4. Isa ang pagsasalita sa apat na makrong
kasanayang kinakailangang taglayin ng bawat
iskolar sapagkat sa pamamagitan ng nito ay
maaari mong mailahad ang iyong mga nais
sabihin sa epektibong paraan, maaari mo ring
ipagtanggol ang iyong sarili o kapwa, o maging
ang panghihikayat sa iba na pumanig sa iyong
ideya. Ilan lamang ang mga iyan sa mga
kalamangan ng isang mahusay na tagapagsalita.
5. Ang pagsasalita ay malaking bahagi sa
pagtatanghal ng isang talumpati. Ngunit naka-angkla
pa rin dito ang isa pang makrong kasanayan. Ito ay
ang pagsulat ng nais na itanghal sa pagtatalumpati.
Direktang nagpapakita ng kaugnayan ang pagsulat at
ang pagsasalita pagdating sa talumpati sapagkat ang
pagsulat ay ang mismong plano nan ais gawin sa isang
talumpati kaya’t nararapat lamang na sa sinulat pa
lamang ay maging makabuluhan na ang talumpati.
Samantala, ang pagsasalita naman sa talumpati ay
dapat na nakapagdarag ng kabuluhan at mensahe.
6.
7. •Ang talumpati ay isang makabuluhang pagbigkas sa
harap ng madla patungkol sa isang paksa na may
layuning hikayatin ang mga manonood nito.
•Ito ay isa sa pamamaraan upang maghatid ng
impormasyon at kadalasang naglalahad ng sariling
opinyon tungkol sa isang panig ng paksa.
8. •Ang pagsulat ng talumpati ay nahahawig o may
pagkakatulad sa pagsulat ng isang sanaysay. Ito ay
nagtatalay ng tatlong bahagi, ang simula, katawan,
at wakas. Sa simula ng talumpati ay maaaring
batiin ng mananalumpati ang kaniyang manonood.
10. Ang dagliang talumpati ay tinatawag na
impromptu sa ingles at hindi na ito
nangangailangan ng pag-eensayo at paghahanda.
Sapagkat ang paksa na gagawan ng talumpati ay
ibibigay mismo sa oras ng iyong pagtatalumpati.
Sa uring ito masusukat ang pagkakaroon ng
husay sa gramatika at pag-unawa sa kung anong
paksa ang maibibigay sa iyo.
DAGLIANG TALUMPATI
11. Sa anyong ito, kinakailangang ang
mananalumpati ay mayroong malawak na
kaalaman sa mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid mapa-pulitika man ito o personal na
pangyayari.
DAGLIANG TALUMPATI
12. Ang pagbasa sa talumpati ay mas magaan na
anyo ng talumpati sapagkat ito ay binabasa
lamang at napaghandaan na sa mas mahabang
oras.
Ngunit sa pagbasa, kinakailangan paring
taglay ang pagkakaroon ng diin sa mga punto sa
itinatalumpati at dapat ay taglay rin ng
mananalumpati ang ilang dapat taglayin sa
pagtatalumpati.
PAGBASA SA TALUMPATI
13. Ang isinaulong talumpati naman ay ang may
pinakamahabang oras sa lahat ng anyo ng
pagtatalumpati at ito ay nangangailangan ng
husay sa pagmememorya ng buong talumpati.
Mahalagang isaalang-alang ang pagkanatural
pa rin ng pagtatanghal ng talumpating ito kahit
na ito ay isinaulo lamang.
ISINAULONG TALUMPATI
14.
15. Ito ay ang pagtukoy sa kung ano ang
nais talakayin sa isang talumpati na
siyang magiging batayan ng daloy ng
talumpati.
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa paksa
ay magiging madali para sa manunulat
ang pag-iisip sa kung anong mga punto
ang kaniyang ihahain sa madla.
16. Ang susunod naman na dapat
isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati
ay ang pagsasaliksik ng mga wastos datos
ukol sa paksa na magbibigay ng
kabuluhan at epektibong pagtatalumpati.
Sa pagsasaliksik, kinakailangan din maging
maingat sa mga itatalang datos sapagkat ang
pagtatalumpati ay panghihikayat.
17. Malaking bahagdan na ang anumang
babanggitin sa pagtatalumpati ay
tumatak ito sa madla. Kaya ang
responsibilidad sa pagsasaliksik nang
wasto ay kinakailangang pagtuunan ng
pansin sa simula pa lamang ng pagbuo ng
iskrip.
18. Isa sa estratihiya sa pagbuo ng
iskrip ng talumpati ang pagtukoy sa
kung sino ang mga tagapakinig.
Sapagkat ito ay magbubunsod ng
makabuluhang talumpati.
19. Halimbawa, kung bata ang mga
tagapakinig, kinakailanagang ihanay ang
mga salita sa kanilang kakayahan upang
unawain ang mga ito. Samantala, kung
ang mga target na tagapakinig naman ay
mga propesyunal, maaari nang gumamit
ng mga salitang kaugnay sa partikular na
propesyon.
20. Ang mga salita o pahayag na
mapanghikayat at nakapagdaragdag ng
kabuluhan sa talumati ay mahalaga.
Sapagkat nagiging kapani-paniwalang
husto ang pahayag kung ito ay nakabatay
sa wasto.
21. Dapat ding tandan na magkaiba ang
pagsesermon sa talumpati at ang isang
makabuluhang talumpati ay hindi
nagtataglay ng mga masasamang salita
gaya ng mura.
22. Gaya ng ibang akademikong sulatin,
ang pagsulat sa talumpati ay mayroon
ding tatlong bahagi.
23. Nakatala sa panimulang bahagi ng
talumpati ang pagbati at pagpapakilala sa
paksang bibigyang pansin. Malaking
bahagi rin ng pagiimbita sa interes ng
mga tagapakinig ang paggamit ng
mahusay na panimula.
24. Maaaring ipakilala nang bahagya ang
paksa na siyang pagtutuunan ng pansin
sa bahaging ito. ito ay maaaring sa tulong
ng mga dekalibreng pahaytalumpati.ag na
ibinigay ng mga manunulat. Ngunit ang
mga ito ay kinakailngang naiuugnay sa
paksang tatalakayin.
25. Sa bahaging katawan ng talumpati
kinakailangang ilahad ang mga pahayag o
talatang maiuugnay sa paksa.
Kinakailangang ang bawat pahayag ay
magbibigay ng kabuluhan at
magagandang puntos.
26. Huwag ding kalilimutan na ang
bahaging ito ay maaaring tumalakay ng
mga tinatawag na subtopics na
magbibigay ng malawakang pagtalakay sa
paksang pinagtuunan. Ngunit isaalang-
alang din ang kaugnayan nito sa
pinakapaksa o main topic ng talumpati.
27. Karaniwan na ang mga naalala ng
mga mambabasa, tagapakinig, o
tagapanuod ay ang bandang dulo ng
isang akda. Kaya kinakailangang ito ay
nagtataglay ng mga pahayag na siyang
sususporta sa binubuong talumpati.
28. Ang konklusyon tungkol sa pinag-
aralang paksa sa simula at sa katawan ay
nararapat makapagbigay ng isang
makabuluhan at makatotohanang
paglalahat na maaaring humantong sa
pagbibigay ng isang rekomendasyon.
29. III. PASULAT NA GAWAIN
PANUTO: Sumulat ng isang talumpati
batay sa paksa sa ibaba.
MGA PAKSA NA PAGPIPILIAN
1. KAHALAGAHAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA
PAG-AARAL.
2.ANG PAG-AARAL NG MGA LITERATURA SA
ASIGNATURANG FILIPINO.
3. PAGTATANGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO.