2. Ang pag-uugnay ng iba’t ibang bahagi ng
pagpapahayag ay mahalaga
upang makita ang ugnayang namamagitan sa
pangungusap o bahagi ng teksto.
Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay
kadalasang kinakatawan ng pang –
angkop, pang-ukol, at pangatnig.
3. 1. Pang-angkop – ito ay mga katagang nag-
uugnay sa panuring(naglalarawan) at salitang
tinuturingan (inilalarawan). Ito ay
nagpapaganda o nagpapadulas sa pagbigkas
ng mga pariralang pinaggagamitan. May
tatlong uri ng pang-angkop na, ng, at g.
4. a. Ang pang-ankop na na ay ginagamit kapag
ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat
nang nakadikit sa unang salita.
Halimbawa:
Si Luisa ay isang malambing na bata
Masasarap na pagkain ang inihanda nila sa
piyesta.
Ang malinis na bakuran ay magandang tingnan.
5. b. Ang pang-angkop na ng ay ginagamit
kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa:
Ang mga Frontliners ang mga maituturing
na bagong bayani sa panahon ng pandemic.
Lumaking isang mabuting anak si Jose.
6. c. Ang pang-angkop na g ito ay ginagamit sa
mga salitang nagtatapos sa letrang n sa
magkasunod na salitang naglalarawan at
inilalarawan.
Halimbawa:
Ang tahanang payapa ay simbolo ng
pagkakaisa.
Halamang namumulaklak ang nasa hardin
ni Nanay.
7. 2. Pang-ukol – ito ay kataga/salitang nag-
uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga
pangangungusap. Narito ang mga
kataga/pariralang malimit na gamiting pang-
ukol.
sa
ng
kay/kina
alinsunod sa/kay
laban sa/kay
ayon sa/kay
hinggil sa/kay
ukol sa/kay
para sa/kay
tungkol sa/kay
8. 3. Pangatnig – mga kataga/salita na nag-
uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay
9. a. Pangatnig Panimbang o pandagdag – ito
ay ginagamit sa paghahayag ng
karagdagang impormasyon o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga salitang at,
saka, pati, kaya, o anupa’t.
Halimbawa
Pati ang aso ay kanyang inampon.
10. b. Pangatnig na Pamanggit – ito ay nagsasabi
o gumagaya lamang sa pananaw ng iba.
Maaari itong gamitan ng mga salitang daw,
raw, sa ganang akin/iyo o di umano.
Halimbawa
Si Peter di umano ang unang nang-asar.
11. c. Pagbibigay konklusyon o panlinaw–
Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung kaya, kung
ganoon, o kaya.
Halimbawa
Umamin na si Mando kaya makalalaya na
ang napagbintangang si Rico.
12. d. Pangatnig na Paninsay o pasalungat –
kapag sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito.
Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman,
samantala, kahit
Halimbawa:
Nakatapos siyang umani ng tagumpay
kahit maraming naninira sa kanya.
13. e. Pangatnig na Panulad – ito ay tumutulad
ng mga pangyayari, kilos o gawa. Maaari
itong gamitan ng mga salitang kung sino
…siyang, kung ano…siya rin, o kung
gaano…siya rin.
Halimbawa
Kung sino ang may sala, siya ang dapat
managot.
14. f. Pangatnig na Pamukod - ito ay nagsasaad
ng pagbubukod o paghihiwalay, gaya ng: o,
ni, maging, at, man.
Halimbawa:
Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na
siya ay mabigo
15. g. Pangatnig na Pantulong – nag-uugnay ito
ng nakapag-iisa at hindi nakapag-iisang mga
salita, parirala o sugnay. Maaari itong gamitan
ng mga salitang kung, kapag, upang, para,
nang, sapagkat, o dahil sa.
Halimbawa
Hindi siya makalabas dahil sa kanyang
ginawa.
16. h. Pangatnig na Panapos – nagsasaad ito ng
nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya
ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa
bagay na ito.
Halimbawa:
Sa wakas natapos na rin ang mga gawain.
17. i. Pangatnig na pananhi – nagbibigay ito ng
dahilan o katuwiran para sa pagkakaganap
ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, mangyari.
Halimbawa
Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
18. j. Pangatnig na panubali – nagsasaad ng
kawalan ng katiyakan o pagbabakasakali o
pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag,
sakali, disin sana.
Halimbawa:
Kung uulan hindi na matutuloy ang ating
palatuntunan.
19. `Ang Epiko ay isang uri ng akdang
pampanitikan na dala ng ating mga ninunong
nandayuhan sa Pilipinas. Isinasalaysay dito ang
pambihirang katangian ng mga tauhan na may
taglay na kapangyarihan at sumasalamin sa
kanilang pakikipagsapalaran o kabayanihan
laban sa mga kaaway. Naglalaman ito ng mga
kuwento o pangyayaring di kapanipaniwala
20. Simula - kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan
at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino– sino
21. Gitna - binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan,
tunggalian at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
nasasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang
bahaging nagsasaad sa pakikipagtunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kahaharapin, na minsan sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang
ipinaglalaban.
22. Wakas - binubuo ang wakas ng kakalasan at
katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti – unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula
sa maigting na pangyayari sa kasukdulan at ang
katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.