14. 2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na
nagsasaad ng kugnayan ng pangngalan o
panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Ang karaniwang ginagamit na
pang-ukol ay ang sumusunod:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa,
labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol
kay/ kina.
16. Halimbawa:
• Tungkol sa mga bata ang pinag-uusapan nila
• Para sa kanila itong regalo.
• Ayon kay, Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng
bayan.”
17. 3. Pangatnig – ito ay bahagi ng salitang nag-
uugnay ng isang salita o kaisipan sa isa pang
salita.
URI NG PANGATNIG
1. Pamukod
2. Paninsay o Pasalungat
3. Panubali o Panlinaw
4. Pananhi
18. 1. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa
isa pang bagay. Ang mga ginagamit dito ay ang
ang mga salitang o, ni, maging, man, at.
Halimbawa:
Ano ba ang mas kailangan mo, ang
maglaro ng Mobile Legends o Mag-
aral?
Ibinalik kina Juan at Ken ang lapis.
19. b. Paninsay o pasalungat – kung sa tambalang
pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una,
una, ang ginagamit ay; Subalit, datapwat, bagama’t,
Halimbawa:
Binawal na ni nanay ang aking kapatid na
maingay ngunit hindi pa rin ito tumigil.
Maliligo sana kami bukas sa sapa subalit
hindi ako pinayagan ni tatay.
20. c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o
pasakali. Ang mga salita na ginagamit ay; kung, pag,
Halimbawa:
Makapagtatapos ka ng pag-aaral kung
pagtutuunan mo ito ng pansin.
Bibilhin ko yan kapag hindi ka na makulit.
21. d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, at
nagsasaaad ng kadahilanan at kakikitaan ito ng
sanhi at bunga. Sapagkat, dahil sa, palibahasa, kasi.
kasi.
Halimbawa:
Nakapagtapos si Mabel ng pag-aaral dahil sa
kaniyang pagsusumikap sa buhay.