awit)
 Rodolfo at Rosamunda (komedya)
 Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa
España (tula)
 Auredato y Astrone (komedya)
 Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857)
 Nudo Gordiano (komedya)
 Abdol y Miserena (1859) (komedya)
 Clara Belmori (komedya)."
 El Ensayo de Gramatica Hispano-
Tagala
 Claus (isinalin sa Tagalog mula
Latin)
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 15
 Jose Rizal-Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng
dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang
mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya
ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga
ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na
napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang
tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."
Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Mga katanungan:
1. Ano ang nais ipahiwatig ni Dr. Jose Rizal sa kabuuan ng kaniyang akda?
2. Kanino niya inialay ang akdang kaniyang isinulat?
3. ano ang ibig ipakahulugan ni Jose Rizal sa kaniyang huling saknong ng kaniyang tula?
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 16
 Graciano Lopez Jaena-ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at
siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya
ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito
nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa
sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na
nangangahulugang bundat na prayle.
 Marcelo H. Del Pilar- kilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog
noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena
sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng
"Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga
prayle.
 Jose Palma- Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas"
bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang
kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni
Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 17
 Lope K. Santos- Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga
naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian
siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. "Ama ng Balarilang Pilipino"
KABAYANIHAN
LOPE K. SANTOS
Ang kahulugan moy isang paglilingkod
Na walang paupo sa hirap at pagod
Minsan sa anyaya,minsansa kusang loob
Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong dios
Natatalops mo sa iyong pananim
Iba ang aanit iba ang kakain
Datapwat saiyoy ligaya nat aliw
Ang pag pakasakit na sa iba dahil
Sa tulong moy naad lawan ang mukha
Sa tulong moy mulat ang mulala
Tapang mo sa duwag naging halimbawa
Ang kamatayan moy buhay ng madla
Tikis na nga lamng na ang mga taoy
Mapag walang turing sa tulong mo
Ang kadalasan pang iganti saiyo
Ay ang paglimot kundi paglilo
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 18
 Jose Corazon De Jesus-Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na
mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba.
Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang
"Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."
Isang Punong Kahoy
Ni: Jose Corazon de Jesus
I.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 19
 Amado V. Hernandez- makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng
pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at
dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang
National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang
Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."
Isang Dipang Langit
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 20
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 21
 Severino Reyes- Isinulat niya ang Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing
Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilala sa kanyang
mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" na pumapaksa sa kagitingan ng mga
Katipunero.
 Nick Joaquin- kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had
Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi
at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait
of the Artist as Filipino.
 Ang kanyang mga aklat
 Prose and Poems (Mga Tuluyan at Patula) (1952)
 The Woman Who had Two Navels (Ang Babae na may Dalawang Pusod)
(1961)
 La Naval de Manila and Other Essays (La Naval de Manila at Iba pang
Sanaysay) (1964)
 A Portrait of the Artist as Filipino (Ang Larawan ng Makata bilang
Pilipino) (1966)
 Tropical Gothic (Gotikong Tropikal) (1972)
 The Complete Poems and Plays of Jose Rizal (Ang mga Kumpletong Tula
at Dulaan ni Jose Rizal) (1976)
 A Question of Heroes (Isang Kwestyon sa mga Bayani) (1977)
 Nora Aunor & Other Profiles (Si Nora Aunor & Iba pang Katangian)
(1977)
 Ronnie Poe & Other Silhouettes (Ronnie Poe & Iba pang Aninag ng Bagay)
(1977)
 Reportage on Lovers (Pagbabalita sa Pag-ibig) (1977)
 Reportage on Crime (Pagbabalita sa Krimen) (1977)
 Amalia Fuentes & Other Etchings (Si Amalia Fuentes & Iba pang Pag-uukit
sa Bakal) (2012)
 Gloria Diaz & Other Delineations (Si Gloria Diaz & Iba pang Delinasyon)
(1977)
 Doveglion & Other Cameos (Si Doveglion & Iba pang mga Kameo) (1977)
 Manila: Sin City and Other Chronicles (Maynila: Makasalanang Lungsod at
Iba pang Kronika) (1977)
 Tropical Baroque (Tropikal na Baroque) (1979)
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 22
 Stories for Groovy Kids (Mga Kuwento para sa mga Batang Kasiya-siya)
(1979)
 Language of the Street and Other Essays (Ang Wika ng mga Kalsada at Iba
pang mga Sanaysay) (1980)
 The Ballad of the Five Battles (Ang Kurido ng mga Limang Labanan)
(1981)
 The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (Ang
mga Aquino sa Tarlak: Isang Sanaysay sa Kasaysayan bilang Tatlong
Salinlahi) (1983)
 Almanac for Manileños (Almanak para sa mga Taga-Maynila)
 Cave and Shadows (Ang Yungib at mga Anino) (1983)
 The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse
(Ang Apatang Pangkat ng Tigreng Buwan: Mga Tagpo ng Apokalipsis ng
Lakas Sambayanan) (1986)
 Collected Verse (Nilikom na Panulaan) (1987)
 Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine
Becoming (Kultura at Kasaysayan: Mga Madalang na Tala sa Proseso ng
Pagiging Pilipinas) (1988)
 Manila, My Manila: A History for the Young (Maynila, Aking Maynila:
Isang Kasaysayan ukol sa Bata) (1990),
 The D.M. Guevara Story (Ang Kuwento ni D.M. Guevara) (1993),
 Mr. F.E.U., the Culture Hero That Was Nicanor Reyes (G. F.E.U., ang
Bayaning Kultura na si Nicanor Reyes) (1995).
 Rizal in Saga (Rizal sa Maalamat na Tuluyan) (1996)
ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 23
 Jose Garcia Villa- isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic
Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang
koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many
Voices.
 Koleksyon ng mga Tula
 Have Come, Am Here, 1942
 Volume Two, 1949
 Selected Poems and New, 1958
 Poems 55, 1962
 Appasionata: Poems in Praise of Love, 1979
 Iba pang mga akda
 The Best Poems of 1931
 Fifteen Literary Landmarks, 1932
at ang mga antolohiya na:
 Twenty-Five Best Stories of 1928, 1929
 The Doveglion Book of Philippine Poetry by Jose Garcia Villa, 1993
 NVM Gonzales-Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick
Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat.
Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento
sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.
Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Paano napagyabong ng mga kilalang manunulat ang Panitikang Pilipino?
2. Ano ang naging impluwensya nila sa ating mga kababayan pagdating sa pagsulat ng
mga akda?
3. Magtala ng mga kilalang manunulat sa makabagong panahon at ang kanilang mga
akdang pampanitikan.
4. Bilang isang mag-aaral at nagpapakadalubahasa sa asignaturang Filipino, sino at anong
akdang pampanitikan o nalikhang sulatin ang nakapagbigay sa iyo ng inspirasyon?
Bigyang paliwanang.

More Related Content

What's hot

Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)Shiela Mae Gutierrez
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoTEACHER JHAJHA
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyondeathful
 
Bahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBel Escueta
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARochelle Nato
 
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaTUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaEmmanuel Calimag
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusLex Rivas
 
Kayarian ng panaguri at paksa
Kayarian ng panaguri at paksaKayarian ng panaguri at paksa
Kayarian ng panaguri at paksavaneza22
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 

What's hot (20)

Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
 
Mga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhanMga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhan
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyon
 
Bahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalita
 
Kakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatikoKakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatiko
 
Varayti ng wika
Varayti ng wikaVarayti ng wika
Varayti ng wika
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
filipino
filipinofilipino
filipino
 
rehistro ng wika
rehistro ng wika rehistro ng wika
rehistro ng wika
 
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaTUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
Morpema
MorpemaMorpema
Morpema
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Pares minimal
Pares minimalPares minimal
Pares minimal
 
Kayarian ng panaguri at paksa
Kayarian ng panaguri at paksaKayarian ng panaguri at paksa
Kayarian ng panaguri at paksa
 
Paghahanda ng mga kagamitang tanaw dinig
Paghahanda ng mga kagamitang tanaw dinigPaghahanda ng mga kagamitang tanaw dinig
Paghahanda ng mga kagamitang tanaw dinig
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 

Similar to PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf

Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxDannicaGraceBanilad1
 
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptxCO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptxDecemie Ventolero
 
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptAng-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptRashidaJallao
 
filipino piling larang -akademikong sulatin
filipino piling larang -akademikong sulatinfilipino piling larang -akademikong sulatin
filipino piling larang -akademikong sulatinMARIA KATRINA MACAPAZ
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULATFILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULATAllan Lloyd Martinez
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaRochelle Nato
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1kiaramomo
 
Pagtuturo ng Panitikan at Dula sa Filipino
Pagtuturo ng Panitikan at Dula sa FilipinoPagtuturo ng Panitikan at Dula sa Filipino
Pagtuturo ng Panitikan at Dula sa FilipinoAllan Lloyd Martinez
 
Filipino 10 teachers guide
Filipino 10  teachers guideFilipino 10  teachers guide
Filipino 10 teachers guideWalter Colega
 
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalamanMarilou Limpot
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxArielAsa
 
Learning module annafil2
Learning module annafil2Learning module annafil2
Learning module annafil2jay-ann19
 
Malikhaing Pagsulat.pptx
Malikhaing Pagsulat.pptxMalikhaing Pagsulat.pptx
Malikhaing Pagsulat.pptxPamela Caday
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9ConchitinaAbdula2
 
resyonal.docx
resyonal.docxresyonal.docx
resyonal.docxERikYan4
 
PPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
PPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI  ME TANGEREPPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI  ME TANGERE
PPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERECleahMaeFrancisco1
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
 

Similar to PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf (20)

Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
 
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptxCO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
CO21_Lesson Proper Filipino 8 Q2-W6.pptx
 
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptAng-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
 
filipino piling larang -akademikong sulatin
filipino piling larang -akademikong sulatinfilipino piling larang -akademikong sulatin
filipino piling larang -akademikong sulatin
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULATFILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiya
 
introduksyon.pptx
introduksyon.pptxintroduksyon.pptx
introduksyon.pptx
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1
 
Pagtuturo ng Panitikan at Dula sa Filipino
Pagtuturo ng Panitikan at Dula sa FilipinoPagtuturo ng Panitikan at Dula sa Filipino
Pagtuturo ng Panitikan at Dula sa Filipino
 
Filipino 10 teachers guide
Filipino 10  teachers guideFilipino 10  teachers guide
Filipino 10 teachers guide
 
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
 
Learning module annafil2
Learning module annafil2Learning module annafil2
Learning module annafil2
 
Malikhaing Pagsulat.pptx
Malikhaing Pagsulat.pptxMalikhaing Pagsulat.pptx
Malikhaing Pagsulat.pptx
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
 
resyonal.docx
resyonal.docxresyonal.docx
resyonal.docx
 
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptxFIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
 
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docxCOT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
 
PPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
PPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI  ME TANGEREPPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI  ME TANGERE
PPT Q4 ARALIN 1 KALIGIRANGPANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 

Recently uploaded

Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 

Recently uploaded (20)

Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 

PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf

  • 1. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 1 The Great Plebeian College Alaminos City, Pangasinan A.Y. 2021-2022 Modyul Sa ELEC 1: MALIKHAING 2:30 – 4:00 TTH Associate College Instructor: JOSEPH R. RAFANAN, LPT FB Account: Joseph Rafanan Email: josephrrafanangpc@gmail.com
  • 2. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 2 I. Pamagat MALIKHAING PAGSULAT II. Lagom Pananaw Sa module na ito mapag-aaralan ang malawak na saklaw ng malikhaing pagsulat, kaibahan ng malikhaing pagsulat sa iba pang pagsulat at mga anyo ng pagsulat. Matatalakay din dito ang mga uri ng tayutay, diksiyon. Mga kilalang banyaga at lokal na manunulat III. Layunin  Natutukoy ang pagkakaiba ng makathaing pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat  Nakapagbahagi ng kaalaman patungkol sa iba’t ibang uri ng pagsusulat  Nakahuhugot ng mga ideya mula sa mga karanasan patungkol sa pagsusulat  Nakikilala ang iba’t ibang mga manunulat lokal man o banyaga IV. Mga Nilalaman Malikhaing Pagsulat • Makathaing Pagsulat vs. teknikal / academik / at iba pang anyo ng pagsulat • Mga Tayutay • Mga batikan/kilalang lokal manunulat V. Talakayan/ Deliberasyon
  • 3. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 3 MALIKHAING PAGSULAT  Ang malikhaing pagsusulat o sa Ingles ay creative writing kung tawagin ay nangangahulugang anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang propesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.  Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng manunulat na maaaring totoo at hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat tulad ng pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang masining na katha.  Maaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng manunulat. Masining ang paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat.  Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat. Paano maging malikhain?  Bigyan ng buhay ang mga maliliit na bagay.  “Think outside the box” o mag-isip ng malawak at paganahin ang mayamang imahinasyon.  Maari ring gumamit ng mga salawikain, sawikain at mga kasabihan upang mas lalong mapaganda ang akdang isusulat.  Magkaroon ng orihinalidad gayundin ang sariling istilo ng susulating akda
  • 4. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 4 Pagkakaiba ng Malikhaing Pagsulat at Teknikal o Akademikong Pagsulat Ang malikhaing akda ay isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at bigyan sila ng pag-unawa sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan. Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng malikhaing sulatin:  Awtobiyograpiya  Nobela  Nobeleta (Mahabang Maikling Kuwento O Maikling Nobela)  Maikling Kuwento  Dagli O Flash Fiction (Napakaikling Kuwento Na Binubuo Lamang Ng Ilang Daang Salita)  Tula  Personal Na Sanaysay  Epiko  Komiks O Graphic Novel  Dula (Panteatro, Pampelikula, Pantelebisyon)  Kanta O Awit Kasiya-siya ang pagbasa ng mga malikhaing akda. Isa itong sining na pumupukaw sa ating damdamin at isipan habang binibigyan tayo ng iba’t ibang anggulo upang sipatin ang ating sarili at ang ating kapaligiran. Nagbabasa tayo ng tula at kuwento dahil may nakukuha tayong kakaiba sa pagbabasa sa mga ito, ang kasiyahan na hindi karaniwang nakukuha mula sa ibang uri ng sulatin. Iba ang malikhaing pagsulat sa teknikal o akademikong pagsulat. Karaniwang layunin ng mga teknikal na sulatin ay magtalakay ng paksa, magpakita ng datos, at magbigay-kaalaman. Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng teknikal na sulatin:  Akademikong Sanaysay  Replektibong Sanaysay  Artikulo Sa Diyomal  Akademikong Rebyu (Ng Aklat, Pelikula, Atbp.)  Tesis O Disertasyon  Pamanahong Papel  Manwal O Aklat Na Naglalaman Ng Mga Gabay O Tuntunin  Report  Korespondensiya Opisyal  Konseptong Papel
  • 5. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 5  Posisyong Papel  Memorandum  Mungkahing Saliksik Magkaiba ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat sa paggamit ng wika. Maoobserbahang sa malikhaing pagsulat, lalo na sa mga akda ng kabataan o bagong henerasyon ng manunulat sa Filipino, karaniwang hindi pormal ang wikang ginagamit. Maaaring gumamit dito ng mga salitang balbal, impormal na salitang ginagamit sa pang- araw-araw na pakikipagtalastasan (kolokyal), at maging iyong ipinapalagay na bastos (bulgar). Minsan pa nga ay naghahalo ang Filipino at Ingles. Sa kuwentong “Dilang Anghel” ni U.Z. Eliserio, sabi ng tagapagsalaysay, “Miss na kita, kung alam mo lang. Siguro nga alam mo. Ba’t di ka sumasagot sa text, e, noong Pasko di ba nagbati na tayo?” Mapapansin ang ganitong gamit ng mga salita sa mga akda nina Jun Cruz Reyes, Eros Atalia, Mayette Bayuga, Bebang Siy, Norman Wilwayco, Mes de Guzman, at iba pa. Gumagamit sa malikhaing pagsulat ng mga talinghaga, tayutay, at iba pang malikhaing salita. Sa teknikal na pagsulat, pormal ang wikang ginagamit at iniiwasan ang paggamit ng mga balbal, bulgar, at kolokyal. Sa halip, gumagamit sa mga ito ng mga jargon o espesyal na bokabularyo ng isang propesyon o grupo. Isa rin sa mga kahingian sa isang teknikal na akda ang pagkakaroon ng mas estriktong estruktura sa pag-aayos ng mga ideya. Kailangang mayroon itong simula, gitna, at wakas. Prosidyural ang ganitong uri ng pagsulat. Organisado ito at may sinusundang pormula. Hindi din maligoy ang paglalahad sa teknikal na sulatin; kailangang tukuyin agad ng awtor ang nais niyang sabihin. Nasa antas na literal ang pagbasa sa mga ganitong akda. Sa malikhaing pagsulat, mas malaya ang manunulat sa pag-aayos ng mga ideya. Halimbawa, maaaring simulan ng manunulat ang kuwento sa wakas at magwakas sa simula, o magsimula sa gitna, o maaaring walang simula at walang wakas. Samantala, sa tula, hindi hayagang ipinahahayag ang mensahe bagkus kailangang isaalang-alang ang mga imahen, tono, tunog, at iba pang elemento upang maunawaan ito. Karaniwang wala sa antas ng literal ang pagbasa sa mga ganitong akda.
  • 6. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 6 Halimbawa ng malikhaing pagsulat: Awtobiyograpiya ni Dr. Jose P. Rizal Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago. Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
  • 7. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 7 Halimbawa ng teknikal na pagsulat: PAGTANAW HINGGIL SA LAYON NG BUHAY ni Jean Mendoza Lahat tayo ay nabubuhay sa mundo habang nagbibigay ng pagpapakahulugan sa iba’t ibang bagay, lalo na sa ating sarili. Isang paraan ng pagpapakahulugan ay ang pagtukoy sa ating mga interes at nais maging o gawin sa ating buhay. Pagkasilang pa lamang natin sa mundo, minsan nga ay nasa sinapupunan pa lamang, marami nang nabubuong mga pangarap ang ating mga magulang para sa atin. Sa paglipas ng panahon, marami tayong matututunan sa buhay na siyang huhulma sa kung ano tayo sa kasalukuyan. Isa sa mga leksyong ito ay ang pagkatuto na mangarap ng mataas at magsipag upang makamit ito, sapagkat ito ang magiging tulay patungo sa matagumpay at maginhawang buhay. Ang ilan pa nga sa atin ay tinakot ng mga nakatatanda na kung hindi daw mag-aaral nang mabuti ay walang mararating at maghihirap sa paglipas ng panahon. Sa pagmodernisa ng buhay sa kasalukuyang henerasyon, makikitang mas nabibigyang halaga ang mga pansariling kabutihan kaysa sa kabutihan ng mga kapwa. Ang katangiang ito ay angat sa pagtuturo ngayon sa mga kabataan na mangarap. Imbes na mangarap upang makatulong sa kapwa at mapaunlad ang sariling bayan, mangarap ka upang guminhawa ang iyong buhay. Kaya naman hindi rin natin masisisi ang mga kababayang nating mas malaki pa ang naiiambag sa ibang bansa kaysa dito sa atin dahil mas pinipili nilang maging OFW sapagkat iba na nga ang mindset ng modernong Pilipinas. Ngunit, sa tulong ng maikling bidyo na aming pinanonood ay nalaman ko at ikinagalak na mayroon parin tayong mga kababayan na mas pinipiling manatili dito sa ating bayan tulad ng mga doktor sa baryo. Dahil sa bidyo, natutunan kong ang tanging paraan upang pasalamatan ang ating bayan na humubog sa ating mga pagkatao ay sa pamamagitan ng paglilingkod dito. Napagtanto ko rin na tama nga na magpursigi upang mabuhay nang maginhawa. Ngunit, hindi ito nangangahulugang mabuhay ng malambot ang palad, mag may-ari ng mga magagarang kotse kundi mamuhay ng may ginhawa sa puso dahil nakatutulong ka sa iyong mga kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
  • 8. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 8 GAWAIN: Pagpapaliwanag A. Mula sa mga halimbawa ng sulating nasa naunang mga pahina, sagutang ang mga sumusunod na mga katanungan: Malikhaing Pagsulat--- Awtobayograpiya ni Dr. Jose P. Rizal 1. Paano napalawak ng awtobayograpiya ni Rizal ang iyong kaalaman patungkol sa ating bayani? 2. Masasabi bang kompleto ang mga nakaploob na kaalaman at impormasyon patungkol kay Dr. Jose Rizal? O maraming pang kakulangan? Pangatwiranan. 3. Ano- ano pa ang maaaring idagdag na impormasyo o kaalaman sa awtobayograpiya ni Rizal? Teknikal Na Pagsulat ---Pagtanaw Hinggil Sa Layon Ng Buhay 1. Patungkol saan ang tinalakay na paksa sa sulatin sanaysay? 2. Kaaya-aya bang basahin ang sulatin? Pangatwiranan 3. Ano ang naging layunin ng manunulat sa kaniyang sanaysay? B. Sa iyong sariling kakayahan, ikaw ay sumulat ng isang awtobayograpiya patungkol sa iyong buhay, mga naging karanasan at mga impormasyon na makapagbibigay ng kaalaman na nais ibahagi sa mga mambabasa.
  • 9. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 9 TAYUTAY – Mga Uri At Halimbawa Nito TAYUTAY – Sa paksang ito, tutuklasin natin ngayon ang mga iba’ ibang uri ng mga tayutay at mga halimbawa ng mga uri nito. Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Uri Ng Tayutay 1. Pagtutulad (Ingles: Simile) Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel. 2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor) Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Si Jon ay lumalakad na babae. Malakas na lalaki si Ken. 3. Pagtatao (Ingles: Personification) Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay. Ang mga damo ay sumasayaw. Tumatawa ng malakas ang mga puno. 4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole) Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan. Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo. 5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony) Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay. Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto. Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.
  • 10. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 10 6. Paglipat-wika Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay. Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon. Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia. 7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche) Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan. Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga. 8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe) Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila. O Pag-ibig, nasaan ka na? Galit, layuan mo ako magpakailanman. 9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question) Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot. Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin? Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga problema natin? 10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy) Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay. Igalang dapat ang mga maputing buhok. Mas magiting ang panulat kaysa espada. 11. Panaramdam (Ingles: Exclamatory) Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig per ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot. 12. Tambisan(Ingles: Antithesis) Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita. Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay. Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.
  • 11. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 11 13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia) Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita. Maririnig ko ang tiktok ng orasan. Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy. 14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration) Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap. Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan. Masipag maglaba ang mga magulang ko. 15. Pagtanggi(Ingles: Litotes) Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap. Hindi niyo ako maloloko Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada. 16. Salantunay(Ingles: Paradox) Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig. Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay. Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan. 17. Pangitain(Ingles: Vision imagery) Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita. Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat. Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon. 18. Paghahalintulad(Analogy) Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas. Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang bubuyog. Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na sumisikat sa umaga.
  • 12. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 12 Gawain: Pagtataya Tukuyin ang mga sumusunod kung anong uri ng tayutay 1. Ang kaniyang budhi ay kasing itim ng kaniyang buhok 2. Si Maria ay isang magandang rosas. 3. Ang mabait na tulad mo ay hulog ng langit. 4. Ang malamig na simoy ng hangin ay yumakap sa akin. 5. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan. 6. Oras, bilisan mo namang tumakbo! 7. Malakas ang potpot ng kotse. 8. Pana’y tiktak lang ang maririnig sa orasan. 9. Lumuha ka muna ng dugo bago kita sagutin. 10. Walang bibig ang umasa kay Buenavista. 11. Isinambulat ang order sa mukha ng karibal. 12. Ang palasyo (Malakanyang) ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. 13. Dapat igalang natin ang mga may puting buhok (matatanda) na. 14. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ito ang madalas sambit ng mga taong lubos na umiibig. 15. Masarap, makatas at matamis ang mangga na dala ni Marina.
  • 13. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 13 Mga Kilalang Pilipinong Manunulat  Julian Felipe - Kilala sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." (en filipino) Bayang magiliw Perlas ng Silanganan Alab ng puso Sa dibdib mo'y buhay. Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok Sa simoy at sa langit mong bughaw; May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y 'di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya na pag may mang-aapi Ang mamatay ng dahil sa iyo. (en español) Tierra adorada Hija de sol de Oriente, Su fuego ardiente En ti latiendo está. ¡Patria de amores! Del heroísmo cuna, Los invasores No te hallarán jamás. En tu cielo azul, en tus auras, En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad. Tu pabellón, que en las lides La victoria iluminó, No verá nunca apagados Sus estrellas y su sol. Tierra de dichas, de sol y de amores, En tu regazo dulce es vivir; Es una gloria para tus hijos, Cuando te ofenden por ti morir.  Fernando Amorsolo- ay Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.  Guillermo Tolentino- Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
  • 14. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 14  Francisco Baltazar- Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas. Tunay na anak ng Hispaniko Pilipinas at dalubhasa sa Tagalog at Español, pinunan ni Baltazar ang kanyang panulaang Tagalog ng mga katutubo, Kastila, at iba pang mga banyagang panitikan at inspirasyon. Ayon kina Francis at Priscilla Macasantos ng Unibersidad ng Pilipinas, si Baltazar ay isang henyo dahil sa pagiging produkto niya ng pinagsanib na kulturang Pilipino - katutubo at kolonyal/klasikal. Sa angkin niyang kahusayan, nagawa niyang ipaalam sa kanyang mga kababayang api ang kanyang kaalaman gamit ang istilo at tradisyon ipinagkaloob sa kanya ng banyagang (at mapaniil) kultura. Ang kanyang akda ay tungkol sa kalupitan sa Albania, ngunit ito ay tungkol talaga sa kalupitan sa Pilipinas. Di mapapasubalian na siya ay naging tapat sa kanyang katutubong tradisyon. Kaiba sa mga kanyang mga kakontemporaryo, si Baltazar ay nagawang lumaya sa kolonyal at mapaniil na tradisyong pampanitikan. Ginamit niya ang kanyang mga akda upang labanan ang kalupitan at kaliluan sa kolonyal na Pilipinas at upang turuan ang kanyang mga kababayan. Siya ay lumikha ng bagong tradisyong pampanitikan sa Pilipinas, na nagsasaad ng damdamin at aspirasyon ng mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga akda ni Francisco Baltazar:  Mahomet at Constanza (1841)  Almanzor y Rosalina (1841)  Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na bahagi)  Don Nuño at Zelinda (komedya na may tatlong bahagi)  La India Elegante y el Negrito Amante: sayneteng may isang yugto Hatol Hari Kaya (kundiman)  Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)  Paalam sa Iyo (awit)  Rodolfo at Rosamunda (komedya)  Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula)  Auredato y Astrone (komedya)  Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857)  Nudo Gordiano (komedya)  Abdol y Miserena (1859) (komedya)  Clara Belmori (komedya)."  El Ensayo de Gramatica Hispano- Tagala  Claus (isinalin sa Tagalog mula Latin)
  • 15. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 15  Jose Rizal-Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata." Sa Aking Mga Kabata Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanlang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian, At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka’t ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati’y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. Mga katanungan: 1. Ano ang nais ipahiwatig ni Dr. Jose Rizal sa kabuuan ng kaniyang akda? 2. Kanino niya inialay ang akdang kaniyang isinulat? 3. ano ang ibig ipakahulugan ni Jose Rizal sa kaniyang huling saknong ng kaniyang tula?
  • 16. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 16  Graciano Lopez Jaena-ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.  Marcelo H. Del Pilar- kilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle.  Jose Palma- Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.
  • 17. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 17  Lope K. Santos- Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. "Ama ng Balarilang Pilipino" KABAYANIHAN LOPE K. SANTOS Ang kahulugan moy isang paglilingkod Na walang paupo sa hirap at pagod Minsan sa anyaya,minsansa kusang loob Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong dios Natatalops mo sa iyong pananim Iba ang aanit iba ang kakain Datapwat saiyoy ligaya nat aliw Ang pag pakasakit na sa iba dahil Sa tulong moy naad lawan ang mukha Sa tulong moy mulat ang mulala Tapang mo sa duwag naging halimbawa Ang kamatayan moy buhay ng madla Tikis na nga lamng na ang mga taoy Mapag walang turing sa tulong mo Ang kadalasan pang iganti saiyo Ay ang paglimot kundi paglilo
  • 18. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 18  Jose Corazon De Jesus-Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy." Isang Punong Kahoy Ni: Jose Corazon de Jesus I. Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang krus; Sa napakatagal na pagkakaluhod, Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. II. Organong sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian, Habang ang kandila ng sariling buhay, Magdamag na tanod sa aking libingan... III. Sa aking paanan ay may isang batis, Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. IV. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; at tsaka buwang tila nagdarasal. Ako’y binabati ng ngiting malamlam. V. Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy. VI. Ngunit tingnan niyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging krus ako ng magsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim. VII. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha; kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa! VIII. At iyong isipin nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago't malabay; ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan, dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
  • 19. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 19  Amado V. Hernandez- makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay." Isang Dipang Langit Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad,
  • 20. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 20 sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo; kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon – bilangguang mandi’y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal. Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita’y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay… layang sasalubong ako sa paglaya!
  • 21. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 21  Severino Reyes- Isinulat niya ang Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilala sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" na pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.  Nick Joaquin- kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino.  Ang kanyang mga aklat  Prose and Poems (Mga Tuluyan at Patula) (1952)  The Woman Who had Two Navels (Ang Babae na may Dalawang Pusod) (1961)  La Naval de Manila and Other Essays (La Naval de Manila at Iba pang Sanaysay) (1964)  A Portrait of the Artist as Filipino (Ang Larawan ng Makata bilang Pilipino) (1966)  Tropical Gothic (Gotikong Tropikal) (1972)  The Complete Poems and Plays of Jose Rizal (Ang mga Kumpletong Tula at Dulaan ni Jose Rizal) (1976)  A Question of Heroes (Isang Kwestyon sa mga Bayani) (1977)  Nora Aunor & Other Profiles (Si Nora Aunor & Iba pang Katangian) (1977)  Ronnie Poe & Other Silhouettes (Ronnie Poe & Iba pang Aninag ng Bagay) (1977)  Reportage on Lovers (Pagbabalita sa Pag-ibig) (1977)  Reportage on Crime (Pagbabalita sa Krimen) (1977)  Amalia Fuentes & Other Etchings (Si Amalia Fuentes & Iba pang Pag-uukit sa Bakal) (2012)  Gloria Diaz & Other Delineations (Si Gloria Diaz & Iba pang Delinasyon) (1977)  Doveglion & Other Cameos (Si Doveglion & Iba pang mga Kameo) (1977)  Manila: Sin City and Other Chronicles (Maynila: Makasalanang Lungsod at Iba pang Kronika) (1977)  Tropical Baroque (Tropikal na Baroque) (1979)
  • 22. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 22  Stories for Groovy Kids (Mga Kuwento para sa mga Batang Kasiya-siya) (1979)  Language of the Street and Other Essays (Ang Wika ng mga Kalsada at Iba pang mga Sanaysay) (1980)  The Ballad of the Five Battles (Ang Kurido ng mga Limang Labanan) (1981)  The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (Ang mga Aquino sa Tarlak: Isang Sanaysay sa Kasaysayan bilang Tatlong Salinlahi) (1983)  Almanac for Manileños (Almanak para sa mga Taga-Maynila)  Cave and Shadows (Ang Yungib at mga Anino) (1983)  The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse (Ang Apatang Pangkat ng Tigreng Buwan: Mga Tagpo ng Apokalipsis ng Lakas Sambayanan) (1986)  Collected Verse (Nilikom na Panulaan) (1987)  Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming (Kultura at Kasaysayan: Mga Madalang na Tala sa Proseso ng Pagiging Pilipinas) (1988)  Manila, My Manila: A History for the Young (Maynila, Aking Maynila: Isang Kasaysayan ukol sa Bata) (1990),  The D.M. Guevara Story (Ang Kuwento ni D.M. Guevara) (1993),  Mr. F.E.U., the Culture Hero That Was Nicanor Reyes (G. F.E.U., ang Bayaning Kultura na si Nicanor Reyes) (1995).  Rizal in Saga (Rizal sa Maalamat na Tuluyan) (1996)
  • 23. ELEC 1; MALIKHAING PAGSULAT 23  Jose Garcia Villa- isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices.  Koleksyon ng mga Tula  Have Come, Am Here, 1942  Volume Two, 1949  Selected Poems and New, 1958  Poems 55, 1962  Appasionata: Poems in Praise of Love, 1979  Iba pang mga akda  The Best Poems of 1931  Fifteen Literary Landmarks, 1932 at ang mga antolohiya na:  Twenty-Five Best Stories of 1928, 1929  The Doveglion Book of Philippine Poetry by Jose Garcia Villa, 1993  NVM Gonzales-Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa. Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan: 1. Paano napagyabong ng mga kilalang manunulat ang Panitikang Pilipino? 2. Ano ang naging impluwensya nila sa ating mga kababayan pagdating sa pagsulat ng mga akda? 3. Magtala ng mga kilalang manunulat sa makabagong panahon at ang kanilang mga akdang pampanitikan. 4. Bilang isang mag-aaral at nagpapakadalubahasa sa asignaturang Filipino, sino at anong akdang pampanitikan o nalikhang sulatin ang nakapagbigay sa iyo ng inspirasyon? Bigyang paliwanang.