3. Ang rehiyong nasa katimugan ng
Pilipinas ay ang Rehiyong IX. Ito ay
napapaligiran ng mga dagat. Ang dagat Sulu
sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa
Silangan ay ang lalagiwan ng Misamis
Occidental at Lanao del Norte. Ang
Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur
at Zamboanga Sibugay ang bumubuo ng
rehiyong ito. May apat itong lungsod: ang
Dapitan, Dipolog, Pagadian at Zamboanga.
Ito ay mabundok na rehiyon at sa
Zamboanga del Norte matatagpuan
ang pinakamataas na bundok Dabiah.
Western Mindanao
4. ZAMBOANGA “Asia’s Latin City”
Tinawag itong The Asia’s Latin City dahil sa impluwensiya ng mga espanya katulad na
lamang ng mga estruktura at gusali, maging ang lingguwaheng sinasalita. Ito rin ang
pangatlo sa pinakamalaking lungsod sa Pilipinas.
DAPITAN “Shrine City in the Philippines”
Dito pinatapon ng apat na taon si Dr. Jose Rizal
DIPOLOG “Gateway to Western Mindanao”
Kilala sa ligaw na orchid at industriya ng sardinas na nagmula sa masaganang
pangingisda mula sa mga baybayin dito.
PAGADIAN “Little HongKong of the South”
Tinatawag itong Little HongKong of the South dahil sa magaganda nitong tanawin. 90%
nito ay ang mga bundok at burol.
Western Mindanao
5. Western Mindanao
Marami sa mga naninirahan dito
ay mga Muslim, Pagano at mga
Kristiyano. May ibat ibang pangkat ng
Muslim gaya ng Tausog, Subanon,
Yakan at Samal na naninirahan sa
Basilan. Maraming mga Cebuano ang
naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa
sa mga diyalektong sinasalita.
6. Western Mindanao
Mahilig sila sa mga
musika at mga sayaw sa saliw ng
mga gong. Makukulay ang mga
kasuotan. May iba’t-ibang wikain
tulad ng Badjao, Cebuano,
Kalibugan, Tausog, Subanum,
Sanduka, Sibuku, Sama at
Chabakano.
7. Pangkat Etniko
SUBANEN
Ang mga subanon ay ang mga katutubong
naninirahan sa mabundok na parte ng Zamboang
del Sur at Misamis Occidental sa Mindanao.
BADJAO
Marami sa mga Badjao ang naninirahan sa mga
bangkang-bahay. Madalas silang nakikita sa
karagatan ng Sulu.
TAUSUG
Ang mga Tausug o Suluk ay isang pangkat
etniko sa Pilipinas at Malaysia.
8. Western Mindanao
Mataas ang kinikita sa
pagsasaka sa kalakhan ng rehiyon
subalit mababa ang establisimyento. Sa
Zamboanga del Sur at Zamboanga del
Norte naman ay pagsasaka,
paghahayupan at kaunting pangingisda.
Hanapbuhay rin dito ang paghuhuli ng
mga pawikan o pagong at ang
pangongolekta ng mga itlog nito.
9. Western Mindanao
Kung sining ang pag-uusapan, ang
Rehiyon IX ay may mga natatanging
sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw
sa pag-iisang dibdib; ang Singkil na
sayaw ng isang Prinsesa na
pinapayungan habang madamdaming
humahakbang sa apat na kawayan.
Halos katulad ito ng Tinikling. Ang
Koprangkamanis naman ay sayaw
panghukuman.
11. Manunulat
DESCALLAR, Antonio
Isinilang sa Sindangan, Zamboanga. Ipinanganak noong
ika – 15 ng Hunyo 1925. Nag-aral sa isang pampublikong
paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis
Occidental Institute at sa Arellano University. Nagwagi siya
ng unang gantimpala sa patimpalak ng pagsulat ng tula na
ginanap noong 1949. Kauna-unahan niyang tula na
naipalimbag sa isang magazine ay ang “Now before the
Conqueror”. Ang iba pang mga tula na kanyang nailimbag
ay ang “Testamental”, “Prelude”, “The fallen God” at
marami pa.
12. Manunulat
ENRIQUE, Antonio
Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa
mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na
nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol
sa probinsya, bayan at mga baryong tinirhan at
binisita ang tungkol sa mga obserbasyon at mga
karanasan.Lumabas sa mga pambansang limbagan
ang kanyang tatlumpong maikling kwento at isang
akdang isinalin niya sa ibang wika at lumabas sa
Korean Magazine Playmate. Pinalimbag ng writers
Association of Dumaguete City ang kanyang unang
aklat ang “Spot on their wings”.
13. Manunulat
ENRIQUEZ, Emigdo Alvarez
Siya ay isang Pilipino mula pagkapanganak noong taong
1925 at nagsimula siyang magsulat sa edad na 20.
Nagtapos siya ng AB Degree sa Unibersidad ng Arellano.
Nag-aral siya upang makakuha ng isang Master of Fine
Arts Degree in Creative Writing. Ang kanyang mga sikat na
akdang “Blood on the Moon”, “A tale of two houses” at
“Cachil Kudarat” ay nagwagi ng Palangka Awards. Ilan sa
kaniyang mga sikat na akda ay ang maikling kwento, “Ang
puting kabayo ni Alih” at nobela, “The Devil Flower”.
14. Manunulat
JUBAIR, Ibrahim A.
Siya ang kauna-unahang fictionist sa
Zamboanga na ginamtimplaan ng
Presidential Certificate of Merit in Literature
for Teaching the Filipino- Muslim sa kanyang
panahon. Bukod sa pagiging manunulat ng
tula at mamahayag, si Jubair ay isang
kolumnista sa isang pahayag sa Zamboanga
City at editor ng Cresent Review. Ang aklat
ni Jubair ay ipinalimbag hindi lang ng Free
Press Pacific Quarterly (South Korea) at ng
The Times of Ceylon.
15. Manunulat
VILLA, Gonzalo
Isang manunulat ng tula, maikling
kuwento at mananalaysay. Una niyang
kuwento ang “When Death Struck”.
Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan
sa pagsulat ng sanaysay (The Role of
America in the Rehabilitation of the
Philippines -1946). Kabilang sa mga
sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay
ang Footnote of America at pinalitan niya
ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A
voice in Rama”. Itinigil niya ang
pagsusulat upang tapusin ang kursong
abogasya.
16. Manunulat
ENRIQUE, Ignacio Alvarez
Pinanganak sa Zamboanga City kung saan din niya
tinapos ang kanyang pre-college education. Bilang
iskolar narating niya ang Uiversity of Madrid. Mula
noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang
“The House Juan” na hindi naipalimbag. Dalawa sa
kanyang maikling kuwento ay nagwagi sa Philippine
Free Short Story Contest. “Death of a
House”,Ikatlong gantimpala. Noong Pebrero
20,1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditorium ang
dulang “As between two mirrors” na kanyang isinulat
at hinango sa kanyang nobela.
17. Manunulat
ACAS, Olivia
Baguhan pa lamang sa larangan ng pagsulat ng tula
ngunit ang kanyang mga nasulat ay naipalimbag sa
pambansang palimbagan.
VICENTE, Oredain
Sumulat ng tula gamit ang kastila. Siya ang
pangunahing mamamahayag sa kastila
RODIL, Saturnina
Sumulat ng tulang “datu matu” na nag lalarawan sa
paghihimagsik ng mga muslim sa sulu, lanao at
cotabato mula 1903-1930 laban sa mga amerikano.
TUBAN, Rita
Sumulat ng “The conquest of North Borneo”. Siya ay
tinaguriang prinsesa ng tausug dahil sa kanyang tesis.
18. Dance a white horse to sleep : stories
Surveyors of the Liguasan Marsh
The night I cry and other stories
Dictadura presidencial, o, parlamentarismo democrático
The living and the dead : a novel
Subanons
The unseen war and other tales from Mindanao
Samboangan : the cult of war
Cachil Kudarat (Sultan of Mindanao) o Cachil Corrala
Labaw, Donggon
Three Philippine Epuc
The white house of Ali
Ilan pa sa mga akda ng mga manunulat
Sa Rehiyon IX
19. The Green Sanctuary
kilala sa dati nitong pamagat na Surveyors of the Liguasan Marsh
ni Antonio Enriquez
Ang Mindanao ay palaging tinatawag na 'black
sheep' ng tatlong malalaking isla sa Pilipinas. Hindi tulad
ng Luzon at Visayas, ang Mindanao ay talagang
pinangungunahan ng mga Muslim o Moro, sa gayo'y halos
pinaghihiwalay ang kanilang kultura mula sa dalawa. Ang
pagkakaiba-iba ng kanilang kultura ay sapat na upang
bigyan sila ng sariling awtoridad na kilalanin bilang
"Bangsamoro", o halos kilala bilang, "Bansa ng mga
Moro." Ito ay kalaunan na nakilala bilang Autonomous
Region of Muslim Mindanao dahil sa sapat na mga
rebelde sa loob ng rehiyon.
20. Ang mga salita ni Antonio Enriquez ay inilarawan
bilang Mindanao-centric, kung saan madalas mayroong
pag-ibig, katapatan at maging sa kawalan ng katapatan,
tunggalian at kamatayan sa karamihan ng kanyang mga
kuwento. Marahil ang dahilan kung bakit niya isinulat ang
Green Sanctuary ay dahil gusto niyang ipakita kung
gaano talaga kagulo ang nangyari sa Mindanao, lalo na
sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo. Maaaring gusto rin
niyang ipakita ang pananaw ng mga Muslim sa pagiging
terorista, na hindi lamang nakikita sa Pilipinas.
ni Antonio Enriquez
The Green Sanctuary
kilala sa dati nitong pamagat na Surveyors of the Liguasan Marsh
21. Ang mga gawa ng may-akda ay naglalaman din
ng malalim na pag-unawa na nakikita sa pamamagitan ng
paglalarawan ng iba't ibang mga tao, tulad ng mga
lalaking natatakot sa ilang mga pamahiin o mga taong
may pagmamahal at poot, ambisyon at mapait na alaala.
Malakas din ang kulturang makikita sa kwento sa ilalim ng
pampulitika at pangkasaysayan, dahil binanggit nito ang
ilang mga makasaysayang kaganapan tulad ng pagdating
ng mga Espanyol sa Pikit, pagkatapos ay lumipat sa
kabilang lungsod. Ipinapakita rin nito ang salungatan sa
pagitan ng dalawang relihiyon, tulad ng Kristiyanismo at
Islam at kung paano ito pinag-aawayan ng mga tao, na
halos naging pangunahing punto ng linya ng kuwento.
ni Antonio Enriquez
The Green Sanctuary
kilala sa dati nitong pamagat na Surveyors of the Liguasan Marsh
23. May ibat ibang anyo ng Panitikan ang rehiyong ito
tulad ng mga sumusunod:
A. Iringa o Kwentong Bayan
Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik Boangsi
B. Kwentong Subanon
C. Alamat ng Yakan
D. Kabaraperanga
Mga tulang papuri sa bayani ng digmaan
E. Panaroon
Mga salawikain
F. Antoka
Bugtong (sa tausog Tigum-tigum)
G. Dedao
Awit sa pagpapatulog ng bata.
24. Awiting Bayan
DORI – DORI SINGKIL
Dori-dori Singkil
Mang Manuel dagil
Mang Iskong Koliroy
At Mang Juan Bambo
INAKU DURINGDING
(Awiting Bayan mula sa
Zamboanga)
Inaku duringding
Umaga na yata
Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa
Kaya’t ang sabi ko
Sa matanda’t bata
Matulog na ngayon
Bukas ay gawa
25. Salin
Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliit
Kahuy batang baubid Na halaman na mayroong maliit na sanga
Di’ magtubu ha bid Hindi tumutubo sa burol
Subay ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat
Bugtong
Isang berbal na laro o paligsahan sa talas ng kaisipan. Ang mga Tausog ay
tinatawag itong Tagumtigum at Tukod-Tukod, mula sa salitang tukod na ang ibig
sabihin ay hulaan.
Sagot:
Karbahal o Itim na koral
26. Salin
Tubig ha liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang
dahon di’kapakpakan dahon pwedeng mahulog dito
Bugtong
Sagot: Butung/Niyog
Salin
Ha lawn pa sin iklug Habang ang itlog ay nasa loob
Asal na taga iklug Mayroon na itong buntot
Sagot: Bawang
27. Kwentong Bayan
MANIK BUANGSI
Hitik sa pakikipagsapalaran at hiwaga
ang bumabalot sa kwentong ito. Puno
rin ito ng damdaming makamandag,
pagkainggit, kawalan ng tiwala sa
kapwa, at kahinaan ng tao.
SI-AMO AGO SI BOWAYA
Sayaw
SUA-SUA
Sayaw sa pag-iisang dibdib
SINGKIL
Sayaw ng isang prinsesa na
pinapayungan habang madamdaming
humahakbang sa apat na kawayan
KOPARANGKAMANIS
Sayaw panghukuman
28. Alamat
IN DUWA BUD ( Ang Dalawang Bundok)
Alamat ng dalawang bundok na nakatayo
sa karagatan sa pagitan ng Zamboanga
at Jolo.
ANGHEL SA KALANGITAN
Alamat kung bakit umuulan
Epiko
TULALANGAN
Ito ay tumatalakay sa kababalaghan at isang
ritwal na isinasalaysay na maituturing na
sagradong pagdiriwang.
DARANGAN
Ito ang pinatanyag na epiko ng Mindanao.
Tinatawag rin na “Ang kuwentong Ibatungan”
Binubuo ng 26 na aklat na may 8 tono na
inilimbag sa Unibersidad ng Mindanao
29. ANGHEL SA KALANGITAN
Alamat kung bakit umuulan
Noong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit
umuulan.Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang
makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi
ng Bathala.” Gabriyel, magtungo kasa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan
dahil ang mgaanghel ay naliligo. Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga
tao at sinabi sa mgatao na umuulan dahil naliligo ang mga anghel. At pagkatapos
noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.