2. Ano nga ba ang Parabula?
Ang talinhaga o parabula ay isang kuwentong may aral na
kalimitang hinahango sa bibliya. Ang parabola ay hango sa salitang
Ingles na parable na naggaling naman sa salitang Griyego na
parabole na ang ibig sabihin ay isang maikling sanaysay tungkol sa
buhay na maaaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo
sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang tao sa
kaniyang buhay.
Ang parabola ay maaring nasa anyo ng tula o prosa. Malalim
ang nais ipahatid na aral ng parabola sapagkat kinakailangang
himay-himayin at unawaing mabuti ang kuwento nang sa gayon ay
maunawaan ang ipinahahatid na makatotohanang aral nito.
4. Tatlong Uri ng Pang-ugnay:
1) Pang-angkop
2) Pang-ukol
3) Pangatnig
5. 1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa
panaguri at salitang tinuturingan. Mayroon tayong
dalawang pang-angkop sa Filipino ito ay ang pang-
angkop na “na at –ng.”
a. Ginagamit ang pang-angkop na “na” kung ang huling letra ng
huling salita bago gamitin ang pang-ugnay ay
nagtatapos sa katinig
(b,c,d,f,g,h,j,k,l,m,p,q,r,s,t,v,w,x,y,z)
(Consonant) maliban sa letrang “n”.
6. Pang-angkop na “NA”
Ito ay nagdurugtong ng
dalawang salita na kung saan
nagtatapos sa katinig ang
nauunang salita maliban sa
letrang n. Para sulatin ito,
dapat ihiwalay ito sa salitang
pinag-uugnay.
Halimbawa:
• Ang banal na kasulatan.
• Ang malinis na hangin.
• Ang matalim na espada.
7. b. Ang pang-angkop na “–ng” ay ginagamit kung ang unang salita
at nagtatapos sa mga patinig (a,e,i,o,u) isama pa
natin ang letrang “n”. Ikinakabit ito sa naunang
salita.
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos na sa
“n” ay kinakaltas ang “n” at ikinakabit ang “–ng.”
tanda ang gitling na ang –ng ay ikinakabit sa
hulihan ng salita.
8. Pang-angkop na “ NG”
Ito naman ay isinusulat
at idinudugtong sa mga
salitang nagtatapos sa
patinig na mga letrang
a, e, i, o, at u. Kasama ang
n.
Halimbawa:
• Ang masaganang halaman.
• Ang malaking mga ugat ng
puno.
• Ang basang mga nilabadang
damit.
10. 2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng
kugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap. Ang karaniwang ginagamit na pang-angkop ay
ang sumusunod: Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa,
labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina.
Halimbawa:
1. Ang pamamasyal ni Narciso tuwing ikasampu ng gabi ay
labag sa ipinatutupad na curfew ng kanilang barangay.
2. Ang pagsasara ng ABS-CBN ay alinsunod sa tagubilin ng
National Telecommunication Commission.
11. Mga
Halimbawa:
• Tungkol sa mga bata ang pinag-uusapan nila
• Para sa kanila itong regalo.
• Ayon kay, Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan.”
12. 3. Pangatnig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o
kaispan sa isa pang salita o kaisipan sa isang pangungusap.
a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay. Ang
mga ginagamit dito ay ang mga salitang o, ni, maging, man,
at.
Halimbawa:
Ano ba ang mas kailangan mo, ang maglaro ng Mobile Legends
o Mag-aral?
Ibinalik kina Juan at Ken ang lapis.
13. b. Paninsay o pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang
ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay;
Subalit, datapwat, bagama’t, habang, kahit, ngunit.
Halimbawa:
Binawal na ni nanay ang aking kapatid na maingay
ngunit hindi pa rin ito tumigil.
Maliligo sana kami bukas sa sapa subalit hindi ako
pinayagan ni tatay.
14. c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
Ang mga salita na ginagamit ay; kung, pag, sana, baka,
pagka, kapag, sakali.
Halimbawa:
Makapagtatapos ka ng pag-aaral kung pagtutuunan
mo ito ng pansin.
Bibilhin ko yan kapag hindi ka na makulit.
15. d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, at
nagsasaaad ng kadahilanan at kakikitaan ito ng
sanhi at bunga. Sapagkat, dahil sa, palibahasa,
kasi.
Halimbawa:
Nakapagtapos si Mabel ng pag-aaral dahil sa
kaniyang pagsusumikap sa buhay.
Editor's Notes
Today we will talk about VT, Lp, and Teacher’s Reflection Diary