1. STA. CRUZ INTEGRATED SCHOOL
FIRST PERIODICAL EXAMINATION
SY 2022-2023
FILIPINO 7
PANGALAN: ________________________________________________ ISKOR:_____________________
I. Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa
mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Isulat ang titik sa patlang ng iyong tamang sagot.
_______1. Kung ang mag-asawa ay parehong nangangaso at ito ang kinabubuhay nila, maaaring ang kanilang lugar
ay isang ___________.
a. nasa kapatagan c. baybayin b. natataniman ng maraming puno d. nasa lungsod
_______2. Mahigpit na inihabilin ni Lokes a Babay sa kanyang tauhan na ayaw niyang makita ang asawa sa kanyang
magarang tahanan, Mahihinuhang si Lokes a Babay ay _________________
a. mapaghiganti b. mahirap pakisamahan
c. may itinatagong lakas na hindi alam ng kanyang asawa d. nagbago ang ugali at naging masama
_______3. “Magmula ngayon, lilipat na ako ng tahanan at di na kita aabalahin, maging ikaw sana ay huwag mo na
akong aabalahin.” Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na _____________.
a. Gaano man kabait ang isang babae, ito ay napupuno rin.
b. Ang babae ay naghahanap ng pagmamahal at kalinga sa asawa.
c. Ang lalaki ang siyang hari ng tahanan.
d. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang sapat na dahilan.
______4. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan.” Mahihinuhang ang babaeng katulad ni Lokes
a Baba ay isang babaeng _________________.
a. matampuhin b. mapagtimpi c. magagalitin d. masayahin
______5. Niluto ni Lokes a Mama ang nahuling matabang usa, kinaing mag-isa, at hindi inalok ang asawa. Hindi
tumutol ang asawa sa ginawa niyang ito. Mahihinuha sa paangyayaring ito na _____________.
a. Ang lalaki ang makapangyarihan sa loob ng tahanan.
b. Ang lalaki ang tagapagluto at nag-aasikaso sa tahanan.
c. Ang babae ay hindi hinahayaang kumain ayon sa paniniwala.
d. Kailangang may mahuli ring hayop ang babae upang makakain
______6. Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng
pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
______7. Ito ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang
kalye kanto o salitang kalye. Hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsusulat.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
______8. Ito ay mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aaaral sa wika.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
2. ______9. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o kaya’y partikular na pook kung saan
nagmula o kilala ang wika.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
______10. Ayaw niya munang magkasyota. ______________ ako naniwala. Di nagtagal, Anong balbal na salita ang
pupuno sa awit?
a. Hindi b. Dehins c. Hinds d. Dehin
______11. Ang salitang kaugnay ng mapagmahal na ama ay ang sumusunod maliban sa __________
a. mapag-aruga b. magiliw c. malalahanin d. masipag
______12. Ang salitang kaugnay ng masunuring anak ay ang sumusunod maliban sa __________
a. hindi matigas ang ulo b. magalang c. mapitagan d. tamad
______13. Ang salitang kaugnay ng mapag-arugang ina ay ang sumusunod maliban sa __________
a. magiliw b. mapag-alaga c. masipag d. masayahin
______14. matapang sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay sina Jerry at Joel.
A. Kapwa B. Di hamak
______15. Magaling sumayaw si Andrea _______________________ ng kanyang kapatid.
A. di gasino B. di gaya
______16. _____________________ na ni Jim ang kanyang ama na isang basketbolista.
A. Mas matangkad B. Kasintangkad
______17. ______________________ mahilig manood ng palabas sa telebisyon si tatay kaysa kay nanay.
A. Di gaano B. Pareho
______18. _______________________ mainam tangkilin ang mga produktong sariling atin kaysa sa mga produkto sa
ibang bansa.
A. Di tulad B. Mas
______19. Parehong nakatatakot ang negatibong epekto ng telebisyon at internet sa kabataan ngayon.
a. ngayon b. negatibo c. pareho d. ang
______20. Mas maraming kabataan ngayon ang napapariwa ang buhay kaysa sa kabataan noon.
a. mas b. buhay c. noo d. maraming
______21. Ang editoryal na nanghihikayat ay __________________________.
a. nagpapaliwanag o nagbibigay linaw sa isang isyu.
b. nagbibigay kahulugan ng isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan.
c. nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isang isyu.
d. nag-uukol ng panuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.
______22. Ang tinatawag na editoryal o pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng_____________.
a. mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
b. nagsasalaysay o naglalarawan ng mga tradisyunal na kultura ng isang lahi.
c. pagkilala sa mga kaugalian, kultura, relihiyon, iba’t ibang ritwal at seremonyas.
d. katotohanang impormasyon ng mga kaugalian, tradisyon, kultura, relihiyong kinabibilangan ng isang lahi.
3. ______23. Ang ilang mga halimbawa ng mga pahayag at salitang nanghihikayat at ang mga _______________.
a. Totoo/tama, tunay, ewan b. Tumpak, pero, kaya ko kaya ito
c. Naniniwala akong,Siyempre, totoo d. Sama na, Siguro, Ngayon na!
______24. Ang bahagi ng editoryal o pangulong-tudling na binabanggit ang isyu, paksa o balitang tatalakayin ay ang
_______________.
a. Panimula b. Gitna c. Katawan d. Wakas
______25. Ang bahagi ng editoryal o pangulong - tudling na ito ay ipinahahayag ang paghihikayat o paglagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal ay ang _______________.
a. Panimula b. Gitna c. Katawan d. Wakas
______26. Sa pamamagitan ng mga awiting-bayan, nalalaman sa kasalukuyan ang kultura ng ating mga ninuno
maliban sa ______________.
a. isaisip at isabuhay b. pagyamanin at linangin
c. pahalagahan at ingatan d. ikahiya at ipagsawalang-bahala
_____27. May kasabihang mahirap mamatay ang mga kaugaliang kinagisnan o minana sapagkat _______________.
a. wala silang pakialam b. walang silbi ito sa mga mamamayan
c. nais ng mga mamamayang makalimot na d. natanim na ang mga ito sa ating pag-iisip at pagkatao
_____28. Tanda ng paggalang sa mga nakatatanda na hanggang sa kasalukuyan ay ginagawa pa rin nating mga
Pilipino.
a. pagmamano b. paninilbihan c. panghaharana d. pamamanhikan
_____29. Kalimitang isinasagawa ito ng mga katutubo lalo na kapag nais nilang humiling sa kanilang pinaniniwalaang
diyos o bathala katulad halimbawa ng masaganang ani, pagpapakasal, pagbibinyag, at iba pa.
a. ritwal b. harana c. piyesta d. bayanihan
_____30. Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa mabaho at malansang isda”. Nais niyang ikintal sa isip ng mga Pilipino ang pagiging ______________.
a. makatao b. makasarili c. makabayan d. makakalikasan
_____31. Si Maria ay mahilig makinig ng mga awiting-bayan tulad ng Ili-ili Tulog Anay, sa iyong palagay anong kultura
ang kanyang ipinamamalas?
a. pagmamahal ng kapatid b. pagmamahal ng kaibigan
c. pagmamahal ng kasintahan d. pagmamahal ng ina sa anak
_____32. Masasalamin dito ang uri ng pamumuhay, mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, relihiyon, wika, pagkain,
panitikan, sining, hanapbuhay, at iba pa.
a. kultura b. tradisyon c. relihiyon d. kaugalian
_____33. Ito ay nagsimula bilang mga tula o tugma na kalauna’y nilapatan ng himig o melodiya.
a. Pabula b. Alamat c. Awiting-bayan d. Kuwentong-bayan
_____34. Isa sa mga dahilan kung bakit nilapatan ng himig o melodiya ang awitingbayan.
a. maging maganda pakinggan b. maging kaakit-akit ito sa lahat
c. makakasabay ang mga kabataan d. maging madali ang pagtanda o pagmemorya
4. _____35. Isa sa mga kultura o tradisyon ay ang pagpunta ng mga magulang ng lalaki sa tahanan ng babae upang pag-
usapan ang kasal ng dalawang nag-iibigan. Kalimitan ay may dala silang mga pagkain bilang handog sa pamilya ng
babae at kanilang pagsasaluhan.
a. bayanihan b. pagmamano c. panghaharana d. pamamanhikan
_______36. Suriin ang awitin sa itaas na may pamagat na Ili-ili Tulog Anay na oyayi ng mga Ilonggo. Ilang pantig ang
mabibilang sa bawat taludtod?
a. 9 b. 7 c. 8 d. 10
_______37. Sa awiting Ili-ili Tulog Anay ilang talutod ang mabibilang sa isang taludturan o saknong?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
_______38. Batay sa awit/tula na Ili-ili Tulog Anay, anong uri ng tugma ang ginamit?
a. tugmang-tugma b. tugmang di-ganap c. tugmang ganap d. tugmang tuluyan
_______39. Sa iyong palagay, patungkol saan ang awiting Ili-ili na iyong kinanta/binasa?
a. pagpapatulog ng bata b. pagbibigay puri sa bata
c. pampagising ng bata d. pagbibihis ng bata
_______40. Ano ang masasalaming sa kaugaliang ipinakita ng taga bantay ng bata sa awitin/tulang iyong binasa?
a. magugulatin b. mahinahon c. masiglahin d. malungkutin
Prepared by Checked by:
STEPHEN KAIZER R. LITTAUA ANA A. RUBANG, EdD
GURO Principal I
“Ili-ili Tulog Anay”
Ili-ili tulag anay,
Wala diri imong nanay,
Kadto tienda bakal papay,
Ili-ili tulog anay.
5. STA. CRUZ INTEGRATED SCHOOL
FIRST PERIODICAL EXAMINATION
SY 2022-2023
FILIPINO 7
TABLE OF SPECIFICATION
LAYUNIN AYTEM NA
KINALALAGYAN
BILANG NG
AYTEM (40)
PORSYENTO
(100%)
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng
lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan. F7PN-Ia-b-1
1-5 5 12.5%
Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit
sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin,
pormal). (F7WG-IIa-b-7)
6-10 5 12.5%
Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga
salitang paulit-ulit na ginagamit sa akda, mga salitang iba-
iba and digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di-
pamilyar na salita mula sa akda, at mga salitang
nagpapahayag ng damdamin. (F7PT-IIc-d-8, F7PT-IIe-f-9)
11-13 3 12.5%
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa
paghahambing (higit/mas, digaano, di-gasino, at iba pa)
F7WG-IIc-d-8
14-20 5 12.5%
Naisa-isa ang mga uri ng editorial
Naipaliliwanag ang editoryal na nanghihikayat
21-25 5 12.5%
Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan
(F7PB-IIi-12)
26-35 10 25%
Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin
(sukat, tugma, tayutay, talinghaga at iba pa) F7WG-IIj-2
36-40 5 12.5%
KABUUAN 40 100%
Inihanda ni
G. STEPHEN KAIZER R. LITTAUA
GURO
6. STA. CRUZ INTEGRATED SCHOOL
FIRST PERIODICAL EXAMINATION
SY 2022-2023
FILIPINO 7
ANSWER KEY
I
1. b
2. c
3. a
4. b
5. d
6. b
7.c
8. a
9. a
10. a
11. d
12. d
13. d
14. a
15. b
16. B
17. a
18. b
19. c
20. a
21.
22.
23.
24.
25.
26. d
27. d
28. a
29. a
30. c
31. d
32. a
33. c
34. d
35. d
36. c
37. c
38. c
39. a
40. b