Mga umuunlad na Bansa

18,004 views

Published on

FILIPINO subject matter

Published in: Education
0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
18,004
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
81
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Mga umuunlad na Bansa

  1. 1. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG MGA ILOKANO Kilala ang mga Ilokano sa kanilang pagiging marunong at praktikal sa buhay. Litaw nalitaw ang pag-uugaling ito sa mga tanyag na personalidad na nagmula sa lalawigang ito tuladng dating Pangulong Ferdinand Marcos na sa kabila ng kahirapan sa buhay ay kinilala athinangaan.Noon pa man, hindi na naging madali ang buhay para sa mga Ilokano. Ang lupangkanilang tinitirhan ay kadalasang tigang at hindi magandang pagtamnan. Dahil sa sitwasyongito, maraming Ilokano ang nangibang-bayan sa mga kalapit-probinsya, sa pagnanasangumunlad kahit papaano ang buhay.Marami pa rin namang nanatili at nagkasya lamang sa kung anong mayroon sila. Unti-unti, nagawa nilang pagyamanin ang minsang tigang na lupa. Dahil sa pagsisikap, unti-untingkinilala ang bayan. Sa kasalukuyan, ang Ilocos ang isa sa mga pangunahing lalawigan napinagkukunan ng iba’t ibang produktong agraryo tulad ng sibuyas, bigas at tabako.Saksi ang mga Ilokano sa makulay na kasaysayan ng kanilang lugar. Isa ang lalawigangito sa mga lugar na sinakop ng mga Español nang sila’y pumarito sa Pilipinas. Sa pananatili ngmga dayuhang manlulupig sa kanilang lupain, at sa pagnanais na manatili ang kanilangkapangyarihan sa lugar, hinati nila ang mga Ilokano sa dalawang uri ’ ang babaknang , o angmga mayayaman, at ang gagangay , o ang mga pangkaraniwang mamamayan. Naging mahirapang buhay ng mas nakararaming bilang ng mga Ilokano dahil sa pagkahating ito.Bahagi ng kulturang Ilokano ang kahirapan. Ang mga pagsubok na ito ang nagbibigay-hugis at patuloy na humuhubog sa matibay at praktikal na pag-uugali ng mga Ilokano. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG PANGASINAN Sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Luzon makikita ang Pangasinan, ang ’lugar kungsaan ginagawa ang asin.’ Sa baybay ng Bolinao at Dasol matatagpuan ang pinakamataas nauri ng asin. Kilala rin ang Pangasinan sa bagoong nito na asin din ang pangunahing sangkap.Bagoong din ang karaniwang sawsawan para sa inihaw na bangus Bonuan na matatagpuan dinsa Pangasinan.Bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan lamang na malapit sa baybayin angtinatawag na Pangasinan. Caboloan naman ang tawag sa loobang bahagi. Hango ito sa bolo,isang uri ng kawayang sagana doon. Mula sa kawayang bolo, ginagawa ang mga bilao.Sikat din ang Pangasinan tuwing tag-init dahil sa maganda nitong mga beach . Dinadayorin ang Hundred Islands , isang grupo ng maliliit na isla.Makasaysayan din ang Pangasinan. Mula kay Prinsesa Urduja hanggang kina AndresMalong at Juan dela Cruz Palaris. Ang lahat ng ito ay mga kwento ng pagiging malay ng mgaPangasinense sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kapakanan.Matatagpuan din ang pagmamalasakit ng mga Pangasinense sa kanilang kapakanan samga nailathala sa Silew (Ilaw) mula 1934-1943. Naglalaman ang Silew ng mga sumusunod naakda sa wikang Pangasinan: tongtong (kwento), anlong (tula), pabitla/bonikew (bugtong), diparan (salawikain), panayam pampamayanan, liham sa patnugot, opinyong medikal, nobelangde-serye, at mga dula. Marami sa mga akda sa Silew ay ukol sa epekto ng kulturang Amerikanosa gawi at pag-uugali ng tradisyonal at konserbatibong lipunan. Matatagpuan din dito ang isyung aborsyon, eleksyon,at iba pang pagbabago ng pananaw ng mga kababaihang tila nakawalasa tanikala ng makalumang tradisyon.Dalawa sa mga tanyag na pangalan sa Panitikang Pangasinan
  2. 2. sina Carlos Bulosan atFrancisco Sionil Jose. Sa kanilang mga nobela, inilarawan nila ang mga suliraning piyudal atmahirap na buhay ng mga tagabaryo. Dahil sa paggamit nila ng Ingles sa kanilang panulat, higitnilang naabot ang mas maraming mambabasa.Sa Pangasinan, tila nagsasanib ang mga pahayag na ito na hango sa Ebanghelyo niSan Mateo: ’Kayo ang asin ng lupa at ilaw ng sanlibutan.’ ANG BUHAY AT PANITIKAN NG PAMPANGA ’Pampanga’s best.’ Unang banggit pa lamang ng salitang Pampanga ay ito na marahilang mga salitang unang papasok sa isipan ng bawat Pilipino. Marahil, kakambal na nglalawigan ng Pampanga ang mga produktong tulad ng tocino at longganisa. Isa ito sa mgapatunay kung gaano kahilig ’ at kasarap ’ magluto ang mga Kapampangan. Ngunit, hindilamang ito ang mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigang ito.Kabaligtaran ng Ilocos, ang lalawigan ng Pampanga ay biniyayaan ng Diyos ngmayamang lupa na napaliligiran ng iba’t ibang yamang tubig tulad ng batis at ilog. Dahil sayamang ito ng lupa at tubig, naging madali ang pamumuhay ng mga Kapampangan. Hindi nanila kailangan pang mangibang-bayan upang kumita ng pera sapagkat sa kanilang sarilingbakuran lamang ay maaari na silang makapagtanim o makapangisda. Sa katunayan, ang palayat asukal ay ilan lamang sa mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigang ito.Ito marahil ang dahilan kung bakit kilala ang mga Kapampangan sa kanilang pagigingmarangya at galante. Marami silang biyayang natanggap mula sa Diyos kaya naging maluwagrin para sa kanila ang makapagbigay sa kapwa ’ lalong-lalo na sa mga Ita, ang mga sinaunangtao sa lalawigang iyon. Ayon sa kasaysayan ng lalawigan, napilitang mamundok ang mga Ita ngsakupin at manirahan ang mga Malay sa gilid ng mga batis. Napasok ng mga dayuhang ito angPampanga sa pamamagitan ng pamamangka sa mga batis at ilog na nakapaligid sa lalawigan.Ayon pa rin sa mga unang tala tungkol sa lalawigan ng Pampanga, ang sinaunangpanitikan ng mga Kapampangan ay binubuo ng mga bugtong, kasabihan, awiting pambayan atpambata, alamat, tula, at maikling kwento na nagpapakita ng pasasalamat ng mgaKapampangan sa taglay na likas na yaman ng lugar.Tulad ng ibang lugar sa Pilipinas, dumaan din ang lalawigan ng Pampanga sa panahonng pananakop ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon. Sa mga panahong ito lalo pang lumakasang panitikan ng lalawigan, partikular na ang mga tula na siyang sumasalamin sa pagkatao ngKapampangan. Ang talento na mga Kapampangan, noon pa man, ay kasinlalim ng mga poso atbalon na nagkalat sa kanilang lugar.Mula pa sa panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyang panahon, nanatilingmasayahin, mapagbigay, at mapagmahal ang mga Kapampangan. Kitang-kita ito sa uri ngpanitikang mayroon sila. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG BICOLANO Kilala mo ba ang batikang manunulat ng pelikulang Pilipino na si Ricardo Lee? O kayanaman ang walang kakupas-kupas at nag-iisang super star ng bansa, si Nora Aunor? DahilPilipino ka, marahil kilala mo sila. Pero alam mo bang ang dalawang tanyag na personalidad naito ay kapwa nanggaling sa rehiyon ng Bicol?Tanyag din ang Bicol sa dalawa pang bagay: una, ang tanyag na minatamis na pili ngmga Bicolano; at pangalawa, ang kanilang hilig sa mga maaanghang na pagkain na kadalasanay niluto sa gata tulad ng laing at Bicol Express . Bukod sa mga pagkaing ito, marami na ringnaiambag sa kultura at sining ng ating bansa. Isa sa mga kontribosyon ng mga Bicolano angkanilang panitikan.Noon pa man, mayaman na ang mga Bicolano sa mga kasabihan, bugtong, kanta, atiba’t ibang uri ng tula. Ang mga nabanggit ay kalimitang pagpupugay sa angking kagandahanng lugar. Maraming beses nang naging inspirasyon ng mga manunulat ang bulkang Mayon, angtanyag na bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Albay, dahil sa taglay nitong ganda atkakaibang epektong dala-dala nito sa sinumang makakikita sa kanya.Ngunit may isang problema ang panitikan ng mga Bicolano, at ito ang hindi pagtangkilikng mga mamamayan sa kanilang sariling wika. Sa paglipas ng panahon, paunti nang paunti angbilang ng mga manunulat na nagsusulat gamit ang wikang Bicolano. Upang maiwasan angtuluyang pagkamatay ng panitikang Bicolano, ipinatupad ang pagtuturo ng mga kurso tungkolsa kultura ng Bicol sa iba’t ibang paaralan at unibersidad sa rehiyon. Ginawa ito upang mulingibalik ang interes ng mga Bicolano sa kanilang sariling panitikan, partikular na sa mga
  3. 3. akdangnasusulat gamit ang kanilang sariling wika.Nagbunga ang hakbang na ito at hindi nagtagal ay isinilang ang bagong henerasyon ngmga manunulat ng panitikang Bicolano sa katauhan nina Merlinda C. Bobis, Jazmin B. Llana, atFrancisco Peña. Muling sumigla ang minsan nang naghihingalong panitikan ng rehiyon.Tulad ng hilig ng mga Bicolano sa maanghang na pagkain, na nanatiling ’maanghang’ang pagmamahal ng mga Bicolano sa kanilang panitikan. Ito ang dahilan kung bakit hanggangngayon ay nanatiling buhay, at patuloy pang lumalakas, ang kanilang sariling panitikan. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG HILIGAYNON Isang dahilan kung bakit mahirap intindihin at unawain ang panitikan ng iba’t ibangrehiyon sa Pilipinas ay dahil limitado lamang ang kaalaman natin tungkol sa mga rehiyongtinatalakay. Tulad marahil ng Panitikang Hiligaynon. Kaya, bago tayo magbasa ng halimbawang panitikang Hiligaynon, mahalagang alamin muna natin ang mga sumusunod:Hiligaynon ang tawag sa pangkat-etniko na matatagpuan sa probinsya ng Iloilo, Capiz,Guimaras, at Negros Occidental. Bago pa man tawaging Ilonggo ang diyalektong ginagamit sabahaging ito ng Pilipinas ay mas kilala na ito bilang Hiligaynon. Ginagamit din kasi ang salitangito upang ilarawan ang wika at kultura ng mga Ilonggo.Kakaunti lamang ang kaalaman ng mga pangkaraniwang Pilipino tungkol sa mgalalawigang ito sa Visayas. Maliban sa Batchoy ng Iloilo, matatamis na mangga ng Guimaras,asukal ng Negros Occidental at mga kinatatakutang ’aswang’ ng Capiz, wala nang masasabi paang mga tagalabas tungkol sa rehiyong ito.Ayon sa tala at ulat tungkol sa Hiligaynon, may dalawang wikang ginagamit ang mgaPanayano bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop: ang Bisaya at ang Haraya.Saksi ang mga wikang ito sa makulay na kasaysayan ng lalawigang ito.Hindi rin pahuhuli ang mga Hiligaynon sa larangan ng sining at panitikan. Noon pa man,mayroon nang tinatawag na binalaybay at sugilanon ang mga Hiligaynon. Ang binalaybay angtawag sa mga tula ng mga Panayano samantalang ang sugilanon naman ay ang tawag sakanilang maikling kuwento na kalimitang kinabibilangan ng mitolohiya, alamat, parabula, atkwentong bayan. Dito rin umusbong ang sanaysay na kinahihiligan pa ring isulat ng mgaHiligaynon sa kasalukuyan.Sinasabing mas kilala ang Hiligaynon at kanilang sugilanon o maikling kwento. Saganitong uri kasi lumalabas ang talento at pagkamapamahiin ng mga Hiligaynon.Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagyabong ng panitikang Hiligaynon. Hangganghindi nauubusan ng talento ang mga tao sa bahaging ito ng Pilipinas, at habang patuloy silangnagsusulat, asahan nating libu-libo pang binalaybay at sugilanon ang ating mababasa atpatuloy na mamamayagpag ang panitikang Hiligaynon sa Pilipinas. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG CEBUANO Hindi lamang kilala ang Cebu sa kanilang otap, dried mango, daing na dainggit atdekaledad na gitara. Kilala rin ang lugar na ito sa kanilang makulay na kasaysayan at magingsa kanilang mayamang panitikan.Ang Cebu ang isa sa pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. Sa Cebu unang umusbongang relihiyong Kristiyanismo. Itinatag ito ng kilalang manlalakbay na si Miguel Lopez deLegazpi. Ayon sa mga alamat at kuwento tungkol sa kasaysayan ng Cebu, nagsimula angbinyagan para maging Kristiyano ilang araw matapos matuklasan ni Ferdinand Magellan, isapang tanyag na Kastilang mananakop, ang lalawigan. Si
  4. 4. Rajah Humabon, pinuno ng Cebunoong mga panahong iyon, kasama ang kanyang asawa at ilan pang mga kalugar, ay ilanlamang sa mga kauna-unahang Pilipino na buong- pusong yumakap sa sa relihiyongKristiyanismo. Dahil dito, tinagurian ang bayang ito sa Visayas bilang ’Lungsod ng Kabanal-banalang Pangalan ni Hesus’ at nagsilbing kabisera ng kolonya ng mga Kastila sa loob ng animna taon, bago pa man itanghal ang Maynila na kabisera noong 1571.Sa kasalukuyan, ang Cebu ay tinaguriang ’Queen City of the South ’ dahil ito ang sentrong kalakalan, edukasyon at kultura ng rehiyon ng Visayas at Mindanao. Tanyag din ang Cebusa larangan ng turismo dahil sa taglay nitong natural na ganda.Kung gaano kayaman ang kanilang kasaysayan at lugar ay ganoon din ang kanilangpanitikan. Dahil sa makulay nitong nakaraan, mayaman ang Cebu sa iba’t ibang uri ng panitikanna nasusulat sa dalawang uri ng wika na kanilang ginagamit: ang kanilang lokal na diyalekto naCebuano at ang banyagang wikang Ingles.Noon pa man, mahilig na ang mga Cebuano sa pagsulat ng balak , ang tawag nila satulang galing sa kanilang lugar. Ang mga tulang ito ay mas nakilala at mas naging tanyag dahilsa Ang Suga , ang kauna-unang peryodikal na nasusulat sa wikang Cebuano. Naging daan dinang peryodikong ito upang umusbong ang isa pang uri ng panitikan na sadyang kinagigiliwanng mga Cebuano, ang sugilanon o maikling kuwento.Patuloy ang pag-usbong ng panitikang Cebuano. Ang kanilang pagkamalikhain ay hindimatatawaran at hanggang ngayon mababakas pa rin sa kanilang panitikan ang impluwensiyang Kristiyanismo at ang kanilang pagiging relihiyoso. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG MGA MARANAO SA MINDANAO Hindi ganap na mulat ang mata ng mga Pilipino sa taglay na ganda ng Mindanao.Kalimitan, pawang hindi magagandang bagay ang nasusulat tungkol sa lugar na ito sakatimugang bahagi ng Pilipinas. Kaguluhan, pandurukot, at patayan ’ ito ay ilan lamang sa mgabagay na halos naging kakambal na ng lugar na ito sa paglipas ng panahon.Nakalulungkot isipin na humantong sa ganito ang pananaw ng mas nakararaming bilangng mga Pilipino tungkol sa isla ng Mindanao at sa mga taong naninirahan dito. Kung sabagay,hindi naman ito dapat ipagtaka sapagkat noon pa man, itinuturing na ang Mindanao na isa samga hindi gaanong napahahalagahang lugar sa Pilipinas.Sayang. Marami pa namang bagay tungkol sa Mindanao ang maaari natingmaipagmalaki. Isa na rito ang panitikan ng lugar, partikular na ang sa mga Maranao.Maranao ang tawag sa pangkat-etniko na matatagpuan sa paligid ng lawa ng Lanao atkapatagan ng Bukidnon at Lanao. Isa lamang ito sa higit sa dalawampung pangkat-etniko nananinirahan sa isla ng Mindanao.Tulad ng lugar na kanilang tinitirhan at ng kanilang relihiyon na Islam, hindi rin gaanongmulat ang mga Pilipino sa panitikan ng mga Maranao. Paano magkakaroon ng isang matibayna panitikan ang isang lugar na hanggang ngayon ay patuloy na niyayanig ng giyera at bantang hindi pagkakaunawaan?Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin, ang panitikan ng mga Maranao aylaganap na sa kanilang lugar noon pa man. Patuloy ang pagyabong ng kanilang panitikan sapaglipas ng panahon, tulad ng kanilang mga epiko, maikling kuwento, tula, dula at kanta nakalimitan ay tungkol sa kanilang lugar at relihiyon.Kung bibigyan lamang natin ng pagkakataon ang ating mga sarili na kilalanin at unawainang mga kapatid natin sa Mindanao ay hindi malayong mabago ang mga negatibo natingpananaw tungkol sa kanila at sa lugar ng kanilang tinitirhan. Iba man sa paniniwala, dapatnating isaisip na sila ay tulad din natin ’ Pilipino.Kapag naganap ito ay saka pa lamang natin matutuklasan at maipagmamalaki ang mganakatagong yaman sa Mindanao tulad ng mga Maranao at ang kanilang panitikan. ANG PANITIKAN NG TSINA Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina. Hindi rinsila pahuhuli sa larangan ng panitikan.Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asia na may pinakamayamang panitikan. Sinasabi ngasa mga pag-aaral na kung gaano katanda at kayaman ang sibilisasyon ng mga Tsino ayganoon din katanda at kayaman
  5. 5. ang kanilang panitikan.Mayaman ang Tsina sa iba’t ibang klase ng panitikan, maging ito man ay tuluyan opatula. Nagsimulang umusbong ang panitikan ng mga Tsino noong panahon ng DinastiyangZhou (770-221 B.C.) at patuloy pa ring yumayabong sa kasalukuyang panahon. Sino ba namanang hindi nakakikilala kay Confucius, isa sa mga iginagalang na manunulat at pundasyon ngpanitikang Tsino. Sa kanya nagmula, o siya ang nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng mga Classics , isa sa mga tanyag na akda na nagmula sa bansang ito.Patuloy ang pag-unlad ng panitikan ng mga Tsino sa paglipas ng panahon. Kabila-kabilaang mga nagsusulputang manunulat na galing sa Tsina na siyang nagbibigay ng bagong dugoat bagong mukha sa panitikan ng bansa. Saksi sa pag-usbong ng panitikang Tsino ang iba’tibang dinastiyang naghari sa Tsina noon. Minsan, lantarang pinipigilan ang pagkamalikhain ngmga Tsino dahil na rin sa takot ng ilan na mawawala at tuluyang makalimutan ang mayamangkasaysayan ng bansa.Isa si Lu Xun (na may tunay na pangalang Zhou Shuren) sa mga manunulat na walangtakot na nagsulong ng makabagong tema at kaisipan sa panitikan ng mga Tsino. Isa siya samga kinilalang lider ng The League of Left-Wing Writers noong taong 1930 na siyang nagsulongna kaisipang socialist realm sa panitikan ng bansa.Sa kasalukuyan, kinikilala si Lu Xun na ama ng modernong panitikang Tsino. Angkanyang kuwentong A Madman’s Diary ay isa sa mga patunay kung gaano siya kagalingsumulat gamit ang makabagong pamamaraan ng pagsulat. Bukod dito, nakapagsulat na rin siyang iba’t ibang tula, sanaysay, kritisismong pampanitikan na kalimitang mababasa sa mgapahayagan na kapag pinagsama-sama ay siya namang bumubuo sa kanyang mga libro. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG INDIA Sa unang tingin, masasabi nating isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ang India.Malaking bahagi kasi ng kanilang bansa ay balot sa kahirapan at kitang- kita ito sa uri ngkapaligirang mayroon sila. Isa rin sa mga problema ng bansang ito ang mabilis na paglobo ngkanilang populasyon. Ngunit kung susuriing mabuti, unti-unting nakikilala ang bansang ito dahilna rin sa taglay na katangian ng mga mamamayang naninirahan dito.Kilala ang mga Indian sa galing nila sa teknolohiya. Sa katunayan, nangunguna angmga Indian at mga Pilipino sa mga kakikitaan ng galing sa larangan ng information technology sa kasalukuyan. Pumapangalawa lang ang Pilipinas sa bansang India kung laki at dami ng call centers ang pag-uusapan.Nagkakamarka na rin ang India sa larangan ng showbiz. Kinikilala sa iba’t ibang bansaang mga pelikulang galing sa India; sa bansang ito nanggaling at nauso ang salitang’ Bollywood .’ Malaki ang sakop at impluwensiya ng musika na galing sa kanilang bansa atmatagal ng humanga at naging saksi ang buong mundo sa ganda at talino ng mga kababaihanna ipinapadala ng kanilang bansa sa iba’t ibang timpalak- kagandahan.Hindi ito nakapagtataka sapagkat noon pa man, kilala na ang India sa pagkakaroon ngmayamang kultura. Ang bansang ito ang isa sa may pinakamaagang sibilisasyon sa buongmundo. Sa bansang ito rin umusbong at nakilala ang dalawa sa pinakamalaking relihiyon saTimog Asya, ang Hinduismo at Buddhismo. Sa usapin naman ng panitikan sa bansang itonagmula ang dalawang epikong Sanskrit, ang ’Mahabharata’ at ’Ramayana.’ Makulay angkasaysayan ng bansang India kaya marami ang paghuhugutan ng mga Indian ng talento atinspirasyon.Isa sa pundasyon ng panitikang Indian ang bantog na manunulat na si RabindranathTagore. Malaking bilang ng kaniyang mga isinulat ang tula ngunit mayroon din namang mganasusulat sa anyong tuluyan. Kalimitang tungkol sa patriyotismo ang tema ng mga akdangkanyang isinulat. Dalawa sa mga kantang ginawa niya ang ginamit na pambansang awit ngdalawang bansa, ang ’ jana gana mana ’
  6. 6. ng India at ’ aamaar sonar baanglai ’ ng Bangladesh. ANG KULTURA AT PANITIKANG HAPON Malapit sa puso ng mga Pilipino ang bansang Hapon. Kahit hindi naging maganda angnakaraan sa pagitan ng dalawang bansa, nanatiling malapit ang dalawang bansa sa isa’t isahanggang sa kasalukuyan. Patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang ilang produktong Hapon(o may kinalaman dito) tulad ng mga Anime , ang fast food na Tokyo Tokyo, ang pagkaing sushi , ang larong Game Boy Advance , at mga palabas na may kinalaman sa kultura ng bansa.Sa kabilang banda, walang sawang tinutulungan ng bansang Hapon ang ating bansa sa patuloynitong pakikipaglaban sa kahirapan.Isa sa pinakamaunlad na bayan sa Asya ang bansang Hapon. Isa rin ito sapinakakilalang bansa sa Asya. Nangunguna ang bansang ito sa larangan ng teknolohiya athindi pahuhuli kung pagpapauso ang pag-uusapan, lalung-lalo na sa mga makabagongkagamitan. Hindi nakapagtataka kung bakit mayaman ang bansang ito sapagkat hindimatatawaran ang pagiging malikhain ng mga Hapon.Kitang-kita rin ang kagalingan ng mga Hapon sa sining at ang kanilang pagkamalikhainsa pamamagitan ng kanilang panitikan. Noon pa man, ang panitikan ng mga Hapon ang isa sapinakaginagalang na panitikan sa buong Asya. Ito ay kalimitang nasa anyo ng tula, dula takuwento. Malaki rin ang impluwensiya ng relihiyong Shintoismo sa kanilang panitikan.Ilan sa mga tanyag na halimbawa ng panitikan ng mga Hapon ay ang Man’yoshu ( TheCollection of Ten Thousand Leaves ) at ang sikat na nobela ni Murasaki Shikibu na Tale of Genji .Nagmula rin sa bansang hapon ang tanyag na Dulang Noh. Isa itong uri ng dulangpantanghalan na hinahaluan ng Sarukagi ( Shinto rituals ) at Dengaku ( acrobatics with juggling ).Ang mag-amang sina Kanami at Zeani ang sinsabing nagpasikat ng dulang ito.Iba ang dulang ito sa pangkaraniwang dula sapagkat kalimitan itong ginagamitan ngpamaypay at maskara habang itinatanghal. Kapansin-pansin din ang kakaibang ayos ngentablado sa dulang ito na may tatlong pasukan at labasan. Kalimitan ding makikita anglarawan ng puno ng pino sa entablado. Ang musika naman ng dulang ito ay nagmumula sa mgamusikerong tumutugtog sa loob mismo ng entablado, gamit lamang ay plawta at tambol.Sa kabuuan, ang Dulang Noh ay maituturing na hindi gaanong ’madramang’ dula. Angkagandahan nito ay makikita sa kakaunti at pinong galaw ng mga nagtatanghal at sa musika atsayaw na naghahari sa entablado kapag ito’y itinatanghal. ANG INDONESIA AT ANG PILIPINAS Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa mundo. Ito ang pinakamalakingIslamikong bansa sa buong daigdig at ito rin ang isa sa pinakamataong bansa sa buong mundo.Kung kasaysayan naman ang paksa, ang Indonesia ang isa sa mga sinaunang sentro ng sibilisasyon . Ang bansang ito rin ang isa sa bansang pinakabiniyayaan ng likas na yaman sabuong mundo, mula sa kape hanggang sa gas at langis. Ang Indonesia rin ang isa sa maypinakamakulay na kasaysayan.Sa kabila ng mga ’pinaka-’ na ito, hindi pa
  7. 7. rin makaungos nang todo ang bansangIndonesia. Kung ikukumpara sa Thailand o Malaysia, masasabi nating nakauungos ito noonkung kasiglahan ng ekonomiya ang pagbabatayan. Ngunit dahil sa hindi matapus-tapos naakusasyon ng katiwalian sa pamahalaan, at ang hindi bahagi ng kapuluan nito tulad ngnangyayari sa Pilipinas, bumagal ang pag-unlad ng bansang Indonesia. Sa kasalukuyan,mahahanay ang bansang ito sa may pinakamabagal na pag-unlad sa kabuuan ng Asya.Malaki ang pagkakatulad ng bansang Indonesia sa bansang Pilipinas. Mas malaki manang bansang Indonesia sa Pilipinas. Halos pareho naman ang kasaysayang pinagdaanan ngdalawang bansa. Kung matagal na napasailalim ang Pilipinas sa mga Kastila, Hapon, oAmerikano, matagal ding nagdusa ang mga taga-Indonesia sa pamumuno ng mga Olandes.Pinamumunuan din ang bansang Indonesia ng iisang Pangulo sa loob ng mahabang taon.Tulad ng Pilipinas, hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin ang bansang Indonesia sa bantang terorismo, katiwalian sa pamahalaan, digmaan dahil sa relihiyon at paniniwala, lumalakingbilang ng populasyon at laganap na kahirapan.Malaki ang potensyal ng bansang Indonesia na umunlad dahil sa likas na yaman nitongtaglay. Hindi tulad ng mga kapitbahay nito sa Timog-Silangang Asya, ang Indonesia ay maymalaking deposito ng langis na maaari nitong pagkakitaan. Ngunit bago maging ganap ang pag-unlad ng bansang ito, kailangan munang ayusin ang mga bagay na nagiging sanhi ngproblema sa loob ng pamahalaan. ANG PAGBANGON NG VIETNAM Isa sa mga pinakamasalimuot na kasaysayan sa buong Timog-Silangang Asya angbansang Vietnam. Saksi ang bansang ito sa iba’t ibang digmaan, na ang pinakatanyag ay angVietnam War. Malaking bilang mga taga-Vietnam ang lumikas sa iba’t ibang bansa tulad ngPilipinas sakay ng Bangka, hindi alintana kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanilasa banyagang lupain. Sa loob ng mahabang panahon, nabalot ng kahirapan ang buong bansadahil na rin sa hindi matapus-tapos na digmaan.Sa panahon ng digmaan, lumabas ang tunay na katangian at pagkakakilanlan ngVietnam. Dama ng mga bansa sa Kanluran tulad ng United States at France ang katapanganng mga taga-Vietnam nang pabagsakin nila ang puwersang Amerikano sa kanilang sarilinglupain. Hindi inaasahan ng lahat ang nangyari, napilitang lisanin ng mga sundalong Amerikanoang lupain ng Vietnam.Ipinakita rin ng Vietnam ang katatagan ng loob ng mga Asyano. Sa kabila ng mahabangpanahon ng digmaan, unti-unting bumangon ang Vietnam at muling nanumbalik ang siglangmatagal nang nawala sa bansa. Tulad ng Pilipinas sa dumaan din sa mahabang panahon ngpananakop, muling nabuhay ang ekonomiya ng Vietnam.Sa kasalukuyan, kilala ang bansang Vietnam bilang isa sa mga umuunlad na bansa saAsya. Nababago na rin ang pangit na pagkakakilanlan ng bansa dahil sa tagumpay ng mgaVietnaese sa iba’t ibang larangan. Sa SEA Games na ginanap sa Pilipinas noong 2005,pumangalawa ang Vietnam sa Pilipinas sa pinakamaraming gintong medalyang nakamit.Kahanga-hanga ito sapagkat matagal nangulelat ang bansang ito sa larangan ng isports sabuong Timog-Silangang Asya.Kasabay ng pagbangon ng bansang Vietnam, unti-unti ring sumigla ang panitikan ngmga taga-Vietnam. Ang mga talentong pansining na matagal ding hindi nasilayan dahil sagiyera ay unti- unti na namang nararamdaman sa buong bansa. Kung pangitain ang kasiglahanng panitikan sa kinabukasan ng isang bansa, masasabi nating sigurado na ang pag- unlad ngbansang Vietnam. SI AUNG SAN SUU KYI NG BURMA Nitong mga huling taon, naging laman ng pahayagan ang pangalang ito. Nahati rin angASEAN dahil sa usaping may kinalaman sa kanya. Si Aung San Suu Kyi ay ang Nobel PeaceLaureate na galing sa bansang Burma na kasalukuyang isinailalim sa house arrest . Siya angnakibakang maibalik ang demokrasya sa kanyang mga isinulong, marami siyang taongnakabangga. Isa na rito ang makapangyarihang militar ng Burma.Isa lamang si Aung San Suu Kyi sa mga personalidad na nagbibigay-kulay sa bansangBurma. Nakakalungkot lang, marami sa ating mga Pilipino ang walang alam tungkol sa kanyangbayan. Masuwerte na nga kung may mga Pilipinong nakakikilala sa kanya.Ang Burma ay kabilang sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
  8. 8. Napalilibutan ito ngbansang Laos, China, Thailand at Bangladesh. Malaking bahagi ng bansa ay pinamumunuanpa rin ng militar at marami ang nagsasabing ito ang dahilan kung bakit hindi maging ganap angkalayaan ng bansa. Dahil dito, patuloy na inuulan ang bansang ito ng mga batikos mula sa iba’tibang bansa.Isa sa mga pagkakakilanlan ng bansang ito ang magagandang pagodang nagkalat sabansa. Ang mga ito ay impluwensiya ng dominanteng relihiyon ng mga taga-Burma, angBuddhismo. Tulad ng Thailand, pinamumunuan din ng mga hari ang ilang lugar sa Burma.Kilala ang bansang Burma bilang Myanmar sa kasalukuyan. Pinalitan ito ng mgamiyembro ng militar na namumuno sa bansa noong 1989. Tulad ng dapat asahan, maraminghindi sumang-ayon sa pagbabagong ito sa loob at maging sa labas ng bansa. Sa katunayan,ilan sa malalaking kumpanya na tagapaghatid ng balita tulad ng BBC ang gumagamit pa rin ngBurma dahil hindi sila naniniwala sa pagbabagong isinusulong ng junta ng mga militar sabansang ito. ANG SULTANEYT NG BRUNEI DARUSSALAM Isang nagsasariling sultaneyt ang Brunei na nasa pagitan ng estadong Sabah atSagrawak ng Malaysia. Hindi ito sumali sa Federasyon ng Malaysia; sa halip, pinili nito angmaghintay ng sariling kasarinlan, na ipinagkaloob ng Britain noong 1984. Samakatwid, angBrunei ang pinakabatang bansa sa Timog-Silangang Asya.May sukat na 5,270 kilometro kuwadrado ang Brunei, 75% ay nagugubatan. Malakilamang nang kaunti sa Cebu (5088 km 2 ) at maliit nang kaunti sa Pangasinan (5,369 km 2 ),kumikita ang Brunei ng kamangha-manghang $6.8 bilyon taun-taon mula sa kanyang mgasaganang deposito ng langis, sapat upang gawin ang bansang ito na pinakamayaman saTimog-Silangang Asya. Ang Bandar Seri Begawan ang kabisera ng Brunei.Sa 76 milyon na populasyon ng Brunei, 67% rito ang Malay. Nagtatrabaho angkaramihan para sa pamahalaan o sa kompanya ng langis. Sa $23,600 per capita income ($5,000 para sa mga Pilipino) ng mga taga Brunei, nagtatamasa sila ng isa sa pinakamataas napamantayan ng pamumuhay sa buong daigdig. Walang buwis sa kanilang kinikita. Naglaan angestado ng libreng pagkalingang medikal at dental, libreng pag-aaral hanggang sa antas pang-unibersidad, at libre o may-tulong- pinansiyal na pabahay. Libu-libong Pilipino ang nagtatrabahosa mga industriyang konstruksyon at panserbisyo.Si Sir Hassanal Bolkiah ang kasalukuyang sultan at punong minister ng Brunei. Angnaghaharing pamilya niya ang may hawak ng politikal at ekonomikong kapangyarihan sa bansa.Itinayo ang maharlikang palasyo ng sultan (Istana Nurul Iman) noong 1983 sa halagang $300milyon. Ang Pilipinong arkitekto na si Leonardo Locsin ang nagdisenyo nito.Noong ikalabinlima hanggang ikalabimpitong siglo, naging pangunahing kaharian ngBrunei na sakop ang pulo ng Borneo at katimugang Pilipinas. Subalit noong ikalabing-anim nasiglo, nanggulo ang mga mananakop na Europeo sa sultan ng Brunei. Unti-unti, ang kanyangimperyo ay nahati-hati. ANG MODERNONG KATHANG TSINO Mula noong Literary Revolution ng 1917, ang mga akdang pasalaysay na ang nagingpinakapopular na uri ng panitikang Tsino.Sa mga taong 1917 hanggang 1937, halos lahat ng may pagkiling sa panitikan angsumubok sa pagsulat ng mga kuwento. Nagbunga ito ng mga paglaganap na ito ng mgamanunulat at mambabasa ay nakaimpluwensiya nang husto sa mamamayang Tsino. Nagmularin sa panahong ito ang piankamagagaling na manunulat ng Tsina, tulad ni Lu Xun, Mao Tun,Pa Chin, Lao She, Ping Hsin, Shen Ts’ung-wen, at iba pang batang manunulat. Kapagpinagsamang lahat ang kanilang mga likha, bagaman naiiba sa estilo at pamamaraan, aysumasalamin sa kanilang nagkakaisang pakikibaka sa panahon ng panlipunan at pampulitikangkaguluhan, nagtutunggaliang pagpapahalagang etikal, at sa mga hinaing ng isangnakababatang henerasyon sa
  9. 9. gitna ng mabilis na nagbabagong lipunan.Si Lao She ay nobelista, kuwentista, makata, at mandudula. Nagmula siya sa angkangManchu at ipinanganak sa Beijing. Nag-aral siya sa unibersidad bago tumungong LondonSchool of Oriental Studies, at pagbutihin ang kanyang Ingles. Nasulat niya ang mga comic novel na pinamagatang “The Philosophy of Lao Chang “ at Chao Tze-yueh . Ipinakikita ngdalawang nobelang ito ang namumukod-tanging satirical humor na mababanaag din sa iba paniyang mga katha. Habang siya“y nasa London, sinulat niya ang Erh Ma ( The Two Mas ), isangnobela ukol sa buhay ng isang pamayanang Tsino sa London na batay sa kanyang mgakaranasan.Marahil ang pinakasikat niyang nobela ay ang naisalin sa Ingles bilang “ Rickshaw Boy .“Ito“y trahedya ng isang tagahila ng rickshaw sa Beijing noong 1920.Tulad ng ibang mga intelektuwal sa Tsina, nakaranas siya ng pagmamaltrato noong Cultural Revolution ng dekada 60. Kinitil niya ang kanyang sariling buhay noong 1966 ngunitmay mga nagsasabing namatay raw siya sa matinding pambubugbog ng mga Red Guards. ANG MGA GEISHA NG BANSANG HAPON Kahanay ng mga Mt. Fuji, ng samurai at ng sushi , ang geisha ay isa sa mga itinuturingna simbolo ng bansang Hapon magmula nang muli nitong ibukas ang bansa sa pandaigdig nakalakalan noong kalagitnaan ng ika- 19 na siglo. Sa pagkawala ng mga samurai , at pagdagsa ngimpluwensiyang Kanluranin sa bansang Hapon, tanging ang geisha at ang kanilang mundo angnananatiling hiwaga hindi lamang sa mga dayuhan kundi maging sa mga Hapones.Ang geisha sa kanyang mapusyaw ng puting mukha, maiitim na mata, kulay-dugongmaliliit na labi, nakapusod na buhok at matingkad na kimono ay nagpapahiwatig ng hiwaga atkagandahan. Bagaman kakaunti na lamang ang mga tunay na geisha, makikita pa rin angkanilang larawan sa mga pelikula, sa telebisyon, at sa mga bahay-aliwan kung saan ginaya angkanilang kasuotan at pagkilos.Ang literal na kahulugan ng salitang “geisha“ sa wikang Hapon ay “artist“ “ isang alagadng sining. Ang mga geisha (o Geiko sa wikang Kyoto) ay mga propesyonal na babaengtagapagbigay ng aliw na nagtatanghal ng mga tradisyonal na sining ng Hapon sa mga bangketeat sa mga O- chaya o inuman ng tsaa ( teahouse ). Sinasanay sila sa mga tradisyonal na siningtulad ng pagsasayaw, pagkanta, pagtugtog ng mga instrumento tulad ng samisen, pag-aayosng bulaklak o ikebana , pagsusuot ng kimono, seremonya ng tsaa, kaligrapiya, pakikipag-usap,wastong pagsisilbi ng alak (hindi ng pagkain) at higit pa.Upang maging isang geisha, kinakailangang anak ka ng isang geisha o matanggap kasa isang O-chaya. Karaniwang ibinebenta ng isang kamag-anak sa isang O-chaya angmagagandang batang babaeng naulila sa magulang o nagmula sa naghihikahos na pamilya.Mamumuhunan
  10. 10. naman ng malaking halaga ang O-chaya upang sanayin ang mga batang ito atbihisan sila ng kimono. Tinuturuan ng okamisan (“mother“ ng O-chaya) ang mga babae. Kapagnarating nila ang susunod na antas pagdating nila ng gulang na 15 hanggang 19, nagiging mga maiko ang mga batang babae. Sumasama ang maiko sa mga geisha upang higit namakasanayan ang kanilang trabaho. Sa gulang na 20, kailangang magpasya ang maiko kungmagiging geisha siya. Kung nais niyang magpakasal, hindi siya maaaring maging geisha.Tanging mga dati nang parokyano sa mga O-chaya ang tatangkilikin ng mgatagapamahala nito ( okasan) . Hindi maaaring pumasok sa mga O-chaya nang di ipinakikilala.May iba“t ibang uri ng ugnayan ang mga geisha sa lalaki. Hindi sila mga kalapating mababa anglipad. Hindi mali para sa mga geisha ang pagkakaroon ng isang tagatangkilik ( danna ), nakaugnayan niya sa larangang emosyonal, pinansyal, at sekswal. Gayunman, nasa geisha na itokung gusto niyang magkaroon ng danna o hindi. Noong 1920, may humigit-kumulang 20,000 geisha, ngayon mga 1,000 na lang sila.Dahil sa kanilang de-kahong pamumuhay at mabigat na pagtuon sa tradisyonal na sining, atdahil na rin sa impluwensiya ng Kanluran sa kulturang Hapon, kakaunti na lamang angnakaaabot sa istandard ng propesyonal na geisha. Gayunpaman, ginagampanan nila ang isangmahalagang papel sa pagpapalaganap ng kultura at kasaysayang Hapon. ANG KOREA AT ANG PILIPINAS Kung pagbabatayan natin ang bilang ng mga Pilipinong kasalukuyang nahuhumaling samga palabas pantelebisyong gawa sa Korea, masasabi nating napukaw ng mga Koreano angdamdamin at atensyon ng masang Pilipino. Sa kasalukuyan, hindi lang isang Koreanovela angipinalabas sa telebisyon. Karamihan sa mga dramang ito ay ipinalalabas sa gabi ngunitmayroon din namang sa araw ipinalalabas. Kung dati- rati“y si Thalia ang bukambibig ng taong-bayan, ngayon ay pawang mga Koreanong artista na ang laman ng kanilang kuwentuhan araw-araw.Ngunit ano ba ang dahilan kung bakit malapit sa puso ng mga Pilipino ang mga palabasgaling Korea?Kung titingnan natin ang panitikan ng bansang Korea, masasabi nating maypagkakatulad ito sa panitikan ng mga Pilipino kung tema ang pag-uusapan. Tulad ng mgaKoreano sa mga usaping may kinalaman o tungkol sa pag-ibig. Karamihan ng kanilangpanitikan ay may ganitong temang dala-dala at mababakas ito sa mga palabas na kasalukuyannating pinanonood.Isa ang bansang Korea sa mga mayamang bansa sa Asya. Maraming kompanya nakilala sa buong mundo ang nanggaling sa bansang ito. Tulad ng mga Hapones, malikhain atmasipag ang mga Koreano. Sinisiguro nila ang na lahat ng kanilang ginagawa ay tunay namaipagmamalaki at de-kalidad.Isa rin ito marahil sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mga Pilipino ang mgapalabas na gawa sa Korea. Maliban kasi sa nasungkit nito ang temang gustong-gusto ng mgaPilipino, kitang-kita rin na pinagkagastusan nang husto ang mga palabas na kanilang ginagawa.Kung mahal ng mga Pilipino ang mga palabas na gawang Korea, mahal naman ng mgaKoreano ang Pilipinas dahil sa taglay nitong likas na kagandahan. Humahanga rin ang mgaKoreano sa kagalingan ng mga Pilipinong magsalita ng Ingles. Dahil dito, parami nang paramiang mga turistang Koreanong bumibisita sa bansa upang magbakasyon o kaya“y mag-aral. ANG BUDDHISMO SA THAILAND Isang pinag-isang Kahariang Thai ang itinatag noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo.Kilala bilang Siam hanggang 1939, ang Thailand ang tanging bansa mula sa Timog-SilangangAsya ang hindi nasakop ng mga mananakop na Europeo.Sa pangkalahatan, agrikutural ang bansa ngunit may mga industriya sa malalakingsiyudad. Nobenta“y singko porsyento ng populasyon ay Buddhista, at mga kaisipang Buddhistaang pinag-ugatan ng kultura at mga kaugalian.Lubhang mahalaga ang papel ng Buddhismo sa buhay ng tao. Sa pagsilang ng isangbata, itinakda na ang kanyang relihiyon. Lumalaki siya sa piling ng mga monghe at templo,kantahan
  11. 11. at mga ritwal. Karaniwan ang pag-oordina sa batang lalaki sa pagkanobisyado, lalo nasa oras ng pagkamatay ng isang nakatatandang kamag-anak, magulang o nuno. Sa nobisyado,nabibigyan ng pagkakataon ang isang batang lalaki na makatuntong sa mas mataas na pag-aaral. Kadalasan, nanatiling nobisyado ang isang batang lalaki hanggang sa magbinata siya, atsa gulang sa dalawampu, hindi malayong piliin niya ang pagmomonghe. Karaniwang idinaraosang pagmomonghe sa panahon ng Phansah ( Rains Retreat) , kung kailan nagreretiro ang mgamonghe para sa tag-ulan.Higit na nagiging mabuting mamamayan ang pamumuhay-monghe. Ang tapat natagasunod ni Buddha ay kusang-loob na nabubuhay ayon sa limang aral nito - mga aral napapatnubay sa kanya sa proseso ng pagsilang at muling pagsilang, at mailigtas sa kanya samga paghihirap. Walang gantimpala o parusa, langit o impiyerno para sa mga sumusunod osusuway sa mga aral, pero malinaw na ang mga ginagawa nila“y magreresulta lang ng dapatmangyari, bukas-makalawa. Ito ang tinatawag na karma . Ang karma ng tao ang nagtatakda ngmagiging kondisyon ng pang-araw-araw na buhay niya, at anumang karma ang matira sa orasng kamatayan ay dadalhin sa susunod na buhay at magsisilbing kondisyon sa mulingpagkabuhay.Sa edad beynte- uno, obligadong magpatala sa army ang isang lalaki ngunit sa paraangpalabunutan. Kung mabunot ng binata ang pulang pitsa mula sa kahon, magseserbisyo siya saloob ng dalawang taon; kung itim, nakalibre siya. Ang serbisyo, na kadalasang nagaganappagkaraan ng pagmomonghe, ay nagpapalubos sa pagkalalaki ng isang binata, at naghahandasa kanya sa pag- aasawa. ANG PANITIKANG CAMBODIAN Ang sentro ng Panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa sapamamagitan ng salindila. Karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang buhay niBuddha at mga epiko mula sa India.Nang maipakilala ng mga Pranses sa Cambodia ang limbagan noong mga 1930s,sumulpot na rin ang mga nobela. Nagsimula muna ang mga nobela sa anyo ng mga serye sapahayagan hanggang sa tuluyang ginamit ang mga ito sa mga paaralan at nagawan pa ngbersyon ng mga ito sa pelikula. Noong simula ng dekada 70, limampung nobela isang taon angnailathala sa Cambodia.Sa panahon ng Khmer Rouge noong 1975-1979, nalimitihan ang mga panitikan sa mgatula ukol sa agrikultura, mga magsasaka, at mga rebolusyonaryong awit. Walang mga nobelangnaisulat sa Cambodia. Ang ilang mahahalagang akda ay nasulat ng mga refugee sa Pransya atThailand. Sinira rin ang mga kagimbal-gimbal na mga taong iyon ang sinaunang panitikan ngCambodia.May dalawa hanggang apat na milyong Cambodian ang namatay sa ilalim ng kalupitanng rehimeng Khmer Rouge na pinamumunuan ni Pol Pot. Daan-daang libo ang tumakas saThailand at iba pang bansa. Sa pagsisikap na magtatag ng isang komunistang lipunang pantay-pantay, malupit na pinatay ng Khmer Rouge ang mga nasa panggitna at mataas na uri.Kabilang dito ang mga opisyal, negosyante, at edukadong propesyonal. Pilit na pinagtrabaho samga komyun (commune) sa lalawigan ng mga tagalungsod. Nahati ang mga pamilya. Ipinasaraang mga paaralan, monasteryo, bangko, tanggapan at aklatan. Kinumpiskang lahat ng mgapribadong pag-aari. Pinawi ng Khmer Rouge ang lahat ng makapagpapaalala sa nakaraan ngCambodia kabilang na ang mga libro at panitikan at kung tutuusin, gayon na rin ang dalawanglibong taon na kasaysayan ng Cambodia.Matapos ang 1979, unti-unti nang muling binuhay ang panitikang Cambodia. Bagamannoong dekada 80, pawang mga propaganda lamang ito ng estado, may mga refugee na rin nanagsikap na muling ilimbag ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng mga kuwentongbayan. ANG DISIPLINA NG SINGAPORE Pinatunayan ng Singapore na hindi batayan ang laki ng isang bansa upang
  12. 12. masukatkung gaano sila kaunlad. Para sa kanila, maliit man ang kanilang bansa, ito ay nakapupuwingdin.Kakaiba sa maraming bagay ang bansang Singapore. Isa ito sa pinakamaliit na bansasa buong mundo ngunit isa rin sa pinakamayaman. Kilala ito sa kalinisan at kaayusan. Isa rinang bansang ito sa may pinakamababang bahagdan ng korupsyon sa buong mundo.Ang dahilan kung bakit maunlad ang bansang Singapore ay hindi nakasalalay sa likasna yamang taglay ng kanilang bansa. Napakaliit nito at kung ikukumpara sa kung ano angmayroon ang Pilipinas, wala pa ito sa kalingkingan. Ang kanilang pag-unlad ay bunsod ngdisiplina ng kanilang mamamayan. Ano pang bansa ang alam mo maliban sa Singapore angmay batas na bawal kumain ng bubble gum dahil ayon sa mga namamahala rito, posible itongmakadagdag sa dumi sa kapaligiran? At saang bayan ka makakikita na lahat ng mamamayanay tumatalima sa ganitong uri ng batas?Disiplina. Iyan ang isang bagay na kailangan pang hasain nating mga Pilipino upangumunlad ang ating bansa tulad ng kapitbahay nating Singapore. Naging armas nila angkanilang disiplina upang makaahong muli bilang isang malayang bayan. Tulad ng Singapore.Inspirasyon ng marami ang mabilis na pag-unlad ng bayang ito, mula sa isang mahirap nabansa noon 1800s hanggang sa pagiging industriyalisadong bansa sa kasalukuyan.Bakas na bakas ang disiplina sa iba“t ibang aspekto ng kultura ng Singapore. Kitang-kitarin ito sa ilang panitikan na nagmula sa kanilang munting bansa.Maraming aral ang maaring natutuhan ng ibang bansa sa Singapore, lalung-lalo na salarangan ng disiplina at pamamalakad sa pamahalaan. Isa ang bansang ito sa mga karapat-dapat tularang bansa sa buong Asya, at maging sa buong mundo ANG PANITIKAN NG MALAYSIA Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga hikayat , isang akdangromantiko sa tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag- unlad ng modernongkathang Malay ang mga panulat ni Abdullah bin Abdul Kadir Munshi (1797-1856). Sa kanyangpaglalakbay sa arkipelagong Malay, itinala niya ang kanyang mga personal na obserbasyon atkritisismo ukol sa tradisyonal at kontemporaryong lipunang Malay. Ang pinagsamangindibidwalismo at realismo sa panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang Malay. Bagonoon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipe“t prinsesa sa mga makalangit na kaharianang mga namayaning katha.Noong mga 1920-1930, unang nalathala ang mga nobela“t maikling kuwento. Sa simula,walang layuning pamapanitikan ang mga ito, maliban sa layuning didaktibo o pagkintal ngmabubuting aral.Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulatpampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas “50 na nagpasiglasa klimang pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at eksperimentasyong pampanitikan.Naging islogan ng Asas “50 ang “Sining para sa Lipunan.“ Bagaman patuloy na sumulat angmga manunulat ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila tinalikuran ang pansining na aspektong pagsusulat.Ang Kuala Lumpur ang naging sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada60. Hindi nalalayo sa ating Carlos Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang DewanBahasa Dan Pustaka sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang mga kathang batikang manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sinaShahnon Ahmad at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ngbuhay ng mga magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang pananaw at sa paraan ngpagsasalaysay sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan, mabisaniyang nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa karanasangMalay. ANG UGAT AT PAG-USBONG NG NOBELANG TAGALOG Sa kasaysayan ng Nobela sa Kanluran, may namamayaning pagtuturing sa anyong itobilang isang uri ng reaksiyon sa seryosong himig ng mga tradisyonal na romanse, napumapaksa sa iba“t ibang kabayanihan at kadakilaan. Ganito ang naging
  13. 13. pagpapahalaga,halimbawa, sa mga obra maestrang itinuturing na ninuno ng Nobela: ang Don Quixote ni Miguelde Cervantes, ang Gargantua at Pantagruel ni Francois Rabelais, at ang Decameron niGiovanni Boccaccio.Sa kasaysayan naman ng Nobela sa Pilipinas, hindi iilan ang mga mananaysay-pampanitikan na nagsasabing mauugat ang pagkatha sa mga sinaunang epiko, at kalauna’y sanaging paglaganap ng iba’t ibang Pasyon noong Panahon ng pananakop ng mga Kastila.Binibigyang-diin sa ganitong pag-uugat ang pagtataglay ng tiyak na naratibo o salaysay ngepiko at pasyon na siya ring pangunahing nagtatahi sa kabuuan ng Nobela.Magkakaroon ng suliranin ang ganitong uri ng pag-uugat sa kaso ng Nobelang Tagalogsapagkat wala silang naisalbang epiko sa kasaysayan, hindi tulad ng ibang katutubo saPilipinas gaya ng mga Ifugao (na may Hudhud at Alim ) o ng mga Manobo (na may Ulahingan ).Kaya naman, nagiging higit na makatwiran ang pagbabalik ng mga Tagalog sa mga tinaguriangProto-Nobela na nakasulat na sa prosa. Sa hanay ng mga ito, unang nalathala noong 1708 angBarlaan at Josaphat na isinalin ni Fray Antonio de Borja sa Tagalog mula sa orihinal na Griyegoni San Juan Pamasceno. Subalit higit na naging mahalaga ang Urbana at Feliza ni Modesto deCastro at Si Tandang Basio Macunat ni Padre Lucio Miguel y Bustamante, na kapwa nagtuonsa bisa ng edukasyon.Kinikilala naman ang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña bilang siyangunang naisaaklat na nobela na nalimbag noong 1904. Naging popular ito sa bayan dahil naginghalos kapanabay nito ang umaangat na bilang ng mamamayang nagiging aral at marunongbumasa, bukod pa sa nauna nang sekularisasyon ng mga palimbagan.Naging pangunahing bukal ng mga kabilang sa unang henerasyon ng nobelistangTagalog ang kani-kanilang karanasan, lalo na ukol sa pagpapalit ng sistemang kolonyal mula sapananakop ng mga Kastila hanggang sa mga Amerikano. Kaya naman, bagaman malaki angbilang ng mga nobelang pumapaksa sa pag-ibig at ugnayang pampamilya, madalas nanakalunan ito sa mga tiyak na pangyayari sa kasaysayan, kaya’t nagiging historikal ang modang akda. Dito kinilala ang halaga ng nobelista bilang mananaysay din. At bilang mananaysay,nagbigay ng tuon ang mga nobelistang ito sa isang uri ng realismo na higit na sosyalista ang oryentasyon, at nakita bilang halimbawa ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos na nalimbagnoong 1906.Gayunpaman, sa mga sumunod na dekada, higit na magtutuon sa partikular atindibidwal na karanasan ang mga akda. Mabibihisan ng higit na romantikong oryentasyon angmga realistikong akda ng mga unang dekada ng ikadalawampung dantaon. Sa mga panahonding ito, higit na napalaganap ang mga nobelang Tagalog sa mga pahayagan at lingguhangmagasin, gaya ng Liwayway , na itinatag noong 1922 at mabibili’t mababasa pa rin hanggang sakasalukuyan.

×